You are on page 1of 2

Megapixel Moments

HomeNotesBlogPhotosVideoMusicReviewsMarketLinks Oct 8, '06 12:57 PM for everyone Lang Silang Maging Bata

Minsan Lang Silang Maging Bata Isang pagmumuni-muni ni Jeff Ng sa palabas na : Minsan

Maraming nagsasabing tayo raw ang gumagawa ng sarili nating mga palad. Nasa ating mga kamay daw ang ikabubuti o ikasisira ng ating kinabukasan, kung kaya naman dapat daw itong pagkaingatan. Ngunit sa mga pagkakataong nakakakita ako ng mga bata sa lansangan na naglilimos, hindi ko maiwasang mapatanong sa aking sarili kung pawang katotohanan nga ba ang kasabihang ito o kathang-isip lamang ng mga taong nakararanas ng kaginhawaan sa buhay. Sa murang edad ay naranasan ko na ang makisalamuha sa mga kapuspalad nating mga kababayan; bansot pa lamang akoy akay-akay na ako ng aking ama sa ipinatatayo niyang mga kabahayan malapit sa mga iskwater. Tila bagang pilit akong inilalayo ng aking mga paa sa mga mababahong eskenita na nilalakaran ng mga trabahador. Hindi ko mawari kung bakit nga ba kahit saang lupalop ka ng Pilipinas mapuntay laging nag-iiba ang simoy ng hangin pagdating sa mga iskwaters area kahit pare-pareho naman tayong kumakain, kumikilos, at dumu-dumi. Magaral man siguro akot magpaka-dalubhasa sa kolehiyoy malayong matuntun ko ang mga kasagutan. Madalas kong inihahambing ang buhay ng mga iskwater sa sarili kong buhay. Inilalagay ko ang aking sarili sa kanilang mga paat pilit inuunawaan kung paano nga ba mabuhay sa walang kasiguraduhan nilang mundo. Paano kaya nila nagagawang kumain at matulog nang hindi alam kung saan nila kukunin ang kanilang pananghalian o hapunan sa susunod na araw? Manlilimos ba sila? Mangungutang? Paano kung maubusan na sila ng mauutangan? Pagnanakaw nalang ba ang solusyon sa kanilang mga problema? Sa kabilang banda, hindi mo rin naman sila masisisi dahil minalas silang hindi nakapag-aral. Ganito nalang lagi ang mga naririnig ko o napapanood sa TV; paikot-ikot lamang at halos walang patutunguhan ang kanilang mga buhay. Naiisip ko tuloy na kung ipinanganak kang iskwater, malamang sa iskwater narin ipanganganak ang mga anak mot apo. Hindi ko tuloy malaman kung maawa ba ako o maiinis sa mga magnanakaw, kidnapper, at hoodlum na nababalitaan ko. Sila nga ba ang tunay na nambibiktima, o biktima rin ba sila ng tadhanang sadya nga yatang mapagbiro. Wala nanga yatang pag-asang natitira para sa mga katulad nila; sa dami ng naghihirap na tao dito sa mundo, pihadong mauubos din ang mga may mabubuting kalooban. Ipagpapalit nga naman ba nila ang kumakalang na sikmura ng mga kamag-anak nilat mahal sa buhay para sa dangal na hindi naman sila maisasalba? Tungkol sa Palabas:

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga titig ni Delena. Sa murang edad pa lamang ay napakabigat na ng kalbaryong kanyang pasan-pasan. Nakalulungkot isipin na hindi lamang siya nag-iisa at marami pang mga katulad niyang ninakawan ng kanilang pagkabata. Imbis na nagaaral ay matatagpuan sila sa mga palengket bukid, hirap sa mga gawaing hindi naman nila dapat ginagawa sa ganoong edad. Napanood ko rin ang salaysay ni Tikboy, ang batang hindi na halos iniinda ang panganib ng kanyang trabaho sa katayan. Alam kaya nilang hindi na nila mababalikan kelan man ang pagkabata nila? Handa ba silang harapin ang mundong siguradong hindi magiging maamo sa mga katulad nila? Nakangiti man sila sa pakikipanayam sa kanila, hindi mo maikakailang kitang-kita ang pagod sa mga nangungusap nilang mga mata. Hindi ka siguro tao kung hindi ka maaawa sa kanila, lalo na kay Delena na payag na sanang makapag-aral man lang kahit tatlong araw sa isang linggo. Sa halip na librot lapis, mga machete at bolo ang tangan-tangan niya sa pangaraw-araw na gawain. Bata palang ay tila pagod na pagod at wala nang saysay ang buhay ng mga katulad niyang sapilitang nagtatrabaho. Kung ako kaya ang nasa kalagayan nila, aasa pa kaya akong mabahiran ng kahit kakirampot na liwanag ang nandidilim ko nang buhay? Magkakaroon pa kaya ako ng rason upang salubungin ang bawat pagsikat ng araw? Kinakailangan pa bang magnakaw akot makapatay upang malaman lang ng lipunan na nagawa ko ito dahil sa hirap? Dumating man ang panahon na tuluyan nangang makalimot at mapariwara ang buhay ng mga batang ito, hindi sila ang dapat usigin. Sa halip, tayo na patuloy sa pagwawalang-kibo ang higit na dapat sisihin dahil bawat isa sa atin ay siguradong nabigyan ng pagkakataon upang maibsan man lamang ng konti ang paghihirap na dinaranas nila. Sa bawat bente-singkong duling at baryang pang yosi na naipambili sana ng panghapunan nila, dapat nating itanong sa ating sarili kung alin ba ang mas mahalaga: ang sandali nating pagtitiis sa mga bagay na panandalian lamang ang dulot na kasiyahan, o ang mamatay sila sa gutom dahil sa pagwawalam-bahala natin? <> Nakalulungkot isipin na kinailangan pang matutunan ko ang mga mahahalagang aral sa buhay habang pinapanood ang nakakaawang estado sa buhay ng mga batang ito. Paano na lamang kung nag-absent ako noong araw na iyon? Magigising parin kaya ako sa katotohan? Sa palagay koy matagal na akong mulat sa mga bagay na ganito, pinili ko lamang na magbulag-bulagan at makontento na lamang sa panonood habang patuloy na lumalala ang sitwasyon ng kahirapan sa bansa. Panahon nanga siguro upang maging bahagi ako ng isang bagong simula; isang pagbabagong magbibigay ng dahilan upang salubungin muli ng mga katulad ni Delena ang pagsikat ng araw sa umaga. Panahon na upang hindi na nila masabi sa kanilang sarili na, hanggang dito na lamang ako.