AUSTRALYA Ang Komonwelt ng Australiya o Australiya (Kastila: Aus·tra·lia) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang

bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isangfederasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy.

BUTAN Ang Kaharian ng Bhutan ay isang bansang walang pampangna nasa mga bundok ng Himalaya, sa pagitan ng India atTsina sa Timog Asia. Druk Yul ang lokal na pangalan ng bansa. Tinatawag din na Druk Tsendhen (lupain ng dragong kulog), dahil sinasabing katunog ng ungal ng mga dragon ang mga kulog doon. Sa kasaysayan, kilala ang Bhutan sa maraming pangalan, katulad ng Lho Mon (katimogang lupain ng kadiliman), Lho Tsendenjong (katimogang lupain ngcypress), at Lhomen Khazhi (katimogang lupain ng apat na mga paglapit). Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalangBhutan; inimungkahi ng mga dalubhasa sa kasaysayan na maaaring nagmula sa baryasyon ng mga salitang Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot ± ang ibang salita para sa Tibet), o Bhuuttan (mataas na mga lupain). Tinatayang ginagamit ang salitang Bhutanbilang pangalang noong huling bahagi ng ika-9 na siglo BC.

CROATIA Ang Republika ng Croatia ay isang bansa sa Europa na karatig ng Mediterraneo, gitnang Europa, at ngBalkans. Isa itong dating republika ng Yugoslavia. Zagreb ang kapital nito. Sa kakaraan lang nakasaysayan ay isang republika ng Yugoslavia ang Croatia ngunit nakamit nito ang kalayaan noong 1991.Kandidato ito sa pagkaestadong-myembro sa Unyong Europeo.

DOMINIKANA Ang Republikang Dominikana (Ingles: Dominican Republic, Kastila: República Dominicana) oDominikana ay isang bansang matatagpuan sa silangang bahagi ng pulong Karibe ng Hispaniola, nasa hangganan ng Haiti. Hispaniola ang pangalawa sa pinakamalaking pulo sa mga pulo ng Greater Antilles, at nasa kanluran ng Puerto Rico at silangan ng Cuba at Jamaica.

ERITREA Ang Estado ng Eritrea, (internasyunal: State of Eritrea, mula sa Italyanong anyo ng Griyegong pangalang [Erythraîa; tingnan din Talaan ng mga tradisyunal na mga Griyegong lugar], na hinango mula sa Griyegong pangalan para sa Dagat Pula) ay isang bansa sa hilaga-silangang Aprika. Napapaligiran ito ng Sudan sa kanluran, Ethiopia sa timog, at Djibouti sa timog-silangan. Mayroong mahabang pampang sa Dagat Pula ang silangan at hilaga-silangan bahagi nito. Naging malaya noong Mayo 24, 1993 mula sa Ethiopia, ang bansang ito ang isa sa pinakabatang estadong malaya.

PIDYI Ang Republika ng mga Pulo ng Pidyi, Republika ng Kapuluan ng Pidyi, o Pidyi, (internasyunal:Republic of the Fiji Islands) ay isang pulong bansa sa Timog Karagatang Pasipiko, silangan ngVanuatu, kanluran ng Tonga at timog ng Tuvalu. Sinasakop ng isang kapuluan na may dalawang kalakihang pulo, Viti Levu at Vanua Levu, kung saan nakatira ang karamihan sa mga mamamayan, at kasama ang higit sa walong daang mga pulo na may isang daang regular na mga mamamayan.

ANG GAMBIYA Ang Republika na Ang Gambia o Ang Gambia (internasyunal: Republic of The Gambia) ay isang bansa sa Kanlurang Aprika. Ito ang pinakamaliit na bansa sa kontinente ng Aprika napapaligiran ng buo ng Senegal, kasama ang Ilog Gambia sa gitna nito na lumalabas sa Karagatang Atlantiko. Noong 1965, naging malaya ang Gambia mula sa Imperyong Briton. Banjul ang kapital nito.

