You are on page 1of 355

Two Perfect

Frailheart17

*This story's content is just non-fiction specifically teen fiction which came from the author's imagination. Distribution of this piece without author's consent is strictly prohibited. My first official story ever; Please support! Vote. Comment. Be a fan.*

MAIN CHARACTERS

Tianna Paris Tuazon Jeremy Kaiser Santos Zenille Aira Sy Micko Jayson Guevara Iris Katherine Lazaro Tristan Emmanuel Perez Darren Chase Sy

Alvin Sevilla & Many Others to Come

PROLOGUE

Who would actually thought that this man I could call my greatest nightmare is just the man of my dreams?

Who would thought that a mere stranger to me at first would probably end as the person whom I can't live without?

Who could say that he's my one and only soulmate?

Nah. But I don't believe at soulmates. Love either, whether it's right or wrong really hurts, as the love experts say.

But I guess no one can say which love is true coz you can't say it but feel it.

Now this girl, the story of her life was full of boredom and was still unknown. Not until someone entered the picture.

And that was for her to find out and face the adventure of.. well, I don't know? LOVE?

Could she meet her better half? The peanut butter to her jelly? The butterflies she feel in her belly? The straw to her berry? Or the one she wanted to marry?

In the end, will they be the too Perfect, two Perfect, Perfect Two?

Or maybe. NOT.

1:

Haay. Wala na talagang kasing boring ang buhay ko. Unless you're from outer space. Joke. Anong konek?

Anyway, ako si Tianna Paris Tuazon. Nickname? Tia or Paris. I'm the only child of my family. See? Boring talaga pag nag-iisa ka. Ipinanganak ako sa Paris, France kaya Paris ang 2nd name ko. Pero dito sa Phil. ko ipinagpatuloy ang studies ko since grade one. At dito na rin ako lumaki. Look, I'm not rich. Masasabi kong may kaya ang family namin. Simple lang buhay namin. What else? Boring ang life ko. Period.

I'm still 16. At newbie ako sa **** School this incoming year. At ano pa? I can speak in English, French, Korean and.. Tagalog! Malamang.

SATURDAY

Ay oo nga pala! Saturday na ngayon. For your information readers, ang routine namin ni Zen my bestfriend every Saturday is SHOPPING! Pero syempre not always every Saturday.. So eto, I'm waiting for her call.

*RING!!!*

"Oh, bruha?"

"Where are you?" Yan si Zenille Aira Sy. I call her Bes/Best/Bestie/Bruha and all names with the letter B, hehe Joke. May 1/2 dugong Chinese yan pero mas feel niya lang daw ang pagiging Filipino. Besides, dito na rin yan lumaki. And childhood friends slash bffs na kami since grade 1. O di ba?

"Nasa sidewalk pa."

Naglalakad kasi ako papuntang taxi terminal. Kailangan ko pa kasing lumabas ng subdivision para makapagtaxi. Kasi walang pumapasok na taxi dito sa loob. Ayun.

"Okay. Dahil papunta na rin ako dun. Let's meet there, ok?"

"K, bye."

Saktong nandito na ako sa Terminal, waiting for Bes. Nag-para na rin ako ng taxi nang biglang..

*Bzzzzt!*

1 new message received

From: +639******* Hoy.

Ha? Ano daw? Hoy?! May pangalan kaya ako! Tsaka sino na namang nilalang to?! Haay. Di ko na lang pinansin. I have shopping to do!

"Miss, meron pa po ba kayong balak na sumakay dito?" Aba, saglit lang manong. Di kita babayarin dyan e! Joke.

"Beeeees! Tara na. Sensya na po, manong, Kasi hinihintay niya pa po ako."

Nag-grin na lang ako. You're my lifesaver, bes! Bleh, manong!

Buti naman at napa-"ahh" na lang si manong taxi driver. Baka mapaaway pa kasi ako dito e. So ayun, off we go!

*Bzzzzt!*

Argh. Si stalker na naman ata to. Deeeym. He doesn't stop. And hindi ko na lang ulit pinansin.

"Best!"

"H-huh?" Lumingon ako bigla kay Zen at nagtaka? LOL. Nice expression ha?

"May nagtext!"

Akala ko kung ano na. Never mind that stalker.

"So?" sabi ko nga.

"Anong so? Malay mo importante yan!"

"Fine." malakas kasi sakin tong bespren ko e.

Nagbuntong-hininga na lang ako. Then kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko.

1 new message received

From: +639******* Hoy!

Mukha mo! Hindi mo na ako tinantanan! Tss. I can't stand this annoying stalker so nag-reply ako.

To: +639******* SINO KA BA?! GINAGAMBALA MO ANG NAPAKAPAYAPA KONG LIFE! BTW, HOW'D YOU GET MY NUMBER?!

Oha? Taray ng lola niyo. All Caps pa. Di naman ako masyadong galit. Itong makulit na to kasi e!

Nakalipas na mga 5 minutes. Medyo malayo-layo kasi ang mall...

*bzzzzt!*

From: +639*******

Uh. Jek Santos. Bkt?!

Mukhang siya pa nabadtrip. Ayos siya ha! So this is a 'he' pala. And what kind of name is 'Jek'?! Ni di niya sinabi kung saan niya kinuha number ko!

Mag-rereply na sana ako ng "Don't ever ever text me again. EVER!" Kaso I failed, cannot be reached daw. Psh. Never mind. He's just a stranger wandering around and pissing me off. Lalala

"Gahd, bes. What's with you? Gigil na gigil ka sa pagtetext mo diyan."

Haay. If you only knew, bes. I just told her that I'm not in the mood to tell it.

So eto, sa wakas! Nandito na rin kami sa mall! Magiging happy na naman mood ko. Sulit na sana tong araw na to for shopping e. Josko. Kung di lang dumating yang panirang stalker na yan.

Anyway..

"Tara, Penshoppe! 70% Sale!" our fave shop.

"Sure bes."

So we went shopping galore, here and there. Everywhere!

Ayun, after 2 hours nang paglilibot sa mall at pagsshop. Mabubutas na ang bulsa namin. Nagutom na rin kami ni bes. So dumeretso kami sa food court.

"Greenwich na lang." Since nasa mood ako kumain ng Hawaiian pizza. Zen knows what to order naman eh.

So si bes na lang ang mag-oorder. At ako naman ang maghahanap ng table namin.

Nakaupo lang ako dun sa may table namin. Di pa naman dumadating si bes so nagtititingin ako sa food court.

To my surprise, nasa kabilang table lang naman namin ang aking beloved ex na si Alvin with his new girl.

"Bes!"

Yes, nandiyan na ang pizza!

"Bes, tignan mo ang kabilang table oh. Walangya talaga. How did he move on so fast?"

Ok. May girlfriend na ang ex ko. They seemed sweet. The girl looks nice. NOT.

"Don't tell me, may feelings ka pa rin?" At kumagat si bes sa veggie pizza niya. Well, vegetarian kasi tong bruhang to eh.

"Nah. After niya kong gamitin?" and I took a sip of Coke.

"I know. Pero mukhang affected ka pa rin."

"Hindi ah!" hay nako. Pero mukha ngang affected pa ako.

"Alam ko na yang look na yan, bes. You're not a good liar." she knows me very well.

Nagbuntong-hininga na lang ako.

"Fine! 10% feelings siguro meron pa. Like hello? 1 week pa lang ang nakalipas nung nagbreak kami."

"But don't worry bes, tama lang na nagbreak kayo. Di naman talaga ako boto diyan sa ex mo e. And time can heal. Mawawala din yang 10%."

Yeah, I agree. Like there's so many fish in the ocean. Mamimingwit na lang ako ng mas matino.

Para namang mangyayari nga yun. Yeah right, Tia.

So naubos na namin ang pizza, 2 boxes! Sa sobrang gutom namin tsaka sa sama na rin ng loob ko. Kaya lamon lang ako ng lamon.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si bes at nilapitan ang table nina Alvin.

Nako! Ano na naman ang pakulo neto?

Sumunod agad ako.

"Hey Alvin!" Zen said.

Nagulat si Alvin and her girl nung nakita nila ako. Mukha ba akong multo?

"Uh, Tia?"

Di ako makapagsalita so Bes took the chance.

"I just wanted to ask you if why of all good-looking people in this world, ikaw pa ang pinatulan ng best friend ko. And to tell you, you're not worthy of Tia. Pero now that she has moved on at may bagong boyfriend na siya which she truly deserves. In the end? Masaya sila. Walang break. Walang gamitan. Period."

Woah! Was that my best friend? Kakanosebleed ha. Infairness.

So natauhan na talaga ang dalawa. Wala silang masabi e.

Paalis na kami ni bes but wait..

"And girl? Wag kang masyadong maligo sa make-up coz Alvin hates clowns. He doesn't like your type of entertaintment."

And we walked out. Di pa rin ako makapaniwala sa sinabi kong yun. Pati si bes, nagulat e. And so Alvin and his girl were left dumbfounded.

"Teka bes, ako may boyfriend? Di ba sinabi mo yun kanina?"

Sinabi niya yun di ba?

"No problemo yan, bes. Makakahanap ka rin nang mas matino-tino diyan."

Sabagay. Kung may matino pa ngang lalaki sa mundo. Meron pa ba nun? Haay. Sana ngaaa.

Nagtawanan na lang kami ni Bes. At uuwi na rin kami.

"Serves him right!"

"Yeah. And I feel way better!"

That's just another boy who needs to learn his lesson. Nagseparate na rin kami ni bes ng ways namin sa subdivision. Dere-deretso lang ako sa bahay then sa kwarto. At natulog na rin ako.

Haay, ang sarap maging single!

Zzz

2:

Jeremy's POV

Haay. Ano bang klaseng buhay to? Nuknukan ng boring. Wala pa kasing pasok. Wala pang napagtitripan. Ang tagal pa kasing matapos ng bakasyon.

Nga pala, ako si Jeremy Kaiser Santos. 17 na ako. Isang magsesenior na estudyante sa **** School. Ano pa ba? Jek ang palayaw ko na ang pwede lang na tumawag ay yung tropa't pamilya ko. Jeremy lang itawag mo sakin kung eefc-FC ka lang.

Dahil sa napakaboring kong buhay, mangtitrip na lang ako. E di masaya pa ako di ba?

Ano bang masayang trip?

Kinuha ko yung cellphone ko at shinuffle ko yung numbers ng cellphone number ko. Makapagtext nga. Malay natin, may ganitong numero sa Smart.

To: +639******* Hoy.

Message Sent!

Walangya. Tawang-tawa na ako pero anong magagawa ko? E na-send ko na nga. Biruin mo't may ganito ngang number sa Smart! Sino kaya yung maswerte na napagtrip-an ko? Teka, maswerte? HAHA! Good luck na lang sa kanya!

Lumipas na nang mga 5 minutes. Taena. Sana naman magreply yun. Nakakainip naman kasi! Kaya nag-text ulit ako. Bahala na nga lang kung sino man to.

To: +639*******

Hoy!

HAHA! Ang sarap talaga mangtrip!

*bzzzzt!*

Yun yun eh! Kanina ko pa hinihintay!

Opening message..

From: +639******* SINO KA BA?! GINAGAMBALA MO ANG NAPAKAPAYAPA KONG LIFE! BTW, HOW'D YOU GET MY NUMBER?!

Galit na siya niyan? Ampf. Natatawa talaga ako! HAHA! Mukhang pikon pa tong nakausap ko eh.

To: +639******* Uh. Jek Santos. Bkt?!

Syeteks. Nasabi ko pa tuloy yung pangalan ko ng de-oras. Palayaw ko pa! Di bale, buti na lang at hindi yung totoong pangalan ko sinabi ko. At hindi rin naman kami magkakilala.

Tsaka asa namang sabihin kong shinuffle ko yung numbers ko para makuha yang kanya. Akalain pa niyang trip ko siya. Tss.

Sa text pa lang, mukhang babae ang napagtrip-an ko o baka naman binababae? Baka magtext pa yun. Kaya tinanggal ko yung sim ko at pinalitan ng bago. I-stalk pa ako nun e!

Tia's POV

Gaahd. Ang boring boring boring ng vacation na to. Imma die coz of boredom. Kamusta naman si stalker ko? Ayun. Pinatay ko na! BWAHAHA! Joke. Wag lang ulit magtetext yun kung ayaw niyang makita powers ko! Kala niya lang ha!

Eto ako, inaaliw ko lang sarili ko sa kakapanood ng tv. Nagtitiis na nga lang ako e! Kasi pati ba naman ang tv, nakakaboring! Palipat-lipat lang ako ng channel.

Zzz

*Click*

"Boring."

*Click*

"Yuck, umagang-umaga, horror?!"

Pinatay ko na lang ang tv. Haay.

"Best! Kawawa naman yung tv oh. Di ka pa mapakali diyan." ay, nandito nga pala si bes.

I groaned. "E kasi naman, walang magandang palabas. May horror na nga, brutal pa!"

Oh yeah, blame it on the tv right?

"Gusto mong tumalon na lang ng building?"

Tatawa na ba ako?

"Seriously, not helping!"

Natahimik na lang siya't napaisip. Then she said, "Ah! I know na. You know my couz, Darren Chase Sy?"

"Uh-huh? Konekment?"

"E di ba? Since, you're a singer and pianist, so why not join the Music Workshop? Tutal sasali din si Chase pati yung barkada niya."

"Ah, let me think first."

Ano sa tingin niyo, readers? HAHA.

"No more thinking thinking pa. Sumali ka na!"

Eh? Pinag-isip mo pa ako, bes!

"K. Fine." she won again. Besides, namiss ko rin namang magpiano at kumanta. Hehe.

"So, kailan mo balak sumali?"

"Hmm.. Ngayon? Pwede ba?"

"Why not? Available naman daw sila sa mga ganitong oras e.."

"Uh, okay. Tara."

So ayun, tinawagan na ni bes Zen yung oh-so-dashing couz niya para samahan kami papunta dun.

Di ko na kailangan magpaalam sa parents ko since they both work at Paris. No biggie, they trust me naman so they let me stay here to study and.. gumala't magparty!

Anyway, nag-meet na kami sa aming dakilang meeting place, Taxi terminal. FYI, neighbors lang kami sa iisang subdivision kaya mabilis lang ang pagtravel.

"Couz!" tawag ni bes kay Chase.

"Oh couz! Tia! Tara." So that's her cousin. OMG! Chase! Why so handsome? Mahirap talaga pag gwapo. Taken na daw kasi yan e, bestie said.

Tumango na lang kami at umalis na.

Oh yes, we're here. Pagkapasok ng pagkapasok namin sa aming destination, nakita ko agad ang registration area.

"So Tia, mag-sign up ka diyan sa registration area. May ibibigay silang form na fifill up-an mo lang saka mo ibigay sa mga moderators." I nodded to Chase, saying thanks.

"C-couz, pwede mo bang ituro sakin yung cr dito? I need to pee!" sabi ni bes. Natawa naman ako. Mukhang naiihi na nga ang bruha.

"Sige. Tia, maiwan muna kita diyan. Samahan ko lang to." I nodded again.

So kumuha ako ng form at pumunta sa may table kung saan ako magsusulat.

And guess what? May gwapong nilalang lang naman ang umupo sa harap ko at magsasign up din ata? Haay, is it my lucky day?

Hoy Tia, magsulat ka nga!

But I can't help but stare.

"Anong tinititigan mo diyan?"

Homaysiomai!

3:

OMG! I know he looked at me. Pero bakit ganyan siya makapagsalita? He's rude. And suddenly, nagbago ang isip ko. Sana hindi ko to makasama sa workshop!

"Pabo, I'm not looking at you." kaya ako napapa-foreign language e, pag naiinis na ako.

"Minumura mo ba ako?! Tsaka wag mo nga akong gawing bulag." tapos tumingin ulit siya sa form niya at nagsulat.

Pero sabagay. Tinignan ko nga naman siya. Even though, he's nothing but BV. Psh!

"Whatever." yun na lang nasabi ko at binigay ko yung form sa mga moderators.

Umupo ako sa bench para hintayin ang mag-pinsan. Maya-maya, nag-bye na kami ni bes sa isa't-isa. I'll call her na lang if may mangyari mang himala. Joke.

Nagtungo kami ni Chase sa may Audio Visual room. Meeting daw. "Introduce yourself." I really hate this part.

Turn ko na, oh hindeee! Una ko pang nakita sa audience ay yung masungit na nakausap ko kanina.

"Hello, I'm Tianna Paris Tuazon. Please call me Tia or Paris. So I'm 16. I know how to play the piano and sing." with all smiles and confidence pa yan.

As for the masungit na nakausap ko kanina, he really gave a nonsense intro of himself.

"Ako si Jeremy Kaiser Santos. 17. Guitarist. Singer. Drummer? Uh, pwede na rin." See? At umupo na siya.

Sumunod naman yung barkada niya. Woah? Kasama si Chase? Apat kasi sila e. So bale sa apat na yun, isa lang ang walang kwentang nagpakilala.

At huling nagpakilala ang mga moderators. Ang cute nga ng isa e, si Sir Van Lee! OMG! Half-korean ba naman?

So anyway, Day 1 ko pa lang to, which is intro pa lang naman. Ang assignment namin is kailangan namin kumanta or tumugtog ng music instrument with a partner which we will be performing next week.

So si Sir Van ang pumili ng mag-partners. Sir! Ikaw na lang, please?

"Tia Tuazon, your partner will be..

Jeremy Santos."

Nooooo! Wait, really?! Of all people here, bakit siya pa? Haay. Eto na nga ang kapalaran ko kasama ang kumag na yan.

I sighed.

Then kailangan daw mag-usap ng mag-partners since next week naman na due ang performance.

Nakaupo pa rin ako't hinihintay ko lumapit yung Jeremy. Alangan ako pa lalapit sa kanya!

1 minute

Ayaw pa rin niyang lumapit. Ano ba naman tong kumag na to?!

Fine. Ako na tatayo at lalapit! Aish.

"Hoy." umupo ako sa tabi niya.

Tinignan lang niya ako nang nagtataka. Ugh. May kokote ba tong taong to?

"Ano ka ba? Tumutunganga ka lang diyan. Anong gagawin natin?"

"Ewan."

Josko! Tao pa ba tong kausap ko?

"Seryoso nga!"

"Malay nga!"

Psh. Wala siyang kwenta, e sasali-sali pa para ano? Tumunganga? Baliw ata tong kumag na to e!

Jeremy's POV

"Malay nga!" Yun na lang nasabi ko. Potek. Ano ba tong babaeng to?! Teka, babae ba to? Ang ingay pa ng bunganga!

"Pwede bang huminahon ka muna?! Isstapler ko na yang bibig mo e!"

"Ikaw kasi!" Ako pa sinisi! Ampf.

Sa totoo lang, wala talaga akong balak sumali dito. Yung tropa ko kasi e, pinilit pa nila ako dito. E sa sobrang boring sa bahay, dito ang bagsak ko.

"Hoy. Ano na ba kasing gagawin natin?" tinignan ko lang siya tapos napaisip siya, "Kakanta na lang ako tapos tutugtog ka ng gitara ha!"

"K." sabi ko.

"Napakatipid mo talaga sumagot!"

At least nga may sagot e! Kesa magmukha kang ewan diyan!

"K." sabi ko ulit. Ang sarap rin kasing asarin to e!

Pi-noke niya ang noo ko nang malakas!

"Aray! Wag mo nga akong hawakan!"

Hinimas-himas ko pa noo ko.

"E kasi paK- K ka pa diyan eh! So, anong kanta? Uhm.. The Only Exception ng Paramore? Alam mo yun?"

Tumango na lang ako.

"Hoy! Alam mo ba yun?!" hay nako. Nilabas na naman niya yung nakakairita niyang boses.

"Oo nga!" ang kulit. Tss.

"So much for your conversation, let's call this a day. Meeting adjourned." sabi ni sir Al, isang moderator.

Haay sa wakas!

Tatayo na sana ako pero humirit pa tong makulit na to. Tss.

"Hoy! Paano ba tayo makakapagpractice?"

Paano nga ba?

"Bahala na!"

Ayun. Bahala na nga. Ang kulit niya kasi e.

Bago ako umalis, nagpaalam muna ako sa tropa ko. Inantok na lang ako bigla e. Ewan. Ginayuma ata ako ng babaeng to.

Umalis na rin yung Tiang napakakulit, sa wakas.

Parehas pa sila nung babaeng inasar ko sa text. Pikon din kasi e. Pero iba si Tia, hindi siya tulad nung mga babaeng naghahabol at nakabuntot sakin. Iba yung kakulitan niya e. Mas trip ko pa. Teka, trip? HAHA, Asa pero..

"Parang gusto ko pa siyang kilalanin."

WTF?!

4:

Tia's POV

Geez. Bakit ba napakabilis ng panahon? Parang dati, I'm so deeeeym bored. Gustong gusto ko pang pumasok sa school nun. Pero ngayon, I'd rather rot at home o kaya lamunin na ako ng lupa. Haay. What a life! Simula nung nakilala ko rin yang Jeremy whatever...

Hindi na natahimik buhay ko!

But what can I do? Talking about cruel fate.

Bukas na pala yung performance para sa workshop. Haay. Nagkita na naman kami ng kumag na yun.

So paano ba kami nakapagpractice? Simple lang. Bumisita siya sa bahay ko nang hindi ko nalalaman!! Yeah, true. Binubwisit lang naman niya ako sa bahay. Kaya ilang dekada pa ang mga nakalipas bago pa kami nakapagpractice ng matino-tino.

FLASHBACK

*Ding dong!*

Napakasarap na ng tulog ko nun nung may biglang nag-doorbell. Aish. What time is it?! Tumingin ako sa alarm clock sa sidetable. Gahd. 7:00 am?! Ok ba siya?! Kung sino man siya!

Oh well, natulog na lang ulit ako. Sarap sarap ng tulog eh, distorbo agad.

2 minutes

*Ding dong!*

Hay nako! Hindi pa rin tumitigil yun?! Nakakabadtrip. Ang sama na tuloy ng gising ko ngayon.

Bumangon na lang ako at naghilamos. Bumaba na ako ng hagdan at binuksan yung pinto with matching kuskos pa ng mata!

-_______-

"Sino ya-AAAAAAAHHHHH!!"

O_____O

Unbelievable!

"Oh?" At siya pa may ganang tignan ako ng masama!

"Bakit ka nandito?! Paano mo nalaman na dito ako nakatira?!!"

Hindi pa rin siya sumasagot so binatukan ko nga.

"Aray! Wag ka ngang matanong! Umagang-umaga e, binubulyawan mo na ako!"

"Ya! Umagang-umaga nga e, nambubwisit ka! Ba't ka ba nandito?!"

"Manahimik ka nga muna! Taena. Nalaman ko lang kay Chase etong address mo."

Ouch, Chase. Binenta mo ba ako dito? Ba't dito pa?!

"Tapos?"

"Kita mo tong gitara? Kaya ako nandito para makapagpraktis tayo. Kung ano-ano na lang kasi iniisip mo. Tss."

Ok. Napahiya ako ng unti. Onti lang. Pero kahit na.

"Bakit ngayong oras pa? Ang aga-aga eh!"

"Kasi busy nga ako mamaya. Kaya ngayon na.. at wag ka nang magreklamo!"

"Yeah yeah, whatever you say. Umupo ka na diyan sa may sala. Maliligo lang ako."

"Kaya pala ang baho mo."

"Cheeeee!" Ang bango-bango ko kaya kahit pagkagising ko.

30 minutes

Oh well, ganito naman talaga ako katagal maligo e. Wag na lang siyang umangal no?

Jeremy's POV

Ano ba naman yung babaeng yun?! Taenaaaa. Ulyanin na eh. Nakalimutan pa niyang hindi kami nakapagpractice! Ibang klase talaga yun oh.

At ang tagal niya pang maligo! Ba't kasi ganyan silang mga babae? Wala nang bukas para maligo! Mabubulok na ako dito. Ampf.

"Hoy sunget!" Sa wakas!

"Ang tagal mooooo!"

"Whatever. Bahay mo to?!" sinabi niya yun habang nagsusuklay pa siya. Kahit kailan talaga, hindi ko makakasundo tong babaeng to.

"Dalian mo. Sayang oras."

"Game!"

Nagsimula na ako magtugtog ng gitara.

"When I was younger, I saw My daddy cried and cursed at the wind"

Kumakanta na siya nun gamit pa yung suklay niya bilang microphone. Ngumisi na lang ako.

2 minutes

"And I'm on my way to believing Oh and I'm on my way to believing"

Natapos din. May ibubuga rin pala etong babaeng to e. Pagkatapos nun, tinignan ko lang siya ng mabuti. Bakit ba? Siya naman, nakataas ang kilay. Ano na naman problema neto?!

Haay salamaaat. Isang pasada lang yun pero ayos na siguro yun. Wala na kasing mga mali e.

"Oh? Nakatingin ka pa diyan? Starstrucked ka?" sabi niyang bigla. Nahihibang ba tong babaeng to sa mga pinagsasabi niya?!

"Alphakapalmuks!"

"Psh." Tapos nag-make face siya. Taena, parang bata!

"Ano? Tapos na tayo. Dapat ganun din yung kinakalabasan ng performance natin ha! Lagot ka talaga sakin pag hindi mo inayos!"

"Yeah yeah. Oo na. Ikaw ang umayos diyan!"

Ngumisi na lang ako.

"Oh ano na? Di ba tapos na? Layas na!" Walang kasing sama talaga tong babaeng to.

Lumabas na lang ako. Saksakan ng kulit e, may nalunok pang amplifier!

"Bye! Ingat ka! Pero sana madapa ka!" K.

END OF FLASHBACK

Tia's POV

So you see, wala nang mas aamo pa kesa samin. Just because we never get along. Close kasi kami sa pinakaclose ng close. Ha? Di ko rin gets sinabi ko eh.

Anyway..

I found myself at the park inside the subdivision. Just chilling on the swing.

"Whoa? So nagpapaka-emo ka na ngayon, bes ha. Kulang na lang maglaslas ka diyan e. Tsk." Zenille Sy talaga, susulpot na lang bigla.

"Uy, over?! I. Just. Need. Air." In-emphasize ko pa yang sinabi ko.

Tumango na lang si bes.

"So kamusta yung workshop?"

"Ayun, ayos lang." Ayos nga lang ba, Tianna Paris Tuazon? Haay.

"E balita ko rin nagiging close pa kayo ni Jeremy Santos."

Balita nga naman, so fast talaga!

"Uh yeah. VERY CLOSE."

"Oh."

"And you know I said that in a sarcastic tone, right?"

Natawa na lang ang bes ko.

"Mukhang nakahanap ka na ng pamalit mo sa ex mong mokong ha. Zen likes it!"

Ay facebook to, bes? HAHA.

"I dislike. If you only knew bes, kung gaano ako kasaya makasama ang kumag na yun." Haay.

"Look, he's hot naman e. Bakit ayaw mo pa? Bihira na nga lang mga species niya e."

Uh, hot? Ok. Hot na nga. Pero ugali niya? NOT.

"Yeah. Whatever you say bes."

"Hay nako, you're not looking at the picture. Siya na lang patulan mo, bes? Besides, you both make up a perfect pair! Bagay na bagay!" Eep.

"HAHA, No. I hate him, bes."

"Ok fine. O siya, alis lang ako. May bibilhin lang kasi ako sa Cora's."

"Sure bes. See ya."

*Cora's - exclusive mini-market sa subdivision namin. Dito kami madalas maggrocery.

Tumango na lang ako at inaliw yung sarili ko sa swing. I just need to chillax. Haay. Napaisip na lang ako bigla.

"I think cruel fate is taking so much advantage of me."

5:

This is the day. Woo. Hindi naman to contest or pageant or whatsoever. Pero bakit ba? Kinakabahan pa rin ako e. Baka magkamali pa ako sa pagkanta. Tsk. So help me God.

Nagtaxi na lang ako papunta dun sa venue. Nakabisado ko na rin naman agad ang daan papunta dun eh.

Nung nakarating na ako dun, dumeretso ako sa Audio Visual room.

Nag-aayos na ang lahat. Tinotono yung mga gitara. Pinapractice yung boses. Yung iba, ina-assemble pa yung mga amplifiers nila. Mukhang Singing contest nga talaga ang drama ng mga tao ngayon ha!

"After 10 minutes, we are about to start. Please prepare yourselves."

Oh em geee. 10 minutes na lang, magpperform na kami. Hinanap ko naman agad si Chase.

"Chase, nakita mo ba si Jeremy?"

"Oh bakit? Wala pa ba?"

Ano ba tong si Chase? Kabarkada niya? Di niya pa alam kung nasaan.

"Wala pa eh. Paano yan? Maya-maya, magsisimula na."

"Uh, try kong tawagan."

Tumango na lang ako.

"Tia, hindi niya sinasagot yung cellphone niya eh." Ano bang silbi ng cellphone nun kung hindi man lang sinasagot ang tawag?!

"Sige, salamat na lang."

Eeeeep. Nasaan na ang walangyang Jeremy Santos na yun?! Ngayon pa ba siya hindi papasok? Patay talaga siya sakin pag hindi siya nagpakita ngayon!

"5 Minutes left. Please settle yourselves."

Maya-maya e, 1 minute na lang.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Aish. If he doesn't show up, he'll die now.

Lumabas na muna ako ng AVR at nag-abang sa entrance gate. Ano na ba pinaggagawa ng mokong?!

Ayun! Sa wakas! Dumating rin. Jeremy Santos, patay ka sakin!

"Hoy Santos!"

"Ano na naman problema mo?!"

"Ano problema ko? Ikaw! Ba't ka late?!"

"Hindi na oras para tanungin yan. Tara na!"

Hinila niya naman kamay ko tapos tumakbo na kami papuntang AVR.

"Miss Tuazon and Mr. Santos..."

Gulp. Breathe in. Out. Woo. You're really dead, Santos.

"Yes S-Sir?" sumagot naman ako.

Si Sir Van pa naman ang nagtanong nun. Ugh, I feel so ashamed!

"Uhm, hija't hijo. It's your turn now. I've been calling your names, twice."

OHEMGEEEEE. Akala ko kung ano na! Thank you, Lord!

So turn na pala namin magperform. Ok. Huminga ka lang ng malalim, Tia. Aja!

"Hoy, para kang baliw diyan." nilabas na ni Jeremy yung acoustic guitar niya from the guitar case.

"E sa kinakabahan ako no?!" Inayos ko naman ang microphone.

Syempre, bulungan lang yang pag-uusap namin no. Ayoko na nang masermon pa.

Ok.

So.

Here it goes.

Now Playing: The Only Exception - Paramore

When I was younger I saw my daddy cry And curse at the wind He broke his own heart And I watched As he tried to reassemble it

And my momma swore that She would never let herself forget And that was the day that I promised I'd never sing of love

If it does not exist

But darling, You, are, the only exception You, are, the only exception You, are, the only exception You, are, the only exception

And I'm on my way to believing Oh, And I'm on my way to believing

Actually, nag-cut lang kami ng ibang parts sa song para maikli-ikli lang.

So ayun! Natapos rin! I can breathe at last! Woo.

Tapos nagsipalakpakan naman silang lahat. Contest na ba talaga tong nasalihan ko? Tsaka meron pang mga nagsipagtilian. Nakooo, what's with the screamy thingy. Ba't may malice? Psh.

Ok. Aminin ko na. Magaling si Jeremy mag-guitar as in. Mafafall ka talaga. Wait, did I just said-?! Well, talentado pala tong kumag na to. Yun lang ang masasabi ko.

Bumalik naman kami sa mga upuan namin. Then may mga sumunod naman na magpperform. Favorite song ko pa nga tinugtog nila e, Thunder ng Boys Like Girls. Love that song!

Anyway..

Nakaupo na kami. Tahimik na sana ulit ang buhay ko nang biglang..

"Tol! Tia! Ang gagaling niyong dalawa!" I know right? HAHA. sabi ni Tris yun, part of their barkada.

"Thanks."

Tinignan ko naman si Jeremy. Ayun, expression-less. Wala man lang 'thanks' din? Tss.

"At hindi lang yun!"

Bigla na lang namin nilingon si MJ na kabarkada din nila.

"Ano?" sabay pa namin sinabi ni Jeremy.

"Bagay na bagay kayo!"

Then naghigh-five silang lahat. And they went like this..

^___^

While Jeremy and I were like this..

-___-

"Asa namang magustuhan ko yang amplifier na yan no!"

"H-ha? At sinong amplifier na naman yang tinutukoy mo?!"

Nagsalita rin sa wakas ang bato kaso humirit na naman! Haay! At paano ako naging amplifier?! I'm not that loud naman e!

"Here they go again, LQ!!!"

Hello? Wala ngang friendship e, LQ pa kaya?!

"Sige, pagtulungan niyo pa ako sa amplifier na to."

Then nag-excuse ang kumag. Mag-ccr daw. Kaya ayun, he fly away na. Joke. Wag na sana siyang magpakita. Grr.

Is it coincidence or pinaglalaro lang talaga kami ng tadhana?

Coz I'm on red alert too! Kailangan ko ring mag-cr! So nagpaalam din ako sa mga moderators. Tapos binigyan na naman ng barkada ni Jeremy ng malice. You know why! Hay nakooo!

"Haay, saan kaya cr dito?"

Ok. Naliligaw pa rin ako dito. Hindi ko pa kasi kabisado yung mga places inside this venue e.

"Gaaaahd. Di ko na kaya to!"

Nagmukha na akong ewan na parang sumasayaw at nagpipigil pa. This sucks, really. Palingon-lingon ako pero di ko talaga alam kung nasan yung cr! Eep!

May bumatok na lang bigla sa likod ko.

"Aray naman!" naiihi na nga ang tao dito e!

"Nandun ang cr oh. Kita mo ba yung sign na yun?!" Guess who? Edi si Jeremy Santos! Sino pa ba?!

So ayun, tinuro niya nga kung saan nakapost ang sign ng ladies' cr. Ugh. Tia, next time, use your coconut nga! Napahiya ka pa kay Santos e!

"Sorry naman ha! Di ko na mapigilan e!"

Umalis na pala ang mokong. Bumalik na sa AVR. Hay nako, nice talking ha!

Nag-cr na nga ako't bumalik na rin sa AVR.

So this is an another walang kwentang day with the kumag. Sabi daw ng mga moderators na hindi muna magkakameeting this coming week and so on.

Kasi may pasok na rin the day after tomorrow! Yes! Di ko na rin makikita si Santos! No more boring life. Coz school life and social life is coming! Atat na tuloy ako!

6:

6:30 am

Homaygolay! Late na ako gumising! Eep.

Dali! Rise and shine na, Tia! First day na first day e, late ka na! Bumangon kaagad ako at ginawa ko na ang morning rituals ko na pinagkasya ko lang naman sa 30 minutes.

Kaso inaantok pa rin ako. Deym. Kahit kailan talaga, tulog mantika ka Tia Tuazon!

So nagtaxi na lang ako papuntang school, to my new school perhaps.

Ano kaya mga uri ng estudyante dun? You know? Parang sa mga stories? All the jocks, flirts, nerds and the

rest.

Aish. Na-eexcite ako but at the same time, natetense rin. Idagdag mo pa na inaantok ako.

Zzz

Calling.. Best Zen

"Bes!" sinagot ko naman agad.

"Hey bes, let's meet na lang at the front gate ha?"

"Yeah, see you there."

At nandito na nga ako sa front gate. Woo. Marami na ngang pumapasok na students in white and blue. Well, yan ang color ng school uniform e. And the style is cute naman.

Anyway. Napansin ko lang. Ang weweird ng mga tingin nila pag nadadaanan nila ako. Ba't kaya?! Dahil newbie ako?! Psh.

Suddenly, I got a bad feeling about this school. Darn it. And I'm still sleepy!

"Uy bes! Tara."

Haay salamat. Dumating na rin ang bruha.

Nagtungo naman kami sa registrar para malaman sections namin.

And for the first time, classmates kami! Section 1.

Ayun. Dumeretso naman kami agad sa classroom. Ang laki at convenient ng classroom, not bad. Pwede na.

Luckily, may nakilala naman agad ako nung pagkapasok namin ni bes! And her name is..

"Ciara Lyn Aragon.."

Nagkamayan naman kami at ngumiti na lang ako.

"I'm glad nga na may bagong classmate kami kasi sawa na ako sa mga pagmumukha nila.." sabay turo niya sa mga classmates naming nasa classroom.

Natawa na lang ako.

"Pero joke lang yun no. So always feel welcome kaya wag ka nang mahiya!"

Oh well, first day nga naman. Syempre, may pahiya-hiya effect pa ako no. Hehe.

"Loka! Hindi bagay sayo! HAHA."

Haaaay nako. Bes talaga!

"Eto naman si bes, binubuking agad ako. Ayos na sana first impression nila sakin e."

And we laughed again. So I met another friend namely Ciara.

Then nag-hi rin yung iba naming classmates. Mukhang mababait nga sila.

Kumuha na rin kami ng vacant seats, yun nga lang nasa likod.

So dalawa si Ciara't bes nakaupo sa harap ko. And ako na lang nag-occupy ng kaisa-isang seat na nasa pinakalikod. Get the picture?

"Good morning, class."

Dumating na rin ang adviser namin. And I guess, she seems nice naman.

So here goes the part I've always hated. Nag-introduce na naman ako! And I went back to my seat. Ako lang pala talaga ang kaisa-isang newbie dito. Haay.

This week, orientation lang naman daw at discussion of rules and regulations, bla bla. Pumipikit-pikit na talaga ang mga mata ko. Nooooo.

Sinandal ko muna yung ulo ko sa armchair at umidlip. Joke. Hindi naman no. The reason kaya ako nagkakaganito kasi napuyat ako kagabi sa kakamomovie-marathon ko, all by myself. Actually, 4 movies to be exact. 2 Romance, 2 Horror. O di ba, ayos? So eto ako, mukhang ewan na pipikit-pikit ang mata.

Pati yung ulo ko, nagbubump na sa pader since nakaupo ako beside the wall.

"Morning, Ma'am." may pumasok bigla ng classroom.

"Sorry, we're late."

"Am sorry too, Ma'am."

Aba, sunod-sunod na excuses at footsteps ang naririnig ko and their voices are sooo familiar. But I'm too sleepy to familiarize their voices. Anyway, iidlip na lang ako pero naririnig ko pa rin yung mga voices nila.

"Ok. Since this is still the first day, I'll accept you in class. But if it's lesson proper, I will not tolerate this kind of attitude. Clear?"

Eep. Kakanosebleed naman yun, Ma'am.

"Yes Ma'am."

"Ok. Take 4 chairs at the maintenance room then you place them at the back beside Ms. Tuazon."

Nung narinig ko pangalan ko, nagising na lang ako bigla. Er. Pero inaantok pa rin ako. Muntikan na tuloy akong mahuli.

Then back to her discussion and I'm still sleepy. Dumating na rin ang apat na students at tinabi na sakin yung mga upuan nila. Mordeeee. (Darn in French)

I heard someone laugh beside me. Tinignan ko naman.

No, wait.

For real?!

OMGEEEEE! Hindi nga. I blinked my eyes for like 3 times.

Oh hindeee. Wala nang iba kundi si Jeremy Santos ang katabi ko. Haay. Ba't ba ako na lang palagi?! And yung barkada niya nandito rin. Hindi mo talaga mapaghihiwalay ang mga yan.

Anyway..

So that means. MAGKAKLASE KAMI NI JEREMY KAISER SANTOS! I hate my life.

"Ikaw na naman?" sabi niyang bigla at nag-smirk pa.

"Dito na ako nag-aaral e. Bakit?!" I said that in a sleepy and bored voice.

I'm not yet totally awake. Sadyang sleepy pa rin ang cells ng body ko. Kaya nag-bubump pa rin ulo ko sa pader. Thank God, hindi pa rin ako nahuhuli ni Ma'am Yuna, our adviser.

Jeremy's POV

Akalain mo yun? Kaklase ko pala ang walang ibang amplifier kundi si Tia Tuazon. At mukhang inaantok pa tong babaeng to.

"Ikaw na naman?" sabi ko.

"Dito na ako nag-aaral e. Bakit?!" kahit may galit sa boses niya, parang inaantok pa rin na walang gana na ewan. Ano ba kasing pinaggagawa neto at nagkaganito to?! At kailan pa ako nagkaconcern sa kanya?! Tae.

Natawa na lang ako kasi tumatama pa yung ulo niya sa pader. HAHA.

"Oy."

"O Tris?" kinalabit ako ni Tristan na katabi ko naman sa kaliwa ko.

"Bigyan mo neto oh."

Walangya. Kailan pa to nagdala ng unan dito?

"Aanhin ko yan?!" nagtaka naman ako.

"Oy, hindi para sayo to. E kung ibigay mo kaya kay Tia no, kawawa na nga itsura e. Mukhang antok na antok."

Tinignan ko ulit si Tia. Parang lasing lang, tumatama pa rin ang ulo niyo sa pader. At hindi pa siya nahuhuli ng teacher namin.

"E di ibigay mo." sabi ko naman.

"Ikaw na. Ikaw katabi e."

Haay nako. Mukhang may nagkakatropahan dito, pinagtitripan pa ako ng mga neto. Kung magsitawa, may malisya pa e. Tss.

Kinuha ko na lang ang unan at sinandal sa likod ng ulo ko. HAHA. Kala nila ah.

"Hindi nga sabi para sayo yan e."

Potek. Pasalamat ka, tropa kita Tris. Kinuha ko naman ang unan.

"Hoy." sabi ko.

"asdghfjkl." biglang sinabi ni Tia. Ano daw?!

"Hoy!"

"Anooooh na namaaaan?!"

"Unan oh! Mukha ka kasing baliw diyan."

"Ah ok." Hinablot niya naman agad ang unan. Walang 'salamat?'. Asa ka naman diyan sa babaeng yan.

"Thank you Tris." tinignan ko naman ng masama tong babaeng to.

"Ba't sa kanya ka nagpasalamat?"

"E sa kanya naman galing to e. Zzz"

Ayos rin talaga tong babaeng to e. Tss. Bahala na nga siya.

Tia's POV

What can I say about my first day? Ayun. Boring din. Tsaka nakita ko kasi pagmumukha ni Santos kaya I'm still badtripped.

Anyway, half-day lang naman daw. So deretso agad ako umuwi. At sobrang kulang ng tulog ko. Ugh. Sinabi ko na lang kay bes na uuwi agad ako para makatulog.

Haay.

Naalimpungatan naman ako. Nagising na ako ng mga 4:30. Woah? 4 hours din akong nakahilatay sa kama? Ayun. Sulit naman tulog. I'm wide awake.

1 new message received

From: Bes Zen bes, u awake na? if yes, shopping nmn tayo oh. ndi na nten mggwa to if may klase na e. and yeah, i hav a surprise 4 u. see u ha! mwah!

Wala akong load pang-reply e. Pero I'll go naman.

Besides, magkaklase na naman e. Kaya susulitin ko na ang paggagala ko ngayon before the school year starts officially. And may sinabi pang surprise ang bruha?

Ano kaya yun?

Buti na lang at kakapadala lang ulit ng allowance ko this day. Imma spend half of it.

Nagkita ulit kami sa terminal papuntang mall.

Nung nandun na kami, what do you expect? Syempre, we went shopping. Walang bago sa Penshoppe e, kaya binulabog na lang namin ang Bench.

After that, nag-cr muna si bes at naghintay naman ako dun, nakaupo sa bench.

Naramdam ko na lang na may humawak ng kamay ko. Teka..

PINOSAS!

"Bes, hope you like my surprise!" At ano namang ka-like-like dito?!

"Anong surprise na naman to?"

Haay. I've been pawned by my very own best friend.

"Magkaibigan naman tayo di ba?"

"Oo naman!" Nako, tuwang-tuwa pa ang bruha!

"E bakit mo ako pinosas?!"

"Eto naman, hindi lang naman ikaw ang pinosas ko e. Look oh."

At nahila naman ang kamay ko, napunta ang isang handicuff kay..

zzz

Santos. Ba't ba kami laging pinagtutulungan dito?! And nandito rin ulit yung barkada niyang Happy 3 Friends. Psh.

"Bes, why are you doing this to me? I hate this surprise!"

7:

Tinaas ko pa ang kamay ko. Edi nahila rin yung kay Jeremy.

"Aray! Pwede ba?! Wag mong itaas yang kamay mo! Masakit e!"

Tapos nun, tinignan ko naman ang reaction niya. Blanko lang. Psh.

"E bakit ba?! Gusto ko e!"

"Haay, ang sarap talaga panuorin ang telenovela nila." What the?! Kailan pa kami naging telenovela?!

"Horror kamo, eto ang bida!" humirit na naman ang bubwit na to. Siya nga horror diyan e!

At dahil hindi na kaya ng powers ng nakaposas kong kamay, ginamit ko naman yung isang kamay ko para batukan siya! Ha!

"Aray!"

"Ano? Horror-horror mo mukha mo!"

"So see you both later!" Nagtawanan naman ang barkada niya kasama si Zen. And umalis sila.

Bakit nila ako iniwan sa kumag na to?! Aish.

"Ano na? Tatayo-tayo lang ba tayo dito?! Mukha tayong engot dito oh!"

"Che! Ikaw lang!"

Pinagtitinginan na kami ng tao in a way na kinikilig pa sila. Eeeeep.

"Tara na nga! Nakakainip naman dito!" Nagsimula naman siyang maglakad tapos kinaladkad na lang ako. Aray naman!

"Ano ba?! Ang bilis mong maglakad!"

"Bakit ba?! Gusto ko e."

Napabuntung-hininga na lang ako.

Babatukan ko na sana siya pero napigilan niya gamit yung isang kamay niya.

"Sabi na ngang masakit e! Babatukan mo na naman ako."

Nag-make face na lang ako. Haay. I feel so hopeless! Mamu! Papu! Balik na kayo dito!

"Ano bang gagawin natin?!"

Nag-stop kami sa isang ice cream stall. Magnoliaaaa.

"Oh. Yan! Para matahimik kang amplifier ka." tapos may inabot siyang Cookies n' Cream na ice cream. This is my favorite!

"I can't believe I'm going to say this pero salamat na lang!" kinuha ko agad ang ice cream.

Ngumisi lang siya. Doesn't he ever smile?

"E ikaw?"

"Ayoko. Wala na nga akong pera dahil naubos pambili ng ice cream mo!"

Ay engot talaga to.

"Ba't mo pa ako binilhan ng ice cream kung mauubos lang rin ang pera mo?!"

"Para nga matahimik ka diyan. Wag ka na ngang madaldal. Kainin mo na lang yan!"

Ayun. Nanahimik na lang ako. Umupo naman kami sa may bench ulit.

Nilingon ko naman siya at tinignan ng masama. Why? E kasi naman kung makatingin, parang papatayin na ako ng mga mata niya!

"Ang sama mo naman tumingin!"

"Ikaw? Titignan ko? Hindi nga kita tinitignan e!"

Umiwas siya ng tingin bigla. HAHA. Nakita ko yun!

"Sus. Deny-deny pa. May gusto ka lang sakin e!" Syempre, pang-asar lang yun.

"Spell ASA."

"Whatever."

And I took a last bite of the cone.

"Tapos ka na?"

"Bakit?!"

"Sayang ang oras. May bibilhin pa ako."

"Ng?"

"Bagay. Malamang."

Ay duh naman?! Pilosopong kumag to!

"Anong bagay, engot!"

"Regalo! Para sa mama ko. Birthday na niya sa Tuesday e."

Napa-ahh na lang ako. Haay nako, kung makakakaladkad naman to!

Pero teka akala ko wala siyang pera?!

"Credit card gagamitin ko."

Ay sows! Yun naman pala e.

So ayun. Nag-stop kami sa isang jewelry shop.

Hindi naman mayaman ang bubwit na to. Bumili lang naman siya ng almost P7,000 worth na necklace! Pero infairness, maganda napili netong kumag na to. May diamond na pendant e. Gold pa. Rich much?

"Para sa kanya po ba yan?" humirit pa ang salesman na nakangiti pa saming dalawa. At ako pa dinamay. Buti na lang at hindi nila napapansin ang posas samin.

"Ah. Hindi. Para sa mama ko to."

Walang galang tong Jeremy na to. Hmp. Bad bad!

Umalis naman kami sa store na yun. Natahimik lang ako saglit nung nakita ko si...

BELOVED EX KONG SI ALVIN! Right in front of us.

"Tia."

"Ano na naman?!" Nag-taray na naman ang lola niyo.

Ba't kasi sa daming tao pwedeng makita, my ex pa talaga e!

Si Jeremy? Ayun. Expression-less pa rin.

"Eto ba?" Tinignan naman niya si Jeremy.

"Ano?" I asked.

"Siya ba boyfriend mo?" Uh-oh. Remember nung sinabi ni Bes kay Alvin na may bf na daw ako?! Eto na nga, tinatanong ako.

Hindi ko alam ang sasagutin ko. Kasi hello?! Never kong magugustuhang maging bf tong kumag na tong nakaposas na to.

"Uhm.. hi-"

"Oo. Ako nga boyfriend niya. Bakit?!"

Nagsalita na naman ang bato! Nakoo. Why does he have to tell that?! I mean, JEREMY SANTOS actually did that?! Oh em gee. Kaloka tong kumag na to.

"Gusto kong marinig galing sayo, Tia." then he looked at me, seriously.

"What?! Sinabi na nga niya e."

"Tell me na boyfriend mo nga to." What does he care ba! E may bago na siya ha!

I sighed.

"Yes. This effin' guy is my boyfriend." I can't believe I said that.

"Nga pala p're. Kita mo to?" may pahabol pa tong si Jeremy! Ano kaya yun?

Tinaas naman ni Jeremy the kumag yung kamay namin. He is actually holding my hand! Eep! Lagot ka sakin Santos. Chansing ka pa ha!

"Bakit?"

"We're chained lovers." Ugh, nandiri naman ako sa sinabi niya! May nalalaman pa siyang ganyan! Pero natawa ako.

"Ah."

"Teka. Why do you need to ask pa?" tanong ko naman. Kasi nagtataka na ako sa mokong na to e.

"Wala. Sige. Mauna na ako."

And he left. Thank God.

Binatukan ko nga tong si Jeremy.

"Aray!"

"Ikaw! Ba't mo sinabing bf kita?!"

Hinampas ko ng hinampas siya sa likod.

"Aray! Ano ka ba?! Ikaw na nga tinutulungan diyan e!"

Well, he has a point. Talo ka na naman, Tia. -____-

Walk out na naman ang drama ng lolo niyo. Pero syempre, kasama ako dun. Aguy! Kinaladkad na naman ako ng loko.

"I mean.. Pwede mo naman sabihing hindi, di ba?"

"Believe me, it's for the best." Himala? Nag-english ang kumag.

"The best mo mukha mo!"

"Pasalamat ka na lang kesa magdada ka na naman diyan!"

Fineeee. Natahimik na lang ako.

"Akin na nga yang kamay mo."

"Bakit na naman?! Chansing much ka na ha!"

"F-e-e-l-e-r. Panindigan mo na lang na bf mo ako."

Then he smirked.

Ugh. I hate him. So. Much.

Ang higpit ng pagkahawak ng kamay niya kaya hindi ko na matanggal. Haay. Pagod na akong makipagtalo sa kumag na to. -___-

"Oh look!"

"Lovers na nga talaga sila!"

Sa wakas, mababatukan ko tong mga taong to e. Kahit bespren ko pa yung isa e.

Then naghigh-five na naman ang Happy 3 Friends with Zen.

"Bessss! Masakit na kamay ko! Seriously. Eto kasi e!"

"Aray! Tigilan mo nga yang pambabatok mo sakin!"

"Wag mo kasing hawakan kamay ko!"

"Ganyan na lang ba kayo palagi?" sabi ni bes and natawa siya. Not funny, bes. Tampo na talaga ako sayo. Hmp.

"Teka ba't nga pala kayo magka-holding hands, tol?" tanong naman ni MJ.

"Etong babaeng to kasi e."

"Ano na naman?! Ako na naman?!"

Then they all looked at me na parang nagtataka.

"Fine!" Gahd. This conversation will never end.

"Boyfriend ko tong kumag na to."

Ok. Hindi sila makapaniwala. Duh. As if totoo nga, kahit fake lang ayaw ko nga e!

"What? Paano?!" sabay-sabay pa sila nagtanong.

"E basta. We're just pretending! Thanks to you bes!" mukhang na-gets naman agad ni bes Zen at nag-thumbs up. Haay.

Tinignan ko naman ulit tong Jeremy na to. NR as in no reaction.

"Tol, totoo ba?"

"Oo nga." Blank expression lang. Zzz

"Dahil diyan, paghihiwalay muna namin kayong lovers. Kasi may pasok pa tomorrow and so on, k?"

FINALLY!

Then kinuha na ni Chase yung susi dahil siya may hawak nun at in-unlock na etong posas namin.

After nang matanggal, I kissed my hands pa coz it's free! Joke. Oa much?

So ayun, uuwi na rin kami.

Hinatid kami ng mga buong barkada ni Jeremy. Nagpaalam naman ako sa kanila syempre except dun kay kumag. He ruined my day eee. Psh.

So papasok na sana ako sa bahay namin nang..

"Hoy gerlpren! Ba't wala akong 'Bye'?" Guess who? Si kumag.

Nagulat naman ako dun. Like yeah whatever, boyfriend.

"Mukha mo!" Isinigaw ko naman.

Then ayun, sinabi pa ni bes ba't daw ganito ako sa boypren ko. As if naman no! Tsaka Bes ko pa ba to? Di na nga ako pinagtatanggol e. Joke. Ayun. Bahala na sila kung ano gusto nilang isipin basta it's just fake. F-A-K-E.

Pumasok na ako ng bahay. Itutulog ko na nga lang to. What a daaay!

8:

Jeremy's POV

Haay. Ano bang araw to oh. Mas lalo pa ata kami pinagtatagpo ng amplifier na si Tia. Kaklase ko na, kaworkshop ko pa! Maya niyan, kadugo ko na pala! HAHA. Spell Asa.

At kakailanganin pa naming magpanggap kung hindi dahil sa ex ng amplifier na wala namang binatbat sakin.

Tama na ang usapang yun.

Kasi eto na ako papasok ng school. Haay nako. Kahit sa school, ang boring. Nakatunganga lang ako sa kawalan. Nga pala, nandito kami ng tropa ko sa tambayan naming parang playground basta outdoors.

"Tol."

Pati yung tropa ko, mukhang mga namatayan ng alagang aso e.

"Oh bakit?" Nilingon naman agad ni MJ.

"Hangboring e!" ang aga pa naman namin pumasok, e wala pa namang klase kaya eto.

Natawa na lang sila. Mga mokong na to, parang mga baliw.

"Potek. Makahanap na nga lang ng mapagtitripan."

"Oo nga. Namiss ko na rin yun e." sabi ni Chase na nagbibilang ng mga butil ng damo. Iba rin talaga to e. HAHA.

"Sige ganito. Ikaw muna Tris, unang papasok na babae. Sasabihin mo ng 'Hi! Ang ganda mo!'" sabi ni MJ. HAHA. Ang lakas rin naman ng topak nun.

Inaabang pa namin sa gate kung sino nga yung unang dadating na babae.

Yun yun e. Sakto! Dumating si Ciara! Tama lang talaga! Crush kasi naman ni Tris to.

"Uh.."

Langya. Na-torpe pa ang loko.

"Dali na!"

"Hi Ciara! Ang ganda mo!" Ayos! HAHA!

"Uhm.." sabi ni Ciarang namumula na habang naglalakad papuntang classroom ata. Ngumiti na lang siya kay Tris. Si Tris may pakana niyan!

"Magaling ka Tris!"

"Para sakin hindi trip yun dahil maganda naman talaga si Ciara." sabi ni Tris na tuwang-tuwa.

Ayun. Masaya rin naman kami para sa kanya. HAHA!

"O ikaw naman, Chase!"

"Uhm, tol. Makipagbeso-beso ka dun kay Felix." tapos tinuro niya si Felix na nakaupo sa may bench.

"Yun lang ba, MJ?" nagyabang pa ang isang to.

"Sus! Gawin mo na!"

At ayun. Ginawa niya nga. Nakisakay naman tong si Felix sa trip niya! Potek.

Tapos tawa kami ng tawa.

"Ayos-ayusin niyo nga ang trip natin sa susunod! Nandiri din naman ako dun no!" tapos tawa rin ng tawa ang mokong na si Chase pagkatapos niyang sabihin yun.

"Ikaw MJ! I-masahe mo ang likod ni Ma'am Gomez." natawa na naman ulit ako este kami pala pwera kay MJ!

"HINDI NGA?! BA'T SI MA'AM GG PA?!" nagreklamo naman ang loko.

Alam niyo bakit ayaw niya? Si Ma'am GG kasi este Ma'am G. ang pinakamalapit sa mga estudyante lalo na pag lalaki. Malambing daw kasi yan. HAHA! Good luck na lang kay tol MJ.

"Walang urungan dito, tsong!" tapos nagsitawanan ulit kami. Ang sakit na nga ng tiyan ko e, tae!

"Bahala na nga!"

Naglakad naman si MJ patungo kay Ma'am G. Ayun! At nagawa niya nga. Mukhang diring-diri na ewan ang pagmumukha ng loko. Habang si Ma'am, nag-eenjoy. HAHA! Sulit!

Tawa lang kami ng tawa.

"Langya. Hinding-hindi ko na gagawin yang ganyang klaseng trip kahit kailan!"

"Oh easy lang, tol. Ikaw na last, Jek."

Nga no. Ako na lang hindi nakakagawa ng trip.

Nagkumpulan naman ang tatlo. Ano to, planadong-planado?! Syeteks naman oh.

"Wala namang ganyan. Ba't pa kayo nagbubulungan?"

Tumawa sila saglit tapos hinarap na ako.

"Oy, mamaya kung anong trip yan ah! Pag-uuntugin ko kayo e!"

"Chill! Eto lang naman gagawin mo e.."

"Pag dumating si Tia.."

"Sasabihin mo, 'hi babe!' Tapos yayakapin mo siya."

Sabi na nga ba e. Pinagkakaisahan pa ako ng mga to e!

"Taena. Ba't ko pa siya yayakapin?! PDA na kaya yun!"

"Nakipagbeso nga ako kay Felix e!"

"At minasahe ko si Ma'am GG!"

"Tsaka wala namang teacher o staff ang nandito na manghuhuli!" kahit na zzz. Gawin ko na ang lahat wag lang mayakap ang amplifier na yun!

"Tss. Ayoko nga sabi e!"

"Gf mo pa yun, tol!"

-_________-

"Asa. Panggap lang yun!"

"Alam na namin yun. Tol, sayang yung oras! Magkaklase na maya-maya!" sabi ni Tris.

Wala na akong choice. Potek.

"Oo na! Gagawin ko na!"

"Yehey!" tuwang-tuwa naman ang mga loko.

Tia's POV

"Beees, let's go."

"Tara."

Pumasok na kami ng school. Then nakasalubong pa namin si Jeremy the kumag and The happy 3 friends. What are they up to now?!

Tinaasan ko naman ng kilay si Jeremy kasi nakatingin lang siya at nilapitan ako.. What the?!

"Hi babe!"

And he actually smiled. NOT FAKE.

"Uh, hi?"

Then he.. HUGGED ME.

"OMG Bes!" tuwang-tuwa naman si Zen and the happy 3 friends.

While me - o______O

Bumitaw agad ako.

"Kumag! What are you up to this time?!"

"Masama na bang yakapin ang gf ngayon?" then his face became straight. Back to normal. Boring.

"Eep. I mean ba't mo gagawin yun like-"

At hindi pa rin tumigil sa kakangiti ang happy 3 friends lalo na si bes Zen. Siya pa ang namumula ha!

*RING!!!*

The bell calls.

"Wag ka na magtanong. Tara, ma-late pa tayo!" he held my hand and we went to the classroom.

Di ko naman matanggal ang kamay ko. Ang higpit niya kasi humawak e!

LUNCH

"Bruha, canteen tayo!"

Ayun. Um-oo naman si bes. Nag-order naman kami ng food. Tapos naghanap ng table.

"Bestie! Kinilig naman ako ng super duper sa inyo kaninang umaga!" tapos sumubo siya dun sa veggie salad. Kahit kailan talaga tong vegetarian na to.

"Ano namang kakilig-kilig dun?" sinabi ko yun habang nginunguya ko pa yung baked mac na sinubo ko.

"Don't talk while your mouth is full nga!"

"Sorry, gutom lang." hehe. Matakaw kasi ako. Woo, umamin.

Anyhoo..

"Basta all I can say is that improving na talaga kayo!" at namula na naman ang bruha.

"Haay nako, bes. Look oh, you're red na. Ok ka lang? Take a rest!"

"Oo naman! I don't need a rest. Kinikilig lang talaga ako." then she took a sip of her C2, green tea pa ang flavor.

"Haay, whatever you say."

Nag-roll eyes na lang ako.

"Pst."

Nako. Siya na naman.

"May pangalan ako no?!"

"Ayan na naman yang boses mo e. Pwede. Paki hinaan?!"

Psh. Hindi na talaga kami nakakapag-usap ng matino.

"Oh? Bakit? May sasabihin ka ba?" ayan ha. Hininaan ko na.

"Malamang. Iniimbitahan ko kayong pumunta sa birthday ng mama ko sa Tuesday."

Oo nga no. Bumili pa nga pala siya ng regalo nung nasa mall kami e. Remember?

Kaso, uuwi ang parents ko sa Tuesday e. Sabi kasi nila, hintayin ko sila sa airport.

So I guess..

"Hin-"

"Oo naman! Pupunta kami ni bes no!" naunahan na naman ako ng bruha. Hindi pa nga ako nagsabi ng oo e!

"Bes. Kumag.. Hindi ako makakapunta kasi uuwi parents ko sa Tuesday. I said I'll wait for them."

Sadly, yun nga sabi ko.

"Ganun ba bes?"

Tinignan ko naman si Jeremy, expression-less lang.

"Ah. Pero makakapunta ka, Zen?"

"Oo."

"Ah. Ge. Yun lang." ang tipid na naman niyang magsalita. Tapos umalis naman siya.

Woah? Hindi ako sinungitan ng loko.

"So hindi ka talaga makakapunta, bes?" At ayun. Naubos niya rin ang salad niya.

"Hindi e. Sorry ha."

"It's fine, bes."

Ayun, medyo na-disappoint kasi gusto ko mag-party pero at the same time, makakatanggap ako ng pasalubong from Mamu't Papu.

Oh well, "Have fun there, bes."

9:

TUESDAY

After school, umuwi agad ako ng bahay since maaga-aga flight nina Mamu't Papu from Paris. Mga 3 pm. So ayun, nagshower muna ako. Then nakabihis na ako ng nakat-shirt and jeans. Simple lang.

Nagtaxi naman ako papuntang NAIA, Arrival. Geez. Delayed pa flight ng 1 hour. Edi ayun. No choice. While waiting, kinain ko muna yung sandwich na dinala ko. Buti na lang!

Kumagat naman ako sa sandwich ko.

"Tia?"

"Ciara?"

So it's my new friend, Ciara Aragon.

"Nandito ka pala?"

"Uh yeah. I'm waiting for my parents' arrival. Ikaw ba?"

"Ah, that's nice. Reunion? Hinihintay ko naman si Ate Cherry, Yung ate ko galing London. OFW kasi e." cool! May ate pala siya.

"I see."

So ayun, mga 30 minutes kami nagkwentuhan. And may bagong chismax na naman akong nalaman from my new friend. Guess what?

"Si Tristan Emmanuel Perez? Crush ko na yun since First year kami. Syempre, no one knows. Ikaw pa lang ang kauna-unahan." see? How nice.

"Sabagay, Tristan is really a great guy."

"I know! And one day at school, he just said 'Hi! Ang ganda mo!'"

"For real?"

Tumango naman siya.

"Well, that's a nice compliment."

"Yeah. I'm flattered, really. Basta secret lang natin yun ha? Thanks sa time mo. I gotta go and wait there e."

"Don't worry. It's perfectly safe!"

Nag-wave na lang ako sa kanya and I smiled.

Akalain mo yun? Ciara likes Tristan. E si Tris kaya?

Anyway..

"Arrival of flight 32 from Paris, approved." sabi ng announcer.

OMG! So that means, nandito na pala sila!

Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap from my back.

Nilingon ko naman kung sino. Woah? They're here na pala!

"Mamu! Papu! I missed you!"

I hugged them back.

"We missed you too. How are you, anak?" Tanong ni Mamu.

"I'm fine." and I smiled.

"May boypren ka na?" nagulat naman ako sa tanong ni Papu. OMG. Yan agad ang tanong?!

"Uhm..."

Gulp! Pretending lang po. Pero syempre hindi ko naman yun sinabi no.

"Anak, it's okay if meron wag lang pababayaan ang studies." nag-nod naman ako.

I was totally shocked sa sinabi ni Papu. Si papu pa ba to? He actually does want me to have a boyfriend. So ayun, natahimik na lang ako. No comment. Hehe.

We went home na rin. Tired rin naman kasi sa biyahe e.

Kinalikot ko yung boxes na padala nila. I opened one box containing the pasalubongs daw for me.

"Eeep. Malaking malaking malaking Snoopy Stuffed Toy! OMG! Favorite na favorite ko to!" Heard me right?

"We know it's your favorite since you're a kid."

I smiled. Aw.

"Thanks Mamu. Thanks Papu."

Yung iba naman puro sweets and foods which are made from France talaga. Tapos meron ring mga designer clothes, bags and accessories. Hindi naman sobra gastos no?

I hugged them na lang saying thanks.

"Nak, pahinga lang muna kami ha?"

Tumango ako. Umakyat sila papuntang room nila. Magulat na lang sila kasi I really cleaned that room for them.

Anyhoo..

Nandito ako sa sala, watching tv. Wala namang homework e, kaya eto. Haay. Kamusta na kaya si bes Zen dun sa birthday party ng mom ni Jeremy?

Napabuntong-hininga na lang ako.

Matawagan nga si bes.

Calling... Bes Zen

"Hello bes!"

"Bes! Kamusta na diyan?" tanong ko naman agad.

"Ha? What do you mean, dito?" bes talaga oh. Di ba may party?

"Wala ka pa ba sa party?"

"Wala pa naman, bes. Kasi mamayang 5pm pa magsastart."

Wait. Ano? 5 pm daw?!

"Really?"

"Yeah. Nasundo mo na ba parents mo? Nandiyan na ba sila?"

"Oo e."

"Talaga?? So pwede ka pang makapunta ng party ngayon. Punta ka na oh. There's more time to prepare pa naman e." ayun. Tuwang-tuwa na ulit ang aking ever loving best friend.

"Ha? Pwede ba yun? E baka mag-party crash lang ako. Tsaka di pa ako invited."

Di ba, readers?

"Ano ka ba?! Pwede yan no! Tsaka anak naman ng celebrant, yung bf mo nandun!"

"Haay nako. Mang-asar pa. Hindi rin ako papayagan ng parents ko-"

"-Anak! Sige na! Pumunta ka na dun. Pinayagan ka na namin ng Papu mo." eep. Nandito pala sa likod ko si Mamu, nakikinig. Akala ko ba, magpapahinga?!

"Tia Tuazon! Narinig ko yun ha! In 30 minutes, sunduin ka namin ni Chase, k? See you! Bye!" then she hunged up.

I sighed again.

Mamu namaaaaan kasi. Ayun. So pupunta na nga ako. Nawala na daw yung antok ni Mamu kaya aayusan niya raw ako.

"Ayan, anak! Look at you in that purple dress. Just like me! Ang ganda mo, dear!"

So nakabihis ako in purple spaghetti dress with white strap and a little bit of ruffles which is made from Paris, pasalubong din nila sakin! And I'm wearing light make-up lang.

*Beep! Beep!*

"Thanks Mamu! Thanks Papu! Imma go na. Bye!"

I kissed them both sa cheeks.

Sumakay na rin ako sa kotse ng Dad ni Chase. At nabighani naman sila sa beauty ko. So much for that, Off we go!

10:

Nag-stop naman kami sa harap ng isang- wait! White house! Mansion pa nga eh. Sabi na nga ba, rich yung kumag na yun e.

"Beees! This will be your future house naman kaya wag ka nang maglaway diyan." tumawa sila ng couz niya.

"Mas gugustuhin ko pang tumira sa baryo-baryo kesa makasama yang bubwit na yan sa iisang bubong."

Then they laughed again. Zzz. Nothing's funny naman.

Nag-doorbell naman si Chase.

"Sino ho yan? Ah, Sir Sy! Ikaw po pala. Tuloy kayo."

Tumango si Chase. Ngumiti naman kami ni bes Zen. Mukhang kilala talaga siya ng mga taga-rito ha.

So bago kami pumasok sa garden dahil dun gaganapin ang party, may dadaanan muna kaming reception. Woah? Is there really a need of this? Bilib na ako sa rich powers nila ha!

"Ma'ams, Sir. Ano po names niyo?"

"Zenille Sy at Darren Sy po." tapos tumingin naman yung name checker sa invited guests' list. Wait, GUESTS' LIST! Wala ako dun!

"Ikaw po?" at tinignan naman ako ni Mr. Name Checker. Teka, paano ba to? Dapat hindi na lang ako pumunta eh.

"Uhm Sir. Hindi po ako invited eh. Aalis na lang po ako."

"Bes?" tinignan lang ako ni best Zen.

"I'm fine. Enjoy the night ha?" aalis na sana ako nun e nang..

"Sino naman may sabing hindi invited ang girlfriend ko?" Seryoso talaga siya sa pagpanggap namin ha. Haay. He entered the scene again.

Then I looked back. He smirked, as usual.

"Jeremy-"

Naputol pa yung sasabihin ko nang nilapitan niya ako at hinawakan sa wrist ko.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?" sabi niya.

Well..

"Hindi ko naman alam na maaga flight ng parents ko-"

"Save your explanation. Tara." bastos talaga to! Psh.

So ayun, naglakad naman kami palapit sa name checker.

"Girlfriend ko ho to. So papasukin niyo na lang."

"Yes, sir." nag-nod naman si name checker.

Eto namang si bes, siniko pa ako kesyo kinikilig daw ako sa ginawa ng kumag. Yeah, whatever.

"Teka. Diyan muna kayo." umalis naman si kumag kasama si Chase. Ay, nang-iwan?

"Bes, kuha tayo ng punch dun oh." kinalabit naman ako ng bruha.

"Okay."

So I tasted the grapefruit wine. Ayun. Mapakla ng unti. Kamusta naman yung taste buds ko?

Tapos pumunta naman si MJ kay Zen. Aha. Mukhang masinsinang pag-uusap ang drama nila ha.

"Ate.. Ate."

I feel my dress being pulled. Teka, bata siya! And OMG! She's super cute! She could be around 4 to 6 years old.

"Yes?"

"You're beautiful!" with all smiles. I love her revealing dimples!

Pero nako naman, estrangherong bata lang naman ang nag-compliment sakin. Kaninong anak ba to?

"Thanks, dear."

"Hehe. Ate, what's your name?"

"Ate Tia or Paris."

"I like your name, ate Paris. I'm Jamilla. Jam na lang itawag mo, ate."

"Okay, Jam." ngumiti naman ako.

"Ate, laro tayo." hinila niya naman ako hanggang papasok ng bahay ng kumag?! And sa kwarto pa ng isang batang tulad niya. Btw, pink na pink ang paligid! Just like a princess' room..

So kwarto niya nga to? And that means-

"Tia." pumasok naman bigla si Jeremy the kumag.

"Oh?"

"Kanina pa kita hinahanap!"

"Kuya, look oh! I'm playing with pretty ate Paris."

"Jam, itigil mo nga yan. Papakilala ko pa tong ate mo kina Ma e."

So kapatid niya nga! What a small world we live in! Teka. Papakilala?! Oh no! Seriously?

"Wait. Girlfriend mo siya, kuya?" intrigerang bata. Joke.

"Oo. So don't ask."

Hinila naman ako ng kumag na to palabas ng bahay. How rude naman neto sa kapatid niya.

"Hoy, ipapakilala mo ako as girlfriend mo sa parents mo?"

"Bingi ka ba talaga?"

"E panggap lang naman yun di ba?" I groaned.

"Hindi ko rin naman gusto e. Sila may sabi."

Aish. Fine.

"Let's get this over with.."

Ayun, nilapitan na namin parents niya. I looked at their garden. Bongga talaga kaya hindi ako magtataka na sobrang laki ginastos nila para dito.

Gulp. 2 steps more.

"Ma, Pa. Tia Tuazon, girlfriend ko."

Ngumiti naman ako sa kanila.

"So ikaw nga hija, you look absolutely gorgeous!" sabi ng Papa niya.

"Thank you po, tita. Happy birthday na rin po. Hehe." Huhu. I can feel myself so epileptic. Joke. Nakakakabado kaya to no.

"Thanks hija. Would you mind perform a song number?"

GULP! Di nga?

"Uhm.."

"Ma, kailangan ba talaga?" um-epal naman si kumag.

"Son, I'm just knowing more of my future daughter. Why not start with her talent, right?"

Ugh. I think I'm gonna puke. Pero syempre, di ko pinahalata yun. Gahd. Lamunin mo na lang ako, soil!

"Ma naman. Sa susunod na lang. Di pa handa si Tia."

Yeah, I know right?

"Fine. Basta pag dance portion, gusto ko kayong makitang sumayaw, okay?"

Tumango na lang kami.

Napabuntong-hininga naman ako.

"Ganito kasi yan oh. Ilagay mo yang kamay mo sa balikat ko."

"Pabo~ What do you think of me? I know how to dance." tapos tumawa ako.

"Ano sabi mo? Minumura mo ako?!"

"Wala."

Well, he really is a pabo. HAHA.

Now Playing: Perfect Two by Auburn You can You can You can I can be You can be the peanut butter to my jelly be the butterflies I feel in my belly be the captain your first mate be the chills that I feel on our first date

Oh em gee! I love this song! Pero hindi ko feel yung partner ko.

You can be the hero and I can be your side kick You can be the tear That I cry if we ever split You can be the rain from the cloud when it's stormin Or you can be the sun when it shines in the mornin

He gently placed his hands on my waist.

Don't know if I could ever be Without you cause boy you complete me And in time I know that we'll both see That we're all we need

He pulled me closer. Er. Awkward moment?

Cause you're the apple to my pie You're the straw to my berry

You're the smoke to my high And you're the one I wanna marry

And yes, eye-to-eye contact na kami. Siguro naman, tuwang-tuwa na parents niya no lalo na mama niya.

Cause you're the one for me (for me ) And I'm the one for you (for u) You take the both of (of us) And we're the perfect two

And yeah, ngumiti nga sila samin. We're the perfect two We're the perfect two Baby me and you We're the perfect two I looked back at kumagster. Joke. Kay Jeremy. Serious much?

"Hoy, ang seryoso ng tingin mo ha."

"Tss. Di lang kasi ako makapaniwala e.."

"Na ano?"

"Uy bes! Iba na talaga yan ha?" napatingin naman ako kay bes ko na kasayaw lang naman si MJ. Ok. What's with the two? Curiosity kills me na talaga!

"Tol! Nice!" nag-comment naman si MJ. Asows, magsama kayo ni Zen Sy!

Teka. Nambitin pa tong kumag na to e, ano sasabihin niya?!

"Btw, bes! Look at that!" tinuro niya naman ang sun which is about to set na nakakuha ng atensyon namin ng kumag. It's wonderful.

Wait.

Totoo ba yung kasabihan na kapag sino ang kasama mong manood ng sunset, siya ang makakasama mo sa huling hininga mo?

Uh. With Jeremy?

Nah, so impossible. I don't believe on that.

11:

Haay. Naalimpungatan na naman ako. Paano ba naman kasi? Mga 12 midnight din ako nakauwi after that night. Yeah, midnight! Akala ko makakarinig na naman ako sermon nina Mamu't Papu but instead..

Flashback

I took my last breath and opened the door of our house.

OMG. Patay na talaga ako kina Mamu at Papu. Kakatayin na nila ako ng buhay. Eeeeep. OA.

Pagkabukas ko ng pinto..

"ANAAAAAAAAAK!"

Lumuhod naman agad ako, just like a child pleading for sorry.

"Mamu! Papu! Sorry po! Hindi na po to mauulit! Tsaka po-"

"Anak! Tumayo ka nga diyan! Ba't ka nakaluhod?"

"E kasi po."

"E kasi, e kasi. Ano? Musta na party?"

"Oo nga anak! Balita ko-"

"Hep hep! Anong balita yan Mamu ha?"

"Tumawag yung boyfriend mo. Sabi niya, late na daw natapos yung party kaya nag-sorry siya. Sabi ko naman, apology accepted. Ang ganda pala ng boses nun no? Lalaking-lalaki! I like him for you, dear!"

Teka. Did I just heard that-?!

"Tumawag si Jeremy?!!"

"Oo nga."

"At nag-sorry siya?!" binatukan naman ako ni Papu.

"Anak, wala ka nang galang ha. Hindi ka na nagpo-po."

"Sorry po. Heheh." Nag-grin naman ako.

"So kamusta yung party?"

Woah, himala to! Hindi sila galit sakin dahil na-late ako! Pero nag-sorry yung kumag na yun para sakin? Sows.

"Uhm, ayos lang po."

"And na-meet mo rin daw parents niya? Nako! Hindi na ako magtataka! Botong-boto na yun sayo." my mom, the gossip girl. Joke!

"Mamuuuuu!!!"

Eeeh. Over naman kasi si Mamu. Parang siya pa yung mas bata kesa sakin. -_____-

"Anak, late na! Matulog ka na." sabi ni Papu.

"Paano po ako makakapasok kung nakaharang kayong dalawa sa daanan ko?!"

They gave way. That's good. Mukhang ako pa yung magulang dito no?

"Goodnight Mamu! Goodnight Papu!"

I kissed them both sa cheeks and went upstairs. Grabe! I felt my eyes red and out of their sockets. I want to sleep na!

Zzzz

End of Flashback

So eto ako, hikab ng hikab. Hindi rin ako masyado nakatulog dahil nagtataka pa rin ako dun sa sasabihin sana ni kumag dun sa party, remember? Ano kaya yun?

Oh well, I made my morning rituals. Mag-memeet na lang kami ni bes Zen sa front gate ng school.

"Bes, you look so.. sleepy. Anong oras ka umuwi?"

"12 midnight."

"Yeah. Dapat natulog ka na lang sa future-in-laws mo." She said that with a smile pa ha. E kung sipain kaya kita diyan, bes.

"Loka-loka!."

"HAHA. If I know, may spark na talaga yung boyfie mo sayo. Ganun ka din."

"That will never happen."

"Let's just see, bes. Malay natin."

"Whatever you say.. Whatever you say..."

Naglakad naman kami papuntang classroom. Wala na akong narinig kundi ang pamatay na asaran sakin ng Happy 3 friends ng kumag. What the?! What's with them ba ha?

"Sshh. Wag nga kayong maingay! Marinig pa kayo ng classmates natin oh."

"Sorry." Nagsmile na lang silang lahat.

Wait. 1.. 2..

3?

Where's the other one?

"Uh-"

"Alam na namin iniisip mo. Absent si Jek e."

"Sinong Jek?" tanong naman ni bes Zen.

Teka nga lang. May nakilala rin akong Jek eh. Jek Santos, my stalker textmate. Oh no...

"Jek Santos, nickname yun ni Jeremy!" sabi ni Tris.

"Hindi nga?!" sinabi ko yun na gulat na gulat.

"HAHA. Affected ka bes. Why ganyan ka na lang maka-react?"

Eeep. Pero hindi naman siguro siya yun no? His name is still Jeremy Santos. Yah! Don't think much about him! Marami pang Jek diyan. Grr.

"Nothing."

"So bakit nga pala absent yang kaibigan niyo?" tanong ni bes.

"Nilagnat na lang bigla pagkatapos nung party."

Ah. Kaya pala, walang masama sa araw na to except yung antok ko. ^______^v Joke.

*RING!!!*

DISMISSAL

Want to know what happened this day? Ayun, boring nga e. Nothing much to tell. Kasi yung ever loving seatmate slash boyfriend -___- ko, ABSENT! Kaya walang nangungulit sa tabi ko during class.

Anyway..

Bakit ko ba siya masyadong iniisip? I'm happy naman na wala siya e! ^___^

"Bes, imma go home na."

"Wait bes. Why go home na? It's too early pa."

Uh, 5 pm? Early nga.

"Bakit? I want to sleep."

"Tulog na naman! May favor kasi si MJ sayo e."

Anong favor na naman kaya yun?

"Ha? What favor? Btw, kayo ni MJ ha!" with matching kiliti pa yun para may effect.

"It's not about us. Ok? It's about you and Jeremy. May favor si MJ sayo. Tara." she said that in a very serious tone.

For the first time, nagseryoso ang bruha.

"Eeeep. Ano naman kaya yun?"

"Basta bes. Follow me."

I nodded. Ano kaya yun? Inside job? Assasination? Or whatsoever? Oh hindeee. Ayokong makulong!

I poked myself. OA mo talaga Tia. Poke ulit sa sarili.

Nandun kami sa tambayan ata ng barkada nila?

"What's up? MJ, anong favor yun?"

"E kasi, tinawagan ako ni Jek."

Jek Jek Jek. Hindi ako sanay sa nickname niya. Ang pangit pa pakinggan! Joke.

"Jeremy na lang pwede? Hindi ako sanay e."

"Ok, para sa girlfriend.."

O_________O

-______-

"Spill it MJ." Nambibitin pa kasi e.

"Punta ka daw sa bahay nila at ikaw daw magbantay sa kanya dun."

Weh, di nga?! >______<

12:

I can't believe it! Pinapasabi ni Jeremy the kumag na pumunta ako sa bahay nila para lang bantayin siya?! Ano siya, bata? Sinuswerte?!

NOT.

"Malaki na yun, kaya niya yun."

"Hindi. Pag nagkasakit kasi yang si Jeremy, sobrang tamlay. Parang walang gana sa lahat. Nakahilatay lang magdamag sa kama." in-explain naman ni Chase.

"Kaya ikaw lang makakapagbalik nun sa mundo niya. Yung makulit ba. Tutal girlfriend ka naman nun e." dagdag pa ni Tris.

Makakapagbalik sa mundo niya? Lalim nun ha!

Pero- Eeep. Bakit ako pa?

"Paano yung maids nila? Ano silbi nila? Tsaka alam ba to ng Mama niya?" tanong ko naman.

"Nag-agree din naman mama niya kasi mapagkakatiwalaan ka naman e. Tsaka ayaw niya sa mga maids, taga-linis lang daw sila."

Uggghhhhh. >////<

I sighed. And took a breath.

"Oo na. Ako na mag-aalaga. Bahala na."

"Yaay!" Parang mga batang nagsisipagtalon tong mga to.

"Nangongonsensya kasi kayo e. Tsaka baka magalit mama niya sakin pag hindi ko pa ginawa."

Tumawa na lang sila ulit.

Teka, hindi pa to alam nina Mamu't Papu. Paano ba yan?

"Nga pala, hindi pa alam ng parents ko."

"Bes! Ako na magpapaalam sayo! Malakas naman ako sa kanila." Oh well, true.

"Tara. Hatid na kita dun, Tia." nagsalita naman si Chase.

"Sama na rin ako!" sabi naman ni bes.

Nagpaalam namin kami kina Tris at MJ na natira dun.

15 minutes

Ayun. We reached their white house. Nakakainis naman kasi. Ba't ako pa? At siya pa? Ano ako, babysitter?!

Yeah, right. Mag-aalaga ako ng damulag.

Bumaba naman ako ng kotse.

"Thanks sa ride."

Tumango na lang si Chase.

"Bes! Enjoy ha! Love ya!" may pahabol na naman ang bruha.

"Cheeee! Umuwi ka na bes! Shoo shoo!"

"Ayie! Pinapaalis na ako. Atat much?"

I glared at her. Etong bruha na to. Hmp.

"Oo na. Aalis na. Babay!"

Nag-doorbell naman ako sa bahay nila.

May nagbukas naman agad, maid ata nila.

"Ma'am, pasok po." I smiled and went in.

Umupo muna ako sa sofa. Haay. No wonder rich kid talaga yung kumag na yun. Puro chandeliers pa yung mga ilaw nila ha! Tumingin-tingin muna ako sa mga picture frames na nakakabit sa wall nila.

Oh look.

I just saw a big portrait of Jeremy the kumag. Tinitigan ko lang ng mabuti. Ang formal nga ng dating niya e. So hot. Ew. Did I just say?-

"Ate Paris!"

"Huh? Oh Jam." I looked back agad. Ang cute talaga ng bata na to. Kita na naman ang dimples sa ngiti niya. At may hawak pa siyang stuffed toy na bunny. I love bunnies!

"Si ate! Tinititigan ang picture ni kuya!"

"Ha? Hinde ha." Umiwas agad ako sa portrait na yun. Etong batang to talaga.

"Bagay talaga kayo ni Kuya Jek!" pati siya, Jek din tawag sa kumag na yun!

She's kidding, right? And I'm about to laugh.

"Sus. Ikaw talagang bata ka."

Pagkatapos kong sabihin yun, she hugged me on my knees. Eep.

"Ate, take care of Kuya ha? He needs your tender loving care right now."

Tender loving care?! Psh. K. -____-

"Jam. Akyat ka na sa kwarto mo.." I looked at him. Nasa taas lang pala siya. And he winked at me with a smirk. What the?! EW!

"Opo kuya. See you later ate Paris."

I smiled to Jam.

At tinignan ko ulit yung kumag na nilalagnat

"May sakit ka ba sa lagay na yan?!"

"Tama na dakdak mo. Meron nga. Kaya umakyat ka dito." Hindi niya nga ako sinisigawan kaya ayun, may sakit nga tong mokong na to.

Umakyat naman ako. I walk towards him. Hinipuan ko yung leeg niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Teka. Tinitignan ko kung may lagnat ka talaga."

Mainit nga! Grabe tong lalaking to. Nakakatayo pa siya sa lagay na yan? Akala ko ba matamlay siya pag nilalagnat? -____-

"Sus."

"Ba't ka nakatayo dito kung may lagnat ka?"

"Ang boring pag nakahiga lang e."

"Haay. Hindi ko rin alam kung bakit sa dami-dami mong pwedeng tawagin na mag-asikaso sayo, ako pa."

He smirked again.

"Malamang, girlfriend kita e."

"Alam mo yung pretending? As in FAKE? Tss."

"Bisto na. Alam na nga ng parents natin e."

Haay. Bahala na nga lang ang fate sakin.

Hinila naman niya yung kamay ko. OMG. Ang init din ng kamay niya. He's scorching hot, I admit. Hindi hot as in parang ang gwapo tignan ha! Baka kung anu-ano iniisip niyo diyan, mga readers. Hmmm.

Nandito kami sa kwarto niya. Malinis. Hindi yung sa mga common boys' room na makalat at madumi. Sa

kanya, hindi e. Well-organized.

Umupo ako sa sofa niya.

Siya naman, humiga ulit sa kama niya.

"Ba't nakaupo ka diyan? Ang layo mo pa."

"Bakit?"

"Anong bakit? Kaya ka nandito para asikasuhin mo ako." nag-smirk naman siya.

OO NGA NAMAN TIA!

"Feed me."

"Feed you?! May mga kamay ka para kumuha ng pagkain mo!" Ano siya? Sinuswerte? Ako? Dakilang Alalay? Hmp. Asaaa. "Ayaw mo ah." Tumayo siya tapos hinila niya ulit yung kamay ko. Napahiga naman ako sa kama niya.

"Tulog na lang tayo." "Anong tulog-tulog?!" Pi-noke ko pa yung forehead niya. Parang wala lang sakit no? I sighed.

"Oo na. Kukuha na ako ng pagkain mo!" He smirked. "Buti naman. Dalian mo ha. Susubuan mo pa ako."

Subuan?! Baby damulag na talaga tong kumag na to!

Pumunta ako sa kitchen. Binigay sakin nung maid yung pagkain. Noodles. Pampainit sa katawan. Then umakyat ako ng kwarto. Nilagay ko sa sidetable yung pagkain.

"Ayan na ha! Kumain ka na." Kala niya ha? Susubuan ko pa daw siya. Never. "Ayoko nga."

"Ano na naman problema mo?"

He looked at me. SERIOUSLY?!

"Sabi nang subuan mo ako e, di ko kaya."

Nanghihina ang kumag. Wasows. If I know, he's just taking advantage of me. Joke.

No choice. Ginawa ko nga. Haay.

1.. 2..... 3. Subo.

Napansin kong tinitignan niya lang ako habang sinusubuan ko siya.

"Hoy." sabi niyang bigla. "Sige, mang-hoy ka pa. Uuwi na talaga ako!" "Tia.."

Finally! For the first time, he called my name.

"Ano yun?"

"Inaantok na ako." "Ha? E hindi mo pa nga nauubos tong pagkain mo e." Kakaiba talaga to e no?

"Ayoko na kumain e."

"E magagalit sakin mama mo. Uminom ka na ng gamot?" "Hindi pa." baliw talaga to kahit kailan! Di man lang naisip yung gamot niya. "Uminom ka na lang bago ka matulog." Inabot niya sakin yung tablet. Binuksan ko naman at kumuha ako ng isa. Then kumuha naman ako ng tubig from the kitchen. Ininom naman niya. Pagkatapos nun. humiga na lang ulit siya. Yeah, ang tamlay niya talaga pag ganitong may sakit siya.

Nakakasundo ko pala to pag may sakit.

Nakaupo kasi ako sa tabi niya. Tatayo na sana ako nang-

"Tia." sabi niya. Then he pulled my arm.

"Oh?"

I looked at him.

"Wag ka munang aalis. Nanghihina pa ako e."

OMG. Si Jeremy Santos, the one and only kumag ba to? What in the world is happening to him?! Wake me up. Hindi siya to. -____-

13:

Pinagmasdan ko ulit siya. He's sleeping. Ang bait niyang tignan pag tulog.

Anyhoo..

Anong oras kaya ako makakauwi neto? Napaupo na lang ako dun sa sofa. Haay. Unti-unti ko ring pinikit yung mga mata ko. Inaantok na talaga ako e.

ZZZ

Jeremy's POV (a/n: Siya na ulit! HAHA)

Nagising na ako. Nakakabwiset talaga pag nilalagnat ako ng ganito oh. Naabala ko pa tong amplifier na magalaga sakin e. Gusto rin kasi ni Ma na siya mag-alaga e! Sa katunayan nga, ayokong may nag-aasikaso sakin pag may sakit ako. Kasi nakakahiya rin sa tao! Potek. Narinig niyo naman sinabi ko.

May hiya pa rin ako no. Tss.

7:30 pm

Nasaan kaya yung babaeng yun? Ayun pala. Tinignan ko yung nakahiga sa sofa. Siya nga. Ilang oras na siyang nandito? Tulog pa rin pala.

Binigyan ko siya ng unan at kumot para maayos yung higa niya. Mukhang tongek kasi na giniginaw tong babaeng to e.

Pero ako? Eto, ok na ako. Hindi na ako ganung kainit tulad kanina.

Salamat na lang sa babaeng to.

*Ding dong!!!*

Sino kaya yun? Hinayaan ko na lang. Bubuksan naman ng mga maids yun e.

Lumabas muna ako ng kwarto. Tinignan ko na lang mula sa taas kung sino nga yung bisita. Teka.

Nandito na pala sina Ma at Pa.

"Anak!"

"Ma." Bumaba naman agad ako.

"Ano? Ok ka na, hijo?" tanong naman ni Pa.

"Ayos na ako."

"E si Tia, yung girlfriend mo?"

"Nasa taas. Natutulog pa e. "

"Ha? Ganun ba? Baka napagod sa kakaalaga sayo."

"Baka nga Ma, e."

"Hintayin na lang natin magising tapos magdi-dinner tayo bago siya umuwi."

Tumango na lang ako.

Bumalik naman agad ako ng kwarto at tinignan ko kung gising na si Tia.

Gising na nga siya. Nag-unat unat pa nga e. Ngumisi naman ako.

Tia's POV

Pagkagising ko, hindi ko na namamalayan. OMG! Tumingin ako sa relo ko! 8:05 na! Ano ba yan?! Halos 4 hours na akong nandito. I looked at myself on the sofa. May unan at kumot na nakabalot sakin. Sino kaya naglagay neto?

Chi-neck ko naman kung natutulog pa siya. Hindi. Gising na siya e. So that means, nakita niya akong natutulog. Eep. Nakakahiya naman ako!

*yawn*

"Gising ka na pala e."

Nagulat naman ako nang bigla siyang pumasok.

"Sorry."

"Para saan?"

"Tulog mantika ako e." then I sighed.

"Pansin ko nga." He smirked again.

"Nandito na sina Ma at Pa. Kumain ka muna daw bago ka umalis."

"Teka, ok ka na ba?" natanong ko naman.

"Oo."

Ok. Magaling na ulit siya. Ibig sabihin ba niyan, sooner or later, he's back to his normal self na naman? Yung masungit na kumag? Haay. Never mind.

"Ah. Sige."

Bumaba naman kami at nagdinner naman. Grabe ha. Hiyang-hiya ako sa parents niya. This is soooo awkward. Di talaga ako sanay kumain sa lamesa ng may lamesa. Gets niyo? Haay. Ang gulo mo rin, Tia! Bahala na nga.

After that, sabi ng parents niya, ihahatid daw niya ako sa bahay namin. Ayun. Hinatid niya nga ako.

Bubuksan ko na sana ang gate nang..

"Hoy Tia."

"Ano ba naman yan? Tia na nga e, may 'hoy' pa."

"Salamat."

For the first time in world history.. Eek. OA. I mean, he just said 'Salamat' to me. Ngumiti na lang ako.

"Sus. Wala yun. Salamat na rin sa paghatid."

"Ok." tapos sumakay na ulit siya sa kotse niya at umalis.

What the?! Anong klaseng sagot ang 'Ok' sa 'Salamat'? Sigh. Yep. He's back na nga, I told ya.

Pagkapasok ko, sinalubong lang naman agad ako ng yakap ng bruha.

"Bessy!"

"Hey." nilagay ko yung keys sa cabinet.

"You!" Tinuro niya pa ako, "Make kwento! Dali!"

"Ano na namang ikukwento ko sayo, bruha?"

Umupo naman kaming dalawa sa sofa.

"Hello?! About your boyfie!"

"Wait, nasaan muna sina Mamu?"

"Ayun, umalis. Don't worry, they know it, k? Kaya ako nandito para hintayin ka!"

Napa-ahh na lang ako.

"O dali na. Kwento ka na about your day."

"Wala akong ikekwento sayo about this day!"

Gahd, ba't ba kasi binigyan ako ng napakakulit na best friend? Geez.

Ayun. Para manahimik na ang bruha, kinuwento ko nga. Fully-detailed pa. Ano pa ba mahihiling neto? Chismosa talaga kahit kailan.

"Awiee! Kinikilig na talaga ako sa inyo! Ibang klaseng level na yan ha!"

Namula na naman ang loka. Grabe talaga to.

"Kamatis ka na oh!"

"Never mind that. Dahil nagkwento ka, I have a good news for you!"

"Oh? Ano yun?"

"MJ and I are going out together."

OMG!! Sabi na nga ba e, may something talaga sa dalawang to e. I'm so happy for them. Lalo na sa bes kong bruhang palagi akong inaasar sa kumag na yun. Aish. Anyway.

"Good news nga! I knew it! From the start pa lang, may gusto ka na sa kanya e!"

"Stop it! You're making me blush."

Ay loka-loka, kanina ka pa namumula.

"Kanina ka pa kaya namumula. Mas lalo pa nga nung brining-up mo yung good news."

For a second, bigla na lang..

*Brown-out*

Nooooo! OMG! Namatay lahat ng ilaw!

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!"

Niyakap na lang namin ni Bes ang isa't-isa sa sofa. Just so you know, we're afraid of the dark. Eep.

Mamu! Papu! Help us!

14:

SATURDAY

Another week starts na naman. Deym. I wonder kung ano kaya ang plinano ng cruel fate sakin ngayon? Lalala~

Haay. Whatever, fate.

You know what happened after the brown-out. Ayun. Buti na lang talaga at dumating sila Mamu't Papu. After almost an hour ring nagkakuryente ulit.

Thank you, Lord! Yun na lang nasabi ko nun. Then umuwi na rin si bes kaagad.

Anyway, back to reality na ulit.

"Anak, bili ka nga ng vinegar at sugar sa Cora's." Mamu said while she's in the kitchen habang nagbabasa naman ako sa Wattpad in my PC. Distorbo si Mamu e. Joke!

"Okay po, Mamu." I nodded. At umalis naman ako. Naglakad naman ako papuntang Cora's. Walking distance lang naman kasi yun e.

"Tita, isang suka at asukal po." Suka at asukal, It rhymes. May 'L' nga lang yung asukal. Oh well. Ano ba yan, Tia? Wala ka na talagang magawa sa buhay mo no?

Inabot naman sakin ni Tita Cora, the owner of this market. Binigay ko naman yung bayad.

"Salamat po."

She nodded and smiled naman. Pagkalabas ko ng market, nakita ko naman agad ang park.

"Namiss ko to ah!" sabi ko sa sarili ko yun. Oo na, ako na baliw. Hehee. It's been a while rin naman since nung last stay ko rito. Makapunta nga dun.

