P. 1
Pagbabago sa Patakaran ng Edukasyon sa Pilipinas: Pagtawid mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon Patungo sa Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon

Pagbabago sa Patakaran ng Edukasyon sa Pilipinas: Pagtawid mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon Patungo sa Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon

|Views: 6,194|Likes:
Published by mbaguilar
Pagbabago sa Patakaran ng Edukasyon sa Pilipinas: Pagtawid mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon Patungo sa Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon
ni Maria Isabel B. Aguilar (Fil 225)

Abstrak Tatalakayin ng papel na ito ang unti-unting pagbabago na nagaganap sa patakaran ng edukasyon sa Pilipinas – mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon (BPE) patungo sa pagiging Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon (MTB-MLE). Bago tumungo sa MTB-MLE ay tatalakayin muna ng papel na ito
Pagbabago sa Patakaran ng Edukasyon sa Pilipinas: Pagtawid mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon Patungo sa Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon
ni Maria Isabel B. Aguilar (Fil 225)

Abstrak Tatalakayin ng papel na ito ang unti-unting pagbabago na nagaganap sa patakaran ng edukasyon sa Pilipinas – mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon (BPE) patungo sa pagiging Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon (MTB-MLE). Bago tumungo sa MTB-MLE ay tatalakayin muna ng papel na ito

More info:

Published by: mbaguilar on Sep 25, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/18/2013

pdf

text

original

Pagbabago sa Patakaran ng Edukasyon sa Pilipinas: Pagtawid mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon Patungo sa Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon

ni Maria Isabel B. Aguilar (Fil 225)

Abstrak Tatalakayin ng papel na ito ang unti-unting pagbabago na nagaganap sa patakaran ng edukasyon sa Pilipinas – mula sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon (BPE) patungo sa pagiging Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon (MTB-MLE). Bago tumungo sa MTB-MLE ay tatalakayin muna ng papel na ito ang BEP – ang kaligiran nito at susuriin ang epekto nito sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Matapos ito ay tatalakayin ang Institusyonalisasyon ng MTB-MLE at titingnan ang mga tunguhin nito para sa ‘pagpapaunlad’ ng bumabagsak na kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ang Bilingual na Patakaran sa Edukasyon (BPE) Taong 1974 nang unang ipatupad ng noon ay Kagawaran ng Edukasyon at Kultura (ngayon ay Kagawaran ng Edukasyon) ang Kautusan ng Kagawarn Blg. 25 (Department Order No. 25) na nagsasaad ng pagkakaroon ng Bilingual na Patakaran sa Edukasyon sa Pilipinas. Ito ay nagtatakda na ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay ang Pilipino (naging Filipino ito kinalaunan noong 1987) at Ingles sa mga primarya at sekundarya na paaralan. Sa patakarang ito, ang mga asignaturang Ingles, Matematika, at Agham ay ituturo sa pamamagitan ng wikang Ingles habang ituturo naman sa pamamagitan ng wikang Pilipino ang mga asignaturang Pilipino, Araling Panlipunan, Musika, Sining, Edukasyong Pantahanan, at Kagandahang Asal. Ayon sa plano ay dapat maipatupad ang patakaran na ito sa akademikong taon 1974–1975 sa mga mag-aaral sa Unang Baitang na nakatira sa mga lugar na nagsasalita ng Tagalog habang dapat naman itong maipatupad sa akademikong taon 1978–1979 (o mas maaga kung posible) sa mga mag-aaral sa Unang Baitang na nakatira sa mga lugar na hindi nagsasalita ng Tagalog. Kaya naman sa akademikong taon 1981–1982 ay dapat nang maipatupad ang pagbabagong ito ukol sa gagamiting midyum sa pagtuturo sa mga paaralang sekundarya. Samantala, wala naman binigay na itiniraryo sa tersyaryo na antas ngunit dapat ay sa pagtatapos ng akademikong taon 1983 – 1984 ay kukuha na ang mga nagsipagtapos ng kolehiyo ng pagsusulit sa Ingles at/o Pilipino upang matasa ang kanilang kakayahan sa mga propesyon na balak nilang tahakin.1
1

Andrew Gonzalez at Bonifacio Sibayan. Evaluating Bilingual Education in the Philippines (Manila: Lingusitic Society of the Philippines, 1988), 1.

