You are on page 1of 24

PAG-AARAL TUNGKOL SA MASAMANG EPEKTO NG JUNK FOODS

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Syensya, Unibersidad ng Xavier

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 33, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ng Filipino 33 ACI

Pebrero 22, 2011

DAHON NG PAGPAPTIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito ay pinamagatang Pag-aaral sa Masamang Epekto ng Junk Foods ay iniharap ng mga

mananaliksik mula sa ACI na binubuo nina:

Mary Joy N. Nalitan

Francois Cabiladas

Tinangggap sa pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Syensya, Unibersidad ng Xavier, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filippino 33, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Sharon Emerita Cahiles, M.A. Propesor

Sharon Emerita Cahiles sa kanyang buong pasensya at walang sawang pagsuporta sa pagwawasto at pagdadagdag ng sapat na impormasyon hinggil sa aming paksa. Pangatlo sa aming mga kaibigan at mga respondente na tumulong sa pagbuo at pagtapos ng aming pag-aaral. Pangalawa sa aming mga magulang sa kanilang pag-unawa at pagsuporta sa amin lalong lao na sa pinansyal na bagay. At higit sa lahat ang Puong-Maykapal na naggabay sa amin araw-araw at nagbigay ng talino para makapag-isip ng ideya sa aming pamanahong papel. Unang-una sa lahat.Mananaliksik - . . sa aming masigasig na guro sa Filipino 33 na si Gng.PASASALAMAT Taos hanggang pusong ipinapaabot sa namin ang aming walang upang pasasalamat mga taong tumulong matagumpay na matapos ang pamanahong papel na ito.

At nakakalungkot mang isipin. yun pa ang paboritong kainin at ibandira ng mga tindahan. chippy. Ang brain cancer at ³high blood´ ay ilan lamang sa mga sakit sa sobrang pagkain ng junkfoods. French fries. ilan lamang ito sa tinatawag nilang junk foods. Sa patuloy ninyong pagbasa sa aming pamanahong papel. at hamburger. Imbis na tumulong para sa ikabubuti sa estudyate. Kung ano pa ang delikado. Hindi mapipagkakailang nakakahumaling ang junkfoods at alam nating lahat na sa likod ng nakakaadik at napakasarap na lasa ng mga ito ay may mga delikadong sakit na maaaring makuha at makasira ng ating kalusugan at ang nakakatakot pa ay maaaring wakasan nito ang ating buhay. ang junk foods ay mga pagkaing ready made na at madaling ihanda katulad ng mga nasa vending machines.KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. candy. . kahit sa eskwelahan ay talamak ang pagbibinta ng junkfoods. Ano nga ba ang junk foods? Bakit nga ba junk foods ang tawag sa mga pangalang ito? Ayon kay Robert Barnhart(1995). ay unti-unting mabibigyang linaw at kasagutan ang inyong mga tanong ukol sa junk foods. nang-eenganyo pa sa mga kabataan na bumili at kumain nito. Introduksyon Chichirya.

Ilang porsyento ng kabataan kumakain ng junk foods? 2. Anu. Ito ay magsisilbing pamukaw. Mahalaga sa bawat indibidwal na malinawan sa maaring maging epekto ng ³junk foods´ sa ating kalusugan sapagkat alam naman nating lahat na kahit sino sa ating komunidad ngayon ay kumakain ng ³junk foods´. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay buong-pusong naniniwala na ang pag-aaral na ito ay napakahalaga. Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa masamang epekto ng junkfoods sa ating kalusugan at nalalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano mga sakit dulot ng junk foods na alam ng mga kabataan? 4. kundi lahat ng taong kumakain at adik sa junk foods. Bakit nai-engganyo silang kumain ng ³junk foods´? 5. Alam ba ng mga kabataaan kung ano ang junk foods at ang epekto nito? 3. hindi lamang sa mga kabataan. Ano ang ³junk foods´ at anu-ano ang mga sangkap sa paggawa nito? 6. Anu-ano ang mga aksyong ginawa ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) hinggil sa problemang dulot ng ³junk foods´? 3.ano ang mga masasamang epekto ng sobrang pagkin ng ³junk foods´? 7.2. Kung . particular na ang kabataan.

Depinisyon ng mga Terminolohiya Minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong papel para sa ganap na pagkaintindi ng mga mambabasa: Ang cholesterol ay isang crystalline na sangkap na hinango mula sa bile at kadalasang nasa utak. 4. Ang diyabetes ay isang sakit kung saan ang isang tao ay may mataas na sugar level sa kanyang katawan. Ang Alzheimer¶s disease ay isang sakit sa utak kung saan unti-unting nabubura at nawawala ang iyong memorya at pag-iisip. binubuo ng fatty acids at glycerol. tinatawag ding blood-celebral barrier. ito ay dahil hindi . gallstones at blood cells. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring mahikayat namin ang mga mambabasa na iwasan at tigilan na ang pagkain ng ³junk foods´.ignorante tayo sa mga pagkaing pinapasok natin sa ating katawan. ay isang lugar kung saan hinihiwalay ang dugo mula sa parenchyma ng central nervous system.isang gamot na may opyo. Ang saturated fatty acids ay taba na matatagpuan sa mga hayop. Ang oils/taba aykahit anong uri ng madilaw. maaring kitilin nito ang ating buhay. Ang heroin ay isang gamot na pampamanhid at itinuturing na isang matinding bawal na gamot. malangis na likido o buong kalamnan na makikita samga animal at plant tissues. walang amoy at walang lasa Ang blood-brain barrier.

Ang sclerosis ay isang sakit kung saan ang tissue sa utak ay naninigas na dahil sa prosesong cyberazation.nakapagpapalabas ang katawan ng sapat na insulin o di kaya¶y ang cells sa katawan ay hindi nagre-respond sa insulin na inilalabas ng katawan. . Ang hypothalamus ay bahagi ng utak na nagkokontrol sa ating emosyon. Ang immune system ay isang sistema sa katawan na nagpoprotekta nito laban sa mga sakit.

na siyang nanguna sa pag-aaral. ang junk foods ay may addictive properties at ang pananabik nito ay mahirap tigilan. Ang pagkaadik sa junk foods ay mataas ang antas sapagkat ito ay simple lamang. (http://www.indianexpress. ang mga pagkain na mayaman sa taba at asukal ay nagdudulot sa utak na maglabas ng mga kemikal na gumagawa ng drug addiction. na pinanguluhan ng Scripps Research Institute ng Florida. chips at pizzas ay pinoprograma ang utak ng labis na pananabik sa higit pang asukal. Sa napagalaman ng mga mananaliksik sa Rockfeller University. Kung ang sangkap ng junk foods ang nagpapasarap nito. Paul Henry. ito rin ang siyang rason kung bakit delikado ito sa ating kalusugan.com/news/junk-food-as-addictiveas-heroin-and%20smokin/596954) Ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang pagka-adik ng junk foods ay kagaya na rin sa pagkaadik sa droga. asin at pagkaing kargado ng taba. Madali itong ihanda at masarap pa.KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ayon sa makabagong pag-aaral. Naaakit ang mga kabataan sa mga adbertisment sa telebisyon patungkol sa junk foods. Isang internasyonal na pangkat ng mga scientist. . ang sobra-sobrang pagkain ng junk foods ay kasing-addictive ng paninigarilyo o paggamit ng bawal na gamot at maaaring sanhi ng compulsive eating at labis na katabaan. ang gumuwa ng isang pag-aaral at natuklasan nila na ang burgers. Kinumpirma ni Dr.

halimbawa na lamang ang mga food colourings na butter yellow at ang red dye #2 na nagdudulot ng kanser.naturalnews. ito ay nagiging trans fatty acids. inilarawan ni Kline ang junk foods bilang: patay. una. Karamihan ay ipiniprito gamit ang hydrogenated vegetables oils. (http:/www.html) Sa artikulo ni Ching Alano (2000) sa Philippine Star. kapag ang hydrogenated vegetable oil ay pinakulo na. mga preserbatib at mga artipisyal na pampatamis. at adulterado. dopamine.kasama na ang cortisol. Lahat ng junk foods ay dumadaan sa isang masusing proseso. Babala pa nito ay ³ ang pagkain ay nilikha upang magbigay ng sustansya sa ating katawan ngunit ang synthetic chemicals ay sadyang hindi ginaawa para dito´.html) . na humahantong sa pagkain ng mas marami upang maibalik ito sa normal na lebel.com/030815 junk food addiction. Ang mga hydrogenated vegetable oils ay dumaan sa prosesong tinatawag na hydrogenation. Samantala. refined. galanin at serotonin. Ang junk foods ay nakakasama sa ating kalusugan. Ang kemikal na inihahalo sa junk foods ay delikado sa dalawang paraan. (http:/www.wisemomsays.com/junk-foodbad-for-health. Ito ay ang paghahalo ng hydrogen molecules sa unsaturated fatty acids upang maging saturated fatty acids. Pangalawa. Ito ay puno ng mga kemikal na makakasira sa ating katawan. ang mga inihahalong kemikal ay direktang nilalason ang katawan na nagdudulot ng mga sakit. Ang trans fatty acids ay nakakasama sa katawan at nagdudulot pa ng kanser. ginagawa nitong magtrabaho ng mas komplikado ang organ ng detoxification at eliminasyo. Ang regular na pagkain ng junk foods ay lumilikha ng imbalances sa kemikal. Kabilang dito ang mga pampakulay sa pagkain.

Mga Respondente Ang mga piniling respondent ng mga mananaliksik sa pagaaral na ito ay mga batang mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Doña Pilar. Talahanayan 1 Distribusyon ng estudyate sa Ikatlo Hanggang Ikaanim na Baitang ng Paaralang Elementarya ng Doña Pilar Ikatlong Baitang 25 Ikaapat na Baitang 25 Ikalimang Baitang 25 Ikaanim na Baitang 25 Kabuuan 100 . Ang mga respodente ay hinati sa apat na grupo: dalawampu¶t lima (25) mula saiIkatlong baitang.KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 1. dalawampu¶t lima (25) sa ika limang baitang at dalawampu¶t lima (25) sa ikaanim na baitang. Disenyo ng Pananaliksik Isinagawa ang pag-aaral na ito sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. dalawampu¶t lima (25) sa ikaapat na baitang. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng junk foods na nakabatay sa aklat at makabagon teknolohiya o internet. 2.

ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon mula sa iba¶t ibang hanguan tulad ng mga libro. Upang lalong mapalawak at mapabuti ang pag-aaral.3. Ang pag-aaral na ito ay isa lamang paglalahad kung anuman ang maaaring epekto ng junk foods sa ating kalusugan. pahyagan at internet. 4. Tanging pag tatally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mananaliksik. Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey sa mga bata o sa aming mga respondent. Tritment ng mga Datos Ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang panganngailangan sa pagtatamo ng isang digri kaya walang ginawang pagtatangkang gumamit ng mataas at kompleks na istatistika. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey kwestyoner upang malaman kung ilang porsyento sa aming mga respondente ang mahilig sa junk foods at kung bakit ito kanilang kinahihiligan. .

Binubuo ng limampu¶t lima (55) na babae at apatnapu¶t lima (45) na lalaki ang isandaaang (100) respondent. Dalawampu¶t lima (25) naman ay may edad 9.KABANATA IV RESULTA NG PANANALIKSIK Natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na datos at impormasyon: Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Samantalang dalawampu¶t lima (25) ang edad 11 pataas. Grap 1 Distribusyon ng Respondente ayon sa Kasarian 45% 55% lalaki babae Dalawampu¶t lima (25) sa isandaang (100) respondent ay may edad na 8. . Dalawampu¶t lima (25) rin ay may edad na 10.

Grap 3 Bahagdan ng kumakain ng Junk Foods 24% A.Grap 2 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad 30 25 20 15 10 5 0 8 9 10 11 pataas Animapu¶t tatlo (63) sa mga respondente ang kumakain ng junk foods kahit alam nila na masama ang epekto nito sa kalusugan. ngunit hindi alam ang epekto nito 13% 63% C. samantalang dalawampu¶t apat (24) naman sa kanila ang hindi kumakain ng junk foods. oo. labintatlo (13) naman ang nagsabing kumakain sila pero hindi nila alam ang eepekto nito. Hindi . kahit alam ko na masama ang epekto nito B. Oo.

Grap 4 Kaalam ng Kabataan tungkol sa Junk Foods at ang Epekto nito 4% 1% 1% A. isa (1) naman ang nagsabing alam niya kung ano ang junkfoods at mabuti ang epekto nito sa kalusugan. samantalang isa (1) naman ang nagsabing hindi nito alam kung ano ang junk foods. Oo. Oo. Limampu¶t dalawa (52) ang may alam sa sakit na Urinary Tract . apat (4) naman ang nagsabing alam nila kung ano an junkfoods pero hindi nila alam kung ano ang epekto nito. masama ito sa katawan B. ngunit hindi alam kung ano ang epekto nito D. Oo. Hindi 94% Naghanda kami ng mga katanungan para sa animnapu¶t tatlo (63) na respondente na kumakain ng junk foods kahit alam na masama nila ang masamang epekto ng junk foods kung ano ang nalalaman nilang sakit na dulot ng pagkain ng junk foods.Sa isandaang (100) respondent. siyamnapu¶t apat (94) ang nagsabing alam nila kung ano ang junk foods at masama ang epekto nito sa kalusugan. mabuti ito sa katawann C.

Tatlo (3) ang may alam sa sakit Brain Cancer. Walang alam namang epekto ng junk foods ang anim (6) na respondente. animnapu¶t dalawa (66)ang nagsabing nai-engganyo sila dahil masarap ang junk foods. Dalawa (6) naman ang nagsabing dahil sa impluwensya sa kapaligiran. Samantalang isa (1) ang nagsabing anemia. Samantalang dalawa (4) naman ang nagsabing dahil sa naakikitang adbertisment sa telebisyon. Grap 5 Kaalam ng Kabataan hinggil sa mga Sakit na Dulot ng Pagkain ng Junk Foods walang alam Anemia Hypertension Diyabetes Brain Cancer Urinary Tract Infection (UTI) 0 10 20 30 40 50 60 Sa pitumpu¶t dalawang (72) respondent na kumakain ng junk foods. Tatlo (3) naman ang may alam sa sakit na hypertension. Pito (7) ang nagsabing ng Diyabetes.Infection (UTI) bilang epekto ng pagkain ng junk foods. .

maging ito man ay pritong pagkain. o kendi.Grap 6 Rason kung Bakit Naeengganyong Kumain ng Junk Foods masarap 8% 3% dahil sa nakikitang adbertisment sa telebisyon impluwensya sa kapaligiran 89% dahil sa makukulay na wrappers ng junk foods Si Michael Jacobson ang siyang lumikha sa salitang ³junk foods´ noong 1972 bilang palayaw sa mga pagkaing walang silbi o walang nutrisyonal na halaga. asukal. saturated fat.dietpolicy. Ang kanilang nilalaman ay mayaman sa sodium salts. asukal at taba na nagbibigay ng mataas na calories ngunit walang silbi sa katawan.com/diets-articles/junk-food-facts. trans-fat.htm) Hindi lahat ng junk foods ay parehas. at artipisyal na pampalasa. ngunit ang mga sangkap ng mga ito ay madalas na magkatulad. ay may mataas calories at naglalaman ng masyadong maraming unhealthy nutrients. Ang mga unhealthy nutrients na ito ay ang mga sumusunod: taba. ngunit masyadong mataas ang konsintrasyon nito sa junkfoods kaya . Kadalasan ng mga nabanggit na nutrients ay kinakailangan ng katawan. tsokolate. sodium.high-fructose corn syrup. ang junk foods. Karaniwan. (http://www.

Samantala. Ito ay nanunuot sa ating blood-brain barrier at umaapekto sa normal na daloy ng dugo sa ating hypothalamus.ito ay pupwedeng maging dahilan ng haypertensyon. pagtulog. regulasyon sa immune system at calorie intake. . istrok. istrok. emosyunal na control. diyabetes. Sa katunayan. high blood pressure.aspx#xzz1DE9q3fvx) Ang mga junk foods ay masasarap. unti-unting pagkasira ng atay at impeksyon sa kidney dahil sa mataas na lebel ng Cholesterol at sobrang asin. Isa ito sa mga dahilan kung kaya¶t ito ay kinahihiligan ng mga bata at pati na rin mga matatanda. Ang sobrang pagkain ng junk foods na mayaman sa fats ay nakasisira sa esensyal na gawain ng utak tulad ng konsentrasyon at memorya. Hinahaluan kasi ito ng mga artipisyal na pampalasa at mga food enhancers upang mas kaaya-aya ang lasa nito. Alzheimer¶s disease at sclerosis.com/health/dietnutrition/articles/102785. impeksyon sa utak. Maidaragdag din natin dito ang pagkakaroon ng type 2 na diyabetes. Ito ay ibinibenta sa mga tindahan sa iba¶t-ibang brand at isa sa pinakasikat ay ang Ajinomoto o Vetsin.brighthub. Isa sa kilalang food enhancer ay ang monosodium glutamate o MSG. Ito ay pwedeng magdulot ng kanser sa utak at iba pang mga sakit. tumor sa utak. lupus. Ang mga pagkain na ito ay nagdudulot din ng sakit sa puso.nakakasama. wake cycles. ang sobrang asukal at mataas na lebel ng calories ay nagiging dahilan ng obesity o ang sobrang katabaan.(http://www. Ang sobrang MSG ay nakakasama sa katawan. Ito ay isang organ ng endocrine system na kumukontrol ng lahat ng neuroendocrine regulation.

Zenaida Batal-e ng Department of HealthCordillera Administrative Region o DOH-CAR. fats. And DepEd ay nagsumite noong Abril taong 2005 ng Department Order No. Kabilang dito ang renal at urinary tract infection o UTI sapagkat sinisipsip nito ang mga esensyal na tubig sa ating katawan. Nakasaad dito na ang mga estudyante ay hihikayatin na bumili ng pagkain at inumin sa kanilang school canteen lamang kung saan ang ibinibenta ay dapat yaong mga pagkain na mayaman sa protina. Ang mga tao raw na palaging kumakain ng junk foods ay sumisira sa kanyang kalusugan lalong-lalo na kapag hindi sila umiinom ng sapat na tubig na kailangan ng ating katawan. Maraming mga bansa ngayon ang masusing umaaksyon upang matugunan ang problemang kinakaharap natin na hatid ng junk foods. kapag mayroong paaralang lalabag sa kautusang ito.14 na sisiguro na malulusog at ligtas ang mga pagkain na ibinibenta sa mga paaralan. at mga mineral. ang junk foods na mayroong MSG. at asin ay kaugnay ng maraming sakit. Ang nutrisyon ng mga bata ay nakokompromiso dahil sa pagkasali ng junk foods sa kanilang diyeta. ag mga superintendent ng distrito at ang awtoridad ang aaksyon hinggil dito. na ang pagbabawal sa pagbenta ng junk . mga bitamina. Ayon kay Dr. Juliet Pontino ng DepEd-CAR. Idinagdag pa niya. Ang Department of Health (DOH) kasama ang Kagawaran ng Edukasyon ay tumutugon sa problemang hatid ng masasamang epekto ng junk foods. asukal. Napakalungkot isipin na ang mga bata ay ang pangunahing biktima sapagkat sila ang target na konsyumer ng mga manupaktsurer.Ayon kay Ms.

³Quality Education among youth starts from proper nutrition and health care´. ang kanyang ahensya ay makikipagtulungan kasama ang DOH at National Nutrition Council (NNC) sa pagpapatibay sa mga parusa sa mga pampublikong paaralan kung saan pinapahintulutan ang pagbibenta ng junk foods sa kanilang kampus. ay isang hakbang tungo sa mas malinis at maunlad na paaralan. ang mga sumaling pampublikong paaralan ng ARMM ay hinihikayat na ipagbawal ang junk foods sa kanilang mga kantin. wika ni Caudang habang inilulunsad ang programang ³Neo-Nutri Choice´ noong Nobyembre. wika ni NNC Assistant Secretary Bernadita Flores.foods. ³We are looking into replicating this program in other regions of the country´.Sa ilalim ng programang ito. . Wika ni Secretary Bart Caudang ng DepEd sa Autonomous Region of Muslim Mindanao.

at isa na rito ang masarap nitong lasa. at dalawampu¶t lima (25) sa ikaanim na baitang.KABANATA V LAGOM. ang mga mananliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: 1. Maraming rason kung bakit nakakaadik ang junk foods. AT REKOMENDASYON 1. Mas mataas ang porsyento ng kabataan na kumakain ng junk food kahit alam nila na nanakasama ito. Ang junk foods ay nagtataglay ng mga food additives. Karamihan sa mga kabataan ang may alam kung ano ang junk foods at masama ang epekto nito. 3. dalawampu¶t lima (25) sa ikaapat na baiting. ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey kwestyoner na pinasagutan sa isandaang (100) respondente o sa mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Doña Pilar. KONKLUSYON. . 2. Lagom Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng junk foods sa kalusugan. dalawampu¶t lima (25) sa ikatlong baiting. Gamit ang disenyong deskriptib-analitik. dalawampu¶t lima (25) sa iaklimang baiting. 2. Karamihan sa kabataan ang alam na ang urinary tract infection ay isang sakit na dulot ng junk foods. enhancers at colourings na direktang nilalason ang katawan at pinapahirapan ang organ ng detoxification at eliminasyon na nagdudulot upang humina ito. Konklusyon Batay sa inilad na datos at resulta ng sarbey.

Ang mga ahensya ng gobyerno at pribadiong sector tulad ng Kagawaran ng Kalusugan.4. Ang mga junkfoods ay halos magkaparehas ang pangunahing sangkap. 6. additives at food colourings na nagdudulot ng mga sakit. gabayan nila ang kanilang mga anak at huwag pakainin ng maraming junkfoods dahil ito ay nakakasama ng ating kalusugan. buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: a)Para sa mga kabataan. National Nutrition Center (NCC) at Kagawaran ng Edukasyon ay gumagawa ng mga hakbang upang malutas o lutasin ang mga problema sa junkfoods isa na rin ang Department Order no. c)Para sa mga Government Agencies gaya ng DOH. 3. 5. b)Para sa mga magulang. magbigay ng mga impormasyon sa mga kabataan kung ano ang magiging epekto kapag kumain ng junkfoods. 5. dapat bawasan ang pagkain ng junkfoods upang maiwasan angmga masasamang dulot nito. tulad ng food enhancers. . Ang junkfoods ay mga pagkain na may kakaunti o walang nutrisyona na halaga. Rekomendasyon Batay sa konklusyong nabanggit. Ang pangunahing dahilan kung bakit nahihilig ang mga kabataan sa junk foods ay ang masarap nitong lasa. 4 na nagsasabing bawal magbinta ng junkfoods sa mga paaralan.

e)Para sa mga mag-aaral. . ipalawak ang inyong kaalaman sa pag-aaral at sundin ang mgapayo ng inyong mga guro f)Para naman sa kapwa mananaliksik. ipagpatuloy ang pangangalap ng mga impormasyon ukol sa mga epekto ng pagkain ng junkfood.

nordis.LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN Alano.dietpolicy. 25 Barnhart. http://www. Robert. 1995. pg. United States of America.com http://www.com http://www.htm http://www.net/?p=773 . World Book Dictionary. 2000. Philippine Star.com/diets-articles/junk-food-facts. Junking the Junk Food Habit.com/health/dietnutrition/articles/102785.discover-yoga-online.aspx#xzz1DE9q3fvx http://www.brighthub. Manilabulletin. Ching. Field Enterprises Corporation.

Kasarian: __ Lalaki Edad: __ 8 __ 9 __ 10 __ Babae __ 11 pataas 2. ngunit hindi alam ang epekto nito __ d. Kaugnay nito. Alam mo ba kung ano ang junk foods?kung oo. Kung may pagpipilian. oo. Kung gayon. inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makakalap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Tinitiyak po naming kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan. ano ang masasamang epekto ng junk foods na alam mo?kung wala sa pagpipilian ang alam. ano ang epekto nito? __ a. mabuti ito sa katawan __ c. kahit alam ko na masama ang epekto nito __ b. hindi 5. Bakit ka naeengganyong kumain ng junk foods? __ Masarap __ dahil sa nakikitang adbertisment sa telebisyon __ impluwensya sa kapaligiran (mga kaibigang nakikitang kumakain ng junkfoods) __ dahil sa makukulay na wrappers ng junk foods . lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.Mga Mananaliksik Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon ang mga kasunod na patlang. oo. 1. Kung titik a ang sagot mo. Kumakain ka ba ng junk foods? __ a. mangyari po lamang na sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. pero hindi ko alam ang epekto nito __ c.Mahal naming Respondente. oo. ilagay na lamang sa patlang ang nalalamang sakit. masama ito sa katawan __ b. Maraming salamat po! . oo. __ Urinary Tract Infection (UTI) __ Brain Cancer __ Diyabetes __ hypertension __ Iba pa_____________________________ __ walang alam 6. hindi 3. Maalab na Pagbati! Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 33 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pamanahong-papel tungkol sa Pag-aaral sa Masamang Epekto ng Junk Foods. oo.