You are on page 1of 22

PANANALIKSIK SA ILANG MAMAMAYAN UKOL SA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN NI Mayor Bobby Eusebio

Isang Pamanahonng-Papel na Inaharap sa Kagawaran ng Departamento ng Filipino sa Jose Rizal University

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Assignaturang Filipino 14

Marso 2011 i

PASASALAMAT Buong puso naming pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo sa pamanahong-papel na ito:
-

Kay Binibining Janette Delacruz ang aming guro sa Filipino 14 na siyang nag bigay sa amin ng pagkakataon na makagawa ng isang pamanahong-papel sa isang madaling paraan dahil ibinigay niya sa amin ang kung ano mang kanyang maitulong para mabuo namin ito. Sa aking nanay na walang sawang tumulong sa amin maging sa pinansyal man na aspeto upang matapos namin ng mas maaga ang aming proyekto at siyempre sa pagpapatnubay narin sa mga dapat naming gawin upang makalapit sa mga respondente. Sa mga awtor ng mga pinagkunan naming datos mula internet at ilang pahayagan na nakatala rin sa internet, maraming salamat po sa inyo dahil ang inyong mga artikulo ay nakatulong ng labis sa amin.

- Sa aming mga respondente na hindi kami tinanggihan sa paghingi namin ng tulong sa kanila, sa pagsagot sa aming mga katanungan at sa pagbabahagi ng kani-kanilang mga buhay. - Sa Poong Maykapal na nagbigay liwanag sa bawat hakbang na aming ginawa, na natapos namin ang pananaliksik na walang di magandang nangyari sa amin. Muli maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. - Mananaliksik

ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 14, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Pananaliksik sa Ilang Mamayan Ukol sa programang Pangkalusugan ni Gobernador Corazon N. Malanyaon ay inihanda at iniharap ng mananaliksik mula sa mag-aaral ng Filipino 14 na binubuo ni:

ARJEN S. PETILLA BCS-CSC 10-232341

Tinanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Jose Rizal University, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 14.

Janette Dela cruz Instructor

iii

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 1 1. Introduksyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 1 2. Layunin ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 2 3. Kahalagahan ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 2 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 3 5. Depinasyon ng mga Terminolohiya - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 3 Kabanata II, Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura - - - - - - - - - - - - - 4 1. Ang Pandaigdigang pagtitipon ng Mamamayan at Ang Charter - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 4 2. 10 Pinoy Namamatay Bawat Oras Dahil sa Paninigarilyo - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5 Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik - - - - - - - - - - - - - - - - - 6 1. Disenyo ng Pananaliksik - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6 2. Mga Respondente- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6 3. Instrumentong Pananaliksik- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6 4. Tritment ng mga Datos - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 7

iv

KABANATA IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos - - - - - - 13 KABANATA V, Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon - - - - - - - - - - - 15 Lagom - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15 Konklusyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15 Rekomendasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -16 Listahan ng mga Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Intoduksyon

Dulot ng ibat-ibang karamdaman na lumalabas ngayon na dala ng mga bakteryang di-makontrol na nakapaligid lamang sa atin, ang pagkakasakit ay isa sa pinakamabigat na suliraning maaaring harapin ng isang tao sapagkat ito ay maaring magdulot ng kamatayan kung hindi agad mabibigyan ng pansin at karampatang lunas. Kung ating pakasusuriing mabuti, walang pinipili ang sakit kahit mga promenenting tao sa ating bansa at maging sa ibayong dagat na mayroong milyon-milyong salapi ay dinadapuan din ng karamdaman. Ngunit ang mas malala nito ay kung ang mga maralitang tao o wala ni singkong halaga ng kayamanan ang magkasakit ay talagang mahihirapan, idagdag pa dito ang hindi agad pagkakaroon ng bisa ng ilang mga gamot na madalas bilhin ng karamihan pagkat ito ay mura. Ang pagkakasakit ay maaring makapagpahinto sa ano mang simpleng trabaho ng tao, o di kaya ay dahilan ng pagkaantala ng pag-aaral ng isang estudyante pansamantala man o pangmatagalan.

Layunin ng Pag-aaaral Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga pahayag ng mga respondente hinggil sa programang pangkalusugan na libreng PhilHealth ni Mayor Bobby Eusebio at naglalayong matugunan ang mga sumunod na mga katanungan:
1. Natugunan ba ng programang pangkalusugan ang pangangailangan

ng tao hinggil sa pangkalusugang aspeto? 2. Anong sakit ang karaniwang dumadapo sa mga respondente? At ito ba ay napag-ukolang pansin ng pamahalaang lokal? 3. Epiktibo ba ang libring Phil-Health ng mahal na Mayor? 4. Sapat ba ang tulong na naibigay ng pamahalaan sa mga taong nagkakasakit?

2. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay maghalaga gawa ng ibat-ibang kadahilanan: Una, matatala sa pag-aaral na ito ang ano mang kaalaman, hinuha, at damdamin ng mga respondente sa kung ano ang nangyari sa programa ng ina ng probinsya. Ikalawa, makakatulong ito ng malaki sa lahat ng tao sa ating Lungsod upang maiparating sa pamahalaang lokal ng Pasig o sa kung saan man, maging sa mga pribadong organisasyon na naglalayong maibaba ang porsyento ng mga taong nagkakasakit sa kung ano mang gustong ipaabot ng mga na interbyu o mga respondente. Ikatlo, ang pag-aaral ding ito ay maaring makakatulong sa ibang mananaliksik upang magamit nila bilang panibagong mga datos o impormasyon sa kanilang isinasagawang pag-aaral.

2 3. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng kaalaman, hinuha, at damdamin ng ilang mamayan ukol sa programang pangkalusugan ni Mayor Bobby Eusebio. Saklaw nito ang ilang mamayan na nakatira sa Municipalidad ng Lungsod ng Pasig. Malimitahan ng Pag-aaral na ito sa mga mamayan ng Lungsod ng Pasig dahil sila ang pinakamalapit na respondenteng makatugon sa pangangailangan ng pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na isa ito sa pinakamagandang pag-aralan sa panahon na ito dulot narin ng dumaraming taong namamatay dahil sa ibat-ibang karamdaman na taoy wala man lang kalaban-laban.

4. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maging mapadali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa. Nirarapat kung bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahongpapel na ito.

PhilHealth isang libreng programa ng Lungsod ng Pasig sa pamumuno ni Mayor Bobby Eusebio ukol sa pangalusugang aspeto.

Kalusugan ang pinaka-iingatan ng tao sa kanyang katawan dahil ito lang ang pinakaouhunan ng tao sa pang-araw-araw na gawain. DOH Department of Health, sangay ng pamahalaan na naatasan sa pangkalusugang aspeto ng tao.

3 KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang Pandaigdigang pagtitipon ng Mamamayan at Ang Charter Ang kaisipan at pinagmulan ng Peoples Health Assembly ay pinag-usapan na ng mahigit pa sa isang dekada. Mula noong 1998 malaking mga organisasyon ang naglunsad ng mga nagging proseso ng PHA at nagsimulang magplano ng isang malakawang pagtitipon. Ito ay ginanap sa Bangladesh noong Disyembre 2000. Sumunod dito ang malawak na bago at pagkatapos ng pagtitipon na mga gawain tulad ng pangrehiyong workshops, ang pangongolekta ng mga kasaysayan ng mga mamayan at ang sinimulan balangkasin at isulat ang PeoplesCharter For Health. Ang kasalukuyang charter ay nagmula sa mga kaisipan, adhikain at saloobin ng mga mamamayan at mga kilusan sa buong mundo at unang inaprubahan at ipinahayag sa Pagtitipion sa Savar Bangladesh noong Disyembre 2000. Ang charter na ito ay salamin o paglalahad ng pagkakaisa sa mga isyu, sa mga adhikain/tunguhin para sa isang mas mahusay, mas malusog na mundo. Ito rin ang tinig ng mamamayan para sa masaklaw na pagbabago. Ito ay isang sandata para sa pagpapalaganap at sentrong pagkakaisa ng mga kilusang pangkalusugan sa daigdig sa pagpaparami at pagpapalaganap ng mga samahan at networks na maaring mabuo Ang bawat isa, mga samahan o organisasyon ay malugod na tinatawagan na makilahok sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kilusan para sa kalusugan. Inaanyayahan ang lahat na ipalaganap at isakatuparan ang Peoples Charter for Health!

