You are on page 1of 6

(V)ENDING MACHINE

DESIREE ROAMINE R. CARMEN


Nakakita ka na ba ng vending machine? Sa palagay ko naman, nakakita ka na no? Well, para dun sa maga taong hindi pa (ang poor joke lang ) eto yung bagay na madalas nakikita sa mga airport, train stations, minsan sa mga mall; eto yung mukhang refrigerator, kung san pwede ka ng bumili (kaso, walang tindera na mag-aasikaso sayo self service, ika nga ). Alam mo na? Hindi pa rin? Eto yung malaking bagay na mukhang ref, pero, hindi siya ref, may malaking salamin yun sa harap, bago, may mga pindutan sa tabi na parang calculator. Bago, may maliit na butas dun sa ibaba o itaas kung saan mo ipapasok yung pera, sa barya, yung butas niya, parang sa alkansya, bago yung sa perang papel, parang butas dun sa ATM machine kung saan ipinapasok yung ATM. Bago, ang mga nakalagay dun, mga junk foods, cup noodles (cup noodles lang ha, walang tubig, yung cup noodles lang talaga, problema mo na yung mainit na tubig, at yung kubyertos) tapos may laman ding mga chocolate, junk foods, crackers (may filling o wala), potato chips at kung anu-ano pa. Depende yun dun sa maglalagay. Malimit lang talaga na junk foods ang andun, (mabubulok kasi pag naglagay ng freshly cooked foods sa isang vending machine) tubig (yung nasa bote, hindi malamig), softdrinks in can (deklikado pag yung nasa bote, take note, hindi din malamig.) Alam mo na? Salamat, alam na rin ng loko Bakit ko natanong: Kasi, hindi dahil wala lang okay. Kasi, ang vending machine, parang tao. In many ways. Ayaw mong maniwala? Check this out. -oLast time kasi, wala ako ng magawa, nagdecide ako na maglakad-lakad sa Luneta Park. Ang dahilan: wala lang, trip lang, (totoo, trip lang talaga. Hindi ko intensyon na mag-hanap ng maisusulat ko.) Bandang hapon na yun, after lunch, before merienda. Nag-lakad ako ng konti. Actually, may dala akong libro. Pamagat: The Beautiful Jim Key. Tunkol yun sa isang kabayo na ang I.Q. ay sing taass ng sa 6th grader na tao. Nakakapag basic arithmetic siya, (add, multiply, divide at subtract) nag sosort ng mail, nakakatawag sa telepono, magaling din siya sa spelling, marunong umarte, meron din siyang political views, (actually, democrat si Jim key) at kung anu-ano pa. Ang hindi nalang ata niya alam gawin, ay magsalita. Pero, kaya niyang magsabi ng YES at NO sa pamamagitan ng pag-tango paitaas at pa-baba para sa YES at pakaliwa t pakanan para sa NO . Sa totoo lang, hindi ko ngustuhan yung pakakakwento. Pero, nung natapos kong basahin yon, dun ko nalaman ang kagandahan ng mga aral na makukuha sa buhay ng isang kabayo at ng isang tao.

Hindi ko ikukwento ang buhay ng dalawang ito. Bagkus, ito any ihahalintulad ko sa pangkalahatang buhay ng tao. Sa mundo, maraming klase ng tao, may impokrito, impokrita, balasubas, pa-sweet, pa-cute, papansin, mayaman, mahirap, bakla, tomboy, paki-alamera, paki-alamero, criminal, chismoso, chismosa, manloloko, nagpapaloko at marami pang iba. Marami mang klase ng taong nabubuhay at binubuhay dito sa mundong ibabaw, meron lang silang dalawang category. Masamang tao, at mabuting tao. Sa pag-gagala ko sa Luneta, (alam ko, ang cheap. Walang pakialaman ng trip!) kahit saglit na oras lang, nakakilala ako ng ilang tao na namamalagi doon. Dahil sa sobrang init ng panahon, at sa kadahilanang ayokong masira ang aking magandang skin, (wow, nag-yabang ang loko, walang biro, maganda ang skin ko, promise) nagpunta ako sa Chinese Garden, five pesos lang naman ang entrance, at may lilim dun. Pag-pasok ko sa Chinese Garden, nung nakahanap nako ng mauupuan. Umupo ako at nag umpisang mag-basa. Dun ako umupo sa may man made na swamp ng Chinese garden. Hindi pa kasi masyadong nasisinagan ng araw ang parteng iyon, may konting amoy nga lang na hindi kanais-nais. Napabayaan na kasi ang man madde swamp na iyon. Kaharap ko naman ang grupo ng mga kabataang nagpapraktis kumembot at mag-pacute. Sa totoo lang, sayaw talag yon, kaso, para sa mga ma[ta ko, hindi iyon matatawag na sayaw, dahil, wala na silang ibang ginawa, kundi, kumembot at mag-pacute sa tono ng kantang hindi maintindihan ang lyrics, kantang koreano ata, hapon, o kung ano man, basta hindi maintindihan. Sa kabilang banda, may mag-awasang mukahang ilang araw ng namamalagi sa garden na iyon, kasama ang kanilang anak na tipo, isang buwan palang ang edad. Dahil sa pag-iba ng angle ng araw, medjo uminit na sa lugar na kinauupuan ko. Lumipat ako ng pwesto, banda dun sa may mga puno, kung saan may lilim na mauupuan. Medjo nahirapan pa nga akong pumunta doon kasi andun yung isa sa mga hayop na klinatatakutan ko. Hindi aso, hindi palaka. Ano? GANSA, o yung tintawag na swan na English. Ayun, takot ako dun, sa hindi malamang kadahilanan, takot din ako sa pato at itik. Going back to the story. Ayun, pinalayas ni ateng taga linis yung mga swan. Nakaupo nako ng tahimik dun sa bench. Presko dun. Amoy lupa na bagong dilig. Nung medyo nababagot nako dun sa pwesto na yun. Napagdesisyonan ko na bumalik sa pwesto ko kanina. Dun sa tabi ng man-made swamp. Pagdating ko dun, napakamot ako ng ulo at ASTIG sabi ko sa isip ko, kasi, may nakaupo na dun sa inuupuan ko kanina. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Iniwan ko nga yung pwesto kong yun diba? At wala naming naka paski dun sa upuan na SI DESIREE LANG ANG PWEDENG UMUPO DITO kaya, ayun, may umupo. So, ang ginawa ko, lumapit ako dun sa isang bench na may isang bata lang na nakaupo. Nagulat naman ako sa sinabi niya sakin. sige, ate upo ka. Sabi ko nalang sa sarili ko, well, astig ah. -oAng batang ito ang pinaka-una kong nakilala sa pag-gagala ko sa Chinese garden ng Luneta.