Pero syempre bago ako pumunta dun. I went home to give the suka't asukal to Mamu. Nagpaalam ulit ako.

Then pumunta ako sa park. So eto na naman ako, nagpapahangin. Baka maabutan na naman akong ni bes na nag-eemote daw.

I tried to play on the slide. HAHA. I miss my younger years. Bakit ba? Just reminiscing with my childhood friend, Zen.

Pero nung pagkaslide ko..

"Aray!"

Nauntog pa ako sa dulo ng slide. Kasi naman ang laki mo na Tia, naglalaro ka pa diyan! Yan tuloy. Bleh.

May nag-stop naman na car sa harap ng park. Wait, kilala ko tong kotse na to. I've seen this before e. Saan nga ba? HAHA. Ulyanin na ata ako e. Sorry, readers.

"Bakit kasi pinipilit mag-slide kung ang laki laki na?" then he chuckled.

I'm seeing his true form na naman! Sana nilagnat na lang siya para mabait siya ulit. Psh.

"It's none of your business." bu-melat pa ako nun.

Nakita ko namang bumaba ng kotse si bes?! Sumunod ang Happy Three friends.

"Wow! Talagang kompleto kayo ha! Why are you all here?!" I groaned.

Sabi ko magpapahangin ako, pero nandito naman sila.

"Nandito ka lang pala e. Kanina ka pa namin hinahanap." sabi ni Chase at tumawa pa siya.

"What's funny?"

"HAHA. Tia, nakakatuwa ka naman kasing mag-slide." sabi ni MJ.

Eep! They all saw me!

"Wag mo ngang tawanan si bes." Binatukan naman siya ni bes Zen. Ha! Natawa ako dun.

"Sige na, ako na ang napahiya! Bakit ba kasi kayo nandito?"

"Kasi may pupuntuhan tayo. Kaya wag ka nang magtanong. Tara na!"

As usual, hinila na naman niya ako. Saan kaya kami pupunta?

After almost an hour

Sa buong biyahe naming yun, nakadungaw lang ako sa window. I'm sightseeing! Tsaka tumahimik na lang rin ako para hindi na ako awayin ng kumag na to no!

"We're here!" sabi ni bes.

Nag-stop naman ang car. May nag-drive kasi para ihatid kami dito kaya ayun. Bumaba naman kami. We're actually in front of Enchanted Kingdom!

"EK?! Bakit tayo nandito?"

"Ano pa ba? Edi para mag-rides!" he smirked. Pwede ba?! Tigilan niya na yang pagssmirk niya.

"Tama na LQ niyo. Ang haba pa ng pila sa may entrance oh. Tara na!" sabi naman ni Tris.

Ayun. Nakapasok naman kami lahat. We all got the ride-all-you-can ticket. Oh well. Buti na lang talaga at nakasuot ako ng pang-alis kundi nasakal ko na tong kumag na to.

"Sa susunod na mangyaya ka dito, pakisabi naman ha? Hindi yung biglaan!" Nag-cross arms pa ako nun. Hehee.

"Ayan na naman yang amplifier mo! E sa surprise to e! Wag ka nang umangal. Nandito na tayo!"

"Hindi na talaga matatapos yang away niyo no? Mabuti pa, ganito na lang." Lumapit naman si Chase samin..

Hinawakan niya yung kamay namin.. At.. At.

pinosas -___-

Jeremy - =________=

"Not again?!"

"Yun yun e! Galing mo, tol!" Nag-high five sila ni Tris.

"Jeremy! Ingatan mo muna bes ko ha?" humirit na naman ang bruha kong kaibigan.

"Bakit niyo pa kailangan kaming iposas ulit?!"

"E kasi, tol. Tia. Eto na ang oras niyo para makapagbonding ulit!" sabi ni MJ.

Bonding ba? HAHA. You wish.

"Separate ways muna tayo, meet na lang tayo dito sa may fountain, sa likod ng carousel ha?"

Oh great, I'm stuck with him again!

"Bakit hindi ka nagsasalita diyan?! Hello! Pinosas na nga tayo oh!" I said it. Pinagtitinginan na kami ng tao na dumadaan. Nakakahiya.

"So?"

"Anong so?"

"Bahala ka nga. Wala namang patutunguhan tong pag-uusap na to. Mag-rides na lang tayo. Sayang lang yung oras."

"Fineeeee."

Hinawakan na naman niya yung kamay ko. Gahd. I was shiverring nung ginawa niya yun. Bakit kaya?

Hmp. Never mind.

"Anchor's away tayo oh."

Tumango na lang ako. Bago kami pumasok, tinignan pa kami nung nagchecheck ng mga tickets bago pumasok. At napansin niya yung pagkaposas namin. Ay te, kilig ka? NOT.

Anyhoo..

Ayun, nakaupo naman kami sa ride. Take note, nasa pinakadulo pa kami nakaupo. Hindi pa nga nagsstart yung ride, nervous na ako. Well, ganito talaga ako bago mag-start yung ride.

Ok na sana e. Kaso nasa dulo kaya kami! Huhu. Good luck na lang sayo, Tia.

"Hoy, ok ka lang? Hindi pa nga nag-uumpisa e."

"Uh y-yeah."

GULP.

I felt that hinigpitan pa niya lalo ang pagkahawak sa kamay ko. Woo.

15:

Ok. I got a bad feeling this. Feeling ko, Imma throw up after this ride. Masusuka na talaga ako neto. Kasi pag sumasakay ako dito, sa may middle seat ako palaging nakaupo. KJ ba? Hehee. Kasi pag dun ako.. Hindi ko masyado naffeel yung nasusuka ako. Average lang ba. Kaya ko pa.

PERO NGAYON..

Nasa dulo pa kami nakaupo. Like OMG, hindi ko pa naranasan sumakay sa seats dito. First time as in, kasama ko pa tong kumag na to. Paano na lang pag nagsimula ang ride? Baka ako na sunod na magkasakit e.

Anyhoo, so much for that. Magsisimula na yung ride. I can hear the sounds of the engine. Eep.

Ayan na! Magsisimula na yung ride!

"Sus. Masyado kang kinakabahan diyan." ngumisi naman siya.

Nagawa niya pang mag-smirk?! Kitang kinakabahan nga ako e.

Binatukan ko siya gamit yung isa kong kamay.

"E kasi-- Wag na nga. Why am I explaining to you pa?!"

Slowly..

Average.. Tumataas na siya ng unti..

A bit higher.. OMG. Gaahd!

Higher and higher! I can see the people and the ground na! Ang sakit pa ng tiyan ko tsaka feeling ko pati tiyan ko nahuhulog rin. Eep!

Hinigpitan ko hawak ko dun sa kamay niya..

Naulit ng naulit yung pagback and forth ng ship na sinasakyan namin. Eto naman ang nangyari saken, NASUSUKA NA AKO! Sabi na nga ba e.

Bumaba naman kami.

I'm very very very dizzy. -____-

"Hoy, ok ka lang?"

"Mukha bang ok ako? Kailangan kong mag-cr!"

"Hindi ka rin makakapag-cr kasi tignan mo to oh!"

Nakakalimutan ko na ring nakaposas nga pala kami. Haay nako. Anong gagawin ko?!

He can't watch me vomit all over in public. If that's the last option. Hindi pwede! Oh hindeeee.

Nakita naman agad namin sina bes Zen. Bes, you're gonna pay for this! Aish. Je me sens tellement malade! (French - I feel so sick!)

"Oy! Si Tia, nasusuka na! Tanggalin niyo muna posas namin!" sabi ng kumag.

Tumakbo naman sila agad palapit samin. Natataranta pang inunlock ni Chase yung posas namin.

"Tara bes!"

She held my hand agad and we went to the bathroom.

Napahawak ako sa may lababo sa Public Women's Cr. Bahala na kung pinagtitinginan ako! Nasusuka na talaga ako e.

"Sige lang, bes. Labas mo lang yan. What happened to you ba?" she said while hinimas-himas niya pa yung likod ko.

"Anchor's Away. Nasa dulo kasi kami nakaupo. Ayun, I felt sick of that ride!"

Naghilamos naman agad ako. Nagpabango pa ako kasi I smell- yuck. You know naman. Ayun.

"Ok ka na?" I feel more than OK na nga e like parang wala lang nangyari.

"Yeah. I feel good for another ride." I smiled naman.

We went out of the CR agad. We saw Jeremy the kumag with the Happy Three Friends standing outside.

And to my surprise, may kasamang girl yung kumag. And halatang may gusto siya kay Jeremy! Uh, hello? Girlfriend here? Napataas na lang kilay ko. Hmp.

Jeremy's POV

Potek. Ano kaya nangyayari sa babaeng yun? Bago kami sumakay, sabi niya ok lang daw siya. Pero anong nangyari ngayon? Tss.

Naghihintay lang kami ng tropa ko dito sa labas ng Cr ng mga babae.

Biglang may lumapit na lang na babae sakin. Taena. Sino namang fc to?

"Hi!" nakangiti pa. Sus.

Di ko siya tinignan. Wala akong pakialam.

"Uy, sabi ko hi! Ang cute mo naman." Anak ng! Nagpacute pa!

Humarap ako sa kung sino mang babae yan.

"Sino ka?"

"Uhm, ako si Trish. Ikaw?"

"Umalis ka na." sabi ko naman.. -____-

"Ang rude mo naman. Pero infairness, type ko yang mga katulad mo."

"Type? Nagkamali ka lang." Ngumisi naman ako.

"Teka lang Miss. Sino ka ba? At bakit mo kinakausap tong kaibigan namin?" sabi ni Chase. Yun e. Go tropa!

"Excuse me, Trish. Teka, Trish ba? Akin yata yang type mo." sabi ni Tia na umeksena naman. Ok na kaya siya? Wala ako masabi. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Binangga pa nga ni Tia yung babae e.

"Ay sorry." tapos ngumiti pa siya.

"Oo nga miss, sa kanya na kasi ako e." dagdag ko naman.

"Ah, ganun ba? K." sabi niya, disappointed. HAHA! Natatawa talaga ako.

Umalis naman siya sa wakas!

"Yun e! Yun yun! Pinagtatanggol ang boyfriend." sabi ni MJ.

"That's girl power!" dagdag pa ni Zen.

Natawa na lang din sila kasama si Zen.

Tia - -_____-

"Hoy, ok ka na?" "Yeah. I'm more than OK." halatang medyo inis siya. Feel ko lang.

"Ba't ganyan ka magsalita?" tanong ko naman.

"Sa susunod na makikipaglandi ka, wag sa harap ko ha?" sabi niyang nagpout ng unti.

Tss. Teka. Ako? Nanlandi? ASA.

"Oy, nagseselos ka? Mukha niya. Siya nga may type sakin."

"Whatever. At hindi ako nagseselos!" sabi niya nang naka-cross arms pa. Ampf.

"Woah? So may selos selos na rin pala sa relationship niyo? Seryoso na pala yan ha!" bumanat naman si Tris.

"Walang nagseselos!" sinabi pa ni Tia.

Natatawa na talaga ako sa babaeng to, mukhang nagseselos naman talaga siya e. Yun kaya yung dahilan ba't niya ako sinusungitan?

Tia's POV

Excuse me. Ako, magseselos sa kanila? At siya pa? Sa kumag na yan? NO WAY! AS IN NEVER!

"Babe, no need to be jealous. I'm all yours." sinabi niya yun tapos natawa pa siya ulit! Ugh. He's so irritating!

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi nga ako nagseselos e!"

"O wag nang guilty. Tama na yan, mag-rides na ulit tayo! Sama-sama na para walang masusuka diyan!"

As usual, binalik na nila yung pagkaposas namin.

zzzz

"Ayaw niyo talaga kaming paghiwalayin no?"

"Siyempre! Baka may magselos na naman kasi isa sa inyo pag pinaghiwalay e."

Selos selos. Selos daw. Whatever. Hindi naman talaga kasi ako nagselos kanina e! Ok. Tia. Tama na yan. Mahalata ka pa nila.

Sunod naming sinakay yung Space Shuttle. At least, hindi na ako nahilo after that. Sanay kasi ako diyan e. Then we rode at the Ferris wheel, yung mga swings na umiikot. Ano ulit tawag sa ride na yun? Marami pa kaming nasakyan. All in all? Sulit na rin. Kaso hindi talaga ako makawala sa posas na to e. Yun lang yun.

Anyway..

Bumili na lang kami ng snacks bago umalis. Maggagabi na rin e. Hanapin pa ako nina Mamu. I said I'll go home na rin.

Nag-stop na kami sa tapat ng house ko. Ako naman palagi unang binababa. Kaya ayun. Tinanggal naman nila posas namin. Thank God.

"Hoy Tia." Sino pa ba?!

"Ano na naman kailangan mo?" I looked back at him.

"I had fun today. Goodnight."

"Ayieeeeeeee!" Nagsigawan naman silang lahat dun sa kotse. Gahd. They will never stop teasing us both.

I smiled. He just said he had fun daw. Yeah right. Oh well, itutulog ko na nga lang to.

16:

MONDAY

School again. So boring. Our first period was English na tinuturo naman ni Ma'am Yuna our adviser. Hindi naman nakakaantok subject niya e! It's my favorite subject anyway. It's just yung mga sumunod na subjects lang ang nakakaantok sa klaseng to e.

Anyhoo..

"Class, we'll be having a new student in class, your classmate as well." ininterrupt muna saglit ni Ma'am yung announcement niya.

Nagulat naman kami sa sinabi ni Ma'am Yuna. New classmate? Nagbulungan naman mga tao sa classroom namin. Are they that curious?

"New classmate, Ma'am? He or She?" tanong ni Ciara.

"It's a 'she.'"

Oh, it's a girl pala. Hmmm..

"Ma'am, ano po name niya?"

"Well. Let's just know it when she comes to school."

So surprise ang drama ni Ma'am Yuna ngayon? Why? How come that student has a special welcome? Lucky her!

"I know nagtataka kayo kung bakit ko sinasabi to sa inyo. It's because siya kasi yung anak ng founder ng school na to. That's why ngayon pa lang, iniintroduce ko na. She'll be here after a few weeks, I guess."

Tumango na lang ako. Kaya pala e, rich kid yun malamang. I wonder who she is?

LUNCH

Naka-rest lang yung arm ko sa table at nagsiscribble lang naman ako ng kung anu-ano sa notebook ko. Get the picture?

I'm bored, right? I told you readers from the start pa lang. My life is just boredom not until dumating si-

"Hoy."

Yep, it's him.

"Ano?"

"Di ka pa kakain?" tanong naman niya.

Since when pa siya naging concerned sakin? Hmmm.. Something's fishy.

"Not hungry." tapos tumuloy ulit ako sa pagsiscribble sa notebook ko. Haay. What to do?

"Sus."

I heard his footsteps nearer. And my tummy made a sound na parang gutom. You know yung sound na nagagawa ng tiyan? Basta yun. Ok. Gutom na nga ako.

"Hindi pala gutom ah."

"Wala akong gana e!" I shouted.

Wala daw gana, Tia. Sabi nga ng tiyan mo e, 'Feed me na! Walang gana ka diyan!' "Gusto mong magkasakit din? Tara na."

He took my hand and we went off to the canteen. Haay. Palagi naman siyang nanhahatak e. Let it be. Sanay na rin ako.

"Oy, kumain ka. Lagot ka sakin pag hindi ka kumain." he said that.

"Ano ba kita? Tatay ko?"

"Boyfriend mo." he said with a straight face.

Sheesh. I bet the whole cafeteria heard what he just said. Eep. Hindi nila pwedeng malaman! This school pa naman is full of gossip guys and girls. Basta chika, malakas ang pandinig ng mga tenga nila!

"Hindi rin! Manahimik ka na lang." I said calmly.

Na-gets niya rin naman sinabi ko no? He looked na parang 'Uh oo nga pala.' Ayaw niya rin kasi i-spread tong news about 'samin'. As if meron naman din talagang namamagitan samin. Ayun. Umalis naman siya papuntang table ng Happy 3 friends.

"Bes, tara kain na tayo!" in-approach naman agad ako ni bes.

I took a tray naman and ordered lunch. Basta meal na siya, rice, viand and with water. O di ba? Sulit na rin.

Kaso nung papunta kami sa table namin..

"Aray!"

"Ay sorry, miss."

"Ayos lang." buti hindi nahulog pagkain ko kundi-- OMG! Bababayarin mo talaga to kahit pogi ka! Yes. You heard me. He's totally handsome. Ngayon ko lang siya nakita. This school is full of surprises talaga. Biruin mo! I was fated to bump with this guy!

HAHA. Mangarap ka Tia. I-kain mo na lang yan. Gutom ka lang.

"Sige, mauna na ako."

Tumango naman ako. I'm so lucky. I met a cute guy! Lalala~ Hehehee.

Umupo naman kami sa nahanap naming table.

"Bes, who's that?" she asked naman.

"Who's what?" sumubo naman ako sa ulam ko with rice. Mmm. Yum!

"Yung nakabunggo mo kanina?"

"Ah siya? He's just a hottie na nakabangga ko lang naman."

"Ah. Wait, hottie ba? As in?"

This time, my bes ordered pancit with vegetables pa rin. Ayos siya no?

"Yeah, super cute niya bes! I'm wondering nga bakit ngayon ko lang siya nakita." "Baka bago. What's his name? And year?"

Intrigera talaga tong babaeng to kahit kailan. Natawa ako.

"Stop interrogating me! Bakit ko naman tatanungin yun? Nakakahiya kaya!"

"Ikaw? Nahiya?" she said and chuckled.

May hiya rin naman ako kahit papaano no? Hehee.

"Bes, batok you like?" That's my style of saying it. Bakit ba? HAHA.

"Never mind." And kumain na lang ulit kami.

So much for Mr. Cute. Yeah, for now. Let me call him Mr. Cute.

DISMISSAL

My day was very fast. Hindi kasi kami masyado nagpansinan ni Jeremy the kumag after lunch. That's good for both of us. We both wanted peace of mind for now.

"Bye bes. Mauna na ako ha?" I waved at her naman.

"Sige." She smiled.

Nandito na ako sa labas ng gate. Mag-aabang na lang ako ng taxi pauwi.

Calling... Mamu

"Yes Ma?" sinagot ko naman agad.

"Anak, pauwi ka na ba?"

"Uh yeah. Magtataxi na po ako pauwi."

"What?! Wag na. Pahatid ka sa boyfriend mo dito!" Mamu insisted naman.

"Eeh! Mamu naman? Why?"

Pwede naman kasi akong umuwi mag-isa like I always do, right?

"We want to meet him. Personally."

Eep. Gusto nilang makita si Jeremy. OMG. Meet the parents na naman ang drama nila. Why o why?!

"Oh natawagan ka na ba ng Mama mo?" Paglingon ko sa likod. Yeah, si kumag nga. "Alam mo na rin?" "Oo e. Ano pa bang magagawa natin?" he scratched his head.

Nagbuntong-hininga na lang ako. No choice. Lagi na lang. Wala na bang ibang option?

"Tara na nga." He pulled my hand again. Nag-taxi na lang kami papunta sa house namin. OMG. Good luck na lang samin.

Teka, did I just said PEACE OF MIND? E nagkita na naman kami e. And the worst thing is that sa bahay ko pa. With Mamu and Papu! Huhu. Paano na lang yun?

17:

We were both in the taxi. Parehas pa kaming nakaupo sa likod.

But there's just this space that fills between us. Ok. Enough with the English. Hindi naman kami ganun kadikit magkatabi sa taxi. As if gusto nga namin no? Tahimik nga lang kami e. Parehas pa kaming tumitingin-tingin sa window. OMG. Hindi ako sanay na tahimik pag siya kasama ko. So awkward.

Bigla na lang in-on ni Manong Taxi driver yung radio.

Guess what? Anong pinatugtog?

Perfect Two. Yeah. Hindi na nga nilipat ni Manong yung song. Wait. I think he likes that song! OMG! What are you thinking, Tia?

So ayun nga, Perfect Two lang naman yung naririnig namin.. The song I heard while I had this first dance with Jeremy Kaiser Santos. Oh well. Ang tahimik pa rin. Yung music lang talaga ang naririnig namin. Gahd.. The silence is so awkward.

"Para na po." sabi ko naman nung nag-stop na kami sa harap ng house namin.

Bumaba naman kami. Si Jeremy na lang din ang nagbayad para sa taxi fare namin. Ayos. Libre niya for the first time! ^____^

Pagka-open ko ng doorknob...

"Anaak! And my future anak! Hello! Pasok kayo!" Mamu said.

What the?! Mamu?! Future anak?!

"Mamu?! Anong future anak pinagsasabi niyo?"

Ugh. Ako pa ang nahihiya dito para sa mga parents ko e.

"Hayaan mo na lang parents ko. Wala lang yun." I forced a smile.

"Ok lang."

Umupo muna kami sa sofa sa may sala.

"Ma, i-handa mo naman ng pagkain tong future anak natin oh!" sabi ni Papu.

OMG. Nakakahiya na talaga sila! Totally.

"Ok ok."

Pumunta naman si Mamu sa kitchen para maghanda ng konting snacks.

"Ok ka lang?" I asked him naman kasi I admit. Nakakahiya talaga parents ko. Para silang mga bata!

"Oo. Kakatuwa parents mo." he chuckled a bit.

Deym. He's cute nga talaga. Bakit ngayon ko lang nakita yun? Weh? Hindi nga, Tia?

"So ikaw nga yung boyfriend ng anak ko?"

Tumango na lang siya at ngumiti.

Ayun, I don't have to tell everything naman about this conversation. Mga parents ko, parang bata talaga. Inasar ba naman kami ng inasar na bagay daw kami and everything. So what, we don't have FEELINGS for each other naman e.

Anyway..

Nagpaalam naman na siya kina Mamu at Papu. Magna-9 pm rin naman kasi e. Baka hanapin pa tong kumag na to sa bahay nila. Kaya hinatid ko siya sa may gate.

"Jeremy, sorry sa parents ko ha? Ang kulit kasi nila e."

"Tss. Wala yun. Nakakatuwa nga sila e." sabi niya.

Talaga lang ha? Kasi ako? I've been irritated. Nakakahiya kasi eee.

"Sige, hanggang dito na lang ako."

"Night." He said at umalis na.

So naggo-goodnight na siya ngayon? Wow ha? Dati-rati, aalis siya na walang 'bye' man lang. I can say na, umaamo na siya. And hindi na siya nagsusungit.

MONDAY (Dismissal)

Hindi daw nagsusungit. Eto na naman kami. We're back to normal again.

"Tia, bilhin mo naman ako ng tubig oh." sabi niya yun habang nagpupunas ng pawis niya.

Oo nga, tinawag niya nga akong Tia. Pero kung mang-utos naman. Excuse me, hindi niya ako alalay no!

Nasa field kasi kami ngayon. Dismissal na rin naman. We're watching their basketball practice para sa nalalapit nilang away game. Heard me, right? Varsity kasi siya. Silang apat ng barkada niya.

"Ayoko nga! Bumili ka mag-isa mo." I said.

"Here we go again with the lovers.." humirit naman si bes.

"Nauuhaw na ako! Dali na!" Ok. Galit na siya niyan?

"Ang layo-layo ng canteen! Ikaw na. Kakatamad e."

Feeling niya! Hindi ko sasayangin oras ko para pumunta sa canteen naming may pagkalayo dito sa field para bilhin lang siya ng tubig no! Hmp.

May hinagis namang bottled water si Chase sa kumag.

"Tol, sayo na yan. Ang ingay mo e!"

Tinanggal naman agad niya yung cap ng bottle at uminom. Grabe siya. Uhaw na uhaw!

Yung natirang tubig naman binuhos niya sa sarili niya. E di nabasa siya! Gahd. Bakit niya ba ginagawa yan? Wet look. He's --- HOT. Ay wet nga, tapos hot? Ang gulo!

"Bes! Naglalaway ka na diyan! Kung makatitig naman sa boyfie e, wala nang bukas." Eep. Napansin niya yun? Noooo.

"Sows. Tignan mo kasi, naligo na sa tubig. Mukhang-- ewan." Hindi ko alam bakit ko nasabi yun. Hehee.

"Ewan? E ang hot nga e. Look again, wet look oh! You're one lucky girl, bes."

She just said na 'hot' din siya. Pero wet look nga, ano ba yun?! I just scratched my head.

"Yeah whatever."

Nagsimula naman sila ng practice nila. Napansin ko na lang bigla yung jersey ng kumag. Number 21? E favorite number ko yun e! And ang birthday ko rin kasi is December 21. Kaya ayun, favorite ko na. E siya kaya? Bakit 21?

I just watched them play.

Pinasa sa kanya ni Tris yung ball. And he made it! He did a 3-point shoot. At ayun nga. Magaling talaga siya, infairness.

And deym, he's hot in his jersey. Wait, did I just said? Uhm.. Nah.

Tinignan ko naman ang bruha. I know she's looking at her MJ. Sino pa ba? Na kay MJ na nga pala ang ball. And-

"Shoot! Yesss!" sabi ni bes na nagtatatalon pa! OMG. Supportive much?

"Grabe ka bes."

"Ganyan talaga." she smiled. Namula rin, as usual.

Oh well, can't blame her.

15 minutes

Natapos rin ang practice nila. All in all, magagaling naman talaga silang lahat e. Wala ako masabi.

Lumapit naman bigla si Jeremy sakin.

"Oh? Bilib ka na sakin ngayon?" he smirked after he said that.

Sigh.

"Ikaw na. Ikaw na magaling."

"Lagyan mo nga ng twalya likod ko oh." sabi niya.

"Hindi mo ba kayang maglagay mag-isa?!" I shouted again. E kasi, hindi ako alalay no. Tsaka ilalagay lang yung twalya, hindi niya na kaya?

"Aray! Yung amplifier mo! Naka-volume up na naman! Ampf."

It's been a while since tinawag niya ulit akong amplifier. Psh. Whatever.

Binigay niya naman sakin yung bimpo (twalya) at nilagay ko sa likod niya. Pinunasan ko pa pawis niya ha? Yuck.

"Ano pa gusto mo?"

"Sus. Wala na. Salamat."

"Yieee!" sigaw naman nila. (Zen and the Happy Three Friends)

Ok. Seriously. Anong masama sa ginawa namin?

"Ano na naman problema niyo?"

"Ang cute niyo kasing tignan e!" sabi ni Tris.

"Agree. Bagay talaga! Yun oh!" dagdag pa ni MJ na inaasikaso rin ni bes Zen. Bakit? Siya rin naman ah?

"Sheesh. Parang kayo ni bes, hindi." bulong ko lang yun. Baka magalit pa si bes sakin e. Hehee.

"Syeteks." Jeremy said suddenly after he checked his phone. What's with him?

"Tol, bakit?" tanong naman ni Chase.

"Tia, tara." Hinila na naman niya ako.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay."

"Bakit?"

"Tumawag si Ma e. Gusto daw mamasyal ni Jam. Tsaka walang nag-aalaga sa kanya sa bahay. Day-off ng mga maids e."

"Ganun ba?" I said.

Anong gagawin ko? Papayag ba ako?

"Pinaalam na kita sa parents mo. Payag na sila e." Then he smirked.

"Ok. Ano pa bang magagawa ko?"

Umalis naman kami agad sa field at nagpaalam sa kanila.

Pumunta kami sa bahay niya by taxi. So ayun, we stopped in front of their house at pumasok na rin.

"Kuya Jek! Ate Paris! You're here na!" Jam called us out of nowhere. Nasa harap lang pala namin. Ang liit kasi ng batang to e. Joke, hehe.

"Tara na, Jam." We went off.

So sa mall na lang kami nagpunta.

Guess what? Pagkapasok pa lang namin. Eto na naririnig namin..

"What a couple!"

"Ang cute naman nila!"

"Oo nga. Ang babata pa nila, may anak na sila! Pero they're cute!"

OMG. Mga chismosa talaga. Paano naman namin naging anak si Jam? Gahd. These people.

Hinayaan na lang namin yun. Bumili muna kami ng ice cream. Libre ni Jam. Grabeng bata to. So rich ha.

Tapos nun, may bibilhin daw kasi si Jam e. Na-amazed lang talaga ako kasi marunong na rin daw siya bumili. What a kid!

Nasa may accessories store kami. Kami na lang ni Jam ang pumasok. Maghihintay na lang daw yung kumag sa labas.

"Ate Paris! Lika! Ang ganda netong necklace na to oh!"

Yep, maganda nga siya. May pendant na tiara. Just for a little princess like her..

Ayun, sabi niya. Maghintay na lang daw kami sa bench. Babayarin niya daw yung bibilhin niya. Grabe talaga siya. She can really handle herself. Pero kailangan pa rin ng supervision (a/n: NAKS! supervision!) Just like me and the kumagster.

Anyway..

"Kuya! Ate!" she said as she went out of that store.

"Ano yun?"

"May ibibigay ako sa inyo! Suotin niyo to ha!"

May nilabas siyang parang couples' rings with bracelets. Black and white yung color. Maganda siya pero it does not fit for us. FYI, hindi kami couple no!

"Jam, ano na namang kalokohan yan?" sabi ng kumag. Then he groaned.

"Kuya! Ang KJ mo! Binilhan ka na nga e. Eto oh, suot mo rin yung isa kay ate Paris!" daig pa siya ng kapatid niya. She even called him KJ! HAHA! Kakatuwa rin talaga tong batang to.

"Oy kumag, sayang pera niya no."

"Nagustuhan mo naman? Feel mo naman masyado yung pagiging 'tayo'." then he smirked.

"FYI, hindi yun ibig kong sabihin no. Asa ka!"

"Ate, Kuya! Stop your LQ! Suotin niyo na yan, please?" nag-pout na si Jam. Hala.

"FINE!" sabay pa naming sinabi.

So ayun nga, sinuot na namin para lang sa bata. Baka umiyak pa pag hindi pa namin ginawa e.

"Ayie! Terno sila! Para kayong mag-asawa! Cute niyo kuya, ate!" She smiled again.

Mag-asawa na agad kami ha! Grabe. Hindi pa nga kami as in 'kami' e! And I never wished for any of that.

"Hoy Tia."

"Ano?"

"Wag mong iwawala yan. Kundi lagot ka sakin!"

18:

Did he just said? Lagot ako pag nawala yun?! E hindi nga siya ang bumili nun e. And napapansin ko lang, mas feel niya nga ang pagiging 'kami' e. Mukha niya. Feel ko daw. Baka siya.

Anyway..

Tapos na yun. Naka-get over na ako. Pero sabi pa nga ng kumag na yun e, suotin ko daw yung ring and bracelet araw-araw. Wanna know why?

FLASHBACK

*Ring!!!* *Ring!!!*

"Tia, sagutin mo yung telephone." Mamu said habang nagluluto siya ng pang-dinner namin.

Tumango na lang ako at sinagot yung tawag. "Hello."

"Oy."

"Ang ayos ng greeting mo ha! Ikaw na nga lang etong tumatawag e!" I said in a loud voice. Paano naman kasi? Ang tino niyang kausap. Well, you know naman kung sino tong kausap ko.

"Ang dami mong satsat."

"E bakit ka pa napatawag? If I know miss mo lang ako." I said in a sarcastic tone. HAHA. I like teasing him talaga.

"Kapal mo, sus. Baka ikaw." Nung sinabi niya yun, na-iimagine ko nang nagssmirk na naman siya. Palagi naman e!

"So why did you call nga?!"

"Wala lang. Boring e."

Wow! He just called coz he's bored and he wants to talk to me coz he had nothing to do. Ma-fflatter ba ako?

"So pampalipas oras na lang ako. Hmp. Seriously. Ano gusto mo?"

"Oy, yung bigay ni Jam. Wag mong iwawala yun ah. Patay ka talaga sakin." he nagged. Here he goes again!

"I know! Palagi mo na ngang sinasabi sakin yan! Everyday!"

"Dapat lang, ulyanin ka na kasi e. Suotin mo yan palagi."

"Paano pag hindi ko sinuot?"

"E di ulyanin ka na nga, hindi mo sinuot e."

Eep. He's crazy. I told ya, "Hindi yun ang point! What if ayaw ko? Tsaka bakit gusto mong suotin ko? Ikaw ha!"

Yeah. I really sensed there's something with him. Ano kaya?

"Malamang! Kasi gf nga kita." I heard him smirk once again, "Tsaka magagalit si Jam pag hindi natin suot."

"Sows. Feel it much? OA mo. Yun lang? Ok. Susuotin ko na palagi. Magalit pa si Jam e. Di ko matiis yung batang yun." Fine, I agree kesa humaba pa ang walang kwentang usapan to.

"K, bye." Then he hunged up.

Ang dami-dami kong sinabi tapos ganun lang! Pinilit niya pa akong suotin yun tapos mag-bbye na lang bigla. Aish. Walangyang lalaki talaga yun. Grr.

END OF FLASBACK

Tuesday na ngayon. School na naman. What will I do? Makikita ko na naman ang pagmumukha niyang nakakairita. And yeah, suot ko rin yung bracelet at ring.

'Ya! Are you happy, Jeremy?!' Sinabi ko yun sa sarili ko. Eep. Sana walang makapansin neto.

Mag-isa lang ako pumasok sa school. Nilagnat kasi si bes Zen kaya hindi nakapasok e. Pero hindi naman ganun kalala yung lagnat niya, so she can still walk and talk. Malamang.

"Tia!"

"Hi Ciara!" sinalubong ko siya with a friendly hug.

"Oh? Wala ata si Zen? Hindi pumasok?"

I nodded, "May sakit kasi e."

"Ah.. Tell her, get well soon."

I smiled na lang. Hmm.. Maganda talaga tong babaeng tong si Ciara, matalino pa. Ano pa kaya nakikita sa kanya ni Tris? Ayun! Mabait. They really look perfect pag pinagtabi mo sila. Hehe.

Anyhoo, sabay kaming pumasok ng classroom. I sat on my place.

Dumating na rin si kumag and the Happy Three Friends. I glared at him kasi nag-smirk na naman siya. What's his problem?!

"Suot mo nga. Good." sabi niya tapos umupo na rin siya sa seat niya.

"Yeah. For the sake of your lil sis." Tinignan ko nga siya ng pasimple and look! Suot niya nga rin.

"Woah?! Terno!!" Tris shouted! OMG. Bakit ang lakas ng pagkasabi niya?!

"Shut up, Tris." sabi naman ni Jeremy the kumag. Dapat lang, kasi alam niyo na pag narinig ng aming belovedclassmates! Kalat na agad sa buong school. Haay, they really got nothing to do with their lives.

Buti wala masyado nakarinig. Buti na lang talaga!

"Bakit meron kayo niyan ha?" nakangiting tanong ni Chase.

"Wag na kayong matanong." Jeremy said.

"Couple na couple talaga kayo ha! Ayos." humirit na naman si Tris.

"ASA." sabay naming sinabi.

Tumahimik na lang sila. Thank God.

"Tia, si Zen? Ba't wala ata siya ngayon?" MJ asked. I thought he would never asked that.

"May sakit. Nasa bahay nila."

"Ganun? Puntahan ko na lang mamaya. Salamat." Aww, I admire his sincere concern for my best friend. Oh well, I'm super duper happy for them!

Ngumiti na lang ako.

Dumating na si Ma'am Yuna. Nagsimula naman ang English period. Ayun, at sumunod na yung ibang subjects na sobrang ka-antok antok. We even had a quiz on Trigo! Aish, di pa naman ako masyado nakapag-aral dun.

Pero I think makakapasa naman ako kasi stock knowledge lang naman ang alam ko dun. Buti nga hindi ganun ka-hirap e. Oh well..

DISMISSAL

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng classroom. Hindi ko na lang muna pinansin yung kumag at baka masira pa ang araw ko.

Come to think of it, I've been here in this school for at least 3 months na. And parang kilalang-kilala ko na talaga ang lahat ng tao dito. Joke. I'm just referring to people in our class, you know? Like Jeremy, the Happy three Friends, Ciara and everyone else.

Ngayon, nasipan kong mag-ikot ikot sa school.. Tour kumbaga. Hindi ko pa rin naman kasi masyado kabisado mga facilities dito e. Ayun, I want to familiarize myself the places around here. I found the Chem Lab, THE Lab, faculty ng mga teachers, staff departments, playground, garden, etc.. It took me like almost an hour to tour here and there!

Nandito naman ako sa may gym. Ang lawak-lawak talaga dito. Convenient. May aircon. Ayos naman.

"-Miss, isasara na tong gym. Kaya lumabas ka na diyan." Someone said that at the gym door, I guess.

Sumunod naman ako at lumabas.

I looked at that 'someone'. Wait, kilala ko siya!

"Ikaw nga!"

He grinned, "Oh, ikaw rin nga. Yung nakabangga ko. Sorry ulit dun."

Yeah, heard it? Siya nga yung napakagwapong lalaking nakabangga ko lang naman sa canteen. Now we're fated to see each other again. Fated? Uhm- K.

"Hanggang ngayon pa rin, nag-ssorry ka. Matagal na kitang pinatawad dun!" I smiled. Kung hindi ka lang talaga gwapo e.

"Sorry, di ko mapigilan e." At nag-sorry na naman siya. Ang gwapo niya talaga! OMG.

Ayun naglakad kami palayo sa gym at umupo na lang sa bleachers malapit sa entrance gate.

*SILENCE*

Wow, ang tahimik niya ha. How awkward.

"Ganda ng ring at bracelet mo ah." Suddenly, he broke the ice. Eep. Napansin niya rin pala yun.

"Ah, eto?" Ngumiti na lang ako. Seriously, wala na kasi ako masabi sa kanya kundi ang gwapo niya! Ok, enough of that, Tia.

"Maggagabi na rin oh. Hindi ka pa ba uuwi?"

Aish. Oo nga pala! Ano ba yan? Hindi ko na namamalayan yung oras! Mapapagalitan pa ako ni Mamu. Masyado ko kasing finefeel yung moment na kasama siya e. Feel? Moment? What the, Tia?!

"Oo nga no. Nakalimutan ko na. Sorry." I smiled.

"Ikaw naman ngayon ang nag-sorry. Wala yun." He smiled too. Ay, wag kang ganyan! Nakakatunaw!

Teka, hindi ko pa pala natatanong name niya. And kung anong year na siya and everything!

"Ano pala pangalan mo?" Kanina ko pa siya kausap pero ngayon ko lang natanong to. -____-

"Enzo Manalili. Enzo na lang itawag mo sakin. Senior ako from Section 2. Ikaw?" Kaya pala taga-Section 2 siya kaya hindi ko siya masyadong napapansin. And senior rin pala siya?

"Tianna Tuazon, Tia na lang. Senior rin from Section 1. Nice meeting you, Enzo." Then we shook hands.

"Ah. Ikaw pala yung new student. Tama nga sila, mabait ka nga." And he smiled.

*Bzzzzt!*

May nag-text! Na-feel ko kasing may nag-vibrate sa bag ko. Kaso hinayaan ko na lang muna kasi I'm still enjoying this moment with him! HAHA, bad Tia!

"Malalate ka na oh. Gusto mo bang ihatid na kita?" he asked. Wow! He just asked me? Anong sasabihin ko?

"Sorry p're. May maghahatid na kasi sa kanya e. At ako yun." sabi ng kumag na sumulpot na lang bigla. OMG. Hindi pa pala siya umuuwi? Ano ba yan? Panira ng moment? Hmp.

19:

"Ah, ganun ba? Sige, mauna na ako. Bye Jeremy. Bye Tia. Ingat kayo." then he smiled at me.

"Bye, ingat ka Enzo." I smiled back. Then lumabas na siya ng gate.

Hindi man lang nag-Bye tong kumag na to. Hmp. How rude.

Nilapitan naman ako ng kumag.

"Kanina pa kita hinahanap! Nandito ka lang pala!" he said with anger. Bakit naman siya nagagalit sakin?!

"Ba't ka sumisigaw ha?! Pwede mo namang sabihin ng maayos e!" Ok. Nag-vent na rin ako. Etong kumag na to kasi e.

"Tignan mo nga cellphone mo! Nagtext na ako sayo pero hindi mo naman pinansin! Kasi kasama mo yang lalaki mo!" Ok. Lalaki ko?! We just met! At paano siya naging 'lalaki ko'?! Ang OA niya na ha! Nakakainis!

Teka, siya ba yung kaning nag-text? Psh. I checked my cellphone naman.

1 new message received

From: +639*******

Hoy! Nsan kna! Kanina pa kta hnhanap!

How the heck did he get my number?! Oo. Siya nga nagtext. So?! Bakit ganyan na lang siya magalit sakin?!

"Pabo~! Hindi ko siya lalaki! Pwede ba?!" I shouted to him. Seriously, he's just annoying me!!

"Tss. Hindi daw."

"Look. Kakakilala lang namin no?! At wala kaming relasyon as in yung iniisip mo!"

He sighed.

"Oo na nga lang! Tara na! Hanapin ka pa ng mga magulang mo!" he cooled down a bit.

Ayun, huminahon naman kaming dalawa.

Anong oras na ba? I just checked my watch.. Magse-7 pm na. Homaygulay. I'm so dead at home. Ayaw pa naman nina Mamung nalalate ako ng uwi.

Lumabas naman kami ng school. At nagpara ng taxi para makauwi na.

This time, inside the taxi.. I wanted to break the silence. Hindi talaga ako sanay na tahimik kami na ganito. I know he's mad at me. Wait. Nagseselos kaya siya kay Enzo? Hindi siguro. It's just his mood swings. Ganyan naman kasi siya palagi e!

"Jeremy.."

I looked at him habang siya nakatingin lang sa bintana.

"Ano?" he said calmly pero still not looking at me.

"Nagseselos ka ba kanina?" OMG. I just said that. Hindi ko na napigilan. Tinanong ko na sa kanya e.

Tumingin naman siya sakin. Then he smirked.

"Ha? Ako? Magseselos? Asa."

He looked back at the window.

Sa tono ng boses niya parang e, ang defensive naman niya! Psh.

"Sows, selos lang yan. Don't worry, babawi ako sayo tomorrow." I said nicely. HAHA. Nagselos kasi tong si boyfie ko kay Enzo. Talaga lang, Tia?

"Selos selos. Hindi ako nagseselos pero bumawi ka na lang bukas." he said.

"What?! Hindi ka nga nagseselos pero gusto mo kong bumawi?! You're crazy!"

"Sus. Ikaw na nagsabing babawi ka e. Kung ayaw mo, edi wag. Nandito na tayo oh. Bumaba ka na." he said coldly.

Seriously?!

What the heck is his problem?!

Bumaba naman ako at pumasok na nang bahay. I explained the things that happened at school kaya ako nalate. Buti na lang at hindi sila masyadong nagalit. Kasi they know naman daw na si Jeremy the kumag daw ang naghatid sakin kaya ayun.

After namin mag-dinner, dumeretso naman ako sa kwarto ko. Nilagay ko yung bag ko on the top of the drawer. Then I lied on the bed.

'Haay buhaaaay!' I said to myself. And I sighed.

Paano na yan? The thing I really worry about is..

Paano ako makakabawi sa kanya?! The heck naman! Bakit siya? Siya rin naman ha! May kasama kaya siyang babae noon sa EK! What's the diff? Ako pa yung babawi! Ba't ko pa kasi nasabing babawi ako sa kanya? I'm the girl here. Sabagay, iba na talaga ang generation namin ngayon. Psh.

Anyway, ang sabi pa nga niya kasi daw..

'Schoolmate kaya natin yun. E yung babae sa EK, hindi naman natin ka-ano ano yun. Estranghero lang.' yun ang sabi niya. Sus. If I know, ayaw niya na lang kasi umamin na nagselos talaga siya. HAHA. Mapilit talaga ako no! ^_____^v

WEDNESDAY

This is it. One step na lang at nakatapak na ako sa school. OA much? Oh well, eto na nga ako. Pumasok na ako ng school. Hindi ko pa rin kasama si bes kasi may sakit pa rin siya. Pero hindi naman ganun kalala. Hindi lang siya pumasok kasi baka mabinat pa yun.

Gusto niyo bang malaman kung ano yung pambawi ko? Well, it's a secret! You'll know it later.

Anyway..

Naglakad na ako papasok sa room namin. Sigh. Makikita ko na naman siya. And I'm sure he'll remind me of that pambawi thingy. -_____-

I just looked at him then he sat down. Hindi siya makatingin. Ano ba yan?! Nagtatampo? Kailan pa siya nagkaganyan?! And it's a miracle, kasi usually pagkapasok niya ng classroom, aasarin niya ako at bwibwisitin pero hindi e.

What on earth is happening to him?!

So ayun, nanahimik na lang ako. Classes were still boring. Same old routine. Haay. Let's move on...

LUNCH

Ano ba yan? Itutuloy ko pa ba yung pambawi ko? I'm still thinking kung gagawin ko pa e. Kasi if you only knew, you can't believe it, I swear. -____- Haay nako, kailan pa ako nag-alala sa ganung bagay? Bahala na lang.

"Hey Tia!"

"Hey.." It's Ciara.

"Hindi ka pa ba kakain?"

"Wala si bes e." Sigh. Namiss ko yun kahit loka-loka yun.

"Sabagay, palagi mong kasama yun e. For now, samahan mo muna ako. Tara, kain na tayo." she smiled.

"Sure." tumayo naman ako and lumabas na kami papuntang canteen.

Nag-order naman kami ng pagkain namin. I ordered sopas and iced tea. Perfect combination ha? Why ba? E yun gusto ko e. While Ciara ordered viand, rice and water.

Ayun. Umupo naman kami sa nakita naming vacant table.

I was about to take a sip of my iced tea nang...

"Beyb. Bawi. Later. Dismissal." Paputol-putol niyang sinabi yun. Then he smirked. So hindi siya nagtatampo, kinausap niya ako e.

"Beyb? Bawi? What? Kayo na?" Wow.. sunud-sunod na tanong ang binulabog sakin ni Ciara.

"Uh yeah? It's a secret e. We're just pretending." I smiled, sarcastically.

"Talaga? How?"

"Long story e."

"I see. I just can't believe it. Sa pagkakaalam ko kasi, hindi pa nagkakagirlfriend yang si Jeremy ever since. I don't know why. But ikaw yung first niya, and pretending pa yun ha. Paano mo kaya natiis yung ugali niya? I mean he's moody, masungit and everything." then she chuckled.

"I really don't know. It's his nature. And nasanay na rin siguro ako sa kanya." I said while sumubo ako sa sopas ko.

She has a point anyway.. Ako? Magkakagusto sa isang kumag na katulad nun? Pero he has the looks and charms naman e. Wait, charms? Ew. Pero even me, I can't still believe it. Natatawa na lang ako.

"You broke the record sis. You're the first. Congrats!" she giggled then she took a spoonful of rice.

Jeremy Santos, why the heck did I ever meet you in my life?!

*Snap!*

Dismissal na. Time's really fast. Kami na lang ng kumag ang natitira sa classroom.

"Ai- Ano ba?!" I came back to the world of reality. Tulala ako, sorry. Hehee.

"Hoy ikaw."

"Hoy ka rin. And my name's Tia, not 'ikaw'." eto na naman siya, mambibwisit na naman.

"Tulala ka kasi." Then he laughed.

OMG. What's funny?

"Anong nakakatawa dun?!" I crossed my arms. Hmp.

"Wala. Tulala ka nga kasi."

Seriously, I can't see the point of his laughing kasi tulala ako?! What?!

"Whatever."

"May atraso ka pa sakin." He smirked.

Aish. Ayan na naman yang lecheng pambawi na yan. Everytime he reminds me of that, naiinis lang ako. Ok fine. Curious na siguro kayo sa pambawi ko no? I hate the idea e. I even took an advice from my parents. Yeah, well. I'm hopeless.. -____-

Flashback

Shinare ko naman sa parents ko yung nangyari sa day na yun. You know? Open kasi ako sa parents ko e. And eto lang naman ang sinabi ni Mamu..

"Nak naman kasi, may boyfriend ka na. Pero naghahanap ka pa rin ng iba!" Ano ba yan?! Pati ba naman si Mamu..

"Mamu namaaaaan! I'm not finding another guy. Kinakaibiganin ko lang yun!" Yeah, Enzo is just a friend I met that day, di ba?

"Don't you think na baka nagseselos nga si Jeremy dun?"

"Oh come on! Yung batong yun? Magseselos?! I don't think so." Nag-smirk ako. OMG, nahawaan ako ng kumag na yun. Hmp.

"Stop calling him names. Here's the thing you have to do." Papu said. I'm not calling him names. Gahd. Sinabi ko lang naman na bato siya e.

3 minutes

"Anak! Why don't you date him?"

Wait. Am I deaf or Papu just actually said that? DATE?!

"What?!"

"Mag-date kayo!" Date nga. Haaaay.

