BYRNARD LOIS S.

BUCOL IV-ELECTRON

Alamat Ng Bayabas: ayon sa kwento, meron daw isang sultan noon na nagngangalang Barabas, ubod ng sungit at tapang, bukod dyan ay kuripot pa sya. Napaka bihira nyang tumulong sa mga taong lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya. Maging ang kanyang mga katulong ay kanya ring binubulyawan. Nag iisa lang sa buhay ang sultan at wala syang pamilya. Laging masasarap na pagkain ang nasa hapag kainan nya, ngunit ni hindi nya man lang mabiyayaan ang mga nagugutuman. At minsan, may pulubing babae na nanghihingi ng pagkain sa kanya, ngunit ayaw itong bigyan ng maramot na hari. Kaya't ang mga mumok at mga tira tira nya ang pinagtyagaang pulutin at kainin ng pulubi. At nagwika ang pulubi, "mas nanaisin ko pang magdanas ng hirap sa lupa at makaranas ng tunay na kayamanan sa kabilang buhay, kaysa sa ugali mo mahal na hari. Napapalibutan ka nga ng iyong kayamanan at sagana dito sa buhay mo sa lupa, ngunit hindi mo madadala sa kabilang buhay ang iyong kayamanan." At binale wala lamang iyon ng hari. Maraming taon ang lumipas ngunit ganun pa rin ang ugali ng hari. At dahil sa katandaan na rin nya, ay nagkasakit sya, at nalagutan ng buhay. Ngunit ni wala man lamang nakipag libing sa kanya kundi ang kanyang mga katulong sa palasyo. Lumipas ang mga araw, may napansing kakaibang halaman na tumutubo sa puntod kung saan nakahimlay ang hari. At nagbunga ang punong ito ng bilog na bunga na kung saan ay napansin ng kanyang dating mga kasambahay na tila may korona ang prutas. Maasim ito kapag medyo hilaw pa, sumisimbolo ng asim ng pag uugali ng hari ng ito'y nabubuhay pa. At ang prutas na ito ay tinawag ng mga taong bayabas, ang alaala ni Haring Barabas.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful