You are on page 1of 4

Zeus

Si Zeus ay ang pinuno ng mga diyos at ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa mitolohiyang Griyego. Siya ang nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o supremong diyos ng sinaunang mga Griyego. Ginagamit niyang sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya bilang "Zeus ang Tagapagkulog" (Zeus the Thunderer). Sa pamamagitan ng kidlat at kulog, napamunuan niya ang iba pang mga diyos upang makamit ang tagumpay laban sa mga higanteng nagnais na kuhanin mula sa Olimpiyanong mga diyos at diyosa ang pagtaban at pangingibabaw sa daigdig. Partikular na ginagamit din ni Zeus ang kanyang sandatang kidlat at kulog sa tuwinang magagalit. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang Hupiter (Jupiter). Sa mitolohiyang Etruskano, siya si Tinia. Ama ni Zeus si Cronus (Saturno sa Romano). Batay sa mitolohiyang Griyego, napag-alaman ni Cronus na mapapalitan siya sa pagkahari ng isa sa kanyang magiging mga anak. Kaya't nilulunok niya ang mga ito, sa bawat pagkakataon magsisilang ang kanyang asawang si Rhea, upang mapigilan ang kanyang pagkagapi. Nalunok niyang lahat ang kanyang mga naging anak kay Rhea, maliban na lamang kay Zeus na itinago ni Rhea sa pulo ng Creta sa Gresya. Sa halip, ang nalunok ni Cronus ay isang batong ibinalot ni Rhea sa isang kasuotan. Sa paglaki ni Zeus, napilit niya ang kanyang amang si Cronus na iluwa ang kanyang mga kapatid. Nagkaroon sila ng kapangyarihan sa buong sanlibutan. Sa pamamagitan ng palabunutan, nakapagtalaga sila kung sinu-suno ang mamumuno sa iba't ibang mga kaharian. Naitalaga ni Zeus sa kanyang kapatid na lalaking si Poseidon (o Neptuno sa Romano) ang karagatan. Sa isa pa niyang kapatid na lalaking si Hades (o Pluto sa Romano) napunta ang daigdig sa ilalim ng lupa o daigdig ng mga patay. Nang maging Hari ng mga Diyos si Zeus, pinagharian niya ang lahat ng iba pang mga diyos at mga tao mula sa kanyang palasyong nasa itaas ng Bundok ng Olimpo, at nauupo sa isang ginintuang tronong may palamuting mga batong hiyas. Mayroon

ding nakapatong na isang koronang yari sa dahon ng mga laurel sa ibabaw ng kanyang ulo. Natatanging mensahero niya angagila. Tinagurian din siyang Diyos ng Katarungan at Diyos ng mga Panunumpa (o mga Pangako) at Hospitalidad. Wala nang iba pang mas higit na makapangyarihan kay Zeus, maliban na lamang sa Mga Kapalaran. Walang magagawa si Zeus kapag pinagpasyahang kuhanin ng Mga Kapalaran ang buhay ng isang tao, gayundin kung nakapili na ang mga ito kung sino ang magwawagi sa isang digmaan.

Hermes
Batay sa mitolohiya, si Hermes ang itinalaga at sinugo ni Zeus upang maibalik si Persephone mula sa kaharian ni Hades na nasa Mundong Ilalim. Iniutos ito sa kanya ni Zeus dahil nakapagdurulot na ng kapinsalaan ang pagdaralamhati ni Demeter ina ni Persophene. Naging tag-lamig na may yelo o niyebe ang kalungkutan ni Demeter dahil sa pagkawala ng anak na babae. Bagaman napapayag ni Hermes si Hades na pakawalan ang kanyang reynang si Persephone, anim na buwan lamang nakadaralaw si Persephone sa mundo, dahil nakakain na siya ng ilang buto ng mga pomegranatanginialok sa kanya dati ni Hades. Kapag kinain ng isang nilalang ang lahat ng buto ng mga pomegranatang alok ni Hades ang isang nilalang, kalimitang hindi na ito makakaalis mula sa madilim na kaharian ni Hades. Dahil sa kasunduang ito, nakangingiti ang ina ni Persephoneng si Demeter sa mundo tuwing tagsibol at tag-init o tag-araw, dahil anim na buwan niyang nakakapiling ang anak na babae. Subalit malulungkot na naman sa loob ng anim na buwan na dapat manatili si Persephone sa piling ni Hades, kaya't mayroong panahong taglagas na sinusundan ng tag-lamig na may yelo.

Achilles
Si Achilles, ay isang Griyegong bayani ng Digmaang Trohano, at pangunahing tauhang mandirigma sa Iliada niHomero. Siya ang lalaking anak ni Peleus at ng nereid na si Thetis. Mayroon siyang anak na lalaki mula sa pakikipag-ugnayan niya kay Deidamea, na nagngangalang Neoptolemus. Isa sa mga katangian ni Achilles ang

pagiging pinakakakabigha-bighaning sa mga lalaking bayaning tinipon laban s Troya, at siya ring pinakamagiting at pinakamagaling. Noong sanggol pa lamang si Achilles, nalalaman na ng kanyang ina na isa siya sa mga mandirigmang ipadadala sa Digmaan ng Troya. Nababatid niyang mamamatay ito sa labanang iyon. Ninais ng ina niya na mapunta si Achilles sa digmaan. Kaya't isinawsaw siya ng kanyang ina sa Ilog ng Styx upang mapananggalang ang katawan ni Achilles mula sa lahat ng anumang pagkasugat. Tinanganan siya ng kanyang ina sa isang sakong, kaya't tanging ang ibang mga bahagi lamang ng kanyang katawan ang nababad sa tubig ng Ilog ng Styx. Tanging isang sakong lamang ni Achilles ang walang pruteksyon laban sa mga sandata. Sa kabila ng ginawang ito ng kanyang ina, nagpasiya pa rin si Achilles, noong malaki na siya, na makilahok sa digmaan sa Troya. Sa huli, napatay siya nang tamaan ng palaso ni Paris ang sakong ni Achilles.

Artemis
Si Artemis ay isang diyosa ng pangangaso at ng mga maiilap at mababangis na mga hayop samitolohiyang Griyego. Kapatid at kakambal siyang babae ni Apollo. Kilala siya sa pangalang Dianasa mitolohiyang Romano. Dahil sa pagkakaugnay ni Apollo sa araw, kalimitang itinuturing o ikinakabit si Artemis sa "buwan" at bilang ang diyosa ng buwan na pinangalanang Selene o Selenasa Griyego o Luna sa Romano. Sa mitolohiyang Etruskano, binabaybay ang pangalan niya bilang Artumes. Batay sa mga paglalarawan sa kaniya, mayroon siyang hawak na balingkinitang pana na binabalahan ng ginintuang mga palaso. Dahil nga diyosa siya ng paninila, mabilis ngunit may kayumian siya sa pagkilos. Mahal niya ang mga kagubatan. Paborito niya ang usa at nagbibigay din ng pagkalinga sa iba pang mga mababangis at maiilap na mga hayop. Siya rin ang tinaguriang dalagang diyosang nagsasanggalang o nagbibigay ng pruteksiyon sa mga kabataan ng mundo.

Hera
Si Hera ay ang kapatid na babae at asawa ni Zeus, ayon sa mitolohiyang Griyego. Siya ang Reyna ng mga diyos, at tinaguriang diyosa ng kasal o pakikipag-isang-dibdib. Madalas na ikagalit at ipagselos ni Hera ang palagiang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ni Zeus sa ibang kababaihang mga diyosa at tao, na nagkakaroon ng mga supling dahil kay Zeus. Inalalayan niya ang mgaGriyego sa kanilang pakikipagdigma laban sa mga Troyano. Tinatangkilik niya ang mga lungsod ngMisenea, Isparta, at Argos. Tinatawag siyang Juno o Huno sa mitolohiyang Romano. Samitolohiyang Etruskano, siya si Uni. Nangangahulugang ang katawagang Hera para sa kaniya ng "luningning ng kalangitan" o "dilag" Bukod sa mga lungsod, may paborito rin siyang mga hayop: ang paboreal at ang baka. Bilang Reyna ng mga diyos, katangian niya ang kagandahan at pagiging mapagmalaki. Nagsusuot siya ng ginintuang mga sandalyas, at may ginintuang trono.

You might also like