You are on page 1of 21

Chapter 121 “Broken”

Hindi makapaniwala si Yvonne sa narinig mula kay Mabelle. Natitigilang napatingin siya sa mukha nito. Mabelle’s face looked so relaxed. And this time, so fearless. Ibang iba sa nakikita niyang mukha noong una niya itong masilayan sa tapat ng matayog ng building ng Sanz Corporation. Kailan lang ay nakita niya itong umiiyak. She was so helpless then. So vulnerable. At tila maamong tupa na walang sinumang masasandalan— walang malalapitan kundi ang sarili lamang. Ngunit ngayon, iba na namang Mabelle ang nakikita niya. Mabelle looked dauntless—as if she doesn’t fear anything, lalong lalo ang takot dahil sa presensya niya na kailan lang ay nakikita niya dito. “Andrea,” muling sabi nito habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata. Ang ekspresyon ng mga mata nito’y blangko, ngunit nasasalamin naman niya sa likod ng mga iyon ang lihim na pagkamuhi sa kanya. Ang mga mata nito’y tila nanunuot sa kanyang buong pagkatao. “Alam mo ba’ng lately ay nai-intimidate mo ako?” Natigilan si Yvonne. Ngunit hindi siya nagpatalo sa tinging ipinupukol nito sa kanya. Nilabanan niya iyon kahit sa loob loob niya ay hindi niya namamalayan ang katotohanang bumabalot sa kanya. Ang katotohanang bahagyang nanginginig ang kanyang mga paa sa kinatatayuan ng elevator na iyon.

“Why would you feel intimidated?” Yvonne asked. “Ganyan na ba kalugmok ang pagkatao mo gaya ng sinasabi mo?” Mabelle smiled sarcastically. “Kung sasabihin ko sa’yong oo, ano ang mararamdaman mo? Matutuwa ka ba?” Yvonne smiled. “Oo. Hindi ako magpapaka-ipokrita. Matagal ko nang ginustong makita kang nalulugmok.” Nakita niya ang bahagyang panlisik ng mga mata nito. “Ngayong nakikita mo na ang gusto mong makita, are you satisfied?” “Very satisfied.” Again, Mabelle smiled sarcastically. “I knew that well enough, Andrea. You’re very satisfied to see me broken… to see my life broken. Dahil alam mo kung bakit? Dahil nakikita mo ang sarili mo sa kung anong nakikita mo sa akin ngayon.” Those words seemed to strike her most. What Mabelle said actually hit everything in her… even her soul. Para bang direktang tinamaan ng mga salitang iyon ang kanyang buong pagkatao. Hindi siya nakapagsalita. At mas lalo hindi siya nakakilos. “Am I correct, Andrea? Hindi ba’t minsan ka na ring nalugmok sa putikan? Oh,” anito nang may maalala. “Don’t get me wrong, Andrea. Naalala ko lang kasi… noong minsang maranasan mo ang—“ “Tama na.” Ngayo’y nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. And the tempting urge to cry existed in her heart once again. Pero gaya ng pangako niya sa sarili niya, hinding hindi siya

Mabelle was strong enough to prevent her from doing what she was about to do. iniisip ko nga kung bakit noong muntik akong masagasaan ay nagawa ko pang halikan ang mga paa mo. no you’re wrong. pagkamuhi naman ang naroroon sa mga mata niya. Actually. “Kung inaakala mong basta-basta mo na lang akong sasampalin. “You can’t stop me from saying all these things. Mabelle. Pero ikaw—mas masahol ka pa sa basahan. nadungisan ang pagkatao ko. ang pagkababae ko. Dahil isa ka pa ring maruming babae—kahit bihisan mo man ang sarili mo ng pinakamaganda at mamahaling damit sa buong mundo.” “You don’t have any right to say that to me. In fact. “Oo. Lalong lalo na sa harap ng mga taong nanakit sa kanya noon—especially Mabelle. Andrea. aren’t you?” Agad niyang itinaas ang kamay para sampalin ang mukha nito ngunit agad din naman nitong napigilan ang kamay niya sa gagawin. You’re not even worthy of my kiss. What you did to me lately was already too much. hindi mo magagawa iyon.iiyak.” nagngingitngit na wika niya dito habang nilalabanan ang galit sa mga mata nito. Kung galit ang nakarehistro sa mga mata nito. If you think I am too vulnerable to even let you do that to me. Kung hindi ay baka lalo ka pang nasiyahan.” Mabelle’s eyes were now raging in anger. Andrea. Isang lalaki lang ang nakadungis sa . “You’re once a dirty woman. Hinding hindi pa rin magbabago ang katotihanang isa kang basahan. Mabuti na lang at hindi ko naituloy iyon.

Pero ikaw—kung kani-kanino kang lalaki napapasakamay.” Mabelle smiled softly and added. Suddenly ay nakikinita niya sa isipan ang mga lalaking nagdaan kay Mabelle gaya nina Bruce at Ivarr. Shocked ang nakarehistro sa mukha niya. Nang makita ang reaksyon niyang iyon ay napangiti ito. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Ang mga mata nito’y nanlilisik habang hawak-hawak pa ng mariin ang kanyang kamay. Andrea—at kahit halos kabigin ka pa ng mga taong humahanga sa iyo bilang isang sikat na modelo.” Natigilan si Yvonne. Hindi ko sila minahal.” Bahagya siyang napakunot-noo sa sinabi nito. “But they did love me.buong pagkatao ko. “You might think you’re happy right now—with Zedrick. And she was greatly confused. Wala namang binanggit sa kanya si Zedrick na minsan ay may naging ugnayan ang mga ito. Even when it comes to love. hindi mo ba alam? Minsan na rin siyang naging akin. Still. Pero. “Oo. Pero ang lalaking gumahasa sa kanya… Nais niyang maiyak sa isiping iyon.” Natigilan siya sa sinabing iyon ni Mabelle. Those two guys actually loved her. “Kahit bisihan mo man ng magagandang damit ang sarili mo. you’re a loser. At kung ano man ang ibig nitong sabihin ay wala siyang ideya. . Pinagsasawaan ka ng mga lalaking hindi mo naman mahal!” “You shut up!” Ngayo’y nanggagalaiti na si Mabelle.

Mabelle just smiled. “Mabelle. “I think you already get it.” mahina ngunit mariing wika niya dito. Ngayo’y naglalakad na ang dalaga patungo sa cubicle dito. Napuno agad ng maraming katanungan ang isipan niya. Tumigil ito sa paglalakad at pasimple siyang tiningnan. Hindi niya ma-imagine ang sinabi nito. Bumukas ang pintuan ng elevator—hudyat na naroroon na sila sa floor kung saan naroroon ang opisina ni Zedrick. nais niyang liwanagin ang huling sinabi nito.” Iyon lang at nagpatiuna na itong lumabas mula doon. Mabelle left her a mysterious smile. Saglit siyang natigilan. At dahil doon ay mabilis siyang sumunod dito. “We were intimate with each other. She was about to go out from the elevator. Mabilis ang hakbang na patuloy siya sa pagsunod dito. “Liwanagin mo ang sinabi mo.“What do you mean?” mahina at natitigilang tanong niya dito.” mariing aniya habang nakasunod dito. Hindi na niya iniinda ang mga tinging nakasunod sa kanya. Pero bago ito lumabas mula doon ay pasimple siya nitong nilingon. Right now. Hindi ba’t marunong ka rin namang umintindi kahit paano?” . Andrea. Tumalikod na si Mabelle.

Kung sila lamang dalawa ang naroroon sa lugar na iyon. malamang ay kanina pa niya ito nasabunutan.” “Wala ka nang makukuhang anumang sagot mula sa akin. So. tanda ng sakit na nadama sa ginawa niya. Napatingin tuloy sa dako nila ang ibang mga empleyadong malapit lang sa cubicle ni Mabelle. Galit na hinila niya ang buhok nito.Hindi biro ang ginawa niyang pagpipigil. Nang marating nila ang cubicle nito ay hindi niya ito tinantanan. Ikaw. Sa ginawa niya’y shocked na napatingin sa kanilang dalawa ang mga empleyadong naroroon at halos hindi mapaniwalaan ang nasasaksihan. Biglang umingay ang opisinang iyon. don’t expect me to respect you in front of your officemates. Napatayo ito sa tindi ng ginawa niya. . “Masyado kang bastos. May mga empleyado ding nag-attempt na pigilan sila ngunit hindi naman magawa dahil sa bilis ng kanilang pagsasabunutan. Hinila din nito ang buhok niya at nagkasabunutan sila.” Hindi ito nagpatalo.” Hindi na niya napigilan ang pagtitimpi. Kaya kung maari ay umalis ka na. “Hindi si Zedrick ang gusto kong tanungin. Galit na itinukod niya ang dalawang kamay sa mesa nito. Nakita din niya ang pagngiwi nito. “I wanted to know what you mean by that.” “Why don’t you ask Zedrick?” Hindi na siya nito pinansin at itinuon na ang atensyon sa mga papel na nasa mesa nito. Nakaka-istorbo ka na.

. Kani-kanina lang ay tinawagan siya nito at sinabihang naroroon na ito sa tapat ng building. may palagay siyang wala naman itong masyadong kakilala. sina Ma’am Yvonne at Mabelle… nasa labas po at… nagsasabunutan. Nasanay kasi siyang nagri-ring muna ito bago binubuksan ang pintuan ng opisina niya. He looked at her in relax.Sa malamig at maluwang na opisina ni Zedrick ay napapasulyap siya sa pintuan. Suddenly ay umusbong ang pag-aalala sa kanya. Naroroon ang pagkataranta sa mukha nito. Nagtataka siya kung bakit natatagalan si Yvonne sa pagdating sa opisina niya. Bahagya tuloy na napakunot ang noo niya. Hindi kaya’t may nakatagpo itong isang kakilala at nag-uusap pa ang mga ito? But. “Sir. nagkaroon ng komosyon sa labas. “What kind of commotion are you saying?” He was secretly annoyed to see her secretary looking so frantically frightened like that—na para bang nasusunugan na sila.” “What?” agad na nasambit niya in great astonishment.” mabilis na inform nito sa kanya. Ito pa yata ang mas natataranta kaysa sa kanya. Napatayo siya. “Sir. then. Isang fan kaya? Hindi kaya’t may nagpa-picture pa dito? Napatingin siya sa pintuan nang biglang bumukas iyon at tumambad sa paningin niya ang mukha ng sekretarya niyang si Jocelle. Hindi na siya naghintay ng ilang segundo at mabilis ang mga hakbang na lumabas siya sa opisina niya.

There was anger in her eyes. paniwalaan mo siya. the pain was even more visible and clearer. But. answer me. Alam na nito at expected na nitong si Yvonne ang kakampihan ni Zedrick ito ang nobya nito. “That woman started it all. “That’s foolish.Hindi pa rin maawat sa pagsasabunutan sina Mabelle at Yvonne nang biglang dumating si Zedrick. Awtomatikong inalalayan ng binata si Yvonne at iniyakap ito sa malapad nitong dibdib. “Mabelle. Pareho nang magulo ang kanilang mga buhok nang mapaglayo sila. Dahil doon ay napaluha ito at napahikbi. Zedrick. Ngunit hindi nito matanggap sa sarili na malayong malayo na ang loob ni Zedrick dito. Pumagitna ito sa kanilang dalawa at nagawa silang pigilan.” ani Mabelle. Hindi kagaya noon… Noong hindi pa dumating si Yvonne sa buhay ng mga ito—after all those years. “Siya na naman ang may hawak sa puso mo.” tiim-bagang na utos dito ni Zedrick. Habol-habol ang hiningang nagpalipat-lipat ang tingin ni Mabelle kina Zedrick at Yvonne. “What are you doing?” kalmado ngunit galit na tanong ni Zedrick kay Mabelle.” Mabelle said na napapatingin sa kanya. ‘di ba? Hindi mo na sana hiningi ang paliwanag ko kung siya rin lang naman ang kakampihan mo in the . Hindi magagawa ni Yvonne—“ “Alright. Nanghihinang napapalayo sa isa’t isa sina Yvonne at Mabelle.

Galit na iginala ni Zedrick ang paningin sa lahat ng empleyadong nakikisaksi pa rin sa nangyayari. “Are you okay?” Hindi niya nagawang sumagot. She just nodded instead. Zedrick looked at her. Marcus at Sylvia sa pagdating ng anak at ng magiging manugang ng mga ito na si Rinna.end. Kagagaling lang ng dalawa sa bahay ng pamilya ni Rinna habang sinusundo ni Marky ang dalaga at ipinagpaalam muna siya parents niya na dumito muna sa bahay ng mga ito. what are you doing?” Taranta at napapahiyang bumalik ang mga ito sa kanikanilang mga tables and cubicles at itinuon ang atensyon sa trabaho. . Sa malaking bahay ng mga Del Janeiro ay bumukas ang gate at pumasok sa loob niyon ang magarang sasakyan ni Marky Del Janeiro. Nais niyang ikulong ang sarili sa kawalan. Nakangiti namang nag-aabang sa labas ng bahay ang magasawang Dr.” dismayadong dagdag nito at mabilis na naglakad paalis doon habang umiiyak. Nais niyang umiyak. Iginiya siya nito palayo doon at papunta sa opisina nito. “And you. Nais niyang mawala sa lugar na ito ngayon din.

Matapos mag-propose sa kanya si Marky. Who would have thought na magiging biyenan nga niya ito in the end? Napapangiting pinagmamasdan lamang sila ni Marky at ni Dr. The . Lumabas siya mula doon. Ang hindi alam ng mga magulang ni Marky ay magkaka-apo na ang mga ito. “I never thought na for real na ang pagtawag ko sa inyo ng Mommy. “Rinna!” ngiting sambit ni Mrs.” natatawang wika ng dalaga. makinis. Halos maalala pa ni Rinna nang mag-usap sila ng masinsinan noon ng ginang at sinabihan siya nitong Mommy na ang itatawag niya dito. Ngayon lang kasi sila nagkita uli ng ginang. Del Janeiro habang niyayakap siya. “Mommy…” nakangiti ring sambit ng dalaga habang ginagantihan ng yakap ang ginang. Marcus Del Janeiro. Marky chose not to inform them about that. very sexy at curly-haired na Nurse at fiancée ni Marky. Natatawa at tuwang tuwang pinagmasdan siya ng ginang habang hinahaplos ang pisngi niya. Siya na ang maganda.Nang makababa si Marky ay pinagbuksan na siya nito ng pintuan ng kotse. Nang tawagan ni Marky ang mga magulang nito at ipinaalam sa mga ito ang tungkol sa plano na nilang pagpapakasal ay tuwang tuwa ang mga magulang nito—lalong lalo na ang Mommy nito. hindi pa nakarating ang mga ito sa Pampanga galing sa Cebu kung saan nagkaroon ang mga ito ng visiting tour sa itatayo na namang branch ng hospital doon.

“Sasabihin na ba natin.” ngiting pahayag ni Marky sa mga magulang. “Baby?” shocked na sambit ni Dr. sweety?” malambing na tanong ni Marky sa kanya. Mom.news was intended to be a surprise pagkarating na pagkarating ng mga ito sa Pampanga. Awtomatikong isinablay nito ang kamay sa balikat niya. Del Janeiro. stupid reasons na inakala mong hindi ka mahal ng anak ko—alam ko’ng mawawala din ‘yon. “Oops. Nararamdaman ko’ng mahal na mahal ka ng anak ko. Si Dr. Ang mga mata nito’y pinagsasawa sa mukha niya. “Alam na alam ko na from the very start na ikaw ang makakatuluyan ng anak ko. “At magkakaapo na kayo. “Hijo—what do you mean?” natitigilang ani Mrs. Marcus naman ay mas lumawak ang pagkakangiti. Nakangiting nagtinginan sina Marky at Rinna. Del Janeiro gladly said. “Magkaka-baby na kami. “That’s very good news! Magkakaapo na tayo. huwag niyo’ng paiyakin si Rinna. “I’m really happy for both of you.” Halos maluha si Rinna sa narinig mula sa ina nito.” “Oh my!” tuwang sambit ni Mrs. Del Janeiro. Hija…” Mrs. Marcus. And those simple. Rinna smiled and nodded.” Natigilan ang mga magulang nito.” ngiting ani Marky habang nilalapitan sila. Sylvia!” . “Baka makakasama sa baby.

Del Janeiro. “Salamat po. Hija? You’re really a blessing to us. Nang makita siya nito ay niyaya siya nitong sabayan ito sa pagkakape. Kristin smiled. Tingin naman kasi niya’y may modo din naman ang binata. He was simply touched. Sobrang mahal na mahal ko po ang anak n’yo. Rinna…” Abucay. still. Alam mo bang gusto na rin naming magkaapo. As a sign of her acceptance to a new friendship ay . “You both made us even happier. Bataan… “Ngayon na ba ang uwi n’yo?” Brayden asked Kristin. “Oo. too.Dahil sa tuwa ay niyakap siyang muli ni Mrs. “Mahal na mahal na mahal din kita. Parehong naka-paa lang sila at bitbit-bitbit ang kanilang mga tsinelas habang nagku-kwentuhan. And he has sense as well.” Napangiti si Marky sa sinabi niya. Kanina nang magising siya ay nagulat pa siya nang makitang naroroon na ito sa may malapit na restaurant ng beach resprt na iyon at nagkakape.” Naroroon sila sa gilid ng dagat at naglalakad-lakad habang hinahayaang mabasa ang kani-kanilang mga paa sa umaalon-along dagat. her treatment towards him was better than before. I am happy to be a part of the family.” Rinna smiled happily. It was a start of their friendship. To our family. Kahit naroroon pa rin ang iritasyon niya sa binata.

At hayun nga. “I want to see you again after this. Patuloy lang sila sa paglalakad. Aside sa napakapresko nito.sinabyan niya ito. Kung liligawan man siya ni Brayden ng seryoso at hindi sa ganoong paraan. “Hindi ko pa alam. may bahagi ng puso niya ang nalilito dahil doon. “When are you coming back?” he asked. matapos silang mag-kape ay niyaya naman siya nitong maglakad-lakad sa buhanginan. Nagkibit siya ng balikat. Depende. “Kristin.” “I see…” anito na napapatingin sa malayo. Seryoso naman ang mukha nito nang sabihin nito iyon at mukhang hindi naman ito nagbibiro. Hindi nga ba’t noong una nilang encounter ay direkta nitong sinabi sa kanyang gusto siya nitong maging nobya? At aminin man ni Kristin sa sarili o hindi. Masyadong direct to the point at hindi nagpapaligoy-ligoy pa.” Natigilan siya. malamang siya na ang pinaka-maswerteng babae sa buong kapuluan! .” Muli siyang napatingin sa gwapo nitong mukha. Isa lang ang nadiskubre niya sa binata nang umagang iyon. prangka din pala ito.” “Hindi n’yo ba ipa-follow up ang lakad ng pagbi-build sa refreshment business n’yo rito?” “Hindi pa naman namin napag-uusapan ni Laurice ang bagay na iyan.

Kung hindi ka babalik dito ay ako ang pupunta sa Pampanga at susunduin kita.” “Alright. ang pagiging matangkad. ika nga. magkakaroon ng kami ng coffee shop and refreshment area dito sa beach resort mo kaya magiging madalas ang punta namin dito ni Laurice.He was a complete package.” kibit-balikat na lamang na aniya. Perfect for display.” “I am serious.” aniya dito. She laughed at that. Aasahan ko iyan. “You’re very exaggerating. Naroroon na ang kaguwapuhan. nakakadismaya talaga ang ugali nito.” “Alright. “Remember. ang magandang built ng pangangatawan… at naroroon din ang class sa aura at pananamit nito. Ibinalik niya ang isipan sa sinabi nito. At may instant relationship ba? Kung mayroon man ay baka pumayag na siya sa proposal nito. Gusto daw siya nitong makita after this? Meaning. Gusto nito ang salitang instant. gusto pa nitong bumalik siya sa lugar na ito matapos ang tagpo nilang ito? “Babalik naman kami. Nais niyang upakan ang sarili sa isiping iyon.” seryosong sabi nito sa kanya. . Saan ba siya makakapulot ng ganoon ka-almost perfect na boyfriend? Iyon nga lang. Hindi pa man niya masyadong nakikilala ang binata ay nahahalata na niyang laki ito sa layaw at tila ba lahat ng gusto nito’y nais nitong masunod—lalong lalo na pagdating sa babae.

” “Alin do’n?” “I want you to be my girlfriend. Nang makabawi ay napapangiti na lamang siya at naiiling. . Isn’t it more exciting to find out what’s with each other while at the same time ay ini-enjoy natin ang company ng isa’t isa?” anito habang patuloy na pinagmamasdan ang maganda niyang mukha kung saan malayang inililipad ng hangin ang buhok niya. Saka siya nito tinitigan ng mariin sa mukha.“Kristin. They looked so perfect while standing and facing with each other… habang ang sinag ng araw ay tila naka-sentro lamang sa kanilang dalawa ng mga sandaling iyon sa gilid ng dagat kung saan sila naroroon. Hindi pa nga natin kilala ang isa’t isa. Bakit ba napaka-demanding ng tono nito and yet hindi naman niya maiwasang kiligin sa tuwing sinasambit nito ang pangalan niya? “Seryoso pa rin ako tungkol sa sinabi ko sa’yo noon. gusto mo na akong maging girlfriend?” Tumigil ito sa paglalakad. Kristin.” Napatingin uli siya dito. “You’re silly. Napatigil din siya.” Hayun at natigilan na naman siya. “Saka na natin kilalanin ang isa’t isa. Siya naman ay napapahangad dito.

Ano ba ang nangyayari sa kanya at tila hindi na gumagana ang pagiging talkative niya? Pakiramdam niya’y umuurong parati ang dila niya. Kristin. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Na hindi siya kumporme sa napaka-foolish na ideya nito? Hindi ba’t masyadong imposible ang ideyang iyon? “Brayden…” aniya ngunit hindi naman maituloy ang gustong sabihin nang hawiin nito ang buhok niyang ginugulo ng preskong hangin.” Muli ay hindi na naman siya nakapagsalita. attracted na ako sa’yo. kung ano ang nakikita mo sa akin. “The first time I saw you. Nais kong ipakilala ang sarili ko sa’yo. You’re very beautiful…” anito habang ang mga mata’y naroroon lamang at nakatitig sa mukha niya. “Okay. ganito na ako. but I grew up in the US. “Alright. “The fact na hindi mo pa ako nakikilala ng husto?” Hindi siya nakasagot pero nakatingin lang siya sa mukha nito.Hindi siya nakapagsalita. Kristin.” Brayden breathed out deeply. I got it. That’s why. “And I think there’s more to that beauty. “Okay. Hindi rin nagtagal at lumipat kami sa Italy. what’s bothering you. I’m not that boy-next-door type of man… Nor a nice guy every girl . still his eyes were not leaving her face. Ako si Brayden Alexis Samaniego. “Maybe you’re just hesitant dahil wala ka pang ideya kung ano ang pagkatao ko. Ipinanganak ako dito sa Pilipinas. I think you’re extraordinary at mas higit pang nakakaattract ang personality mo.” ani Brayden. then?” masuyong tanong nito sa kanya nang wala itong makuhang reaksyon mula sa kanya.

“Yvonne… Pagpasensyahan mo na si Mabelle. “Thank you for that nice introduction.” Bigla ay nawala tuloy ang iritasyon na nararamdaman niya dito—instead.” bale-wala namang sabi nito. I have a broken family. But. “Gusto ko lang malaman mo kung ano ako. She was too surpised and sad at the same time dahil sa natuklasan tungkol binata mula dito. I’m a bad guy. thank God.” aniya na nagbaba na lamang ng tingin. Just think about my brother. “I-I’m sorry about that. this man…. Bruce. Bakit ba masyado itong honest sa sarili at masyadong prangka—to the point na naaapektuhan na rin siya dahil sa takbo ng mga pinagsasabi nito? At bakit hindi nito ikinakahiya ang bagay na iyon sa kanya? Sa kanya—na kakikilala pa lang nito? Hindi na naman uli siya nakapagsalita. napalitan iyon ng awa o kalungkutan para dito. But. Brayden. Nang . Kristin.” ani Zedrick makaraan ang matagal na sandaling hindi siya umiimik. I don’t belong to a happy family.” Sa sinabi nito ay natigilan na naman siya. Ganoon din ang buhay ko. “It’s okay.dreamed of. And yes. Kristin belonged to a happy family. it doesn’t mean I’m rude. Brayden Samaniego.” ngayo’y nakangiti nang sabi niya dito.

Aktong yayakapin siya ni Zedrick na nasa tabi niya sa kinauupuang sofa nang iiwas niya ang sarili dito. “I can see you’re having a hard time about what happened just a while ago…” Zedrick said huskily over her.” “Yes. na ipinagtaka nito. what’s the matter?” takang tanong nito sa kanya. Pleading her. She was exactly confused at nang mga sandaling iyon ay hindi niya malaman kung ano ang iisipin o kung ano ang gagawin. “I want to ask you something. Her eyes have full of questions. Zedrick. what’s that?” he asked. “Nagkaroroon ba kayo ng relasyon ni Mabelle?” . Tumingin siya sa mga mata nito. Wala itong nagawa sa pananahimik niya. Bahagya itong napakunot-noo sa inakto niya. “But.tanungin siya nito kung ano ang puno’t dulo ng lahat ng nangyaring kaguluhan kanina between her and Mabelle ay pinili niyang huwag magsalita. He was hurting. please don’t do this thing to me. Nais tuloy niyang maiyak dahil doon. And he was simply begging her. Baby. Ilang sandali lamang ay muli siyang nagsalita. Huwag mong iiwas ang sarili mo sa akin. “Yvonne.” His voice was gentle. Instead ay napapabuntong-hininga na lamang ito.

“Babe. Lito ang mga matang napapatingin ito sa kanyang mukha. “Unknown. “Silly. “Oo naman. Nakuha pa niyang magbiro pagkatapos. Sagutin mo na muna. Ilang minuto ang lumipas ay narinig niya ang biglang pag-ring ng cellphone ng binata.” muli ay sabi niya dito. ha?” Natawa ang binata mula sa bathroom. please. Babe. Nililibang na lang muna niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine na naroroon habang hinihintay ang binatang matapos sa paliligo. Unregistered number ang nakalagay doon. “Baka babae mo ito.” . Babe?” Kinuha niya ag cellphone at binasa ang nasa screen. “Bilisan mo diyan. Dinig na dinig pa niya ang splash ng shower na nagmumula doon.” natatawang sagot niya. Naroroon si Laurice sa maliit na sofa ng room na ino-occupy ni Zyrick sa beach resort na iyon ni Brayden. Napatigil siya sa pagbabasa at napatingin sa aparato na nakapatong sa mesa. okay?” Napapangiting muli niyang ibinalik ang mga mata sa binabasa. Para hindi ka magduda. “Somebody’s calling.” “Sino. “Babe?” sigaw niya dito. okay ka lang ba diyan?” malakas ang boses na tanong ni Zyrick mula sa bathroom.Sa tanong niya’y natigilan ang binata.

Sapagka’t kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon… Mrs. Kasabay niyon ay ang pag-usbong ng kaba sa kanyang dibdib. “Hello?” Savannah Hills… Natigilan si Mrs. Sanz… . “Who is this.Napapangiti at naiiling na sinagot niya iyon. Natigilan si Laurice pagkarinig sa matured at pamilyar na boses na iyon mula sa kabilang linya. Nang masigurong pangalan naman ng anak ang naroroon ay muli niyang inilapit ang cellphone sa tainga niya. Wilma Sanz pagkarinig sa boses na nagmumula sa kabilang linya. also?” tanong niya dito habang napapakunotnoo. Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tainga at muling sinulyapan ang screen ng aparato at sinigurado kung tama bang numero ni Zyrick ang tinatawagan niya. Natigilan siya. Bakit babae ang sumasagot sa phone nito? Nobya ba ni Zyrick ang nasa kabilang linya? “Hello. At may palagay siyang kilala niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kinabahan siya. who is this?” Muli ay narinig niya ang boses ng babaeng iyon mula sa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon.

Itutuloy Next Chapter Chapter 122: “Unmistakable” R All Rights Reserved .