Ako: Bata:

Tungkol saan naman yang binabasa mo? Case study? (pinapakita sakin ang bulto ng print outs) Eto oh.

Ang nakalagay dun: mga symbols na hindi ko mawari kung ano, at kung para saan. Ako: Bata: Ako: Bata: Anak ng pating! Ako: Bata: Ako: Ganun ba? Good luck. Parang hindi ka nagulat ate. Kasi wala akong paki-alam. ahh, ok. Ano ba yan? (sabay ngiti) Baka magulat ka ate ha Sabihin mo nalang kung ano yan tol. Sasabihin ko sayo kung nagulat bako o hindi. Pinag-aaralan ko kasi ang Satanism.

Sa totoo lang, meron. Pero, mas marami akong tanong kagaya ng, bakit siya nagaaral ng ganun? at marami pa. Bata: Ako: Bata: ok, ano naman yang binabasa mo ate? The Beautiful Jim Key tungkol san ate?

Nakuha ko na ang attention ng batang to. Mamaya, iintrigahin ko na siya. Ako: Bata: Sa kabayo na sing talino ng isang grade six. Galing no? Patingin nga ako ate.

Pinakita ko sa kanya ang libro, hindi man lang ako nag-dalawang isip. Ako: Bata: Bakit ka ba nag-aaral ng ganyan? Yang Satanism? Gusto kong patayin ang tatay ko.

Nagulatt ako sa sinabi niyang yon. Aaminin ko, may konting sama ako ng loob sa tatay ko, pero, kahit kaylan, hindi ko naisip na patayin ang tatay ko, hindi ko nga maimagine na pwede kong gawin yun eh. Ako: wow! Dun ako nagulat. Bakit naman?!

Bata: Kasi ate, binubugbog kami lagi nun eh, kahit wala kaming ginagawang masama, bago si mama, parang kinakampihan pa.

Ako:

Pero, hindi sapat na dahilan yan para, patayin ang tatay mo. Alam mo ba yun?

Oo, para nakong abugado na nag-cocrossexamine ng witness. Bata: Ako: ah. Bata: Ako: Mahabang kwento kasi ate eh. Anong mahaba dun? yung pambubugbog lang naman sa inyo ang binigyan mo ng diin

Pinalayas din kasi kami sa bahay, kasama yung mga kapatid ko. Kulang parin.

Hindi na kumibo ang bata. Ako: Nag-layas ka kasama ang mga kapatid mo. Dahil na rin sa sinabi ng tatay mo. So, saan kayo nakatira ngayon? Dito lang kayo? Sa luneta? Kahit wala akong nakikitang kasama niya, sinabi ko KAYO Bata: Ako: Bata: Ako: Bata: Ako: Bata: Hindi ate, yung mga kapatid ko, nagpunta sa pangasinan. Ako, dito, sa barkada ko. Nag-aaral kapa? Hindi na ate, Pero, umabot ako ng second year high school. Hindi na nga lang naituloy. Kasi, Lumayas ka. Eh, ano nalang mangyayari sayo niyan? Anak ka ng nanay mo. Pero ate, alam mo Hindi, Hindi ko alam Joke lang, ano ba yun? Kung bibigyan ako ng pagkakataon, mag-aaral ako ulit. Gusto ko maging teacher eh.

