You are on page 1of 8

C, , Q at X

Mahigit sampung taon na ang nakakaraan nang gawing 28 mula sa dating 31 nung 1976 ang bilang ng letra sa alpabetong Filipino (Pilipino mula 1959-1973, Wikang Pambansa mula 1937-1959). Taong 1937 nung piliin bilang basehan ng pambansang wika ang Tagalog sa tawag na Wikang Pambansa na may 20 letra. Taong 2001 nung kaunaunahang opisyal na nagamit sa mga salitang na isina-Filipino ang apat sa walong natirang banyagang letra (c, f, j, , q, v, x at z) sa makabagong alpabeto. Ang mga "letra" o degraph na ch, ll at rr ang tatlo pang banyagang letra sa alpabeto bago ang 1976.Sa mga panahong nauso ang mga salitang Filipino na may banyagang letra tulad "jolog", "japorms" at "fafa" hanggang sa kasalukuyan, limitado lang ang paggamit ng mga ito sa scientific at technical terms at mga katutubong wikang Pilipino na may mga letrang c, f, j, , q, v, x at z tulad ng "ifun", "masjid", "vinta" at "azan". Taong 2007 nang ipinatigil ang paggamit sa apat na ponetikong letra sa alpabetong Filipino. Sa madaling salita, simula 1976 hanggang 2008 (maliban nung 2001 hanggang 2007 para sa mga ponetikong letrang f, j, v at z), nananatiling dekorasyon sa alpabeto ang walong letra nito.May sariling ortograpiya ang Filipino para maisulat ang pasalitang wika. Pero may mga pagkakataon na hindi mailipat sa pasulat mula sa pasalitang porma ang pambansang wika kahit pa meron itong sariling sistema ng pagsulat. Kaya, imbes na isulat ayon sa natural na pagsasalita, iniiba ito para maisulat-- halimbawa, ang pag-rearrange ng mga salita o pag-violate sa tuntunin. Natural sa Filipino, kahit hindi ito standard o nire-recognize ng Komisyon sa Wikang Filipino ang hindi pagsunod sa sistema ng pagsulat nito: paggamit ng linker na "na" sa halip ng "ng" (hal. "activity[ng] ito" nagiging "activity [na] ito" o "itong activity") 2. pagiging di-ponetiko o hindi isinusunod sa bigkas ang ispeling sa pagbubuo ng bagong salita (hal. chibog, charing, deadma), 3. paggamit ng affix na "ni-" o "ni" (hal. ni-save/ni save, ni-record/ni record, ni-confirm/ni confirm), 4. paglagay ng affix sa banyagang salita na hiniram ng buo (hal. hinayjack, shinoot, ticketan, careerin, vinalidate, shumare), 5. hindi paggamit ng gitling para ihiwalay ang banyagang salita (hal. nagkoconnect, magrecycle, ipaparesearch), 6. paggitling para malagyan ng affix ang banyagang salita na hiniram ng buo (hal. in-announce, in-edit, picture-an), 7. bahagyang lang na pagsasa-Filipino o pagpapanatili ng ispeling ng isang bahagi ng salita (hal. kinoach, nagsusuicide), 8. pagbawas ng isang bahagi ng banyagang salita at paglagay ng affix (hal. pipicturan), 9. pagkabit ng linker na "ng" sa banyagang salitang hiniram ng buo at nagtatapos sa katinig (hal. batteryng [binili], healthyng [bata]), 10. atbp. 1. Mismong ang paggamit ng mga salitang banyaga nang hindi isinasa-Filipino ay hindi pagsunod sa gabay na prinsipyo.Ang pag-relax sa tuntunin sa paggamit ng ortograpiyang Filipino lalo na sa tiyak na gamit ng walong letra na ginagabayan ng prinsipyong "kung anong bigkas iyon ang ispeling at kung ano ang ispeling iyon din ang basa" ang isang paraan para maging functional ang mga letrang c, f, j, , q, v, x at z (kahit pwede nang gamitin ang apat dito-- f, j, v at z -- dahil isang tunong lang ang nirerepresent ng mga ito). Sa pamamagitan nito, mas makikita ang kaibahan ng Filipino sa Tagalog at mas madedevelop pa ito. Magagamit na ang mga letrang f, j, v at z pero hindi ang c, , q at x sa kasalukuyang sistema ng pagsulat sa Filipino. Paano mapare-relax ang tuntunin sa paggamit ng mga letrang ikinokonsider na redundant dahil nagrerepresent ng sobra sa isang tunog na salungat sa pagiging ponetiko ng Filipino? Sa mga letrang c, f, j, , q, v, x at z, tanging ang f, j, at v lang ang nagrerepresent ng iisang tunong. Nirerepresent ng letrang c ang mga tunog na /s/ at /k/, letrang ang /ny/, letrang q ang /kw/ at /k/, letrang x ng /ks/ at /z/, at letrang z ang /z/ at /s/. Sa mga banyagang salitang nagsisimula sa letrang C, tunog /s/ ang letrang ito kapag sinusundan ito ng mga letrang consonant at mga vowel na e at i samantalang nagiging /k/ naman ito kapag sinusundan ng mga vowel na a, o at u.

Maaaring gamitin ang letrang c sa pagsasa-Filipino ng mga banyagang salita kapag sisusundan ng vowel na e at i. Samantala, gagamitin ang letrang k para irepresent ang tunong /k/ ng letrang c sa unahan, loob o hulihan ng salita. y y y y y y y y y y English - 2007 Filipino - CQX cellular - selyular - celyular ceremonial - seremonyal - ceremonyal circus - sirkus - cirkus canvass - kanbas - kanvas confirm - konpirm - konfirm cooperative - kooperatib - kooperativ cultivate - kutibeyt - kultiveyt gimmick - gimik - gimik picnic - piknik - piknik

Sa mga banyagang salitang nagsisimula sa letrang Q (na sinusundan ng u), tunog /kw/ ang letrang ito kapag sinusundan ito ng mga vowel. Kalimitang tunog /k/ ito kapag nasa huling parte ng salita (na sinusundan ng u) at sinusundan letrang e. Maaaring gamitin ang letrang q (na sinusundan ng u) sa pagsasa-Filipino ng mga banyagang salitang nagsisimula sa q (at u). Samantala, gagamitin ang letrang k para irepresent ang tunong /k/ ng letrang q sa loob ng salita. y y y y y y y English - 2007 Filipino - CQX quality - kwaliti - qualiti quiz - kwis - quiz quorum - korum - quorum quota - kota - quota squatter - iskwater - iskwater technique - teknik - teknik

Walang banyangang salitang nagsisimula sa letrang . Samantala, bagamat may mga banyagang salitang ng sisimula sa letrang X, /z/ ang tunog nito. Maaaring gamitin ang letrang x (at ang kasunod na letra o mga letra sa unang syllable) sa pagsasa-Filipino ng mga banyagang salitang nagsisimula sa x at sa mga salitang gumagamit ng letrang ito. y y y y y English - 2007 Filipino - CQX xylophone - saylopon - xaylofon~xaylofown exam - eksam - exam maximum - maksimum - maximum tax - taks - tax

Hindi dapat gamitin sa mga salitang Kastila ang walong letra dahil may paraan na para sa pagsasa-Filipino ng mga ito. Kaya, hindi magagamit ang letrang sa pagsasa-Filipino ng mga banyaga dahil Kastila lang ang gumagamit ng letrang ito. Gagamitin ng buo at walang pagbabago ang mga salita mula sa mga katutubong wikang Pilipino na may mga letrang c, f, j, , q, v, x at z. Masasabing semi-ponetiko ang mga salitang celyular, ceremonyal, cirkus, qualiti at xaylofon~xaylofown tulad sa mga salitang chibog, charing at deadma. Gayun din ang mga salitang nilagyan ng affix sa paraang di-standard o hindi kinikilala ng KWF at nagva-violate sa tuntunin sa ispeling (hinayjack, shinoot, ticketan, careerin, vinalidate, shumare; nagkoconnect, magrecycle, ipaparesearch; kinoach, nagsusuicide; pipicturan; batteryng [binili], healthyng [bata]). Sa pamamagitan ng pagre-relax sa tuntunin sa paggamit ng ortograpiyang Filipino, maililipat sa pasulat na porma ayon sa kung paano ito sinasalita ng mga Filipino ang wikang pambansa, o maisusulat sa paraan ng mga "taal" sa Filipino.

Dahil may access sa English (banyagang wikang kalimitang pinanggagalingan ng mga salita sa Filipino) ang nasa Metro Manila at urban centers ng bansa (lugar kung saan ginagamit ang Filipino bilang lingua franca) , hindi magiging hindrance sa pagbasa o pagkilala ng mga salita ang mga letrang c, f, j, , q, v, x at z, kundi, magsisilbi pa itong palatandaan para sa mga salitang banyagang hiniram ng buo at nilagyan ng affix, o mga salitang isina-Filipino, mga salitang mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas na gumagamit ng mga letrang ito, at mga bagong salitang Filipino na nabuo gamit ang makabagong alpabeto. Palatandaan naman ng mga salitang mula sa katutubong wikang c, f, j, , q, v, x at z sa kanilang alpabeto, at ng mga salitang mula sa Kastila ang di-pagkakaroon ng mga letra ito.

Unang Bahagi Ang Kaligiran sa Pagbalangkas Ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit Ng Walong Dagdag na Letra Ano itong 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra?
tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letraC, F, J, , Q, V, X, Zna nakapaloob sa 1987 Alpabeto Ang 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ay revisyon ng at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na binuo ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Ang ibang mga tuntunin sa ispeling sa Patnubay ay hindi binago nang ganap. Lubhang nagging masalimuot ang pagpasok ng walong dagdag na letra sa alfabeto ng Wikang Filipino. Kaya masusi itong pinag-aralan at pinagtuonan sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Tuntunin sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Bakit kailangang baguhin ang tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra sa 1987 Patnubay sa Ispeling?
Kinikilalang ang mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra sa 1987 Patnubay sa Ispeling ay napakahigpit para tumugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipinong may kakayahan kapwa sa katutubo at banyagang wika, at palit-palit na gumagamit ng mga wikang ito.

Bakit sinasabing mahigpit ang tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra sa 1987 Patnubay sa Ispeling?
Sa 1987 Patnubay sa Ispeling, ang paggamit ng walong dagdag na letra sa mga salita at ekspresyong hinihiram ay nababatay lamang sa mga sumusunod na kondisyon: Pantanging ngalan Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas, na kapag binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito

Salitang pang-agham at teknikal Simbolong pang-agham Mapapansing nililimita ng mga kondisyong nabanggit ang paggamit na walong dagdag na letra sa mga salitang bahagi ng formal o teknikal na varayti o ang tinatawag na karaniwang salita, binabaybay ang mga salitang ito gamit ang 20-letrang abakada.

Ano ang hindi naisasaalang-alang ng paghihigpit na ito sa 1987 Patnubay sa Ispeling tungkol sa linggwistikong karanasan ng mga Pilipino?
sa Ingles. Ang mga Pilipino ay naglilipat-wika at malawakang nanghihiram anuman Isang linggwistikong realidad ang malawakang panghihiram nga salita, lalo ang antas ng formalidad sa paggamit ng wika, pasalita man o pasulat.

Ano ang naging resulta ng kahigpitang ito ng 1987 Patnubay sa Ispeling?


May mga sumunod at hindi sumunod sa 1987 Patnubay sa Ispeling. Ibinunga ng ganitong sitwasyon ang paglitaw ng ibat ibang sistema ng ispeling na binuo ng mga institusyong pang-akademya at pampublikasyon. Sa madaking salita, walang umiiral ngayong isang istandardisadong sistema ng ispeling.

Ikalawang Bahagi Pagpapakilala sa 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra Sa pangkalahatan, ano ang layunin ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra?
Layunin ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra na makabuo ng mga tuntunin sa ispeling na gagabay sa panghihiram ng mga salita sa pagsasalin ng pasalitang wika tungo sa nakasulat na anyo. Ang proyektong ito, kung gayon, ay magaambag sa istandardisasyon at elaborasyon ng pambansang wika.

Ano ang batayan sa pagbalangkas ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra?
Apat na mahalagang salik ang naging batayan: linggwistiko, sosyo-politiko, sikolohiko, at pedagohiko upang matamo ang mga prinsipyo ng simplisidad, ekonomiya at fleksibilidad. Isinaalang-alang din ang pedagohikong salik para maisulong ang literasi sa bansa. Ang mga desisyon ay produkto ng mga pagkonsulta at pagbuo ng konsensus.

Anong pangunahing linggwistikong prinsipyo ang isinaalang-alang sa pagbabalangkas ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra?
Upang matamo ang isang efisyenteng sistema ng tuntunin sa ispeling, may dalawang mahalagang batayan: simplisidad at ekonomiya, at fleksibilidad. Tinutukoy ng simplisidad at ekonomiya ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra. Katangian na ito ng umiiral na sistema ng fonemik na ispeling sa Filipino. Hindi dapat masira ang katangiang ito. Tinutukoy naman ng fleksibilidad ang kakayahan ng wika na tumanggap ng mga linggwistikong pagbabago bunga ng kontak ng mga wika. Palalakasin ang katangiang ito sa bagong tuntunin dahil pinaluluwag ang pagpasok ng mga elemento mula sa ibang wika nang hindi isinasakripisyo ang simplisidad ng sistema ng ispeling.

Paano binalangkas ang 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra?
Hakbang-hakbang, konsultativ, at konsensuwal na binuo ang mga tuntunin sa loob ng halos dalawang taon, mula kalahatian ng taong 1999 hanggang Agosto 2001.

Ikatlong Bahagi Ang 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ng Alfabetong Filipino Ano ang ginawang pagbabago sa tuntunin sa gamit ng walong dagdag na letra?
Pinaluluwag ang paggamit ng walong dagdag na letra. Ibig sabihin, ipinagagamit na rin ang mga ito sa ispeling ng lahat na hiram na salita anuman ang varayti nito kasama ang hindi formal at hindi teknikal na varayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita.

Ano ang mangyayari sa mga hiram na salita na dati nang binago ang ispeling o umangkop na sa orihinal na sistema ng ispeling sa Filipino?
Ang mga hiram na salita na naglalaman ng alinman sa walong karagdagang letra na nabago ang ispeling ayon sa umiiral na sistema ng pagsulat sa Filipino at umangkop na sa wika ay mananatili. Ituturing ang mga ito na mga salitang may ibang baybay or lehitimong mga varyant ng ispeling.

Ang katutubong sistema ng pagsulat ay sumusunod sa prinsipyong kung ano ang bigkas, siyang baybay. Hindi kaya sirain ng pagpapagamit ng walong dagdag na letra sa pagbaybay ng karaniwang salita ang fonemik na katangian at kalakasan ng ating sistema ng pagsulat?
Hindi. Dahil ang mga letrang may katumbas na tunog o may fonemik na istatus lamang ang gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram, mananatili ang fonemik na katangian ng ating sistema ng pagsulat. Mahahati sa dalawang grupo ang walong dagdag na letra: ang mga letrang F, J, V at Z na may tiyak na fonemik na istatus, at ang mga letrang C, , Q at X na itinuturing na redandant. Ang mga letrang F, J, V at Z lamang ang gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispeling sa Filipino. Ang apat na nabanggit na letra ay may tiyak na fonemik na istatus sa palatunugang Ingles. Ibig sabihin, may iisang kinakatawang tunog ang mga letrang ito.

Bakit itinuturing na redandant at hindi ipinagagamit ang natitirang apat na letraC, , Q, Xsa pagbaybay ng mga hiram na salitang itinuturing na karaniwan? Ano ang kaibahan nito sa mga letrang F, J, V, at Z?
Ang mga letrang C, , Q, X ay itinuturing na redandant. Ibig sabihin, hindi kumakatawan ang mga ito sa iisa at tiyak na yunit ng tunog sa palatunugang Ingles, kundi nakakatunog ng isa pang letra o sunuran ng mga letra. Ang letrang C ay nakakatulad ng letrang S sa pagkatawan nito so fonemang /s/ at nakakatulad ng letrang K sa pagkatawan ng fonemang /k/ depende sa mga tunog na nakapaligid dito. Halimbawa: central sentral; cabinet kabinet. Ang Kastilang letrang ay hindi kumakatawan sa isang tunog, kundi sa sunuran ng mga tunog na /ny/. Halimbawa: bao banyo. Ang letrang Q ay kumakatawan naman sa tunog /k/ o sunuran ng mga tunog /kw/. Halimbawa: queso keso; quintuplet kwintuplet. Panghuli, ang letrang X ay kumakatawan sa sunuran ng mga tunog /ks/. Halimbawa: extra ekstra. Nilalabag ng mga letrang ito ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra. Kung gayon, ang paggamit ng mga letrang ito sa pagbaybay ng mga hiram na karaniwang salita ay makasisira sa prinsipyo ng simplisidad at ekonomiya ng isang efisyenteng sistema ng pagsulat.

Kung gayon, kailan na lamang gagamitin ang mga letrang C, , Q, X?

Gagamitin ang mga letrang C, , Q, X kapag ang hiram na salitang naglalaman ng letra ay binabaybay nang buo ayon sa orihinal nitong anyo Ang salita ay hinihiram sa orihinal nitong anyo alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon: Ang salita ay isang pangngalang pantangipangalan ng tao, lugar, pangyayari, o bagay; Ang salita ay teknikal o siyentifiko; Ang salita ay may natatanging kahulugang kultural; Ang salita ay may iregular na ispeling, ibig sabihin, gumagamit ng dalawa o higit pang letrang hindi binibigkas. Halimbawa: bouquet; Ang salita ay may internasyonal na anyong nakikilala at ginagamit. Halimbawa: taxi

Sa pangkalahatan, nasusunod ba ng mga tuntunin sa gamit ng walong dagdag na letra ang mga prinsipyo sa pagtatamo ng isang efisyenteng sistema ng ispeling?
Oo, nasusunod ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ang mga prinsipyo ng simplisidad at ekonomiya, at fleksibilidad. Hindi nasisira ng mga tuntunin ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra na katangian ng umiiral na sistema ng fonemik na ispeling sa Filipino. Ang mga letrang F, J, V, Z lamang na may tiyak na fonemik na istatus ang gagamitin sa ispeling ng mga karaniwang salitang hiram. Napalalakas din ng mga tuntunin ang fleksibilidad ng ispeling, o ang kakayahan ng wika na tumanggap ng mga linggwitikong pagbabago bunga ng kontak ng mga wika dahil pinaluluwag nito ang pagpasok ng mga elemento mula sa ibang wika, formal o teknikal na varayti man ito, o karaniwang salita.

Ikaapat ng Bahagi Ang Hinaharap ng Wikang Filipino Sa 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Paggamit Ng Walong Dagdag na Letra
Ano-ano ang inaasahang resulta ng paggamit ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra? Ang nagkakaisa at malawakang paggamit ng 2001 Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong Dagdag na Letra ay inaasahang magreresulta sa mga sumusunod: Istandardisasyon ng Wikang Filipino Sa paglilipat ng oral o pasalitang wika tungo sa anyong pasulat, natatamo ang uniformidad o kodifikasyon ng wika. Napaliliit ang dami ng pagkakaiba-iba o paglihis sa tuntuning pangwika. Sa gayon, nalilinang ang norm o pamantayan ng ibat ibang

komponent kaya napatatatag ang pagbigkas, vokabularyo, at istruktura ng wika. Sa huling bahagi ng pag-unlad ng wika, maaaring makadevelop ng mga bagong anyo ng diskors at varayti tulad ng formal, akademiko, o teknikal na varayti. Modernisasyon at leksikal na elaborasyon ng Wikang Filipino Mapabibilis ang modernisasyon ng pambansang wika, at kasabay nito, ang modernisasyon ng ating kultura at buhay. Sa pagbubukas ng Filipino sa ibang wika (pagsunod sa prinsipyo ng simplisidad at ekonomiya, lalawak ang bilang ng mga salitang Filipino. Sa gayong, mapadadali ang pagsasalin sa wikang Filipino at pagsasalin ng wikang ito sa iba pang ganap nang develop na wika sa mundo. Pangmadlang literasi Ang pagbasa ay nagiging natural at awtomatiko sapagkat malinaw ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa alfabeto ng wikang Filipino. Gayundin, magagamit ang internasyonal na pagkakilala ng mga salita para sa higit na mataas na level ng pagbabasa tulad ng iskiming at iskaning. Lalo pang uunlad ang pangmadlang literasi dahil napadadali ang pagkatutong bumasa at sumulat.

Ano ang kahulugan ng panandang kohesyong leksikal?


dalawang salita o parirala na magkasing kahulugan at matatagpuan sa isang pangungusap