"No way!" I sighed.

"Anak, if you want to fix things up. Mag-date na lang kayo. Besides, dating is like getting to know each other at the same time." My parents? They're insane.

"Mamu, Papu.. Ako yung girl. Ako magyayaya?"

"Iba na generation niyo ngayon, hija. That's what makes you unique." No no noooo. I don't wanna date him pero- Ano pa bang magagawa ko?

"Fine. Thanks for your advice." Seriously, not helping. Pero I have no other choice. Yun na lang din naisip ko. And my parents actually told me na makipag-date ako. Take note, parents ko pa ang nagsabi ha?

I went to bed. Itutulog ko na lang to.

Bahala na bukas. Eeep. Please help me, God.

End of Flashback

"Wag na nga. Uwi na lang tayo." he insisted. Nagsimula siyang lumakad palayo..

"H-hindi." Nag-stop siya sa paglalakad, "Sasabihin ko na."

OMG. Bahala na lang. I can't think of any other idea e. Aish.

"Ano yun?"

"Let's date." Nag-roll eyes pa ako nung sinabi ko yun.

"Ano sabi mo? Hindi ko narinig e." What?! Kailan pa siya naging bingi?!

"Mag-date tayo, gusto mo ba ng cotton buds?!!" Sinigaw ko na.

"Amplifier naman kasi e! I-volume up mo nga!" Seriously, hindi niya nga narinig. O baka naman gusto niya lang talaga marinig ng maraming beses.

"Ya pabo~! I said let's date!!!" Ayan, nilakasan ko pa lalo. Pag hindi niya pa narinig, bahala na siya.

Jeremy - =_________=

"Talaga?" he smirked again.

"Ayaw mo, e di wag." Mag-wwalk out na sana ako nun e kaso...

"Tara, let's date." He held my arm and we went off to the mall. OMG. Date ba talaga ang pagkaintindi niya as in? Pang-lovers?! Nooooooo.

20:

We're here in the mall.. Ayun, nakalink lang yung arms ko sa kanya. This is so awkward. Ba't ko pa kasi kailangan gawin to e.. I mean, date?! With Jeremy? It's really unbelievable.

Marami ngang tumitingin-tingin samin habang naglalakad kami. Aish. Nakakahiya. OMG. Pero etong kasama ko, kahit kailan.. walang hiya. You know him naman e. Psh. Je vais vraiment te tuer, Jeremy! (I'll really kill you, Jeremy!)

"Oy, nakakahiya! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." binulong ko sa kanya.

"Tss. Yaan mo silang mainggit." he smirked.

What?! Mainggit? Sinabi niya yun? What's with him?!

"Mainggit pala ha. Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo yun?" binulong ko lang yun. Sana hindi niya narinig.

"Trip ko e. Bakit? Suot mo ba yung bigay ni Jam?" NARINIG NIYA NGA! Then he checked my wrist.

Suot ko naman palagi to e, OK. For the sake of the kid, hindi dahil sa kanya. Feeling niya. Hmp.

Tumango ako.

"Good girl." he said. I looked at his wrist. Suot niya rin nga.

Una naming pinuntahan yung sinehan, we watched The Grudge 3. We found other couples inside at masyado silang naglalambingan. OMG. Grabe naman makapulupot sa isa't-isa ha. Mga takot nga sa horror, e bakit pa sila nanunuod.

"Inggit ka naman sa kanila. Eto oh." Inakbayan naman ako ng kumag.

What?! Ako naiingit? Talaga lang ha!

"Nanchachansing ka lang!" tapos binatukan ko naman siya.

"Aray!"

"Gusto mo naman e."

"Spell feeler."

After that, natahimik na lang kami. So eto ang tawag sa 'couples' daw na nag-dadate. Syempre, we're

different. Eto pauso namin e. Yeah, right.. Tia.

"Cr lang ako saglit.."

Tumango naman siya. I really need to pee. Aish.

Jeremy's POV

Yung babaeng yun kahit kailan talaga, hindi ko makakasundo. Sa sinehan kasi e, kanina pa siya tumitingin dun sa mga couples na naglalambingan. Halatang inggit e. Joke. Asa. Tapos binatukan ba naman ako. Sus. Pagbigyan, babae e. Teka, hindi babae yun e. Amazona yun.

5 minutes

Walangya. Ba't ang tagal-tagal niya mag-CR?! Ang potek naman.

Pagkat minamalas ka nga naman oh.. May lumapit na namang babae sakin.

"Hi Jeremy!" ngumiti ang potek. Taena, sino to at kilala ako?

"Hindi kita kilala."

"Ano kasi-- Matagal n-na kitang crush e."

"Sino ka ba?" nag-smirk naman ako. Kainis. Epal naman tong babaeng to.

"Ako si Ella, junior ako sa school natin. Schoolmates tayo."

"K." Nasaan ka na ba, Tia?! Ampf!

"Uhm-- Pwede bang mag-picture tayo kahit isa lang?" Picture daw! Ang lakas ng loob! Waw!

"Hindi kita kilala e."

Ang kapal. Mag-pipicture daw kaming dalawa. Potek.

"Sus, isa lang e. Sige na.." Niyuyugyog niya pa ako. Anak ng.

"Wag mo nga akong hawakan.."

"E Jeremy naman e.."

"Close tayo?"

"Walangya ka talaga oh. Hindi ka ba maiwang saglit na walang kasamang babae?" Si Amazona nga- este si Tia. Nangyari na naman ang ganitong eksena.

Lumapit siya at kinausap yung babae, "Sino ka?"

Tinarayan niya yung babae. Woah, mukhang may nagseselos na talaga dito.

"Ah, ate.. Sige, alis na lang ako." Mukhang naiiyak yung babae at umalis na lang.

Nauna namang naglakad tong si Tia. Tae, ano na naman ba problema niya?!

Hinawakan ko siya sa may braso.

"Huy." Nag-stop siya.

"Ano ka ba?! Nag-cr lang ako saglit tapos ganyan na? Bumabawi na nga ako sayo tapos ganyan makikita ko?"

"Uy, nagseselos ka ba? Hindi ko kilala yun."

Nag-pause siya saglit.

"Hindi. At bakit naman ako nagseselos?!" halatang-halata naman sa tono ng boses niya.

"Wala ka namang dapat ikaselos dun e."

"Hmp."

"Ano? Naniniwala ka na ba?"

"Ewan ko sayo."

"Seryoso." tinignan ko pa siya.

"Oo. OK lang ako. Tara na, ok?" hinila niya ako papuntang food court. Nag-order kami ng Greenwich kasi favorite niya daw yun.

Hindi ko nga siya makausap ng matino e, the usual. Parang ang unfair ng dating, siya bumawi. Tapos ako hindi, mukhang disaster date lang to e. Pero hindi, babawi ako. Tignan na lang niya.

Hinatid ko naman siya sa bahay nila. Ang tahimik pa rin. Potek. Paano kaya ako babawi?

Kinalikot ko cellphone ko.. Kailangan ko ng kasabwat para makabawi ako dun.

To: Zen

oy, ppsok kb bkas? tulungan mo nmn ako. may ittnong ln ako. ge slmat.

Tia's POV

After naming kumain sa Greenwich. Naglibot na lang kami sa kung saan-saan. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Tahimik lang ako. Kasi siya e, dalawang beses na nangyari yun then ganun na lang? Ako pa tong babaeng babawi sa kanya. Ha! Ayos siya ha.

Hinatid niya naman ako sa bahay. Ayun, tahimik pa rin. This date is such a disaster. Pero hindi ko rin naman kasi siyang matatawag na date e coz wala namang nangyaring maganda sa araw na to.

Tsaka ako nagseselos? A bit. Pero teka. Bakit nga ba ako nagseselos? Hindi naman kasi kami e. Sus. Never mind na lang.

I didn't bother greeting my parents. Dumeretso ako sa kwarto. Wala lang talaga ako sa mood ngayon. Haay. Bakit ba? Ewan ko rin e. Aish. Makatulog na nga lang..

MONDAY

Classes, the usual. Boredom lang. Pumasok na rin si Zen coz magaling na siya. ^____^ Pero wala pa si Jeremy.. e nandito na yung Happy Three Friends.. Bakit kaya? Late siya? And bakit ako concerned? Psh.

*door opens*

Naglelecture na si Ma'am Yuna nang dumating-- Yeah, siya nga.

"Ma'am, may I have at least 5 minutes of your time please?"

Ano na naman gagawin ng kumag na to?

"Why are you late, Santos? Pero sige, ano yun?"

May nilabas naman na malaking malaking basta huge stuffed bear ang kumag. OMG. I like that! Kanino naman niya ibibigay yun? At bakit may dala siyang ganyan?

Humarap sakin si bes and she said, "Bes, watch him."

"Ha?"

"You'll see. Just watch him." She winked at me.

Teka, anong ibig sabihin niya dun? OMG. They know something I don't know.

"Tia Tuazon.." he called me.

Now everyone's eyes were at me. Hala. Ano na naman yan, Jeremy Santos?!!

"Para sayo to, sabi kasi ng bes mo, mahilig ka daw sa ganito. Nakabawi ka naman sakin e. Ngayon, ako na babawi sayo."

Ok. This was all planned. And kasabwat niya pa talaga ang bes ko ha? Tapos babawi siya ngayon?

"Fine! Akin na nga yan." HAHA. Gusto ko talaga yung bear eeee.

"Bati na tayo?" he smirked.

What the?! Bati bati pa!

"Oo na nga!"

He went to my place naman and he gave me the big bear. OMG. Ang laki talaga neto at ang cute pa.

"Ma'am, I'm sorry for being late. Sarado na po kasi mga stores kagabi. Kaya kaninang umaga lang ako bumili at nag-traffic pa po kanina."

"It's ok, Mr. Santos. Para kay Ms. Tuazon pala yan ha." she smiled.

Nagsipagtilian naman ang buong klase. OMG. Alam na, alam na nga nila. Haay.

"Nagustuhan mo ba?" umupo naman siya.

"Oo naman. Pero bakit mo pa ako binilhan?" Nagtataka naman kasi ako e. Like hello? Akalain mo yun? He just bought me a big bear! That's new.

"Thank her." tinuro niya si bes, and she smiled, "Kung hindi lang malaki ang bear, baka di mo na ako pinansin e."

"Sows, so gusto mong pansinin kita. Ikaw ha, iba na yan." Inasar ko na naman siya.

"Malay. Baka nga." and he smirked.

Nag-discuss naman ulit si Ma'am Yuna and so on..

Wait. He just said what?! O__________O

'Malay. Baka nga.'

21:

'Malay. Baka nga..'

'Malay. Baka nga..'

'Malay. Baka nga..'

'Malay. Baka nga..'

Aish. May sirang plaka sa ulo ko! Make it stop, please!

*Snap!*

"Cut out the snapping! Nagugulat ako!" sabi ko.

"E ikaw kasi, tulala na naman. Joke yun. Naniwala naman to." he said with an expression-less face.

Joke yun?! Psh! Binatukan ko nga.

"Hindi magandang biro yun. Hindi nakakatawa.."

"Sus. Ang seryoso mo." then he smirked again. Wala na ba siyang ibang expression besides sa pag-smirk?

"Whatever."

Nagpatuloy ang klase. Makikinig na lang ako kesa kulitin pa ako ng kumag na to. Hmp.

"Class..." may sudden announcement na naman si Ma'am Yuna.

"Since malapit na mag-December, I would like to remind you na sa Christmas Party, magkakaroon din ng Winter night which means may dance. Pumili na rin kayo ng makakadate niyo. I'm sure yun na ang chance niyo para makapagbond sa isa't-isa." nakita ko namang tumingin bigla si Ma'am Yuna sa direction namin.

What the?! Pati classmates namin pinagtitinginan kami ng parang kayo-na-ang-magkadate na look. Aish.

Iniwasan ko na lang yung mga tingin nila.

Nagbubulungan naman sila. They're so excited about that Winter Night. E summer pa lang kaya! Eto kasi naririnig ko e.. Sorry! I'm eavesdropping! ^_____^ (a/n: Eavesdropping?! Lalim nun, teh!)

"Sino kaya makakadate ko?"

"Ako din e. Excited na nga ako e."

"Shut up guys, matagal pa naman yan e."

HAHA. Ang rude ng pagkasabi nung isang classmate namin pero she has a point naman e.. I agree, e ang tagal pa kaya nun. Haay.

*RING!!!*

DISMISSAL

Bilangin ko na lang kaya yung buhok ko para may magawa akong something productive no? NOT. Just kidding. Deym. Bored na nga talaga ako.

I'm alone, anyway. Ako palagi ang huling taong makikita mo dito sa classroom. Si bes? Ayun, hinatid ni MJ pauwi. They're improving, I say! ^_____^v Si Jeremy, ayun, pinatawag ata dahil sa ginawa niyang kalokohan kaninang umaga.

Anyway, kinuha ko na yung malaking bear sa likod ng upuan ko at lumabas ng classroom pero..

'Ang laki laki kasi neto e.' sabi ko sarili ko. Kaya kailangan ko ng full force para pagkasyahin sa may pintuan ng classroom. Woo, grabeng bear ka. Magkano ka ba? Haay.

"Yes! Nakalabas ka rin!" Uh, Tia? Kausap mo na naman yang sarili mo.

"Nakalabas na nga. Grabe ah. Ang cute ng bear mong pagkalaki-laki." Guess who?

It's Mr. Cute. Si Enzo.

"Uh yeah." nakita ko siyang kakalabas rin ng classroom nila.

"Sinong nagbigay?" he said habang pinoke niya yung bear. Ang fluffy kasi e.

"Si Jeremy."

"Ah? Si Jeremy?" sinabi niyang parang nagtataka.

Tumango ako.

Ngumiti na naman siya. Grabe ha. Hindi niya ba alam na napapangiti ako tuwing ngumingiti rin siya? Tigilan mo nga yan, Enzo. >____<

Sabay kaming lumabas ng building na yun at dun kami ulit umupo sa may bleachers.

Haay. The usual. Ang tahimik niya na naman..

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"Magfa-5:30." sabi niya. Tumingin ako sa relo ko. Oo nga! 5:30 na. I can't go home late. Ayaw kong masermon ni Mamu.

"Uuwi na ako. Mapagalitan pa ako sa bahay e."

"Ganun ba? Gusto mong ihatid na kita?" Gahd. Eto na naman po siya, Lord. Tatanggapin ko po ba?

Tumingin-tingin pa ako sa paligid ko at baka makakita na naman ako ng Jeremy na nag-aapoy sa galit. Magselos pa yun e. HAHA. Kidding.

"Sige."

Sumakay naman ako sa car nila. Actually, may nagdrive samin at tinuro ko naman yung daan papunta sa bahay namin.

I went down of their car, SUV pa ha. Sosyal! Hawak-hawak ko yung pagkalaki- laking bear na to. Kung hindi lang to cute e, joke.

"Thanks Enzo."

"Anytime." Then he flashed his killer smile again.

"Uh, Tia?" I was about to open the gate. OMG. May pahabol siya? Lumingon ka nga, Tia!

I looked back.

"Uhm.." Nagkamot pa siya ng ulo niya. Parang bata, ang cute talaga!

"Ano yun?" then I chuckled.

"Pwede ba kitang maging date sa Winter Night?"

Aww. Date. Winter Night? Pati ba naman siya? Atat na para sa event na yun. Ano ba, Tia? I-aaccept mo ba? (a/n: Oo nga, he's hot you know!)

Aish. I need to think.

"Hmm, pag-isipan ko muna ha?"

"Sige. Take your time." He smiled again. OMG. Magkabaliktad talaga sila ng ugali nung kumag na yun. At least si Enzo, nakakasundo ko.

I went inside our house, nakangiti. I know, I look like a pabo. So what?

"Anak!"

I hugged Mamu as she approached me from the door. Ok. Nag-Eenglish na naman ako.

"Mamu."

"Ayie, sinong nagbigay niyan?"

"Uhm.. Mamu, si Jeremy po."

"Si Jeremy ba? Ang sweet talaga ng boyfriend mo!" I smiled sarcastically. Sweet? Yun?! K.

"By the way, he called here." pahabol ni Mamu.

Paakyat na sana ako dun sa kwarto ko nung sinabi ni Mamu yun.

Teka..

He just called?!

Psh. Hinahanap na naman siguro ako nun. He missed me that much? Oh C'mon, Tia! Joke.

"Bakit daw, Ma?"

"Nasaan ka na daw at hindi niya ma-contact ang cellphone mo. Cannot be reached." sabi ko nga.

"Lowbatt po kasi cellphone ko." I grinned.

"Hindi ka ba niya hinatid?"

Gulp.

"Hindi po."

"Ikaw talaga, sabi ko magpahatid ka na palagi dun sa boyfriend mo e. O siya, tawagin mo yun at baka

magtampo sayo." Eep. Yun? Magtampo? Hindi rin. Sows.

"Ok Ma." Dumeretso na ako sa kwarto and I lied on the bed.

Chinarge ko muna yung cellphone ko dun sa may sidetable. Dun na lang ako tatawag sa wireless telephone..

I'm dialling his number...

Calling... Kumag

Anong sasabihin ko sa kanya?

22:

Eto na nga. I'm calling him na..

*RING!!!* *RING!!!*

Please wag mong sagutin.. Please. Please..

"Ba't ka napatawag?" I sighed. And I can imagine him smirking again.

Gulp.

"Tumawag ako kasi tumawag ka daw kanina."

"Oo nga. May sasabihin ka pa?" he said coldly. Galit na naman siya.

"Malamang. Kaya nga ako tumawag sayo e!"

"Ano ba?! Amplifier ka talaga kahit kailan! Hinaan mo nga yang boses mo, pwede?!"

Hehee. Nadala lang.

"Sorry. Hinahanap mo daw ako kanina? Yieee." sige, asarin mo lang siya, Tia..

"Malamang! Hinahanap ka rin kaya sakin ng mga magulang mo."

"I know." Gusto ko lang marinig galing sa kanya eeee. HAHA.

"Alam mo pala e. Nga pala, sinong naghatid sayo?"

Woo. Eto na nga ang magandang katanungan.

"Uh, nag-taxi ako!" I lied.

"Sus. Hindi nga."

"O-oo nga!" Lord, forgive me!

"Tinanong ko yung guard e. May kasama ka daw at yun yung naghatid sayo. Si Enzo ba yun?" he said calmly.

Eep. I've been pawned. Whatever. I'll tell the truth.

"Oo. Siya nga naghatid sakin."

"Ba't siya? Di mo man lang ako hinintay. Mapagkamalan ka pang tinotwo-time mo kami." I felt he smirked again.

Ano ba yan?! Ako nangtwotwo-time?! Ni hindi ko naman talaga siya real na boyfriend e!

"Pwede ba?! I'm not two-timing. Hindi ako ganun. At kaibigan ko lang si Enzo, kaya stop saying na nangtotwotime ako!" I shouted. Nakakainis.

"Ayan ka na naman sa boses mo! Tss. Defensive ka uh. Sige, bye." He hunged up.

I poked myself. Ang dami mo na naman sinabi, Tia. Pero obviously, alam mo namang napakatipid sumagot ng kumag na yun. Hmp. Badtrip siya!

MONDAY

*RING!!!*

I pressed the alarm clock to stop. Aish. Ang ingay kasi e. Pero effective siya, nagigising naman ako.

And so I did my morning rituals. Nakaready na ako. I even had pancakes for breakfast, my favorite. Pansin niyo bang ang ganda ng mood ko? I really don't know kung bakit nga e.

Anyway, umupo muna ako sa sofa for a little rest.

*Ding dong!*

Aish! Sino na naman yang distorbong sumisira sa magandang mood ko? Padabog kong binuksan yung pinto. Wala kasi sina Mamu't Papu. May pinuntahan. Ayun.

*door opens*

"Ikaw lang pala.. Teka, Ikaw nga!!" I groaned. Ba't siya nandito?

"Umagang-umaga, sinisigawan mo na naman ako." then nag-roll eyes siya. Binatukan ko nga! So siya na naman ang walang ibang nagpapasama sa araw ko. Haaaay.

"Ba't ka nandito?"

"Sinisigurado ko lang." What? Hindi ko siya gets.

"Ano?"

"Baka mamaya, sunduin ka ng lalaki mo e." he smirked again.

Hinampas ko yung likod niya.

"Hindi ko nga sabi lalaki yun e! Psh. At inunahan mo naman? Ikaw talaga, boyfie!" Ni-link ko yung arms ko sa kanya na pang-asar, "Let's go." Hinila ko naman siya palabas ng bahay.

Pero yuck. Hindi ko pa rin feel yun no. As if naman. Hmp.

Nag-taxi na kaming papuntang school.

Pagkapasok namin, naka-link pa rin yung arms ko. Hindi ko na nga matanggal e. Ang higpit ng pagkaclose niya.

This is PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION! Heard me. Oo nga! Ganito pa rin ang itsura namin kahit nakapasok na kami ng school. Tinitignan na nga kami ng napakaraming estudyante. Eeep. Buti walang teachers!

Binatukan ko nga siya. Napatigil naman kami sa paglalakad.

"Aray! Ano na naman ba?" He touched his head.

"PDA na tayo oh. Hindi ka man lang nahihiya? Ayokong ma-guidance kasama ka!" I shouted. Siya kasi e!

You're wondering ba kung nasaan si Zenille, my bessy? Oh well, sinusundo na siya ni MJ. Ahum, umaasenso na nga ang dalawa e. So glad for them!

"Sows. Mas malala naman pag ginawa ko pa to."

Then..

he just...

Hugged me.

I. Felt. Warmth. Eeeeeeep. No way!

"Awwwww.." Yan ang sinabi ng mga tao. Nakakahiya na talaga siya! He cannot control himself!

Aish.

*Pak!*

"Ba't mo ba ako binabatukan?"

"Subukan mo pang gawin yun ulit at babatukan talaga kita ng babatukan!"

"Sus. Diyan ka na nga." he left me, "Nga pala, namumula ka." He turned back again and left. Gahd. Anong problema nun? Sheeeeesh.

"Bes! I saw that! And my eyes can't really believe it." Nasa likod ko lang pala ang bruha and katabi niya si MJ.

"Grabe talaga kayo. Nagawa niyo yun? At namumula ka pa ha!" MJ chuckled after he said that.

Mordeeee. Namumula ako? Hindi pwede. (Daaaaarn.)

"Mga bulag lang kayo, I'm not blushing."

"Hindi raw. You're like a tomato!" bes added.

"Hindi kaya. Una na ako ha! Ingat kayo!" I said. 'Ingat kayo'. Sinabi ko pa yun, e magkikita rin naman kami sa classroom.

Anyhoo, pumasok naman ako ng classroom. I didn't look at him. Not even a little bit. Luckily, he did the same. So umupo na lang ako sa upuan ko at tumahimik na lang.

*RING!*

Sabi ng bell.. Klase na naman.

"Class, please settle down. Ngayon na darating yung new classmate niyo." Ma'am Yuna said all of a sudden. So tumahimik naman kami.

OK. Papasok na yung bagong classmate namin. E di ba girl yun? Hmmm. I'm wondering who she is..

*door opens*

"Hello classmates." she entered the classroom.

"Please go on and introduce yourself, Ms. Lazaro."

Tumango naman si Ms. Lazaro, OK. I'm calling her Ms. Lazaro.

"My name is Iris Katherine Lazaro. Please call me Iris. I'm the only daughter of my parents, Andy Lazaro and Queenie Lazaro, the founders of this school. I'm sixteen. And I hope I will be able to make a lot of friends with you.." Nag-stop siya for a second and she looked at Jeremy.. Wait, at Jeremy?! "Hope we'll be friends." she smiled. Wow, Englishera siya ha!

OK. Now lemme describe her.. She's pretty. Maputi. Looks nice? Well, let me know her well first. Matangkad rin siya and slim. Yun lang.

Pero I've got this bad vibes about her. There's something fishy about this girl. Hmm... Oh well, first impression never lasts naman di ba?

She said that galing America daw siya, kaya dito raw niya ipagpapatuloy studies niya.

Inintroduce naman namin ang mga sarili namin sa kanya. Sosyal ng dating ha? She really has a special welcome.

After that, she just looked at Jeremy the kumag and said..

"Hi Jeremy." Jeremy just looked at her with an expression which I can't explain. Anong ibig sabihin nun?

Wait, kanina pa siya tumitingin sa kanya and nag-hi pa siya. What the? Magkakilala kaya sila? And why am I so curious about them? Whatever.

Umupo naman siya sa isang vacant seat on the second row.

LUNCH

"Bes, let's go. Kain na tayo."

"Tara." she smiled. We went out of the classroom at pumunta ng canteen.

We ordered food. As usual, veggie pizza naman ang in-order ng bruha. Pizza? Mabubusog ba siya dun? Oh well, ako naman.. BBQ chicken! Namiss ko to e. Hehe.

Umupo naman kami sa isang table na nahanap namin.

"Hi Zen, hi Tia.. tabi ako sa inyo ah." Ciara said.

We nodded and smiled.

"Bes bes, look oh.." Kinalabit naman ako ng bruha and tinuro niya yung table sa right namin..

Jeremy and Iris are eating together. Psh. Sabay sila? At magkasama pa sila! May something kaya yung dalawang yun? I think so. At ang saya pa nilang tignan, nagtatawanan pa sila.

"Your boyfriend is with... that girl." Ciara said tapos kumagat siya sa sandwich niya.

"Yeah. Oo nga.." sabi ko habang tinutusok tusok ko yung BBQ stick sa table.

"Woah? Galit? Nilamon mo pa ng buo yang BBQ mo."

"Oo nga bes, slow down. Ma-choke ka pa e."

"I'm fine." Tapos uminom ako ng tubig after I swallowed it whole. Hmp.

Fine nga ba?! Aish. Kailan pa ako naging ganito?!

"Don't get me wrong, nagseselos ka ba?" tanong ni bes. Muntik ko nang ibuga yung water na iniinom ko.

"No, I'm not jealous." HAHA. Deny lang, Tia. Mukha kang nagseselos e.

"OMG. She fell for his trick. May gusto ka na ba kay Jeremy? Why do you sound-- jealous?" Ciara added.

"Sinabi ngang hindi ako nagseselos e," I looked back at their table then iniwas ko agad yung tingin ko,

"What?! Bakit niyo ako tinigtignan ng ganyan?"

They looked at me na parang natatawa na.

"Oh yes, you like him nga." Zen said. Ang kulit ha!

"Hindi nga sabi e."

"Tia, you're too obvious."

"Ok. I'm jealous. Happy? So what." I said coldly. Role naman kasi yun ng girlfriend di ba? Magselos sa boyfiriend? "What's with them two, anyway? Close ba sila?"

"I dunno." Sabay pa nilang sinabi.

Nagbuntong-hininga ako.

Kaano-ano ba ni Jeremy Kaiser Santos yun?

Aish. Bon, je suis jalouse. Bakit ba?

(Alright, I'm jealous.)

DISMISSAL

Hanggang ngayon, I can't stop thinking about what I'd seen earlier. Nandito lang ako sa bleachers but I can still them from afar.. Nagtatawanan sila. They look so... happy. Hindi kasi kami naging ganyan ni Jeremy the kumag. EVER.

Jeremy Santos, you're so dead...

Sabi ni girlfriend. -____-

Fine fine fine. Nagseselos na ako. Masama ba yun? Siguro nga meron na pero bakit? Bakit ko siya magugustuhan?

Sa isa pang katulad niya.

'Pabo, I think I like you na.' I said from afar.

No way, Tia. No waaaaaaay. Hindi pwedeng siya.

Lumapit naman siya sakin. Ako naman nakataas lang ng kilay sa kanya. His expression became blank again.

"Tia.."

"Uwi na tayo?"

"Uhm, sige tara." Himala. Hindi kami nagtalo. For the first time, nag-usap kami ng matino pero saglit lang..

Nagtaxi naman kami pauwi sa bahay. Ang tahimik na naman ng ambiance sa taxi. Hindi na kami nagsalita before and after sumakay sa taxi. I feel awkward na pag kasama ko siya. Haay.

What's happening to me?

But before akong pumasok sa bahay..

"Jeremy.."

"Oh?" tanong naman niya.

"Uhm... Do you and Iris.....

know each other? Anong relasyon niyo?" Gahd. I spilled it out. I'm so curious na talaga eeee. Gustong-gusto ko na talaga tanungin yan sa kanya kanina pa.

Ano kaya ang isasagot niya?

Natatakot ako sa magiging sagot mo, Jeremy. Please say 'No'..

23:

"Ano? Sagutin mo nga ako.. Are you related to each other? As in close kayo?" sunud-sunod kong tanong sa kanya.

Ano ba namang mga tanong yan, Tia?! Gahd. I can't control it. I wanted to know the anwer talaga ee.

"Uh Tia--" he said with a blank expression.

*RING!!* *RING!!*

"Sagutin ko lang to." then he answered his phone call.

Ano ba naman yan?! Pati cellphone?! Nakiki-eksena rin! Hmp.

"Ganun ba Ma?.... Sige.. Uwi na ako.. Bye." tinago niya ulit yung cellphone niya sa bag niya, "Tia, bukas na lang tayo mag-usap. Kailangan kong umuwi."

"Pero?"

"Wag ngayon. Pumasok ka na." then pumasok na siya sa taxi at umalis na.

Wow. Just great. Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko. Aish.

SATURDAY

"Bes!" Niyuyugyog naman ako ng bruha.

Nandito kami sa kwarto ko ngayon. Well, it's time for girl talk. Mamaya na lang siguro kami susugod sa mall pag hindi ko na kaya. Haay.

"Yes?" I asked.

"Oh no.. Ikaw pa ba yan? Wala akong kilalang Tianna Tuazon na natutulala na lang bigla." then she chuckled a bit.

"OA mo. E kasi naman bes..."

Ok. I've been rendered speechless. Hindi ako naman talaga ako ganito e.

"I know how you feel." she comforted me naman.

"Anong gagawin ko? I'm afraid, bes. He might say 'Yes. May relasyon kami.' o kaya 'Liligawan ko siya.' Can't you see? How he gets along with that girl. Ganun sila oh." crinoss ko yung fingers ko showing na ganun nga sila ka-close.

"Ganito lang yan, bes. Ask him if they're related. Accept mo na lang kung anong sasabihin niya. Positive or negative, hindi naman natin siya masisisi kung yun nga ang naffeel niya sa Iris na yun e."

"I don't know. I don't know what to do with this life."

Sa dami-daming taong pwedeng magustuhan, siya pa. Pwede bang si Enzo na lang?

"O kaya, try not to talk to him. In other words, iwasan mo siya."

Napaisip ako bigla sa sinabi ni bes. Oo nga naman. Bakit hindi ko pwedeng pigilan ang feelings ko, right? Hindi pa naman siya nadedevelop sa love e.. Kaya ngayon pa lang, I'll try to erase my feelings for him. And get to know Enzo better.

Kung ako papipiliin..

Ewan. Sana si Enzo na lang.

*Snap!*

"Ayan ka na naman sa pagiging tulala mo. Tara, mag-mall na lang tayo para ma-refresh ang mind mo. Saturday na rin naman ngayon e."

She's right. I need to clear off the things in my mind. Ayoko muna siyang isipin kahit si Enzo. Not now.

Nag-abang naman kami ng taxi sa Taxi Terminal. I miss this terminal. Parang kailan lang, no?

Anyway, sinugod na nga namin ang mall. The usual, shopping mode.

Pagkalabas namin ng Surplus, nakita namin sina Tris, MJ at Chase. What a coincidence. Pero kulang sila, nasaan kaya yung isa?

"Couz!" tinawag naman kami ni Chase.

"Hey couz. MJ~" she smiled to MJ. Lokang to, si MJ lang pinansin. At nagtabi naman sila. Haay nako, sila na ang sweet. Oh well.

"Tris, ba't kayo nandito? Mukhang gumagala din kayo ha." sabi ko.

Duh naman Tia. Kaya nga sila na sa mall, di ba? Aish. Whatever.

"Uhm, ganun na nga!" he smiled.

"Nasaan yung isa? Kulang ata kayo. Hindi ako sanay." Oo nga naman. Bes has a point. Nasaan yung kumag? Hindi kasi sila kumpleto ngayon eee.

"Si Jek? Ayun..

Nagiikot sila ni Iris." then suddenly, my smile turned to a straight face.

'Magkasama na naman sila...' I said to myself.

"Ah. Ganun ba? Sige, mauuna na kami!" bes suddenly said. Alam niyang narinig ko kaya she's just helping me. What are friends for, right?

"Bes, ok lang. Dito muna tayo." Pinigilan ko siya. Kaya ko pa to no. Ako pa. And so I forced a fake smile. Ouch?

Tumango na lang siya kahit alam niyang hindi na ako komportable.

"Tia, may tanong ako." MJ said.

I looked at him.

"Kayo pa rin ba ni Jek? Paano yung sa pagpapanggap niyo? Hindi na kasi namin kayo masyadong nakikitang magkasama e." MJ asked.

Haay. Kahit ako nagtataka pa rin. Sabagay, hindi na kami ganun kadalas magkita. May bisa pa kaya yung pagpapanggap namin? E kitang-kita na halos araw-araw niya nang kasama yung Iris na yun e.

When I hear the names of Iris and Jeremy, alam na. May parang tumutusok sa dibdib ko. Aish. I can't help it.

"Kami? Malay. Ewan." yun na lang nasabi ko. Hindi ko naman talaga alam kung anong meron samin ngayon e. Friends? Asa.

"Pwede ring magtanong? Anong relasyon ni Jeremy at Iris?" bes asked. Yun rin ang tanong na hinihingi ko ng sagot.

"Actually-" naputol na naman sasabihin ni Chase.

"Hi guys!" It's her.

Iris. With Jeremy.

He looked at me. Like this - =_______=

Hindi ko sila kayang makitang magkasama. Kailangan kong umalis. Kasi hindi ko na matiis yung scenario na yun. Just like in the movies, right? Besides, ngayon ko na kaya simulan ang pag-iwas ko sa kanya.

"I gotta go! Mamu's calling!" umalis na lang ako bigla without looking at them.

Pero Mamu's not calling naman talaga e. I just made that excuse para umalis ako. How dumb of you, Tia. Lame!

Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Lamunin mo na lang ako, lupa. Haaaaay.

Jeremy's POV (a/n: The long-awaited POV! Siya na ulit!)

Nagbalik na siya.

Oo, siya nga.

Si Iris Katherine Lazaro.. siya lang naman yung kauna-unahang babaeng nagustuhan ko. Kinailangan niyang umalis ng Pinas para makapag-aral sa US, dahil yun ang gusto ng mga magulang niya.

Naalala ko pa nga nung mga Sophomores pa kami..

Flashback

"Jek! Jek! Jek!" pi-noke niya ako.

"May gana ka pang mang-poke sakin tapos iiwan mo lang ako!" Nag-cross arms ako. Pang-asar lang.

"Ikaw talaga. I'll be back after two years naman e, ok?" ngumiti siya.

"Di nga?" Ngumisi naman ako.

"Oo, I promise. Pero sana sa pagbalik ko, ganito pa rin tayo ha?" nag-pinky promise kami.

"Pangako. Ganun pa din." sabi ko.

Pagkatapos nun, niyakap ko siya. Nung mga oras na yun, hindi ko masabi sa kanya na gustong-gusto ko siya. Kasi syempre! Baka siya, kaibigan lang turing sakin. Bahala na lang. Tae. Basta naduduwag talaga ako sa harap niya.

Pero babalik naman siya e.

Maghihintay na lang ako..

End of Flashback

Napaisip ako. Dumating na nga siya.. Masaya ako, inaamin ko. Pero dumating naman si Tia.

Flashback

"Ano? Sagutin mo nga ako.. Are you related to each other? As in close kayo?" tinanong niya sakin yun.

Ampf. Bakit ba gustong-gusto niyang malaman?

Sasabihin ko na sana yung sagot ko nang--

*RING!!* *RING!!*

Sabi ni Ma, kailangan kong umuwi. Wala na namang magbabantay kay Jam. Day-off ng mga maids e. Potek. Pinagmamadali na nga ako e. Kaya nagpaalam na agad ako kay Tia.

Pero hindi ko pa sinasabi sa kanya..

'Mutual Understanding.' ganun ang turingan namin.

Sumakay na ako ng taxi pauwi sa bahay.

End of Flashback

Kaya eto, sobrang saya ko nang natupad yung promise ni Iris sakin. Akala ko hindi na siya babalik e.

"Jek.." tinawag ako bigla ni Iris.

"Oh?"

"Let's--"

"Huh?"

"Uhm.." Namumula pa siya nung sinasabi niya yun.

"Date tayo. Sa mall." ako na nagsabi. Gusto ko rin siyang ma-solo e. HAHA. Namiss ko talaga siya. Biruin mo, pagkatapos ng dalawang taon.. Totoo ngang bumalik siya.

Tinawagan ko yung tropa ko kung gusto rin nila gumala sa mall. Malamang, mga bored din mga yun e. Kaya pinasunod ko na lang sila.

Ni-link niya yung arms niya sakin at ayun, umalis na kami papuntang mall.

Tia's POV

Sa kakalakad ko, hindi ko na namamalayan na katapak ako sa isang sandbox. I stopped and looked kung saan ako nagpunta.

I'm here at the park. Sa may playground. As usual, dun ako sa may swing.

Sana wala nang istorbo. Gustong-gusto ko talagang makapag-isip e. Magulong-magulo ang utak ko ngayon and I'm not in the mood to talk. I want to be alone.

'Ya Jeremy, why you?! Why? Tell me.'

Aish. Eto na nga ako. I can't stop it, really. But tears started to fall and roll down my face. Walangyang luha ka oh! Bakit ngayon ka pa lumabas?!

"Uy, panyo oh." I heard his voice.

24:

I lifted my head and look towards to that guy.

I chuckled, "Mr. Cute.."

"Ha? Sinong Mr. Cute?" OMG. Narinig niya yung sinabi ko.

"Wala." Pa-simple kong pinunas yung lecheng luha na yan gamit yung panyo niya.

"Ba't ka pala mag-isa dito? Umiiyak ka pa."

"Thanks sa panyo ha. Wala. Na-puwing ako." What an excuse ha! Binalik ko naman sa kanya yung panyo niya pero di niya tinanggap.

"Hindi. Sayo na muna yan. Baka kailanganin mo ulit e." napangiti naman ako.

You're my lifesaver, Enzo..

"Sabihin mo yung totoo. Halatang may pinagdadaanan ka e. Ano ba yun?" tanong niya.

OK. Fine. Halata naman kasing may problema naman talaga ako e. E kung sabihin ko kayang yung kumag na yun ang problema ko. Psh.

"Kasi yung kumag na yun e! Ang sarap ilublob yung pagmumukha niya sa isang malaking kalderong may kumukulong tubig!" I cursed him. So what?

Natawa naman siya, "Sinong kumag ba? Si Jeremy?"

Tumango naman ako.

"Ano bang ginawa ng kumag na yun? HAHA. Gusto mong turuan ko ng leksyon?" sabi niyang natatawa pa. OMG. He's my lifesaver talaga.

"Wag, Enzo.." I sighed, "That pabo, I fell for his trick. His flaws and his everything." Ayun, nasabi ko na sa kanya.

"Aww.." Nilapitan niya ako kinuha yung panyong hawak ko tapos..

"May luha ka pa e." sabi niyang habang pinupunasan yung cheeks ko..

'Bakit nga ba hindi na lang ikaw Enzo?' nasabi ko na lang sa sarili ko.

"Hayaan mo. Hindi ko na hahayaang paiyakin ka pa ulit ng kumag na yun." natawa naman kaming dalawa sa sinabi niya.

"Thank you... Enzo."

"Wala yun. Eto number ko, tawagan mo lang ako pag kailangan mong nang timba ha?"

Binatukan ko naman siya.

"HAHA. Timba ba? Meron na kaming ganun sa bahay e." in-accept ko naman yung calling card niya.

Ngumiti naman ako sa kanya. Nagpaalam na rin siya at umalis.

I looked at him farther and farther as he walks away...

'Enzo.. He's my knight-in-shining-armor.' I faked a smile, to myself.

MONDAY

Naglalakad naman akong mag-isang papuntang school. Si Zen, sinusundo na kasi ni MJ kaya hindi na siya sumasabay sakin. Anyway. Hindi na rin ako sinusundo ni 'boyfie'. Speaking of, kamusta na kaya yung kumag na yun? Infairness ha...

I miss him.. kung alam niya lang sana.

Pero ano bang magagawa ko? Para sa ikabubuti ng relasyon namin. OK. Relasyon? Iiwasan ko na lang siya para hindi na lang ako masaktan. Eeeep. Drama.

Naglakad ako deretso sa classroom ng nakayuko. Ayoko makita yung pagmumukha niya. Hahaay.

"Bes! Nandyan ka na pala! Akala ko hindi ka na papasok e." sinalubong naman ako ni bes sabay yumakap siya sakin, "Are you okay?"

"I'm good." Ngumiti naman ako. A fake one. Geez.

"Meron ka na bang date sa Winter Night?" she asked.

Hmm. Speaking of Winter Night, malapit na rin naman yun. Tinanong na nga ako ni Enzo, right? Ok. I'll accept him as my date. Gwapo naman siya e. Hehe.

"Wala pa, bes. But there will be."

"Oh, I see. Sino kaya yan?"

*Ahem*

Eeeeep. Nakaharang kasi kami ng bruha sa may pintuan. Na-shock na lang ako nang nalaman kong siya pala yung nasa likuran ko.

Kumag. Psh.

"Sorry naman ha! Eto na oh." hinila naman ako ni bes paalis dun sa may daanan. Ang kulit namin no? Nakaharang pa kami sa may pintuan.

Anyway, dinaanan niya lang ako.

Gahd. DINAANAN NIYA NGA LANG AKO!

I guess, he's starting to avoid me, too. Ayaw niya na rin siguro mag-cross ang landas namin.

Umupo naman siya may seat niya. Ayoko munang umupo dun. E kasi katabi ko siya di ba? At alam niyo na...

"Tia." OMG. He called me.

"A-ano?" sabi kong kinakaba-kaba pa ako. Ano ba naman yan, Tia? Nakakahiya ka. Sa harap pa ng kumag na yan ka pa nahiya.

Sabi ko nga, hindi ko siya kakausapin. Kaya tinalikuran ko siya ulit.

"So hindi ka na pala amplifier ngayon. Ang hina na ng boses mo." I feel him smirking again.

E pakialam mo ba kung mahina boses ko?! It's your fault, anyway. Hmp.

"..."

"Uy, kailangan nating mag-usap."

"Ayaw." Ok. Nagsalita na ako. Ano ba yan?!

"Kailangan, please?"

"..."

"Halika nga dito." hinila naman niya ako papunta sa seats namin. I feel myself red all over. OMG. Hinila na naman niya ako. Ano ba gusto niyang iparating, Lord? Help meeee.

"Ano bang pag-uusapan natin?" sinabi ko yun without making eye contact with him.

"Tia, importante to."

"Sabihin mo na. Sayang ang oras." I said while rolling my eyes. Sheesh.

"Yung sa pagpapanggap natin, wala na yun. Palabasin na lang natin na...

BREAK na tayo." he said calmly, walang pag-aalinlangan.

"Uh, break lang naman pala- teka. Break?!!" nagulat naman ako dun, sinong hindi?

He's he's insane. I can't believe it. OK. Hindi naman kasi kami talaga e. Ang OA ko na. Pero parang totoong nagbreak nga kami. Masakit... talaga. Ang lakas ng impact sakin e. Ano ba yan?

"S-sigurado ka ba diyan?" I asked.

Bawiin mo yun, please.

"Oo." Tumango naman siya.

OK. So we're really back to normal. Kakalimutan ko na talaga ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya before it's too late, ayaw kong mauwi sa pagiging HB as in heartbroken no? Unlike my relationship with Alvin, walang-wala na sakin yun kasi niloko niya naman talaga ako..

But this time, it's not real. Fake. We're just pretending..

But I'm falling for him too hard.

"D-dahil diyan, mag-celebrate tayo ha?" pabiro ko pang sinabi kahit sa kaloob-looban ko, gusto ko nang sumabog.

"Baliw ka talaga. Mag-cecelebrate pa tayo sa lagay na yan?" He smirked.

I promise, this will be the last time na kakausapin kita, Jeremy Santos. I swear.. Baka hindi ko na kayanin e.

DISMISSAL

Anyway, maaga naman kaming na-dismiss ngayon so hindi muna ako uuwi. Besides, may bball practice na naman ang varsity which means you know na.

Si bes Zen, nandun sa may bleachers malapit dun sa may field. She's watching MJ practicing for their away game. One week na lang at may game na kasi sila. Ako naman, dun ako umupo sa may pagkalayo-layong bleachers pero natatanaw ko pa rin sila habang naglalaro.. Pero alam niyo naman kung sino talaga ang gusto kong makita dun.

Oo nga, hanggang dun na lang yun. Hanggang tingin na lang ako. Hindi ko na siya makakausap like before na 'kami' pa. Iba na ngayon after the so-called 'break up'.

Iris is also there, watching him playing. Parang sila na nga e. Siya kaya ang rason kung bakit kami nag-'break'? I'm curious, really. But ayoko nang isipin, ayoko na siyang isipin kaya hindi ko na tinanong yung rason kung bakit kami nag-'break'.

I smirked at myself. Baliw ka talaga, Tia.

Baliw ka sa kumag na yun.

Drama.

Ang galing niya pa rin magbasketball.. Nakaka-- Haay. Hindi na rin ako magtataka kung bakit ko pa nagustuhan yung kumag na yan e.

Oh well..

"Tia, nandito ka pala!" may nakakita pa pala sakin dito.

"Mr. Cute! Ikaw na naman." sabi ko. OMG. I just called him, Mr. Cute. Alam na niya.

"So ako nga yung Mr. Cute." ngumiti naman siya habang pinupunasan niya yung sarili niya gamit yung bimpo niya. Gahd. He's hot. Kasama pala siya sa varsity ng school.

"Oo na, ikaw nga."

He giggled, "Ba't dito ka pa sa pagkalayo-layong bleachers umupo? Emo?"

Binatukan ko nga.

"Hindi ako emo no? Gusto ko lang talaga umupo dito. So varsity ka pala?"

"Yup." he smiled again.

Aish. Tigilan mo nga ako sa pangiti-ngiti mo ha, Enzo? Dapat ikaw na lang kasi eeee.

"Good luck nga pala sa game niyo ha. Malapit na yun e."

"Thanks." ngumiti na naman siya, "Uh Tia.. may date ka na ba sa Winter Night?"

Hmmm. Wala naman akong date. So tanggapin ko na lang siya since hindi naman ako tinanong ni Jer- este.. wala.

"Oo." I smiled.

"Ah ganun ba? Sige, mauna na ako." Paalis na siya pero tumayo ako hinawakan ko siya sa balikat.

"Sira. I mean, oo, meron na. Ikaw na yung magiging date ko."

"Salamat, Tia." he smiled tapos ginulo niya ang buhok ko.

Ano ba yan? Ang ayos ng pagkaayos ko sa buhok ko tapos gaganito niya na lang.

"Tigilan mo nga yung buhok ko." inasar ko ng unti. HAHA.

"Sorry naman. Basta Tia...

Hindi ka magsisisi na naging date mo ako. You'll see.." he flashed his last smile at dumeretso na sa may field.

I was left dumbfounded.

Ano kaya ibig niyang sabihin dun sa sinabi niya? Haay nako. Guys.

25:

Jeremy's POV

Ayun. 'Break' na kami. Wala rin namang mangyayari kung ipagpapatuloy pa namin yung kalokohan naming walang katotohanan e. Potek. Kung maka-Tagalog naman ako e, parang wala nang bukas. Tsaka ayun, alam na rin ni Iris yung pagpapanggap namin. Siya na rin mismo nagsabi na itigil na namin yun dahil niloloko lang namin yung mga sarili namin at yung ibang tao.

Para sa kanya, ginawa ko nga. Halatang nagulat si Tia sa pag-'break' namin. Bakit kaya ganun na lang siya mag-react?

Nandito na kami sa may field. Taena. May practice na naman e, mabubugbog na naman ang katawan ko kesa matulog na lang ako sa bahay magdamag. Ampf. Buti na lang nandyan si Iris para panuorin ako.

Water break muna kami ngayon.

"Oh, tubig mo oh." sabi ni Iris tapos binigyan niya ako ng tubig.

"Salamat." kinuha ko naman at uminom.

Ngumiti naman siya.

Napatingin naman ako dun sa may pagkalayo-layong bleachers. Sinong baliw ang manonood sa pagkalayolayo? Ang daming vacant bleachers dito tapos pipiliin pa yung sa kalayuan.

Teka, nakita ko na kung sino yun.

Si Tia.

Ba't nandun siya? Kasama niya pa si Enzo at magkausap sila. Tss. Close na sila? Ano namang pakialam ko? Bahala na nga sila.

"Ok! Tapos na ang 5 minutes water break! Back to practice!" sabi ni Coach Elmer.

Potek, practice na naman. Walangyang 5 minutes yan oh. Kulang pa e.

Tia's POV

Hindi ko na ulit sila pinanood mag-practice kasi enough na nakita ko siya kahit saglit lang. So umuwi na lang ako at nagdrama sa bahay. Joke.

Humiga naman ako sa kama.

Thinking about him again.

Nah. Erase. Erase!

*RING!!!*

Yung cellphone ko!

Kinuha ko naman agad ang cellphone ko sa may bag ko.

Guess who's calling...

Calling... Kumag

Dapat pala pati number niya in-erase ko na. Sigh.

Ano? Sasagutin ko ba? Ano ba namang gusto niyang sabihin? Bakit niya kaya ako tinatawagan? Did he miss me? Asa. Haay. Bahala na nga.

"H-hello?"

"Tia.." His voice.. nakaka-OMG. Pigilan mo nga sarili mo, Tia.

"Napatawag ka?"

"Gusto ko lang sabihin na pumunta ka sa game namin. Sa may ***** School, yun ang kalaban e."

He just invited me to watch their game!! Ano ba? Papayag ba ako? Pupunta ba ako?

"Oo. Pupunta ako." --Kasi nandun ka.

"Ah." Napakatipid niya pa rin sumagot pero hindi na kami nagtatalo like our usual conversation. Pero still, ang awkward para sakin.

"Uhm.. Yun lang ba sasabihin mo?" tanong ko naman.

Please wag mo na lang ibaba. Gusto ko lang marinig yung boses mo.. Kahit magdamag pa tayong mag-usap, masaya na ako.

"Uh, Tia.." Wait, may sasabihin pa siya.

*dugdug* *dugdug*

(a/n: ^ Courtesy of 548 Heartbeats :))

Walangyang heartbeat ka oh. Pinapakaba mo pa ako lalo.

"Ano yun?" tanong ko naman sa kanya.

'Did you miss me? Ha? Kahit onti lang? Kahit one percent?' Ang kapal ng mukha ng lola niyo. Hahahaay.

"Uh, wala. Sige, bye." then he hunged up.

Ang walangyang napakatipid na kumag binaba na lang ang telepono.. Ano ba sasabihin niya sakin? I want to know! Lord, bakit po ba ganito? Ang dami kong katanungan at gustong malaman pero palaging wala. Gahd.

FRIDAY ****** School, 7:00 pm

"Bes, let's go na!"

Hinatak naman ako ng bruha papasok dun sa school nung makakalaban namin. And so we sat on the bleachers wherein dun din nakaupo yung mga schoolmates namin. Wow ha. Hindi naman sila ganun kasupportive. Parang World Cup ang drama ng mga tao ngayon, kasi halos puno na lahat ang bleachers. Malaki ang field ng school na to, I say.

"Tia!" sinalubong naman ako ni Mr. Cute with his killer smile. Nakakaloka tong taong to!

"Uy Enzo!" Here he is.. Still hot pa rin in his jersey #18, "Hey good luck ha! Pataubin niyo yung kalaban natin!"

"Syempre, lalo na't nandito yung lucky charm ko-- este ng team namin. Gaganahan na kaming maglaro." he went off to their team at naghuddle para sa meeting whatsoever nila.

Wait, lucky charm?!

"Bes, heard him? Lucky charm daw oh." sabi naman bigla ni bes.

"Malay ko dun, bes."

"I see. You're getting closer to Enzo ha? So siya pala yung hottie na nakabangga mo sa canteen! Swerte mo talaga!" she became red. OMG. Siya pa talaga ang namula.

"Whatever you say. I-cheer mo na lang si MJ mo."

Namula pa lalo ang bruha.

"Then you also cheer for Jeremy your love, okay?" she said with a smile.

Ok. Binanggit niya na naman ang pangalan ng kumag na yun. No one still knows na nag-'break' kami except me and him. Sasabihin ko pa ba sa kanya? Wag ngayon. Baka masira pa ang mood ko.

"Whatever, bes."

We looked back at the field naman. The game starts na. Ayan na.

Good luck, kumag..

He's there showing off, wearing Jersey #21. Until now, curious pa rin ako sa 21 na yan e.

Anyway.. I can't stop thinking about him na naman. Snap out of it, Tia.

1st Quarter. Leading ang opponent team namin by 6 points. The current score is 13-19. Akala ko ba may lucky charm sila?! What the heck naman oh! Galingan naman nila.

The crowd is getting wild. Cheer pa nga ng cheer mga schoolmates namin e. Pero parang hindi ata umuubra yung pag-cheer nila sa team namin. What the heck is happening to our varsity?!

"Go MJ! Go MJ!!" Bes shouted since na kay MJ na yung ball. Haharangan pa sana siya nung isang opponent namin pero hindi dahil he made a 3-point shoot.

"HE'S MY MAN!!!" OMG. Sabi na lang bigla ni bes nung na-shoot ng boyfie niya. Oh, how sweet and supportive.

"Ikaw ha! May ganyan ka pang nalalaman!" I said to bes.

"Ganyan talaga no. Ikaw nga, cheer mo yung boyfie mo!"

Er. Boyfie?

"Never mind.."

Hindi ako nagccheer.. I'm just watching them. Ang ingay ingay kasi ng crowd.. Baka mas lalong umingay pag nag-cheer pa ako. HAHA.

2nd Quarter. Not bad. Humahabol na ang team namin pero leading pa rin ang kalaban by 4 points. Score 32-36.

Ano ba yan? Habol pa. Habol pa. Ba't hindi pa nila galingan lalo? Nakakawalang gana tuloy mag-cheer. As you can see, nakaupo pa rin ako dito watching them..

"Go Santos!"

"GO MVP!"

"I-shoot mo yan, Jek!"

Woah, mga fans naman ni Jeremy the kumag ang nag-cheer. Palibhasa, MVP nga talaga siya. Oh well..

Na-shoot niya nga. Ang galing niya talaga.

3rd Quarter. Guess what? Our team's leading dahil dun sa points na binigay nung kumag! So far, we're leading by 5 points.. 53-48.

"OMG Bes! Why aren't you cheering for our team?! At nakaupo ka lang diyan! Ano bang klaseng moral support yan oh!" Bes talaga. Pagdating sa mga ganitong interschool contests or whatsoever, supportive siya e.

"I'll watch na lang!" I don't want to cheer. Ang ingay ingay e! Baka gusto niyo pa lalong umingay? HAHA.

4th Quarter. OMG. What happened to our team? Nakabawi na naman ang kalaban namin kaya ayun.. They're leading by 2 points.. 62-64. Hala. Last quarter pa man din to!

"Bes, cheer ka nga! Nasa boyfie mo na yang bola oh.." kinalabit naman ako ng bruha. Hindi talaga to nagpapatalo e.

Eeeep. 1 minute left.

I-shoot mo nga yan, kumag!

"Hey, dali na!" kinulit na naman ako ng bruha.

"Fine!" bumaba naman ako sa bleachers at dun ako mag-ccheer! Ang sikip kaya dun sa upuan namin.

"Hey, saan ka pupunta?!"

"Dito ako magchicheer!" bes talaga, eto na nga e..

Ayun, 30 seconds left.

Nakakahiya talaga pag nagcheer ako e..

Tulad nga ng pagtawag sakin ng kumag, 'Amplifier ka kasi e.'

Baka mabingi lang kayo pag narinig niyo ako. O kaya lumindol pa. Gahd.

AISH. Here goes nothing..

"HOY KUMAG! I-SHOOT MO YANG BOLA KUNG GUSTO MO TAYONG MANALO SA LARONG TO!" Nakooo. Ako na ang pinakanakakahiyang tao sa balat ng lupa.

Eeeeeep. Lahat sila napatingin sakin at narinig ako. Ang kapal mo talaga, Tia.

PERO..

I saw him smiled at me. Hindi ako nagkakamali. I blinked my eyes three times.

OMG. He actually smiled at me when he heard what I said.

Yung ngiti niya, nakakatunaw. Ano baaaaaaaaaaa!

"YUN YUNG AMPLIFIER KO OH!" He shouted that habang nagddribble siya at mashoshoot niya na ang bola. Walangyang amplifier pa rin pala ako sa kanya.

At na-shoot niya yung bola within 5 seconds..

Dahil 3 points yun, we won the game! OMG! Nanalo kami! Lahat nang mga schoolmates naming nakaupo sa bleachers, tumayo na at nagsipagtalunan.

Bumaba naman si bes at niyakap ako. Nagtatatalon naman kaming dalawa. Wow, ang saya! Nanalo talaga kami!

"We won!" she shouted to me.

"I know!" I said.

Grabe. Big deal talaga samin to no? Of course!

Wait, I heard a crack on my foot.

Aray!

"Bes!!" I saw her looking at me, worried.

"Bes, sumakit na lang bigla yung ankle ko. I don't know why.." Dahil dun, napahiga ako sa sahig sa sobrang sakit. I'm not acting, as in. Totoo talaga.

"Tia, ok ka lang?" si Enzo yun. Lumapit naman agad siya sakin.

"Hindi ako makatayo." tinatry kong tumayo pero hindi ko kaya. Masakit talaga yung sa may ankle ko. Feeling ko matatanggal na yung buto ko.

"Teka, tulungan na kita. Dun tayo sa clinic ng school na to."

Aish. Masakit talaga, I swear. Cramps ata to or I don't know, worse? Ano ba yan? Ngayon pa sumakit tong paa ko!

Jeremy's POV

"HOY KUMAG! I-SHOOT MO YANG BOLA KUNG GUSTO MO TAYONG MANALO SA LARONG TO!"

Ewan ko ba. Nung narinig ko na lang yung pag-cheer niya, ginanahan na akong maglaro. Napangiti na lang ako nung isinigaw niya yun.. 'Amplifier ka talaga, kahit kailan.'' Ayun! Nanalo kami dahil sa huling pag-shoot ko ng bola. Kung hindi dahil kay Tia, hindi na siguro kami nanalo. Wala nga pala si Iris ngayon e.. May family gathering sila kaya hindi makakapanuod. Sayang nga e.

"Santos! We won again! And it's all because of you! Congrats." nakipag-shake hands naman sakin si Coach

Elmer.

"Di lang ako, Coach. Pati mga teammates namin." nagkamayan naman kami ni Coach.

"At kung hindi rin siguro nagcheer yung gf mo, baka hindi pa tayo nanalo e."

GF? Si Tia? Uh.

"Coach, hindi ko gf yun.."

"Ah. Ganun ba? Sige." pi-nat naman ako ni Coach sa balikat tapos umalis.

Sa kalayuan, nakita ko si Tia.. Teka. Anong nangyari sa kanya? Ba't siya nakahiga dun sa sahig?

Pupuntahan ko na sana siya nung naunahan na ako ni Enzo. Taena. Si Enzo na naman. Siya na naman ang sasagip kay Tia. Potek.

Ano bang nangyayari dun sa babaeng yun?

26:

Tia's POV

Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko..

Wait, nasaan ba ako?

"Uy, gising ka na. Nakatulog ka kasi." Yung knight-in-shining-armor ko pala ang nandito. Haay. Akala ko siNever mind.

"Oo nga e, sorry. Mahaba ba tulog ko?"

"Hindi naman. Mga 10 minutes pa lang." he smiled, "Ok ka na ba? Sabi nung nurse, nagkasudden cramps ka daw.. in other words, sprain."

Tumingin-tingin ako sa paligid ko. Nandito pala ako sa clinic ng ****** School.

"Sprain? Kaya pala na-feel kong gumalaw yung buto ko sa paa ko." sinubukan ko namang tumayo from the bed, "Aray.."

"Wag ka munang tumayo. Hindi yan gagaling, sige ka.."

"Oo nga, masakit pa nga e." So dahil good girl ako, hindi na lang ako tumayo. Hehe.

"Gamitin mo muna daw tong crutches para magabayan ka sa paglalakad mo." sabi niya tapos tinabi niya sakin yung crutches. Ano ba yan? Para na akong lampa neto.. Walangyang sprain ka oh. Dagdag pabigat lang sa buhay e.

"Ganun ba? Salamat sa pagbantay sakin ha."

"Wala yun." ngumiti na naman siya.

Bakit ganun? Madalas ko nang nakakasama si Enzo. Most of that time, siya na lang ang parating nandiyan para sakin bukod kay Zen, my best friend. Ang bait bait niya pa. Haay.

MONDAY

Grabe ha. Hindi ko talaga ma-take to. Ang lampa ko. Feeling ko ang hina hina ko na. Naiinggit tuloy ako sa mga classmates kong naglalakad at tumatakbo. They're like free to do anything. Feel ko pa naman mag-hand stand ngayon. HAHA. Kidding.

Anyway, mukha na akong pagong dito kakalakad with these crutches. Ako na nga ang pilay. Finally, after 10 decades, nakapasok na ako sa school.

"Uy."

Tinignan ko naman kung sino yung kumausap sakin.

OK. Siya nga. Siya na naman.

Hinawakan niya yung isang kamay ko and he actually put it around his shoulder. So parang nakaakbay ako sa kanya. Get the picture? Teka. Kilala niyo na ba kung sino?

"Kumag ka talaga. Ba't mo ako tinutulungan?" he smirked again. Aish. Pati smirk niya, nahuhulog na ako. Eeeep.

Marami na namang tumitingin samin habang naglalakad kami papuntang classroom. Ano ba naman yan oh?

"Ano ka ba? Bago ka pa makarating sa classroom niyan e, baka na-late ka pa."

"Joke lang. Salamat." I forced a smile. Ngayon ko lang siya nginitian. Ever.

"Sus. Ako nga dapat nagpasalamat e." sabi niya pero hindi siya nakatingin sakin.

"Para saan?" I asked.

"Baka hindi na nanalo team namin kung hindi mo pa nilabas yung amplifier mo e." tapos tumawa siya.

Binatukan ko nga gamit yung kamay kong nakaakbay sa kanya.

"Aray!" sabi niya. Buti nga.

"Hindi mo na talaga ako titigilan sa kakatawag ng amplifier, no?" sabi ko naman. Ang kumag na to e, kung hindi ko lang siya gusto-- Baka pina-assasinate ko na e.

As if kaya ko namang gawin no?

I'd rather die kung maaasassinate lang din siya. Woo. Keso mo, Tia.

Tumawa na lang siya. Nandito na pala kami sa classroom. Ano ba naman yan? Ang bilis naman. Gusto ko pa siyang makasama habang naglalakad. Kaso kung hindi lang ako lalampa-lampa e..

"Sa susunod nga, mag-ingat ka." tinulungan naman niya akong umupo sa seat ko.

Wow, is he concerned about me? Naninibago ako sa kanya ha.

"Hello. Earth to kumag? Ikaw ba yan? Ba't concerned ka? Yieee. Ikaw ha." inasar ko pa siya. Naka-cross arms lang siya. Dang, he's handsome talagaaaa! "Tss. Syempre nag-aalala din ako no? Anong tingin mo sakin? Walang pakiramdam? Alien?"

OMG. Nag-aalala nga siya sakin. Matutuwa ba ako dun? Syempre, sabi niya e..

Pero..

'Baka alien nga siya, hindi niya kasi nararamdaman na gusto ko siya e.. Psh. Manhid.' sabi ko na lang sa sarili ko.

"Tsaka napaano ka ba?." he's worried ba talaga? I'm so happy na concerned nga siya. Kahit ganun lang, he made my day na.

"Biglang na lang ako nagkasprain, yun ang sabi e. Tsaka pwedeng mangyari yun, anytime." sabi ko naman.

Tumango naman siya tapos sinabi niya..

"Ge. Puntahan ko si Iris si gate. Naghihintay yun e."

"A-ah sige."

Aish. Akala ko OK na ang lahat sa araw na to. Tinulungan niya ako at medyo nagkakasundo kami kahit hindi pa rin ako masyadong komportableng makasama siya. Pero hindi e. Laging may kasunod na hindi inaasahang mangyayari.. At yun nga yun..

Babalikan niya si Iris.. sa may gate.

Ouch.

Ano ba talagang meron sa kanila ha? Gustong-gusto ko na talagang malaman pero hindi pa rin ako nakakatiyempo na tanungin yun sa kumag na yun e. Hahaaaay.

LUNCH

"Bes, kamusta na yang sprain mo?" sumubo naman ang bes ko sa kanyang oh so favorite pancit bihon. HAHA. With veggies, syempre. Her life is incomplete without veggies!

"Ok lang naman, bes. Masakit lang ng unti. After a week naman daw, gagaling na rin to. Tsaka pinapasalamatan ko na talaga yung nag-imbento ng crutches na to.." pabiro ko pang sinabi tapos tumawa naman kaming dalawa.

"Ah, good to hear. Nga pala, may narinig akong chismax na magkasama ulit kayo ni Jeremy kanina ha!"

Ano ba naman yan? Balita talaga, ang bilis kumalat sa school na to. Juice ko.

"Kumakalat na pala yun. Never mind that bes." tapos uminom naman ako sa apple juice ko, my favorite!

"Akala ko ba iiwasan mo na siya?"

"Uhm bes, mahirap e. I would die brokenheartedly kung hindi ko siya makita." Eeeep. English ko na naman.

"Wow, you're deep. Sabagay, hindi mo matiis yun e, right?"

Tumango naman ako.

Haaay, kumag ka talaga. Ba't ba ako nagkakaganito?

Idadaan ko na nga lang sa paglamon to. HAHA.

"Tia." umeksena na naman siya.

OMG. Ba't ba lapit siya ng lapit? Namiss na naman ata ako ng kumag. Spell ASA.

"Oh?"

Ano bang kailangan niya?

"Birthday na ni Jam next Saturday e. Eto invitation.. Semi-formal suotin niyo ah." inabot naman niya samin ang invitations. Birthday pala ni Jam next Saturday? Miss ko na rin yung batang yun. Bilhin ko kaya ng regalo. Hmmm.. Anyway..

"Salamat." sabay namin sinabi ni bes.

Umalis naman siya like the usual. Blank expression ang makikita mo sa pagmumukha niyang-- Ok fine. Gwapo. Gwapo naman talaga yung kumag na yun e.

Hindi ko pa rin maalis yung tingin ko sa kanya kasi..

Nakita ko na lang na magkahawak sila ng kamay ni..

Iris.

It hurts.

And it sucks.

Sucks bigtime.

My heart.. is beating so fast.

And my foot.. ayun, ang sakit pa rin! Aguy!

Feeling ko, pasan ko na ang buong mundo. Lahat nang sakit sa katawan, meron na ako! Haay life.

FRIDAY Dismissal, 5 pm

Ang bilis talaga ng pagdaan ng mga araw no? So eto ako, nasa may bleachers. Masakit yung paa ko e. Alam niyo naman. Baka lumala pa to pag naglakad pa ako e.

Anyway.. Ewan ko rin ba sa sarili ko. At napapadalas na ata ang pagsosolo ko. Emote, in other words. Simula nung nakilala ko talaga ang kumag na yun, naging ganito na ako. Haay.

Lumapit naman si MJ sakin.

"Yo Tia."

Ngumiti ako, "Uy MJ."

"Ba't nag-iisa ka lang ata? Si Jer-?"

"Ah.. Di ko alam e." pinutol ko yung sinabi niya. Ayoko marinig ang pangalan ng kumag na yun. Haay nako.

Tumango naman siya, "Nagkasprain ka nga pala. Kamusta na yan?"

"Eto masakit ng unti pero kaya ko naman." sabi ko.

"Ah, buti naman. Tia, kaya ako nandito. Kailangan ko kasi ng tulong mo. Uhm--" Mukhang hirap na hirap pa siya sa sasabihin niya. Nakakatuwa tignan. Parang bata kasi e, nagkakamot pa ng ulo.

"Ano ba yun?" nginitian ko naman siya.

"Gusto kong ligawan si Zen e.."

Woah? Tama ba yung narinig ko? Liligawan niya na rin ang best friend ko! Finally! They're improving to the nth level talaga! I'm sooooo happy for them.

"Teka, pakiulit? Di ko narinig e." HAHA. Kunwaring nagbibingi-bingihan daw ako.

"TULUNGAN MO KONG LIGAWAN SI ZEN, PLEASE?" Aray naman, nakakabingi.

"Ang lakas ng pagkasabi mo! Ang sakit sa tenga." nagdrama pa akong hinahawakan ko yung tenga ko. HAHA.

"Yun lang ba, tol? Tulungan na rin kita diyan."

Napalingon naman kami sa kanya..

GULP.

27:

Hulaan niyo kung sino? Yes. It's the one and only kumag. Bakit ba kasi lagi siyang umeeksena? (a/n: Bida kaya siya dito, malamang!)

"Ano tol? Tutulungan mo rin ako?" tanong naman ni MJ.

"Oo naman. Kami pa ni Tia e, di ba?" he smirked again.

OMG. Sa lahat ng taong pwedeng tumulong, siya pa. Baka hindi pa tuloy ako makaconcentrate sa pagtulong kasi nandiyan siya e. Hindi niya ba alam na- Haaaay.

"Ah- Oo n-naman." I forced a smile.

Aish. Kumag ka talaga. Ba't kasi ikaw pa?

"Ayos pala e, tutal close naman kayo. Dapat magkasundo kayo kasi kayo tutulong sakin para maging

successful to."

Magkasundo? Hindi siguro. Pero pwede na rin, di ko kasi siya kayang tiisin e.

Sigh.

"Ganito gawin natin.." lumapit naman tong Jeremy na to samin. May plano na ang loko. Aba. That's new ha. E kung siya kaya ang manligaw sakin? Wooo. Ang hangin, Tia. Nararamdaman mo ba yun?

*Snap!*

"Hoy.." Ang gwapo niya talagaaaaa.

"Ano ba?!" sabi ko. He always does that snapping and it irritates me. Pero ok lang, siya rin naman kasi nakakapagbalik sakin sa mundo ko. Eep, ang lalim nun ha.

"Nakikinig ka ba?" sabi niya na nakatingin ng seryoso sakin. Eeeep. Masyado akong na-hypnotize sa charms ng kumag.

Anyway..

Tumango naman ako.

Nandito kasi kami sa park ng subdivision namin. Nag-aarrange kami ng date sa dalawa. Si MJ? Ayun, nagpapaayos at nagpapapogi para sa oh so romantic date nila ni bes ko. Kaya eto, stuck ako sa kumag na to. Kami ang mag-sset up kumbaga.

"Etong white roses ilagay mo diyan sa table para maganda." sabi ko habang inabot ko yung white roses sa kanya. Ain't white roses cute? Bagay kasi sa aura ng surroundings e. Hehe.

He shook his head, "Ayaw. Hindi bagay. Tignan mo nga." na hindi naman nag-agree ang kumag.

"What?! Anong hindi bagay? Ang cute kaya!" sabi ko naman. I love roses pa naman!

"Basta hindi siya match sa kulay. Bulag ka ba? Color blind?"

"Excuse me! 20/20 vision ako. Di nga ako nagsasalamin tapos tatawagin mo pa akong bulag." Ok. Hinayhinay lang, Tia. LQ na naman kayo e, este away.

"Etong lilies na lang. Matino pa!"

"So ikaw masusunod ngayon?"

Nagbuntung-hininga na lang ako.

"Oo na. Para sa kaligayahan mo, yang lilies na lang." Heard what I said? Kahit mababaw, basta kung anong gusto niya, ok na rin sakin. Haay.

Ayun, plinace namin yung lilies in a vase sa table para presentable tignan, di ba?

Tinanggal ko naman yung crutches ko. Hindi na kasi talaga ako komportable. Tapos nakikipagtalo pa ako sa kumag na to. Nakakainis siya. Kung hindi ko lang siya gusto e, baka binatukan ko na siya ng binatukan.

"Anong ginagawa mo?" Duh. Edi maglalakad. Haay nako.

Tin-ry ko namang maglakad.

One step.

Two steps.. Tinitignan lang ako ng kumag.

Medyo kaya ko na kaso parang kinakaladkad ko pa rin yung isang paa ko.

"Ano ka ba, Tia? Pag ikaw natumba diyan, walang sasalo sayo." Nag-cross arms siya. OMG. He's effin concerned pa rin sakin. And I'm so happy to hear that. Kahit yun lang sabihin niya, masaya na ako.

"Kaya ko nang maglakaaaa-aaaaah!"

Ok. Muntikan na yun. Natumba na nga ako. Buti na lang at hindi talaga nasubsob yung maganda kong mukha sa lupa kundi baka hindi pa ako nagustuhan ng mokong na to. Uh gusto? Nah. Impossible.

"Oy, sabi ko sayo wag ka na maglakad e!" I can see how serious and concerned he is. Aww.

Kasi..

Nasalo niya lang naman ako.

Aish. Wala na akong ibang magawa kundi tumitig dun sa mga matang niya hulog ng langit. OMG. Nosebleed. Basta ewan ko, sana nag-freeze yung time. Kahit forever na kaming ganun, basta kasama ko siya. I will always feel safe and sound.

Pero hindi, ako lang naman kasi ang nakakaramdam nun.

*poke* *poke*

"Aray!" Natulala na naman ako. Eeep.

"Inlab ka na ata sakin. Palagi kang natutulala." tapos ngumisi siya.

"ASA." Hindi INLAB. Gustong gustong gusto kita! Kumag kang manhid ka.

Anyway, ang awkward ng posisyon namin nun. I feel reeeed.

Umayos naman kami ng tayo. Kinuha ko yung pesteng crutches ko. Thanks na lang at nagkasprain ako. Kung hindi pa ako nagkasprain, baka di na mangyayari tong scene na to. ^______^

"Sabi nang mag-ingat e, pinipilit mo pang maglakad."

"Sorry. Edi ako na clumsy." umupo muna ako sa bench. Baka kasi lumala pa lalo tong sprain ko. >___<

"Clumsy na nga. Ang bigat mo pa. Mag-diet ka nga!" tapos ngumisi na naman siya.

Ano ba yan?! Anong diet diet ang pinagsasabi neto?! Ang fit ko nga e. Estee- SLIM! Hmp.

"Hoy, excuse me! Ang slim ko kaya!" binatukan ko siya nung umupo siya sa tabi ko.

OK. Umupo lang naman siya sa tabi ko.

Gahd. I'm shiverring. Lord, please pause this moment! Hahaaay.

"Hoy, hindi pa tayo tapos. Yung mga ilaw pa oh."

Oo nga pala. For the final touch, yung mga ilaw ang huli naming idedecorate.

Inalalayan niya naman akong tumayo. Buti na lang talaga at siya ang tumulong kundi- haaay. Basta, it's unexplainable.

So ayun, sabay naming nilagay yung colorful lights- Joke. Pasko? Hindi. White lights lang siya na sprinead naman sa may arch. O di ba? Pasalamat yung dalawang lovers at bongga ang magiging date nila. Sosyal sila ha. Inggit na talaga ako. Kung pwede lang na ako na lang si Zen at yung kumag si--

"Ba't ba madalas ka nang natutulala?" Ikaw kasi. Hindi mo ba alam yun. Ikaw kasi nakakapagganito sakin. Haay.

"Hindi ko rin alam e." I chuckled a bit.

*SILENCE*

Awkward ha. Nasaan na ba yung magddate dito? Stuck pa rin ako sa kumag. Ang tahimik niya din. Di pa rin talaga ako sanay na ganito siya.

"Jeremy.." I called him.

"Ano?" tumingin siya sakin. Eeeep. I'm falling for his face and looks. And I hate it.

"Ano bang meron sa inyo ni Iris? Kasi.. dati ko pa gustong tanungin yun pero--"

"M.U. kami." dineretso niya na ako na hindi man lang ako pinapatapos.

Ok. M.U. sila. M.U. sila, Tia. Masaya ka na ba't alam mo na yang sagot? M.U.

NOT. Sobrang sakeeeeeeeeeeet.

Lalabas na naman yung traydor kong luha. At dahil sa marunong ako magpigil, ginawa ko nga. Ayoko ngang umiyak sa harap niya. Ayokong ipakita. Wag ngayon..

Sa bahay na lang. >____<"

Hindi ko matanggap. Masakit sobra. Ewan ko ba, feeling ko natutulala na naman ako. Nagsasalita lang yung kumag pero hindi ako nakikinig. Kasi ang tanging salitang nakatatak sa utak ko ay yung..

M.U. Kaya pala ganun na lang sila ka-close. Ganun sila kasayang mag-usap. Ganun sila. At kahit kailan, hindi kami magiging ganun. Ngayon pa nga lang e, lagi na lang kami nag-aaway. Paano pa kaya kung ganun? Hindi ko maisip. Imposible sigurong mangyari. Napakaimposible.

"Tia, ok ka lang ba?" Eto na naman po siya, Lord. Concerned ba talaga siya o ganyan lang talaga siya?

"Ha? Ako, ok lang ako." Kahit hindi.

5 minutes.. Tahimik pa rin. Buti na lang dumating naman si MJ.

"Tol! Tia! Hindi makakarating si Zen. May family gathering daw e. Importante." nakita naman namin agad si MJ.

"Ganun? So hindi tuloy lahat nang to?" tanong ng kumag.

Nagkamot siya ng ulo, "Matutuloy pa rin. Pero baka bukas na."

Ngumiti na lang ako. E di kami na lang muna ng kumag ang mag-ddate! HAHA. Asa.

"Ayos pala yung pagdecorate niyo ah. Di talaga ako nagsisisi at kayo ang napili ko."

Tumawa na lang ako kahit pilit. Syempre, may chemistry kami ng kumag e- estee. Wala.

"Paano ba yan? Maggagabi na. Uwi na rin ako. Baka hanapin pa ako nina Mamu e."

Kumaway na lang si MJ, "Ingat ka sa paglalakad! Basta bukas ah! Tuloy na to!"

I nodded with a smile.

Umalis na lang ako na hindi tumitingin sa kumag. Ano pa bang ma-eexpect ko diyan? E wala naman yang pakialam sakin.

OK. Mukha pa rin akong engot na pagong naglalakad. Aabutin pa ako ng dekada neto. Aish.

"Tara na nga." Hinila naman niya yung kamay ko at inakbay yung isa sa kanya.

Sino pa ba? E di siyaaaa. Lagi na lang siya. Kung pwede nga lang e, angkinin ko na lang siya.

Sus Tia. May Iris na siya.

We're walking and walking. I wanted to pause this moment. Kahit mukha akong engot na lampang pipilaypilay. Basta kasama ko siya, feeling ko wala na ang lahat ng sakit. Pero meron pa rin, yun ngang kay Iris. Ba't pa kasi ganun? Sana hindi na lang dumating yun!

"Nandito na tayo." bibitawan niya sana yung kamay ko pero hinigpitan ko at hinawakan ko pa rin yung kamay niya..

Psh. Tia Tia! Ba't mo ginagawa yan? Haaay. Sorry, I can't control it. Ayokong mahiwalay sa kanya e. Lalo na't papakawalan ko siya? Ewan. Basta. I can't live a day without him. Ganun na nga. May tama na talaga ako!

"Uh, Tia? Bakit?"

"Uhm-- wala. Sige, uwi ka na. Gabi na oh." binitawan ko na.

Ba't mo binitawan, Tianna Tuazon?! I wanted to hold it longer. Kahit ngayon lang, please. Pero wala..

Nabitawan ko na.

Just like letting him go..

28.1:

Another day. Nandito na naman kami sa park. Dahil hindi pa rin naging success ang setup slash plan slash courtship ni MJ para sa aking bes. I really envy them. Gahd.

While waiting, early bird kasi ang drama ko e. Tsaka gusto nang makita si-- Eep. Erase erase. Eto ako, nagchichiill muna sa swing...

Drama mode. HAHA. Ang emo. I know. Pero di ko lang kasi talaga matanggal sa isip ko yung pagiging M.U. ni Jeremy at Iris. I guess, wala na talagang mangyayaring maganda sa buhay ko after marinig ko yung sinabi niya.

'M.U. kami.' paulit-ulit na lang yung sirang plaka sa utak. Gustong-gusto ko na ngang i-delete e pero laging nagpplay sa kokote ko. Nakakainis. Aish.

*Click!*

Teka, parang may nakita akong flash ha. Ano yun? Sa camera? Nakakasilaw naman oh.

"Sino bang paparazzing yan?!" HAHA. Paparazzi? K, Tia.

"Anong paparazzi mo?" tumawa siya tapos pinicturan na naman ako. Loko talaga siya! Di niya ba alam na nakakasilaw yung flash ng cam niya?!

Tinignan ko naman siya.

Ayun, lumapit siya sakin at pinakita yung picture ko sa camera.

Infairness, may talent ang kumag sa photography. May kung anong ek ek anong nakita. Parang blurry yung background pero clear na clear yung mukha ko. Ang ganda ko pala talaga! Wala pang edit to ha! HAHA.

"Kung maka-DSLR ka naman!" Mahal kasi yang camera niya e. Nikon. Ewan ko ba. Nauso na naman yan. Parang yung mga camera nung sinauna pa.

"Kita mo sarili mo sa picture? Ang pangit, baka masira pa cam ko." tapos nag-smirk siya.

Binatukan ko nga. Ang pangit ko daw? Payag kayo nun, readers? Sa ganda kong to?! Love is blind nga naman. Oops, walang love dun! HAHA!

"Che. Kung pangit ako, ba't mo pa ako pinipicturan?"

Ayun. Natahimik ang kumag. Barado na ee. HAHA. Nag-cross arms siya na parang batang naagawan ng

lollipop. How cute!

"Bakit ka nga pala may dalang camera?" tanong ko naman. Nakakapagtaka naman kasi e, di ba? Like- for what? Para asarin ako sa flash ng camera niya?! E di siya na may Nikon.

"Sabi kasi ni tol MJ.. picturan ko daw sila habang nagddate sila."

Napa-ahh na lang ako. Ano bang kumag to? Gusto ko nga siya, hired photographer pa.

Anyway..

Nandito na si MJ! With his beloved future girlfriend, Zenille. Nag-sign na siyang magtago kami para solo nila. If I know, feel lang talaga nila ang date nila. Syempre, kami ang coordinators e! HAHA.

Dahan-dahan naman akong hinatak ng kumag patago sa may bench na medyo natatakpan ng bushes. Buti na lang at di ako nahahassle.

Pero ang sakit niyang mang-hila ha! Parang hindi niya alam na may kasama siyang pilay. Ano ba tong kumag na to, walang konsensya!

"Aray! Manghahatak ka pa! Kitang--"

"Shh! Wag ka nga maingay! Moment na nilang dalawang to e." I know. Umiiral na naman pagiging amplifier ko. Haay nako!

Mukhang nabighani naman ang aking ever so pretty na bes. Ayun, amazed na amazed ang bruha kasi kami ng kumag yung nagayos neto.

Ayun, binigyan naman siya ng flowers ni MJ. Yellow daisies, her favorite. Ang sweet. Ano ba naman to? Mukha na akong stalker neto!

"Mukha kang stalker diyan, halika nga!" Walangya. He just read my mind. Psychic huh? Hinatak niya naman ako-- teka, yung crutches ko pa.

"Oy dahan-dahan lang! Baka gusto mo ring mapilayan, ano!" syempre sinabi ko yun in average volume. Mabuko pa kami ni bes na nandito kami eee. Magmumukha pa akong panira ng date.

Hinila niya ako sa may bench. Siya naman, focus na focus sa pagkuha ng shots sa dalawa.

"E ikaw nga mukhang stalker diyan e, paparazzi pa." sabi ko sa kanya.

"Just doing my job." Oh well, role niya naman talaga yan dito.

Sumilip ulit ako sa dalawa. Ang cute talaga nilang tignan. Nakakainggit kasi ang saya saya nila. Bagay pa sila. Ako kaya? Kailan kaya ako magiging ganyan kasaya? Haay, life nga naman.

"Uy." kinalabit niya naman ako.

"Tapos ka na?"

"Oo. Ma-ffull na nga tong cam ko sa nuknukan ng pics nila e." natawa naman ako dun.

"E baka naman kasi bawat galaw nila kinuhanan mo na. Paparazzi ka talaga!"

"Ewan ko sayo. Trabaho nga lang sabi e."

Sows. Napikon na naman ang kumag. Haay. Ang mood swings niya talaga. Inirapan ko siya.

"Oh, galit ka na niyan?"

"Che." nag-drama ang lola niyo. Unti lang naman. Para may tampo effect.

"Oy, Tia." kinalabit na naman niya ako. Cheeeee. HAHA. If you can just see his face right now, you will LOL. Joke. Mukhang bata nga eeee.

"Ayie. LQ na naman sila." OMG. Paglingon namin sa likod. Huli na nga kami. LQ daw?! Pwede na. Kasi ako like ko siya, e siya? Never mind. Hmp!

"Nako, anong LQ ang pinagsasabi niyo diyan?" sabi ko naman.

"Bumalik na nga lang kayo sa date niyo!" dagdag ng kumag.

"Teka, tapos na ba? Sinagot mo na to, bes?"

"Uhm bes.." namumula pa ang bruha.

"Hindi pa tapos ang date, tutal nandito rin naman kayo. Ba't hindi na lang tayo mag-double date? Ayos to!" sabi ni MJ nang tumawa pa ng unti.

Nothing's funny! Pero OMG. Double date?! Hindi nga. Kahit gustong-gusto ko nun, hindi rin pwede. Alam niyo na naman na may gusto tong kumag na to. Tsaka ba't pa niya nasabi yun kung may Iris na si-

"Tingin kayo sa langit." dagdag niya pa.

Hindi man lang nagreact ang loko na 'double date' kuno to. E kasi naman, he likes Iris. Never mind. Hindi ko iisipin na date to. Haaay. Anyway..

Tumingin nga kami sa langit.

Wow. Sobra na talaga ang pag-eeffort ni MJ. I admire him for that kasi.. nakakita lang naman ako ng fireworks. Tapos may parang nag-form pa nga ng heart e. That's it. I envy them! Super! Dapat ginawa na lang din sakin yan ng kumag ee.

Uh, Tia? Batukan mo na lang kaya sarili mo kesa magdaydream ka diyan no?

"Maganda ba?" si Jeremy ang nagtanong. Teka, siya may pakana niyan?

"Tol, salamat diyan ah." sabi ni MJ na nakangiting abot sa tenga. Lucky him. And yeah, ang kumag nga may pakana ng fireworks. He really knows how to impress. Kasi ako, nabighani talaga ako sa fireworks.

"Oo, maganda nga." sabi ko. Parang kami talaga ang nagddate pero syempre ako lang ang nakakafeel nun.

"Kung pwede nga lang ganito na lang palagi, pero hindi." sabi niyang nakatingin sa langit.

HA? ANO DAW?

What the heck did he just say? At anong ibig niyang sabihin dun? Gusto kong ipaulit sa kanya pero baka bawiin niya lang at sabihin niyang biro yun. Now's not the time for jokes, no.

Tinignan ko siya ng nakataas ng kilay pero nag-smirk na lang siya.

Lord,

What does he mean dun po sa sinabi niya? Please give me a sign. Sana nga.. Totoo nang may gusto siya sakin kahit 1%. Alam ko pong napakaimposible pero kahit ngayon lang, kahit isang beses lang kasi..

I think I love him na..

I love Jeremy Kaiser Santos.

28.2:

Dalawang araw ang nakalipas pagkatapos ng engrandeng date ng dalawa. Let me give you guys a flashback of my best friend's official 'Yes' to her boyfie.

Flashback

Kulang pa pala yun. Hindi pa pala lahat nagtatapos sa fireworks. Dahil may lumabas na parang hot air balloon na may nakalagay, 'Will you be my girlfriend?' Ayun. Kaya hindi pa ata sinasagot ng bruha ang MJ niya.

This is like my dream date. And syempre ang dream boy ay si... Jeremy, sino pa ba? Basta siya lang, wala nang iba!

"Yes! Sinasagot na talaga kita!" sabi ni bes na tuwang-tuwa tapos hinug niya ang kanyang boyfriend, MJ.

Tuwang tuwa naman ang dalawang lovebirds. E di sila na. Kami kaya ni Jeremy, aabot sa ganyan? Nah. In your dreams este in my dreams na lang pala. Haay.

"E di kayo na."

"Kayo kasi e, ayaw niyo pang gawing official yang pagiging kayo." sabi ni bes. Aish. They still don't know, do they?

"Hindi na kami! Wala na yung pagpanggap namin!" sabi ko. Impulsive talaga ako. Ayun, nasabi ko na.

"Ganun?" nagulat naman si bes.

Tumango na lang kaming dalawa.

"E paano?"

"Long story." sabi ng kumag.

Haay. Yeah, long story. Sa sobrang haba, ang complicated talaga at hindi mo maintindihan. Basta ewan.

End of Flashback

And so, Micko Jayson Guevara and Zenille Aira Sy are officially taken by each other. Buti pa sila no? Naunahan pa kami ng kumag. Sorry na, hanggang pangarap na lang kasi ako.

"Dahil kayo na! Let's celebrate!" yaya ko naman. I want to party rin no? Gusto kong magliwaliw. Tsaka para kahit konti lang, mafeel kong malayo ako sa mga problema ng aking ever wonderful life.

"Celebrate? Saan naman?" tanong ng bes ko.

"Hmm.. KTV bar!" Yun ang naisip ko eee.

"Ah OK. Tara!" nag-agree naman si MJ.

"Sama din kami!" humabol naman ang dalawang si Tris at Chase.

"Mawawala din ba ako? I like to celebrate, too!" Syempre, si Ciara. Kamusta na kaya tong babaeng to? And sila ni Tris kaya ang susunod sa yapak ng dalawa? (a/n: referring to Zen and MJ)

"Di ako pwedeng mawala diyan. Nandiyan ang tropa e." Ayun, naghi-five naman sila sila ng barkada niya. Haay nako. Sabi ko magcecelebrate e.. pero kasama siya. Nakakainis. Kailangan bang palaging kasama siya? Haay, bahala na lang mamaya.

Drinive naman kami ng uncle ata ni Tris papuntang KTV bar. Akala nila maglalasing kami, pero we just said we're celebrating dahil nga si bes na at ang kanyang loving MJ.

Naghanap kami ng seats namin dun sa loob. We took the party deluxe ek ek. Basta fit siya for all of us.

"C'mon, let's party!" sigaw ni Chase. HAHA. I never knew he's this wild.

"Tara! On the dancefloor." sabi naman ni Tris. Ayun. Nagshowdown yung dalawa sa may dancefloor. Ang kulit nga nila e. Pero infairness, ang gagaling din nilang sumayaw. Sadyang talented ang mga mokong na yun.

Now Playing: 2012 by Jay Sean

And by the way, the music is 2012 ni Jay Sean. Yeah, I know this song. I can really relate to it. Coz loving Jeremy is like the end of the world. HAHA. Kidding.

"Tara, sayaw nga muna tayo." yaya ni MJ kay bessy Zen.

"Ayoko nga." pakipot naman tong bes ko. Pero namumula na parang kamatis.. OMG. Grabe naman mamula tong bes ko!

"Bakit?"

"Gusto kong slow song e." Ay sows, pakipot nga talaga. Slow songs ang hilig ng bruha.

"Tara na, mamaya yan. Ililipat naman ng DJ." kumindat siya sa bes ko. Ayun, nadala naman ang bruha sa kindat kaya nagpahatak na lang siya sa boyfie niya at sumayaw sila.

"Tia, let's dance!" sabi sakin ni Ciaring este Ciara.

'Kayo na lang ni Tris.' bulong ko lang na narinig naman niya.

"Loka." namula din siya. Hala. Sige, sila na ang mga kamatis, "Mauna na ako ha? Sunod ka na lang!" she chuckled and went on the dancefloor.

Ok.

Kami na lang ang natitira..

Ng kumag.

This is awkward. So awkward. Hindi ako umiimik, kahit siya din.. tahimik lang rin. If he only knew, my heartbeat's like a drum beating so fast.. He looked at me for a moment. Pero tumayo din siya agad at umalis. Teka, saan naman pupunta yun? Haay. I'm alone. Forever alone. Ang drama ko. Hindi naman kasi akong magiging alone dahil siya na lang ang hinihintay ko.

Oh well..

"So much for party music, let's switch down the tunes for a bit romantic and slow groove." sabi ng DJ. Ayun, nakita ko namang pabalik ang kumag. Wait, pagalis niya- party music. Then pagbalik niya- slow music. Nirequest niya kaya yun? Ang kantang naririnig ko pa naman ngayon ay..

Now Playing: Perfect Two by Auburn

You can be the peanut butter to my jelly You can be the butterflies I feel in my belly You can be the captain I can be your first mate You can be the chills that I feel on our first date

"Tia, can I have this dance?" Ok. He just offered his hands to me asking for a dance. Ano ba yan? Hindi niya ba naririnig yung heartbeat ko? It's beating so fast.. for him. Bakit mo ba kasi ginagawa to e? Kumag ka talaga.

Binatukan ko nga siya. Tumawa ako ng unti kahit pilit.

"Aray! Ako na nga nangyayaya sayo e. Mambabatok ka pa."

"E kasi ikaw, ba't yang kanta pa na yan ang pinarequest mo?"

Ngumisi siya. I knew it, "Feel ko lang e." pero mas feel ko. Feeling ko theme song na namin yan. OMG. Nanaginip na naman ang lola niyo.

Inaccept ko naman yung offer niya. I swear. Nanlamig talaga ang mga kamay ko nung hinawakan niya. Ewan ko ba. Parang automatic na lumamig nung hinawakan niya e.

Remember our first dance, Jeremy? Eto rin yung music na pinapatugtog e.

Don't know if I could ever be Without you cause boy you complete me And in time I know that we'll both see That we're all we need

He looked at me, straight to the eyes. Alam kong nakakailang pero nakatitig lang din ako sa kanya. He has this sparkling eyes, to the point na you'll really fall for it. Oh well. Ano bang magagawa ko? Kasi yun nga, I fell for it. It's your fault, Tia. Kaya ka rin nasasaktan ngayon.

Cause you're the apple to my pie

You're the straw to my berry You're the smoke to my high And you're the one I wanna marry

Cause you're the one for me (for me ) And I'm the one for you (for u) You take the both of (of us) And we're the perfect two

Mark this as our last dance, Jeremy. Kasi after this, alam kong wala nang mangyayari pa satin. We'll still remain, friends? I guess. May Iris ka na kasi e. Gustong-gusto ko nang itigil ang lahat ng kalokohang nararamdaman ng nandito *points at chest* Yeah, kalokohan. I'm just fooling myself. As I've said, wala na kasing mangyayari. Masasaktan lang ako, in the end. Tapos makikita ko na lang yung mga traydor kong luha, tumutulo na pala. Ha. Kalokohan talaga.

We're the perfect two We're the perfect two Baby me and you We're the perfect two

Sadly, I guess..

Fate's really cruel.

We're not the perfect two.

Bumitaw na naman kami sa isa't-isa. I had to. Let. Him. Go. Yun na lang siguro ang ilalagay ko sa to-do list ko, ano? Para hindi ko makalimutan. Anyway, nagswitch to party music ulit kasi tapos na yung nirequest na song.

Now Playing: DJ Got Us Falling in Love by Usher

HAHA. I wish that DJ really got him falling in love with me. Pero hindi nakisama ang kumag, kaya ako lang ang na-inlove. Gahd. Tama na nga kakaisip mo, Tia.

"Waiter!" tinawag naman ni Chase yung waiter na lumapit samin. Ayun, nakaupo na pala kaming lahat dito. Napagod din siguro yung iba kakasayaw.

"Blablablabla.." Nag-order naman sila.

Looks like I'm in for a beer or something. Para ma-refresh ang mind ko. Wooo.

"Waiter!" tawag ko naman sa waiter na paalis na sana.

"Yes Ma'am?"

"3 beers, please?" I smiled. HAHA. I'm not alcoholic. But I'm starting to. Joke. I mean, gusto kong mag-chillax. You know?

"ANO?!" sabay sabay nilang sinabi.

"Chill people! Ano ba?! Hindi ako maglalasing. I just wanted to try some. Ok?"

"Hindi pwede, ba't tatlo pa inorder mo?" sabi ni bes.

"No, bes. I can handle it. I promise, just this once. Ngayon lang, okay? Pagbigyan mo na ako, please?" nakiusap pa ako sa bruha. Ayun. Tumango na lang siya.

Dumating na agad ang order, kumain naman yung iba ng sisig. Tapos yung iba juice ang inorder. Ako naman? Beer. Hihihi. I feel like drinking at this moment.

One beeeeeer. I'm on it. Lagok lang ng lagok. HAHA. Isa pa lang naiinom ko, but I felt dizzy. Never mind. Kaya ko pa, AJA!

