P. 1
Choppers Opening (PDF)

Choppers Opening (PDF)

|Views: 52|Likes:
Published by TG Guingona

More info:

Published by: TG Guingona on Aug 11, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/11/2011

pdf

text

original

SENATOR TG GUINGONA Opening Remarks Blue Ribbon Committee Hearing PNP Helicopter Purchase August 11, 2011 Muli, magandang

umaga po sa inyong lahat. Sa umagang ito, sisimulan ko ang pagpapatuloy ng imbestigayon natin sa issue ng pagbili ng Philippine National Police ng mga second-hand helicopters sa pamamagitan ng isang hamon o panawagan. Kamakailan, bumalik si Mr. Mike Arroyo sa bansa galing sa Hongkong. Pagdating na pagdating niya, naghamon si Mr. Arroyo. Buong tapang, sinabi niya sa harap ng mga camera ng telebisyon ang mga salitang ito. Sabi niya, “I AM BACK!” Sa sinabi ni Mr. Arroyo, ang sagot ko, “Welcome Back”. At ngayong ikaw ay “back”, hinahamon kita na magpunta dito sa Senado at dito mo harapin ang mga sinasabi mong mga detractors mo. Ngayong ikaw ay “back”, nanawagan ako sa iyo: dito mo sa senado sabihin at patunayan ang sinasabi mo na nagsisinungaling ang mga taong nagbunyag na diumano’s anomalya sa bentahan ng mga helicopter sa PNP. Ngayong ikaw ay “back”, hayaan mong tanungin ka naming dito sa senado – at tatanungin ka naming matapos mong sumumpa na pawing katotohanan lamang ang lalabas sa iyon bibig. Nananawagan ako kay Mr. Arroyo: dito mo sa Senado ipaliwanag ang sinasabi mong mga kasinungalingan laban sa iyo. At ikaw ay bibigyan ng Senado ng patas na oras at patas na trato. At hayaan mong tanungin ka namin kung kaya mong tumingin nang derecho sa mata ng mga Pilipino at sabihin sa kanila na pawang katotohanan lamang ang sinasabi mo. At nanawagan din ako na huwag tayong magtago sa likod ng medical certificate para iwasan ang pagdalo dito sa Senado. Nauunawaan ko na katarungan ang hangad ni Mr. Arroyo. Katarungan din ang hangad ng sambayanang Pilipino. At magaganap lamang ang katarungang hinahanap nating lahat kung dadalo dito si Mr. Arroyo. Mr. Arroyo, welcome back. -o0o-

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->