You are on page 1of 2

LUMANG SIMBAHAN Sa lumang simbahan Aking napagmasdan Dalaga't binata Ay nagsusumpaan Sila'y nakaluhod Sa harap ng altar Sa tigisang kamay

May hawak na punyal "Kung ako'y patay na Ang hiling ko lamang Dalawin mo giliw Ang ulilang libing At kung marinig mo Ang taghoy at daing Yao'y pahimakas Ng sumpaan natin" "At kung maririnig mo Ang tugtog ng kampana Sa lumang simbahan Dumalaw ka lamang Lumuhod ka giliw Sa harap ng altar At iyong idalangin Ang naglahong giliw".

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Ang ibig ko sana, Ina y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin? Wala naman, yaong sagot baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw. Ngunit Inang, ang sagot ko, ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko y ikaw ina, ang ibig ko y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko y ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika y wala pang kapantay.

ANG PAMANA NI JOSE CORAZON Isang araw ang ina ko y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko y tila baga nalulumbay At ang sabi itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.

Name: Drizzle Salas Section.: Banaba

ANG MGA KAGILA-GILALAS NA PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN DE LA CRUZ Isang gabing madilim puno ng pangambang sumakay sa bus si Juan de la Cruz pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa BAWAL MANIGARILYO BOSS sabi ng konduktora at minura si Juan de la Cruz. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz ang buong Avenida BAWAL PUMARADA sabi ng kalsada BAWAL UMIHI DITO sabi ng bakod kaya napagod si Juan de la Cruz. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz tumapat sa Ma Mon Luk inamoy ang mami siopao hanggang sa mabusog. Nagdaan sa Sine Dalisay tinitigan ang retrato ni Chichay PASSES NOT HONORED TODAY sabi ng takilyera tawa nang tawa. Dumalaw sa Kongreso si Juan de la Cruz MAG-INGAT SA ASO sabi ng diputado. Nagtuloy sa Malakanyang wala namang dalang kamanyang KEEP OFF THE GRASS sabi ng hardinero sabi ng sundalo kay Juan de la Cruz. Nang dapuan ng libog si Juan de la Cruz

namasyal sa Culiculi at nahulog sa pusali parang espadang bali-bali YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED CASH sabi ng bugaw sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa naglibot sa Dewey si Juan de la Cruz PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY sabi ng neon. Humikab ang dagat na parang leon masarap sanang tumalon pero BAWAL MAGTAPON NG BASURA sabi ng alon. Nagbalik sa Quiapo si Juan de la Cruz at medyo kinakabahan pumasok sa simbahan IN GOD WE TRUST sabi ng obispo ALL OTHERS PAY CASH. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz dala-dala'y gulok gula-gulanit na ang damit wala pa ring laman ang bulsa umakyat sa Arayat ang namayat na si Juan de la Cruz. WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng PC at sinisi ang walanghiyang kabataan kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz. ---Jose F. Lacaba

Name: Drizzle Salas Section: Banaba