4 10 Pinoy Namamatay Bawat Oras Dahil sa Paninigarilyo Nakakatakot ang sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 10 Pilipino ang namamatay bawat oras dahil sa paninigarilyo. Ibat ibang sakit ang nakukuha sa paninigarilyo at nangunguna na ang cancer sa baga at lalamunan. At ang sabi ng DSWD, bukod sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo, ang pagiging sugapa sa sigarilyo ang nagiging dahilan para mabawasan ang perang panggastos sana ng pamilya. Sa halip na ang perang pambili ng pagkain para sa mag-anak ay naaagaw pa ng bisyong paninigarilyo. Yosi na muna ang unahin at saka na ang pagkain. Hindi kayang pigilan ang sarili na tumigil sa masamang bisyo kaya ang pamilya ang sinasakripisyo. Mahigit 60 percent ang mga lalaking Pinoy na naninigarilyo sa kasalukuyan at karamihan sa mga ito ay kabilang sa mga nagdarahop ang buhay. Ang masakit pa, nadadamay ang mga miyembro ng pamilya sa sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Ang segunda-manong usok ang nagbibigay ng sakit sa mga kasamahan sa bahay lalo na ang mga bata. Kung ang isang ama ay chain smoker o umuubos ng dalawang kahang sigarilyo sa maghapon, nalalanghap ng mga kasama sa bahay ang ibinugang usok mula sa sigarilyo. Kaya sariling pamilya ang pinapatay ng mga naninigarilyo. Sa pagkalulong sa bisyo, kasama ni- lang isinasama sa hukay ang kanilang kapamilya. Sabi ng Department of Health (DOH) hindi epektibo ang hakbang ng pamahalaan na taasan ng buwis ang sigarilyo. Paano raw kung mag-switch sa murang sigarilyo ang mga addict na sa bisyong ito? Wala raw silbi ang pagpapataw nang mataas na buwis sa sigarilyo. Ganoon man, wala namang maibigay na konkretong paraan ang DOH para mabawasan ang pagdami ng mga naninigarilyo sa bansa. Patuloy pa rin ang paninigarilyo at pabata nang pabata ang nalululong sa bisyo. Wala rin namang ngipin ang batas na nagbabawal magbenta ng sigarilyo sa mga menor-de-edad. Ang Pilipinas ayon sa DOH ay isa sa mga bansa sa buong mundo na marami ang naninigarilyo. Panglima umano ang Pilipinas kung saan ang mga naninigarilyo ay may edad-15 pataas.

5 KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at ihayag ang kaalaman, hinuha at damdamin ng ilang mamayan ukol sa programang pangkalusugan na libri ni Mayor Bobby Eusebio.

2. Mga Respondente Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay ang ilang mamayan ng Lungsod ng Pasig. Pumili ang mga mananaliksik ng limang (5) indibidwal mula sa libo-libong nakatira dito. Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondenting ito sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at naisip ng mga mananaliksik na maapagbibigay sila ng kaukulang impormasyon. 3. Instrumentong Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam o pag iinterbyu sa mga respondente. Ang mananaliksik ay naghahanda ng gabay na mga katanungan na naglalayong makapangalap ng datos upang mailarawan at maihayag ang kaalaman, hinuha, at damadamin ng mga respondente sa programang pangkalusugan na libreng PhilHealth ni Mayor Bobby Eusebio.

6 Nagsagawa rin ng pangangalap ng impormasyon ang mga mananalisik sa health center ng isang barangay at munisipyo kumuha rin ang mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet. 4. Tritment ng Datos Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral para sa akin bilang mananaliksik kayat walang ginawang pagtatangka ang mananaliksik upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Hinuha o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa panayam ng mananaliksik. Samakatwid, ang pag-aalam o paglalarawan ang kinakailangan ng mananaliksik. Dahil lima (5) lang ang respondente mas madali para sa mananaliksik ang pagkuha ng datos sa kaalaman, hinuha, at damdamin ng ilang mamayan ukol sa programang pangkalusugan na libreng PhilHealth ni Mayor Bobby Eusebio.

