You are on page 1of 2

Taong Cro-Magnon

Ang Cro-Magnon (bigkas: /kro m n n/, Pranses [k oma ]) ay isa mga pangunahing mga uri ng arkaiko o sinaunang Homo sapiens ng Paleolitikong Europa (Paleolitikong Pang-itaas), na ginamit para sa mga ispesimen o halimbawa ng posil o kusilba pinetsahang tinatayang mga 40,000 hanggang 10,000 mga taon na ang nakaraan. Pinangalanan ito mula sa yungib ng CrMagnon na nasa timog-kanlurang Pransya, kung saan natagpuan ang unang ispesimen. Bumabagsak ang katawagan o termino sa labas ng pangkaraniwang kumbensiyon o gawa sa pagpapangalan para sa sinaunang mga tao at ginagamit sa diwang panglahat para sa pinakamatandang moderno o makabagong taong nasa Europa, bagaman espesipiko o tiyak (ngunit napakadalas) na para sa isang kabahaging tipo o sub-tipong kabilang sa mga labi ng kanilang mga kusilba o posil. Sa mas kamakailang mga makaagham na panitikan, mas ginagamit ang kataguriang "maagang modernong mga tao".

Homo erectus
Ang unang taong nakatindig[1] o Homo erectus (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang uri ng sari Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistang Olandes na si Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D)[2] Natagpuan ang mga labing kusilba sa Java noong mga 1890 at sa Tsina noong 1921. Subalit halos nawala na ang lahat ng mga ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit marami namang mga hulmang itinuturing na mga tunay na katibayan.

You might also like