You are on page 1of 3

Si Kapitan Tiago a isang mabuting mamamayan na nakatira sa kasuluksulkan ng bayan ng Bataan.

Siya ay mayamang tao, malawak ang lupaing kanyang pag aari at masasabing di kayang tawirin ng ibon sa lawak ng kanyang mga lupain. Sa kabila noon ay napakasimple ng kanyang pamumuhay, hindi siya kakikitaan ng kahit ga buhok na kayabangan, siya ay mapagkumbaba at maunawain sa kapwa. Sa katunayan siya mismo ay kasamang lumilinang ng kanyang mga kasamahan sa bukid kung panahon ng pag tatanim at gayundin kung panahon ng pag aani. Hindi mo siya basta basta makikilala kung kasama niya ang kanyang mga manggagawa sa bukid at minsan ay mas magara pa ang kasuutan ng kanyang magbubukid kesa sa kanya. Minsan ay lumuwas ng bayan si Kapitan Tiago, suot niya ay lumang kamisa de tsino, pantalong maong na halos namumuti na dahil kinupasan na ng kulay dahil sa kalumaan, lumang tsinelas na de sakbat at sumbrerong halos lagas na. Lulan siya ng pampasaherong jeep na punong puno na at halos magkakadikit na ang mga siko ng mga pasahero sa sikip. Habang tumatakbo ang sasakyan ay may isang pasahero ang pumara, huminto ang jeep at bumaba ang pasahero at nagkataon din naman na may dalawang babae na mag-ina ang nagaabang ng masasakyan sa hinintuan ng jeep, at dahil isa lamang ang bumaba sa jeep ay hindi na maaring mag lulan pa ng sobra sa isa, at nagkataon naman na napakainip na panahon ng oras na iyon ay nakiusap ang magina na isakay na sila at kahit pa mag kandungan na lamang sila, ngunit di pa man natatapos magsalita ang ina sa dalawang pasahero ay boluntaryo nang bumaba si Kapitan Tiago, at bago bumaba ay iniabot sa driver ang sampung pisong buo upang magbayad, nagkataon yata at alang barya ang driver sa halip na suklian si Kapitan Tiago ng tatlong piso bilang sukli ay inabutan siya ng limang pisong buo, buong pagpapakumbabang tunuran ni Kapitan Tiago na wala siyang dalawang piso para makumpleto ang kanyang ibinayad, ngunit sumagot ang driver na hindi bale na lamang po at total naman ay mas malaki ang kikitain niya dahil nagkusa siyang bumaba upang makasakay ang dalawang pang pasahero, sa sinabing iyon ng driver ay agad naming iniabot ni Kapiatn Tiago ang limang pisong coin at tinuran na hindi bale na lamang po, mas kailangan po ninyo ito at ipagpalagay na lamang natin na iyan ay pambili mo ng kendi na pasalubong mo sa iyong anak. At saka mabilis na tumalilis bago pa man nakapagsalita ang driver upang magpasalamat. Medyo malayo din ang nilakad ni Kapitan Tiago bago niya narating ang kanyang patutunguhan, iyon pala ay isang piging para sa pag-iisang dibdib ng anak na lalaki ng isa niyang kasama sa bukid at ang lugar ay ang tahanan ng babaeng mapapangasawa ng kanyang kasama. Nagkataon din na kaalukuyan pang naggagayak ang mga tao habang hinihintay ang mga bagong kasal galing sa simbahan pati na rin ang kanyang kasama. Halatang mayaman ang may ari ng bahay at napakalaki ng bakuran at mahahalata sa mga kagamitang porselanang pinggan at kubyertos na ito ay hindi ordinary lamang ay halatang mamahalin, kaya naman ay panay ang paalala ng katiwala sa mga trabahador na mag-iingat at pag may nabasag na porselana ay kanya itong pananagutan. Napgwari tuloy ni Kapitan Tiago na kaya pala todo