Interviewee 1: Jun Orolfo Ang aming unang nakapanayam ay ang pamilyang Orolfo na kasalukuyang naninirahan sa Barangay Pineda, Pasig City. Sila ay mayroong anim na mga anak. Ang aming nakausap ay si Ginoong Jun Orolfo na nasa 42 taong gulang na. isa siya sa nabibiyaan na mabigyan ng libring PhilHealth Card. Ang kanyang pinakamaliit na anak ay 6 na taong gulang pa lang. Sila ay mahirap lamang at sapat lang ang kinikita sa kinakain nila sa araw-araw. Naitanong namin sa kanya kung hindi ba agad-agad na nadadapuan ng sakit ang kaniyang mga anak, agad naman niyang naisambit na hindi naman natin maiiwasan na magkasakit ang tao ngunit sa awa ng Diyos malimit lang namang nagkasakit ang aking pamilya dahil narin ciguro sa maingat naming

7 pag-aalaga sa kanila, palagi ko rin silang nauutosan na maglinis ng paligid para makaiwas sa sakit at nagawa nama nila iyon. Naitanong rin namin kung nag karoon na ba ng sakuna sa kanilang pamilya na nagpapaalala sa kaniya ng lubos at ayon kay mang Jun bago lang nangyari itong sasabihin ko na sa inyo nagkasakit ang aking bunsong anak na si John Paul, e di ko nga alam kung anong sakit iyon bastat nadala namin siya sa hospital at nanatili sya doon ng ilang araw at grabe ang gastos kasi nga malayo-layo rin tong lugar naming sa hospital, isang taong ngay namamasahe pa ngtig anim na pong piso kada biyahe, e hindi naman pwedi na mag isa lang na pumunta ang aking bunsa sa hospital kaya tatlo kaming pumunta doon kaya pamasahe palang ng sasakyan uubusin n gaming pera mabuti nalang at naka hingi ako ng tulong sa mga opisyales n gaming barangay at nabigyan naman kami kahit kaunti. Dahil na sa nanatili ang aking bunsong anak sa hospital ng ilang araw ay kailangan pa naming bumili ng makakain at syempre yong gamut ng bata, ang nakakatawa ay muntik na naming nalimutan na mayroon pala kaming PhilHealth card na ibinigay ng gobyerno na siyang nakatulng ng malaki sa amin na mabawasan ang gastusun habang nasa hospital. Nasambit ko rin sa kanila kung ano ang kanilang nararamdaman na nabigyan sila ng tulong ng pobinsya at ang sabi lang niya sa amin ay, isang malaki kung pasasalamat kay Gov. na natulungan niya kami Ngunit sana hindi lang sa kami ang makinabang nito dahil marami pang katulad namin na nangangailangan ng ganitong tulong. At sana maisip nila na hindi lang pangkalusugan ang kailangan namin dahil nangangailangan din kami ng permeneting trabaho dito. Sa ngayon ay bumalik na sa magandang lagay ang kanilang anak at tulad ng kanilang nasabi ay malaki nga ang kanilang pasasalamat subalit ipinapaabot rin nila na mabigyang ng magandang pangkabuhayan. Interviewee 2: Lydia Gallego Ang aming ikalawang nakapanayam ay ang pamilyang Galego na naninirahan sa Brgy. Bagong-ilog Lungsod ng Pasig