Ako: Yun pala eh, bakit hindi ka bumalik sa magulang mo? Kasi, kahit anong mangyari, sila lang ang tutulong sayo. Kahit pinalaayas ka nila, subukan mong magpakita sa kanila ngayon, imposibleng, hindi ka nila tanggapin ulit. Kasi kaht anong mangyari, anak ka parin nila, kung pinalayas ka nila, sigurao ako, hindi nila gusto yun, nabigla lang sila. Kaya, kung ayaw mong hanggang dito ka nalang, umuwi ka sa magulang mo. Tigil-tigilan mo na yang pag-eemote mo! Bata: (pinapakita ang mga las-las sa braso) halo-halo na yan ate.

Ako: Anong balak mo? Gawing story book yang braso mo? Sino ka? Si first father na nagjourney through the stars papuntang shibalba, para maisave ang tree of life? Baliw ka tol! Praning! Kung gusto mong magpaka-matay, mababaw yan. Next time, laliman mo, sa dalawng kamay, bago sa paa.

Bata:

Ano nga pala pangalan mo ate? Ako nga pala si Skull

Ako: Oo nga pala no, kanina pa tayo nag-uusap. Des nga pala. Bago, may kumuha ng atensyon niya, eto si person number two na nakilala ko sa pag-gagala ko sa luneta. Bata: Kuya: Kuya, ano yan? Tarot cards.

What in God s name Tarot cards. Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga ganung bagay. Kasi, hindi braha ang magsasabi ng kung ano ang khihinatnan ng buhay ko. Braha lang yan. I make my own destiny. I will choose, and my choices will be me. There s no such thing as fate, only coincidences. Ako: Kuya: Ako: Kuya: Ako: Totoo ba yan kuya? Why don t you try? I don t belive in such thing, pero, curious ako. Its good to know. Ganun?!

Kaya ayun, naghanap siya ng maluwag na pwesto at naglatag ng blankie, isang yellow, at isang red. Tumingala, nagpakuha ng bato at iniabot sakin, pagka-tapos. Kuya: Ibato mo to sa malayo pag-uuwi kana. (iniabot sakin ang bato)

At nang matapos ang ritual simula sa pagpili ng mga braha. Eto ang sabi niya: Kuya: Sino ang karelasyon mo ngayon? Kasi, broken hearted ka, yun ang sabi ng braha, at age 25, mag-aabroad ka. May wish ka. About HIM, pero, sorry, hindi siya ang para sayo. Tinakluban ako ng langit at lupa, kasi, at that time, meron akong ka-relasyon na it s comlplicated ang situwasyon. Parang mag-on kami, pero, hindi. Mutual understanding lang. More than friends, less than lovers. Pero, may previous boyfriend ako, nag break kami, one year from that day na binasahan niya ako ng tarot cards. Broken hearted parin ako dun sa ex kong yun, kasi, malaking misunderstanding ang nangyari na hindi siya nagkaroon ng time na intindihin. O ayaw na niyang intindihin, hindi ko alam. Yung wish ko: Sana, tawagan ako, or kontakin ako ng ex ko, at kausapin niya ko. Kuya: Sa foreign field mo siya makikilala. Successful ka in many ways.

Nalunok ko ang dila ko, at wala na kong nasabi kundi: Ako: Nakakakilabot.

Natapos ang kababalaghang iyon at hanggang nagyon, iniisip ko ang mga lumabas sa braha. At sinabi ko sa sarili ko, ngayong alam ko na ang mangyayari, gagawa ako ng paraan para hindi ko mapili ang mga bagay na yon ang kababagsakan ko, babaliktarin ko ang braha. I will make my own destiny. I will make my choices. My choices will make me. -oMaraming klase ng tao. Pero, diba, dalawa lang ang classification nila. Masama at Mabuti. Pero, kahit gaano kasama ang isanng tao, there s something good in him parin. You just have to look deeper. Choice na niya yun kung ipapakita niya o hindi. Minsan, para maipakita ng isang tao ang buti sa kanya, kaylangan niya ng isang matinding dahilan sa pinaka matinding situwasyon. Nang yari sa kin yan. Naaksidente ako. Na-comatose ng halos isang buwan. Brain trauma. Partial memory loss. May mga siwasyon na nagpaalala akin ng mga nakalimutan ko. May mga taong kilala ko sa mukha, pero, hindi ko matandaan ang pangalan, pero alam ko kilala ko sila. Yung kwento tunkol sa aksidente ko. Well, sa ibang kabanata ko na ilalahad yun. Ibang title. Promise. Ayun! Ganun lang. Joke. Ang buhay, parang vending machine yan. Mamimili ka lang, kung wala dun yung gusto mo, desisyon mo yan, bibili ka pa ba, o hindi na. In other words, maniniwala ka ba o hindi na? Oo nga pala, hindi ko na binganggit ang mga tunay na pangalan ng mga taong nakilala ko. Para na rin sa security nila, siyempre, security ko na din. Hehe. Baka kasi, pag nakita ulit ako ng mga taong ito,habulin ako ng itak habang sumusigaw ng. Lang-hiya ka !!! Mangaagaw ng buhay! Pati ba naman kami, idadamay mo sa mga kalokohan mo! Humanda ka! . Ayoko naming mangyari yung ganon diba? Sino ba may gusto. Unless, wag na, kalimutan na. Hehe. Yun lang.