ang pagmamakaawa sa kanya ng kanyang kasama upang makabale ng malaking halaga upang gamitin sa kasalang iyon. At dahil nga sa kasuotan ni Kapitan Tiago ay napagkamalan siyang isa sa mga katulong at agad na naatasan na tumulong sa paglalabas ng mga gamit. At habang siya ay tumutulong ay hindi niya naiwasang marinig ang pagbubunganga ng isa sa mga tao doon na kamag anakan yata ng ikakasal, isang todo postura at kumpleto sa alahas. At doon ay narinig niya na inaalipusta ang ikakasal na lalaki na kesyo ito daw ay isa lamang daw anak ng hamak na magbubukid at kung hindi nga lamang daw nadisgrasya nuong lalaki ang babae ay hindi papayag ang magulang ng babae na sila ay makasal. At hindi raw sila naniniwala sa tunay na pag-ibig. Ngunit hindi iyon pinuna ni Kapitan Tiago dahil hindi niya ugali ang makialam sa buhay ng ibang tao, maliban na lamang kung siya ay madadamay. Hindi naglaon ay nagkaingay ang mga tao, kaya pala ay parating na ang mga ikinasal at maya-maya ay pumarada ang limang magagarang sasakyan na kumpleto adorno lulan ang mga ikinasal, mga abay, mga ninong at ninang at mga magulang ng ikinasal. Madaling namataan si Kapitan Tiago ng kanyang kasama, at dali-daling lumapit sa kanya at hiyang-hiya na nagpaumanhin, at hindi siya maasikaso, lalo pa at nakita siyang katulong ng mga naggagayak ng mahabang dulang. Kaya naman pilit niyang pinaupo si Kapitan Tiago na maupo kasama ng iba pang mga spesyal na mga panauhin, at doon ay kapuna puna ang kaibahan ng bihis ni Kapitan Tiago sa mga taong nakapaligid sa kanya na magagara nag damit at todo alahas pa. Maya maya pa ay nagsimula nang mag hain ng pagkain sa mga panauhin, ngunit kapuna punang dinadaan danan lamang si Kaptan Tiago ng naghahain at hindi siya hinahainan, at kapuna puna pa na nakasimangot ang mga naghahain tuwing mapapadaan sa kanya. Hindi naman nagpapakita man ng kahit kaunting inis si Kapitan Tiago. Ngunit nang mapuna ng kasama ni Kapiatn Tiago ang nangyayari ay siya na mismo ang kumuha ng makakain at ihahatid sana kay Kapiyan Taigo, ngunit sa aktong iyon ay lumapit sa kanya ang kanyang balae at kinastigo siya dahil bakit daw siya nagsasayang ng pagkain na dapat lamang sa mga mararangyang tao at iyon ay hindi nalingid sa matalas na pandinig ni Kapitan Tiago at mabilis na tumayo ngunit magalang na nagpaalam sa kanayang kasama at nagsabing sandali lamang siyang uuwi sa kaniyang tahanan at may mahalaga siyang nakaligtaan. Nagpatuloy ang kasayahan sa piging at kapuna puna ang pagpapayabang ng magulang ng babaeng ikinasal sa magarang gayak ng kanyang anak at hindi maikakaila na napapaismid kapag ang kanyang hamak na manugang na ang pinag uusapan, at sa parteng iyon ay may pumaradang mamahaling sasakyan na gawa pa Europa, at nang ipagbukas ng driver ng pinto ang kanyang pasahero ay bumaba sa sasakyan ang isang ginoo na makisig na makisig ang gayak na nakasuot ng mamahaling terno, ang barong na suot ay halatang yari sa pinya na hinabi ng kamay, at mas magara pang burda na pawang gawang kamay. Ang mga sapatos naman ay bota na yari sa katad ng buwaya ay kimikislap sa kintab. Nang mapuna ito ng ina ng ikinasal ay dali-daling sinalubong si Kapitan Tiago at inalalayan pa hanggang makarating sa pinakaespesyal na upuan at saka hinainan ng mamahaling alak, at maya maya pa ay hinainan na rin ng pagkain na halatang bagong luto pa. At sa aktong iyon ay kinuha ni Kapitan Tiago ang pinggan ng mga pagkain at ikinaskas sa kanyang magarang damit at ang mamahaling alak ay ibinuhos sa

kanyang mamahaling bota at saka siya nagwikang patuya na Kanina ay nandito ako at halos hindi ninyo ako napuna dahil sa kagayakan kong isang pangkaraniwang mamamayan lamang , at halos pinabayaan ninyo ako na halos magutom. At ngayon palibhasa magara nag aking kasuotan ay parang hari ninyo akong itinuring at Hainan pa ninyo ako ng inyong pinakamasarap na pagkain at alak, samantalang iisang tao lang naman yung kanina at ngayon. At siguro dahil sa magara kong gayak kay nag-iba ang inyong paningin sa akin. At kaya naman halatang halata na ang lahat ng inyong inihain ay para lang sa aking gayak. At kaya inilagay ko ang lahat ng ito kung saan ito nararapat. At nais ko ring ipaalam sa may ari ng bahay na ito na magmula ngayon ang bahay na ito at maging ang lahat ng laman at pag aari ng nga aking mabuting kasama bilang regalo ko sa kanilang kasal, dahil ito ay matagal nang nakasanla sa bangko na aking pag aari at hindi lang isang taon na itong rematado dahil sa hindi ninyo pagbabayad ng utang. Pagkatapos magsalita ni Kapitan Tiago ay hinubad ang dating magarang damit at muli ay lumantad ang dating kupas na maong, lumang kamisa de tsino at gomang sinelas na de sakbat. At magalang na nagpaalam sa kanyang kasama at kinamayan ang mga bagong kasal.

Bonifacio