UNGGARYA Ang Republika ng Unggarya (Magyar Köztársaság), o Unggarya (Magyarország), ay isangbansang walang pampang sa Gitnang Europa, napapaligiran ng Austria, Slovakia, Ukraine, Romania,Serbya, Croatia at Slovenia. Sa lokal na pagtawag, kilala ito bilang ang Bansa ng mga Magyar.

IRAN Ang Iran (Persa: ) ay isang Gitnang Silangang bansa na matatagpuan sa Timog-kanlurang Asyana pinapaligiran ng Aserbayan, Armenya, at Turkmenistan sa Hilaga, Pakistan, at Afghanistan sa silangan, Turkiya at Irak sa kanluran. Bagaman kilala na ito ng mga katutubo bilang Iran simula noong panahon ng dinastiyang Akemenida, tinutukoy ng Kanluraning Daigdig ang bansang ito bilang Persiyahanggang noong 1935. Noong 1959, ipinahayag ni Mohammad Reza Shah Pahlavi na maaaring gamitin ang parehong kataga. Noong 1979, isang rebolusyon na pinamunuan ni Ruhollah Khomeini sa kalaunan, ang nagtatag ng isang a teokratikong Republikang Islamiko at pinalitan ang pangalan ng bansa sa Ang Republikang Islamiko ng Iran ( ).

HAMAYKA Ang Hamayka (Ingles: Jamaica) ay isang bansang pulong matatagpuan sa Karibe. Doon sa Hamayka ipinanganak ang sikat na artista na si Bob Marley. Dito inimbento ang sikat na musikang reggae.

KENYA Ang Republika ng Kenya (internasyunal: Republic of Kenya), ay isang bansa sa Silangang Aprika. Napapalibutan ng Ethiopia sa hilaga, Somalia sa hilaga-silangan, Tanzania sa timog, Uganda sa kanluran, at Sudan sa hilaga-kanluran, kasama ang Karagatang Indyan sa timog-silangan.

LUXEMBOURG Ang Dakilang Dukado ng Luxembourg o Luksemburgo (pinakamalapit na bigkas /lúk·sem·burk/) o Groussherzogtum Lëtzebuerg sa Lëtzebuergesch ay isang maliit na bansa sa hilangangkanlurang bahagi ng Unyong Europeo sa kontinente na hinahanggan ng Pransya, Alemanya, at Belhika.

MONAKO Ang Principalia ng Monako (internasyonal: Principality of Monaco; Munegascu: Principatu de Mùnegu; French: Principauté de Monaco) ay pangalawa sa pinakamaliit na bansa sa buong mundo (sunod sa Vatikan). Isa rin ito sa mgamicrostates ng Europa.

NICARAGUA Ang Nicaragua (binabaybay ding Nikaragwa) ay isang republika sa Gitnang Amerika. Ito ang pinakamalaking bansa sa Gitnang Amerika ngunit pinakamaliit sa densidad ng populasyon. Napapaligiran ito ng Honduras sa hilaga at ng Costa Rica sa timog. Ang Karagatang Pasipiko ang kanlurang pampang nito, samantalang Dagat Caribbean naman sa silangang bahagi. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa Nicarao, ang pinakamalaking katutubong tribo nang dumating ang mga Kastila, at sa salitang Kastila na Agua, nangangahulugang tubig, dahil sa dalawang malalaking lawa sa kanlurang ng bansa, ang Lago Managua at Lago Nicaragua.

SUWESYA Ang Kaharian ng Suwesya o Kaharian ng Sweden (Suweko: Konungariket Sverige; Ingles: Kingdom of Sweden) ay isang bansang Nordik sa Scandinavia, sa Hilagang Europa. Ito ay napalilibutan ngNoruwega sa kanluran, Pinlandiya sa hilagang silangan, ng Skagerrak Strait at Kattegat Strait sa timog kanluran at ng Dagat Baltiko at Gulpo ng Bothnia sa silangan. Ang Sweden ay may mababang densidad ng populasyon sa lahat ng kaniyang metropolitan area.