Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 1 Cinco

De La Salle ² College of St. Benilde
Departamento ng Filipino

ANTAS AT TUNGKULIN NG WIKA:

Cinco

Ipinasa ni: Willabel Ann S. Garcia Ipinasa kay: Gng. Clarisa Dunong

Page

1

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 2 Cinco

De La Salle ² College of St. Benilde
2544 Taft Avenue, Manila, Philippines 1004 Departamento ng Filipino

CINCO

Ipinasa ni: Willabel Ann S. Garcia
Page

2

Ipinasa kay: Gng. Clarisa Dunong

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 3 Cinco

Buod at Maikling Pagtatalakay:
Ang Cinco ay nahahati sa limang kuwento ng kababalaghan na pinagbibidahan ng iilang artista ng star cinema. Kabilang sa mga batikang artista na tampok sa palabas ay ang yumaong actor na si AJ Perez. Binubuo ito ng kolaborasyon ng limang director na sina: Frasco Mortiz (Braso), Enrico Santos (Paa), Ato Bautista (Mata), Nick Olanka (Mukha), Cathy Garcia-Molina (Puso). Ang naturang pelikula ay mapapanood sa Cinema One at pati na rin sa Youtube na nahahati sa tigsasampung minutong vidyo. Bukod pa sa nabanggit, maari rin itong mabili sa iba¶t ibang pamilihan ngunit hindi ito magandang tampok upang tangkilikin ng menor de edad gawa nang mayroon itong sensitibong paksa.

LEGEND:
PORMAL
PAMBANSA PAMPANITIKAN

IMPORMAL
KOLOKYAL BALBAL BULGAR

Antas ng wika na hindi ginamit sa legend:
Lalawiganin Dahilan: Walang ibang wika na nabanggit kundi ang kilalang dayalekto na Tagalog. Mas kilala ang kabuuan ng dayalektong ito sa pagiging Filipino na siya namang pambansang wika ng Pilipinas. Gawa nito, mas maiging gamitin ang Tagalog sa mga pelikula dahil ito ang nauunawaan ng karamihan.

Page

3

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 4 Cinco
Mga Piling eksena mula sa limang tagpo

CINCO 1: BRASO
Pinagbibidahan nina: Sam Concepcion, AJ Perez‚,Robi Domingo, Baron Geisler,Kristel Moreno
Buod: Ilang mga kalalakihan ang nagmatapang na sumali sa isang fraternity. Nagkataon na ang initiation na isinagawa sa kanila ay mahigpit na hindi kanais-nais at normal. Mayroong mga bangkay. Sila ay mga duwag, na tinatakbuhan ang kanilang mga desisyon sa buhay.
(nakita ni Baron si mang teban) Baron: Putsa naman oh, mang teban! Mang teban: Ulol! Nasan na? Baron: Oh

~
SAM CONCEPCION: Oy, pare wag mong tatanggalin yan, gusto mo magalit si master? ANDREW/DREW: E wala naman siya dito eh, gusto mo ata naka bra¶t panty ka eh Bakit, feel na feel mo noh? ROBI: Tama na yan, ano ba? ANDREW/DREW: O, sayo na µto! (sabay haggis ng bra)

NATAGPUAN NI ANDREW/DREW ANG IKALAWANG SILID ANDREW/DREW: Pare, pare tignan niyo ito, oh! (nadulas si ANDREW/DREW) SAM AT ROBI: Oy, asan ka pare« Drew! SAM: Ang dilim naman dito, pare.(pumasok sa silid)(halos masuka sis am) ROBI: Pare, ano yun? SAM: µWag ka makulit. (nagkita na silang tatlo sa ikatlong silid at may pinapakielamang gamit puwera lang si sam) SAM: Pare, ayoko na talaga! Drew: Hmm« Ayos to ah! ROBI: Pare, wag mo na pakelaman yan!