1

Kung mapapansin ay wala itong sinasabing mga konkretong mga layunin at sa halip ay nagsasaad lamang ito ng mga ‘dapat na makamit ng BPE’ at ito ay ang mga sumusunod: (1) epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang wika at makamit ang mataas na kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng mga ito. “Language Policies in the Philippines. Ayon sa kautusang ito. 52 ang limang ispesipikong mga dapat na makamit ng BPE.2 Mga Dapat na Makamit ng BPE Sa Kautusan ng Kagawaran Blg.com/doc/7270028/Language-Policies-in-the-Philippines> (sinangguni 19 Marso 2011). Ibig sabihin ay dapat maging mahusay ang mga mamamayan nito sa paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga ito bilang mga asignatura sa paaralan at paggamit sa mga ito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.” Scribd. ang Bilingual na Patakaran sa Edukasyon ay ang magkahiwalay na paggamit ng wikang Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa iba’t ibang ispesipikong mga asignatura. Kultura. nang umagapay na ang BPE sa mga pagbabagong naganap sa Konstitusyon ng 1987 sa inilahad nitong probisyon sa batas ukol sa wika. ang mga wikang panrehiyon naman ay gagamitin bilang wikang pantulong sa pagtuturo lalo na sa mga magaaral na nasa Unang Baitang at Ikalawang Baitang. <http://www. 25 ukol sa Bilingual na Patakaran sa Edukasyon (may titulo ito na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education”). Sa ganitong paraan ay matutugunan ng mga ito ang pangangailangan ng Pilipinas tungo sa pakikipag-ugnayan nito sa iba pang mga bansa sa daigdig.3 Samantala. ay inilatag na sa inilabas na Kautusan ng Kagawaran Blg. 25 pa ay malinaw na nakasaad na ang hangarin ng BPE ay ang maging isang bilingual na bansa ang Pilipinas. 2 . at nang sa gayon ay magampanan ng mga ito nang mabuti ang kanilang mga tungkulin bilang mga mamamayan ng Pilipinas. 2010.Samantala. (2) mapalaganap ang Filipino bilang wika sa pagkatuto sa pagbasa at pagsulat (literacy) ng mga mag-aaral. 25. 3 Ibid. at Isports ang Kautusan ng Kagawaran Blg. na kung saan inihahayag na nito na ang pambansang wika ay ang Filipino at sa mga hindi pambihirang pagkakataon na pinahihintulutan ng batas ay Ingles. Sa pamamagitan ng BPE ay hinahangad ng Pilipinas bilang isang bansa na maging dalubhasa ang mga Pilipino sa wikang Filipino. (3) mapaunlad ang Filipino bilang linggwistikal na simbolo ng pambansang 2 Clemencia Espiritu. nang maitakda ang Filipino sa Konstitusyon ng 1987 bilang pambansang wika ay inihayag na rin ng noon ay Kagawaran ng Edukasyon.scribd. 52 na umagapay sa Kautusan ng Kagawaran Blg. Samantala. Ang pagtatakda sa mga asignaturang ito ay katulad din ng inilahad sa Kautusan ng Kagawaran Blg.

pagkakaisa at pagkakakilanlan. (5) pagpapanatili sa Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilang hindi eksklusibong wika ng Agham at Teknolohiya. Aniya. University of Michigan.75% sa Filipino. at 35. diss. 43. Pinili ni Narvades ang Sorsogon bilang paksa ng kanyang pagaaral dahil isa ito sa mga lugar na kung saan hindi ginagamit ng mga mamamayan nito bilang unang wika ang Ingles at Filipino at dahil ang Sorsogon ay isa sa mga lugar na may pinakamabababag nakukuha na iskor sa NSAT (National Secondary Assessment Test) taun-taon. Pinag-aralan sa disertasyon na ito ang mga piling pampublikong paaaralan sa sekundarya sa Sorsogon. Base rito ay makikita na higit na mababa ang promedyo na nakuha ng mga ito sa Ingles at Agham kumpara sa promedyo na nakuha ng mga ito sa Filipino at Agham Panlipunan. Ang Katuparan/Di-Katuparan ng mga Dapat na Makamit ng BPE Anu-ano nga ba ang mga natupad sa isinasaad na hangarin at mga dapat na makamit ng BPE? Sa kabuuang hangarin ng BPE na isinaad ay makikita na hindi naging epektibo ang BPE upang maging mahusay sa paggamit ng wikang Filipino at Ingles ang mga mag-aaral sa Pilipinas. kung ang wika na ginagamit sa pagtuturo ay 4 5 Ibid.55% na promedyo sa Ingles. Florida Narvades.75% na promedyo sa Agham Panlipunan. malaki ang kinalaman ng wika na ginagamit sa pagtuturo sa napakababang resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa Agham. Nakakuha lamang ang mga ito ng promedyo na 45. (4) malinang ang Filipino bilang wika ng iskolar na diskurso na ang ibig sabihin ay ang pagpapatuloy ng intelektwalisasyon nito at. 2004). Samantala. Dagdag pa niya. 39. D. Makikita sa isa sa mga pinakabagong isinagawang pag-aaral ukol sa BPE na “The Bilingual Education Policy and Students’ Academic Achievement” na isinagawa ni Florida Narvades bilang kanyang disertasyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UPD) noong taong 2004 ang pagiging hindi epektibo ng BPE sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. malaki ang epekto ng BPE kung bakit mababa ang naging resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa NSAT lalo na sa mga asignatura Ingles at Agham. “The Bilingual Education Policy and Students’ Academic Achievement” (Ph. 3 .5 Ayon kay Narvades. kapag ang mga konsepto umano ay itnuro sa Unang Wika ng mga mag-aaral ay mas naiintindihan ng mga ito ang kanilang pinag-aaralan. 1.4 Samakatuwid ay makikita sa inihayag na mga dapat na maging layunin ng BPE na kasabay ng pagpapanatili sa Ingles bilang wikang gagamitin sa pakikipag-ugnayan sa internasyonal na komunidad ay ang pagpapaunlad sa Filipino bilang simbolo ng pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan ng Pilipinas.60% na promedyo sa Agham. Lumabas sa pagaaral ni Narvades na wala pa sa passing rate na 75% ang nakuha na iskor ng mga mag-aaral sa mga asignatura.

Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay lantad ang mga magaaral (lalung-lalo na ang mga hindi Tagalog) sa Filipino katulad ng pagkalantad nila sa unang wika nila kaya hindi nila ganon kagamay ang Filipino. Kapag nasanay na kasi ang utak kung paano tumugon sa isang sitwasyon ay mauuna muna itong tumugon sa paraang sanay na ito. Kung may mga pagkakapareho man ang mga salita sa Filipino sa kanilang mga wika ay nagkakaiba naman ang mga ito sa pagbigkas. sa ikalawa namang ‘layunin’ ay makikita na mahirap maipalaganap ang Filipino bilang wika ng pagkatuto sa pagbasa at pagsulat sa lahat ng bahagi ng bansa dahil hindi naman lahat ng Pilipino ay Filipino ang unang wika. Natalia A. Kahit nga ang tayutay ay nahihirapan silang gawin kahit na nabibigyan naman nila ng tamang pakahulugan ang ‘simuno’ at ‘panaguri’. na mga ‘layunin’ ang mga inilahad kanina na mga bagay na ‘dapat makamit’ ng BPE) na isinaad sa Kautusan ng Kagawaran Blg. Pagtuturo ng Pilipino(Filipino) sa mga di-Tagalog (1977).kailangan pang matutuhan o iproseso ng bata sa kanyang utak ay nalilimitahan ang mga bagay na natututunan nito. pagkakaayos ng mga salita. at iba pa. 6 7 Ibid. Animo ang pagiging abstrakto ng mga salitang Filipino para sa mga hindi-Tagalog ay nagiging dahilan upang mabalewala ang depinisyon ng istruktura ng wikang Filipino na kanilang nalalaman. 2. Ibig sabihin ay magpo-proseso muna ang utak ng mga mag-aaral kung paano ito tutugon sa unang wika saka nito malalaman kung paano ito tutugon sa pamamagitan ng Filipino. 4 . Ngunit hindi malayong maabot ito kung gusto talaga nilang matuto bukod pa kung naghahangad talaga sila na magkaisa ang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang wika na tanggap ng karamihan na makapagbubuklod sa iba’t ibang grupong etnolinggwistiko dito sa Pilipinas. Maiuugnay na rin dito na hindi rin nakamit ang unang ‘layunin’ (mula sa puntong ito ay tatawagin na. 52 dahil malinaw naman na hindi rin nagkaroon ng mataas na kalidad na edukasyon ang mga magaaral dahil sa BPE dahil napakababa ng promedya sa kanilang NSAT. Ito umano ang dahilan kung bakit mas mataas ang nakuhang promedya ng mga mag-aaral sa mga asignaturang Filipino at Agham Panlipunan dahil nakatulong ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo upang mas maunawaan ng bata ang kanyang pinag-aaralan. Baltazar. Samantala. intonasyon. 7 Base rito ay makikita na nahihirapan ang mga hindi-Tagalog na pag-aralan ang wikang Filipino at magamit ito sa pagkatuto nilang bumasa at sumulat. idyomatikong paggamit. Bukod pa rito ay mahirap din para sa mga mag-aaral na hindiTagalog na pag-aralan ang grammar at sa katunayan ay hindi nila nagagawa kadalasan ang istruktura ng wikang Filipino na itinuturo sa kanila.6 Makikita rin dito ang sinasabi ng ilan na kung saan animo ginawa ang BPE upang hasain ang mga mag-aaral na maging magaling sa wikang Filipino at sa wikang Ingles at hindi upang maunawaan ang mga asignaturang kanilang pinag-aaralan.

Nagalit dito ang mga Cebuano dahil kung paguusapan lamang umano ang bilang ng populasyon ay mas marami sila sa mga Tagalog. 1996). Kaugnay nito. Sa katunayan noong panahong iyon ay ipinatigil pa ang pagpapatupad nito ng Regional Trial Court ng Cebu. Attitudinal and Motivational Variables Affecting the Implementation of the National Bilingual Policy in Education (Quezon City: College of Education. UP. at media. At ang pwersang kailangan ay ang mga Pilipino na nakakapgsalita nang maayos sa Ingles. Dahil dito ay makikita na hindi pa rin lubos na tanggap ng mga taga-Cebu ang wikang Filipino kaya naman masasabing nahahadlangan nito ang pag-unlad ng wikang pambansa dahil sa negatibong saloobin dito ng mga Cebuano na nag-uugat pa sa historikal na mga kaganapan noong mga panahon na pinag-uusapan pa lamang kung ano ang magiging pambansang wika ng Pilipinas. Sa katunayan. Matatandaan na nagsimula ito nang ideklara ni Manuel Quezon ang Tagalog bilang basehan ng magiging wikang pambansa ng Pilipinas. Dahil dito ay nakaramdam ng pangangailangan ang pamahalaan ni Arroyo na ‘paunlarin’ ang Ingles upang matugunan ang pangangailangan sa pwersa ng lakas-paggawa ng industriyang ito. Mapapansin na ginawa ito nang magsimulang umusbong ang mga industriya ng call center sa bansa. Sinagot naman ito ng mga nagtatanggol sa Tagalog sa pamamagitan ng pagsasabi na hindi dapat sa dami ng nagsasalita ang maging basehan sa paghirang sa isang wika bilang wikang pambansa at sa halip ay dapat tingnan kung maunlad na ito at kung gaano ito makakaganap nang husto sa pamahalaan. kung matatandaan ay nagpalabas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Executive Order (E.Sa nabanggit na ikaapat na layunin ay makikita na bagamat pinipilit abutin ng mga Pilipino na maging simbolo ang wikang Filipino ng pambansang pagkakaisa. Makikita na inilulunsad ng E. 5 .8 Ang nakasaad na ikalimang layunin ng BPE ay ang pinakamainit na usapin sa lahat dahil pinagtatalunan pa rin hanggang sa kasalukuyan kung gaano nga ba kalaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa Ingles sa pambansang pag-unlad nito. Ngunit ano nga ba ang nangyari sa Pilipinas sa aspektong ito? Dahil sa BPE. 210) noong taong 2003. Ang pangyayaring ito ay isa itong patunay na hindi naging epektibo ang BPE upang maging mahusay sa Ingles ang mga Pilipino. paaralan. 210 ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa bansa. Mapapansin din na pinalubha lamang ng BPE ang kolonyal na mentalidad ng mga Pilipino dahil mas naging mataas ang 8 Antonia Silverio.O.O. dapat ay maraming mahuhusay na mga Pilipino na nagsasalita ng Ingles ngunit kung mapapansin ay kakaunting bilang lamang ng mga Pilipino ang nakapagsasalita ng deretso sa wikang Ingles. sa ginanap na pag-aaral ni Antonia Silverio noong taong 1996 na Attitudinal and Motivational Variables Affecting the Implementation of the National Bilingual Policy in Education ay nakita niya na hindi pa rin tanggap ng mga Cebuano ang paggamit sa Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa Cebu. mapapansin na hanggang sa kasalukuyan ay napakahirap pa rin nitong marating dahil may mga ibang etnolingwistikong grupo pa sa Pilipinas na negatibo ang pagtanggap dito.

Cebuano. <http://www. Kapampangan. ang Unang 9 Celeste Ann Castillo Llaneta. Dahil sa patakarang ito ay malaki ang pag-asa na maisasakatuparan na rin ang programang Edukasyon para sa Lahat o Education for All (EFA) na itinataguyod ng internasyunal na komunidad dahil marami nang bata ang mas maaabot ng edukasyon. “The Language of Learning: Mother Tongue-based Multilingual Education in the Philippines” The UP Forum.ph/upforum.php?issue=36&i=318> (sinangguni 12 Marso 2011). maging ang pagpapatupad nito sa mga pre-school at Alternative Learning System (ALS) sa bansa. Hiligaynon. Bikol. At dahil nga sa kaisipang kolonyal na ito na dulot ng pananakop ng mga Amerikano ay mas lumala nito ang problema ng mga Pilipino sa kanilang pagkakakilanlan na animo matapos ang pananakop ng mga ito ay nahirapan na silang buuin ang kanilang mga sarili. Kaya naman itinataguyod ang pagsusulong ng MTB-MLE para sa patakarang pang-edukasyon ng Pilipinas. Sa puntong ito. sa pamamagitan ng Kautusan ng Kagawaran Blg. Pangasinense. bilang 2. Ilan sa mga pangunahing wika nito ay ang Tagalog. Institusyonalisasyon Edukasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual na Ang Pilipinas ay isang multilingual na bansa na mayroong humigit kumulang 170 na wika. March-April 2010.edu. Ayon sa patakarang ito.” At isa nga sa mga ito ay ang paggamit ng Unang Wika bilang pangunahing midyum sa pagtuturo mula sa pre-school hanggang sa Ikatlong Baitang ng elementarya. Ilokano. Ayon sa kautusan.up. marami nang lumabas na mga pag-aaral ukol sa pagiging epektibo ng paggamit ng mother tongue o ng Unang Wika ng mga mag-aaral upang mas lalong maunawaan ng mga ito ang itinuturo sa kanila.9 Kaagapay ng programang ito ay ang paglalahad ng sampung “Pundamental na Pangangailangan para sa isang Malakas na Mother TongueBased Multilingual na Edukasyon. bolyum 11. 74. at WaraySamar. Kaya naman noong taong 2009. 6 . ay opisyal nang ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon ang Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual na Edukasyon (MTB-MLE). Kaya naman malaking isyu pa rin para sa Pilipinas ang usapin ng pagkakaroon ng wikang pambansa dahil lagi pa rin nakasunod ang anino ng wikang Ingles tungo sa pagbubuo ng mga Pilipino ng kanilang pagkakakilanlan. (sinangguni 13 Marso 2011). Dahil dito ay mapapansin na likas talaga sa Pilipinas ang multilingualismo kaya naman dapat na matutunan ng mga Pilipino kung paano umangkop sa realidad na ito. ang MTB-MLE ay ang epektibong paggamit ng higit sa dalawang wika para sa literasiya at instruksyon.pagtingin ng mga Pilipino sa wikang Ingles kumpara sa wikang Filipino dahil sa pagpapatupad ng patakarang ito.

Hindi Unang Wika ng karamihan sa mga Pilipino ang wikang Filipino at Ingles kaya naman malaking tulong para sa kanila ang pag-i-institusyonalisa sa MTBMLE. mapapansin na nakasaad din dito na ang pagsama sa mga dagdag na asignaturang pangwika katulad na lamang ng Filipino. At noon ngang National Achievement Tests noong taong 2006 para sa Ikatlong Bahagi ng Markahan ay nakakuha ng mataas na marka rito ang mga magaaral ng Lubuagan. Noong taong 2007 naman ay napanatili ng mga mag-aaral ng Lubuagan na makakuha ng mataas 10 Kagawaran ng Edukasyon.aging bahagi ng Pilipinas partikular na sa probinsya ng Kalinga. 74” (14 Hulyo 2009). at MAKABAYAN. 7 . Lumabas na sa iba’t ibang mga pag-aaral na mahirap talaga para sa mga mag-aaral na matuto kapag ang ginamit na midyum ng pagkatuto ay bago para sa kanila. Ang Lubuagan ay matatagpuan sa hi. Samantala. Agham. noong taong 1998 ay isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon at Summer Institute of Linguistics. Matapos ito ay itinuro naman sa kanila ang paksa sa pamamagitan ng Ingles at Filipino.10 Ilang Obserbasyon sa MTB-MLE Mapapansin na sa pamamagitan ng pagpapatupad sa MTB-MLE ay mas lalong mabibigyang halaga ang mga wikang panrehiyon sa Pilipinas. at pati na rin sa mga asignaturang pangwika katulad na lamang ng Filipino at Ingles.Wika ang magiging pangunahing bihikulo upang maunawaan at maging magaling ang mga mag-aaral sa mga asignatura katulad na lamang ng Matematika. Napansin ng mga guro na mas naging aktibo ang mga bata na makilahok sa klase gamit ang kanilang Unang Wika. Naging matagumpay ang programang ito. Mas mataas ang kanilang nakuhang marka sa Filipino at sa Ingles kumpara sa iba pang mga paaralan sa Kalinga ng 30 porsyento. Ingles at iba pang mga lokal o dayuhang wika ay ipakikila bilang hiwalay na mga asignatura. sa pamamagitan ng pagpaplano ng akmang programa para rito o kaya naman ay pagpapakilala sa mga wikang ito sa pre-school o sa pagtuntong ng mga mg-aaral sa Unang Baitang (no earlier than Grade two). “Kautusan ng Kagawaran Blg. Inc. Itinuro ito sa mga pampublikong paaralan ng Lubuagan mula Unang Baitang hanggang Ikatlong Baitang. pagsapit naman ng mga mag-aaral sa sekundaryang edukasyon ay Filipino at Ingles na ang magiging pangunahing midyum sa pagtuturo at ang Unang Wika ay gagamitin na lamang bilang wikang pantulong sa pagkatuto. Samantala. (SIL) International Philippines ang programang Lubuagan First Language Component (FLC) multilingual education. Ang programang ito ay naghikayat sa paggamit sa Unang Wika ng mga mag-aaral bilang midyum ng pagtuturo. Bukod sa nahihirapan silang iangkop ang kanilang mga sarili sa wikang ginagamit ay nahihirapan din silang iproseso sa kanilang mga utak ang mga konsepto na kanilang pinag-aaralan at ang epekto nga nito ay ang pagkakaroon ng mahinang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Sa programang ito ay itinuro ang partikular na paksa sa pamamagitan ng kanilang Unang Wika. Samantala.

mapapansin naman na pinipilit punan sa kasalukuyan ng MTB-MLE ang mga pagkukulang ng BPE. ang Ingles naman bilang Pangatlong Wika ay gagamitin lamang upang makipag-ugnayan sa iba pang mga bansa sa daigdig ngunit hindi ito dapat na labis na yakapin ng mga Pilipino. kapag naipakilala na sa kanila ang wikang Filipino bilang Pangalawang Wika ay mas maaidentify na nila ang kanilang mga sarili bilang mga Pilipino na tiyak ay magdudulot na ng pagmamahal nila sa bansa.” 8 . Sa puntong ito ay unti-unti nang ipakikilala sa mga mag-aaral ang mga konseptong kanilang pinag-aaralan gamit na ang pambansang wika. at Ingles ng 20 porsyento kumpara sa iba pang mga paaralan sa Kalinga. “The Language of Learning. Isa ang may-akda sa mga naniniwala na kapag nagtagumpay ang MTB-MLE at ito ay nakabatay sa kultura ay unti-unti nang maiwawaksi ng mga Pilipino ang kolonyal na mentalidad at mawawala na ang pagtingin nila sa Ingles bilang mas mataas na wika. Filipino. Sa pamamagitan nito ay maaari na nilang maklasipika ang kanilang mga sarili bilang mga Pilipino na kinalaunan ay magdudulot ng pagkakaroon nila ng kamalayang pambansa. 11 Llaneta. Bukod dito ay hindi rin napapaunlad ng patakarang ito ang mga bernakular na wika dahil nakapokus lamang ito sa paggamit ng Filipino at Ingles. Samantala. At mula sa pagiging dalubhasa sa Unang Wika ay ang unti-unting pagtulay sa paggamit ng Pangalawang Wika – ang wikang Filipino. Ito marahil ang dahilan kung bakit mataas ang marka na nakuha ng mga tagaLubuagan sa NSAT.11 Dahil dito ay masasabi na ang pagpapaunlad sa Unang Wika ng mga mag-aaral ay ang pagpapaunlad na rin sa kanilang kultural na identidad. Dahil dito ay mas nahihikayat ang mga bata na matuto at mahalin ang kanilang kinagisnang kultura at kinalaunan. Sa pamamagitan ng paggamit sa Unang Wika bilang midyum ng pagtuturo ay mas naiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili sa mga konsepto na kanilang pinag-aaralan lalo na kung ang mga halimbawa na gagamitin sa pagpapalawig ng mga konseptong ito ay nakapaloob sa kanilang kultura. Paglalagom Sa kabuuan ay masasabi na hindi naging matagumpay ang BPE sa kabuuang hangarin nito na maging mahusay ang mga Pilipino sa wikang Filipino at wikang Ingles at sa halip ay nagdulot pa ito ng kalituhan dahil nahahadlangan nito ang pagbubuo ng mga Pilipino ng sariling pagkakakilanlan dahil sa pagtingin na mas nakakataas ang wikang Ingles kumpara sa wikang Filipino. Samantala.na marka sa Matematika. sa MTB-MLE naman ay binibigyan ng pagpapahalaga ang mga wikang panrehiyon. Kung sa BPE ay ipinakikilala agad sa mga bata ang dalawang wika na hindi pamilyar sa kanila. partikular na sa mga lugar na hindi-Tagalog ang pangunahing wika.

9 .

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->