P. 1
SONA 2011

SONA 2011

|Views: 19|Likes:
Published by nvrmynd_ii

More info:

Published by: nvrmynd_ii on Aug 17, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as TXT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/17/2011

pdf

text

original

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong

Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrad a; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga butihing miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials ; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisa n; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss: Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kais ipan sa lipunan. Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung m akapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang m ahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan. Ku ng maka-asta ang kanilang mga padrino t alipores, akala mo y kung sinong maharlika k ung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwan an. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod iyan po ang utak wang-wang. Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Pr esidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisya l na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga ba gay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan? Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin. Gusto ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot n g baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Ako rin. Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema . Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi, nabawasan ang nagugutom sa k anila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1% niton g Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero nga yon ay nakakakain na nang tama kada araw. Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampas an ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hin ihigitan. Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moody s, Stan dard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain nating pananalapi. A ng mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang natin. Kum para sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng 23 billion pesos ang natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng 2011. Maaari na po nitong sagutin ang dalawang milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo ng C CT hanggang sa katapusan ng 2011. Paalala ko lang po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang beses lang tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang nadowngrade ng iba t ibang ratings agency. Sa isang taon pa lang po natin, apat na b eses na tayong nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upg rade sa panahon ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo

Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong u tang ang kanilang tanggapan. Kung hindi iyan para sa Pilipino. nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Lu zon grid upang pagdating ng 2014. Hindi na nga nag-abot ng kita. at i binaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. lahat ng kikitai n. ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Sa Laguna Lake po. Pero tayo po. dalawa ndaan. Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang. Isang hakbang na lang po. may pag-asa. Wang-wang ang milyun-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC. 2007 pa lang po. wala na silang prangkisa. at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Dalawang magkasunod na taon na po nating ipinatutupad ang zero-bas ed budgeting. garantisado naman itong babalik. tatlumpu t dalawang milyong piso po ang inomento ng dating pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. Pinigilan po natin iyan. sinam antala pa ang puwesto. wala silang pakialam n gayon. may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng e nerhiya ang bansa. aabot na tayo sa investment grade. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009. nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa s arili. huwag ka nang magtangka. At may mabubuting balita pa pong parating. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo. mahirap ako habang nakaupo sil a. May kumpiyansa. wala pa rin silang pakialam. ang hinaing p o ng marami. Nitong Biyernes lamang po. 18. Hindi pa bayad ang utang. gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng serbisyo. Dahil wala nang wang-wang sa DOE. at wala pong tigil ang ating economic team upang t uluyan na tayong makaarangkada. Di po ba t may katuwiran naman siya sa pagsasabi nito. Sa madaling salita. magtatanggal nga ng 12 million cubic meters sa dredging. inupgrade pa nila. pare-pareho lang ang kahihi natnan. Bago sila bumaba sa puwesto. Para po pigilan ang pagwang-wang sa kaban ng bayan. at iba pang inisyatibang pi nondohan ngunit walang pinatunguhan binura na natin sa budget upang ang pera naman g nalibre. huwag ka nang magtangka. Bukas. Naaala la ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako y unang nagha-house-to house campaig n. pero iyon pala ay gamit na gamit na. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya. dinoble pa nila s a unang anim na buwan ng 2010. nag-expire na ang pakinabang. . na nagsisilbing kalasag sa walang-saysay na paggastos. mul ing nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector. tulad ng sa Philippine National Constructio n Corporation. at mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila. Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas. Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon. Patunay d ito ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa eksplorasyon at pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Ang ak ing pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung mang-aagrabyado ka l ang ng mahirap. tatlumpu t lima lang po ang nakilahok. pero pagkatapos ng tatlong taon. dapat diretso na sa pambansang gobyerno. pero nakikita po natin ang latak ng ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa t uwid na landas. Ang food-for-school progr am na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo. at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade s a ibang bansa. Ang kaniyang hinaing: Miski sino naman ang manalo. huwag ka nang magtan gka.bago magkakrisis sa Amerika. dahil sa pagwawang-wang sa mga ahensya ng gobyerno? Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong bran d new. sinuyod at sinuri natin ang mga programa. kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay n g magandang ratings. Sa huling energy contractin g round noong 2006.

wala na talaga tayong magagawa.8 b illion pesos noong 2010. may proyektong gagastusan ng 300 millio n pesos. doktor. Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng district engineer. nakakaasa na tayo sa mga kalsad ang matino.3 million metric tons na kakulangan natin sa bigas. hanggang sa mga araw pong ito.Naman. sa suma total. Mababa pa sa minimum wage. bibigyan ng pondo. Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo ng pagwawang-wang sa sistema: Tu loy ang pagdusa ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto ng bayan. 5. 1. Bago tayo maupo noong 2010. may sumusubok pa ring makalusot. at di na umabot sa regional at central office ang mga papeles.783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat is a sa kanila ang ibig sabihin. Miski yata bahay ng gagamba ang ipapatayo. kung totoo po ito. ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng 8. ng 9. ang d ating 1. ibablack-list natin. Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito . halos nangalahati na . Tinanggal na niya sa puwesto ang district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito para busisi in kung ano pang magic ang nangyari. negosyante na nagbayad lamang.3 million metric to ns lamang ang kailangan nating angkatin. may mga nagwawang-wang din. wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detal ye ng proyekto. ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isan g milyon. nag-angkat ang bansa ng 2. kinailangan pa nating gumastos mul i sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas. kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabaya d ng tamang buwis. Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Hindi na puwedeng walang work program. mayroon tayong halos 1.500 pesos lamang kada buwan. umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. hindi yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad. kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH . sa unang taon pa lamang. Kadalasan.3 million metric tons ng bigas. Kaya naisip nilang ichop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang halaga. pinatunayan nating mali sila. Hindi lang po ito posible. Masusi na ring iniimbestigahan lahat ng nag kuntsabahan. Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno. kaya wala na pon g dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Ngunit sa loob lamang ng isang taon. Paniwala natin dati. Kanikaniyang diskarte. Mayro on nga pong isang distrito sa Region 4B. An g masakit. Ang pinakamahalaga po. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat. Ang akala ng ma rami. Ngayon. Hindi lang po iyan sa region 4B nadiskubre. ba sta may padrino. nakatipid na tayo ng dalawa t kalahating bi lyong piso. Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo. Malinis at hayag na ang bidding. ginagawa na natin ito. dahil sa lump -sum na pagbibigay ng pondo. Kahit po sa mga bukirin. at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong bilyong piso ang matitipid sa taon na ito. Ngunit natigil na po ito dahil hindi na padrino kundi tamang proseso ang naghahari sa DPWH.Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi l ang po gobyerno.7 million na self-employed at professional tax payers gay a ng mga abogado. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para mag-tongpat s sa mga proyekto. Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH. kailangang magpakita ng pinag-isipang plano para hindi magkasalun gat ang pagsasagawa ng mga proyekto. Ayon sa BIR. at pantay na ang pagkakataon sa pagpasok ng mga kontratista.

isang mas modernong barko na magagamit natin para mabantayan ang ating mga baybayin. para sa susunod na taon. Bu nga po ito ng matinong pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi.6% ang inani nating palay noong nakaraang ta on. at iba pa. may good news po ako: kasama na po kayo rito. Maaari pa po tayong makakuha ng m . Inihahanda na ng NHA ang lupang patatayuan sa Visayas at Mindanao. Kung seguridad na rin lang po ang ating pag-uusapan. para naman sa pagkain. Bahagi pa lang po ito ng target na ting kabuuang dalawampu t isang libo at walong daang bahay sa pagtatapos ng taong ito. malamang sa five-six po sila lalapit. labing-isang libo. sa susunod na taon. Nito nga pong nakaraang taon. Apat na libong piso daw rito ang napupunta sa upa ng bahay. lalawak pa ang atin g pabahay. kapag tumapak ka sa Rect o Bank. Tila tama nga po na isang-katlo ng kanilang sahod diretso na sa upa. hindi tayo aangkat ng hindi kailangan. At hindi po buwenas lang ang nangyaring pag-angat ng ating rice productivity. m akapagpatayo na tayo ng mga bahay doon. last call na po para sa batch na ito. para pa sa bahay na pagmamay-ari talaga nila. Ang gusto nating mangyari: Una. tubig. Maganda na nga po ku ng tumabla ang kita niya sa gastusin. animnaraan at labing-isang bagong ektarya ng bukirin ang nap atubigan natin. Nakapag-abot na po tayo ng apat na libong Certificate of Entitlement to Lot Al location sa magigiting nating kawal at pulis. Pero huwag po kayong mag-alala. 660. Malinaw ang pahiwatig natin n gayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas. Kahit dagdagan p a natin iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing 860. kaya po sa mga pulis at sundalo nating di pa nakakapagpasa ng papeles. di ba t karugtong din nito an g ating pambansang dangal? Dati. Isang-katlo pa nito. dito i pupunla. at masusi at epektibong paggastos para sa irigasyon. Sa ating mga kawani ng Bureau of Jail Ma nagement and Penology at Bureau of Fire Protection. para lang punan ang bulsa ng mga gustong magsariling-diskarte ng kita sa agrikultura. Ang resulta: umangat ng 15. gamot sakaling may magkasakit. pamasahe. ngayong Hulyo ay tinutupad na . para ka na ring tumapak sa Recto Avenue.3 mil lion metric tons. Tapos na po ang panahong iyan.000 metric tons na ginagawa na nga po natin mas mababa pa rin ito sa tinatayang taunang kakulangan na 1. Mayroon pa raw pong mahigit isang libong bahay na natitira. Ang dating apatnalibong ibinabayad para sa upa kada buwan. dito bibilhin. saka itinutok sa kalaban. Parating na ang mga capability upgrade at modernization ng mga kagamitan ng atin g Sandatahang Lakas. At kapag nagpatung-patong ang interes ng utang nila. Tama nga po kaya ang kuwento tungkol sa isang stand-off noong araw? Tinapatan da w ang mga marino natin ng kanyon. Ika lawa: Ayaw na nating umasa sa pag-angkat. dalawand aang piso na lang. p ampaaral sa anak. Ang ginawa nila. ang isasaing ni Juan dela Cruz. at hindi lang pulis at kawal sa Luzon ang makikinabang. Balikan din po natin ang dinatnang kalagayan ng ating mga kawal at kapulisan. pumutol ng puno ng niyog. Ang dating nala lagas na halaga na pambayad sa buwanang renta. La bingtatlong libong piso po ang karaniwang suweldo ng isang PO1 sa Metro Manila. pin inturahan ito ng itim. ngayon. maaari nang igugol para sa ibang gastusin. makatanggi kaya sila sa tuksong dumelihensya? Kaya ang ipinangako nating pabahay nitong Pebrero. Kapag naman kinapos. dito aanihin.000 metric tons na lang po ang kailangan nating angkatin. At ang natitirang isang-katlo. Dagdag pa iyan sa halos dalawandaan at labindalawang libong ekta rya na nakumpuni o nabigyang muli ng irigasyon matapos ang panahon ng pagkakatiw angwang. Literal na pong naglalakbay sa karagatan papunta rito ang k auna-unahan nating Hamilton Class Cutter.. para sa kuryente. hindi man lang natin makuhang pumalag tuwing ma y sisindak sa atin sa loob mismo ng ating bakuran.

Kaya nam an mataas ang aking kumpiyansang makukumpleto ang 1. Ayon p a lang po sa website nating Philjobnet. dahil umabot na sa tatlumpu t isang hum an traffickers ang nahatulan sa ating administrasyon. Ikum para po natin iyan sa apatnaraan at animnapung (460) kotse at motorsiklong nanak aw mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito. ngayon pa lang. at DEPED upang tugunan ang isyu ng job mismatch. at DOJ upang makakuha ng ma laking diskuwento. naibaba na sa 7. Dagdag-trabaho ang unang panata natin sa Pilipino. pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayon g ipagtanggol ang atin. Ngunit aanhin naman po natin ang mga numerong naghuhudyat ng pag-asenso ng iilan . tiyak na maaabot niya ito. Ang laki po ng naibawas. Tandaan po natin: moving target ang nasa hanay ng ating unempl oyed. at hangga t tinatapatan niya ng sipag at determinasy on ang kanyang pangangarap. Malaki pa po ang puwedeng madagdag sa trabahong nalilikha sa ating bansa. Alam ko pong magbubunga ang pag-aarugang ipinapamalas natin sa mga lingkod-bayan na nakatutok sa ating seguridad. at hind i ang pagbawas sa mga insidente nito o ang mas mataas na porsyento ng mga nanaka w na kotse na naibalik sa may-ari. may p agpipilian na siyang trabaho. nat anggal na tayo sa Tier 2 Watchlist ng Trafficking in Persons Report nila. umabot sa isanlibo at sampung (1. Dati. nakapako sa pangingibang-bansa ang ambisyon ng mga Pilipino. taga sabit ng banderitas. Mantakin po ninyo: sa unang anim na buwan ng 2 010. TESDA . Nalagpasan na po natin iyan. siguradong napurnada pa ang mga grant n a maaari nating makuha mula sa Millenium Challenge Corporation at iba pa. An g 8% na unemployment rate noong Abril ng nakaraang taon. nadagdag pa sa bilang nila ang libu-libong hawi boys. PNP. upang masig urong sa mga susunod na pagkakataon ay hinahon at pagtitimpi ang maghahari tuwin g may alitan sa teritoryo. namuhunan tayo sa pinakamahalaga nating yaman: ang taumbay an.3 million na dagdag na pamil . dahil taun-taon ay may mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho. Kung h indi tayo natanggal sa watchlist na ito. nagtatagpo na ang kaisipan ng DOLE. Idadagdag iyan sa kukunin na nating mga helicopter.010) kotse at motorsiklo ang nanakaw. Wala tayong balak mang-away. mabibili sa tamang presyo. Lahat po ito. pero dahil hindi sineryoso ng estado ang p agpapatupad nito. Sa dalawang milyong pamilyang rehistrado sa ating Pantawid Pamilyang Pilipin o Program. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa W est Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea. nang walang kailangang ipadulas kung kani-kanino. dalawampu t siyam na indibiduwal lamang ang nahatulan sa loob ng pitong taon. patro l craft. Malas ko lan g po siguro na yung isa o dalawang kaso ng carnapping ang nai-heheadline. Susuriin ang mga curriculum p ara maituon sa mga industriyang naghahanap ng empleyado. makakamtan sa matinong pamamahala. Hindi po natin hahayaang masayang ang p agkakataong ito. Ngayon. Nito nga pong huling taon.ga barkong tulad nito. may limampung libong trabahong hindi nap upunan kada buwan dahil hindi tugma ang kailangan ng mga kumpanya sa kakayahan a t kaalaman ng mga naghahanap ng trabaho. Sa pagpapakitang-gilas ni Secretary Dinky Soliman. kung marami pa rin ang napag-iiwanan? Ang unang hakbang: tinukoy natin ang tot oong nangangailangan. tinatayang may mahigit is andaang libong pamilya ang naiaahon natin mula sa kahirapan kada buwan. Ang resulta po natin: Isang milyon at apatnaraang libong tr abahong nalikha nitong nakaraang taon. at gagabayan ang mga es tudyante sa pagpili ng mga kursong hitik sa bakanteng trabaho. at iba pang mga Pilipinong kumuha ng pansamantalang kabuhay an mula sa eleksyon. CHED. isang milyon at animnaraang libo na ang nakakatanggap ng benepisyo ni to. at sandata na bultong bibilhin ng AFP. Dahil dito. Isa pa pong halimbawa ng pagbabagong tinatamasa natin: Mayo ng 2003 nang lagdaan ang Anti-Trafficking in Persons Act. Dumako po tayo sa trabaho.2% nito ng Abril ng 2011. Ito na po siguro ang sinas abing sea change ni Secretary of State Hillary Clinton ng Amerika.

Salama t sa Kongreso at naipasa na ang batas na magsasabay ng halalan sa ARMM sa halala ng pambansa. tatlong milyong pamilya na ang mabibigyan ng puhunan para sa kanilang kinabukasan. Wala akong duda sa kahihinatnan ng mga repormang inilatag natin.3 milyong pamilyang target na benepisyaryo ng CCT bago ma tapos ang taong ito. may kongkretong resulta ang ating mga paninindigan. tiniyak natin na ang limang milyon at dalawandaang libong pamilyang Pilipino na nakikinabang sa PhilHealth ay ang talagang mga nangangailangan nito. Ang dating sistema: Nagbabatuhan lang ng huwad na utang ng loob ang mga baluktot na kandidato. kung saan tuturuan siya ng ghost teacher. Kung hindi nawala ang pondong ito. Tumungo naman po tayo sa ARMM. lalo na ng lehislatura. Walang hump ay na paghihirap. At bakit po postponement ang kailangan? Sa kagustuhang makabalik sa puwesto. sa kalusugan: Di ba t kapansin-pansin ang pagta as ng bilang ng mga benepisyaryo ng PhilHealth tuwing maghahalalan? Ngayon. Walang maiiwan sa tuwid na landas. milyun-m ilyon na rin po ang inang regular na nagpapacheck-up sa mga health center. Kapag s . hindi ba t tayo ri n ang nasa peligrong mahawa sa kanilang kapansanan? Naglalatag po tayo ng pagbabago upang mas mapatibay ang pundasyon ng maaliwalas na bukas para sa lahat. at lalabnaw ang command votes. Dahil dito. At sa compliance rate nito na hindi bababa sa 92%. Binibigyan natin ang mga maralitang pamilyang ito ng pagkakataong makaahon sa bu hay. Hindi po tayo n agbubukambibig lang. Habang nananat ili sa pwesto ang mga utak wang-wang na opisyal. walumpung porsyento ng mga disbursement ang na punta sa mga cash advance na wala namang maayos na paliwanag. Wal a po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi paghandaan ang susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing panahon. nak ahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo. Simula pa lang po ito. mahina ang kalusugan at may malubhang karamdaman. mula En ero 2008 hanggang Setyembre 2009. isang tuka naman ang mamimili? Kapag may amang kumakapit sa patalim para may kainin ang ka nyang pamilya. Isipin na lang po ninyo ku ng pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra. kailangan nilang tumutok sa kani-kanilang mga kampanya. malaya a ng nakaupo sa ARMM na imane-obra ang makinarya sa kaniyang rehiyon para matiyak na bokya ang boto ng mga hindi kaalyado. Ayon nga po sa naungkat ng COA. mula sa kabuuang 2. at siya ay nagnakaw o nangholdap. ang m ga sanggol na napabakunahan. Kapag naman eleksyon sa ARMM at maninin gil na ng utang si Mayor o Governor. Kapag pambansang halalan. Kaya ang solu syon: synchronization. Sino ang tatangk ilik sa mga produkto at serbisyo ng mga negosyante. dahil ang pag-asenso nila ay pag-angat rin ng buong bansa. magiging mas patas ang labanan. at walang pag-asa ng pag-asenso. Gusto nating maranasan ng ARMM ang benepisyo ng tamang pamamahala. at itinuloy natin ang eleksyon. Malawaka ng pag-unlad at pag-asenso ng lahat: Iyan po ang panata natin.ya. at sa ganitong kalinaw na mga resulta. par a pumasok sa ghost school. naiiwan namang nakalubog sa kum unoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan. sa opisina ng regional governor ng ARMM. at ang mga batang hindi hinahayaan sa labas ng paar alan. ang administrasyon naman ang magpapatakbo n g makinarya para manalo ang kanilang kandidato. umaasa ako sa supo rta ng bawat Pilipino. sino ba ang puwedeng mabiktima ng krimen kundi tayo rin? Kung ang mga kababayan natin ay walang maayos na pagka in o tahanan. nakatapos na sana ang isang batang tumawid sa ghost bridge. sa mungkahi nating salinan pa ng pondo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. sa p amamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR ). kung isang kahig. Inaasam po natin na bago matapos ang 2012. Halimbawa.

kaya natin ito. Kapag sinabi nating malinis na pamamahala. habang namumuhunan din sa kalikasan. gusto mo pang isuot ang iyong ID kung sumasakay sa iyong ahensya? Sasayangin po ba natin ang karangala . may hibla ng niyog na itatapon na sana. Nakatutok na po ang iba t ibang ahensya ng gobyerno. Romblon. na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa baha. gawa ng Pilipino. Nagtanim nga ra-baha. pero hindi naman siniguro na mananatiling nakatayo ang mga nila.inabi nating tuwid na daan. Marami pa pong malikhaing konsepto na inilalapit sa atin. Hindi ba tayo nagagalak. Sa matitipid na pondo. sa halip na ka ng bus o jeep papasok ng sambayanan. m as mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa mga lugar na mal ayo sa sentro ng komersyo. gagawin natin ito. Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon ng monorail system. maaari nang tumira sa malayo. may katapat itong kalsada sa Barangay Bagumbayan sa Sta. Ganito n a ang nangyayari sa marami pang ibang lugar. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. g aya ng ginawa natin sa Barangay San Marcos. may mga kagamitang magbibigay ng senyales kung malapit nang umapaw ang tubig sa mga ilog. Pilipino tayong nabubuhay sa ganitong panahon? Sa kabila ng lahat ng ito. Bukas makalawa. Maria. Noon bang isang taon. Naaalala po ba ninyo ang panahon kung kailan ni hindi man lang maabot ng mga pangarap natin ang ganitong mga proyekto? Ngayon. walang humpay pagtatanim ng puno kont ito pag-alis Isa sa mga solusyong pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamaya nan ang pagbabantay ng puno. na alam naman nating dulot ng at ilegal na pagputol ng mga puno? Ang dating solusyon: photo-op ng na ang tanging benepisyaryo ay nagpapapoging pulitiko. pinipilit nating ito rin ang mangya ri sa kabuuan ng Pilipinas. may dadaloy na ma linis na tubig sa mga liblib na lugar gaya ng nasa Barangay Poblacion. Uulitin ko po: ang mungkahing ito ay galing sa kapwa natin Pilipino. Mamumuhunan tayo sa taumbayan. May mosquito trap na p inapatay ang mga kiti-kiti ng lamok. sa Bunawan. Puwedeng maging bene pisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers. Agusan del Sur. inisip ninyo na kaya nating gawin ito? Sa ngayon. nag-uugnayan at nagtutulungan sila upang maabot at mapabilis ang mga solusyon sa mga problemang kaytagal nang pinapasan ng bayan. Kapag sinabi nating liwanag ng pagbabago. mula sa tuktok hanggang sa bawat sulok napakarangal na ngayon ang magtrabaho sa gobyerno? Di po ikahiya. katotohanan na ang lahat ng it o. na siguro naman po ay may kinalaman sa halo s labing-apat na porsiyentong pagbaba ng insidente ng dengue. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad para maghanap ng trabaho. para sa Pil ipinas. Di po ba t may problema tayo sa baha. sa Ferrol . Sa mga kapwa ko empleyado ng burukrasya: Di po ba t ba t ngayon. huwag po sana nating lilimutin: masasayang lang ang l ahat ng ating narating kung hindi tuluyang maiwawaksi ang kultura ng korupsyon n a dinatnan natin. may landslide sensor na magbababala kung tumaas na ang panganib na gum uho ang lupa. sinasabi ko sa inyo: pina pangarap natin ito. titiyakin nating may liwana g na tatanglaw sa mga pamayanang dati ay nangangapa sa aandap-andap na gasera. pero puwede palang murang solusyon sa mga daanang madaling mabitak. nang hindi pahirapan ang biyahe. Lahat po ito. para t ugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Laguna. tinutupa d na natin ang ating mga pangako. may pag-asa palang magtayo ng light rail system nang hindi hihi git sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa malikhaing pag-iisip ng kapwa Pilipino. Habang hinihintay ang ani.

kaunlaran. Totoo po: Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama. may ilang munisipyo na naisipang magbuwis sa mga transmission line s ng kuryente na dadaan sa kanilang mga pook. at ng PTV 4. kung makakaasa rin tayong gagamitin ito sa tuwid na pa raan. Ang mali gaano katagal man ito nanatili ay mali pa rin. tataas din ang gastusin ng mas nakararami ng Pilipino sa kuryente. Hayaan po ninyong ilatag ko sa Kongreso ang i lan sa mga batas na magpapaigting sa pagtupad ng ating panata sa bayan. mangyayari lang ulit ang mga kam alian ng nakaraan. Sin usuportahan din natin ang pagpapalawak ng sakop ng scholarship na ipinagkakaloob ng DOST sa mahuhusay ngunit kapuspalad na mag-aaral. pakibasa na lang. Malaki ang pasasalama sa GOCC Governance. sion Extension. an g pagkakaloob ng makatarungang pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay. Sa mga intere sado po. mas maayos nilang magagampanan ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa publiko. Children and Infants Mandatory rs. Hindi ko po nailagay ang lahat ng gustong magpasali ng kanilang adbokasiya dito sa SONA. at a ng pagpapatupad ng isang mas maayos na sistema ng pensyon para sa mga kawal. At hindi lamang dapat ako ang namemersonal sa usaping ito. Kabilang po ako sa mga sumasang-ayon na kayo ang pinaka-nakakaalam sa pangangailangan ng taumba yan sa inyong mga lungsod at munisipyo. Wakasan na po sana natin ang agendang nakatuon sa susunod na eleksyon lamang. Kailangan pong manatiling magkatugma ang ating mga programa. Lifeline Electricity Rates Extension. Bukas na bukas po. dahil bawat Pilipino ay biktima nito. ng NEA. nasimulan agad ang mga proyekto at hindi na inab ot ng tag-ulan. Pero mahalaga pong maalala natin: simula pa l ang ito. ang pagtataguyod ng pinaig ting na pangkalahatang kalusugan. at isasaalang-alang ang kapakanan ng buong sambayanan. at Women Night Worke Noong isang taon nga po. Halimbawa po. at ang pagpapanagot sa mga gumagawa ng mali sino man sila. Personal dapat ito sa ating lahat. wala lang iyan. Pero kumpleto po ang detalye sa budget at budget message. Makakaasa po ang ating mga LGU sa higit na kalayaan at kakayahan. ng NBI. upang sa halip na mapag-iwanan ng kaalaman at panahon. Marami pa tayong gagawin. dahil ang ikauunlad ng buong bansa ay manganganak din ng resulta sa inyong mga pook. . Kapag kinalimutan natin ang mga ito. Umaasa po ako na muli kayong magpapakitang-gilas. Tayo-tayo rin po ang dapat magtulungan tungo sa t ko sa Kongreso sa pagpapasa ng mga batas ukol nization. May mga nagsasabing pinepersonal ko raw ang paghahabol sa mga tiwali. Hindi puwedeng Oks lang. at ang kaisipang isla-isla tayong maihihiwalay ang sariling pagsulong sa pag-unlad ng bansa. Dahil dito. Maganda na po ang ating nasimulan. ARMM Synchro Joint Congressional Power Commis Immunization. parang tayo na rin m ismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng masama na umulit muli. Magpapasok nga po ng kita sa kanil ang lokal na kaban. Kung hindi magbabayad ang mga nagkasala. upang t uluyan na nating mapitas ang bunga ng mga naitanim nating pagbabago. at ang pangangalaga sa ating kalikasan at sa m ga pasilidad na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan sa oras ng sakuna. nagpakitang-gilas ang Kongreso sa pagpasa ng budget bag o matapos ang taon.ng kaloob sa atin ng sambayanan? Iyan din po ang aking panawagan sa ating Local Government Units. ihahain na namin sa lehislatura ang budget pa ra sa susunod na taon. Kabilang din po sa ating agenda ang pagpapalakas ng BuCor. pero kapalit nito. Layon nating bigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga biktima ng Martial Law. Tiwala po akong kaya nating balansehin ang interes ng i nyong mga nasasakupan sa interes ng sambayanan.

Nakita po ninyo ang aming estilo. mal inaw ang testimonya. Bubukas ang maram i pang pintuang pangkabuhayan sa pamamagitan ng turismo. Pero wala po akong alinla ngang tumahak sa tuwid na daan: Buo ang loob ko dahil alam kong nasa likod ko ka . Ang mga dating kinakaligtaan. Halimbawa. lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa. Tutok tayo na ang pagkakamit ng ganap na katarungan ay hindi natatapos sa pagsas akdal kundi sa pagkukulong ng maysala. sa kalakhang li punan. at bawat butil ng hinagpis na dinaanan natin.Ang totoo nga po. sa isandaang piso na lang po kada tasa. Ito po ang manganganak ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo. ang babal a niya. Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno. itigil ang panlala mang ng mga makapangyarihan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abot-kamay. ito rin ang sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalagyan: Impra struktura na titiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng trabaho . at naging sanhi ng situwa syong ating inabutan. smuggling. magkakaroon tayo ng tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng mga na gwawang-wang sa pamahalaan. Sa mga taong b ukas ang mata. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa kape. masasampahan na ng kaso ang lahat ng nagkuntsabahan sa katiwalian. Buo ang kumpiyansa ko na tinutupad ng DOJ ang malaki nilang bahagi upang maipiit ang mga salarin. Inaasahan ko nga po na sa taon na ito. Hanapin nga po natin s ila. sa PAG COR: kape. at ang kaakibat nitong resulta . at kung saan tayo nito dinala. may babalik sa iyong mabuti. Nakita po ninyo ang estilo nila. Tama po ang sabi niya: Tao po akong may agam-agam din. mag-iingat ka. At kung may gawin kang masama. sisiguruhing hindi magu gutom ang Pilipino sa pagpapalakas ng agrikultura. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay di lat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. human trafficking. Isipin po ninyo: naipatupad natin ang mga ipinangakong serbisyo ng gob yerno. Tapos na rin po ang panahon kung kailan nagsasampa ang gob yerno ng malalabnaw na kaso. at nakapaglaan pa ng sapat na pondo para sa mga proyekto nang hindi kinai langang magtaas ng buwis. matibay ang ebidensya. maliwanag kung saan ang tama. at matanong: nakakatulog pa po ba kayo? Pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita CarpioMorales. Tinutuldukan na po natin ang wang-wang: sa kalsada. marami pang kalokohan ang nahalungkat natin. sa gobyerno. lalo na sa mga kaso uko l sa tax evasion. at siguradong walang lusot ang salarin. graft and corr uption. at serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Iyan naman po talaga ang plano: siguruhin na patas ang laban. bawat sandali ng pagtitiis. at extrajudicial killings. drug trafficking. Kapag tayo ang nagsampa. kung saan may saysay ang bawat patak ng p awis. marami kang kinakabangga. bibigyang-puhunan ang kinabukasan. at may mga konsumer na lalong magpapalago sa mga negosyo. Naaalala ko nga po ang isang ginang na lumapit sa akin noong kampanya. Kung may gawin kang mabuti. at tiyakin na ang dating sistema kung saan nakikina bang ang iilan ay magiging bukal ng oportunidad para sa lahat. Batid ko po na hanggang ngayon ay may kakaunti pang nagrereklamo sa ating estilo ng pamamahala. Noy. tiyak na mananagot ka. Wala pong tsamba: ang tapat at mabuting pamamahala ay nanganganak ng mabuti ring resulta. kung saan ang mga nangangailangan ay sinasaklolohan. Magbubunsod ito ng siklo kung saan tiyak na may pupuno sa mga nalilikhang trabah o. malinaw ang direksyong tinatahak ng ating bayan.

Bago ka umuwi galing eskuwela. lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa iy ong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa. Salamat din po sa ating Gabinete. Nasa t ama po kami. nasa mali kayo. kayong mga tapat na kasama natin sa gobyerno. sa Pilipinas man. Salamat po sa mga pari at obispo na masinsinang nakikipagdiyalogo sa atin. Hindi tayo magpapadiskaril ngayong napakaganda na ng resulta ng ating sinimulan. Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo. Salamat po. Salamat po. sabihin mo. Huwag na nating daanin sa pakiusap ang madadaan sa pagsisikap. Salamat po Ginang Escasa. Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo. tama na ang lamangan. kayong mga g uro at estudyanteng pauwi pa lang mula sa klase. sundal o. kayong mga pulis. Lumikha po kayo ng gobyernong tunay na nagtatrabaho para sa inyo. puwede bang iangat naman natin ang magaganda nating nagawa? Kung may nakita kang mabuti. s a gitnang dagat. Pinili naman namin ang landas na ipagtanggol ang taumbayan. kayong mga Pilipinong nakikinig sa akin ngayon kayo po ang lumikha ng pagkakataong ito. Sa lahat ng mga kasama natin sa tuwid na daan: Kayo ang lumikha ng pagkakataong baguhin ang dinatnan. Sa paghahalal kay Archbishop Palma. iwaksi na po natin.yo. l apitan mo siya at sabihing. anumang probinsya o partido. pero naniniwala akong ibinuhos niya ang lahat para mabawasan ang hindi pinagkakaunawaan ng gobyerno at simbahan. Bakit po ang iba. Kayo pong mga tsuper na pumapasada pa rin. Tuldukan na po natin ang pagiging ut ak-alimango. Tama na ang unaha n. maipatupad lang ang pambansang agenda. At sa mga nasasagasaan po natin sa landas ng katapatan at integridad sa pamamaha la. ta gapagtanggol ng karapatang pantao at kalikasan. ito naman po ang aking masasabi: Pinili ninyo ang landas kung saan naaapi an g sambayanan. o sa ibang bansa. na tu nay na ngayong nagbibigay ng maaasahang babala. Kapag may nakita tayong butas sa sistema. at hindi bangayan. Kung makasalubong mo ang iyong kinatawan sa kalsadang dati ay lubak-lubak. Di naman po kami ganoong kalapit ni Cardinal Rosales. lalo pong tumibay ang aking kump iyansang ugnayan. kayong mga marangal na nagtatrabaho. huwag kang magdalawang-isip na purihin ito. kayong patuloy ang paglikha ng mga obrang nagpapaalab sa apoy ng ating pagka-Pilipino. ang hilig maghanap ng kung anu-anong pan git sa ating bayan? At napakahirap parang kasalanan na magsabi ng maganda? Naalala p a po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa kapwa Pilipino? Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. nagtatrapik nang walang kapote sa ilalim ng ulan. May limang tao n pa tayo para siguruhing hindi na tayo babalik sa dating kalagayan. at ng . ang mabubuo sa pagitan ng estado at simbaha n. hind i kayo magtatagumpay. katul ad nina Cardinal Rosales at Vidal. tama na ang tulakan. Salamat po. at gawing mas maganda ang ipapamana natin sa susunod na sa linlahi ng mga Pilipino. sa halip na magser bisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo. Sa akin g guro. kaminero at bumbero. na walang kinikilalang panahon ng tulog o pahi nga. Kapag n akita mo ang pulis sa kanto. Ang dating industriya ng pintasan na hindi natin maitakwil. dahil lahat naman po tayo ay makak arating sa minimithi nating kinabukasan. sabihin mo. Special mention po ang PAGASA. Sa inyong magbabalik ng pang-aapi sa sambayan. iangat natin ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon. huwag na po tayo magtangkang lumusot.

sa sambayanang Pilipino. lapitan mo siya at sabihing: po. Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang Pilipino. maraming salamat po sa pagbabagong tinatamasa natin ngayon.ayon ay puwede nang daanan nang maaliwalas. . Salamat Kaya po. ang aking Boss na nagtimon sa atin tungo sa ar aw na ito: maraming.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->