8 at ang ina ng tahanan ang aking nakausap na si Ginang Lydia Gallego. Sila ay may limang anak, ang panganay ay si Jeboy na nag-aaral sa pangalawag taon ng sekondarya, ang pangalawa ay si Langging na nasa unang taon ng sekondarya, ikatlo si Jerik na magtatapos palang ng elementarya, ang sumunod naman ay nasa pangaawang taon ng elementarya na si Erica, at ang bunso na si Nio na nag-aaral ng Day Care. Sila ay may kaunting negosyo na kanilang itinataguyod. Akin naitanong sa kanila kung anong kadalasang sakit ang dumadapo sa kanilang pamilya at sambit niya ay kadalasan napapansin kung pananakit ng katawan ang pero natural na iyon sa amin dahil sa may maliit kaming negosyo ngunit nariyan ang lagnat na umaatake sa amin, kadalasan nga ang aking bunsong anak ang nagkakasakit nito siguro dahil narin sa kalikutan ng batang iyan pero hindi naman ito nagtatagal at nawawala na hindi rin naman pabalik-balik ang kanyang lagnat. Naitanong ko rin kung nag karoon na ba ng sakuna sa kanilang pamilya na nagpapaalala sa kaniya ng lubos at ayon kay at ayon kay ate Lydia naalala ko noon na sinabihan na kami ng doctor na pa operahan ang bibig ng aking anak na si Jeboy noong maliit pa siya dahil sa lumalaki ito at namamaga, wala pa kaming negosyo noon kayaq labis kaming nahihirapan wala naman kaming mga health insurance na makakatulong sa amin sa panahong iyon kaya kung kani-kaninong kamag-anak na ako lumalapit para mang hiram ng pera, Ngunit sa awa ng Diyos ay hindi natuloy ang operasyon dahil unti-unting gumagaling ang aking anak. Naidagdag naming tanong sa kanya ay kung hindi ba siya naka sali sa pamigayan ng libring PhilHealth Card mula sa pamahalaang Lungod ng Pasig sa pamumuon ni Mayor Bobby Eusebio at ang nasabi niya sa amin ay, wala, hindi kami nabigyan dahil sa mayroon na kami niyan at hindi na namin nabayaran dahil sa kahirapan at ayon pa nga ay hindi na pweding mabigyan ang indibidwal na meron na ng PhilHealth Card, kaya wala kaming nagawa. Para kay ate Lydia, mayroon ngang programa ang gobyerno ay nakakatulong lang naman ito sa iilang tao tao lamang, dahil tulad nila hindi sila naka sqali sa programang iyon dahil hindi rin nakita ng pamahalaan ang ibang aspeto ng buhay.

9 Interviewee 3: Mercelyn Beting Ang ikatlong nakapanayam ko naman ay si Ginang Mercelyn Beting tatlomput-isang taong gulang isang sekretarya sa Barangay Pineda at may isa lamang na anak na limang taon palang na nag aaral sa Day Care. Isa si ate elen sa nabuhusan ng programa ni Mayor Bobby Eusebio. Nag sumikap lang din sya sa pagtatrabaho kasama ang kanyang asawa sa para makayanan ang kahirapan at para masuportahan ang kanilang anak. Naitanong ko kay ate elen kung kumusta ang kalusugang kanilang pamilya at kung madalas ba silang dinadapuan ng karamdaman at ayon naman sa kanya mabuti naman ang kalusugan ng aking nag-iisang anak at maayos din naman ako lalo na ang aking asawa. Isinambit na rin niya na ang totoo iniwasan kong magkasakit kasi nga mahirap magkasakit, masakit sa katawan at antala sa trabaho pero itong anak ko di maiwasang magsakit dahil napaka kulit ng bata. Amin ding naitanong kung may nangyayari na banga sakuina sa kanilang pamilay at ang sagot niya ay ito, sa ngayon wala naman at sana di yan mangyari sa amin, di naman kasi gaaning nagkakasakit ang aking nag-iisang anak. Sa aking sumunod na katanungan kung napasali ba sya sa biyaya ng Phil-Health Card ni Mayor at kung ano ang gusto niyang iparating sa pamahalaan ng Lungsod ito ang isinagot niya sa amin, aba oo, dapat lang na mabigyan ako dahil isa ako sa nag asikaso ng programang ito dirto sa barangay. Barangay secretary kasi ako kaya nagka ganun. At ang sa akin lang sana ituloy-tuloy ng Mayor ang proyekto nyang ito dahil marami din naman syang natutulungan at sana mas pagandahin pa lalo ang programang ito. Gusto kong magpasalamat sa mahal na Mayor dahil binigyan nya kami nang pan depensda sa kuing ano mang maaring mangyari sa aming kalugusan, ang Phil-Health Card na ito ay makakatulong ng malaki sa amin.

10 Interviewee 4: Jenebeth Tuyor Ang aming pang-apat na nakapanayam ay si Binibining Jenebeth Tuyor na dalawamput-siyam na taong gulang pa lang at mayroon ng dalawang anak ngunit walang asawa. Siya ay nakatira ngayon sa Brgy. Kapitolyo Pasig City. At nagtayo ng maliit na negosyo para maisalba ang kahirapan ng mag-ina. Sa aking unang katanungan kung kumusta ang kalusugan ng kanilang pamilya at kung madalas bang dinadapuan ng sakit ang mag-ina, ito ang kanyang isinagot sa amin mabuti naman kaya lang nahihirapan ako pag magkasakit ang akin mga anak dahil sa ako lang ang mag-iisang nag-aalaga sa aking mga anak dahil sa wala ang kanilang ama at well hindi rin kasi maiiwasan na magkasakit lalo na ang aking mga anak dahil palaging nagaaway ang dalawa pero hini naman masyadong malala pag nagkasakit sila, malulusog di naman ang mga bata Tinanong rin namin siya kung may mga sakuna na bang nangyari sa kanilang mag-ina at kung nakakuha ba siya ng Phil-Health Card galing sa Pamahalaang pamprobinsya at isinambit niyang Wala akong naisip eh. Ah wala pa naman pala talagang nangyaring sakuna sa aming mag-ina at sa kasamaang palad hindi ako nakakuha ng libreng Phil-Health Card ni Mayor kasi nga hindi ako kasal at kung kukuha man ako eh hindi ko rin naman masasali ang aking mga anak bilang binipisyari kaya naman tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang iparating sa pamahalaan ng probinsya at gusto niyang ipaabot na gusto ko sanang iparating na sana kung gagawa man sila ng ganyang uri ng programa isipin din nila ang mga katulad, mahirap din naman kami at mas nahihirapan dahil ako lang ang nag-iisang nag-aalaga sa aking mga anak

11 Interviewee 5: Lorelyn Suarez Ang aming pang-lima na nakapanayam ay si Binibining Lorelyn Suarez na dalawampong taong gulang pa lang at nag-aaral sa Pamantasang Lungsod ng Pasig na nakatira sa Brgy, Bagong-ilog Pasig city. Siya ay anak nina Zenaida Suarez (39) at Ciriaco Suarez (43). Sa aking unang katanungan kung kumusta ang kalusugan ng kanilang pamilya at kung madalas bang dinadapuan ng sakit ang mag-ina, ito ang kanyang isinagot sa amin Ah mabuti naman, ako nga ang sakitin eh.hehehe at hindi naman kasi nag-iingat naman ako pati na aking mga kasama sa bahay, pero hindi maiiwasan na minsan nagkakasakit talaga, tao lang eh. Tinanong ko rin siya kung may mga sakuna na bang nangyari sa kanilang mag-ina at kung nakakuha ba siya ng Phil-Health Card galing sa Pamahalaang Lungsod at isinambit niyang matigas to noh, wala pa naman nangyaring sakuna sa aming pamilya at lalo na sa akin bata pa ako no at well, d ako nakakuha eh, pero si mama meron siyang Phil-Health hindi nga lang galing kay Mayor Kaya naman tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang iparating sa pamahalaan ng Lungsod ng Pasig at gusto niyang ipaabot na gusto ko sanang sabihin sa pamahalaan ng Lungsod na ito na sana ipakalat pa nila ang ganyang uri ng programa at panatilihin at paibayuhin pa ito ng sa ganoon ay marami pa ang kanilang natulungan. Sana rin pagtuonan din nila ang edukasyon para anamna maraming mga katulad ko na mag-aaral ang makatapos ng pag-aaral.

12 KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Mga datos at impormasyon sa kaalaman, hinuha, at damdamin ng ilang pamilya sa Lungsod ng Pasig ukol sa programang pangkalusugan ni Mayor Bobby Eusebio. Ang unang respondente na aming nakapanayam ay si Ginoong Jun Orolfo. Siya ay nakatira sa Brgy. Pineda Pasig city. Siya ay pangkaraniwang mangggaawa lamang na kung minsan ay wala pang trabaho. Isa siya sa na benipesyohan ng libreng PhilHealth ng pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pamumuno ng mahal na Mayor Bobby Eusebio. Ayon sa kanya napakaganda ng programang ito dahil marami ang natutulongan subalit ipinapaabot niya sa pamaalaang lokal na sana bigyan ding pansing kanilang pangkabuhayan. Ang ikalawang respondente ay si Lydia Gallego. Siya ay nakatira sa Brgy. Bagong-ilog Pasig city. Siya ay isang maliit na entrepreneur at may limang anak na pinipiliit iaahon ang pamilya sa hirap ng buhay. Ayon sa kanya maganda man daw ang programang pangkalusugan na libreng PhilHealth ay hindi naman sya naka benipesyo dahil narin sa may record na sila sa PhilHealth na hindi nila na bayaran sa matagal ng panahon na nagdaan dahil narin sa kanilang kahirapan. Kaya naman ipinapaabot nila sa pamahalaang lokal na bigyan ding pansin ang kahirapan ng taong bayan. Ang ikatlong respondente ay si Mercelyn Beting. Siya ay nakatira sa Brgy. Pineda Pasig City. Siya ay secretarya ng barangay. Ayon sa kanya napaka ganda ng programa dahil malaki ang maitutulong nito sa kanya kasi isa rin siya sa benepesyaryo ng nasabing programang pangkalusugan at iminungkahi niyang pag gandahin pa lalo ang proyekto para marami pang taong matulungan. 13

Ang pang-apat na respondente ay si Jenebeth Tuyor. Siya ay nakatira ngayon sa Brgy. Kapitolyo Pasig City. Siya ay may maliit na negosyong pangtaguyod sa mag-ina. Ayon sa kanya kung gagawa man ng programa ang pamahalaan sana isipin din ang mga katulad nila ng sa ganoon mas marami ang matulungan ng programa. Ang panglima na aming nakapanayam ay si Lorelyn Suarez. Siya ay nakatira sa Brgy. Bagong-Ilog Pasig City. Siya ay isang mag-aaral sa koleheyo ng ating pamahalaang local ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig o PLP. Ayon sa kanya ipakalat pa ang programang pangkalusugan na ito at panatilihin at pag-ibayuhin ng marami pang tao ang matulungan ngunit ipinabot din niyang isipin din ang edukasyon ng mga kabataan.

14

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT RECOMENDASYON

1. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang kaalaman, hinuha, damdamin ng limang (5) mamayan ukol sa programang pangkalusugan ni Mayor Bobby Eusebio. Gamit ang deskriptiv-analitik, ang mananaliksik ay naghanda ng kwestiyoner na ginagamit sa pag-iinterbyu sa limang indibidwal partikular ang mamamayang naninirahan sa Munisipalidad ng Lungsod ng Pasig. 2. Konklusyon Batay sa inilahad na datos ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Alam ng mga respondente ang problema sa kalusugan dito sa ating pamayanan at lalo na sa problema sa kahirapan, kasama na rin ang kaunting solusyon na kanilang inilalahad. b. Ikinatutuwa nila ang mga programang inilaan ng gobyerno ngunit payo nila ay palawigin ito ng lahat ay ma benipesyohan. c. Nahihirapan man ang mga respondente sa kanilang hanapbuhay ay natugunan namn nila ang pang kalusugang aspeto ng kanilang buhay. 15

3. Rekomendasyon Kaugnay sa pag-aaral na naisagawa at sa mga resulta na naitamo ay inerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:
-

Para sa mga lokal na mga opisyal, sa barangay, munisipal, at sa probinsya, nawa ay patnubayan sila upang mabigyan ng kaukulang pansin ang mga hinanaing ng taong bayan. Kanila sanang pagtuonan ang kalusugan sapagkat ito ang pinaka kapital ng mga tao ano mang gawain.

- Para sa nasyonal na pamahalaan, hindi man kayo nagging akibat sa pamanahon-papel na ito, nasa inyong mga kamay naman magmumula ang inaasahang mas malaking suporta dahil sa ang nasyonal na pamahalaan ang humahawak sa kaban ng bansa.
-

Para sa mga NGO na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan lal na sa mga may sakit, sana ay ipagpatuloy ninyo ang kabutihang inyong hinahangad sa ating bansa. Para sa mga mag-aaral, guro at mga mananaliksik, inyong ipagpatuloy ang paglalahad ng katotohanan hingil sa tunay na pangyayari sa ating pamayanan ng ating magising ang pamahalaan. At kanilang mabigyang pansin hindi lang ang kayamanan kundi ang ang boung sambayanan.

16

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

http://www.phmovement.org/charter/pch-filipino.html http://www.cdc.gov/ncidod/dvbid/westnile/tgl/pdf/prevention-info.pdf Mga Respondente

17

You might also like