You are on page 1of 1

Imperial Southplains Subdivision Layon, Ligao City August 21, 2011 G.

Eric Quizon Branch Manager Ericson Computer Sales and Repair Center Ligao City, Albay Ginoo: Maligayang Pagbati! Sa ngayong moderno na ang panahon, hindi na natin maikakaila na kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya ay umuusbong din ang pangangailangan ng tao sa mga Computer. Ito ay nagiging malaking tulong sa pang araw-araw na gawain ng sino man lalong lalo na sa mga estudyanteng katulad ko. At dahil dito, nais ko po sanang ipakilala sa inyo ang kamag-aral kong alam ko ay masisiyahan na makalahok sa isang seminar na inyong isinasagawa para makatulong sa mga mag-aaral na gusto pang mahubog ang kani-kanilang angking galing sa Information Technology. Si Joriz po na aking kamg-aral bihasa sa paggamit ng ibat-ibang softwares sa computer. Dahil dito, siya ay ang representatib ng Pixel Club isang samahan sa aming eskwelahan na binubuo ng mga estudyanteng may angking galling sa mga computer. Si Joriz din ay marunong ng mga basic

troubleshooting practices sa mga computer kaya naman siya ang takbuhan naming sa tuwing may nasisira
o may hindi kami alam sa mga lumalabas sa iskren n gaming mga laptops. Maraming salamat po, at naway mapaunlakan niyo ang aking hiling na tiyak na makatutulong sa mga tulad niya na nais na mapaunland ang pagpapalaganap ng mabuting adhikain sa pag-usbong ng agham at teknolohiya.

Gumagalang, RAY DANIEL G. PERALTA Bicol Regional Science High School