Page

4

ANDREW: Ano ba, nakakainis ka na eh! (Pinapakelaman ni Robi at ni Andrew ang natagpuan nilang bangkay)

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 5 Cinco
ANDREW/DREW: Tanda-tanda na, nagthuthumbsuck pa. Sam: Pare sino nagthuthumbsuck? ROBI: E, hindi naman niya braso yan eh SAM: Uy, pare, sino na nagthuthumbsuck? ROBI: Uy, wag mo na galawin yan! ANDREW/DREW: Alam mo tumahimik ka na nga jan! Kanina ka pa, daig mo pa nanay ko, eh! SAM : Ano, nanay mo nagthuthumbsuck? ANDREW/DREW : Alam mo, isa ka pa eh, tumahimik ka na nga jan!

CINCO2: PAA
Pinagbibidahan nina: Jodi Sta. Maria-Lacson, Barbie Sabino, Joy Viado
Buod: Mahirap lang sina Elisa. Dahil awing-awa na siya sa anak niyang mahusay sa pag-aaral, nagawa niyang magnakaw mabigyan lamang ito ng sapatos. Sa kasamaang palad, hindi nagging maganda ang kinalabasan nito.
ANG PAGLALAKBAY NI ELISA PAUWI (dumaan sa eskinita si elisa) Lalaki 1: psst, psst psst Lalaki 2: Oy, pengeng paa. Yang paninda mo. PAGDATING NI ELISA SA BAHAY Lola: Nako Elisa, halos kinukulani nako kakapaypay sa anak mo. Elisa: Salamat, lola ha. Lola: Eh bakit ba kasi di mo bayaran yang kuryente mo, no? Elisa: Anong ibabayad ko? Lola: Wala kang pambayad ng kuryente pero may pambili ka ng bagong sapatos (natahimik si Elisa at napatingin sa anak niya) Lola: Huy, dumaan ka naman dun sa pabasa, para lingunin ka naman ng Diyos, tagal mo nang µdi tumatawag sa kanya. Sige, babu! Amoy patay ka, sa¶n ka galing? Elisa: Sa kaklase ni Anna, naaksidente. Lola: Nagpagpag ka ba?

5

Elisa: Ano ho?

Page

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 6 Cinco
Lola: Pagpag. Dapat pumupunta ka muna sa ibang lugar bago ka umuwi. Baka mamaya may sumama sa iyong kaluluwa. (napasigaw ang matanda, at ikinagulat ito ni Elisa) O siya, siya, totoo na ito, aalis na ako. Isara mo yang bintana ha. (nahabag si Elisa sa reaksyon ng matanda na tila bang nakakita ng multo at naghulos-diling isara ang bintana¶t pinto, na kaagad ay namataan niya ang batang dinalaw niya sa lamay) (Namimili si Kaye at ang kanyang ina ng sapatos) Kaye: Wow, ang ganda-ganda naman nito! Mommy, mommy, umm. Thank you pos a sapatos ko ah. Sandra): (May sinagot na tawag sa telepono) Sandali, sandale. Hello,Cecille? Sabihin mo dalhin kagad yung mga damit. (nakatalikod sa anak niya) Kaye: Akin na µyan! (Hinablot ni Elisa ang sapatos ni Kaye) Sandra: (Naghihinagpis) Kaye! Keeeeeey! Kaye! Kaye! (Humahagulgol) Tulungan niyo, ako! Kaye! (Naputol ang binti ni Kaye) Pagbabalik-eksena sa kasalukuyan: Sa sementeryo (Sariwa pa sa balintataw ni Elisa ang pagkamatay ni Kaye) Lalaki: Elisa! Quid quid latet aparebit nil linnultum remanebit. Lahat nabubunyag, lahat napaparusahan! Umuwi ka na Elisa. Kukunin niya ang anak mo. Dalian mo, takbo! (naghulos-dili si Elisa) Sa Tahanan nila Elisa: Anak, hubarin mo yan. Hubarin mo yan, susunugin natin yan,eh. Anna: Po? Bakit po? Ayaw mo bang may masuot akong magandang damit, kahit minsan lang Nay? Gusto mo bang pagtawanan nila ako ulit dahil mukha akong basura? Elisa: Hindi, anak, hinde. Kasalanan ko kasi, anak kung bakit namatay si Kaye. Anna: Po? Elisa: Ninakaw ko kasi sapatos niya para sayo anak, eh. (hinablot ni Kaye si Anna at dumilim ang paligid) Kaye: Wala nang tutulong sa¶yo, Elisa. Nag-iisa ka lang dito! (Inilayo ni Kaye si Anna) Elisa: (Lumabas sa bahay kung saan paglabas niya ay nasa sementeryo siya) Anna? Anna? Anna? Kaye: (Nagpanggap na si Anna) Nay, ayoko dito! Madilim dito! Elisa: Anna? (Nagising sa panaginip) Elisa: Patawarin mo ako« Diyos ko, patawarin mo ako.
Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

Page

6

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 7 Cinco
At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa dilang masama. Siya nawa. (Dumaan ang mga nagdadasal na tao) Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

(Nasunog ang multo)

CINCO 3: MATA
Pinagbibidahan ni Rayver Cruz at Maja Salvador Sa kotse habang nasa kalsada pauwe (napadaan sa wrong way si Alvin) Buod: Hindi matahimik si Rose sa paulit-ulit na pangyayaring bumabagabag sa kanya. Anuman ang gawin niya, hindi niya maiwasan ang may masaktan. Laking pagtataka nga lang niya dahil kinabukasan sariwa ang mga pangyayari at nangyayari ulit. Rose: Oh, tignan mo na. bakit ka kasi dito dumaan e. Bakit mo dito dinaan? Alvin: Ok lang yan. µdi ba may sasabihin ka naman µdi ba? Hindi ka naman siguro aatras sa kasal µdiba? (sabay binusinahan ang kotseng kasalubong) Rose: Iatras mo na¶to Alvin. Siya ang tama, one way µto. Wrong way ka. Alvin: (kumuha ng baril) Relaks ka lang, tatakutin ko lang µto. Rose: Alvin, wag na« Alvin. Lalaking nakasalubong: Pare, umatras ka. Wrong way ka. Alvin: Pare, hindi ka ba talaga aatras? Lalaki: Bakit ako aatras, e wrong way ka nga e.

CINCO 4: MUKHA
Pinapagbidahan ni Mariel Rodriguez Buod: Gawa ng galit ni Mam Rizza kay Mang Bong, masisisante niya ito dahil hindi niya lubos na nauunawaan ang pagpapaphotocopy. Maikli ang pasensya ni Rizza, at dahil dito, masusubok ang kakayahan niya sa pagharap ng mga pangyayaring maidudulot ng masamang pagtrato niya kay Mang Bong at pati na rin sa iba pang mga empleyado. Mariel: Anong klaseng trabaho ito? Ano bang kabobohan ito! Sino nagpa-photocopy nito? Sino?

Page

7

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 8 Cinco
Empleyado: Si Mang Bong po. (Pinuntahan ni Mariel si Mang Bong) Mariel: Sa tingin mo ba, mababasa ko to? Mang Bong: Sorry na po, Mam Liza. Liza: Magpopotocopy ka na nga lang, µdi mo pa magawa ng tama! (pinaphotocopy yung mukha ni Mang Bong) O yan, sentro! You¶re fired! Mang Bong: Maawa po kayo sakin. Sorry po talaga Liza: Hindi mo ba ako nakuha sinabi ko, you¶re fired! Mang Bong: Mas mabuti pang mamatay nako kesa mawalan ng trabaho. Mam Liza: Get out of my face! (tinitignan ni Mang Bong ang Xerox machine) Iwan mo na yan. Iwan mo na yan! Empleyado1: Sobra na talaga si Mam Rizza. Empleyado2: Oo nga. Sa Hallway Nag-ring ang cellphone ni empleyado1 Empleyado1: Oh shit Mam Rizza: (narinig) Oh shit? You think this is funny ha? You¶re freakin¶ fired! Get out of my face! All of you! You¶re all fired! ( Nasa loob ng elevator) Empleyado2: (tumawag kay empleyado1) Pare, patay na si Mang Bong. Tumalon sa Building kanina. Empleyado1: Nako! Si Mam Rizza! (Tumakbo sa bababaan ng elevator)

CINCO 5: PUSO
Buod: Gawa ng pagkahumaling ni Pokwang at labis-labis na paghanga niya kay Elvis, pati ang panggagayuma ay sinuong na niya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang labis-labis rin niyang pag gamit nito ang magtatangka ng kanyang buhay. Pokwang: Elvis, Ok ka lang? Sorry kanina ha. Elvis: Sus, ok lang µyun, alam mo namang ayaw kong nakikitang nasasaktan ka, eh. (dumating ang girlfriend ni Elvis) GF: Ok ka lang ba, Elvis? Elvis: Ok nako. Hinaplos mo na mukha ko, eh. Kinahapunan Pepito: Alam mo pangarap lang siya, ikaw, bangungot. Humanap ka ng ka-level mo, tignan mo si Elvis tska si ano. Parehas maganda¶t guwapo. Bagay! (nanghina loob ni Pokwang) Sa Bahay ng tiyahin ni Pokwang

8

Page

Pokwang: Ano ba nanaman ito?

Garcia, Willabel Ann ABDFILM FFM1 9 Cinco
Tiya: ssshhhh« wag ka maingay. Ginagawa ko ito upang ang sinisigaw ng puso mo ay maging guhit ng palad mo. Halika« Inumin mo µto. Pokwang: Para sa¶n yan? (binigyan ng gayuma) Tiya: Para mapa-ibig sayo si Elvis. Isang patak, magkakagusto siya sayo. Dalawang patak, mahal ka niya. Pag ibubos mo, mababaliw siya sayo. Elvis: mahal na mahal ko si Rowena! Ikakasal na kami. Pokwang: Antagal umepek, bakit antagal?

KONKLUSYON AT PAGSASALIKSIK:
Sa kabuuan, ang bawat paksa na tampok sa naturang pelikula ay lubos na naipakita sa manonood sa pamamagitan ng pabalbal na antas ng wika. Sa kabilang banda, pumapangalawa ang pambansang antas gawa na rin siguro ng alusyon na ginagamit ng mga direktor sa mga palabas ng kababalaghan. Isa na rito ang Ama Namin. Pangatlo ang kolokyal. Sumunod naman ang Bulgar, at panghuli ang pampanitikan. Pinapatotoo nito na ang pelikula ay tunay ngang nilikha sa kontemporaryong panahon, na may bahid na kontemporaryong tema sa bawat eksena. Ilan sa mga dahilan kung bakit ganito ang tema ng ilang mga palabas ay dahil sumasabay ang wika sa panahon ng manonood.

IILANG TUNGKULIN NG WIKA na nagamit:
IMAHINATIBO: hal. upang ang sinisigaw ng puso mo ay maging guhit ng palad mo.
May mga iilang pangungusap na winika ng mga karakter na nagpapahayag ng imahinasyon o makatang paglalarawan. HEURISTIC: hal: Antagal umepek, bakit antagal? Normal lamang sa iscript ng isang palabas na may karakter na hihingi ng impormasyon sa kapwa bida nito. IMPORMATIB: hal: Para mapa-ibig sayo si Elvis. Isang patak, magkakagusto siya sayo. Dalawang patak, mahal ka niya. Pag ibubos mo, mababaliw siya sayo. Hindi maiaalis sa pelikula ang mga linyang magbibigay kaalaman sa pagitan ng pag-uusap ng mga tauhan sa kuwento.

INSTRUMENTAL: hal: Iwan mo na yan.
Ang pag-uutos ni Mam Rizza na iwanan ang kanyang trabaho ay isang halimbawa kung paano nagamit ang wika bilang kasangkapan ng impormasyon, suhestiyon o pagbibigay-alam sa isang kautusan. PERSONAL: hal: Sumosobra na talaga si Mam Rizza. Hindi nab ago ang mga eksenang ipapaliwanag ng tauhan ang sariling emosyon at paniniwala ng katauhan na ginagampanan niya.

Page

9