"Hey Tris, ba't hinde mo pah nililigawan tong si Sharah? She's pretty and everything." sabi kong nakatingin kay Tristan.

Wait, nabuko ko ang secret ni Ciara. Namula naman siya. And kahit si Tris din. Wow. Looks like may susunod na nga sa yapak ng dalawa.

"Ayieeeee." sabi ng the rest except sa kumag.

Tinignan ko lang yung kumag at nakatingin lang siya ng masama sakin. What's his problem?!

After 10 minutes, I'm having the second beer. And lasing na agad ako, ano ba to? I feel dizzy. So. Much.

"Bes, nakakadalawa ka na? Ano ba? Lasing ka na!" bes said to me.

"No bes," inagaw ko sa kanya yung beer, "Kaya ko pa, ok? Matibay ata ako noh?" sabi ko naman with a smile.

Wala na siyang nagawa kasi nainom ko na.

"Ano ba yan? Akoh lang bah magcecelebrate dito?" sabi ko sa kanila while holding the last beer. Gahd. Nahihilo na po ako. I think I'm gonna throw up, anytime.

"Tia, tama na nga yan!" Sabi nila.

"Wag niyo akong pigilan, eto na lang ang way ko para makapag-relax."

"Nakakarami ka na." pinipigilan pa ako ni Ciara but I didn't bother.

"Last na to, ano ba kayo?" uminom ulit ako. Nakakaadik talaga ang lasa. I'm still craving for more. But I felt like vomitting na. Ugh.

Nagbuntung-hininga na lang sila.

I was about to take a sip nang..

Inagaw ng kumag yung bote.

"Ano ka ba! Tumigil ka na nga! Ako ang iinom neto!" he said that furiously, I mean, seriously. Kaya tinitigan ko na lang siya.. Aba't nilagok nga ng loko. Walang break, walang preno. Joke. I mean, dere-deretso niyang ininom.

"Akin na nga yan! Akin yan e!" inagaw ko ulit sa kanya ang bote.

Wooo. Kami na tuloy ang naging center of attention dito. Haay. Never mind.

"Wag na! Lasing ka na! Pwede ba?!" sinigaw niya naman sakin.

"Ayaw! Akin na!" sigaw ko rin sa kanya. Napapahawak pa ako sa ulo ko.

Pero nilayo niya yung bote. Ang kulit naman ng kumag na to!

Jeremy's POV

Ano bang babaeng to? Kung magcecelebrate kami, e bakit kailangan pa netong maglasing. Mukha pang ewan na kung ano-ano ang pinaggagawa. Baliw na ata e. May tama na talaga.

"It's your fault, anyway! Your fault!" hinampas-hampas niya pa ang likod ko.

"Anong kasalanan ko? Ha?!" bago niya pa nasagot yung tanong ko..

Nakatulog na siya sa tabi ko. Yung ulo niya nakapatong sa balikat ko. Ano bang nangyayari sa babaeng to?! Taena, lasing na kasi e!

"Jeremy.." sabi niyang bigla.

"Ano na naman?"

Tumulo yung luha niya. Teka, ba't siya napapaiyak? Hay nako. Lasing na talaga tong babaeng to. Ba't pa kasi umiinom to e!

"Pourquoi ai-je jamais tomber pour toi?" pagkatapos niyang sabihin yun, unti-unting pumikit yung mga mata niya.

Ano daw?! Hindi ko maintindihan sinabi niya! Paki-translate!

29:

MONDAY Haay. School again. Masakit na nga yung ulo ko, sasakit pa lalo. For all you know, I just had my worst hangover. And that happened after the night we celebrated. I can't remember anything what I did after I drank 3 bottles of beer. Basta alam kong nalasing ako.

"Hey." Geez. Mr. Cute.

"Uy!" Ngumiti naman ako sa kanya. He approached me at sabay naman kaming pumasok ng school.

"Kamusta na yan?" he checked my sprain. Oh well, doing good. Unti-unting gumagaling.

"Ayos lang. After a week rin naman to gagaling, right?" Tumango na lang siya.

Pagkapasok namin ng school, umupo kaming dalawa sa bleachers. Maaga pa naman since 7:00 pa lang. 8 pa ang klase. So dito muna kami saglit.

"Kamusta na yung kumag?" sabi niya.

Natawa naman ako dun, kasi pati siya, kumag na rin ang tawag sa kumag na yun. HAHA. Kaso nung binanggit niya yung pangalan niya..

I shook my head, "Ewan. And I don't care, anyway." "You don't care? I don't think so." tapos tumawa naman kami. He's right, I kept thinking about him all the time. Naffull na nga memory ng brain ko dahil sa kanya.

"Ok. You got me. I guess.. he's doing good." with Iris. Yeah.

Ouch.

I faked a smile.

"Kung alam niya lang kung gaano siya kaswerte dahil nagustuhan mo siya.." He has a point, really. I'd die just to give his happiness even though it gives me sadness in return. Ang emo ko na talaga. Aish.

"Maswerte? Sana nga, ma-realize niya yun." I chuckled a bit.

"Hindi niya ba alam? Ba't di ka nagcoconfess?" tanong naman niya.

Oo nga naman, Tia. Hindi ko pa nga naaamin sa kanya. Pero ano namang mangyayari after I confess my feelings? Wala din. Kay Iris pa rin ang bagsak niya. Tsaka..

"I don't want to ruin our friendship. Tsaka alam kong hanggang dun na lang yun." I smiled sarcastically.

"Ang nega mo!" tumawa siya tapos ginulo na naman ang buhok ko, "At least nailabas mo na sa kanya yung matagal mong gustong sabihin. Bahala na lang kung anong maging sagot niya. Marami pa naman diyan e." Yep, he's right. Kaso not now, hindi muna ako aamin. Hindi ngayon ang tamang oras.

Tsaka marami ngang iba diyan, pero si Jeremy ba sila? NOT. I can't find someone way better than him.

Inayos ko naman ang buhok ko kasi ang hilig niyang guluhin. Kaya tinanggal ko ang ponytail ko.

"Mas maganda ka pa pala pag nakalugay e.." sabi niya sakin. K. Is that a compliment? "Sus. Kung makajoke naman to. Not funny." "Ikaw talaga! Hindi biro yun." biro niya ulit. HAHA. Ang kulit ko no?

"Like I said, marami pa ngang ibang diyan... tulad ko. Remember that." tumayo naman siya. Teka, saan siya pupunta? "HAHA. Oo nga. Kung pwedeng lang ikaw na lang e." Darn. I just said that. Ang kapal ko.

*SILENCE*

"Ok. Ang awkward na. Tumahimik ka kasi e. HAHA. Sige, maiwan muna kita ah. Punta lang ako sa lockers." tapos umalis na siya with his killer smile. Naman! Pamatay talaga! I waved back to him and smiled.

Why it can't be him?

Tumayo naman ako at pupunta na akong classroom since maya-maya magsisimula na naman ang klase. Ayun, habang naglalakad ako.. Nadatnan ko lang naman..

si Iris at Jeremy.

I guess, he's really doing good.

Happy for them.

</3

DISMISSAL

Eto pa rin ako, nag-iisa sa classroom? Alam niyo namang ako palagi ang huling umaalis dito di ba? Anyway, nakaupo ako seat ko. Napapahawak ako sa ulo ko. Masakit pa rin e. Hanggang ngayon, may bisa pa rin ata yung hangover sakin. My head really hurts..

"Uy, hindi ka pa uuwi?"

Nawala bigla yung sakit ng ulo ko, nandito na pala yung nurse ko e. Este. Siya. Si kumag. Ba't hindi na naman sila magkasama ni Iris? Ya! I think he missed me! KIDDING. "Ah, h-hindi pa." Pero hindi ko mapigilan. Masakit pa rin yung ulo ko e. Kaya eto, napapahawak pa din ako sa ulo ko. "Anong masakit?" PUSO KO. PUSO KO MAY SAKIT, KUMAG KA NA, MANHID PA.

Pero hindi ko naman sinabi yun no.

"Ulo ko. Meron pa rin ata akong hangover.. " I didn't look at him while I said that. Baka matunaw lang siya sa harap ko e.

"Tss. Naglasing pa kasi e." Narinig ko yung footsteps niya, papalapit sakin. Eto na naman siya, si Prince Charming. Haay nako. Mas lalo mo pa akong binibigyan ng sakit sa ulo, kumag! Alam mo ba yun?!

Hindi ko namamalayan. Minamasahe niya na lang pala ang ulo ko. It feels like I'm in paradise! HAHA. With him, of course. Basta nakakarelax. Aba, may future ang kumag na to sa mga spa!

"Pwede ka nang reflexologist." pabiro kong sinabi.

"Sus. Hindi na kailangan, sideline ko lang to." tumawa siya ng unti. How manly. Nahuhulog na naman ako...

"Ok na. Salamat." Tatayo na sana ako para umalis na dun. Hindi ako makatagal dun no? At kasama ko pa siya, haay.

Pero hindi ako makaalis kasi..

Hinawakan niya ako sa braso ko, "Tia.." Ano na naman yun Jeremy? Tungkol ba yang sasabihin mo sa inyo ni Iris? Hindi mo ba alam kung gaano kabigat ang pinagdadaanan ko ngayon? Ikaw lang ang dahilan ng lahat. Sana alam mo yun. Sana. Sana.

Puro na lang SANA! Pwede bang totohanin na lang? "Sinabi mo nang gabing nagcelebrate tayo..

"P-pourquoi ai-je jaaamais tombeeer p-pour toi? Anong ibig sabihin nun?" nagkamot pa siya ulo. Teka, teka. May mali sa sinabi niya. Medyo hindi niya pa kasi mabigkas ng maayos.

Pourquoi ai-je jamais tomber pour toi? Yun nga! Wait..

SINABI KO YUN?! OMG!

"K-kailan ko sinabi yan?" Honestly, I didn't remember saying that to him! "Nung lasing ka pa." Ah, kaya pala. OMG. NAKAKAHIYA TALAGA! I actually said that to him nung lasing ako..

Oh well, Drunk people are also honest people, they say.

"Huy, ano bang ibig sabihin nun?" kinalabit niya pa ako. He shouldn't know.. Not now.

"Ah, yun lang ba? Ibig sabihin nun..

ANG PANGIT MO!" tumawa ako ng unti. What can I do? Yun na lang ang palusot para hindi niya alam ang totoong meaning.

"Weh? Hindi nga?" He looked at me suspiciously.

"Oo nga! Ba't ba curious ka?" He's effin curious. He really wants to know? Aish! "E kasi akala ko--" naputol yung sasabihin niya kasi..

"Jek! You're here lang pala! I kept looking for you! Ihatid mo na ako. Mommy's finding me at home na." Gahd. Taglish na taglish ang lenggwahe niya ha. Hmp.

You guessed it right..

It's Iris.

Seriously, everything's going fine between me and Jeremy. Tapos susulpot na lang siya bigla? Haay nako. Kontrabida lang siya sa love story namin! Este-- wala palang love story. Nangangarap na naman ako. >_____< "Ay oo nga pala, Iris. Tara na? Sige, bye Tia..

Ingat ka." Yeah, goodbye to you, too. Oo, magiingat ako kasi kaya ko to. Pero mag-ingat ka lalo kasi babalik ka na naman sa kanya..

Eeeep. After a bit of happiness, laging may kasunod na sadness. Bakit ganun na lang parati?! Ang malas malas ko talaga sa lovelife. First is Alvin, ngayon ang kumag. Hindi pa kuntento ang tadhana sakin.

Coz cruel fate still wants to play with me.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko.. Ang totoong meaning ng..

"Pourquoi ai-je jamais tomber pour toi?"

Why did I ever like you?

30:

Wala nang masyadong tao sa school dahil dismissal na. Kaya eto, hindi muna ako uuwi.

Buo na kasi ang desisyon ko..

"Hoy kumag!" Nadatnan ko naman siya dun sa may tambayan ng barkada nila. As I've said, I made up my mind. I'll confess to him na. Hindi ko na ma-take e, baka sumabog na ako pag hindi ko pa inamin. Tama si Enzo, I'll do what's for the best.

Bahala na lang ang magiging sagot niya...

"Oh?" He looked at me seriously.

Suddenly, ayoko na tuloy umamin! E kasi naman. Parang nahiya na naman ako sa harapan niya. Psh. I'm nervous, you dummy.

Umatras na lang ako, "Never mind."

"Tia, ano yun?"

"Wala. Never mind na lang." I said. Parang natatakot na kasi akong sabihin sa kanya. Gahd.

Pero hinawakan niya ako sa magkabilang braso para pigilan ako sa pagwalk-out.

"Tia, deretsuhin mo nga ako. Ano ba yun?" Aish. Ang seryoso niya. Parang galit pa nga e. What will I do? Haay nako. Kasalanan ko kasi e. Bakit ko pa kasi siya tinawag? Kahit kailan ka talaga, Tia.

"Wala akong dederetsuhin sayo kasi wala naman talaga akong sasabihin sayo."

"Hindi nga! Wag na tayo maglokohan dito, Tia."

He really want to know?! He really does?! OK fine!

"GUSTO KITA!" Ay hindi. "MALI PALA, MAHAL KITA! ANG MANHID MO."

*poof!*

"ANAAAAAAAAAAAK!"

Homaygash. Nagising naman ako sa paghiyaw ni Mamu. Akala ko totoo na yun. OMG. Akala ko umamin na ako sa kanya. It's just a dream, Tia. Thank God!

Kaso hindi naging maganda ang umaga ko..

"ANAAAAK! GISING NA!" Mamu, my alarm clock! Times ten of the alarm clock pa nga e! Pero I'm so thankful of her voice kasi nagising din ako dun sa panaginip kong yun.

Tinakpan ko yung mukha ko ng unan. Ang ingay naman kasi ni Mamu e, umagang-umaga, distorbo na agad.

"Get up! May pasok ka pa!" Mamu shouted.

I looked at the clock on the side table. What the heck?! 5:00 am pa lang? Ginigising na agad ako ng magaling kong nanay!

"Mamu! Still early! Still sleepy!" sabi ko. Nabibingi na ako kay Mamu. I realized na may pinagmanahan pala ako sa boses kong maganda? Woo. Tinalukbong ko ang sarili ko ng kumot. Ang lamig pa ng aircon. Aish.

"Ayaw mo ha? Ba't kayo nag-break ni Jeremy?" Fine, babangon na!

"GIGISING NA PO--- WHAAAAAAAAT?!" dahil dun, napatayo na talaga ako.. dahil sa sinabi ni Mamu.

"Mamu, we're not meant to be. End of story. " Nag-ayos ako ng higaan ko after kong sabihin yun.

We're not meant to be. End of story. Yeah, nice reason huh?

Besides..

We'll never be taken by each other. Pretty much impossible. Hanggang pangarap ko lang talaga siya!

"Sayang naman! Basta I like him for you. Dapat pag-usapan niyo ng mabuti kung bakit kayo nag-break.. There could be a second chance between you and him, right?"

Mamu has a point, anyway. Pero I know just one reason, one word kung bakit kami nag-break.

IRIS.

Am I right? Di ba? Siya lang naman ang dahilan e. He needs to go back to her.

Siyeteeeeee. I don't wanna cry.

Pero dahil sa talent kong pagpigil ng pag-iyak, ginawa ko na lang ang aking morning rituals.

"Mamu, I'm off to school! Bye!" Kiniss ko naman sa cheeks si Mamu. Wondering where's Papu? Bumalik na ng Paris. He had to work e para sa aming future living no. Anyway, susunod din si Mamu after a few days. Huhu. Forever alone na naman ang drama ko niyan.

And for all you know, ok na yung sprain ko! I'm totally good. Makakapaghead stand na rin ako, sa wakas! HAHA. Kidding. Basta, I love walking na! ^______^

"Tia, ayos na pala yang paa mo e." si Mr. Cute na naman. Laging kaming nagkakasalubong papuntang school. We're destined, you know?

AS IF.

"Yeah. Ang saya ko nga e! No more crutches!" Heard me, right?

Tumawa na lang siya, "Mukhang lagi kitang naabutan papuntang school ha. Baka pinagtagpo tayo."

And he just said it. Isa pa siyang psychic e. Magsama sila ng kumag. HAHA.

"Nah, just kidding." he chuckled tapos ginulo niya yung buhok ko. Ano ba yan?! He loves ruining others' hair!

"Hindi ka naman mahilig manggulo ng buhok ng may buhok, ano? May sariling buhok ka naman na pwede mong guluhin ha!" sabi kong natatawa pa ng unti.

"Sorry naman! Hindi ko mapigilan e." He smiled again. OMG. Ang cute niya! "Tsaka mas bagay kasi sayong nakalugay."

He removed my ponytail. Ano bang lalaking to! Pakialamero ng buhok! Buti na lang cute siya e, kundi baka nasubsob ko yung mukha niya sa may lupa. Ha!

"Hey, stop touching my hair!" tumawa naman ako ng unti. Tapos inayos ko yung buhok ko. Siya kasi e!

"That's better." ngumiti siya ulit nang nakakamatay. Joke.

Eto ako, nakalugay. Lagi kasi akong nakatali ng buhok e para walang napupunta sa mukha ko. Gets? Tsaka hello?! Ang init init dito sa Pinas! Alam niyo namang summer na summer dito e.

"Pwede bang lagi ka na lang nakalugay? Mas bagay e!" sabi niya. Seriously? I like my hair fixed rather than nakalugay. I look like Sadako! HAHA.

"Fine." Sabi mo e. Ngumiti na lang ako.

Thursday, 8:00 am

Ayun, pumunta naman kami ng classroom. Of course, the usual. Makikita kong nandun na ang dalawang ayokong makita.. Iris and Jeremy. Hindi sila magkatabi, pero parehas na kasi silang nandito.

I sat on my place. Tahimik na lang ako para hindi ako kulitin ng kumag na to.

"Psst. Tia."

"Ano?" I looked at him. Haay nako. He never stops. Ano bang kailangan niya? Tsaka sabi ko ngang tatahimik na lang ako e. Pero-- Gahd. Syempre, siya kausap ko e. Hindi ko rin mapigilan basta siya.

He looked at me for at least 5 seconds, natutunaw ako! OMG. Stop staring, you pabo!

"Suot mo pa pala." he smirked then he faced back to our teacher discussing.

"What?" tinignan ko naman siya ng nagtataka.

Seriously..

ANONG SUOT KO?! HINDI KO SIYA GETS!

I looked at myself, pasimple lang. Naisip ko na baka inuuto lang ako ng kumag. Nothing's wrong with what I'm wearing naman ha!

Pinoke ko siya, light lang.

"Kumag, wag mo nga akong utuin."

Then he smirked again. Gahd. I don't get him, really.

P.E. CLASS, 10 am

It's time for P.E. Class. Actually, we have an activity ngayon e. Buti na lang talaga at magaling na ako. Kundi baka nakakakuha pa ako ng 75 as grade ko sa P.E. Mamu't Papu would kill me if that happens..

Nah. They won't! They love me! ^________^

Anyway, nandito kami sa field ngayon. Sir Jimmy left us for their meeting. Ang P.E. activity namin ay- the girls will play volleyball sa field while the boys will play basketball naman sa may gym.

"Bes, ok ka na pala! Great. Let's play!" bes said to me.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

Sorry, Enzo. I have to tie my hair kasi may game e. Kaya eto, ngayon ko lang itatali ha? Ayun.

"OK. First and foremost, this game must be played fair and square. Walang away huh? Or you'll be dead." Iris said in a sarcastic tone.

Sows. Wala daw away or we'll be dead. HAHA. Hindi porque anak na siya ng may-ari ng school na to, nangunguna na siya sa paganyan-ganyan niya. At kung makapagsalita naman siya huh, feeling like a boss. Whatever. Fair and square daw e. Let's see..

"Split up into two teams!" sigaw niya. Coach ang dating ng bruha. Aish.

Ayun, automatic na lang. Nagkumpulan nga ang dalawang teams sa field. Here we go, the volleyball game starts.

"Go Tia, volleyball queen ka naman e!" I'm the captain of our team e. And si Iris naman ang captain ng opponent team. Parang naglalaban din kami kay Jeremy ha. Oh well.. For her information...

Volleyball is my game.

Ayun, we started the game. Medyo sablay pa nga mga tira namin sa umpisa e. Nung turn ni Iris, she did a spike na.. syempre, natira ko naman din sa kanila.

"Yun e!" Nag-appear kami ng teammates ko.

That's our score! And we're leading!

Ngayon naman, siya na ang magsserve ng bola. Malakas nga ang pagka-serve niya. Well, she's good, I admit.

At dahil hindi namin natira yun, equal na ang scores namin. Uh, may galit siya sa bola? O baka naman samin. Hmp. Scores are 9 and 9.

"Yeah! We scored!" sinabi niya yun. Hmp. Ang yabang ng dating niya huh. I don't like her.

Not even for Jeremy.

It's my turn naman to do the service. So ayun, napalakas ata ang pagkatira ko. Aamba na sana si Iris para tirahin pabalik yun but not..

Kasi tumama sa mukha niya ang bola! Oops. My bad. Hindi ko sinasadya yun.

Kahit natawa ako ng unti, may konsensya pa rin ako no! Nilapitan naman namin siya.

"Iris, are you okay?" sabi ni bes ko. Bes talaga, she's not.

"Sorry! I didn't mean that. Napalakas lang talaga ang pagkatira ko kaya hindi ko sinasadya yun!" I said to her. Ok. She's bleeding. I meant, her nose is bleeding. Hindi naman pala ganun kalala e, ice lang naman cure niyan.

"You! Look what you did! Nagnonosebleed tuloy ako!" sigaw niya sakin.

Aba! What a nice reply huh? Ako na nga etong nag-aalala sa kanya! Tapos aarte siya sa harap ko? Psh.

"Sorry nga! Hindi ko sinasadya yun. I didn't do it on pur-" I said sorry to her again. Babaeng to, ang OA!

"You really want a fight? Tss. Let's just make this game fair and square." Naputol pa yung sasabihin ko nung kinuha niya yung bola at ayun, nasapol sa mukha ko. Gahd! What's her problem?!

"Aray!" napahawak ako sa mukha ko. Sa totoo lang, mas masakit pa ang pagbato niya. Tuloy! Nagnonosebleed din ako. Pinunasan ko naman yun gamit ang panyong bigay ni Enzo which I kept with me, always. Forgive me, Enzo.

OMG. If you could just see her face right now, she's mad. She really wants a fight, huh?

Nilapitan naman ako ni bes, "I'm alright." Tumayo ako ng maayos para sabihin sa kanya na..

"Ano bang problema mo ha?! At bakit kailangan mong gumanti sakin?! Sinabi ko na ngang hindi ko sinasadya yung pagkatira ko.. Tapos ngayon, yan ang gagawin mo sakin?! Gahd! And what you did was not actually fair and square! Coz you did it on purpose. Your bad." Hmp. Pasalamat kang babaeng ka, hindi kita pwedeng galawin! I know how big deal you are to Jeremy.

I cooled a down. Nakakainis. Kakagaling lang ng paa ko, ngayon naman yung ilong ko, nagdurugo pa. Nako!

After what I've said to her, I saw her, she's crying..

Deym. She is crying?!! Ako pa nga ang dapat umiiyak e after what she did! Ako pa ata gusto niyang palabasing may kasalanan!

31:

Why the heck is she crying?! Ugh. Kumuha ako ng bimpo at binasa to para malinis yung ilong ko. It's her fault. She started all this drama! Kakainis.

"Ang sakit.. May galit ka ba sakin? Why do you have to serve it that hard?" humahagulgol naman siya. Eff? Ang arte niya na! OA much!

"Wala akong galit sayo. Sinabi ko namang hindi ko nga talaga sinasadya yun!" sabi kong pasigaw. She really got me on my nerves!

"Liar!" Baka ikaw! Hmp.

Haay nako. Pigilan niyo ako. Kung hindi lang to gusto ni Jeremy, baka naresbak na namin siya ni Zen or worse, pina-hostage na namin. Joke. Syempre, hindi ako ganun. I would never do that. Pero siya naman kasi e! At ang kaartehan niya, pinapairal niya pa!

"Anong nangyari?" Hala. He's here with the other boys. Tapos na pala silang magbasketball. I bet they saw her drama.

Nilapitan naman ng kumag si Iris, "Bakit nagdudugo ang ilong mo?" he said to her. At si Iris naman, nagacting na parang nagmukhang kawawa sa harapan ng kumag. What is she doing?! Siya may pakana ng lahat ng to! "Siya..." tapos tinuro niya ako kaya napatingin ang kumag, "She's mad at me, Jeremy. And I don't know why!" humagulgol naman siya.

Darn her. I hate her! "Listen! Hindi ako galit sa kanya! And for the nth time, I'm telling you na napalakas ang pagkatira ko sa bola! Ginantihan pa nga niya ako oh, see?" Pinakita ko na nagnonosebleed ako, "Tapos-" "Enough! Tumigil ka na nga, Tia!" Now I can see, he's mad. Don't tell me, siya ang kakampihan niya. Aish. Nauto naman tong kumag? Naman!

"I'm telling the truth, ok?! Pwede bang makinig ka muna sakin o kaya tanungin mo sila!-" sabay turo ko kina Zen. Buti talaga at walang teachers.

He's really mad, I tell you. Wala akong ginagawang masama tapos siya pa ang may ganang magalit sakin ng ganyan.

"Sinabi ko naman sayo na gusto ko si Iris di ba?! Mahirap bang intindihin yun?! Tapos ngayon, makikita ko na lang na nasasaktan siya dahil sayo. Siguro nga, gumanti siya dahil ang lakas ng pagkabato mo ng bola! Kasalanan mo yun! Ba't ba may galit ka sa kanya?!" dere-deretso niyang sinabi! Aish. I can't take it anymore! Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko, e di wag! "Look! I don't care if you listen to me. Basta God knows who's telling the truth. And make sure to ask others first bago ka magalit sakin!" Aakma na sana akong sasampalin siya but I can't. Hindi ko magawa. Lahat ng mga salitang ibinato niya sakin, sobrang tumagos dito. *points at chest* I had nothing else to do but to..

Walk-out. Di ko namamalayang tumulo na naman ang mga traydor kong luha. Pinunasan ko naman agad. Sa buong period, hindi ako umimik. Tahimik lang ako. Ayoko nang magsalita. Hindi ko rin siya pinansin at kinausap. He won't believe me, anyway. And what for? Para sabihin niya sakin na sinasaktan ko si Iris. It's her deym fault, from the very start!

DISMISSAL

Umalis naman agad ako ng school at tumungo sa may park. Dun ako sa swing nag-eemote. I just really need some time, alone.

At hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung mga nangyari kanina. Buti nga hindi na nakarating sa teacher e. Baka lumala pa. Anyway, dun naman siya sa side ni Iris e. So what? He doesn't believe me. E di, dun siya! Magsama sila.

Gagamitin ko na sana yung panyong bigay ni Enzo kaso kailangan ko pang labhan yun dahil may mga blood stains yun nung nagkanosebleed ako kanina. Kaya eto, hinayaan ko na lang tumulo yung luha ko. No one bothers to see me, anyway. Ilalabas ko na lang lahat dito, lahat ng sama ng loob ko.. lalo na sa kumag na yun!

"Tia." Eto na naman ang aking knight-in-shining-armor. Tumabi naman siya sakin kaya umupo siya sa kabilang swing.

"Enzo." Pinunasan ko ang luha ko, para hindi halata. Tumawa pa nga ako e.. pilit lang.

"Lagi na lang kitang naabutang mag-isa ah. Hulaan ko, hmmm... si kumag na naman?" he's a good guesser, psychic pa! Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

"Wag kang ngumiti kung hindi mo kaya." inabutan niya ulit ako ng panyo. OMG. Pangalawang panyo na to, HAHA. Nakakahiya nang tanggapin sa kanya.

"No thanks." ngumiti na lang ako.

"Ang galing mo talagang magpanggap. Halatang-halata ka e. Sige na, tanggapin mo na." Fine! Kinuha ko naman yung panyo tapos pinunasan ko yung mga luha ko.

"Ano bang ginawa nun sayo? Ah- wait. Nung P.E. time ba?" sabi niya. Paano niya kaya nalaman? "Paano mo nalaman?"

"Narinig ko lang kina Chase kanina." sabi niya kaya tumango na lang ako, "Ano bang ginawa sayo?" "Pinaniwalaan niya lang naman si Iris. Syempre, mas kilala niya yun e. No wonder, si Iris ang--" "Ang drama talaga ng babaeng yun." tumawa naman siya. So that means, nasa side ko siya? Yay! May kakampi na rin ako bukod kina Zen.

Natahimik naman kami for a while. Then nagyaya naman siyang mag-mall kami. Ang sabi ko naman, 'Sure.' I need to relax. I promise..

Iiwasan ko na talaga siya. Hindi ko na siya kakausapin. Baka kasi pag kinausap niya ako, puro masasakit lang na salita ang marinig ko sa kanya. Enough na yung narinig ko kanina.. I don't care, anyway. Parang ako na nagiging manhid dito. Haaaay.

"Tara, greenwich tayo!" yaya niya naman sakin. Kaya tumango ako. Alam niyo yung feeling na parang nawala na lang bigla yung sakit kasi kasama mo yung kaibigan mong alam mong laging nandiyan para sayo. Pero syempre, may konting bakas pa rin ng sakit. Hindi maiiwasan yun. What I'm saying is, parang nabawasan yung sakit na nararamdaman mo kasi nandiyan siya para dumamay sayo. Yun yun e.

Siya si Enzo.

Ngumiti na lang ako at kumain ng favorite kong Hawaiian pizza, "Ang sarap lumamon ngayon! Ikakain ko na lang to!"

Tumawa naman siya, "Ang takaw mo pala! Mauubos mo na yung isang box oh!" Ngumiti naman siya nang nakakaloko. HAHA. Pamatay na ngiti talaga. Ang cute niya pa! "Sorry, gutom lang." pabiro ko na lang sinabi. Let me give you a tip. If you have a problem, eating is the solution. ^_________^

"Pansin ko nga. Tara, nood tayo!" Alam niyo bang libre niya ang lahat ng to? Nakakahiya nga e pero he offered naman so tinanggap ko na lang. Anyway, at least nakapagbonding din naman kami kahit papaano no?

We watched Happy Feet. HAHA. Para naman maaliw kami no? I'm not in the mood for drama and romance. I'm fully quenched na kasi nung napanuod ko yung drama kanina ni Iris. HAHA. Kidding.

Anyway.. Hinatid naman niya ako sa bahay. He's so gentleman talaga. Siya pa yung nagbukas ng pintuan ng sasakyan nila para makababa ako. O di ba? Saan ka pa? No wonder. Mas lamang talaga siya kay Jeremy. Pero..

My mistake, I think I fell for the wrong one.

Anyway..

"Thanks for this night, Enzo. I really enjoyed it!" ngumiti naman ako. Not a fake one. Seriously, masaya ako at nakapagbonding kami ni Mr. Cute ^____^

"No problem. Basta mapangiti ka." he winked at me. Gahd. Nakakatunaw! Oh well, sumakay na ulit siya dun sa sasakyan nila.

Pagkatapos umalis nung sasakyan ni Enzo, napatingin ako sa may bandang left side ko. Nakita ko na naman siya. Biglang bumilis ang heartbeat ko, tsaka parang may tumutusok sa dibdib ko.

"Jeremy.." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Bakit ba siya nandito? Dahil naniniwala na siya sakin? Does he believe me na? Will he tell me na alam niya na yung buong katotohanan?

or NOT?

"..." Tahimik lang siya. He looked at me seriously. "Ano kailangan mo? Ba't nandito ka?" I looked at him nang nagtataka, hindi siya umiimik. Ano ba na naman tong batong to! "Wala? Sige, papasok na ako." I said coldly. "Tia..." Hinawakan niya yung braso ko para pigilan akong pumasok. Just tell me if you effin believe me! "Naniniwala ka na ba sakin?" "Hindi." Ouch. Malamang, dun pa rin siya sa side nung babaeng yun. Haay. He really fell for her drama.

"Ano bang sasabihin mo?" I asked. Naiirita na ako. Kung hindi naman pala siya maniniwala, bakit pa siya nagpunta dito? Ano bang sasabihin niya? Magbibitaw na naman ba siya ng masasakit na salita? "Tama na, Jeremy. I'm tired."

I sighed.

"Don't ever touch Iris. You know how important she is to me." Yun lang ba ang sasabihin niya?! Napailing naman siya nun, "At... kapag nangyari ulit yun...

Hinding-hindi na kita papansinin. At iisipin ko na lang na hindi kita nakilala." he said that after niyang bitawan ang braso ko.

"Yun lang ba?" nasabi kong habang mangiyak-iyak na ako. Pero hindi ko na lang pinahalata. Gahd. He's so full of it! E di dun na talaga siya kay Iris! Mas gugustuhin ko pa ngang hindi ko na siya makita para hindi na ako masaktan.

Tumango siya.

"Does that mean na pinapatawad mo na ako? Alam mo ba ang totoong nangyari?" I asked him without looking at him.

"Hindi pa kita pinapatawad. Iris told me everything. Ayun, sobrang sakit daw ng pagkatama ng bola sa kanya kaya--" Bola bola. E ikaw nga binobola ng Iris mo e! "Fine. E di siya na nagsasabi ng totoo. I don't wanna blame you kung siya ang paniniwalaan mo." "Basta pinalagpas ko na yun. Pag nangyari lang yun ulit..

Hindi na kita kilalanin pa. Tandaan mo yan." Binantaan niya na naman ako ng masasakit na salita. Hindi niya ba alam na mas sobra pa nga yang mga sinabi niya kesa dun sa pagkasapol ng bola sa mukha? Ang manhid niya talaga. Kay Iris lang siya concerned. Ni hindi niya man lang pinansin ang nose injury ko kanina.

"Bye." sabi niya tapos nagsimula na siyang maglakad palayo.

Naglakad pa siya papunta dito para lang sabihin sakin yan?! Haay Lord. Ano na po bang gagawin ko? He really trusts that girl, don't he? Pwede niyo po bang untugin sa pader yung kumag na yun at nang magising siya sa katotohanan. Pumasok naman ako sa kwarto ko at dere-deretso lang ako sa may kama. Tumutulo na naman ang mga luha ko. Ginamit ko yung panyong bigay sakin ni Enzo.

I slowly closed my eyes while crying softly...

Sana si Enzo na lang talaga...

32:

Friday na ngayon. Haay. Ba't kasi may pasok pa e! Yan tuloy, makikita ko na naman ang ayaw kong makita. Sana nag-weekends na lang. Para makatulog lang ako sa bahay magdamag.

Anyway, I don't have a choice but pumasok. Magalit pa sina Mamu sakin e, babalik na nga siya sa France next week. >______<

" Hello Tia!" nagulat naman ako sa nakasalubong ko. Si Tristan. That's new, right? "Hey Tris!" tinignan ko naman siya with a smile.

"Sabay na tayong pumasok ng classroom." Tumango na lang ako. Himala ha? Si Tristan ang nakasabay ko. But I know there's something he need kaya niya ako nilapitan. Ganun naman mga tao, di ba? "Tia." Nag-stop kami sa paglalakad. "Kailangan ko ng tulong mo.." Wow! After helping MJ, may bago namang recruit? At eto na nga si Tristan. Hmm, mukhang alam ko na ang gusto niyang mangyari..

"Wait, let me guess. It's about Ciara and you no?" Namula siya pero pinipilit niyang hindi ipahalata! Aww! Mukhang bata din tong si Tris. Ang cute. No wonder, bagay talaga sila ni Ciara.

"So tama nga ako?" "Ganun na nga." he grinned habang nagkakamot ng ulo. Hangkyot.

"Uhm, so kaya mo ako nilapitan para?" "Gusto ko sanang maging close kami. Pero hindi ko magawa yun kasi nahihiya ako sa kanya."

Grabe ha! Sabi na nga bang may spark sa dalawang to e. Pero hindi pa siya dun sa step ng panliligaw.. Getting-to-know pa lang kumbaga. So bridge talaga ang role ko sa kanila ha! Dapat may ganitong position sa mga class officers e! Mahirap kaya ang responsibility no? And we're talking about love here!

"Not a problem! Let's put it this way, meet me at the library after class. And my role here is done!" Ngumiti naman ako sa kanya. Since, nandito na ako sa classroom. Umupo naman ako sa pwesto ko.

"Salamat Tia! Botong-boto na talaga ako sayo para kay Jek e!" Uh, the forbidden name has been said.

I faked a smile na lang. Umupo naman siya sa seat niya.

Aish. Pag narinig ko ang pangalan niya, parang gumuguho ang mundo ko. At naalala ko lang lahat ng mga masasakit na ginawa niya sakin. Although words nga, pero nakakasakit pa rin yun sa damdamin no! At isa pang katulad niyang nagugustuhan ko ang magsasabi sakin nun. Haay.

Since hindi pa naman nagsisimula ang klase, pumunta ako sa CR para himasmasan ang sarili ko. I need to refresh myself. Humarap ako sa mirror at inayos ang buhok ko.

"HAHAHAHA!" I just heard a laugh from one of the cubicles. Teka, evil laugh yun e! And I'm so familiar of her voice. Parang may kausap siya sa cellphone niya.

'Wait. Si Iris yun ha.' naisip ko. Siya lang naman ang kilala kong nag-eevil laugh e.

"Yeah. If you were just there! You must have seen her face! How pathetic! I even got a feeling na nanakawin niya pa si Jeremy! Excuse me, he'll be mine na ha! MINE." After that, nag-evil laugh ulit ang bruha.

Wala siyang kasing sama talaga. Sinungaling na siya, bruha pa. I hope Jeremy would hear what she's saying right now. Pero dahil sa talent ni Iris na mambaliktad ng storya, mauuto lang din ang kumag. I'm so tired of that. Ako rin naman ang palalabasing may kasalanan... o kaya dahilan ng LQ nila. Psh. Kaya hindi ko na lang idadamay sarili ko.

That Iris. Beytsh.

Umalis naman agad ako ng CR at baka makita pa ako ng loka-lokang yun. Isumbong pa ako sa 'Jeremy' niya. Hmp. I don't care. Wala na akong pakialam sa magiging reaksyon ni Jeremy.

Or not.

Pagbalik ko ng classroom, umupo naman agad ako sa chair ko. Nandito na pala ang kumag pero hindi ko siya katabi. Kaya one seat apart ang pagitan namin. Absent kasi si Chase ngayon e, kaya dun siya umupo sa pwesto niya.

Sa di inaasahang pangyayari, tinawag niya ulit ang pangalan ko.

Epal ka talaga, heartbeat. Kahit kailan.

"Tia." tinignan niya ako ng napakaseryoso.

Hindi naman ako kumikibo. Kakausapin niya ako para saan? Ayoko na siyang kausapin. Itutupad ko na nga ang promise ko di ba? Oo. Tama yan, Tia. Wag mo na siyang pansinin.

May binato siyang papel sakin. Hmp. May gana pa siyang mambato ha! I was about to crumple it pero-

"Please, Tia. Wag mong itapon yan." he was sincere in his voice. Ano ka ba, Jeremy?! Tigilan mo na nga ako. Nagbuntung-hininga ako. Hindi ko pa rin siya tinitignan. I guess I'm just giving him the silent treatment. Hindi pa rin ako nakakarecover sa nangyari kagabi, sa mga pinagsasabi niya.

Ano kaya nakasulat dito? Haay. Crinumple ko pa rin kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayun. Natapos ang dalawang periods.

LUNCH

Umalis naman sila papuntang canteen. Kaya nag-stay ako ng saglit sa classroom habang hawak hawak ko tong letter. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung babasahin ko to o hindi e. Baka kung ano na naman sasabihin niya sakin.

"Bes, don't throw it. If I were you, just read it, okay?" bes said to me. Bakit? She knows all of this? Kaya tinignan ko siya nang pag-aalinlangan, "Listen to him bago lumala ang lahat." she smiled to me.

"Sige. Mauna ka na sa canteen, bes." tinap niya ang balikat ko tapos umalis na siya.

Ano ba? Babasahin ko ba to o hindi? Sigh. Wala naman sigurong masama di ba? Bahala na.

I opened the paper na crinumple ko.

'Tia, let's talk. Serious talk.'

Aish. So may pa-serious serious talk na siya. Hindi pa siya nakuntentong kausapin ako't saktan ako? After what he did...

Hindi ko talaga siya matiis. Kaya umalis na ako ng classroom para hanapin siya. Oo na, kakausapin ko na siya. Serious talk naman daw e.

"Tia..." Naramdaman kong may humawak ng braso ko kaya napa-stop ako sa paglalakad.

"Jeremy.." napayuko na lang ako. Naghihintay lang pala siya sa labas ng classroom.

"Tara." sabi niya. Tapos hinila niya ako papunta dun sa may tambayan nila. Exclusive daw to para sa barkada nila, pero nagpapasok siya ng iba na tulad ko? Oh well.

Umupo naman ako sa may bleachers at tumingin sa sky.

Lord, Ano po bang gusto niya? Aamin na po ba siya sakin? Please tell me. Bago pa po ulit ako makarinig ng masasakit na salita galing sa kanya. I-warning niyo po ako kung maheheartbroken na po ako nang dahil sa kanya.

"Tulala ka naman." ngumiti siya ng unti pero ang hina ng pagkasabi niya. Parang hindi siya e.. What happened to his usual voice? Define awkward? This moment. Eto na nga yun.

Nakayuko lang ako, "Ano bang pag-uusapan natin? Tungkol kay Iris-?"

"Alam ko na e." tumingin siya sa malayo na parang naiilang.

Anong alam niya? Anong pinagsasabi niya? Anong hindi ko alam? Eff. "Sorry." Hala. Nag-sorry ang kumag sakin for the first time. Pero nakita ko ang pagka-sincere niya nun. Is he saying na naniniwala na siya sakin?

Tumayo ako, "Ako ba binibiro mo? Pagkatapos mo akong pagsalitaan ng hindi mo na kikilalanin at lahat. Isang sorry lang? Sorry can't take back what you have said." ngumisi ako. Oo, nahawa na talaga ako sa kanya.

"Hindi ako marunong sa mga ganito," napayuko siya, "It's my first time saying sorry to a girl. Pero Tia, I'm saying it in my most sincere way. Alam ko na ang lahat ng nangyari. Tinanong ko pa si bes mo." Kaya pala bes knows everything about that letter. At gusto niyang magkaayos kami ng kumag na to.

Kinapa ko yung bulsa ng skirt ko. Kinuha ko naman yung panyo ni Enzo. Baka kasi anytime, umiyak na lang ako bigla. Hindi ko rin alam.

"Naniwala agad ako sa kanya. Alam mo naman kung bakit e. Mas kilala ko siya. Pero hindi ko alam na nagbago siya, although gusto ko pa rin siya," Masakit yang sinabi mo, alam mo ba yun?! "Pero nung nalaman ko na ang totoong nangyari. Nagalit ako sa sarili ko nun, believe me. Kaya nga ngayon pa lang, gusto ko nang sabihin sayo na sorry talaga at nagkamali ako-" "Shut up, Jeremy." ngumiti ako ng unti.

Hindi ko alam kung bakit ginawa ko to but it's impulsive. Hindi ko napigilan ang sarili ko..

Niyakap ko siya.

Just to shut him up. Bumitaw naman kami sa pagkayakap namin. Baka may makakita pa. Honestly, hindi ko alam bakit ko talaga ginawa yun. Yan tuloy, napailing na lang ako. Nakakailang.

"Sorry, hindi ko sinasadya yun." I smiled a bit. Nakakahiya talaga.

"Wala yun," he smiled. OMG. He just smiled. Hindi na talaga siya si Jeremy na kilala ko. Mahinahon pa ang boses niya, "Pinatawad mo na ba ako?" Hindi ganun kadali yun no. After everything he said to me, papatawarin ko na lang siya ng basta-basta? NOT.

"Hindi." sumimangot naman ang kumag, "I have a condition para mapatawad kita." Nagkamot naman siya ng ulo, "Anong condition na naman yan? Wag na." "Ayaw mo ba? E di wag. Sana kainin ka ng konsensya mo." bumelat pa ako at mag-wwalk out na sana pero hinila niya ako.

"Gagawin ko yang condition mo. Mapatawad mo lang ako." umamo ang mukha niya. Aww, parang bata.

Hmm, readers? Sa tingin niyo? Anong condition ang ibibigay ko sa kumag na to?

I smirked.

"Lumuhod ka at mag-sorry sakin. Isigaw mo nang marinig ko ha!" Ok. What a dumb condition. Wala na kasi akong maisip. Buti na lang at simple ang gagawin niya no? Pag nagreklamo pa siya...

"Ayoko nga. Ako? Luluhod. ASA." kumag ka talaga! Ang dali na nga lang ng condition ko e! Pasalamat ka.

"Hoy! Ang simple na nga lang ng gagawin mo e. Ayaw mo, ayaw mo? Wag na nga lang!" tatalikod na sana ako nun.

"Oo na, gagawin ko na!" Nag-cross arms siya. HAHA. Ang sarap pagkatuwaan tong kumag na to. Joke.

"Go." Lumuhod naman siya sa harap ko.

1 minute

"Hoy! Hindi ka pa ba magsasalita diyan?" "Teka lang, nag-iisip pa ako e. Hindi ganito ang pag-ssorry. Dapat ganito." Tumayo siya at nilapitan ako. Ano na namang gagawin neto?!

"Sorry na, Tia. Patawarin mo na ako." he just..

HUGGED me.. when he said sorry.

Hindi ko na talaga siya matiis. Why are you doing this, Jeremy? Ang lakas ng heartbeat ko oh. Naririnig mo ba?

"You're forgiven."

DISMISSAL

Hay nako. Hindi pa ako kumakain since lunch. E kasi naman, nagpahila pa ako sa kumag na yun para patawarin ko siya. Oo na, mabilis akong magpatawad. Mahal ko siya e. Eto ako, pumunta muna ako sa canteen para makakain saglit. I ordered viand and rice para naman mabusog ako no? Nangangalahati na ako na sa kinakain ko nang...

"Well, hello Tia. Nice to see you again." umupo naman siya sa vacant seat sa harap ko. Psh. Hindi man lang nag-excuse na uupo siya. What do you expect?

Pinagpatuloy ko na lang ang paglamon ko. Never mind her. Wala talaga siyang magawang matino sa buhay niya, no? "So alam na ni Jeremy ang katotohanan. Pinalagpas ko lang yung pag-sorry niya sayo. Ako pa mismo nagsabi sa kanya na gawin niya din yun. Nag-sorry din ako sa kanya," Psh. FAKER. "But next time, pag may nangyari between you and me. I'll make sure na hindi na kayo magkakasundo. Ever." tapos ngumisi ang bruha.

Tumayo naman siya, "C'iao!" At nag-evil laugh. Yeah whatever. This time, hindi na ako magpapatalo sayo, Iris. Remember that.

Tumungo naman ako ako sa may library. I have a deal with Tristan, right? Sabi ko sa kanya na magbasa siya ng libro para props lang. Hehe.

But before that nilapitan ko si Ciara para samahan ako dun since I'm alone. And bes went home na rin, hinatid ng boyfie niya.

"Tia, may hihiramin ka bang book?" tanong niya. Tumango na lang ako. So nakapasok na kami sa library, nadaanan na namin si Tris. Pero hindi niya nahalatang siya yun kasi natatakpan ng mukha ni Tris yung librong hawak niya.

"Ciara, you sit here muna. Kukuhanin ko lang yung librong hihiramin ko." Actually, I do have a book I wanted

to borrow from this library. Novel siya e, Avalon High.

Pagkatapos kong i-sign sa may card, hawak ko na yung book at pinuntahan yung pwesto nina Tris.

"Ciara, I have a surprise for you." binulong ko kay Ciara. Ayun, inalis naman ni Tris yung book kaya nagulat si Ciara na nasa harap niya si Tris. Namula silang pareho.

"Guys, I have to leave you na. Mag-usap kayo ha!" pero dahil hindi sila pwede mag-usap sa library. Paniguradong aalis din tong dalawang to dito. "Thank you." bulong ni Tris. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanila.

Looks like I have accomplished another mission dahil naging bridge na naman ako ng dalawa. Naglakad naman akong palayo sa school.

I felt happy.. I don't know why. Basta naglalakad ako habang nakangiti. Bakit ba? Di ko rin alam e. Dahil siguro, ok na ulit kami? O dahil na-hug ko siya. I feel myself red again. Kasi naman e, I always feel warm when hugging him. Basta yun na yun. ^____^

"Mukha kang engot na ngumingiti diyan." sabi ng kumag. Sumusunod siya? Lumingon ako at tinignan siya, ayun. Nawala bigla. Halaaaa. Never mind.

33:

Friday night. Bukas na birthday ni Jam. I almost forgot na bibilhan ko pa ng regalo yung batang yun.

I prepared myself and everything. Kumuha na rin ako sa savings ko ng 1K para may pambili ako dun sa gift. If that kid only knows how I love her, baka binilhan ko lang siya ng key chain e. HAHA.

Anyway, I called bes and asked her kung pwede niya akong samahan pumunta ng mall. Kasi yun nga, I have to buy a gift for the kumag's lil sister. Tsaka ayokong mag-solong bumili. Mapagkamalan pa akong emotera. Psh.

"Sige, bes. Wait for me-- I mean us. Susunduin ka namin ni MJ sa may taxi terminal after 15 minutes, ok?"

"Ok, see you there." Pagkatapos kong ihung up ang phone. Dumeretso na ako sa may taxi terminal. What's taking them so long? 20 minutes na ang nakakalipas. Wala pa rin sila. Gahd.

*Bzzzt!*

From: Bes Zen Hey bes. sorry mllate kmi. kc nsira bgla ung kotse nina MJ kaya kelangan png dlhin un sa talyer. Dont worry, we called Jeremy already at pmayag na xang xa nln ssundo sau. btw, ssunod nln kmi sa mall. mwa! tc

So ang kumag na naman ang makakasama ko niyan? Haay. Bakit pa kasi nasira yung sasakyan nila e. Yan tuloy. I'm stuck with him agaaaaain.

*BEEP!!* *BEEP!!*

"Sakay na!" the kumag said.

May nakita akong taxi na nag-stop sa harapan ko kaya napatayo ako. Nandun na pala yung kumag, nagaabang. Sumakay naman ako sa taxi. Saktong pagkapasok ko..

*SILENCE*

Aish. Ang tahimik na naman. Hindi na talaga ako sanay pag ganito ang aura niya. Nako. Nasaan na yung Jeremy na nang-aasar sakin? Na-brainwash na ata siya ni Iris e. HAHA. Kidding.

"Ba't ang tahimik mo?" he broke the ice. Tapos ngumisi siya. Akala ko magiging bato na naman siya e.

I chuckled a bit, "Why? Masama na bang maging tahimik ngayon?" sinabi kong hindi tumitingin sa kanya. Nakakailang pa rin no. Tsaka yung heartbeat ko, nagtatatalon pa sa tuwa.

"Wala naman akong sinabing masama e. Ikaw may sabi niyan. Tsaka nakakapanibago e. Anong nangyari sa amplifier?!" I felt he smirked again.

"Pang-asar ka talaga e. Hindi mo pa ako titigilan sa amplifier na yan." "Hindi na pala amplifier. Ang hina na ng boses mo e. Anong nangyari sayo?" tanong niya. Ain't it obvious. Alam mo kung bakit ako natatahimik? It's because of one word. You.

Ayun, after a very teeny weeny conversation, silence won once again. Ayoko na ng ganito.

*RING!!!*

Buti na lang umeksena ang cellphone ko. Ang tahimik kasi e. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa bag ko.

Calling... Enzo

Eeeep. Why is he calling? Sinagot ko na naman ang tawag niya.

"Hey Enzo. Napatawag ka?" Nung narinig ng kumag ang pangalan ni Enzo, napatingin siya na ewan. Bakit kaya? Anyway..

"Tia, nasaan ka na ba? Naghihintay ka pa rin ba dyan?"he asked. "Ha? What do you mean?" "Tumawag bes mo sakin. Di ko nasagot. Nakakasampung missed calls na nga e. At may isang message na sunduin daw kita. Ayun. So nasaan ka na nga?" he asked.

"Eto papuntang mall." I said.

"Ganun? Sige, kita-kita na lang dun. Samahan na kita." Hala. OMG. Di niya pa pa alam na kasama ko tong kumag. Ano bang ibig sabihin niya? Bakit siya tinawagan ni bes? So he meant that tinawagan siya ni bes para sunduin ako pero hindi niya nasagot ang tawag niya. Kaya ang kumag na lang ang sumundo sakin. Gets niyo? Ako din, hindi e. Basta yun na yun.

I hunged up the phone.

"Sino yun?" tinanong ng kumag na hindi tumitingin sakin. Aww, is he jealous because of Enzo? Nah. Asa ka pa diyan.

"Si Enzo nga. Narinig mo naman kanina di ba?" I smirked a bit. This time, siya na babarahin ko. Kala niya ha! "Bakit siya napatawag?" He said but still not looking.

"Long story e. Nakakatamad ikwento. Basta susunod siya sa mall." I said. Natawa ako ng unti. I don't know why. Kumag's jealous, I think. Basta sa tono ng boses niya, I can feel it e. Pero sana nga, magselos siya kahit ngayon lang.

"A-ah.. Tara na." bumaba naman kami ng taxi. He paid for the fare, syempre! I saved my money for Jam's gift no. ^_______^ Nag-ikot ikot naman kami sa mall. We went to the department store. Ayun, tumingin-tingin ako sa mga damit ng pambata.

"Wag na damit. Saksakan ng dami ng damit nun sa bahay e." sabi bigla ng kumag. Paki niya ba? Hindi ko pa naman to bibilhin e. And for his info, it's my gift for Jam. Not from him.

"Mind your own gift, kumag." I said. Natahimik na naman siya.

I feel so good na I won again.. But still, I feel bad for him.. HAHA. Oh well..

"Dun tayo. Marami pang mabibili." Hinila na naman niya ako. Masakit malamang. Habit niya na ata ang manghila e.

So eto, we stopped by at Bear Cuddler. Hmm, mahilig ata si Jam sa stuffed bears e. Kaya dito niya ako dinala.

"Mahilig ba si Jam sa mga ganyan?" Tumango siya. I knew it. Remember last time, nakita ko si Jam na may hawak na stuffed bunny? Ang cute nun e. Anyway..

"Tia." I looked at him habang tinitignan niya yung malakng bear.

"Naalala mo ba yung regalo ko sayo? Baka tinapon mo na yun ah. Lagot ka sakin." sabi niya na parang bata. Ang cute niya talaga! Aish. If he only knew, hinding-hindi ko kayang itapon yun no. Lalo na't galing pa sa kanya. Tsaka sayang rin yung bear e. Malaki siya, soft and super cute pa!

"Asa ka naman. I love stuffed bears. Hindi ko itatapon yun." I smiled. Not fake, ok? Parang nag-ddate nga kami ngayon e! HAHA. Feel ko lang, bakit ba?

Akala ko mafafail ako sa kakasearch ng mga stuffed toys dun pero hindi pala kasi may nakita akong brown na bear. May hawak siyang heart! Ang fluffy. And hindi lang yun, may nakasulat na Jam sa heart. Nagkataon lang ba yun? o may ganitong bear talaga? Hinawakan ko yung bear. It's so soft. And cute! Eto na lang bibilhin ko.. Affordable naman e kaya ayun. Binayad ko na sa may cashier.

"Sabi na nga ba, yan ang bibilhin mo e." he smirked once again. Sana na-irecord na yan sa Guinness Book of World Records-- the Man who smirks most of the time. Naman! "Bakit? Bibilhin mo ba to?" tinignan ko naman siya nang nagtataka.

"Hindi. Meron na sanang bibili niyan kanina e kaso sinabi kong reserved na." ngumisi na naman ang kumag. Favorite expression e no?

"So you mean?" Tumango siya. Sabagay, sa sobrang cute ng bear na to. I'm sure marami talagang bibili neto. Pero buti na lang pinareserve nga ng kumag. Tsaka last piece na rin to.

After that, I had to go home. Ano pa bang gagawin ko? E nakabili na nga ako ng regalo, di ba? "Wag muna." hinawakan ako ng kumag sa braso. OMG. Nanlamig ako dun sa paghawak niya. Ya Jeremy! Stop doing that. Namumula na naman ata ako pero hindi ko na lang pinahalata.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Just tell me kung gusto mo pa akong makasama ng matagal. It's fine with me naman e." HAHA. Ang kapal ko. Ako na! Pang-asar lang yun, syempre.

He smirked. "Sus, baka ikaw. Nandito na sina MJ e. Kakatawag lang na kumain daw tayo sa food court." Ay oo nga, immeet pa namin sila pati si Enzo. Ayun, sumunod na lang ako sa pagkahatak niya.

He ordered two boxes from Greenwich, syempre favorite ko yun e. Libre niya nga daw. HAHA. I'm so lucky. Pero hanggang libre na lang ako...

Drama.

Naghanap ako ng table. Saktong dumating naman sina MJ, Zen and Enzo. Woah? Sabay-sabay sila? "I'm sorry, bes. Dumating pa si Enzo kaya ayun di ko napigilan." "Ako pa nga dapat magsorry kasi di ko nasagot yung mga tawag mo." dagdag ni Enzo. Kahit kailan tong lalaking to, nilulunod kami sa sorry. Ganun siya ka-bait e. "Stop it, guys. Nandito na tayo ok?" Nginitian ko naman sila tapos umupo sila.

"Ba't nag-iisa ka? Si Jek?" MJ asked.

"Nag-oorder."

Ngumiti naman sila ng nakakaloko. Ano bang mga to?! Malisyo't malisyosa.

"Tigilan niyo nga ako sa pangiti-ngiti niyo." iniwasan ko naman sila ng tingin.

Then the two boxes of pizza has came. Nalalanghap ko na nga e. OMG. Gutom na nga ako. I'm sorry but I just can't help it! I love Greenwich pizza e!

Ganito nga pala posisyon ng seats namin since magkaharap yung chairs.

MJ-Zen TABLE Enzo-Tia-Jeremy

OMG. Can't you just believe it? Naipit lang naman ako sa gitna ng dalawang super gwapo na itech. Oh well, sasamantalahin ko na lang tong moment na to! LALALA~

Lalagyan ko na sana ng ketchup yung pizza ko pero-- natapon sa may damit ko. Aish naman.

"Ako na magpupunas." Enzo said. "Ako na, di nag-iingat kasi." sabi naman ni Jeremy.

SABAY PA TALAGA SILA E! "Ako na!" kumuha naman ako ng napkin at pinunas yung ketchup na nagstain sa shirt ko. Ano ba to? Ako na careless. ^______^v

Habang kumakain kami, tinignan ko naman ang dalawa sa harap ko. They're like looking at me na basta ewan. Malisyoso at malisyosa talaga sila. Kaya bagay sila e! Natabig ko naman ang iced tea ko. Seriously! Ang careless ko. Ma-stuck ka ba naman sa gitna ng dalawang pogi! >______<

"Sayo na to, Tia." Enzo said with a smile. "Eto na lang, di ko pa naiinom." Jeremy said.

Gulp. Ba't ba kailangan nilang magsalita nang sabay?! Lupa, lamunin mo na lang ako oh! Eeeeep!

"Mag-tutubig na lang ako!" kinuha ko naman yung bottled water at ininom to.

Natapos na kaming kumain. Eto, naggagala kami. Alam niyo bang tahimik lang si Mr. Cute at si Kumag? Ano bang nakain ng dalawang to at ganito to? Pizza lang naman in-order namin ah!

Lord, sino po bang pipiliin ko? >_____<

Syempre, si kumag.

Pero--

"Guys, ikot-ikot lang kami!" Nag-wave ang dalawang lovebirds. If I know, nag-ddate sila.

Lord, Seriously. I'm stuck with these two guys.

EFF. "Gusto ko ng ice cream!" Papunta na sana ako dun sa isang stall nang-

"Ako na bibili." parehas pa nilang sinabi. "Ano ba kayo? May pera ako, ako na bibili." dumeretso naman ako pero naunahan na ako ng kumag.

"Paborito mo oh." inabot niya yung Cookies n' Cream na ice cream sakin. Alam niya na talaga ang favorite ko oh! "Salamat." I smiled.

Libre niya na naman! >________< Si Enzo? Di naman umimik. Ano ba yan? Pinapanood lang nila akong kumain ng ice cream dito?! Nakakailang

na kaya. Nag-ikot ikot naman kami. Ewan ko ba sa mga taong nadadaanan namin. Para kaming mga artista. Tingin sila ng tingin e. Oh well, I'm so lucky talaga. HAHA. Inggit sila.

SULIT ang day na to. Para kaming love triangle. Mahal ko yung isa tapos best friend ko yung isa. HAHA. Whatever.

Magna9 pm na pala. Kailangan ko ng umuwi para makapagprepare for tomorrow! Pero parang ayoko pa, may kasama ka ba namang dalawang gwapo e, papalag ka pa ba? "Uh, kailangan ko na palang umuwi. Baka hanapin na ako sa bahay e." Nag-stop naman kami.

"AKO NA MAGHAHATID SAYO."

Eeeep. Sabay pa nilang sinabi yun?! OMG. Anong gagawin ko?

34:

SATURDAY, 5:00 pm

"Happy Birthday Jam!" niyakap ko naman si Jam as I entered their garden. Yep, dun kasi sa garden gaganapin ang 5th birthday niya e. Oh well, eto ako niyayakap ang sister-in-law-- este si birthday girl. ^_____^

She smiled and na-reveal na naman ang kanyang oh-so cute dimples, "Thank you, Ate Paris!" tapos inabot ko naman sa kanya yung gift ko.

"Thank you so much ate!" niyakap niya ulit ako.

"Your welcome." sister-in-law said. HAHA. Kidding.

Umupo naman ako dun sa may pwesto namin nina Bes at Ciara. Guess what? Nagkakamabutihan na si Ciara at Tris. Oh well, I'm so happy for them both.

"Jek! Samahan mo naman ako kina Tita Mich at Tito Jef. Ibibigay ko na rin tong gift ko kay Jam oh." then she gave a flirtatious smile to Jeremy. Psh. Ang arte?

Sinundan ko lang sila ng tingin papunta dun sa parents ng kumag at kay birthday celebrant.

"Tia." nagulat na lang ako ng tumabi sakin si Mr. Cute. Yeah, heard me right? He's invited pala dito. Ininvite kaya ng kumag to?

"Uy! Nandito ka pala." sabi ko. Ang gwapo niya pa rin. Mas gumwapo siya sa semi-formal wear niya. Gaaaaaahd. Nginitian naman niya ako.

"HAHA. Ayaw mo akong makita?" nag-pout pa siya ng konti. Ano ba yaaaaan?

"Ikaw talaga! Nagulat lang ako no. Tsaka wala akong sinabi na ayaw ko."

To my surprise, namula siya. As in! E di mas lalo siyang gumwapo. Wow ha! Sige na, sila na ang kamatis.

"Pst Tia." paglingon ko.

Tinatawag na pala ako ng kumag. Ano ba kailangan neto?

"Bakit?" tinignan ko naman siya.

"Magppiano ka daw di ba?" Ay, oo nga pala. I said to them na magpperform na akong isang kanta for Jam since it's her birthday naman e.

Tumango naman ako, "Ngayon na ba?"

"Tinatawag na kaya yung pangalan mo." Hala. Kakahiya. Tinatawag na pala ako. So tumayo naman agad ako.

"Ba't nandito ka?" tanong ko.

"Bahay ko to e." nagsmirk na naman siya. Gahd. Pilosopo talaga kahit kailan to.

"I mean--"

"I-eescort kita." ngumisi na naman ang kumag.

Heard him? I-eescort niya daw ako. I'm so happy! Oo na, ang babaw ko. Bakit ba? So eto, ni-link ko yung arms ko sa kanya patungo dun sa platform dahil dun ako mag-pperform.

Nadaanan pa nga namin si Iris na tinarayan lang ako e. Sows. Whatever.

Nung nakaupo na ako sa harap ng piano. Binigyan nila ako ng lapel. (a/n: lapel - parang microphone na nakabit sayo. Gets?) Kasi hindi ko naman mahahawakan yung pag nagppiano ako.

Siya pa nga nagkabit sakin nung lapel na yun. Si kumag mismo. Ang lapit kaya ng mukha namin sa isa't-isa. Sana marinig man lang niya ang heartbeat ko. Haay.

"Good evening to all, especially to our pretty birthday celebrant, Jamilla Kaithleen Santos. I wanted to perform a number for you as my gift, too. Hope you like it coz I heard this is your favorite song." I smiled to Jam and she smiled back, too. Napatingin naman ako kay Jeremy na nakatingin lang sakin. Eeep. Nakakakaba ka naman oh!

Anway, sinimulan ko na ang pagpiano ko nung sa intro part..

Making my way downtown

Walking fast Faces passed And I'm home bound

Staring blankly ahead Just making my way Making my way Through the crowd

Tinignan ko naman si Jam and I smiled a bit. Wow! Kumakanta na rin siya! She really loves this song.

And I need you And I miss you And now I wonder....

If I could fall Into the sky Do you think time Would pass me by 'Cause you know I'd walk A thousand miles If I could Just see you Tonight

This time, yung kumag naman tinignan ko. Pero iniwasan ko agad siya ng tingin kasi ganun din ginawa niya.

Jeremy, I'd walk a thousand miles if I could just see you, not tonight. Not tomorrow. Everyday.

It's always times like these

When I think of you And I wonder If you ever Think of me

'Cause everything's so wrong And I don't belong Living in your Precious memories

'Cause I need you And I miss you And now I wonder....

If I could fall Into the sky Do you think time Would pass me by 'Cause you know I'd walk A thousand miles If I could Just see you Tonight

Dati pinapakinggan ko tong song na to kasi idol ko si Vanessa Carlton tsaka I love the tune. Ngayong pinapakinggan ko ulit siya, yung lyrics na mismo ang nagpapatama sakin. Bigtime. I know it sucks.

And I, I Don't want to let you know I, I Drown in your memory I, I Don't want to let this go

I, I Don't....

Making my way downtown Walking fast Faces passed And I'm home bound

Staring blankly ahead Just making my way Making my way Through the crowd

And I still need you And I still miss you And now I wonder....

If I could fall Into the sky Do you think time Would pass us by 'Cause you know I'd walk A thousand miles If I could Just see you...

If I could fall Into the sky Do you think time Would pass me by 'Cause you know I'd walk A thousand miles

If I could Just see you If I could Just hold you

I looked at him again. Iniwasan na naman niya ako ng tingin. Bakit kaya? Gusto niya na kaya ako? Psh. Define ASA.

After I played the piano, bumaba na ako ng platform. At nilapitan naman agad ako ng parents ni Jeremy. Homaaay.

"Thanks for that wonderful number dear, hindi lang yun gift para kay but for me too. Remember, may utang kang birthday gift sakin noon but you had given it already." niyakap naman ako ng mama ni Jeremy. Eeep.

Nginitian ko na lang siya. Maganda talaga mama niya kaya may pinagmanahan din etong si Jam. Anyway..

"Salamat po tita. Babalik na po ako sa seat ko."

"Hija, I know about your break-up. Pero sana ikaw na lang ulit ang pinili ng anak ko. I like you for him." hinawakan naman ako ng mama niya sa braso.

"Ma.." sumabat naman yung kumag. Haay. I know he doesn't like it. Psh.

Ngumiti na lang ulit ako ng.. pilit. Tapos bumalik na ako sa pwesto namin ni bes.

"Bes, ang galing mo pa rin mag-piano! Idol na talaga kita!" bes said to me. I know, idol talaga ako ng bruha to kaya ko nga bes to e.

"Tama. Nakakainlab lalo." sabi ni Enzo nang nakangiti.

1 minute

OK. Natahimik ako dun. Pero bigla na lang akong kiniliti ng bruha kong bespren kaya napaupo naman ako.

"Salamat na lang, Enzo." Actually, naiilang ako sa kanya. Nakakainlab daw? Hmm. Baka naman joke niya lang yun. Never mind.

Nag-dinner naman kami. Nag-lead ng prayer yung Papa ni Jeremy, may pinagmanahan din naman tong kumag na to eh. Kaya ako nahulog. Eeeep.

"CR lang ako." Nag-excuse naman ako sa kanila.

Nakita ko na yung Cr nang may nadaanan akong room kung saan nakarinig ako ng napakafamiliar na voice. I meant, two voices pala.

Jeremy and Iris.

It seems na may pinaguusapan sila. Serious talk, in other words. It was tempting, really. Kaya nilapit ko yung sarili ko at sumandal sa may pintuan. Ano kayang pinaguusapan nila?

"Jek, I'm serious. I love you. I really do. Words aren't enough pero kita mo naman sa kinikilos ko di ba? Nagseselos ako kay Tia tuwing magkasama kayo e." I feel like niyakap nila ang isa't-isa.

At parang may sword na nag-stab sakin nun, sa DIBDIB ko. I don't know why. But it hurts. It sucks more, really.

"Sus. Wala ka namang dapat ika-selos kay Tia e. She's just a...

friend." Narinig kong parang nagbuntong-hininga siya. Oh well, at least I'm just a friend on his eyes.

"Don't worry Iris...

I love you, too."

That's it. That's what I get for listening to others' conversation. In return? Makakarinig lang ako ng mga salitang hindi ko inaasahang lalabas. Pero nangyari na, wala na akong nagawa kund dumeretso dun sa CR. Wala akong dalang panyo. Aish. Kaya umiyak lang ako ng umiyak dun.

Ya Jeremy~ You really love her. Don't you?

"Ate Paris!" nagulat na lang ako nang tinawag ako ni Jam. Nandito pala siya.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko gamit yung braso ko. Psh. Wala kasi akong dalang panyo e. Yan tuloy.

"Why are you crying, ate? You're very pretty pa naman tapos iiyak ka? Sayang ang beauty mo." I kneeled down a bit at niyakap na lang si Jam. For now, siya lang siguro makakacomfort sakin.

"Wala to, Jam. Napuwing lang." natawa naman ako ng unti. Pero...

'Don't worry, Iris. I love you, too.' he said. And they live happily ever after. Morde. I hate this feeling. I hate this heart beating. I hate that I love him.

After kong mahimasmasan dun sa CR. I went back to my place, thinking na wala akong nakita, walang nangyari kumbaga.

Saktong pagdating ko dun, people were already on the dancefloor. They're partyin' like it's the end of the world. But I'm not in the mood. Coz you know what and why. Kaya umupo na lang ako sa may pwesto ko.

"Hey, ba't ka nag-eemo diyan?" Si Enzo. Natawa ako ng unti. Lagi akong nahuhuli netong mag-isa.

"Masama na bang mag-emote kahit unti?" sabi ko.

Tumawa naman siya, "Kahit unti? Simula nang nakilala mo yung kumag, ganyan ka na e. Halika nga dito." hinila naman niya ako sa dancefloor.

Biglang nag-switch sa slow dance. We're dancing in the tunes of Statue by Lil Eddie.

Sinandal ko yung ulo ko sa chest niya habang nakalagay yang hands niya sa waist ko. We're almost inches apart and so close to each other. But I don't mind kung pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon..

'I just want to comfort myself by dancing with Enzo.'

I smiled, sarcastically.

35:

Almost two weeks na ang nakalipas after Jam's 5th birthday. Ako eto, kailangan kong mag-chillax. I. Need. To. Forget. Him. Like it's easy huh. Siguro si Enzo na lang ang madalas kong dapat makasama, not Jeremy. I'm

not saying na gagawin ko siyang panakip butas. Di ako ganun. Gusto ko lang i-try na baka mag-transfer lahat ng feelings ko para kay kumag dun kay Enzo.

And I'm starting it right now.

Nandito ulit ako sa park. Tinawagan ko kasi si Enzo na pumunta dito para ibalik yung dalawang panyo niya. Baka naman kasi bigyan pa ulit ako nun, e di nangolekta na ako ng panyo niya ano? Kulang na lang e, ipaframe ko lahat ng mga panyo niya! HAHA.

And so, Enzo snapped me back to reality.

"Enzo oh.." inabot ko yung mga panyo niya, "Nilabhan ko pa yan ha." ngumiti naman ako.

Tumawa siya at ginulo na naman ang buhok ko. Eeep, "Kahit hindi na. Mas kailangan mo niyan e."

Sabagay, isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit nagagamit ko tong mga panyo niya.

"Pero hindi ko na kailangan neto, kasi hindi na ako iiyak. I promise. Walang kwenta kasi yung pinag-iiyakan ko e. Sayang lang ang luha." natawa naman kaming dalawa sa sinabi ko. Finally, kinuha na niya ang dalawang panyo niya.

"Sige na nga. Promise mo, hindi ka na talaga iiyak ng dahil lang sa kumag na yun." sabi niyang natatawa na.

Tumango na lang ako at ginulo niya pa ang buhok ko lalo.

"Pwede ba? Wag yung buhok ko? Ang ayos ng pagkatali ko dito tapos gaganito mo lang." "Sorry naman. Sabi nang mas magandang nakalugay ka e." Sige, bola pa, Enzo.

"Whatever." Brinush ko naman yung buhok ko gamit yung kamay ko. HAHA. Walang magawa e.

*RING!!!* *RING!!!*

Kinuha ko naman agad yung cellphone ko sa handbag ko.

Calling... Chase

"Hello Chase? Napatawag ka?" "Tia, uhm. Nasaan ka na ba ngayon? Susunduin ka daw ni Enzo diyan para ihatid dito sa may Workshop. May meeting daw, now na." sabi naman niya. Wait, nabuhay muli ang workshop. Ano kayang meeting yun? So that means, makikita ko na naman si Sir Van the gwaping and--

"Ok. I'll be there. Sige!" hinung up ko naman yung call at binalik yung cellphone sa handbag ko.

Tinignan ko naman si Enzo. Siya daw ang maghahatid sakin e.

"Tumawag na ba si Chase?" tanong agad ni Enzo.

Tumango na lang ako, "Tara, hatid na kita dun." at ngumiti na naman siya ng nakakamatay. Tama lang yun. Para kahit sa ngiti niyang yun, di ko masyado maisip si Jeremy.

Sumakay naman ulit ako sa SUV nila. Grabe! They're rich din! Kasi may sariling driver etong si Mr. Cute na naka-uniform pa. Parang limo ang drama ng sasakyan na to. HAHA. Anyway..

Bumaba naman agad ako sa sasakyan nila. Ang bango nga e. Kaya ayaw ko pa lumabas. Pero si Enzo na ang nagbukas ng pinto para sakin. O di ba? Gentleman pa siya. >____<

Pagkapasok namin sa venue, napangiti na lang ako. I missed this place. Actually, dito nga kami unang nagmeet ni ano di ba? HAHA. Forbidden name eh.

"Nandito na tayo. Sige, mauna ka na dun." nginitian naman niya ako.

Maglalakad na sana ako papuntang A.V.R. nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko para pigilan ko. Honestly, I felt like time froze that very moment. Nanlamig ako dun.

"If he hurts you, just call me. I would punch him harder." sabi naman niya. Natawa ako dun sa sinabi niya. He's funny but sweet at the same time. I like him for that.

Bumitaw naman siya sa pagkahawak ng kamay ko.

"Tia, tara na sa loob." nagulat naman ako nung tinawag ako ng-- Ok. Fine. Ng kumag. Hinila niya na ako papasok sa A.V.R. Hindi na lang ako umimik.

Pagkapasok naman namin sa A.V.R. Uupo na sana ako nang--

"Hello Tia. Nice to see you again." Nagulat na lang ako nang nakita ko si...

Iris. What a faker. Drama Queen na nga, ika ni PrecyChii. Best actress din, sabi pa nipreciousjoy_xiu. Ano ba bang pwedeng itawag? Ah! Queen of Sarcasm.

Syempre, I smiled back fakely. (a/n: May word bang fakely? HAHA!) Anyway, ba't nga pala siya nandito? I didn't mind. Umupo na lang ako dun sa may isang upuan. As usual, magkatabi sila ng Jeremy niya. Aish. Whatever.

Tumayo naman siya at pumunta sa harapan. Ano na naman ba ang pakulo ng babaeng to? "Good morning everyone! I'm Iris Lazaro. I know you're all asking why I'm here," She smiled again. Psh. "Because this workshop is a sponsor of our beloved school or in other words, it's associated with our school. For the incoming Winter Night, 5 students from our school, from this workshop will be selected to perform a special number on that night. And those students would be Jeremy Kaiser Santos, Micko Jayson Guevara, Tristan Emmanuel Perez, Darren Chase Sy and... Tianna Paris Tuazon." Nung binanggit niya ang name ko, I just felt the chills. Ugh.

WAIT! MAG-PPERFORM KAMI SA WINTER NIGHT?!

O___________O

"Tulala ka na naman." Hindi ko siya pinansin. Sino pa ba? E di si kumag. Eto ako, not listening! LALALA~

"Wala. Nagulat lang ako na mag-pperform tayo sa Winter Night." sabi ko ng mahinahon. After that exchanging of sentences, wala na. Hindi na kami nag-usap ulit. I like it to be that way, to forget him easier.

"Tol, anong oras ang practice?" tanong ni Chase.

"At saan tayo magpapractice niyan?" dagdag naman ni MJ.

Nag-isip ang kumag, "Sa bahay ko na lang." Ako naman, NR as in No Reaction. Gahd. I'm gonna be stuck with him again because of that practice.

And btw, si Iris daw ang manager ng band. Yeah, it's officially a band. Anyway. Basta parang ganun ang role niya. Like what the heck? May kakayahan pa ba siyang maging ganun? Sorry. I'm such a meanie. >_____<

Sa Bahay ng Kumag, 1:00 pm, Sunday

"Mga tol.. at Tia pala," natawa naman si Chase nung nakita ako. "You're the only girl in this band, Tuazon." Tumawa din naman ako. Sabagay, I'm the only girl. Ba't kasi nakasali pa ako dito e?

"Anong pangalan ng banda natin, people?" tanong naman ni Tris tapos uminom ng iced tea.

I looked at kumag for a second. Napatingin naman siya sa hawak niyang apple at tinitigan to. He really likes apples huh? "Applefruit." sabi ni Jeremy. Hindi nga? Ang baduy naman ng applefruit na ipapangalan niya! Nagtawanan

naman kaming lahat. Even me, hindi ko napigilan pagtawa ko. "Tol! Hindi bagay!" sabi naman ni MJ.

Natawa na ulit ako, "Ano bang maganda, Tia?" tanong naman ni Tris sakin.

Nagshrug na lang ako.

"Aha! Applemouth! Tutal mahilig tong si Jek sa mansanas! Tignan niyo nga! Kulang na lang e, isaksak niya na lahat neto sa baga niya!" banat naman ni Chase habang hawak yung basket na naglalaman ng mansanas. Yeah, he really likes apples.

Natawa ulit kami dun. Applemouth, parang ang unique lang pakinggan. I go for that name.

"Applemouth is final!" sabi naman ni Tristan. He agreed. And MJ as well. Syempre, natira ang kumag kaya hindi na rin siya umangal sa pangalan ng banda namin.

FYI, ako yung vocalist and pianist. Si kumag naman ang lead guitarist and vocalist din. Si MJ ang nagbabass. Si Tristan ang isa pang guitarist. Lastly, si Chase ang drummer. O di ba? Wag niyo na lang pansinin ang manager. Psh.

"Guys! More iced tea?" Dumating naman ang katulong nila este si Iris, the manager-kuno na may dalang tray with iced tea. Nung ibababa niya na sana yung tray, natabig pa niya yung isang iced tea at dahil malapit ako sa kanya... natapon lang naman sakin ang iced tea. Ugh. She did it on purpose. I knew it.

"Oh! I'm sorry, Tia. I didn't mean to do that." halatang sinadya e. Wa care. Basa tuloy ang damit ko. Hindi ko siya pinansin.

"Nabasa ka ba? Mag-ingat ka kasi, Iris." sabi naman ni Chase.

Napansin kong nag-glare sa kanya ang kumag. Tss. Protective much? I don't care.

"Basang-basa ang shirt mo. Tara." nagulat naman ako nang hinila naman ako ng kumag paakyat dun sa kwarto niya. I looked like - O______O Even the Happy three friends!

"Ba't mo ako dinala dito?!" sabi ko. kasi naman! Siya e! Aish. Basa pa rin shirt ko. Kainis.

Nag-titingin ata siya dun sa may closet niya at kumuha ng t-shirt niya. Tapos hinagis niya sakin yun.

"Anong gagawin ko diyan?" HAHA. I know, ipapasuot niya sakin yun e. Inaasar ko lang.

"Suotin, malamang. Magpalit ka na. Diyan ka sa Cr ko." sabi naman niya. Ako naman, eto papasok sa Cr niya nang..

"Pagpasensyahan mo na lang si Iris." at tuluyan na siyang umalis sa kwarto. Ugh. Pagpasensyahan? Kita niyo naman na sinasadya niya yun, di ba readers? Who's with me?

Nagpalit naman ako ng shirt. At eto ako, suot yung maluwag na shirt ni Jeremy. Kahit medyo mahaba at maluwag siya, I just feel so warm wearing it. Ang bango pa~

Bumaba naman ako ng kwarto niya. I even saw Iris na parang tinaas ang kilay niya. Bleh.

"Wow Tia! Suot mo yang kay Jek! Nice! Bagay naman sayo." sabi ni Tris. Natawa na lang ako. HAHA. Ang luwag nga sakin e.

Napatingin naman ang kumag pero inirapan ko na lang.

"Let's practice, guys. Ang first song which is ang slow song natin for that night.. ay

Terrified ni Katharine McPhee." sabi naman ni MJ. OMG. I love that song, really. Pero dahil mag-duduet kami ng kumag para sa kantang yan. Hindi ko na tuloy ma-feel. >_______<

"OK guys. Just practice! Mauuna na ako sa bahay!" sabi ng magaling naming manager na may pakanang binasa ang damit ko. She better go home. Nakakainis lang kasi pag nandito pa siya e.

Now Playing: Terrified by Katharine McPhee ft.. (a/n: nkalimutan ko yung lalaki kumanta ee! :))

I started to sing the first lines of the song. Feel ko masyado e. Masyado ata akong nadala sa kanta.. lalo na sa boses ng kumag nung kumanta siya.

Tinamaan talaga ako..

Especially at this part..

"I could be all that you need. If you let me try.."

It sucks. Ba't eto pa ang kantang napili nila?

36:

Nandito na naman ulit ako sa bahay ng kumag. As usual, we had our band practice. Kasi after two weeks na rin naman ang Winter Night so kailangan matapos na namin to. Anyway, it's our break time. So the Kumag and the Happy Three friends wanted to watch a movie. Pang-breaktime na pala yung panonood ng movie ano? Good thing wala si Iris. Baka mamaya, tapunin na naman ako ng kung anong fruit juice nun.

We're watching The Return of the Living Dead. I knew I watched this once with my family, sobrang natakot nga ako e. Kasi sabi ni Mamu, of all the horror na napanood niya, eto talaga ang pinakanakakatakot. Pagsamahin mo na ang brutality, horror, thriller at suspense = The Return of the Living Dead.

Pero matagal-matagal ko na napanood yun, siguro naman. Hindi na ako matatakot pag pinanood ko ulit ngayon, right? Bahala na lang.

"Siyeteeeeee. Kita niyo yun?! Ang brutal mga p're!" hindi ko aakalaing sisigaw si Chase dahil alam kong lalaki siya't hindi uubra sa kanya yung mga ganyang palabas pero hindi e.

"Walangyang mga zombie yan oh! Ang gagaling ng mga kokote!" dagdag naman ni Chase.

Natawa naman ako sa kanila. Kasi naduduwag sila diyan? Buti na lang at hindi ako nata--

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!" OMG. OMG. "Hala! Ano ba yaaaaaan!" nagulat ako kasi may pa-suspense suspense pa yung zombie sa tv, eto tuloy! Nag-flashback tuloy yung dati sakin nung pinanood ko to. Natatakot pa rin pala ako.

"Ok ka lang?" tinanong naman nila ako.

Nakita ko pa ngang tinignan ako ng kumag nang expression na hindi ko ma-express o ma-explain. Alien na ata tong kumag na to e.

Tumango ako at tumayo na lang, "Hindi na lang ako manonood. Distraction lang ako dito. Tsaka baka lagnatin pa ako mamaya." pinawisan pa ako nun. Gahd.

Papunta na sana ako dun sa may bandang kitchen ng kumag nang..

Hinawakan niya ang kamay ko. Mas natakot naman ako dun sa ginawa niya. Nanlamig ako bigla. Nagcollapse ako. But I can still hear his voice calling my name. But then everything went on blackout.

MONDAY, At Tia's House, 6:00 pm

"Anak? Are you okay na?"

Narinig kong sinabi ni Mamu yun na nakaupo lang sa tabi ko. Nandito na pala ako sa bahay. Anong nangyari sakin? Unti-unti ko namang dinilat yung mga mata ko.

"Mamu, ano pong nangyari?" tanong ko naman. Tinry kong tumayo ng maayos pero-- Gahd. Di ko pa kaya. Nanghihina ako.

"Anak, did you watch horror again?" tinignan ako ni Mamu. She didn't answer my question.

I nodded.

"Alam mo namang pag nanunuod ka ng horror, lalagnatin ka din afterwards. Let me guess, you watched the Return of the Living Dead, ano? Remember what happened to you last time nung pinanuod mo yun?" Mamu explained. I get her, anyway.

"Sorry Mamu. We were just on a break. So they decided to watch a movie. Hindi naman po ako umangal so ayun na yun." "Buti na lang at dinala ka ni Jeremy dito. He said, nahimatay ka daw and ayan-- nilagnat ka na nga. Thank God, hindi trangkaso yan kundi worse. Nasa ospital ka na pag ganun." I hugged Mamu not thinking na hindi ko siya hahawaan but the fact that concerned na concerned siya sakin. That's why I really love her!

So ang kumag pala ang nagdala sakin dito? Ano kayang nakain nun? At nagiging concerned na naman siya? Sana si Enzo na lang siya. >_____<

"I'll let Jeremy in. He's waiting outside." Mamu said nung paalis siya ng room ko.

Hinawakan ko yung mukha ko. I'm scorching hot. Aish. You know what I mean. Not what you're thinking, k? "Musta ka na?" umupo siya dun sa may mini-sofa.

"Eto, nilalagnat pa din." sabi kong walang ka-buhay-buhay.

"Ba't di mo sinabing nilalagnat ka pagkatapos manood nung movie na yun?" He looked far away. Eeeep. Concerned nga siya.

"Are you concerned?" nginitian ko siya ng pang-aasar.

"Malamang. Hindi ko na kaya alam ang gagawin ko nung nahimatay ka na lang bigla. Ikaw kaya sa posisyon ko, no?" natawa naman ako dun sa sinabi niya. Para siyang nagpapanic na bata.

"Ok. Concerned ka nga. Na-touch naman ako." tinry ko ulit tumayo. Kasi 2 days straight na pala akong tulog. Gahd. Imagine that? 2 days din akong nakahilatay sa kama.

"Anong ginagawa mo?" napatayo naman siya nung sinabi niya yun.

"Tumatayo, pabo. Gusto kong kumain." "Wag na, ako ng bahala dun." I chuckled. Is this Jeremy or alien lang na sumapi sa kumag? "Hey." hinawakan ko siya sa braso, "Thanks." Tumango na lang siya at umalis saglit para kuhanan ako ng pagkain. OMG. Mukhang hindi ako makakatulog mamaya kasi nandiyan siya para alagaan ako. Is this a sign? No, it can't be. He's with Iris pa din.

Sigh.

*RING!!!*

Calling... Enzo

Kinuha ko yung cellphone sa may sidetable at sinagot to.

"Tia.." at narinig ko na naman ang nakakatunaw niyang boses. HAHA.

"Yes?"

"Ok ka na? Balita ko, nilalagnat ka daw e. Hope you're fine there." "I'm perfectly fine, Enzo. Hindi na masyadong mataas ang lagnat ko." "Good to hear that. So hindi na kita bibisitahin diyan?" I felt he smiled. Wow. Isa pa siyang concerned. Oh c'mon.

"Opo Enzo. Salamat ha. Sige bye." nung hinung-up ko na yung call niya. May narinig akong parang nabasag na plato or something. Hindi pala.

Nakita ko lang yung kumag na binaba niya yung pagkain na padabog.

"Anong problema mo?" tanong kong nakataas ang kilay.

"Wala." Hmp. Mood swings na naman! "Si Enzo ba yung tumawag?" HAHA. I knew it. Jealous much? Joke.

"Yup. Tumawag siya para kamusta-" "Hindi ko tinatanong. Kumain ka na. O baka gusto mong subuan pa kita?" Ngumisi na naman ang kumag. Ok. Hindi na siya sinapian ng alien.

"Whatever." kinuha ko yung bowl of hot soup at tinry kong subuan sarili ko but it's just I'm too weak to hold the spoon. Tapos tinititigan pa ako ng kumag. Eeeep.

"Ako na nga magpapakain sayo!" lumapit naman siya sakin. Eto naman ako, napilitan magpasubo. Para kaming love-- este wala.

"Jeremy.." I called him out of the blue.

"Ano yun?" "Kamusta na kayo ni Iris? Di ba M.U--" Hindi ko rin alam kung bakit ko natanong yun.

"Hindi naman kami e." inunahan niya ako. Kumag na to, hindi ako pinapatapos. Pero anong gusto niyang iparating sa sinabi niya? Do I have a chance? Ok. Parang ako yung lalaki dito. Anyway, iba na nga talaga ang generation ngayon. Haay.

"Pero.. you.. love her?"

Unexpectedly, he nodded saying yes. Pero bakit? Bakit hindi niya ligawan si Iris kung mahal niya siya. Ano bang gumugulo sa isip niya ngayon? I hope that it would be me. Kahit this once lang, ako naman ang maging dahilan.

Hindi na lang ulit ako nagtanong. It might be too personal na at worse-- magalit pa tong kumag na to. Alam niyo naman ang mood swings niya di ba?

TUESDAY, 6:00 pm

Guess what? Ok na ako. Magaling na ako! Yey! Kasi hindi naman ako sakitin. Kaya pag nilagnat ako, saglit lang then mawawala na siya. Thanks to Jeremy, ok na ako. Well, except for the last words na sinabi niyang, "I love her." Medyo nanghina ako dun pero hindi ko na lang ipinahalata sa harap niya.

Nasa bahay ulit kami ng kumag. We had to practice for the fast song naman.

"That's what You Get by Paramore. Yun ang fast song natin. Eto ang chords at tabs, mga tol at Tia." inabot naman ni MJ ang mga tab sheets at piece.

Buti na lang at alam ko yung kantang to. Kasi sa totoo lang, I really love Paramore especially Hayley Williams! Ang gaganda ng mga kanta nila e...

Tsaka nakakarelate ako.

That's what you get when you let your heart win Oh oh oh

Patama talaga ano? As in major major! HAHA. Basta ewan ko ba! Makarinig lang ako ng lovesong... Bawat line o lyrics, feeling ko ako ang pinapatama.

"Nice practice! Bukas ulit!" sabi ni Chase after his drumroll. Infairness, nakaka-amaze ang pagdrumroll niya ha.

*RING!!!* Calling... Mamu

"Mamu!" I answered.

"Anak, are you done with your practice?" tanong naman ni Mamu.

"Opo. I'm about to go home. Just wait, ok?" For all you know, uuwi na si Mamu. Mamayang 10 pm ang flight niya kaya sasabay ako para ihatid siya sa airport.

"Wait, don't hung up first! Isama mo si Jeremy ha! I need to tell something to him!" napalaki mata ko nun. Kulang na lang, iluwa ko na e.

"What? Why?! Pwede po bang ako na lang maghahatid?" I pleaded. Please say yes, Mamu!!

"No. I need to tell something important, ok? See you both." Mamu hunged up.

Gahd. For the sake of my departing mother, sinabi ko kay Jeremy na ihahatid namin siya sa airport. Hindi naman siya umangal kaya ok naman.

"Ano bang sasabihin ng Mama mo sakin?" he asked.

"Hindi ko rin alam e." Hindi ko din alam talaga. Kung bakit pati tong kumag na to, kailangan sabihan ni Mamu na kung ano man yung importante daw. Is it good news? I hope so.

Dumeretso naman kami sa airport with Mamu, of course.

Almost an hour have passed...

"Ok. Nakapag-check in na ako ng baggage ko. I have to go na. But I have really something to tell for you both. Ikaw muna, hijo." Nagseparate naman sila ng kumag sakin. And I think they're having a serious talk. Ya! Ba't hindi ako kasama dun? Ano ba yung sasabihin ni Mamu sa kanya? "Anak!" Mamu approached me naman. Si kumag? Ayun-- expression-less. Hindi ko maipinta ang mukha niya nun.

Mamu hugged me naman, "I'll miss you, anak. Behave, ok? Jeremy's up to you. Kakasabi ko lang na mag-stay muna siya sa bahay para bantayin ka." nagulat naman ako dun kasi he'll be staying at our home? Like OMG. "And when you graduate, syempre hindi kami mawawala dun ng Papu mo no. After your graduation...

We'll be taking you with us to Paris. Dun ka na mag-cocollege, anak."

O__________O

Ok. That wasn't good news. Kahit ang kumag, nagulat din sa sinabi ni Mamu.

37:

Another boring Saturday morning, three days to go na lang and it's Winter Night. Kinakabahan ako na ewan. Hindi rin naman ako excited. Kasi makikita ko lang din ang magpartner na si Iris at Jeremy. Ouch. Mahirap pa rin isipin na ganun na nga. Oh well...

"Bes! Let's go! Movie marathon tayo ngayon!" bes is here with me. Kung tinatanong niyo kung nasaan ang kumag, ayun. Pinuntahan si Iris. Coz nung nalaman ni Iris, na dito magsstay si Jeremy. Ayun, tinawagan siya bigla at nag-drama ek ek. Whatsoever.

Anyway...

"Anong gusto mong panuorin?" tanong ko naman sa kanya habang kumakain ng Lays ketchup-flavored chips. I love this! HAHA.

"Uhm, Bride Wars." sabi niya habang nagpipipili siya dun sa may DVD rack.

Tumango na lang ako. HAHA. Na-iimagine ko na lang bigla. Na ang main cast sa Bride Wars ay ako at si Iris. Sorry, malakas lang talaga ang imagination ko.

So ayun, nanunuod lang kami while eating the microwaved popcorn. Nung natapos yung movie, we watched Horror naman. Eto na naman, horror. Pero The Ring na lang pinanood namin. Ilan beses ko na nga napanood yun pero di naman ako masyadong natakot at nilagnat. Kaya carry ko naman! ^_____^

Napalingon ako sa likod. Kasi parang I suddenly heard footsteps. Pati yung pinto, biglang nagsara. Hala.

"Bes." tinapik ko naman si Zen.

"Yes?" tumingin naman siya sakin. "Ano yun?" "Uh.. wala. Sige, nood ka lang." Tumalikod ulit ako. Maybe, nag-iilusyon lang ako. O baka naman nagmamalikmata lang ako. Oh well..

Pero I heard footsteps pa rin. Kaya napatayo na lang ako at sinabi..

"SINO BA YAN?!" "Hoy!" inalog-alog niya ako. Walangya. Ang kumag lang pala ang may pakana nun.

"Leche!" binatukan ko naman siya. Kinabahan din naman kasi ako dun sa mga pinaggagawa niya, ano? "Manggugulat ka na nga lang! Kung kailan nanunuod pa kami ng horror!"

"Aray ko naman! Pwede ba! Fail na nga e." nilapag niya naman yung take-away food ata dun sa may table. "Bes! Umupo ka nga! We're watching here." hinila niya naman ako kaya napaupo na lang ako.

Nakiupo din naman ang kumag sa sofa. Kaya na-stuck tuloy ako sa gitna nila. Ano ba to?! "Oy ampli, saan ako matutulog mamaya?" sabi niya. Pero hindi ko pinansin kasi nanunuod kaya ako! After niyang manggulat, gaganyan pa siya. Aish.

This time, with matching kiliti pa. Psh. Sa may leeg ko pa, e ang lakas ng kiliti ko dun e! "Wag mo nga akong kilitiin!" ayun, ang likot likot tuloy naming tignan sa may sofa.

"Hey you both! Maglalambingan na lang kayo, tapos katabi ko pa! Get a room!" nagulat naman ako sa sinabi ng bes ko. Natatawa pa nga siya e. Kaya alam kong biro lang din yun.

"Bes, do you know what you're saying? Ang kulit kulit ng kumag na to e!"

"Saan nga kasi ako matutulog?!" Ayan, nagpout siya na parang bata! For the first time ha! OMG. Ang cute niya pero Tia, wag kang magpapadala sa paganyan-ganyan niya.

"Dito ka sa sala! Sa sofa ka matutulog!" sinigawan ko naman siya.

"Bes. Wag na nga tayong manuod ng horror. Mas maganda pa ngang panoorin ang moments niyo ni Jeremy e!" tumawa na naman ang bruha. Not helping! "Ayaw ko matulog dito!" nagreklamo pa siya. E kung palayasin ko kaya siya?!

"E di saan? Gusto mo? Umuwi ka na lang sa bahay mo at dun ka na matulog!" kahit gusto kong dito siyang mag-stay. HAHA.

"Dun na lang tayo sa kwarto mo." He smirked again at ngumiti ng nakakaloko.

"LOKO KA! MAMAYA KUNG ANONG GAWIN MO SAKIN!" sigaw ko naman sa kanya.

"You guys, wag kayong mag-away. Uuwi na ako, bes. Bye bye." isa pa tong bespren kong nginitian din ako. Malisyosa talaga kahit kailan. Aish. Mamu! Papu! Get back here!

I waved at bes. Tapos umalis na siya. Buti na lang! At nabawasan ng isang makulit dito!

Ngumisi na naman ang kumag, "ASA namang may gagawin ako sayo. Dun tayo sa magkabilang dulo ng kama. At hindi rin naman kasi ako papayag na matutulog lang sa sahig no!" Ngayon naman, ako ang nag-smirk. Tapos binulong ko pa sa sarili ko. "Rich kid ka nga." "Ano sabi mo?" tanong naman niya. Dang, so cute! Eeep.

"Wala. Sabi ko, fine! Pero sa magkabilang-dulo lang!" I give up. Nakakairita na kasing makipag-away sa kumag na to. Wala ng bukas! Nag-dinner naman kami. Ang kinain namin ay yung take-away food na binili niya. Tapos nagtalo ulit kami sa paglilinis ng table at paghugas ng pinggan. But of course, we got over that. Ngayon, umakyat na kami sa kwarto ko. Nagpapapagpag lang ako ng kama at nilagyan ng bagong bedsheets habang siya, nandun sa may terrace. Nagpapahangin ata. That's weird.

But I'm weirder.

I still love him.. But he loves Iris..

Nung natapos na akong mag-ayos ng higaan, nagkunwaring akong inubo para lapitan siya. Ano kaya ang iniisip niya? *Ahem*

"Hey." tinawag ko siya at umupo sa isang mini-bench dun. Siya? Tahimik lang na nakatingala sa starry sky.

"Alam mo ba ang sinabi ng Mama mo sakin?" sinabi niya na nakatingala pa din. At ang gwapo niya pa rin, nakakainis.

I shook my head. Yun kaya yung sinabi sa kanya ni Mamu sa airport?

"Ano ba yun?"

Natawa pa siya ng unti tapos sinabi niya, "She really likes me for you. Sana daw magkabalikan tayo kasi we look perfect daw." nung sinasabi niya yun, I feel my heartbeat racing so fast. "Tsaka sa lahat ng naging boyfriend mo, ako daw yung the best." ngumisi pa siya. Ang yabang.

Siya pa daw ang the best, e panggap nga lang yung amin di ba? Tsaka I only had two boyfriends. Si Alvin at siya. Pero di naman talaga counted yung samin ni Jeremy.

"To make it short, sana daw seryosohin na ulit natin ang isa't-isa at magkabalikan daw tayo." ngumiti siya. Hindi ko alam kung fake, pilit or totoo. Basta he smiled. And dahil dun, napangiti din ako sa di malamang dahilan. Maybe because, seeing his smile makes me smile.

"So ano naman sinabi mo?" Sana may possibility nga na yes pero it's impossible pa rin. Si Iris lang naman ang gusto niya e.

Napahawak pa siya sa chin niya nun and he looked at me, "Ang sabi ko?

Tita, hindi na po ata mangyayari yung gusto niyo. We don't... love each other."

And I felt the strongest and sharpest sword that stabbed my heart. One word, OUCH.

MONDAY, LUNCH

"Bes! Hindi nga?! You actually slept with him?! At magkatabi talaga kayo ha!" sabi niyang namumula pa. Bruha talaga to. HAHA.

Tumawa naman ako na parang walang gana. "Yeah, buti nga. Hindi siya malikot matulog e. Baka pinalayas ko na talaga siya!" She laughed too, "Anong itsura niya pag natutulog? Ano? Nagsisisi ka na ba?" nagbiro naman ang bruha.

Nagsisisi nga ako. Oo.

Na siya ang nagustuhan ko. >________< "There's no chance, bes. Ikaw talaga!" If you just knew kung gaano ka-inosente ang itsura niya pag tulog siya. You'll really fall for his angelic face... when sleeping! As in, nakaka- Ok, Tama na, Tia.

"Yeah right. I really know you. You like him so much. No, wait. Love pala! You love him!" she smiled.

Tumango na lang ako, "I love him. Big deal? So what." I smirked.

"Syempre, big deal yan no? Remember, the heart deals with the problem. And you're the one who is having that heart." sabi niya nung kumagat siya sa veggie pie niya. Basta yun. HAHA.

"Whatever." napatingin ako sa right table namin. Yeah, he's there... with Iris. Nothing usual. Masaya pa rin sila..

Kaya nga nasabi niya yun sa Mamu ko di ba? Haay.

DISMISSAL

Nandun naman ako sa may bleachers at the field. Nakita ko lang naman si Enzo na nagbabasketball. Deym, he's really hot. Bakit kasi hindi na lang siya, di ba?

"Uy! Tama na titig! Nakakatunaw!" biro naman niya nung pinunasan pa niya ang likod niya.

Hinampas ko lang siya sa likod. "Ako na nga!" kinuha ko naman ang bimpo niya at pinunasan ang likod niya.

"Kamusta ka na? Kayo?" sabi niyang bigla. Para kaming-- kami sa ginagawa namin, you know? Pero this is normal, very close friends lang talaga kami. And if he means, kayo which is ako at yung kumag.

"Me? I'm good. Us? Nothing. Just the usual. Nagtatalo pa rin." I chuckled after I said that.

"Bakit kasi hindi ka pa umaamin sa kanya?" tanong naman niya. I can see the serious look on his face.

"I don't know. Hindi na lang siguro. Tsaka anong mapapala ko? He loves.. Iris." nasabi ko yun na parang wala na namang kabuhay-buhay. Everytime I think of the confession-thingy, para akong inaantok na ewan.

"You know, I think he likes you too. Or baka love. Kasi nakikita ko minsan na pag magkasama tayo, nagseselos talaga siya." "Yun? Nagseselos?" Natawa naman ako. Coz it's so impossible.

Tinuro naman niya yung sa field at ayun, nakita ko si kumag na nakatingin samin pero umiwas din agad siya. Hindi kaya? Nah.

"Oo." tumango naman si Enzo.

"Stop making jokes, ok?" Tumawa naman ako. Not funny but I'm laughing. Weird. >_____< "Let's make a deal. Sa winter night, pag hindi pa siya umaamin sayo..

Uunahan ko na siya." so he waved back as goodbye at nagsimula na siyang umalis. Ano na naman ba ang ibig niyang sabihin dun?

38:

It was a very nice and sunny Tuesday morning not until--

"AMPLI! Gising na!" I was having my very oh-so-mahimbing na sleep nang dinistorbo ako ng kumag!

"Ayoko! Mamaya na!" humarap naman ako sa right ko at inayos ko ulit yung sarili ko sa pagtulog.

"Ano ba?! May pasok pa tayo!!" sigaw na naman niya. Psh. Nakakainis na ang boses niya! Dapat pinalayas ko na lang talaga siya!

"Sabi na ngang ayoko pa e!" tumingin ako saglit sa alarm clock sa may sidetable ko. What the heck?! 5:00 am ng umaga, mambubulabog ang walangyang kumag na to?! "Ayaw mo talaga?!" humina boses niya nun.

"Ayaw nga! Ang kulit mo! Umuwi ka na lang sa bahay niyo!" with matching bato pa ng unan sa kanya. Pero hindi siya natamaan kasi umilag siya. Like I care. Matutulog na lang ulit ako.

Narinig ko na naman ang footsteps niyang palapit sakin at teka?!--

"BA'T KA NANDITO SA KAMA KO?!! UMALIS KA NA NGA!!" hinampas-hampas ko pa siya ng unan nun. Ang kulit niya kasi e! "Pwede ba?! Tumayo ka na lang?! Hindi ako pwedeng umalis kasi mananagot ako sa Mamu mo!" "How dare you call him Mamu! Ako lang tumatatawag sa kanya nun!" at hinampas ko ulit siya gamit ang pinakamalaking unan na meron ako sa kwarto pero napatigil ako nung--

Niyakap niya ako. "Chansing!!!!!! Umalis ka na nga!" kahit ayaw ko siyang umalis. ^___^ Tsaka feel na feel kong mainit na naman ako tapos namumula pa ang mukha ko.

"Woah? Feel mo naman! Tumayo ka na kasi!" tapos bumitaw siya. Sayang! HAHA. Joke.

"TATAYO NA!" bumangon naman ako sa kama at dumeretso sa CR. Infairness, nung niyakap niya ako.. Ang bango bango niya pa nun. Gahd. Nakakahulog lang lalo e.

Naghilamos naman ako and we did our morning rituals. Syempre, nung papasok kami ng school, ok na yung pinagtititigan kami kasi inggit sila pero ha! Taken na tong si kumag e. Taken dahil kay.. Iris.

At ayun nga, mag-isa na lang ako pumunta ng classroom dahil sumama ang kumag kay Iris. Haay nako.

DISMISSAL

Hindi ko na siguro ikekwento ang mga nangyari during class, recess, lunch or whatsoever. Kasi isa lang naman ang lagi kong nakikita. At yun ay magkasama si Iris at Jeremy. Masakit na, sobra.

Naalala ko na lang yung sinabi ni Enzo nung isang araw...

"Let's make a deal. Sa winter night, pag hindi pa siya umaamin sayo.. Uunahan ko na siya" Those were the exact words na huli kong narinig kay Enzo before he left. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya nasabi yun.

I found myself going at the park. Tumulo na naman ang luha ko. At kasabay pa nun ang pagbagsak ng malakas na ulan.

'Even the rain is crying, maybe it can't hold much longer so it cried.' nasabi kong natatawa pa. Para talaga akong baliw.

Alam ko, baliw nga ako. Hinayaan ko lang ang sarili kong nagswiswing dito. At nababasa ng ulan. I've been coming to think lately, kung aamin na kaya ako sa kanya? Kay Jeremy? Before it's too late? Bago ako umalis.

Masakit na masyado e. Marami na akong pinagdadaanang lagi na lang ako ang nasasaktan sa huli, laging ako ang iiyak at lagi akong nagsisisi. Hindi ko na alam gagawin ko. But as much as possible, naisipan kong sa Winter Night ako aamin sa kanya. Positive man or negative ang sagot niya, I just have to deal with it and let it be. Hindi ko siya masisisi.

"Baliw ka talaga! Uuwi na tayo! Pero bakit ka nagapapaulan diyan?! Gusto mo bang magkasakit ulit?" I looked at the man who came nearer. Galit na galit siya. Thank God at umulan ngayon! Kasi hindi niya naman ako nakikitang umiiyak. Ang tanging sagot ko lang ay, "So?"

"So so ka diyan?!" tinapat niya naman ang umbrella niya sakin, "Engot ka talaga! Lagot ako sa Mama mo pag nagkasakit ka!" "Why do you have to follow Mamu? I'm fine, ok? Malaki na ako at kaya ko ang sarili ko. So you can take your things and go back home." tumayo naman ako from the swing kaya nabasa ulit ako.

"Galit ka ba?! Bakit ganyan ang tono ng boses mo?! Sabihin mo nga!" sumigaw na siya. Ok. He's mad. I don't care. Sanay na ako.

"I'm not mad, ok?!" sumigaw naman ako pabalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ako pero siguro wala lang ako sa mood makita siya o makausap siya.

"Sabihin mo nga, Tia! Halatang may gusto kang iparating sakin e!" sigaw naman niya ulit.

"Hindi ako galit." naging malumanay naman ang boses ko. "Tara, umuwi na lang tayo."

Tumalikod na ako't inunahan ko siya pero hindi ko namamalayan--

He collapsed again.

"Jeremy!!" tumakbo naman ako papalapit sa kanya pero naunahan ako ng isang babaeng bumaba from her car. At tinulungan si Jeremy.

She is no other than Iris.

"What did you do to Jeremy?! Bakit nahimatay siya?!" sigaw niya naman sakin.

"Hindi ko alam!!" nagpapanic na ako nun. Gusto ko sanang ako ang uuwi kay Jeremy para alagaan siya pero..

"Ako na ang bahala dito. You better go home!" sumakay naman siya sa car nila kasama si Jeremy. At ayun, umalis na nga sila.

Nilapitan ko naman yung swing at kinuha yung umbrella dun na hawak-hawak kanina ng kumag.

"Ya Jeremy~ I'm sorry. But I can't tell you now. Not now. But soon, you'll know.." binuksan ko naman yung umbrella at naglakad na lang ako pauwi, still crying...

39:

It's already Sunday! Time for dress rehearsal para sa Winter Night. Kasi one day na lang at Winter Night na. OMG. Excited, nervous, tensed, happy, mixed emotions ang nafefeel ko. Pero ewan, ang gulo.

Anyhoo, wala na pala dito si Jeremy. He moved back to his home eventually. Sabi ko e. Ayoko na siyang makita dito sa bahay baka mapaamin lang ako ng de oras.

So sinukat ko naman yung red kong cocktail dress. Actually, I don't need to buy naman kasi para makapagtipid na ako di ba? Tumingin pa nga ako sa mirror e. "Aish. Hindi ko masara yung zipper sa likod." As in! Ayaw talaga niyang mag-close! Bakit kaya? E nung sinuot ko to sa last party ng relatives ko, kasya pa naman. Pero ngayon, ayaw na mag-close nang zipper. If I let it be, baka mahubo lang ako. Eeeeeep. Ang slim slim ko tapos ngayon sinuot ko to, hindi na siya kasya!

I have no other choice kundi tanggalin yun at bumili ng bago. No use, baka masira ko lang pag pinilit ko pa siyang suotin. So I decided to go at the mall para makabili ng dress.

Habang naglalakad ako sa mall, pinagtitinginan ako ng mga tao. Ano ba yan? Nakakailang. Anong bang meron sakin at ganyan sila makatitig?! Homay, kindi ko na lang pinansin.

Pumasok ako sa isang shop na puro cocktail dresses ang tinitinda. OMG. Parang gusto ko bilhin lahat! Hindi tuloy ako makapili. I was searching for the 'perfect dress' dun sa racks pero...

"Tia! Eto na lang oh." napatingin naman ako sa likod ko. There I saw Enzo holding a purple cocktail dress, it's what i call the 'perfect dress'! Yun na nga siguro ang hinahanap ko.

"Hm. I like that." kinuha ko naman yung hawak niyang dress. Really. I liked it. Kasi purple pa siya, my favorite color pa man din.

"Buti na lang. Alam mo bang kanina ka pang pinagtitinginan ng mga tao? Akala ata nila stina-stalk kita." tapos tumawa naman siya.

Kaya pala ako pinagtitinginan ng mga tao kanina, he's following me all along! Natawa na lang din ako.

"Stalker o secret admirer?" I chuckled a bit habang tinitignan ko yung dress. It's so pretty! "I go for the secret admirer, mas maganda pang pakinggan." tapos nagtawanan ulit kami.

Kasi pag stalker daw, para sa mga pangit. Pero pag secret admirer, para sa mga good-looking. Ang biased din, ano? HAHA. Anyway.. Tinignan ko yung price, P 3000?! OMG! 1K lang dala ko!

"Sagot ko yung bayad. Don't worry." then he flashed his killer smile. Not again with that smile. >_____< "Seriously? Ang mahal kaya!" di na niya ako pinapatapos nung tinulak niya ako sa may fitting room. Ok. Siya ang magbabayad. How generous naman! Paglabas ko, suot ko na yung purple dress. Feel na feel ko nga e. It's so comfy. Off-shoulder kasi ang style niya kaya ang cute tignan. With all the lil ruffles and konting sequins to make it look presentable. I wonder kung bagay nga lang sakin. Tumaba ata ako! HAHA!

"...." Enzo looked at me, parang gulat na gulat. Woah? Ba't naman siya nagugulat? Ano ba yan? Sobrang ganda ko ba? Hihi.

"Ano say mo?" umikot-ikot pa ako. Imagine! I'm wearing this oh so beautiful dress! "Speechless ako e. Pero bagay na bagay sayo." then he smiled again. Wow, bagay daw. Heard it? I love this dress na! "Tara, bihis ka na't babayarin ko pa yan." papasok sana ako ng fitting room nung...

Nakita ko rin si Iris at Jeremy na nagtititingin ng damit. Hindi naman to purely coincidential? I caught Jeremy pa nga, looking at me. Pero iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at nagbihis ulit.

"Tol, may sasabihin ako sayo. Tara." I heard Enzo talking to.. Jeremy the kumag? Ano naman sasabihin niya sa kanya? Sigh.

"Is that important, Enzo? May bibilhin pa kami ni Jeremy e!" napangisi naman ako nung sinabi ni Iris yun. I laughed a bit. Englishera talaga siya.

Paglabas ko naman ng fitting room, I searched for Enzo pero wala siya dun sa shop. Nasa labas sila ni Jeremy, mukhang may matinong pinag-uusapan talaga sila.

"Hey." napatingin na lang ako kay Iris. Tinaasan naman ako ng kilay. What's her problem? "Ano?" I said in a firm and steady voice.

"Hmm, wala." then umalis siya at pumunta sa labas para puntahan sa Jeremy. Sheesh. Ang weird niya. Is she obssessed with him? Gahd.

"Tara, bayarin na natin yan!" pumasok na ulit si Enzo at binayad na ang dress ko. Wow, ang yaman niya ha. Credit card ang pinambayad e!

Nagpahatid na lang ako kay Enzo sa bahay. I still have to do the last dress rehearsal with this lovely purple dress. Feel na feel e, ano? Hehe.

Nung natapos naman ako mag-dress rehearsal. Ayun, kumain ako ng snacks. I'm still bored. Ano bang pwedeng gawin? Ah! Pupunta na lang ako sa park. Hinanda ko naman sarili ko para umalis ng bahay. Pero nung pagkabukas ko ng pinto... I saw..

"Jeremy?! Anong ginagawa mo dito?!" nagulat naman ako. Ano bang pinunta niya dito?! Hinihingal pa siya! "Ya! OK ka lang? Ba't hingal na hingal ka?"

"Si. *pant* Jam. *pant* NAWAWALA." sabi niyang paputol-putol pa. Teka, si Jam?! Nawawala?! Hala. "Wait! Huminahon ka muna! Saan ba siya huling nag-stay?!" hinawakan ko siya on both shoulders. Pero nagpapanic pa rin ang kumag. Haay.

"Hindi ko alam! Nasa bahay lang siya! Tapos ayun! Nawawala na!" sabi niya ng pasigaw.

"Ok. Tama na! Let's find her! Baka ma-kidnap pa siya e!" pagkalabas namin ng bahay. Hinatak niya ako papasok sa kotse but before mangyari yun.

*Pak!*

Everything went on black-out. Unti-unti akong napapapikit ng mga mata ko. Si Jeremy? Wala ng malay. OMG.

Pero naririnig ko pa rin ang mga boses nung naghampas sa ulo namin.

"Dalhin niyo na yan sa warehouse!" I heard a very familiar voice. Pero hindi ko kayang i-familiarize kasi nawalan din ako ng.. malay.

*insert spotlight here*

"Aish! Ano ba yan?! Nakakasilaw naman!" napatingin ako sa ilaw na nakatapat sakin. Gahd. Ang sakit pa rin ng ulo ko. I looked at my surroundings. OMG. Nasaan ako? Ba't ako nakatali sa upuan na to?! "ATE PARIS!!!" OMG. Nakita ko din si Jam na nakatali sa inuupuan niya sa harapan ko. Who would do such a thing to her?! Ang bata niya pa!

"Jam?! Are you Ok?! Teka lang." tinry ko namang kumawala sa upuan ko.. trying to remove yung nakatali sa mga kamay ko. Aish. Ang sakit sakit pa rin ng ulo ko! "Don't you dare remove that or else you're gonna die young!" I heard her voice. Siya nga. Siya nga ang may pakana ng lahat ng to! Aish. Wala talaga siyang kasing sama! "Dear, do you like my surprise? Pasalamat kayo at natulungan ko pa kayong hanapin ang beloved sister ng aking boyfriend." Yep, it's Iris. Boyfriend?! Si Jeremy?! But he just said na-- hindi naman sila! Asa ka naman sa babaeng yan! "What do you want, Iris?! Just let go of Jeremy's sister! Sakin ka naman may galit di ba?! Wag mo na siyang idamay!" I shouted to her but she just spitted on me. Ew! I really hate her. Deym! "Girl, I don't want pity. You look so pathetic." And nag-evil laugh siya. I can see her growing horns already. "Sa tingin mo ba? Everything will work out pag hinayaan ko na lang na ganyan lang?!" HUH?! Honestly, I don't get what she's trying to say!

"Hindi kita maintindihan!" I shouted again.

"Oh puh-leaaasee. Don't act like you're innocent! You're going out with Enzo but then may pagtingin ka rin sa Jeremy ko ha?! You're such a flirt! Sl*t!" sinabi niya yun with matching sampal pa. Paano ako naging flirt?! E hindi naman kami ni Enzo! He's just a friend. And Jeremy?! Ganun din naman siguro ang tingin niya sakin.

"You know? You're really good at storytelling! Kulang na lang, ipa-record mo sa Guinness Book of World Records yang talent mo e!" natawa pa ako dun sa sinabi ko. But ugh! She's so full of it! "Aba! Nagawa mo pang sumagot ha! Ayos ka rin, ano?!" sinampal niya ulit ako. Aish. She really loves

slapping. And that's strike two. She really got me on my nerves.

"Honestly, hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang mag-set up nang ganito. Warehouse? Hostage? Oh c'mon! That's lame! Wala bang bago?!" I joked a bit. HAHA. Sa lagay na to, nakaya ko pang mag-joke sa kanya. Psh.

"Stop it, okay?! Kulang pa to?! Don't worry, dear. Para sa final touch ng setup na to, I'm. Going. To. Kill. You. Understand?!" natakot na ako dun sa sinabi niya. I'm still young for crying out loud! At siya pa ang papatay sakin! "Kung ako lang naman ang kailangan mo, just let go of Jam! She has nothing to do with this!" I pleaded. Gahd. I'm pleading to this devilish Iris!

"No. It's not yet done! I still-" "IRIS!!!" nagulat na lang ako nung narinig ko si Jeremy. Hingal na hingal pa siya! OMG. Nasaan kaya siya kanina at ba't siya nandito?

"Baby!" she hugged Jeremy naman. Speaking of flirt, siya nga flirt diyan e! Boyfriend pa niya daw si Jeremy?! Psh.

"Pwede ba. Pakawalan mo na sila?!" sinigaw naman nung kumag kay Iris. Serves her right! "Hindi pwede! Don't you know what this means? I still have to erase Tia in our lives?! Hadlang lang siya sa pagmamahalan natin, Jek!" niyuyugyog niya pa si Jeremy. Pagmamahalan?! Ew. And Gahd! She's totally crazy and obssessed! "Hindi na mangyayari yun pag pinakawalan mo sila...

I'm all yours, ok?" And he smirked. OUCH.

Mas masakit pa yun sa mga pinaggagagawa ni Iris sakin kanina. Mas masakit pa sa mga salitang binato ni Iris. Mas masakit sa pagsampal ni Iris. Mas masakit pa dun sa pagpatay sakin ni Iris. Bigtime! I don't want to hear those anymore! Gusto ko lang makawala dito! Pati si Jam! "Make me." ang bruha! Ayaw pa kaming pakawalan! Ba't ba ang laki ng galit niya sakin?!

"Please." What?! Ganun ganun na lang? Pagkatapos niyang magpanic kanina dahil nawawala si Jam?! Ganito na lang siya mag-react?! Gahd! You're so dumb, Jeremy! So dumb!

"..." I looked back at Jam. The kid's crying! Ano ba yan?! Magkakatrauma pa ang bata! Iris! I really hate you for doing this! "Sige na! Let them go. Then take me." For the first time in history, I saw him crying and kneeling in front of Iris. He's begging to her! OMG. Jeremy, wag kang umiyak please? Don't go back to her! She's evil! Please, Jeremy?! "Oo na! You promise that, ok?" she hugged Jeremy again. Ugh. Nung nakita ko yun, wala na. Feeling ko ang manhid ko na, puro sakit na lang ang nararamdaman ko. Sakit sa ulo, sa puso, lahat! But I didn't bother.

Pinakawalan naman nila kami ni Iris. Thank God! Akala ko, mamamatay na ako dito! Niyakap ko naman si Jam.

"Are you ok? OMG. Don't cry ha! We're fine na!" I said to Jam na humahagulgol na. Aish. I can't help it. Naiiyak na din ako.

"Jam, Tia..." naglakad palapit si Jeremy samin kaso pinigilan siya ni Iris.

"Don't Jek. We have an agreement, remember?"

"Umuwi na kayo." Jeremy said na naluluha. OMG. He's crying. Kaya pati ako, napapaiyak.

"Pero paano ikaw, kuya?--" "Uwi na!" sumigaw na si Jeremy nun kaya tumakbo na lang kami ni Jam pauwi.

Hinatid ko naman si Jam sa bahay nila. When we got there, sumalubong agad ang parents at nagtanong kung anong nangyari. I told them everything about Iris' devilish plan slash hostage samin. Kaya ayun, naghanda na sila para ipademanda si Iris. They're about to go to track Iris kaya umalis agad sila. Muntik pa ngang mahimatay Mama ni Jeremy nung nalaman niya yun. Ako naman? I have to go home.

Crying...

''Ya Jeremy~ Please be safe!"

40:

I woke up at 11 am. Thinking like everything that happened yesterday was just a dream, nightmare pala. Is Jeremy OK? I think so. Si Iris kaya? Anong nangyari sa bruhang yun? Dapat makulong siya or worse-- death penalty dapat! Harsh? Joke.

*RING!!!*

Calling... Enzo

"Hey Enzo, napatawag ka?" hawak ko yung cellphone ko habang nagkakanaw pa ako ng hot chocolate milk.

"Si Iris. Nahuli na mga pinaggagawa niya. Baliw na baliw na nga e. Nagwawala nung nahuli na." sabi ni Enzong natatawa pa. "Ganun? Anong sunod na nangyari?" "Desidido na ang mga parents niya na dalhin siya sa mental institution. Kasi naman e, parang taga-mental kung umakto yun." I sighed. To relief. Tama lang siguro para sa kanya yun.

"Ah, si Jeremy?" natanong ko na lang bigla. I missed him so much. Is he Ok na kaya? "Ok naman. Nandun na ata sa bahay nila. Kaya wag ka masyadong mag-alala, ok?" I felt he smiled kaya napangiti din ako. Thank God! Jeremy's fine. Pero si Jam? Na-trauma na ata yun. Poor kid.

"Hey! Ba't mo nga pala alam yan? Hmm? Kasi parang alam na alam mo mga nangyari e." I'm right, di ba? Nakakapagtaka din naman kasi e.

He chuckled, "Long lost cousin ko pala si Jeremy." O____________O "What?! You're kidding! Paano?" "It's a long story. Sabi na nga bang magugulat ka e. Basta nakita ko yung parents ko sa bahay nila nung inaayos nila yung sa case yesterday. Boom, nagkaalaman na." he explained. Well, that explains everything. Pero-- Gahd. Magpinsan pala sila! Kaya pala nasa sa kanila ang lahi ng mga gwapo't magaganda.

"Woah?! Wala na ako masabi kundi. OMG. Hindi nga?!" I laughed a bit.

"HAHA. Yun yung pinag-usapan namin sa mall kahapon e. Ok, gotta go! Prepare ka na para mamaya, huh?" then he hunged up without me saying a single word.

And dun sa huling sinabi niyang magprepare daw ako. Coz TONIGHT WILL BE THE NIGHT. TONIGHT WILL BE THE WINTER NIGHT. Kinakabahan pa rin ako na parang excited.

Relieved din? Coz finally, Iris found the place where she has to be. Tsaka wala na akong kaagaw kay Jeremy? HAHA. Nah. Hindi pa nga ako aamin e. Paano kaya yun?

Preparation for the Winter Night, 7:00 pm

*DING DONG!!* I was fixing myself already at my room nung biglang may nag-door bell. Sino kaya yun?! "Beeeeeeeees!" niyakap naman agad ako ng bruha nung binuksan ko ang pintuan. Eeeep. Ang higpit! "Heey. H-hindi ak-ko makahingaa." kumalas naman ako sa pagkayakap niya, "Wow? Not much prepared? Ang ganda ng bes ko!" She smiled saying thanks, "Teka, ba't hindi ka pa nakahanda? Look at you! Mamaya, magsisimula na ang Winter Night! Gusto ko pa namang maging early bird!"

Natawa naman ako dun sa sinabi ng bruha. Anyway, umakyat na ulit ako sa kwarto and I fixed myself. Well, not only me. Inayusan din ako ng bruha. Hired make-up artist din daw! FYI, magaling sa pagmamake-up tong bespren ko no?

After nung make-up, sinuot ko naman yung favorite dress ko na binili ni Enzo. Bes agreed na bagay nga daw sakin e! And syempre, sinuot ko na rin yung heels kong color silver naman.

"Wooooooooooooow!" nagulat naman ang aking oh so pretty na bes.

"Ok. I get it. Maganda ako. Always naman e." I joked to bes. Kaya natawa naman siya.

"Loka-loka. I know you're pretty. But you're prettier. Tignan mo, lalo na nung nakalugay ka. Parang sasabog ka sa beauty mo e!" at namula naman ang bruha. OMG. Siya pa tong namula ha.

"Aw thanks." yun lang ang nasabi ko kaya napangiti ako.

"Anong accessories ang susuotin mo?" tanong niya.

"Ha? Kailangan pa ba nun? Ok na to di ba? Simplicity is beauty naman e." sabi ko naman. I'm right, di ba readers? "Sus. Kahit konting abubot lang, magsuot ka nga!" Tumango na lang ako nagtitingin sa may dresser. Napatigil ako sa paghahanap nung hawak ko yung couple bracelet at ring na bigay ni Jam. Sinuot ko naman yun kaya hindi na umangal ang bes ko.

We went to the venue by using the car of MJ. Sa entrance pa lang, engrandeng-engrande ang preparations nila. Worth it naman ang fee dito. Bumaba naman kami ng sasakyan. Pero pinauna ko na yung dalawang lovebirds...

"Bes, nasaan ang ka-date mo? Si Enzo ba yun?" I nodded, "Sige, mauna na kayo. I'll just wait for him." Pumasok naman sila dun sa may hall. Red carpet pa nga e, Wow ha! As in wow talaga! Sosyal.

I think I have to call Enzo. Wala pa kasi siya dito e. Baka magsimula na yung program tapos wala pa ang kadate ko.

Calling... Enzo

"Enzo! Nasaan ka na?" "Ha? Nandito na ako sa venue e. Ikaw ba?" sagot naman niya. OMG. Don't tell me, nakalimutan niyang kadate ko siya?!

"You're suppose to be escorting me here, you pabo!" tumawa naman siya sa sinabi ko. Wow, nakakatawa ba?! "Nandiyan na yung ka-date mo no? Wait, kanina ka pa bang nakatayo diyan?" he chuckled. Ay, malamang hindi! "Hindi. Hindi. Ikaw ang ka-date ko, oy! And dapat nandito ka na!" sigaw ko naman. Pero hindi ako galit. Parang may tampo lng ng unti. HAHA.

"Look at your back, ok? Nandiyan na ka-date mo." then he hunged up.

"WOW ENZO! SALAMAT HA!" sinigaw ko naman. Para tuloy akong inindian ng ka-date ko at pinaghihintay pa ako dito.

"Your welcome, amplifier." Wait. Tumalikod naman ako. Hindi na kayo magtataka kung sino kasi siya lang naman ang tumatawag sakin ng amplifier.

"Ikaw? Ang ka-d-date ko?" Eeeep. Nanlalamig na naman ako. Aish. Kinabahan tuloy ako. Ang gwapo niya kasi e. And tignan niyo ha--

"Oo. Naka-purple ka rin pala?" tumawa naman siya ng unti. Gahd. Ang gwapo gwapo gwapo niya talaga. Terno pa kami kasi pareho pa kaming naka-purple. Sinadya ba talaga to ng tadhana or whatever.

At oo nga...

Siya ang ka-date ko. Matutuwa ba ako o hindi? Syempre, oo. ^__________^

"Tara na?" he offered his hand to me. Tinitigan ko pa nga ng unti at tinaasan ng kilay, "Ayaw mo?" tapos ngumisi siya.

"Gusto!" nilapitan ko siya at ni-link yung arms ko sa kanya. OMG. Panaginip ba to? Kasi kung panaginip lang to, sayang lang. Mas gugustuhin ko pang gumising.

Habang naglalakad kami sa may red carpet...

"Kamusta ka na?" I asked imprompto. Sorry, can't help it.

"Ok na ok." tapos ngumiti siya ng nakakatunaw. Lord, please tell me kung totoo nga po tong nakikita ko!

"Slap me." I didn't just say that. Eeeep.

"Ha?" tanong naman niya. Ang bango bango niya pa. Aish. Nakakainis. "Wala. Ang gwapo mo ngayon." tapos ngumisi na lang siya, "Dati pa." Walang 'thank you'? Haay nako. Ang yabang pa!

"WOAAAAAAAAAAAH? Magkadate pala kayo?!" nagulat naman si Tris nung lumapit kami sa table nila. So kadate niya pala si Ciara ha. Nice. And I even saw Enzo smiling at me, nagthumbs-up pa nga e.

"WAIT?! ANONG NAMISS KO?! BA'T KAYO MAGKADATE?!" dagdag pa ni Chase.

Binatukan na lang siya ng kumag, "Ang OA niyo! Magkadate lang kami e, ganyan na kayo maka-react!" Natawa naman ako sa kanila. Si bes naman, nag-peace sign sakin like this. ^______^v

"May we call on the Applemouth to present their special number here on stage?" si Ma'am Yuna ang nagsabi nun. OMG, she's pretty, too.

"Oh. Ano pang hinihintay natin? Tara."

"Good luck!" bati naman nina Zen and Ciara.

Si kumag naman, hinila na lang ako paakyat ng stage. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nginitian niya lang ako. What's with him? Oo, alam kong pogi siya pero hindi na kailangan sabihin yun. HAHA.

"Good morning ladies and gentlemen, teachers and staff and students! We are the Applemouth! And we would be glad to present a special number for you guys! Hope you'll enjoy it!" I smiled to the audience. And so we sang the two songs, Terrified and That's What You Get.

Nakikisabay pa nga samin yung ibang students habang kumakanta kami on stage. I'm glad at nagustuhan nga nila yun. Syempre, magaling ang main vocalist nila no! Nagpalakpakan naman sila. Kaya nag-bow na lang ako at bumaba ng stage pero hindi bumaba ang kumag at ang happy three friends. Bakit kaya? Tinignan ko na lang si Jeremy na parang nagtataka.

"Good evening! This will be the last song we would like to perform. And I would like to dedicate this song to someone.. special. No, not only special. But also important. Buong bahay ko, akala ko kasi mabubulag ako dun sa pagmamahal ko kay Iris. I loved her first. But another person came to my life, since I've met her. I felt that I cannot live without her. She maybe annoying sometimes, but that's just one thing I'll really miss about her when she leaves." nagulat naman ako dun kaya nakita ko siyang parang nag-wink sakin. Ano daw?! Dedication? Ako kaya yun? Nakakaloka to ha.

My heart's beating so fast when I heard him sing...

Perfect Two..

Parang Pop version ginawa nila e, pero it's so cool. May sarili silang version ng kanta. Boy version kumbaga. Ako naman, nakikikanta na lang din. I don't know why but I'm falling for him each and everytime.

You can be the peanut butter to my jelly You can be the butterflies I feel in my belly You can be the captain And I can be your first mate You can be the chills that I feel on our first date You can be the hero and I can be your side kick You can be the tear That I cry if we ever split You can be the rain from the cloud when it's stormin Or you can be the sun when it shines in the mornin Don't know if I could ever be Without you cause girl you complete me And in time I know that we'll both see That we're all we need

Cause you're the apple to my pie You're the straw to my berry You're the smoke to my high And you're the one I wanna marry Cause you're the one for me (for me ) And I'm the one for you (for u) You take the both of (of us) And we're the perfect two We're the perfect two We're the perfect two Baby me and you We're the perfect two

Tumulo yung luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Tears of joy? Eto na ba ang happiness ko? Eto na nga ba ang signs? Ang answered prayer ko kay God? Napatingin na lang ako sa panyong inabot sakin ni Enzo tapos tinap niya ako sa balikat ko.

"HAHA. No need. Ikaw talaga." ngumiti naman ako sa kanya. "I know. Inaasar lang kita. Sabi ko naman sayo e, bagay talaga sayo pag nakalugay ka." he showed off his killer smile again.

"Thanks." ngumiti naman ulit ako.

"Thank you for that another number, Applemouth. I hope magustuhan yan nung taong dinedicate mo, Mr. Santos." sabi namang bigla ni Ma'am Yuna na nakatingin sakin. Hala. Ba't nakatingin sakin si Ma'am Yuna? "Now let's give the dancefloor to our students!" sabi naman ng Dj na nagmimix ng mga songs. Nakita ko naman si kumag bumaba ng stage at nakangiti sakin, "Tulala ka na naman, can I have this dance?" he offered his hand to me.

"Ayoko." pakipot lang ako. HAHA. Para pang-asar.

"Sige na!" hinihila niya ako pero pinipigilan ko sarili ko. Natatawa ako sa kanya. Ang cute niya! Parang bata!

"Nagseselos ako dun sa taong dinedicate mo ng kanta." tapos nag-cross arms ako. Para may tampo effect.

Nag-smirk naman siya, "Sige na nga. Sasayawin ko na lang yung babaeng dinedicate ko ng kanta kanina." OMG. So hindi nga ako yung dinedicate niya ng kanta kanina? Ouch naman. Paupo na sana ako nang--

"Tara, sayaw tayo!" hinila naman ako ng kumag papunta sa dancefloor. OMG. Ako nga! HAHA. Namumula tuloy ako. Sana hindi makita ng kumag.

"Bibigay ka din pala e." he smirked at nilapitan pa lalo ang mukha niya, "You're red." "Hindi kaya! Bakit ako mamumula?" "Do you know I love apples like apple red? No, wait. I love apples." tapos tumawa siya. What? Anong konek ng apple kasi red? "Ha?" Seriously, I don't know what he's saying e.

"I really love apples. And Tia, you're that apple. You're the apple to my pie.. to my eye."natawa naman ako dun. Binatukan ko naman siya.

"Ang keso mo! Alam mo yun?!" tapos pinisil-pisil ko pa yung cheeks niya. Namumula din naman siya e! For the first time? "May gusto akong sabihin pero hindi ko kaya e." he said na parang natataranta. "Ano yun?" I smiled to him. Para na naman siyang bata. He's so dang cute! "Tara nga dito." hinila naman niya ako papunta dun sa may terrace. Tapos tumingala ulit siya may sky kaya napatingala din ako, "Nagtanong kasi ako dun sa may Taas." "What?" OMG. Jeremy. Stop it. Yung puso ko, Aish. Parang may drumroll sa puso ko. Kinakabahan ako na ewan.

"Akala ko si Iris na e. Akala ko siya na lang magugustuhan ko forever. Akala ko first love lasts forever. Pero hindi e. Puro na lang akala. Wala nang nagagawang maganda yang akala na yan e." he smirked again.

"Ano bang ibig mong sabihin?" Seriously, this heart is racing so fast. Parang atat siyang marinig kung anong gustong sabihin ni Jeremy.

He held my hand for a minute at tinignan to, "Suot mo pa rin pala. Suot ko din oh." Then pinakita niya yung wrist niya, aww.. He's still wearing the couple ring and bracelet.

"Baka magalit pa si Jam pag hindi ko sinuot e." napangisi ulit siya.

"Yun ba ang dahilan?" tinignan niya naman ako. Eeep. Wag ka nga! Nakakatunaw! He looked back at the starry sky, "As I was saying, akala ko si Iris na lang magugustuhan ko. Kasi siya lang naman ang nakakatiis sa ugali kong to e. Nung umalis siya, aaminin ko na sobrang sakit. Pero nung bumalik siya, sumaya ako. Pero hindi na ako ganun kasaya kasi..." na-totorpe pa siya. OMG. He is so not Jeremy na kilala ko.

"Ang drama mo ha!" pagkatapos kong sabihin yun, biglang humangin. Kaya pati yung buhok ko, nakikisabay sa pag-blow ng wind.

"Tia, sayo lang naman ako nagkaganito e. Gaya nga ng sabi ko, hindi ko kayang sabihin." hinarap niya ulit ako.

"Ano ka ba? Spill it." ngumiti naman ako.

After an awkward silence, he hugged me.

He kissed my hair being blown by the wind...

"I love you." kasabay nung pagkasabi niya nun ay narinig kong may paradang tumutugtog sa heart ko. I hugged him tighter with my tears rolling down my cheeks, "I love you, more. Don't you know that?"

"Awwwwwwwww..." Napabitaw tuloy kami nung nahuli naming nanunuod lang pala sina Zen, Ciara, the Happy three Friends, at kung sino-sino pa.

"PDA! Ano ba yan?!" tumawa na lang kami sa sinabi ni Tris. Kaya binatukan naman siya ni Ciara. "Ano? Papalag ka pa ba?" dagdag naman ni MJ.

Oh well, what could I say? That night is the best night ever. I finally found my happiness. Yes. Siya nga ang happiness ko. I planned to confess pa nga di ba? Pero naunahan niya ako. Unexpectedly, he took all the words from my mouth. After that night of confession, I felt relieved and para akong nasa Cloud nine. Basta everything that happened is unexplainable, actually. Define happiness? Jeremy Kaiser Santos.

He will be and will always be. <3

EPILOGUE

December 21

It was December.

Which means Christmas is coming! Hindi lang yun. Excited na talaga ako sa lahat ng happenings this December. Syempre, hindi mawawala ang birthday ko no? Speaking of birthday, eto na nga ako. Nagsosolo sa bahay. Forever alone. Wala atang nakakaalala ng birthday ko e. Binuksan ko na lang yung tv at nanuod ng kung anong-anong palabas. Ouch naman, wala talagang nakakaalala ng birthday ko? Pumunta naman ako sa may park para magpahangin. Oh well, mag-eemote na lang ako. Kahit bespren ko, hindi niya naaalala na today is my day? Sigh.

"Ba't mag-isa ka lang? Pwede ba akong tumabi sayo?" Tumango na lang ako sa taong kumausap sakin. Nakayuko lang ako kaya hindi ko siya tinitignan.

"Ba't ang lungkot mo ngayon?" tanong niya bigla.

"Close tayo?" nasabi kong bigla, "Sorry. Kasi naman birthday ko ngayon, walang nakakaalala sakin e, kaya magcecelebrate na lang akong mag-isa." nakayuko pa rin ako nang sinabi ko yun.

"Ganun ba? Parehas pala tayo. Birthday ko rin kasi ngayon e." "Ha?" napatingin naman ako sa katabi ko.

"KUMAG!" binatukan ko naman siya.

"Yung cake! Ingat, oy!" tumawa naman siya, e nabatukan na nga niya. "Surprise!!!!" nagpakita naman lahat ng mga magagaling kong kaibigan. Wow, surprise pala to ha! "Surprise pala ha! Alam niyo ba? Kulang na lang maglaslas ako dito kasi walang nakakaalala na birthday ko?!" nagsitawanan naman sila.

"Bes, hinanap ka namin sa bahay para i-surprise e. Pero wala ka dun kaya pinuntahan ka na lang namin dito. Happy Birthday!" niyakap niya naman ako. Hindi ko rin matiis yung bruhang to e. HAHA.

"Looks like we're having a double celebration here!" sabi naman ni Ciara. Double celebration? "Bakit double celebration?! Sino pa bang may birthday?!" pagkatapos kong sabihin yun, napansin kong napayuko ang kumag. Walk-out na sana ang drama ng lolo niyo pero pinigilan ko naman! "Happy Birthdaaay! Ikaw talaga!" tapos hi-nug ko naman siya. Wasus, nagdrama nga ang bida ng buhay ko! Woo, keso. Ngumiti na lang siya. He hugged me back.

"Ba't hindi ko alam na birthday mo ngayon?"

"Kasi hindi ka naman nagtatanong." ang kulit e. Ayan, binatukan ko ulit, "Aray naman! Birthday na birthday e!"

"Sorry, wala tuloy akong gift sayo. Parehas pa tayo ng birthday. Cool!" nginitian ko naman siya.

"Kahit wala ka ng regalo para sakin, no? Ok lang ako." nakaka-guilty tuloy! Aish. Hindi ko kasi natanong e. Tapos nun, may inabot siyang regalo sakin.

"Buksan mo." sabi naman niya.

"Ano ba to?" tanong ko naman habang binubuksan ko siya from the gift wrapper.

"Sabing buksan nga e, di ba?"

"Fine." binuksan ko naman yung regalo niya para sakin. Guess what?

It's his jersey # 21. Na may apelyido niya pa sa likod. Kaya pala 21 ang number ng Jersey niya coz it's his birthday, too.

"So parang fan mo ako sa basketball? Bibigyan mo ako ng jersey?" kahit deep inside, gustong-gusto ko naman talaga yung regalo niya.

"Ayaw mo ba? Sabihin mo lang." ngumisi naman siya.

"Di ka naman mabiro no! Thank you, Jeremy." ngumiti naman ako sa kanya.

Naglakad naman kami nang magkahawak ang kamay. Oh well, holding hands! Kilig ang lola niyo! Umupo naman kami sa swing. Tapos may nilabas pa ulit siyang isang box.

"Ang dami mo namang regalo! Naguguilty na talaga ako!" tumawa naman siya sa sinabi ko.

Lumuhod na lang siya bigla, "Jeremy? Anong gagawin mo? Ba't ka nakaluhod?"

Tinanggal niya naman yung suot kong ring, yung binili ni Jam, "Kinakalawang na oh, palitan na natin." ngumiti naman ako.

"Tia... you're the Apple of my eye , mango of my pie , palaman of my tinapay , keso of my monay , teeth of my suklay , finger of my kamay , blood in my atay , bubbles of my laway , sala of my bahay , seeds of my palay , clothes in my ukay-ukay , calcium in my kalansay , calamansi of my siomai , vitamins in my gulay , tungkod when I 'm pilay , cure to my aray .. In short , ikaw lang habambuhay !"

Natawa naman ako dun sa mga pinagsasabi niya, "Shut up nga. Ikaw lang din, ok?" sinuot naman niya yung singsing. Hindi to pang-engagement or whatever. Ang bata pa namin no? Trip niya lang siguro. Kasi may naka-engrave na 'Jek' sa singsing e. Wow, may effort to!

Tumayo naman siya, "Masaya ka ba?" tinanong niya.

"Duh. This is the best birthday ever. It's too perfect!" I smiled to him.

"Yun lang? Paano tayo?"

"Bakit tayo ba?" biro ko naman sa kanya. HAHA. Manligaw muna siya no?

"Kahit wala tayong commitment, we're the two perfect perfect two."

Ang keso niya talaga to the point na kinilig ng bonggang-bongga ang puso kong nagtatatalon sa tuwa. He came closer and the next thing I knew...

He took my first kiss.

"Nous sommes les deux amants parfaits."

(We're the two perfect lovers.)

Author's POV

This is just a summary of everyone's ending! ^_____^

Oh well, kanino tayo magsisimula? Syempre sa dalawang bida!

Si Tia? After their graduation, hindi na siya magmimigrate sa France.. In fact, she told her parents na sa Pinas niya ipagpapatuloy ang pagcocollege niya when they graduate.

Si Jek? Ayun, happy happy sila ni Tia. Syempre, happy ending di ba? Sabay silang magcocollege sa ADMU, their dream university. Wala silang commitment ni Tia. Pero one day, magugulat ka na lang at manliligaw bigla to kay Tia.

Si Zen at Mj? Ang mga best friends ng mga bida.. They're going stronger habang tumatatagal. Happy happy din.

Si Tristan at Ciara? Let's say na M.U. sila. Ayaw kasing sagutin ni Ciara si Tris since studies first, yun ang priority niya. Kaya kapag nakapagtapos na siya sa pag-aaral. Boom, sila na! Si Chase? Nagmeet na sila nung girlfriend niyang kakauwi lang galing Canada. Reunion ng mga loveteams ang drama ng mga tao ngayon ee! Si Enzo? Umamin na rin siya kay Tia na may gusto siya pero syempre, nakahanap rin siya ng one and only love niya nung nagmigrate naman siya papuntang Australia! Si Iris? Nasa mental institution pa din. She's doing good, I guess? HAHA!

"And of course, everybody deserves a happy ending but they have to get hurt first! Before they finally meet their happiness!" - frailheart17

- FIN All RIGHTS RESERVED March 04, 2011 - April 26, 2011

You might also like