Angelica Panganiban and Derek Ramsay deny breakup reported in PEP Alerts

Noel Orsal

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang i-post ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa PEP Alerts kahapon, March 31, ang tungkol sa balitang "hiwalay" na ang magkasintahang sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, nagkaroon agad ng reaksiyon mula sa kampo ng dalawang Kapamilya stars. Parehong itinanggi nina Derek at Angelica ang maikling report na ito sa PEP Alerts: "Tungkol sa magkasintahang Derek Ramsay at Angelica Panganiban: Ang alam ng PEP ay hiwalay na ang dalawa. Bagamat walang kumpirmasyon mula sa sinuman sa kanila, sinasabing si Derek ang mas handa sa hiwalayang ito." Sa text message na ipinadala ng PEP contributor at PMPC president na si Melba Llanera sa PEP staff writer na si Nerisa Almo kahapon, sinabi nitong kaka-text lang niya kay Derek at tahasang sinabi ng aktor na hindi totoong hiwalay na sila ni Angelica. Ilang minuto naman pagkatapos nito, nakatanggap ng report ang PEP mula sa isa pa naming contributor na si Rommel Placente. Ayon daw sa handler ni Angelica na si Cris Navarro, hindi totoong break na ang aktres at si Derek. "Napahalakhak" nga lang daw si Angelica nang tanungin siya ng kanyang handler tungkol dito. Kaagad namang inilathala ng PEP sa PEP Alerts ang pagtatangging ito ng mga kampo nina Derek at Angelica. Mabilis ding kumalat sa social networking sites gaya ng Twitter at Facebook ang balita. May iba pa ngang artista na nagsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon tungkol sa report, gaya ni Ruffa Gutierrez. Ayon kay Ruffa, nakausap niya raw ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong, at itinanggi rin nitong hiwalay na ang kanyang alaga at si Angelica. ANGELICA'S SNN INTERVIEW. Kagabi rin ay nagpa-interview si Angelica sa late-night showbiz talk show ng ABS-CBN na SNN. Dito ay itinanggi muli ng aktres ang lumabas na report. Aniya, "Siyempre, hindi. Actually, last week pa kami sinasabing hiwalay na. Tumawag rin sa akin si Derek. Sabi niya, 'May nanggugulo ba sa 'yo?' Sabi ko wala naman, sabi ko may mga nagte-text lang." Sinabi pa ni Angelica sa SNN na bagamat sanay na siya sa ganitong klaseng "tsismis," nagulat pa rin siya sa lumabas na report.

"Actually, nakakaloka nga kasi may blog ako and nilagay ko pa doon 'yong mga pictures namin noong nag-date kami noong Tuesday [March 29]. Sabi ko pa nga, ang saya- saya namin doon. Kahapon kasama namin ang family ko, nag-dinner din kami... So, nakakagulat na biglang ganoon," sabi niya. Muli ay pinagtawanan lang ni Angelica ang bagong isyu sa kanila ni Derek. "Ang ganda ko lang kasi talaga at masyadong hunk ang dyowa ko. Sorry, kami ang pinakabagay sa buong mundo. Mamatay talaga sila sa inggit!" sabi pa ng aktres. DEREK ALSO DENIES SEPARATION. Samantala, itinanggi rin ni Derek ang balitang hiwalay na sila ni Angel sa panayam sa kanya ni Ricky Lo, para sa column nito saThe Philippine Star na "Funfare," na lumabas ngayong araw, April 1. "Sorry to disappoint the writer of that 'scoop,' but Angelica and I are okey na okey," sabi ni Derek. Dagdag pa ng aktor, "Habang kami ay pinaghihiwalay, mas lalo kaming tumitibay." Noong nakaraang linggo lang ay napabalitang may ibang girlfriend diumano si Derek na tagaDumaguete City. Pero mariin din itong itinanggi ni Derek sa panayam sa kanya ng The Buzz. "There's no truth to this thing," diin niya. "Nagpunta nga ako ng Dumaguete para mag-recruit ng [frisbee] player, tapos may girlfriend na ako? May tsinek-in daw ako sa hotel na kaming dalawa lang? Kasi nadadamay na rin ang hotel that I stayed in, mga pamilya ng mga kaibigan ko..."

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful