You are on page 1of 1

PARA SA MGA TAMAD NA KATULAD KO ni Michaele Angelo O. Cantos Tinatamad kang mag-aral? O bakit? Anong problema?

Sus, hindi lang ikaw, pati ako, pati sila, karamihan naman ata. E di wag kang pumasok. Yun lang ang solusyon do n. Wag kang pumasok. Wala kang assignments na dapat pang gawin. Wala nang projects na dapat gastusan at paghirapan. Hindi mo na kailangang magbasa. Magagawa mo lahat ng bagay na nanaisin mo. Wala ng masungit na teacher, hindi ka na malelate, hindi ka na obligadong gumising ng maaga. Wala ng proper haircut, sus pwede ka ng magpatattoo at pwedeng magpakulay ng buhok. Ayos pwedeng pwede na ring magdota ng unlimited at pwede nang maging astig. Yun naman ang gusto mo, 'di ba? Yung maging ASTIG! O sya, ngayon hindi ka na papasok. Wala kang baon,ha?! Dito ka lang naman sa bahay e. Maglilinis ka ng bahay,ha?! Wag ka nang magreklamo, wala ka namang ginagawa. Uuuyyy, wala ng silay. Di mo na makikita crush mo. Ayos lang yan, ASTIG ka naman e. Hoy, wag kang magreklamo. Nakakabato sa bahay? Hindi ah! Choice mo yan. Kuntento ka na naman sa ganyang buhay e. Oy, si ano nga pala construction worker na. Oo, helper sya don. Mahirap daw. Pinili nya yun e. Pinag-aaral sya pero nagkacut ng klase. Puro computer ang inatupag. Kumikita naman sya e. Gusto mo din don? Subukan mo na. Wala ka namang ginagawa e. Nga pala, si ano, yung kaibigan mo, hindi na rin nag-aaral? Bakit? E nakabuntis e. Ayun, tatay na. Pinili nya yun e. Tinatamad din daw magaral. Di nga lang daw sya makabili ng gatas. Gusto mo din yun? Subukan mo na. Wala ka namang ginagawa e. Hindi naman importante ang edukasyon, di ba? Nakakatamad mag-aral. Maraming kailangang gawin. Pag di ka nag-aral patengga tengga ka lang. Hintayin mo na lang na maging requirement na ang pagiging college graduate para maging janitor, tindera, katulong o basurero bago ka mag-aral. Malayo pa naman yun mangyari. Basta wag na wag mong pagsisisihan yang desisyon mo,ha?! Choice mo yan. Kagustuhan mo. Wag mong sisihin ang tatay mo, nanay mo, mga kapatid mo, mga kapitbahay mo o ang pangulo ng Pilipinas. Wala kang mapapala. Wag mong sisihin ang kahit na sino pag nagutom ka, pag hindi ka nakahanap ng trabaho at pag naghirap ka. Wag ka ng mag-aral. Umasa ka na lang sa gobyerno, sa lotto at sa magic o sa mga superhero. Malay mo, kahit hindi ka nakapag-aral yumaman ka. Patuloy ka na lang mangarap, managinip at umasa.Sige, wag ka na mag-aral. ASTIG ka naman, di ba?