"Ang Dalawang Magkaibigan

"

Alcausin, Adrian Lopez, Lea Yuzon, Danna

Sa isang gubat, may dalawang magkaibigan na dinosaur. Sila ay sina Tee at Rex.

Mula noong bata pa sila, magkasama na sila palaging maglaro sa gubat.

Mahilig silang mag habulan...

Madalas din silang mag tampisaw sa sapa.

Isang araw, habang sila ay naghahabulan, may nakita silang prutas.

"Rex, tingnan mo mukhang masarap yung prutas na yun!" sabi ni Tee.

"Oo nga, Tee. Parang ang sarap niyang kainin!" sagot naman ni Rex.

Pareho nilang tinitigan ng matagal ang prutas. "Tara kainin natin!" sabi ni Tee.

"Pero pwede bang ako muna ang unang kakagat dahil ako naman ang unang nakakita? sagot ni Rex.

"Ang daya mo naman, Rex! Ako kaya unang nakakita!" galit na sagot ni Tee.

"Ako kaya!" sabi ni Rex.
"Di kaya! Ako nga sabi e!" pasigaw na sabi ni Tee.

At nag away na ang magkaibigang dinosaur.

Dahil abala sila sa kanilang pag-aaway, hindi nila napansin na nabangga nila ang puno. Nalaglag ang prutas at naapakan ng isa sa kanila.

Nabiyak ang prutas at nag labas ito ng mabahong amoy. "Ang baho naman, buti na lang hindi natin kinain!" sabi ni Rex. "Oo nga, Rex. Pasensiya ka na pala at inaway kita" sagot ni Tee.

Mula noon, natutunan nilang maging mapag bigay sa isa't isa. Naisip nilang walang magandang maidudulot ang pag-aaway.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful