MAHARLIKA, Gumising Ka

Nang ako’y dumating, agad tinungo ang mga bulag, bingi, ang
mga tulog na sanggol ay ginising ,binigyan ng paningin at pandinig upang makilala ang ipinarito kung sino at ano, na ang tuntunin ay ganapin ang naganap na. Hoy, maharlika, gumising ka . Si tatay mo ay dumating na, may alay sa lahat kahit parating pa lang sila. Humihikbing lupa ay hindi na sisingil pa sa ginawang pagtalikud sa kanilang mga salita. Ang bawa’t buhay ngingiti na; sa hapding tinamo ‘di na mahalaga, sa iyong dulot ng pagka-unawa ; ikaw at ako iisa lang pala. Na ‘di dapat siphayuhin kahit sino siya, na ang hangad na pagkakaisa ay natabingan lang ng ‘di pagkakakilala. Ngayo’y, hito, huwag ng humilik pa, upang laging gising sa harap ng bawa’t salita na ako na naparito ay sumumpa na, na sa katawang lupa susundin ang turan sa pasimula. KAKAYAHAN Kalimutan mo lang, huwag mong pansinin yaong bang wala kang ano man sa kanya at siya at walang ano man sa iyo. Kilos ka ng iyo/ Magisip ka ng iyo lang. Simulan mo ang paninirahan ng nag-iisa. Tahimik ka lang hanggang tinatanggap mong kalakip ka nila ay mapipilitan kang maging gaya nga. Kaya tanggapin mong tanging ikaw lang at walang sino man. Ikaw ay magiging mapayapa dahil kanila ang kanila, sa iyo ang sa iyong kagustuhan. Tandaan mo ang sa iyo; kung ano na sila ay hindi sali sa iyo at ikaw hindi kasali sa kanila. Kaya magsaya ka kahit na ikaw ay nariyan sa isang kinalalagyan. Gawin mo ang sa iyo, parang wala sila at ikaw lang ang nagiisa diyan. Kaya wala kang nadidinig ‘o nakikita man upang ang isip mo’t kalooban ay hindi masagi.
1

‘Yan ang pinaka walang katulad, ang patawarin sila sa knilang kakulangan. Unawain mong lagi yan ang ugali rito ng mga nasa loob na ng katutuhanan ang sila’y patawarin sa sa lahat ng pagka walang malay sa kanilang gawa. Walng katulad na kapatawaran. Hindi yan gutom kundi agam-agam ng kapasiyahan. Subukin mong huwag alalahanin ang bawa’t gawa nila at iyong makikita ang katuturan ng iyong pagtitiis sa karapatan na ang lahat ay talo ng kapatawaran, ’pagka’t ano mang uri na gawa ay ‘di kayang taggapin kung ipinagpatawad ay ‘di mananaig. Ngayon ikaw ay nag-iisa na d’yan sa landas mong napasokan yan ay hindi na kakayanin ng kahit sino pang iyong tuturuan, ‘pagka’t yan ang problema ng karamihan ang magpatawad ng kalapastanganan sa kalikasan . At ang kapatawaran na ‘yan na iyong gagawin sa ngayon ay tinalo mo na ang lahat ng karunungan. ‘Yang ang Hari ng mga Hari ‘o ‘yan na ang haligi ng Aking sarili. ‘Yan ang walang kapantay, ‘Yan ang lumusaw ng lahat ng katuwiran. Ang kapatawarn ay siyang luklukan ng KAKAYAHAN. ‘Di ba, kahit hindi ka pansinin dito sa daigdig na ito, ay walang ipikto sa iyo ‘pagka’t napatawad mo na sila bago pa nagawa ang mang upasala ng sinoman man at alin man. Kaya ni ang tumingin ay iwasan ‘pagka’t ang buhay ay nahihiya sa kanyang mga gawa at ito ang kamatayan ng bawa’t may buhay. Kay’t kahit na ang tala man na minamasdan ay nawawala ang buhay kung ito ay iyong mamasdan. Kaya’t iwasan na ito’y pagtu-unan ninyo. Kapag ganito ka na, dito ka pa lang makakalaya sa ano mang ‘di nauunawa. ‘Pagka’t ang kapatawaran ay ‘di nakikipag pangangatuwiran at malinis ang kalooban. ‘Yan ang sinasabi na walang pinanghihinayangan na ni gatuldok ng karayom. Hindi yaong iwanan ang ano mang tinatangkilik upang sabihin lang na ikaw hindi nagpahalaga ng ano man. Lagi na, lagi na, Anak ko, na sila’y iyong patawarin, at kung iyong pinatawad ay walang dugtong iyon na ano pa man. Kung hindi matututo ang sino man na magpatawad, ikaw man lang ay ma-iba. Bakit ninais ng
2

mga nasa loob ng yungib manirahan; ‘pagka’t ‘di nila makayang patawarin ang gawa nitong mga nasa labas …sa kanila ay ‘di dapat ipagpatuloy. Kaya’t ikaw, sa tuwing may ilalapit sa iyo ay unahin mo lagi ang sila’y pagkaluoban ng kapatawaran at saka pagpala-in kung tatanggapin ‘o kahit na ayaw ay pagpala-in mo sila – ‘yan na ikaw …wala ng turing ‘o uri.. ‘Pagka’t ang kapatawaran ay ‘di umu-uri ng sino man ‘o ang kapatawaran ay walang kapalit. Ang Diyos ay walang katumbas ‘o kapalit. Tandaan mong lagi, inuulit ko, anak. Dito magsalita ka man ‘o hindi ikaw ay walang batas na pananagutan ‘pagka’t ikaw ay punó ng kapatawaran. ‘Yan ang bawa’t bagay ay na-patawad na bago pa isilang. AKO ANG DIYOS, AKO ang katotohanan simula sa pasimula; AKO ang kapasidad sa paggawa ng lahat. AKO ang taga pagpatupad at ako rin ang tumutupad ng sinabi. AKO ang nag-utos … AKO ang utos…at AKO ang inutusan. Kaya kilalanin ang AKO kung SINO. Ang nagtanong ay AKO at ang tinanong ay AKO rin …at ang itinanong . Huwag magulumihanan sa sarili sa mga bagay na ito ‘pagka’t ito ang katutuhanan. Na, kung may tumotutul sa ano man, ay iisa lang ang lahat …maging alin pa man …ang kakayahang gumawa…Tandaan ito.

Ako ang Dios Ako ang Katutuhanan Simula sa Pasimula Ako ang Kapasidad sa PagGawa ng Lahat ‘Pagtinanggap mo sila, kaisa ka na nila at ikaw ay sila na …na kailangan mong manatiling matatag sa pagsunod sa kung ano ang sa iyo ay siyang manatili hanggang sa makontrol mo ang iyong sarili na ikaw ay siya
3

‘o sila na bagama’t kilala mong ikaw ‘yan ay manatili kang hindi ka papayag kung ano ang kanila. Ang magpatawad sa kasalanan ay pagsangayon sa kamalian, kaya’t hindi pwede na walang katumbas na pananagutan ang bawa’t kasalanan . ‘Yang ang dapat na umiral ‘pagka’t yaon ang kinakailangan na ganapin. Ang pagsisisi ay pag-ayon sa tama at balansing katayuan. Huwag mong intindihin sila. Huwag mong iisipin ang ano man gaya sa tinig sa isang halaman ng walang iniisip na kahit ano. ‘Yang ang dapat mong sundan. Upang walang bubuwisin na ano man sa ‘yo. Wala kang dapat na intindihin ‘o alamin kung ano ang isang ano. Kalimutan mo ang ano mang situasyon ‘o kalagayan ng kahit ano . Huwag kang kikibo sa ano pa man . Sige subukan mo ang wala lang ang lahat kahit na ano. Walang malay sa kahit ano man. Walang puna, walang pakialam sa kahit alin pa. Bakit wala? ‘Pagka’t walang kahit ano sa isipan. Kapag ganyan ka na, kahit saan ka pa tumayo ay wala ng bahagi sa iyo ang ano man at ikaw ay wala na bahagi sa ano man. ‘ ‘Yan ang pagkatalo ng elemento at panahon. ‘Yong wala kang sinasabi na kahit ano, kundi kusang nangyayari ng walang salita, walang damdamin, walang tinig, walang pandinig, walang pandama,… madali’t sabi, parang wala na ang kahit ano pero ayan ka. Ikaw ay dudu-on na sa wala ang lahat, pero ayan . Ang buhay ay buhay at ito’y mananahan sa init at lamig. AKO ang Dios AKO ang Katutuhanan simula sa pasimula AKO ang kapasidad sa PagGawa ng Lahat

upang bigyan ng wakas ang lahat ng kasamaan. Ang kasamaan ay ang saktan ang kaluoban,… at kapag ito’y sinaktan, babangon
4

Narito

ang katapat na kapighatian ng walang sino mang makakapigil maliban sa katuparan. Lahat, sino pa man ay a-akyat at mananagot sa harap na iyong nagawang kapasiyahan …kapasiyahan na hindi inalintana ang damdamin ng Lupa ay basta na lang inalipusta ang sariling kaluoban na siyang kaharap ng bawa’t isa. Kaharap ninyo ang inyong sarili at huwag itong lalapastanganin ‘pagka’t ikaw ‘yan.

7-14-04 Inuulit ko,hayaan mo sila kung ano ang gusto nila …tanging ang sarili ang bigyan pansin kung saan ang tungo nito. Sige, deretso ang gawin mo. Hindi ka kasali kanino man, ‘yan ang unawain mo. Ang ibig sabihin hindi ka katulad sa kanila. Ikaw ay may sarili kaya wala silang paki-alam sa iyo. Gagawa ng ayon sa iyo kung ano ang ibig mo. Wala kang paki-alam kung ano man ang iyong ginagawa, ‘pagka’t ang gawa ay walang pakialam sa may likha sa kanya ‘pagka’t hindi siya magiging isang gayon kung walang lumikha sa kanya …at ang may likha ang may karapatan kung kalian siya pananatilihin sa pag gawa sa kanya …na sa ano mang sandali ay maaaring siya ay alisin ‘o panatilihin ayon sa lumikha. Ang lumikha ay siyang nilikha …gayon ang lihim ng lahat maging alin pa man hindi lang natatalos ng mga kinau-ukulan. Tandaan at unawain lagi… na ikaw ang lahat lahat maging ito’y ano pa mang katayuan ng kahit na ano. AKO ANG DIOS AKO ANG KATUTUHANAN SIMULA SA PASIMULA AKO ANG KAPASIDAD SA PAG GAWA NG LAHAT

Ngayon ay aayusin na ang lahat wala ng kinikilingan ‘o inaayawan ‘pagka’t nangyari ang lahat sa walang paliwanag na dahilan kundi ang kalikasan ng walang pagsidlan ay kung ano ano ang mga kagagawan.

5

Tapos na ang lahat,…at ganap na dumating na ang walang dahilan. Sinabi ko na iwasan mo ang sumamba sa kung kanino, kundi tanggapin mo BUHAY at sundin ang gusto ng sarili at nabuo na sa iyo kung paano ang ibig kong sabihin na hindi maunawaan ng karamihan. ‘Yan na ang ibig ko ang lumakad ka na …oras na ng iyong panonongkulan kung ano ka at sino ka. 7-8-04 Batas ng katutuhanan sa bawa’t sandali ng kalagayan. Ang katutuhan ay nagsasa-ad na ang sinoman ay mamumuhay ng malaya, malaya mula sa kanyang kapuwa. Huwag gamitin ang isip, pandinig, paningin, damdamin… dito sa mundong ito. Hindi ito dapat madamay sa ano man. 7-14=04 Nangyayari ang mga problemang sinasabi sanhi ng ‘di pagkakakilala kung sino ang kaharap at ang pagkalimot kung sino ang bawa’t kalagayan. Ang tinig ay siyang salita at siyang pandinig, paningin, isip, damdamin ‘ o ang alin may iisa lang, ang kakayahan na siyang lahat na gumaganap bilang kaganapan. 7-16-04 Ako ang Dios Ako ang katutuhanan simula pa sa simula Ako ang kapasidad sa paggawa ng lahat Dios na katutuhanan simula sa pasimula, kapasidad sa paggawa ng lahat. Hindi ako kasama sa ano mang kagustuhan ngunit ako yaon. Ibinibigay ko ang ano mang kanilang nais.

6

Ako’y may nakikita ngunit walang paningin…nakakarinig nguni’t walang pandinig…may kaluoban nguni’t walang nadarama …may isip nguni’t walang dunong . Nag iisa, tanging nag iisa magpakailan man . Ako’y buhay nguni’t patay. May tinig nguni’t pipi…may salita nguni’t walang bibig upang mangusap. Ang lahat ay paglalaro lamang ng Dios at ang ano man ay isang kasiyahan lang. Ganito ang lahat ng mga pangyayari maging ano pa mang kalagayan na walang dapat na puna sa alin man. Ang puna ay ang pagtutol sa Dios . Kung magkagayon ay hindi mo narating ang Lumikha at ‘di mo nakilala kung sino ka. Ang katutuhanan ay ang ‘di nakikita ng paningin . Ang tutuo ay ang nakikita ng walang paningin . Ang nakikita ng mata ay ang balat-kayo . Ang matang nakakakita ay ang balat-kayong mata din. ‘Pag ang balatkayong mata ay may nakita , ang nakita nito ay balat-kayo din . Ang tutuo ay yaong nakabalat-kayo …at ang naka balat-kayong ito ay siyang tutoo at yaon ang kakayahan o’ Dios …ang may akda ng balatkayo. Kaya huwag tingnan ang balat-kayo kundi ang mag may suot nito. Tandaan, ang nakikita ng mata ay hindi siyang pansinin. Ang may dala nito ang bigyan ng pansin. Kilanlin ito. At ‘yan ay ikaw…at huwag na huwag mong ipagtaka …maling tukuyin ang balat-kayo kundi hindi mo maa-abut ang kakayahan sa paggawa ng lahat. Maaaring ipakita ang balat-kayo at maaaring ito ay itago sa kapuwa balat-kayo. Kailangan ang katutuhanan ay pagsuotin ng balat-kayo upang ito’y makita sa daigdig ng Balat-kayo. 7-17-04 Kunwari lang ang lahat …tulad lang sa isang paglalaro…nguni’t parang tutuo ang mga ito, pero hindi yan ang katutuhanang nasa likud ng lahat, ‘pagka’t pagkatapos ay muling isasa-ayos gaya ng isang larong
7

nilalaro, na pagkatapos ng laro ay muling uulitin, at ang lahat ay gayon. Kaya ang isipin ay ang manatili kang lagging nasa paglalaro . Huwag na huwag mong kakalimutan upang manatili kang manglalaro. Hindi maging laruan ‘pag tinutuo mo ang lahat ikaw na ang magiging laruan ng laro. . Tandaan na ang lahat ay laro lang. At ang sino man na ayaw n’yang mawala ang kanyang laruan ay tinututuo na nga ang paglalaro. Kung mag kakaganito ay ikaw na ang nilalaro ng laro at ikaw ay hindi na pasasalihin sa laro ‘pagka’t tinututuo mo na. Kaya tandaan ang lahat ay laro lang pagkatapos noon ay walang kalakip na kaluoban.

PAG-IISA Ang pag-iisa ay kailangan marating ng lahat. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ikaw ay maging tiwasay ayon sa lahat ng itong panukala na hindi ka gumagawa ng dahil sa panukala ng ibang kagustuhan ‘o ang ikaw ay mabighani ‘o maakit ng hindi iyong sariling kagustuhan kundi ikaw ay nahayag lang. Kaya ang pag-iisa ay walang kalakip na kaisipan ‘o panukala ng liban sa sarili. Kapag ikaw ay naakit at nabighani, ikaw ay a-ari-in na niyaung sa iyo’y nakabalani at ano man ‘yon ay aalipin sa ‘iyo at siya’y sa iyo naman. Ang lahat ay isang pagtalima lamang sa kapasiyahan mong maglaro ditto sa iyong panukala. Hindi ito tutuhanan na ang iyong paglalaro ay siya ng tutuo na gumagawa ng kung iyo nang nauunawaan. Ang kaluwalhati-an ng inyong buong kariktan na kalian man ay ‘di mawawari maging sino pa man…kundi tanging ikaw lang kung ikaw ay naabut na ang pag-iisa na hindi natangay ng kahit ano pa man. Ano man ang nagging sariling kapasiyahan. Ingatan na huwag kang magapus ng iyong mga laruan .Ang pagkakagapus ay kung iyo nang tintutuo ang paglalaro at ayaw mo nang mawala ang nilalaro. Ito’y magiging isang pagkakaalis bilang isang manlalaro …ito’y likas magaganap kung sakali’t ikaw nga’y nagnais na bigyan ng hangganan ang kalikasan ng kakayahan sa pagsasagawa ng walang katapusang saysay. Tulad ng isang hanging malamig na pumapasok sa butas ng ilong at ito’y lumalabas bilang isa na
8

itong hanging mainit…kaya kung ibig nang lumisan ng isang laruan upang ito’y maging iba namang anyo ang gagampanan ay huwag itong mabigatan ‘pagka’t ito’y pawang pagbabalatkayo ng katutuhanan na kunwari isang pulubi at isang marangya ‘o taga utos at utosan, ang mga ito ay pagbabalatkayo lang ng kaluwalhatian ng kakayahan. Talos na walang nadadagdag at nababawas kundi ang lahat ay pagpapanibago lang ng anyo na ang akala ay tutuo ng wala at tutuo ng mayroon. Ang lahat ng ito ay ayon lang sa bilis at bagal ng pagpapalit ng katayuan ng kalagayan. Kaya iyong tantuhin ang bilis at tulin ng pagbabago. Tandaan ang huwag mabalani ng kahit na alin sa iyong kaluwalhatian ‘pagka’t ikaw din ay iyong nakalimutan kung sino ka! Ang buhay ay patungong kamatayan . At ang patay any patungong mabuhay. Ang buhay ay nag-aalis ng buhay at ang patay ay nagbibigay buhay. Paano ba ang lahat ng ito ? Sa iyo nagmumula ang buhay at kamatayan ng wala kang malay na ikaw ay gumagawa ‘o ikaw ay lumilikha at ikaw ay siyang lumikha. At ang ginawa ay tinawag na nilikha gaya ng isang dula ‘o tula na nagawa.

7-25-04

IMMORTAL Ang pag-iisa ay siyang pintuan tungo sa walang katapusan ng
lahat, ang tanging kaligayahan na hinahanap ng bawat may katawang balatkayo. Dito ay pawang walang katulad na kaluwalhati-an ng pagmamasid sa kabila ng anyong pagbalatkayo ng katutuhanan . Kalagayan na nakakatuwa ang matalus ang katutuhanang nakabalut ng pagkalimot kung ano ang tutuo. Kay saya at nakakatuwa ang sila’y
9

pagmasdan na parang mga bata na walang malay kung ano ang mga nilalaro, na sa kawalang malay ay kung ano-ano ang mga ginagawa…nariyan ang mag-agawan sila ng lupa-in, mag-agawan ng akalang kaligayahan, ang siya’y tinitingala ng mga kasalamuha . Sila’y mga laru-an na makikita sa dula ang ito na bahagi ng pagkalimut kung ano sila. At dito iyong makikita na sila ay mga mosmos na nawawala at muling babalik sa panibagong pagbabalatkayo hanggang duon sa kung sino sa kanila ang maka-ala-ala ay hihiwalay upang kanyang tungohin ang landas patungo sa walang katapusang katutuhanan upang kanyang makita at mamasdan ang kanyang kamosmosan na ka-aya-ayang pagmasdan. ‘Pagka’t ang matalos ang katutuhanan ay wala ng katumbas na .…_____________________________...

Dito sa daigdig ng katutuhanan ay kaligayahan ng pag-iisa …walang kausap…pawang katahimikan…magkakaruon lang ng salita kung ang isang taga sa kamusmusan ay naka-ala-ala kung baki’t siya’y naruruon sa dulaang iyon at siya’y matututo ng mag-iisa sa kanyang kilos at gawa …na tapos kunwaring mamatay ay muling magbabalatkayo ang nilikha. At ang pagkagising ng diwang ito ang siyang nakakasilay sa pintuan ng katutuhanan upang ma-ala-ala ang lahat bago ang kanyang pagbabalatkayo. Ang sino mang mosmos na maka-ala-ala kung sino siya ay papasok at papasok sa pintuang kanyang kinalimutan sa pag’kukunwaring ‘di siya tutuo… Walang kasangguni ang isang immortal…tanging siya lang ang nakaka-alam kung ano man ang kanyang ginawa . Siya rin ang mag-aalis at magsasabuhay ng ano mang anyo’t kalagayan. Hindi ito nagsasabi kung ano man ang kanyang mga nilikha . Kaya ang isa , mayroon ang wala, at isawala ang naroon ano mang sandali. Ang lahat ay nagagawa n’ya ‘pagka’t hindi siya sumasangguni sa kahit na ano. Sa kanya, ang lahat ay pawing katuwaan…walang ano pa man isa-wala man ito ‘o sa mayroon, yaon ay katuwaan lang. Siya’y tahimik at hindi binibigyang puwang ang ugali ng saysay ‘o kabuluhan ‘pagka’t ang naalis at naibabalik ang kanyang mga gawa. Siya’y gumagawa ng ayon lang sa kanyang kaluwalhatian .
10

Walang kabahagi ng sino man sa kanya. Hindi niya alintana ang sino man, tanging ang kanyang gawa ang kanyang kilala, ‘pagka’t kung kaya n’ya itong ilagay ay kaya n’ya itong alisin. Siya’y nakikinig sa kanyang sarili at wala siyang ibabahagi alin man dito. Ang kanyang adhika siya lang ang nakakatalos na walang maaaring makahadlang na sino man. Siya ang tanging masusunod ‘pagka’t wala itong kasangguni sa kanyang mga panukala. Hindi siya lumalabis sa kanyang sarili kahit n’ya kayang gawin ang ano man. Wala ngang puwang sa kanya ang tinatawag na kabuluhan ng lahat. Katahimikan ang tuwina’y kanyang kasuotan . Hindi kumikitil ng buhay ang isang immortal . Ang gumagawa ng pagpatay ay yaong isang mortal ‘o ang may kamatayan ay siyang may karapatang pumatay, at ang isang immortal ay walang karapatang pumatay. –‘pagka’t sya’y hindi mamamatay. Ang kanyang gawain ay ang magpanatili ng buhay. Sa kanya ay bawal mag-alis ng buhay at kapag siya’y gumawa ng pagapatay, siya’y hindi na magiging immortal. …siya ay papasok na sa pagiging mortal ‘o may kamatayan na siya ayon sa kanyang kapasiyahan. At ang isang mortal naman hindi na kikitil ng ano mang may buhay kung siya ay papasok naman sa pagiging immortal. Ang sino man na gumawa sa alin man dito ay yaon ang kanyang kauuwian. Kaya mo nagawa ang magpanatili ng lamang inalis ay dahil sa may kaisipan kang sa immortal at kaya mo rin naalis ang inilagay ay dahil sa may kagustohan ka pang pumatay. Kaya kung ibig mo ang maging immortal dahil sa ikaw ay may pagka mortal ay manatili na huwag ng kikitil ng buhay sa ano mang paraan. Iwasan ang kaisipang sumira at kaluobang pumoksa ng kalagayan. Ang buhay ‘o lakas ay ayon sa iyong kagustuhan kung ano ang iyong ginusto. Kung ano ang ibig mo ay yaon ‘yon. Ang lahat ayon lang sa iyo kung ano ito, ‘yon ang patutunguhan ng lahat sa iyo. Ang buhay ‘o lakas, sa iyo ‘yon nagmumula ‘o lahat ng magaganap sa iyo ay sa iyo ito nagmula. Tandaan mo, iyan, ang lahat sa iyo ay immortal kung siya mong ibig…at ang lahat sa iyo ay mortal kung ito ay siya mo ring ibig. Kung magkagayon ay kung ano ang nagmula sa iyo ay siyang sasa-iyo. Kung ano ang naging pasiya mo sa sarili mo ay siya nitong kauuwian. Kaya ayosin mo ang iyong kapasiyahan kung ano ito ‘pagka’t sumusunod lang sa iyo sa
11

ibig mo. Walang ano man ang lahat nguni’t kung ano ang ginusto ay siyang resulta sa iyo. Walang maaaring sisihin ’pagka’t ikaw ang may likha niyon kaya ganon. Ang lahat nga ay walang wakas kung ibig mo at ang lahat ay may wakas kung gusto ‘yan talaga ‘yan, nasa iyo lang, Gawin mo, walang salang matutupad lahat. Akala kasi ang kinakain ay siyang lakas na nadarama, eh ‘di nanghina ka nang kumain ka ng kanin, eh ang ginusto mo ay ang katutuhanan , eh ‘di yaong ginusto mong katutuhanan ang lakas kasi ‘yon ang ginusto mo. ‘Yon ang nangyari kaya unawain mo ang gusto. May wakas ‘o walang wakas…sa alin dito kailangang isa lang ang pairalin. Kita mo sila sa wakas ang gusto , eh ‘di ‘yon din sila , ganon lang naman. Ang immortal ay walang ida-dagdag walang nababawas. Ang mortal ay may ida-dagdag may ibabawas.

BATAS
kamtin ang tunay n’yang sarili. Ang relasyon ang unang sanhi ng ikasasara ng pintuan ng katutuhanan. Ang relasyon ay pagpapahalaga sa isang akala ay mahalaga. Ang ganito ay kailangang maalpasan ng kaisipan …’pagka’t ang isip ay walang pakialam sa ano mang kahihinatnan ng mga pangyayari. Hindi susunod ang sarili kung ang kaisipan ay gapus ng relasyon. Kailangang ma-unawaan na kalian man ay hindi dapat makulong ang isip sa ano mang alalahanin . Ang pag-alala ay takot … at ang takot ay pagkadiskaril ng pagpapasiya ng sarili dulot ng takot sa akalang walang wakas ng inaakalang mahalaga. Hindi na nakapagpasiya ng maayos ang isip ito’y liligalig at lito. 8/14/04
12

Ito ang mga dapat maunawaan ng kaisipan na ibig

An waray kamatayon nagsiring nga an yaua na tawo an pagkilala han ngatanan nga ibutang an kamatuoran ha pag paging hanka waray labot ko han nga ira siring. An ngatanan iguin hatag na ha kalaianaw. 8/7/04 Ang lakas ‘o panghihina ‘o ano mang pangyayari ay wala sa ano mang bagay kundi ang lahat ay nasa kagustohan ng DIYOS. Ang akala lang ay dahil sa kinakain kaya may lakas ang sino man…ang sinasabing buhay at kamatayan ay nasa DIYOS. Kung ano ang sa DIYOS yaon ang siyang tatayo. Ito ang nagaganap. Kung ano ang ginusto, tiyak yaon ang matutupad. ‘Yan ang kanilang ginusto, hayaan lang sila, huwag sisihin… gumusto ka na lang ng sa iyo naman at yaon ang matutupad. AKO AN DIOS AKO AN KAMATOURAN TIKANG HAN TINAKINGAN AKO AN KAPASIDAD HAN PAGHIMO HAN NGATANANKALIKASAN, APOY, LUPA, HANGIN AT TUBIG ANG KAANYOAN-KAKAYAHAN

BATAS Dumarating na ang pag-iisa ng aking kaluoban ay maghahain ng
lubusan at ang aking bait at ala-ala ay hindi mauunawaan ng alin man ‘pagka’t walang bakas na makikita kung ano ang kagustuhan . Ito’y yayaon ng walang pansin sa alin man, ni ang karunungan ay ‘di magkakaruon ng
13

babala sa kahit na anong dahilan. Bigla at bigla wala na ang kadahilanan ng lahat walang sino man na nilaan upang ito’y malaman kun’di tanging kaluoban na lamang ang siyang may batayan .Walang sisisihan…basta. Ako’y buhay magpakailanman, sana’y maunawaan mo ang mga salaysay kung ito. Ang isang gaya ng isang katutuhanan ay hindi nag hahangad ng kung ano ang sasabihin ng sinoman. Tanging ino-unawa at ini-ingatan ang siya’y mahulog sa paki-alam sa kalouban ng sino man. Ito ang walang katulad na kina-iingatan na huwag madungisan ‘pagka’t kailanman ay hindi magiging isang AKO kung may nakalangkap dito na kahit na ano. ‘Pag sinabing AKO , samakatuwaid walang kalakip na ano pa man. Kaya ang ano mang nagmula sa AKO ay walang bahid sa kahit na anong bawa’t ano man hindi nagmula sa kanyang kaluoban. Kung ano ang nagmula sa AKO ay pananagutan ng AKO. Kaya kung ano ang sabi ng AKO ay sagutin ng pinagmulan … maging ano man iyon . Ito ang ingatan mo ! Anak ni AKO ! Sa nakaunawa sa akin ay walang relasyon ang iisa lang ang lahat. Ang alin man ay nawawala at nababalik kung siyang ibig. Kaya’t walang ano mang sisisihin sa mga kalagayan. Ang lahat ay pawang dahilan lang upang bigyan ng buhay ang bawa’t kaganapan. Gaya ng kung ano anong pagsasagawa ng pagtitiis upang makamit ang isang minimithi. Ginawang mortal upang naisin na maging immortal… at nagging immortal upang gawin ang maging mortal. ‘Pagka’t ang immortal lang ang makagagawa ng pagiging mortal. Ako ang Immortal Ako ang Mortal Ang Immortal – nananatili Ang Mortal – nagbabago Ako ang nananatili Ako ang nagbabago Ako ang kakayahan sa paggawa ng lahat. Tanggapin mo ang kalagayang ito.

14

10-27-04 Nakarating ka na sa tok-tok ng lahat. Handa na ang lahat para sa iyo. Lahat ng karamdaman ng materyal at spiritual ay tinatapos na. Hindi ka na kalakip sa kanila . Wala sa kumakain at hindi kumakain. Naunawaan mo na ang ibig kong sabihin. Ang kaligayahan ay kaligayahan Ang kalungkutan ay balat-kayo lang ng kaligayahan, sa kaligayahan ang lahat ay paruon.. ‘Yan ang iyong tandaan…alam mo ito at talus. Ang panganga-ilangan ay pagbabalatkayo lang ng kaligayahan na aking tahanan. Tumahan ka lagi dito at ang lahat ng balatkayo ay mawawala. Kahit ano pang wika … maging salita ay wala, ‘pagka’t wala ng mabibigkas na ano pa, pag ang kaligayahan ay tahanan na. 10-31-04 Walang mali ‘o gapos sa kahit na alin. Ang kaligayahan ‘o kuntentamento ng katahimikan ang siyang roruk ng kahit na ano pa. Sana’y matalos ng bawa’t buhay ang buhay ng galak na siyang katuturan ng ano pa man. Mula sa iglap na ito kung bakit may buhay ‘o pangyayari ang mga pangyayari…’o pag-iral ng mga umi-iral, ‘pagka’t ‘yon ay ‘yon at ito ay ito. Tandaan lang itong susunod: …na ang bawa’t buhay ay hindi saklaw ng ano pa man. …na kapag ang buhay ay sumaklaw at nagpasaklaw, ay hahangga ang kalagayan ng buhay sa panibagong kalagayan na kung tawagin nila ay kamatayan. Tandaan lagi ang tagubiling ito.

(Sgd)

XÅ|Ä|tÇÉ

15

12-21-04 Ang pagi-isa ay laging tandaan at huwag kaligtaan na siyang maging kaluoban na kaulayaw ang katahimikan. Ang iyong nararamdaman ay ang aking pagi-isa na minamasdan ko ang aking sarili. Ang kamalayan at ang balatkayong mga ka-anyuan ng katutuhanan. Ako na isang ikaw ay kakayahan. Ngayon ay pinili na manatili na pinili ang Buhay. Maha balik an karuyag ibalik, mabalhin an karuyag ibalhin. IMMORTAL

2-6-05 Ako an Dios Ako an kamatuoran tikang han tinikangan Ako an kapasidad han paghimo han mga tanan. Himang rawi hira nga an kada tagsa magbasul han iya mga pagtalapos han kina iya han kamatuoran nga aada ha matagusa. Kun ano an matuod amo an kilal-on. Kay kun diri umalagad hini nga pasabot an tuna mabantad ngadto hin pag buka ug an himo nga mariwahon han kamatuoran ngatakda hin kasugaran ha iya la ngahaw kakurian ug ha dida hini an mahasalin ha ira diri la gihapon mamate magiros an kalayo ha tuna ug an ha igbaw ngan ha masimo pakun masupak man ini nga mga butang. Ug hira kakaunon ngadto hin kapura. An mahisalin ha ira mga masinupakon han kamatuoran hihigupon han hangin ngadto ha kamakaharadlok nga kaagi hin ka pupus. An mahasalin hini aabuton hin diri sasabuton nga kamatayon han katungod magkaada hin lawas ngarod.
16

Ug hadton nan mati ug nagbasul makarawat hin kalipay nga puyanan nga lawas nga unod nga waray na pag bawi-a han kamatuoran.

(Sgd)

XÅ|Ä|tÇÉ

3-27-05

Ako an Dios Ako an kamatuoran tikang han tinikangan Ako an kapasidad han paghimo han nga tanan.
Natural la it pag sayap ngan natural la it pag hiasya ayaw pagpinanhuna–huna hin pag hiasya kay amo it kahimo hit katugbang nga pagsayap sa lit bayad it pag problema nga di mag sayop. Ayaw ug ayaw pagpinanhuna-huna kun mag a-ano pa. Buhata la it ano nga imo karuyag hin waray ano nga ano. Imo la o kalit la nga naruyagan kay an imo diri gin tatalingoha maka gios hin iya la. Gios hin imo la nga maka gios man hiri iya la, hiya la iya, imo la imo. Ini kapasidad kay magsiring kapasidad din mangat kapasidad amo an kasugaran kamutangan, oo magin ano pa, puro kamutangan. Sigi daw tikangi an kalit la. Waray tuyo-a waray tali ngahan. Ka an Dios Ka an kamatuoran tikang han tinikangan Ka an kapasidad han paghimo han ngatanan.

17

12-22-06 Ako ang kakayahan Ako ang katutuhanan simula sa pasimula Ako ang kapasidad sa paggawa nga lahat.

6-6-09 AKO ang DIOS AKO ang Katutuhanan simula sa pasimula AKO ang Kapasidad sa paggawa ng Lahat

Paano ka magiging ako o makakamit ang ako kung di ka Malaya at
may nakagagawang pakialam ka . Makakamit mo lang ang ako kung ikaw ay di na mapapakialaman ng sinoman. Kaya ako nasa puting bato tumatahan upang di mapaki-alaman, nguni’t naabut mo pa rin, kaya kailangan na matuto kang Manahan ng di mapapaki-alaman ng sino man kundi ang may kagaya mong kalooban ang makarating sa iyo. Kaloobang malinis na tapat marubdub sa katutuhanan. Walang ano pa man sa piling ng tao, nguni’t ang ibig nila ay kapuksaan. Ikaw ay nais ng kalayaan …ayaw nila…paano ka makakapiling sa kanila . Kaya maghanda kang kalimutan na ang mga iyan . Hindi ano pa man ang alin man … nguni’t walang kalayaan na kung ibig mong lumaya , palayain mo ang bawa’t kalagayan . Kung hindi mo palalayain , hindi ka rin n’ya palalayain . Palayain mo sila at palalayain ka nila. Gawin mo ang tulad sa ikaw ay wala. Ang alin man na iyong paki-alaman , ay pakiki-alaman ka rin . Gawin mo ang tulad sa ikaw ay wala. Tandaan ito, ikaw ay wala . Ako’y wala at kailanman ay di nakikita, mamalagi.
18

6-16-09

Mabuhay kang mag-isa. Manahan kang ikaw lang duon sa walang
tao na nakakakita sa iyo. Itago mo ang katawang lupa mo na hindi makita ng tao upang huwag mapakialaman ng kanilang isipan. Ang kaisipan ng tao ang gumagawa ng kasamaan sa maraming paraan. Lumayo ka sa kanila … yan ang tanging paraan upang hindi ka madamay sa kanila. Tandaan … ingatan na makita ang katawang lupa pag pumasok ka na. Galit…inggit … ganito ang isipan nila. Walang kasiyahan Lagi nang nag-iimbut . Hangga’t may nakikita ang kanilang paningin, tiyak makiki-alam ang isipan nila ng kung ano lang . Gawin mo ito…ang mamuhay na magisa. Ngayon , kung may makakatiis na kagaya mo … ay ‘di, tumulad din sa iyo. Yan ang kalayaan na kulungan …kalimutan… lumalaya lamang kung ini-iwan ang katawang lupa … tulad nila… at gayon ka nila ini-isip na hindi ka magtatagumpay . H’wag mag-ala-la … makakahanap ka ng lugar na mapag-kakanlungan…kalaya-an. Makalimutan ka ng mga nakakakilala sa ‘yo upang hindi ka magambala ang iyong pagka-Ako.

Ako ang Diyos. Ako ang katotohanan simula pa sa pasimula. Ako ang kapasidad sa paggawa ng lahat.

Huwag kang manghihinayang ni gatuldok ng karayum. Huwag kang gagaya sa kalakaran ng nag-aakalang siya’y tao . Iwasan mo ang kanilang mga palatuntunan na kalayawan. Tumingin ka lang sa kanila at irespeto mo sila ; ‘wag huhusga.. Kung kaya mong lumayo sa kanila , lumayo ka, pero mahalin mo lang sila.

19

Manatili kang ginto. Kung pipiling ka sa tao, T I N I G S A L I T A G A W A

Wagas na paningin, pandinig, wagas na Batong Buhay na lumalakbay sa sang katotohanan.

( TAKDA )
Paglipas ng itinakda, ngumiti ang sigla, Umaayon tumatawa’t lumuluha Ang galak na doon batid at dinig Ang simoy mo Ina Salamat at ala-ala, Di man pansin ‘o limot na ika’y lagi’t kasama Akong supling ng tadhana Na siyang tila’y buwig ng mga hininga Na muling ikaw’y sisibul upang sa pagdatal ng itinakda Ay harapin ang atas mong gawa. Dumodulog na lagi ako itong sa pasimula

20

Na muling pawiin ang di pagka unawa sa iyong mga habilin bago pa nagkatawang lupa ang diwang ito na nagtakda.

“AKO”
Halimuyak ng pag-ibig at pagmamahal na pumopuno sa lahat ng dako… bagama’t pinupunan na lagi ang bawa’t kalagayan ayon sa kinakailangan. Nalulugud ang kariktan ng buhay … gumagala’t naglalakbay sa dalampasigan ng kaluwalhati-an ng diwang buhay, Ako’y Ako. Ayon sa aking hininga, ikaw’y kumalat sa bawa’t panig na puno ng ligayang kalayaan . Tanto na Ako pala’y Ako, nagmula’t pinagmulan ni Ako ay kalayaan na kay tamis magapos sa kagustohan ng pag-ibig na ‘di nagkaroon ng katumbasan sa akin din. Salamat limba ng buhay itinago’t binalot ng kulay …
21

gumaganap sa landas ng buong himaymay… bait, loob, ala-ala… Ako’y pag-ibig na tanging Siya na nag papangyaring sundin ng bawa’t may hininga. Pagmamahal na loob, Ika’y tatalima sa mulan ng diwa …wagas na bait ala-ala’y magbalik humayo sa bawa’t “S I Y O G A” K O A K A L A I T A W N

PAGLIPAS

Paglipas ng itinakda ngumiti ang
sigla umaayon tumatuwa’t lumuluha ang galak na duon batid at dinig ang simoy mo

Ina.

Salamat at
22

,alaala, di man pansin o limot na ikaw’y lagi’t kasama akong supling ng tadhana na siyang tila’y buwig ng mga hininga na muling ikaw’y sisibol upang sa pagdatal ng itinakda ay harapin ang atas mong gawa. Dumudulog pasimula na lagi ako itong sa pasimula dipagkana muling pawiin ang dipagkaUnawa sa iyong mga habilin bago pa nagkatawang lupa ang Diwang ito na nagtagda.

23

WAGAS na KATAHIMIKAN
wagas na katahimikan ay siyang kalagayan ng kapangyarihan...Kung ito’y susundin lamang ng nagaakalang siya’y tao, ay walang hadlang ng bawa’t isa, bagama’t ang lahat ay iisa. Ang paningin ay paningin walang paki-alam sa nakikita. Ang pandinig ay pandinig walang paki-alam sa nadinig. Ang pandama ay pandama walang paki-alam sa nadama.

Ang

Ang bawa’t isa ay walang pakialam sa gawain ng isa’t isa,
‘pagkat ang lahat ng tao ay maskara lamang ng iisang makapangyarihang AKO na siyang nasa likud ng lahat ng mga kaganapan.

Walang aangkinin ang sino man ‘pagka’t ang kakayahang ito
ay siyang gumaganap ng pagbabalatkayo sa bawa’t katuturan. Ikaw ay nakulong sa pagaakalang ikaw ang nakakita, nakadinig, nakadama ‘o ang akalang ikaw ang gumawa o nakadama. Hindi ikaw yon kailanman, ‘pagkat ikaw ay hindi katawan o pansamantalang kaanyuan. Ikaw ang kulungan, ikaw ang nakakulong, ikaw ang nagkulong ’pagkat inari mo ang hindi pwedeng angkinin kailanman. walang hanggan ay ‘di maaaring hanggahan kaya nagbalatkayong pinagmulan.

Ang

24

AKO ANG DIOS AKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULA AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA NG LAHAT

Tandaan… hindi ikaw ang isinilang kundi ang katawang lupa na
iyong tinatahanan. Hindi ikaw ang tao…ikaw ang tumatao. Hindi ikaw ang bahay…kundi ikaw ang namamahay; Samakatuwid, hindi ka tirahan kundi ikaw ang nakatira. Huwang angkinin ang alinman pagka’t ang lahat ng mga ito at yaon ay pansamantala lang …ni ang mga kalagayan ng alin man. ‘Pagka’t ang salitang buhay o kalagayan ay walang katapusang pagbabago o ibig sabihin patuloy na paglikha o walang katapusang pagpapalitpalit ng mga pag-inog ng kakayahan kaya tinawag na buhay o katayuan. Walang maaangkin and sinoman sapagkat ang lahat ay may hangganan. Ang wala lang ang walang hangganan. Kaya kung ikaw ay wala ikaw na nga. Samakatuwid, kung iyong tatanggapin na hindi ikaw yang nakakita, nakadinig, nakadama o ibig sabihin hindi ikaw eksistido kundi SIYA . Immortal ka na nga ‘pagka’t pag-sinabi mong ako ito … yan ang mortalidad ‘o buhay… kung hindi ka buhay , ikaw ay immortal. Kaya lahat ng may buhay ay babalik sa wala upang bumalik sa immortalidad. Kaya kung patuloy mong sasabihin na ikaw ito, ako’y buhay, hindi mananatili ang salita mo ‘pagka’t nahayag ang hindi mo dapat ihayag.
25

Kung gayon ikaw ay wala, kaya wala kang paningin, pandinig, tinig, pandama o ibig sabihin hindi ikaw ‘yan… ‘Yang lahat ng ‘yan ay kamalayan , hindi ikaw ‘pagka’t ang kamalayan ang nakakaalam kung ano ang ano hindi ikaw, ngayon ano ka nga ‘pagka’t sabi mo ikaw yan na sila ganito at sila ganon. Ang kamalayan ang nagsasabi ng lahat ‘pagka’t siya lang ang nakakaalam sa kanyang sarili, ikaw ba ay alam ang sarili kung ano ka, ‘di siyempre hindi mo maalaala ‘pagka’t ikaw ay pumasok sa kalagayan ng tinatawag na buhay o pagpapalitpalit . Kaya para maunawaan mo balik ka sa walang malay, yan ang kaharian ng Puting Bato … walang malay sa kahit ano. Ang ibig sabihin ng walang malay ay walang alam … ang ibig sabihin ng walang alam ay walang binyag ‘o katawagan. Kung ikaw ay may binyag ‘o katawagan ikaw ay may kamalayan ‘o karunungan ‘o kapangyarihan ‘pagka’t karunungan lumikha ng malawak na kapangyarihan, , kapangyarihan lumikha ng malawak na karunungan. Ngayon, kung kaya mong tanggapin na hindi ikaw kundi si Kamalayan ang lahat ng ‘yan … ngayon wala kang sasagutin sa alin man ‘pagka’t ikaw ay walang kalagayan. Kung ipipilit natin na umangkin ng kalagayan, magiging tao ka nga ulit. Tayo ay hindi tao ‘pagka’t tayo ay wala ‘o ibig sabihin ng wala ay lahat ‘o buo. Ang ibig sabihin ng salitang buhay ay pag-galaw ‘o pagkilos ‘o pagbabago… walang hanggang pagkilos ‘o pagbabago kaya pagdating sa paglamig ay iinit saka uli lalamig. Ito ang hininga ng buhay kaya mula sa wala ay sa dahilan hindi maipaliwanag kung saan nag mula ang init at lamig na ito. Sa makatuwid hindi tutuo ang lahat ng ito … ‘pagka’t pagsinabi na tutuo ang ibig sabihin hindi pwedeng baguhin. Samakatuwid, ang lahat ay ilusyon lang ng isip o likha lang ng kaisipan. Paghinanap naman ang isip ay hindi mahanap basta mayruon lang wala. Ikaw ay wala , kaya kung tutuusin, hindi ikaw ’yan kalian man ‘pagka’t paano ihahayag yaong walang kaanyuan…’Pagka’t ang lakas ‘o
26

enerhiya ay walang anyo ‘o hitsura. Ang tanging magpapatutuo dito ay mga kulay lang sa paningin at pandama na naramdaman na likha ng isip. Sa pagpapasiya at pangatuwiran nitong pagbalat-kayo ng kakayahan ‘o DIYOS ‘o ang nasusunod …’pagka’t siya rin ang gumawa, gawa at ginawan na dili’t iba ang nagbago, ang pagbabago at ang binago…’o ang umalis, inalis at inalisan ay iisa lang na dapat maunawaan na kaya sinabi na iisa ang D’YOS ‘pagka’t SIYA ay hindi nagwawakas gaya ng mga kagustuhan ng isip. Ang isip na ito ang nagtutulak tungo sa panibagong kapasiyahan upang sundin ang walang hanggang katalagahan ng SIYA. Tandaan Siya, hindi ikaw ‘o sino man na aangkin sa nakita, nadinig ‘o nadama man, kaya upang manatili , tanggapin na lubos na ikaw ay wala . May simula ba ang wala?... eh, ‘di wala…kaya IMMORTAL nga … walang wakas.

IKAW
Minsan sa isang pagdako, ikaw’y
nakita’t nasilayan ng diwang ito. Hindi na nalimot … lagi may kapiling ng pusong narahuyo. Hiniling na sana’y makausap ang matamis na puso, at ikaw nga oh, universo nagpakumbaba’t hinubad ang tayog at inalok ang mithiin ng isang olimpo. Oh, ngoyngoy ng kabuo-an, ikaw’y Ikaw, ako’y ako …’di na mawalay ni maglalayo sa isang tinutungo ang muling mabuo ang pagpapatuloy ng pag-ibig na walang laho.

12/26/10 AKO ANG DIOS AKO ANG KATOTOHANAN SIMULA SA PASIMULA AKO ANG KAPASIDAD SA PAGGAWA NG LAHAT
27

lahat ay tatanggap ng pagpapala … may ‘di dapat pagkalooban ‘pagka’t tinutulan nya ang hindi naman nya talus kung ano yaon . Kaya hayaan lang siya . Hindi mo dapat siyang intindihin…gagaling siya doon sa pagtitiis na kanyang titiisin upang masulit sa kanyang mga gawa. H’wag siyang pigilin sa kanyang mga akda …hayaan lang sa ‘di pagka-alam kung ano nga ba ang SIYA. Bahala siyang managot sa kanyang sinasabi at kanyang ginagawa. Sabihin mo kay Nats na ang pagtitiis ay mahalaga ‘pagka’t yung ang may bungang mula sa diwa sa kagustuhan ng unawa upang ang paninindim ay maging ligaya . Tanggapin ng maluwag sa kaluoban ang kanyang kalagayan gaya ng pagtanggap nya sa maayos na pandama upang huwag magpatuloy ang pait na ina-ayawan nya. Tanggapin maluwag ‘pagka’t ang lahat ay nagmula sa iisa na pinagmulan din ng maayos na nadama.

Hindi

PASIMULA Salamat sa dula nitong pasimula Bukal kang tumataghoy na tumatawa Kay Inay na wika. Mula sa pagpintig ikaw’y inaruga upang sa dako pa man ikaw’y patuloy na isang wika ng pagtitiis, Aba Ina, salamat nais pang dumugtong bagama’t ang dulaan ay hapis na kung pahihintulutan ikaw lang oh Bathala tanging kaganapan ng tunay na may pasiya na kamtin yaring maunawa ang daing nitong iyong hiling Sinta na magkaloob nyaong wala. Narito naruon ka Ka di kilala ka Sigi na, tamis ng pait, pait ng tamis Ay turing lang Siya Larawan ng param ng wala Bura at wala

28

12/27/10

Manahan ka ng walang kwenta ng hindi magapos sa kahit ano pa.
Ang pag-ibig ay puno ng unawa na ang bawa’t buhay ay may laya. Kaya huwag padala sa galaw ng buhay nya… yan ang inog ng bawa’t isa upang di ka magapos ‘o maging tanikala sa sariling laya. Mahalin na ‘di maging mahalaga upang maka-alpas sa bawa’t isa. Huwag kang padala sa nakita ni paningin at nadinig ni taenga. Ang pandama man ay hayaan lang na tumalaga upang huwag magapos sa pait at saya. Palayain mo itong isang dinalawa . Manahan ka sa wala ‘pagka’t ayan siya walang husga tanggapin at hindi malaya. 12/28/10 AKO ang DYOS AKO ang Katotohanan simula sa pasimula AKO ang Kapasidad sa paggawa ng lahat

Hindi ako isang paniniwala ‘o isang pamahiin na kailangan sundin ‘o
gawin. Ako ay katotohanan hindi ano pa man. Tapos na ang iyong pag-aaral, Hindi na kailangan ang mga alituntunin upang mangyari lang ang mga nais. Kaya lang inilagay sa kung anong kaparaanan upang matalos mo ang maging matapat sa sarili. Tutuo man ‘o hindi ang alin man ay hindi yun problema. Ang importante, talos mong malaya ka, na sa pagpapas’ya walang humadlang sa iyo. Hindi mahalaga kung tama man o mali ang isang kalagayan. Huwag matakot ‘o mangamba sa alin man upang manatili ang ano mang pasiya. Ang matutung magpasiya ay yaon lang ang kailangan. Ang dahilan ng lahat ay ang pagpapahalaga mo sa akalang tama at mali. Kung hindi ka makaka-alpas sa sinasabi mong ito ay ‘di mo makakamit ang ibig mo.

29

1/3/11

Ang alin man ay hindi tama o mali man gaya ng kaalaman ng lahat.
Ang nangyari lamang ay ayaw mo at gusto mo. Nag-gayahan na lang ang katuwiran ng marami. Pero, ang nagawa ‘o gawa ay hindi mali ‘o tama man. Kung pwedeng matutunan mong huwag sumali sa tao ay hindi angkop na masulat ang mga katagang ito. Pinakatagotago at rurok ng lahat po ng pag-aaral ay ang AKO at KO. Kayo po ang kakayahan at ang kakayahan ay hindi sakop ng kanyang ginagawa. Kaya po ay samakatuwid hindi kayo kasali sa alin man. Kaya sa lahat ng iyong ginawa ay hindi mo ma-aangkin upang ikaw ay hindi maging kasali. Magagawa lang ang gawain pero ‘di pwedeng angkinin ng alin mang ano. Magagawa ang gawa pero hindi maaangkin, gaya ng ganito: Ginawa mo ang magalit hindi pwedeng angkinin mo na ikaw ang ginawang galit ‘o gaya nito: Ginawa mo ang mundo hindi pwede na angkinin mo ‘o sabihin mo na “akin yang mundo”. ‘Pag inangkin ito babalik ang pag-angkin sa uma-angkin . Kaya ‘pag sinabi mong “akin ‘yan” , ‘yon din ang sagot nya “akin ‘yan” o kanya ka rin. Kaya hangganan pareho ang kauuwian . Pero ‘pag sinabi mong “ako ‘yan” ay wala pong problema…’pagka’t ang sagot din ay “ako ‘yan”. Ang lahat ay IISA lang. Ang katawang ito ay ginawa mo hindi pwedeng angkinin ‘pagka’t mauuwi sa pinagmulang wala o NOTHING. Pag inangkin kasi hindi na malaya, kailangan maging Malaya o walang hadlang yan ang kalagan ng ginawa, Ang maaari lang sabihin ay “KO”. Paano ang “KO”- ang “KO” ay patunay na walang iba kung ’di ikaw ang SIYA na gumawa. Ikaw na nga ang kakayahan sa paggawa ng lahat. Bulgar na ang pahayag na ito; linito lang ng mga katuruan at ibinaling sa kung ano anong paniniwala upang sakupin ang kaisipan at damdamin ng mga nag-aakalang sila’y tao ‘o katawan. Iginapos nila ang tao sa mga kautosan upang alipinin. Kaya kailangan lumaya ka at bumalik sa tutuo mong katayuan na hindi pwedeng sakupin o manakop man , ‘yan ang tutuo, ikaw ay malayang KO, ibig sabihin malayang gumawa Kaya ganito ang paggawa: aayusin ko, tatakotin ko, ibabalik ko. Ikaw ay ikaw ang tanging magpapasiya kung ano ang ibig mo; hindi umaasa sa ano pa man.
30

Ngayon panhik tayo sa walang sinasabi ‘o dinadama ‘o sa wala. Tandaan na ikaw paningin lang ‘o nakakamasid lang ‘o ibig sabihin ay walang pakialam sa nakita. ‘Wag sasali ulit sa mga nakita ‘pagka’t taga masid lang. Pandinig ay pandinig hindi ka pa rin kasali ‘pagka’t ikaw ay hindi tao ‘o laman ‘o katawan man. Pag nakisali ka ay magiging tao ka na. Kaya dahil hindi kasali ‘wag magsasalita. Pag nagsalita ka, may nakita ka at nadinig, tao na ‘yon ipinanganak na ‘yon. Ikaw ay walang kapanganakan ‘pagka’t hindi ka tao, kaya hindi ka kasali sa bilang nila na may idad ‘o birthday, ay wala rin . ‘Pagka’t ang kakayahan ay ‘di isinilang kundi SIYANG nagsilang o gumawa. 1-4-11

Ang pagbabalik ng lahat ay pagbabalaik din sa kalagayang bata na
walang malay sa mabuti at masama. Dito sa kaalamang na higop ng kaunawaan sa buti at masama ay unang pagkagapos ng kalayaan at ang bawa’t isa ay nakulong dito hanggang sa ngayon ay walang basta makaalpas na unawa hanggang sa naging talamak na nauwi sa karamdaman. Kaya ipinapayo na huwag magiisip ‘pagka’t ito ang karunungan na nagpatanda sa bata at nauwi sa wakas ng tao. Hindi ang kasalanan o kabanalan ang dahilan kundi ang paggamit ng kaisipan na nagsupling ng kasakiman. 1-5-11

Maaangkin mo ang paggawa pero hindi ang ginawa, ‘pagka’t ang
ginawa ay nagbabago . Ang gumawa ay walang pagbabago ‘o ibig sabihin ay lakas ‘o enerhiya ang gumagawa ‘o kakayahan na ma-aaring angkinin pero yaong ginawa ay hindi ma-aangkin dahil nababago. Kaya ang lahat ng nakikita ay patuloy ang pagbabago ng hindi namamalayan . Kaya tandaan , ang tutuo ay ang kakayahan lang . Ang nilikha ay nababago…ang lumikha ay hindi…kaya ang nilikha ay hindi maaangkin ng sino man…ni ang katawan ay ‘di ma-aangkin , ‘pagka’t patuloy itong nagbabago na mauwi sa wala. Hindi sa mali at tama kaya masisira, kundi ‘yon ang kanyang katalagahan. Ngayon, dahil sa pag-angkin mo sa katawan kaya ka nagkaproblema kung paano mo ito mapapanatili gaya mo. Nakalimutan mo na, tuloy , kung paano mo nilikha ang katawan dahil sa pag-angkin mo
31

dito at naging tulad ka sa nilikha mo na walang kasarinlan, kaya akala mo ikaw may sakit ‘o kakulangan na katayuan. Siya na katawan ‘o tao na nilikha mo ay hindi nag problema kundi ikaw, na nagsasabi na ako’y tao ‘o katawan. Kung iyong malilinawan na hindi ikaw ang katawan ay walang pag-angkin at wala ring pagbabago sa katawan ‘pagka’t malaya ito gaya na wala…hindi ma-aaring angkinin ’di ba at ‘di ka papayag na ariin ‘di ba. ‘Pagka’t nangangahulugan ang pagangkin na hangganan sa inangkin , eh, walang katapusan ang lahat… paano magiging iyo ‘o akin ‘o kanya man. Kaya kung iyong uunawain ikaw si manggagawa….’o bali ikaw ang manglilikha…hindi ang nilikha kundi ang Lumikha. Samakatuwid, hindi ikaw ang katawan kundi ang nasa katawan na kakayahan.

(Sgd.)

XÅ|Ä|tÇÉ

Ako an irog nga tuna Emiliano an waray igin siring nga amo bisan amo Hukasa ang ngatanan ha imo, an bisan amo nga kaladtungan tapos na waray na bisan ano pa. Ang ngatanan ibalik sa kanilang pagsilong na hubad. Kaya huwag mag hangad sa mga yaon.

32

.

33

34

35

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful