You are on page 1of 4

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (Obra ni Aureus Solito)

A. Pamagat: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros B. Mga Tauhan: C. Buod Ang pelikula ay tungkol sa isang labing-dalawang gulang na bading na nagngangalang Maximo Maxi Oliveros. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang ina ay pumanaw na dahil sa sakit na hindi nakayanang maipagamot ng kanilang pamilya, kayat ang tatay niyay naging kriminal upang makakuha ng mas malaking pera. Isang gabi, pinagtripan si Maxi ng mga adik sa kanilang lugar, at siyay sinagip ng bagong destining pulis na nagngangalang Victor. Dahil dito, ay nagkaroon ng pagtingin si Maxi sa nasabing pulis. Naging magkaibigan sila at naging malapit. Isang gabi, aksidenteng nakapatay ang kapatid ni Maxi na si Boy kayat pinaghahanap ng pulis ang suspek. Upang mapalayo sa pahamak, pinayuhan ng ama ni Maxi na wag na siyang lumapit sa nasabing pulis. Hindi tumigil si Maxi hanggang sa isang araw ay tinanong siya ni Victor tungkol sa krimen. Hindi siya nagsalita, at nang nakarating ang balita sa ama ni Maxi, pinabugbog niya sa Victor upang takutin at hindi na ituloy ang paghahahanap sa suspek. Inalagaan ni Maxi si Victor habang siyay nanghina sa pagkakabugbog. Kasabay nito ang pagpalit ng sergeant sa police station. Dahil sa bagong sergeant na hindi na nagpapasuhol sa mga kriminal, dinakip si Bogs para sa imbestigasyon. Dahil dito, nilayuan ni Maxi si Victor. Isang gabi, nakipagkita ng palihim si Pac okay Victor, ngunit kasama pala ng pulis ang bagong sergeant na kakilala nang matagal ng ama ni Maxi. Binaril si Paco, at saktong dumating si Maxi. Simula noon, namuhay ng normal ang pamilyang Oliveros, at tuluyan ng kinalimutan ni Maxi si Victor. Maximo Oliveros - siya ay labing-dalawang gulang na bading na nanggaling sa pamilya ng mga kriminal na nagmahal ng isang pulis Victor - siya ang bagong pulis na nadestino sa lugar nila Maxi na dedikado sa kanyang trabahong hulihin ang masasamang loob Paco Oliveros - siya ang ama ni Maxi na utak ng mga kriminal sa kanilang lugar Kuya Boy - ang panganay na kapatid ni Maxi na aksidenteng nakapatay ng estudyante habang nanghoholdap Kuya Bogs - ang isa pang kuya ni Maxi na malapit sa kanya

D. Paksa Panlipunan:

Pinakita sa pelikula ang pag-alipusta sa mga homosexual, ang pagsisiga-sigaan ng mga kriminal na nanunuhol sa mga pulis, at ang magulong buhay ng mga kriminal. Pangkabataan:

Pinakita dito ang pagganap ng pag-ibig bilang isang malaking impluwensya sa ating mga kabataan. Dahil dito, maipapaliwanag kung bakit maraming porsyento sa mga kabataan ang naghahanap agad ng kanilang mga kasintahan. Pampamahalaan:

Isang paraan ng korapsyon ang panunuhol na ginagawa ng mga sigang kriminal sa mga pulis. Bukod sa kinukunsinti nito ang mga kriminal sa kanilang kasamaan, ay parang tinatalikuran na din nila ang sinumpaang tungkulin sa bayan. Pampamilya:

Pinakita dito ang kahalagahan ng pamilya sa pamamagitan ng pagpili ni Maxi sa kanyang pamilya bago ang kanyang pagtingin kay Victor. E. Pagpuna sa Tauhan Naging paborito kong tauhan si Maxi sapagkat naipakita nito ang tunay na buhay ng isang bading - na hindi puro pagpapaganda lang ang alam, kundi nagbibigay ng pangarap at inspirasyon para sa kanyang sarili at pamilya. Si Victor naman ang larawan ng isang tapat na mamamayan sa gobyerno sa pagtanggi sa mga suhol. Naging puna ko lamang ay ang paggamit niya sa damdamin ni Maxi para sa kanyang pangsariling kapakanan. F. Pagpuna sa Iskrip Kung ang pag-uusapan ay teknikal na iskrip, masasabi kong maganda ang pagkakagawa sa pelikula. Mahusay na ipinakita ang mga pang-araw araw na pag-uusap ng mga tao sa paggamit ng mga balbal na salita, lalo ng mga taong hindi nakapag-aral. Ngunit kung pagbabasehan ang teknikal na aspeto ng pagkakagawa sa pelikula, masasabi kong amateur pa lang ang pelikulang ito. G. Suliranin Muli, ang sentrong suliranin ng pelikulang ito ay ang pagpili ni Maxi sa kanyang pag-ibig kay Victor at ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Parehas na may mali at tama ang bawat kampo, kayat nabigyan ng pagkahirap ang pagpili niya dito. Sa huli, pinili niya pa din ang pamilya niya.

H. Pananamit Makatotoohanan ang ipinakita sa pelikulang damit ng mga karakter. Ang mga bading na nagdadamit ng pambabae, ang mga luma at butas-butas na damit ng mga karakter na taga-squatter, at ang pagtahi ni Maxi sa mga damit upang magamit pa ulit. I. Aral na Napulot Ang aral na natutunan ko sa pelikulang ito ay ang paggawa ng sa tingin moy tama. Sa posisyon ni Maxi, hindi ito naging mahirap, ngunit dahil sa tingin niya, iyon ang tama, pinili niya ang kanyang pamilya kahit silay kriminal. Kahit anong gawin mo, may masasabi ang ibang tao, kayat mas mabuti ng gawin mo ang iyong ninanais upang mapaligaya ang sarili mo at hindi ang iyong kapwa.