You are on page 1of 92

Bahay at Buhay:

Ang Pakikipaglaban ng Sitio Masigasig


Papel para sa CD 242 nina: Juliet M. Domingo Patrick Omar B. Erestain Genevive O. Estacaan Franciskus Kupang Celso T. Palubon, Jr. Glorie Lou G. Pasa Isinumite kay: Leocito S. Gabo, Phd., D.D. 1st Semester AY 2011-2012

TALAAN NG NILALAMAN
I. II. Pamayanan Paghahanda (The Pre-Implementation Phase) - Pakikisalamuha sa komunidad at mga aral - Pagtukoy sa mga Suliranin - Pagtumbok sa Suliraning Tututukan sa Pagsasanay - Pagbuo ng Konseptong Balangkas - Pagbuo ng Training Module Pagpapadaloy (The Implementation Phase) - Daloy - Sarili - Samahan - Komunidad Pagtataya - Kumusta ka? - Pre-training Evaluation - Post-training Evaluation Pagkatuto: Mga Kalakasan at Kahinaan - Training - Grupo - Partners Pagsusuri at Pagninilay - CO - Kapitalsimo at ang Paghaharing-Uri - Pagsasaayos ng Alitan - Gender and Development - Capacity-building for Self-agency - Community Development at ang Spirituwalidad ng Komunidad - CD at ang kapangyarihan ng kolektibo Padayon (Mga Rekomendasyon) Apendiks Resulta ng Assesment Training Design Session Guides BPI Form Pre-Training Evaluation Form Post-Training Evaluation Form Info Sheet Sanggunian

III.

IV.

V.

VI.

VII. VIII.

IX.

I. PAMAYANAN
Patuloy na makibahagi tungo sa ikakaganda ng komunidad at simbahan-Ate Zeny

Figure 1: Mapa sa Lokasyon

Ang Sitio Masigasig ay matatagpuan sa kahabaan ng C-5, East Service Road, Western Bicutan, Lungsod ng Taguig, Metro Manila. Sa kasalukuyan ang mga residente sa lugar na ito ay nahaharap sa usaping seguridad sa paninirahan sa kadahilanang sila ay nanganganib na mapaalis sa lupang kinikilala nilang kanila sa loob ng mahigit kumulang tatlong dekada (1980-2011). Kung titingan natin ang mapa sa lugar na nasa itaas, mapapansin natin na isa sa kilalang istratura ay ang kinalalagyan ng Libingan ng mga Bayani sa hilaga, toll gate ng SLEX sa katimugang bahagi at ang paliparang Ninoy International na matatagpuan sa may bandang kanluran. Simple at payak ang pamumuhay ng mga tao sa nabanggit na lugar at batay sa aming pakikipaghuntahan, aming natuklasan na ang karamihan sa kanilay labrador sa kadahilanang ang madalas na hanapbuhay ng mga tao rito ay namamasukan bilang katulong o kasambahay, karpintero, drayber at mga manggagawa sa construction at pabrika. Amin ring napag-alaman na ang kasalukuyang suliraning kinakaharap ng mga tao sa komunidad ay bunsod ng legal claim ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ng Hubong Sandatahan ng Pilipinas na naniniwala at naninindigan na ang nasasabing lugar ay sakop ng Libingan ng mga Bayani at nararapat lamang na itoy lisanin ng sinumang nakatira pansamantala sapagkat itoy trespassing na maituturing sa mga lupaing pag-aari ng gobyerno. Ang libingan ng mga bayani ang pook na kung saan nahimlay ang mga taong nagbibigay karangalan sa bayan o mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan kagaya ng mga sundalo, Filipino Veterans, government dignitaries, statesmen at national artists. Ito ay naitatag noong Mayo 1947 na nakilala bilang Republic Memorial Cemetery ng Fort McKinley at noong ika-27 ng Oktubre 1954 napagpasyahan ng yumaong pangulong Ramon Magsaysay na palitan ang pangalan ng lugar sa mas

angkop na pangalan bilang Libingan ng mga Bayani (LNMB) na hanggang sa kasalukuyan ay siya pa ring pagkakilanlan sa nasasabing lugar. Batay sa Presidential Proclamation No. 208 na isyu ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong ika-28 ng Mayo 1967 idineklara na kinakailangang maipaserba ang humigit kumulang 142 hectares na lupa mula sa Fort Bonifacio Military Reservation upang maging National Shrine sa pangangalaga ng Veterans Memorial and Historical Division, Philippine Veterans Affairs Office, Department of National Defense (http://server.pvao.mil.ph/shrines.html). Sa mahigit tatlong dekada, itinuring na ng lahat na nakatira dito ang sitio bilang kanilang tahanan. Noong 1980s, mayroon lamang mga sampung pamilya galing sa ibat ibang probinsya sa Pilipinas ang nakatirik sa dating malawak na damuhan. Dahil dito, karamihan sa kanila ang nagsimulang bungkalin ang lupa, magtanim ng mga prutas at halaman na siya na ring pinagkakakitaan ng mga pamilya, pati na rin pansariling konsumpsyon. Mula sa sampung pamilya noong 80s, biglang dumami ang mga nakatira dito hanggang sa maging congested ang lugar at nahirapan ng makilala kung sino ang mga orihinal na nakalugar. Karamihan sa mga bagong salta ay mga kamag-anak ng mga dating nakatira.

Figure 2: C-5

Dala ng pagdami ng tao sa sitio, dumami rin ang mga suliraning kinaharap ng komunidad. Dito na umusbong ang mangilan-ngilang isyung pang-komunidad. At dahil dito, nakita ng komunidad ang pangangailangan ng pag-organisa ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng Nagkakaisang Maralita ng Sitio Masigasig, Incorporated (NMSMI). Nilayon ng asosasyon na matugunan ang mga problema ng pamayanan, kabilang na ang mga isyu sa seguridad, at alitan ng magkakapitbahay. Bagamat nabuo noong January 7, 1986, na-formalize lang ang organisasyon bandang 2000.

Dahil sa ibat ibang pinanggagalingan ng mga tao sa komunidad, nagresulta ito sa mga tensyon at pagkahati-hati sa loob ng asosasyon hanngang sa pumasok sa eksena upang maging tagapagpadaloy ang isang faith-based organization dala ng Eastern Missionaries of St. Francis of the Eastern Catholic Church at maging neutral na tagapamagitan sa komunidad. Ang pagkabuo ng asosasyon noong 1986 ay kasabay ng proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos ng Proclamation 2476- Handog Titulo sa Taguig. Kung susuriin ang dokumento, dapat kasama dito ang Sitio Masigasig dahil dineklara ito bilang sakop ng Libingan ng mga Bayani. Subalit, kahit walang legal na basehan, sinimulang palayasin ang mga residente ng sitio- at hindi na natigil ang banta ng demolisyon, sunog, at umabot pa sa pagputol ng basic service kagaya ng ilaw at tubig. Noong 2006, naglabas ng resolusyon and Commission on Settlement of Land Problems (COSLAP) na dinideklara ang lugar bilang alienable and disposable sa ilalim ng Presidential Proclamation 2476 (Escobido, Kristian, Ang, Sara Grachelle. Case Study: Sitio Masigasig, Spiritual Resource for Community Organizing).

Figure 2.1: Araw-araw na gawain sa komunidad

II. PAGHAHANDA (Pre-Implementation Phase)


Handa akong sumoporta para sa ikakaunlad ng asoseyono sa samahan- Charlita Parreno

Upang magkaroon ng mas malalim na pagkakaunawa sa kanilang kalagayan, naglaan ang grupo ng ilang serye ng pagbisita sa Sitio Masigasig. Ang mga karanasan at aral ng mga pagbisitang ito ang naging hulmahan ng proseso ng training na ginawa sa komunidad. Ang mga karanasan at aral sa pagkikihalubilo sa komunidad bago ang training o pre-implementation phase ang lalamanin ng chapter na ito. A. Pakikisalamuha sa komunidad at mga aral Unang beses pa lamang na nagkaroon ng pagkakataong makisalamuha ang grupo sa mga mamamayan ng Sitio Masigasig ay agad na nagkaroon ng makabuluhang pag-uusap tungkol sa kasaysayan ng komunidad at ang mga bumabalot na kwento ng pasakit na idinulot ng pakikipaglaban nila para sa tuluyang pagmamay-ari ng lupa. Bukod dito, naipakilala rin ang grupo sa mga lider ng komunidad na silang tumatayo bilang mga front liner sa diskusyon ng pa-lupa. Batid ng grupo na ang paghahanda para sa pagdedisenyo ng pagsasanay ay nangangailangan ng masusing pagtingin sa buhay ng komunidad kayat noong ikalawang balik ay minabuti nilang mas lalong makihalubilo sa mga miyembro ng komunidad at sa mga lider ng asosasyon. Mula dito ay napag-alaman ng grupo ang mga sumusunod na mahahalagang impormasyon: Ang Nagkakaisang Maralita ng Sitio Masigasig Inc. (NMSMI), kahit na mayroong kasong nakahain sa Supreme Court ay sumali sa isa pang organisasyon na nangangakong tutulong sa kanilang maari ang lupa. Ayon kay Master- ang syang tumatayong lider ng grupo, ang Rhema International Livelihood Foundation Inc. (RHEMA), isang NGO, ay nagsasabi na mayroong pagmamay-ari ng titulo ng buong Pilipinas, kayat malaki ang posibilidad na ma-ari nila ang lupa sa Sitio Masigasig. Upang maging opisyal ang kanilang partnership, kailangang magbigay ng kaukulang danyos sa RHEMA para sa pagiging miyembro nito at sa gastos sa pagproproseso sa paglakad ng pa-lupa. Kasakop ang 2 pang sitio, P 150,000 ang kabuuang halagang nililikom sa kanila. Mula dito, P50,000 ang kaukulang danyos para sa Sitio Masigasig. Kung susumahin ang kabuuang bilang ng mga miyembro ng organisasyon, nangunguhulugang kelangang magbayad ng bawat isa ng P650 para sa membership sa RHEMA, maliban pa sa P150.00 na donation buwan-buwan na kanilang binibigay. Kung sakaling manalo sila sa kaso (sa pakikipagtulungan ng RHEMA) ay magkakaroon ang mga nagpa-miyembro dito ng sariling lupa. Ang mga hindi naman sumunod ay tuluyang mapapa-alis mula sa Sitio Masigasig. Kung sakali mang may demolisyong maganap habang umuusad pa ang kaso, ang mga bahay ng nakapagbayad ay mananatili, katulad daw ng nangyari sa mga bahay na naprotektahan ng RHEMA sa Malabon at Tandang Sora. Napag-alaman ng grupo na malaki ang bahagi ng mga kababaihan sa diskurso ng pa-lupa. Ganuon din sa aktibong pagtatanggol sa komunidad mula sa mga pagtatangka ng demolisyon. Ngunit, sa kabila nito, ay para bang tikom ang kanilang bibig pagdating sa pagdedesisyon sa samahan. Mula pa noon, ang desisyon, ay nagmumula na kay Master- ang tumatayong lider ng samahan.

Mula sa mga pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga napag-alamang impormasyon na ito, minabuti ng grupo na sa ikatlong pagkakataon ng pakikisalamuha sa komunidad ay bigyang-pansin ang kwento ng mga kababaihan sa komunidad. Nabanggit din kasi nila na ang mga nakaraang demolisyon ay laban ng mga babae. Nagsagawa ang grupo ng transect walk. Nagkaroon ng pagkakataon ang grupo na makita ang ibang bahagi ng barangay sa pamamagitan ng pagbagtas mula sa may playground na binabantayan ni Avatar- isa sa mga military na naka-assign sa lugar upang magbantay, pagtawid sa C-5(highway) hannggang sa makarating sa kabilang sitio- ang Sitio Masinag.

Dito ay nakihalubilo ang grupo sa mga kababaihan sa tahanan nina Belen, isang dating taga-Sitio Masigasig. Ang pagdadala sa mga kababaihan sa ibang lugar ay makapag-bibigay sa kanila ng mas malayang pagkakataon na makapagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga nangyayari sa Sitio Masigasig. Ang mga inimbitahang kababaihan ay ang mga may bahagi sa asosasyan ng NMSMI. At mula sa mga ito, napag-alaman ng grupo ang mga sumusunod:

Na hati ang opinyon ng mga lider na kababaihan tungkol sa desisyon ni Master na bumuo ng partnership sa RHEMA Sa kabila nito, hindi nagtangka na ang mga kababaihan na iparating ang kanilang agam-agam, ni pangunahan ang talakayan dito dahil takot sila na mauwi lamang ito sa pagkakawatak-watak ng asosasyon Kung hindi nila ito maisa-boses ang kanilang mga taliwas na opinyon ay, gumagawa sila ng ibang paraan upang ito ay maipahiwatig tulad na lamang ng: (a) hindi pagdalo sa mga pagtitipon lalo na tuwing ang pag-uusapan ay ang mga danyos na ibibigay sa RHEMA at (b) tuluyang hindi pagbibigay ng danyos sa RHEMA Ang pagtitikom ng bibig ay dulot nang, nais ng mga kababaihan na hindi magulo ang status quo o bilang iwas kaguluhan na maaaaring idulot ng pagsasaboses ng taliwas na opinyon laban kay Master Na mayrong maigting na kagustuhan ang mga kababaihan na ipagpatuloy ang pagtulong sa asosasyon at maging isang kaganapan ang pagkakaroon ng nila ng lupa at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya upang makapamuhay ng disente sa kanilang komunidad Nakikita nila ang kanilang sarili na tagapagtanggol ng komunidad, kaakbay ng mga kalalakihan sa pagbibigay proteksyon sa Sitio Masigasig

Figure 3: Bukana ng Sitio

B. Pagtukoy sa mga Suliranin Mula sa mga serye ng pakikisalamuha sa komunidad, nagsagawa ang grupo ng pagbabahagian ng mga karanasan at mga napulot na aral. Ang pagtataya ay mai-susuma ng talaan sa ibaba: Tema Pag-aari ng lupa Suliranin/ Isyu 1. Kasalukuyang may kaso sa Supreme Court tungkol sa pag-aari ng lupa 2. Ang katunggali sa pag-aari ng lupa ay malalaking institusyon (AFP- Sundalo- Himlayan ng mga Bayani at PVAO ) 3. Kawalan ng kuryente at pa-tubig na bunga ng mga nakaraang pagtatangka ng demolisyon 4. Kawalan ng kalayaang magtayo at magpabuti ng istruktura ng kanilang bahay dahil mahigpit na binabantayan ng mga sundalo 5. Trauma na dulot ng nakaraan at patuloy na banta demolisyon 1. Kulang ang kaalaman tungkol sa partner na organisasyon 2. Ang posibilidad na matalo dahil sa forum shopping (paghahain ng iba pang kaso, bukod sa kasalukuyang reklamo, sa ibat ibang lebel ng hukuman) 3. Walang kasiguraduhan na maipapanalo ang kanilang kaso sa pa-lupa kahit na silay sumugal para dito (paggastos ng mga mamamayan ng Sitio Masigasig para sa ibat ibang danyos na hinihingi ng RHEMA) 1. Autocratic na pamamaraan ng pamumuno, at istilo ng pakikipag-talastasan ni Master sa mga kababaihan, at sa kabuuan ng komunidad 2. Tikom-bibig ang mga kababaihan pagdating sa proseso ng pagdedesisyon 3. Takot sa harapang paghahayag ng saloobin ng mga kababaihang lider 4. Higit ang kaalaman ni Master sa mga impormasyon tungkol sa pa-lupa; siya din ang mayroong control kung ano ang maaari niyang sabihin, at hindi sabihin sa samahan at komunidad 1. Autocratic na istilo ng pamumuno na namamayani sa kanilang samahan 2. Kawalang kalayaan ng partisipasyon sa diskurso ng mga kababaihan dahil sa takot o pangamba na magdulot ito ng pagkaka-hiwalay o paglamlam ng samahan

Pagtangkilik sa RHEMA ng NMSMI

Mga Puwang sa Komunikasyon

Pamumuno

C. Pagtumbok sa Suliraning Tututukan sa Pagsasanay Noong una, naging pala-isipan sa grupo kung ano ang magiging gampanin o role ng training sa isang lugar na tila maliwanag na ang pangangailangan ay ang madaling patugon sa kanilang problema sa pagmamay-ari ng lupa, kuryente at tubig. Subalit, napagtanto ng grupo na ang usapin ng lupa ay masyadong politikal at sensitibo, na kung susundutin ng isang beses lang sa pamamagitan ng isang training ay baka maiwan sa ere ang pagharap sa isyu. Dahil dito, pinalalim pa ng grupo ang pagsipat sa kabuuang pangyayari at pagdalumat sa mga isyu. Mula sa pagtataya ng grupo lumabas na mahalagang bigyang-pasin ang mga sumusunod: 1. Mulat na mata, tikom na bibig Kahit na mulat ang mga mata ng mga kababaihan tungkol sa kanilang kapasidad na mamuno at magpahayag ng kanilang mga saloobin, tila mas pinipili nilang itikom ang kanilang mga bibig lalo na pagdating sa pagbibigay ng opinyon na mahalaga sa pag-abot sa mahahalagang desisyon sa komunidad Lumalamlam na kapasidad mamuno Kumbinsido ang mga babae na ang laban ng lupa, ay isang laban ng mga babae. Ngunit, kailangan na pasiglahin ang kanilang mga paniniwala na kasama sila sa labang ito, at sila mismo, ay maaaring maging daluyan ng pagbabago sa komunidad

2.

D. Pagbuo ng Konseptong Balangkas Bagamat na mahalaga at matugunan kaagad ang isyu ng lupain at mga kaakibat na mga usapin tungkol dito, natumbok ng grupo na ang mga kababaihan na bumubuo ng nakakarami sa grupo ay malaki ang ginagampan sa pangkalahatang gawain ng organisasyon. Sa katotohanan, sila ang may pinakamatatapang at pinakakamahalagang sinakrapisyo upang manatiling malakas at lumalaban ang organisasyon. Kaya mula sa mga diskusyon sa itaas, napagdesisyonan ng grupo, sa gabay na rin ng kanilang guro, na sa halip ay bigyan na lamang ng pansin ang pagpapapalakas ng kakayanan ng mga kababaihan sa kanilang pamamalakad sa organisasyon (Tingnan Ang Apendiks 1- Resulta ng Assessment). Mula dito ay nagbuo ang grupo ng isang konseptong balangkas na gagabay sa pagdaloy ng pagsasanay na magaganap para sa mga kababaihang lider ng Sitio Masigasig. Ang konseptong balankas ito ay isinilarawan sa susunod na pahina:

PAMUMUNO

PAGPAPATATAG NG SAMAHAN

PAGPAPAPALAKAS NG KAKAYANAN NG MGA BABAENG LIDER

KOMUNIKASYON

GENDER SENSITIVITY
Figure 4: Konseptong Balangkas para sa Pagsasanay sa mga Kababaihang Lider ng Sitio Masigasig

Mula sa ilustrasyon, makikita ang limang elemento na siyang magiging gabay para sa gagawing pagsasanay. Ang mga parihaba ay ang nagsisilbing mga sangkap na magpapalakas ng kapasidad ng mga kababaihan na mamuno sa kanilang komunidad. Ang mga linya na nag-uugnay sa mga parisukat- ang gender sensitivity, pagpapatatag ng samahan, komunikasyon, at pamumuno ay pare-parehong mahalaga upang makamit ang pag-unlad ng kapasidad ng mga kababaihan. Ang lahat ng ito ay magkakaugnay sa isat isa, ngunit hindi nangunguhulugang may karampatang pagaksunud-sunod ang daloy ng pakikisalamuha ng mga sangkap. Ang mga linya naman na nagkukonekta sa mga parisukat sa oblong na nasa gitna ay nangangahulugan na direkta ang impluwensya ng apat (4) konseptong ito sa pagpapa-unlad ng kakanyahan ng mga kababaihang lider. E. Pagbuo ng Training Module Matapos maibalangkas ang mga mahahalagang impormasyon at konsepto na gagabay sa pagsasanay, muling nag-taya ang grupo upang buuin ang gabay para sa magiging daloy ng training. Muling binalikan ng grupo ang kanilang mga ginawang pagtatasa ng mga isyu ng komunidad kasama na rin ang paglalapat ng napagkasunduang konseptong balangkas na gagabay sa pagsasanay. Mula dito ay gumawa ang grupo ng isang matrix na mag-susuma sa mga layunin ng magiging pagsasanay. Makikita sa susunod na pahina ang matrix:

Pangkalahatang Layunin

Paigtingin ang pang-unawa ng mga kababaihang lider ng Sitio Masigasig sa kanilang kapasidad na mamuno sa kanilang komunidad at; Mamulat sila sa kanilang gamapanin o roles sa pagharap sa mga suliranin ng komunidad

Tukoy na mga Layunin Magbigay ng daan para mga kakaibang lider na upang magkaroon ng malayang pagpapalitan ng kuro-kuro, ideya at opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu sa pag-papakilos ng miyembro ng komunidad Tukuyin ang mga puwang sa paraan ng koordinasyon at pakikipagtalastasan sa pagitan ng mga lider ng samahan (NMSMI)

Inaasahang Output Isang konkretong resolusyon mula sa mga kababaihan na mas lalong pagbutihin ang kanilang lebel ng koordinasyon at pakikipagtalastasan.

Ang pagdaloy din ng pagsasanay ay idinesenyo sa ganap na paraan na mapag-uusapan ang tatlong mahahalagang spheres na ginagalawan ng mga kababaihan. 1. Ang A ay para sa Sarili Ang sarili kung saan nagaganap ang indibidwal na pagproproses ng mga saloobin, paniniwala at mga pangarap

B A

2. Ang B ay para sa Samahan o Team Ang kababaihang lider bilang isang mahalagang bahagi ng samahan na may kakanyahan at katalinuhang mag-ambag ng mga kabutihan para sa samahan 3. Ang K ay para sa Komunidad Ang kababaihang lider bilang mahalagang bahagi ng komunidad na may kakanyahang makapag-ambag ngmga kabutihan para sa ika-uunlad ng Sitio Masigasig

Upang mabuo ang disenyo ng pagsasanay, at ganuon din ang pagdaloy nito, nagkaroon ng paghahati-hati ng mga bahagi ng disenyo ang bawat miyembro (tasking) (Tingnan Ang Apendiks 2Training Design. Mayroon din namang itinalaga upang mamahala sa pangangasiwa ng mga kakailanganing materyales para sa gagawing pagsasanay. Ang pagbibigay ng bawat parte ay ibinatay sa kakayanan ng miyembro, at kung gaano ang kanayang kaalaman tungkol sa paksang pag-uusapan. Mahalagang sa pagpapadaloy ay mayroon ding input na naiaambag ang tagapagpadaloy sa mga kumukuha ng pagsasanay (Tingnan Ang Apendiks 2- Training Design). Ang bawat tagapagpadaloy ay gumawa ng mga session guides na magiging gabay nila sa pagpapadaloy ng kanilang module (Tingnan Ang Apendiks 3- Session Guide).
Figure 5: TNA Proces

III. PAGPAPADALOY (Implementation Phase)


Paghahangad na makamtan ang kahilingan- Gemma

Sa abiso na rin ng samahan, nagtukoy ang grupo ng sampung babaeng lider ng samahan upang dumalo, subalit sa mismong araw ng pagsasanay ay nagkaroon pa ng pagbabago sa mga dadalo sapagkat marami sa mga natukoy ay hindi na nakarating. Dahil dito, pinaubaya na ng grupo kay Neri, titser ng Kindergarten sa sitio, ang paghagilap ng mga kalahok. Bago pa man magsimula ang training, maraming mga pagbabago ang kelangang gawin. Malaki ang kinalaman dito ng pagbabago ng venue, kasi sa halip na sa COSE sa Cubao, sa Outpost ng Sitio Masigasig natuloy ang training. Napagdesisyonan kasi ng grupo nung una na sa COSE gawin ang training sa kadahilanang, angkop ang mga gamit at facilities duon, hindi maapekktuhan ng pababagu-bagong panahon ang pagsasanay, at sa tingin ng grupo ay mas malayang makakapag-usap ang mga kalahok kung sila ay nasa isang lugat na tutok sila sa gampanin bilang kalahok. Subalit, nakiusap ang mga kababaihan na dun na lang sa sitio o malapit sa sitio gawin ang pagsasanay. Kaya, papunta na ang grupo sa komunidad umaga ng pagsasanay, di pa rin tukoy kung saan gaganapin ang training- sa Chapel, kina Ate Belen sa Sitio Masinag, o sa Outpost nga ba? Isa lang ang sigurado, hindi na gagawin ang training sa COSE. Maraming dahilan kung bakit gusto ng kababaihan na sa sitio gawin ang pagsasanay- una na dito ang matugunan nila ang mga gawaing bahay habang ginagawa ang pagsasanay. Maliban dito, andun din ang pangambang dala ng bagyong Pedring. Dahil dito, kasama na ang presence ni Master, maraming pagbabago sa proseso at laman ng pagsasanay ang kailangang gawin.

Figure 6: Ang training venue

Mas marami din ang mga kalahok ang dumating keysa sa inaasahan. Mula sa sampu (10), labinlima (15) ang dumating, at ang panaka-nakang pakikisawsaw ni Master sa mga usapan habang nagpapadaloy. A. Daloy Makikita sa ibaba ang kabuuang daloy ng programa sa buong araw: Oras 9:00-9:30 AM Sphere Gawain Training introduction Introduction of self Leveling of Expectations House rules Gender Differentiation Video (The Impossible Dream) Personality Test: Leadership and Personality Assessment Behavioral Patterns Inventory Lunch Team Building: Building the House (Bahay at Buhay Trial 1: no communication o 5 minutes planning o 10 minutes execution Trial 2: with communication o 5 minutes planning o 10 minutes execution Communication Mayroon Akong Nais Iharap at Ipaabot Sa Inyo Komunidad Sarili Statement of Commitment Reflection and Synthesis

9:30-10:30 AM

Sarili

10:30-12:00 NN

12:00-1:00 PM 1:00-2:30 PM

Samahan

2:30-3:00 PM

3:00-3:30 PM 3:30-4:00 PM

Sarili

S A R Nagsimula ang training sa pagpapakilala ng mga kalahok kasama na ang mga tagapagpadaloy ng pagsasanay. Nagsilbi na rin itong icebreaker, upang mas maging bukas ang lahat sa buong araw na I pagsasanay. Sa pamamagitan ng pagguhit ng mga kalahok ng isang bagay na sumisimbolo sa kanilang sarili, isa-isang nagbahagi ang grupo ng kanilang mga nagawa. Ang gawaing ito, ay nagbukas pa lalo ng mas maraming personal na ugnayan ng bawat isa.LBagamat, mayroon na ng level ng pagkakkilanlan ang
bawat isa, may mga impormasyon na bago sa iba.

SARILI

Figure 7: Pagpapakilala

Sumuod na gawain ang paglalatag ng mga inaasahan ng grupo sa araw ng pagsasanay. Hinati ito sa dalawang kategorya- ang Inaasahn at ang Pangamba. Bagamat malinaw na sinabing isulat lamang nila ang kanilang inaasahan/pangamba para sa pagsasanay, hindi pa rin naiwasang magsulat ng iba tungkol sa inaasahan/pangamba nila sa buhay.

Mula sa mga sinulat ng mga kalahok, pinagsama-sama ang magkakatulad na ideya: Inaasahan Pangamba

Karagdagang kaalaman Di matugunan ang mga gawaing bahay 1. Leadership 1. Di makapagluto 2. Sana pumasok sa isip ko ang 2. Di makapaglaba pinag-aaralan natin sa oras na ito 3. Makatulong sa simbahan 4. Issues ng problema sa area Proseso ng pagsasanay 1. Masayang talakayan Mga Personal na limitasyon 1. Hindi ko matapos ang pagsasanay 2. Baka mahilo

Attitude Mga External na konsiderasyon 1. Magkaroon ng positibong 1. Baka umulang ng malakas at pananaw ang bawat isa bumaha 2. Magkaroon ng demolisyon Skills 1. Iba pa 1. 2. 3.

Maunawaan ang mga kasanayan Sana magkita kami dalawa Magkaroon ng tubig Magkaroon ng hanapbuhay Iba pa 1. Trabaho. 2. Tumawag ang anak kong babae 3. Pumunta ang kapatid ko

Pagkatapos ipaliwanag ng tagapagpadaloy na hindi lahat ng mga inaasahan ay matutugunan sa mismong araw ng pagsasanay, at ang kanilang mga pangamba ay sana maisalang-alang, sumunod na isinagawa ay ang paghanay ng alituntunin kung saan hinati sa dalawa ang grupo upang ilatag ang kanilang naiisip na alituntunin na dapat tandaan sa buong araw ng pagpapadaloy. Matapos ilatag ng bawat grupo ang kanilang mga naisin, iniulat nila ito sa mas malaking grupo upang buuin na ang mga alituntunin. Ang kagandahan ng prosesong ito ay nanggaling mismo sa mga kalahok ang alituntunn, kaya kung saka-sakaling lumihis ang mga kalahok dito, madaling ipaalala at ibalik sa kanila na sila ang nagkasundo na ipatupad ito: Mga Alituntunin Mag-concentrate sa pakikinig Tapusin ang training Magkakaroon ng team unity, cooperation, at participation

Figure 8: Training Introduction

Bilang tungtungan ng buong araw ng pagsasanay, sinimulan ang talakayan sa pagpapalakas ng kanilang kamulatan tungkol sa kanilang gender at ang malaking papel nito sa kanila bilang indibidwal, sa tahanan, at sa lipunan. Una munang pinamalas sa mga kalahok ang isang video tungkol sa sa pagkakahati ng papel ng lalaki at babae sa lipunan at implikasyon ng bigat nito lalo na sa kababaihan. Mula sa obserbasyon nila sa video, tinananong ang mga kalahok kung ano ang kanilang pananaw sa pagkakaiba ng gawaing pang-produktibo at reproduktibo sa pamamagitan ng paglatag ng mga ginagawa ng mga babae, at hindi ginagawa ng mga babae. Lumabas sa kanilang obserbasyon ang mga sumusunod: Ginagawa Di Dapat Ginagawa

Dapat lagyan ng sapatos ang lalaking asawa; Hindi dapat magpabay; magtulungan sa problema obligasyon na asikasuhin ang mga anak Magluto ng pagkain para sa pamilya Hindi dapat mag-inom ng alak Tumulong sa paghanap-buhay Hindi dapat mag-araro sa sakahan/ magtrabahao sa bukid

Pagmamahal, pag-aaruga, at pag-aalaga sa Hindi dapat gawan ng kahayupan pamilya Maglinis ng bahay, maglaba, magluto, magplantsa Hindi dapat magpaka-martir Dapat para sa pamilya ang kita. Hindi dapat magbisyo pag may pamilya na.

Mula sa gawaing ito, makikita na ang kanilang obserbasyon ay sumasalim sa kanilang realidad. Marami sa mga halimbawa ay aktwal na nararanasan o ginagampanan ng mga kababaihan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ngunit, kelangan ding bigyang-pansin na ang mga kalahok, bagamat ay nakakahon pa rin ng kanilang gender role, may ilan na mataas na ang kamulatan, patunay dito ang pagsabi na ang mga babae ay hindi dapat maging martir. Buhat sa pagkamulat sa kanilang mahalang papel na ginagampanan bilang mga babae sa lipunan, mas lalo pa naming pinalalim ang pagkilala nila sa kanilang sarili sa pamamagitan ng isang personality assessment test. Ang pagsasanay na ito ay isang pagsusuri ng mga katangian at pag-uugali ng isang tao sa ibat ibang sitwasyon. Dito rin namin pinalabas ang kapasidad nila bilang mga pinuno sa organisasyon, at ang ibat ibang klase n glider. Ang Behavioral Patterns Inventory ni Dr.B. Hemsbergeen ay isinalin namin sa Filipino upang mas maintindihan ng mga kalahok, at magkaroon ng konteksto ng pagak-Pilipino (Tingnan ang Apendiks 4- BPI Form). Base sa gawaing ito, may apat na katangian na lalabas, ang A, O, C, S. Mga Katangian ng A,O,C,S
A ASSERTIVE & ACTIONORIENTED Independent Confident (SelfAssured) Optimistic Competitive Goal-Oriented Assertive Time PerspectiveImpatient High Need to Achieve May Overstate and Exaggerate Fast-Paced Direct Look, Few Smiles More Aware of Self Than Others Makes Own Decisions Talkative Risk Taker May Dominate May Be Ambitious Control Important O OUTGOING & SOCIABLE Dependent Caring Supportive Cooperative Outgoing and Responsive Gets Along Well with Others Warm and Sociable High Need to Affiliate Time PerspectiveFuture May Act Impulsively Emotional (Show Feelings) More Aware of Others Rely on Opinions of Others Seeks Recognition From Other Yes, When Should Say No Animated Gestures Need to Be Needed Trust People Implicitly C CONTROLLED & DISCIPLINED Objective Determined Self-Controlled Self-Sufficient Disciplined Analytical Accurate Strong Willed Reserved Socially Independent Withdrawn At Times Rely on Own Strengths Need Space Don't Push Strong Control of Feelings Cautious and Exacting Industrious and Strong Willed Evaluates Carefully Calm and SelfControlled Objective and Cool Rationale S STABLE & STEADY Soft-Spoken Patient and Reliable Careful and Cautious Sincere Loyal Agreeable Thoughtful Respectful Supportive and Quiet Dependent Good Listener Wait for Others to Initiate Want to Be Included Few Hand Gestures Warm and Smiling Gets All the Facts Needs Reassurances Accepting of Others Good Natured

Lumalabas na sa grupo, merong 1 A, 6 na S, 4 na O, 0 na C. Sa pamamagitan ng gawain ay nagakaroon ng linaw sa mga kalahok ang mga reaksyon, inasal, at mga desisyon ng bawat isa sa kanila sa mga nakaraang pagkakatiaon. Pinaliwanag din ng gawain, na sa ibat ibang sitwasyon ay maaaring magiba ang istilo ng bawat isa sa pagharap sa mga suliranin. Nakita rin sa gawaing ito ang profile ng samahan na kung saan mas marami sa kanila na pinapangalagaan ang relasyon sa isat isa, at ito ang nagiging sentro ng kanilang mga desisyon. Dito rin nagkaroon ng pagkakataon ng pagtanto ang mga kalahok istilo ng pamumuno ng isat isa at kung paano sa hinaharap, maaaring pakitunguhan ang isat isa.

Figure 9: Behavioral Pattern Inventory

Samahan SAMAHAN SARILI

Dito na sumunod ang pagsagawa ng team building exercise upang sukatin kung paano sila magtrabaho bilang isang team. Hinati ang mga kalahok batay sa resulta ng BPI, kung saan hiniwahiwalay ang isat isa upang magkaroon ang dalawang grupo ng lahat ng katangian ng AOCS. Dito rin mava-validate kung paano nga ba mag-work sa isang samahan ang may ibat ibang katangian ang miyembro. Sa pamamagitan lamang ng mga materyales na binigay, pinagawa ang mga grupo ng kanilang inaasam na bahay. Maliban sa dapat ito ay matino, dapat din itong matatag. Binigyan ng dalawang pagkakataon ang dalawang grupo na buuin ang bahay. Sa unang pagkakataon ay bawal magsalita lahat habang isinasagawa ang bahay, at sa sumunod na pagkakataon ay pinayagan ng dumaloy ang verbal na komunikasyon sa mga kalahok. Tatlong minuto ang binigay upang magplano ang mga kalahok sa kanilang balak, at limang minuto upan buuin ang kanilang pangarap na bahay.

Figure 10: Paggawa ng Bahay

Naging masigasig ang naging usapan ng mga kalahok tungkol sa nangyari. Malalim na pinag-usapan ang mga nagging success factors dun sa nagwaging grupo. Dito napagtanto ng mga kalahok ang kahalagahan ng pamumuno, time and resources management, division of labor, creativity, communication, kalinawan ng layunin, at pagiging realistic sa mga bagay-bagay. Nilagom ang gawain sa pamamagitan ng pag-stress sa mahahalagang katangian ng isang team: Shared values Interdependence Feelings expressed Commitment Interpersonal skills Consistency Intensity Trust Conflict resolution Listening Consensus Cooperation Focus on group success

Mula sa gawain, malinaw sa mga kalahok ang kahalagahan ng verbal na komunikasyon, kaya sinundan kaagad ang sesyon ng pagtalakay tungkol sa Kasanayan sa komunikasyon. Dahil sa dalawang beses na paggawa ng exercise, yung isa ang bawal magsalita, pinaramdam sa mga participants kung paano mag-operate sa isang samahang walang bukas na komunikasyon. Dito pinagtanto sa kanila ang kahalagahan ng bukas na kouniikasyon sa isang grupo. Nilagom ang sesyon sa komunikasyon sa isang statement: Meron Akong Nais Iharap at Ipaabot sa Inyo! MERON--- ang mensaheng nais ipaabot AKOng-- ang taong pinanggalinganng mensahe NAIS--- ang Kakayanang makipag-ugnayan at makipag-usap, ang kagustuhag makipag-ugnayan IHARAP at IPAABOT---ang dahilan kung bakit kailangan makipag-usap Sa INYO--- ang taong tatanggap ng mensahe

Sa pagkakataon din ito pinalago ang diskusyon ng ibat ibang pamamaraan ng komunikasyon sa kulturang Pilipino, at ang ibat ibang paraan ng pagtanggap at pagbibigay-tugon. Pinahalagahan din sa usapan ang malaking papel ng epektibong komunikasyon sa isang organisasyon.

Komunidad KOMUNIDAD SAMAHAN

SARILI

Mula sa pagpapalalim ng pagkilala ng kanilang mga sarili, patungo sa pagtukoy sa ibat ibang pamamaraan ng pagpapalakas ng kanilang organisasyon, pinadaloy ang mga pangyayari sa pinakamalaking papel na kanilang ginagampanan bilang mga lider ng kanilang komunikad. Sinimulan ang paglalagom at repleksyon sa pamamagitan ng pagbalik sa mga kalahok sa sitwasyon ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagpapakita ng ibat ibang larawan ng pang-araw araw na buhay sa kanilang sitio. Sa pamamagitan nito, nanumbalik sa bawat kalahok ang pinakadahilan kung bakit sila nabuoang ipagtanggol at ipaglaban ang lupaing kanilang kinatitirikan. Dito na tinungtungan ng grupo upang hugutin ang damdamin ng mga kalahok at kunin ang kanilang commitment sa patuloy nilang pakikipaglaban. Ang sumunod na ginawa ay pagkuha ng kanilang mga personal na commitment: Patuloy na pakikibaka- Perlisita Magallano

Kahit mahirap patuloy pa rin Zamima


Ipagpatuloy ang laban at magtulungan- sa hirap at ginhawa at suportahan ang bawat isa letecia bayaban

Patuloy kong ibabahagi ang aking serbisyo para sa mission,vision, at goals n gaming samahan hanggang sa abot ng aking makakaya- Vilma
Handa akong sumoporta para sa ikakaunlad ng asoseyono sa samahan- charlita parreno Paghahangad na makamtan ang kahilingan- Gemma Mananatili akong maging gabay at huhubog sa mga kabataan sa sitio Masigasig. Hanggat kayak o hindi ko ititigil ang nasimulang layunin ng samahan, simbahan, at daycare. Walang Iwanan!- Teacher Neri Patuloy na makibahagi tungo sa ikakaganda ng komunidad at simbahan-ate zeny Patuloy

na lalaban hanggang sa huling laban upang makamit ang lupang minimithi chai l. samillano
Patuloy na susugan ang lahat ng pangangailangn ng asosasyon tungo sa ikabubuti ng lahat. Ipagpatuloy ang nasimulan- Carmelita Cameron

Nakahandang tumulong para sa ikauunlad ng aming samahan. Susuporta sa physical at financial. Hanggang sa matapos ang problema naming sa tinitirahan Yolanda

Ang samahan ay nasa patuloy pa na pagpapalakas ng kanilang organisasyon lalo na ngayong humihina ang kanilang kaso sa Supreme Court, at mas dumadami ang mga organisasyong may kadudadudang interes sa lupain sa Sitio Masigasig. Ang pinakamalaking hamon sa ngayon ay ang mga banta sa samahan at kinabukasan ng organisasyon dahil sa pakikialaman ng ibat ibang sektor na may interes sa lupa sa Sitio Masigasig. Dahil dito, dapat na patuloy ang pagpapalakas sa kakayanan ng mga kababaihan upang mapakinggan ang kanilang boses sa mga desisyon ng samahan.

Figure 11: Ibat ibang eksena sa araw ng pagsasanay

IV. PAGTATAYA
Patuloy kong ibabahagi ang aking serbisyo para sa
mission,vision, at goals ng aming samahan hanggang sa abot ng aking makakaya- Vilma

Dalawang lebel ng pagtataya ang ginawa ng grupo. Ang pag-kumusta ng kanilang pakiramdam sa buong maghapon, at ang pre-and post-evaluation bilang pagtaya sa kabuuang proseso ng training. A. Kumusta Ka?

Ito ay isinagawa upang masukat ang nararamdaman ng mga kalahok sa ibat ibang panahon ng pagsasanay. Dito kasi makikita ang level ng energy at matatantya ang level ng participation ng mga kalahok. Ang mga sumusunod ay ginamit na simbolo: Masaya Malungkot Bored

Mga Resulta: Bago ang Pagsasanay Masaya

Bored

Malungkot

Tanghalian Masaya

Bored

Malungkot

Matapos ang Pagsasanay Masaya

Bored

Malungkot

Mapapansin na sa pangkalahatan, ay nanatiling masaya ang mga kalahok sa kabuuang araw ng pagsasanay. B. Pre-Training Evaluation Bago magsimula ang pagsasanay, binigyan ng pre-training evaluation ang mga kalahok. Nilalayon nito na sukatin ang kanilang level ng kaalaaman sa ibat ibang paksang tatalakaying sa maghapon (Tingnan ang Apendiks 6- Pre Training Evaluation Form). Ang tseklist ay hinati sa apat ayun sa: 1234Wala pang kaalaman/kasanayan May kaunting kaalaman/kasanayan May sapat na kaalaman/kasanayan Bihasa sa kaalaman/kasanayan

Makikita sa table sa ibaba ang resulta ng pre-training evaluation: Kung susukatin, gaano kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa usaping gender? 1 + 2 +++++++++++ 3 4 ++

Kung susukatin, gaano kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa usaping epektibong pamumuno? 1 ++++ 2 +++++++ 3 + 4 ++

Kung susukatin, gaano kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa usapin ng mabisang pakikipagugnayan/ komunikasyon? 1 ++ 2 +++++++++ 3 4 +

Kung susukatin, gaano kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa na gumawa/magtrabaho bilang isang samahan (working as a team)? 1 ++ 2 +++++++ 3 ++ 4 ++

Makikita sa panimulang pagtataya na karamihan sa mga kalahok ay meron ng kaunting kaalaman tungkol sa mga paksang pag-uusapan. Pinapatotoo nito ang mga nabanggit nilang training mula sa info sheet, at mula sa mga pakikipag-usap sa kanila kung nakadalo na ba sila sa mga pagsasanay tungkol sa pagpapalakas ng kanilang samahan. Nabanggit ng mga kalahok na may pailan-ilan na ring grupo ang pumunta/ ang kanilang pinuntahan upang dumalo sa isang pagsasanay. C. Post-Training Evaluation Ang post-training evaluation ay nagtanong lamang ng dalawang bagay- kung naragdagan o walang nagbago sa kanilang mga kaalaman sa mga paksa sa pagsasanay. Bilang pagpapatunay dito, ang mga kalahok ay hiningan din ng mga paliwanag kung paano nila ito nasabi (Tingnan Apendiks 7- Post Training Evaluation Form). Sa dulo ng questionnaire, ay may mga katanungan din tungkol sa masasabi/ suhestiyon ng mga kalahok sa facilitators, venue, daloy ng talakayan, at iba pa. Ang mga sumusunod ang resulta ng post-training evaluation: 1. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng gender ay: Naragdagan Hindi Nabago ++++++++++++ Mga Paliwanag: - Nalaman ko ang main role ng isang babae na di lamang ito sa bahay lang at sunud-sunuran sa ka asawa kundi may karapatan gawin ang kagustuhan at dapat may unawaan ang mag-asawa - Natutunan ko ang tamang proseso na mapataas ang pagkilala ko sa karapatang pantao at panlipunan - Depende to at kung paano magamit ang iyong gender - Nalaman ang karapatan ng bawat isa, maging lalaki o babae ka man - Ngayon ko lang nalaman ang kaibahan ng gender sa sex - Dito ko natutunan ang mga bagay na dapat ay magkaroon ng pantay-pantay na pakikitungo mapababae man o lalaki. - Ang gender, kultura, panlipunan tinuturo, tinutukoy - Nalaman naming ang kahalagahan ng pagiging pantay ng lalaki at babae sa kahit ano mang bagay

2. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng epektibong pamumuno ay: Naragdagan Hindi Nabago +++++++++++ + Mga Paliwanag: - Bilang lider, tungkulin ko rin na pakinggan ang nilang sabihin o ipaabot - Hindi ko tinalikdan hanggang matapos ang pag-aaral, andito ako - Na dapat magkaroon ng tamang kaalaman upang mamuno - Dapat malaman ng bawat isa ang karapatan - Nalaman naming kung anong klase ang bawat isa. Bawat tao may kanya-kanyang katangian - Dapat palinawagan ng mabuti ang mga samahan - Natutunan ko paano maging pinuno at miyembro - Dahil nadagdagan ang kaalaman ko kung paano nakakapekto ang behaviour ng isang tao ka kung paano tumatayo bilang lider

3. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng mabisang komunikasyon/pakaikipag-ugnayan ay: Naragdagan Hindi Nabago +++++++++++ + Mga Paliwanag: - Karapatan kong ilabas ang aking saloobin basta makakabuti sa organisasyon - Dahil sa pamamagitan nito ay nadagdagan ang aking kaalaman sa pakikipag-ugnayan - Dapat isaalang-alang o dapat nasa tamang timing ang dapat sasabihin Dapat buo ang loob ng bawat isa - Dahil ditto nakilala naming ang mga sarili - Kung walang communication ang bawat isa, walang tatag ang samahan - Natutunan ko kung paano maibahagi ang salita sa mga tao nang di masaktan o anupaman - Mas naintindihan ko ang kahalagahan ng komunikasyon, na ang pakikipagkomunikasyon ay kailangang malinaw, maging sensitibo at isiping mabuti ang mensaheng nais iparating at isaalang-alang kung paano ito maipararating

4. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng kolektibong paggawa/pagtatrabaho bilang isang grupo: Naragdagan Hindi Nabago +++++++++ ++ Mga Paliwanag: - Basta sama-sama, walang hindi kayang gawin, at kailangan ang tiwala ng bawat isa - Na dapat maging mapagpasensya upang matapos ng tama ang Gawain - Kailangan ay pagkakaisa at pag-uunawaan - Dapat may plano, may task bawat isa, at may leadership - Ang pagtutulungan ng bawat isa - Kailang ang masusing pagpaplano, pagkakaisa, pakikinig at pagutulungan, pagbabahagi ng kaalaman

5. Iba pang suhestiyon/ reaksiyon: Facilitators Venue Maayos kahit na maulan Tumutulo kasi umuulan, butas ang bubong pero masaya Lahat magaling at malinaw ang bawat topic na nilatag Salamat sa grupong nandito, nadagdagan ang kaalaman ko sa. Susulong ako, para sa atin ito! Maganda/malinaw magpalliwanag Magaling! Mahusay! Okey naman Maliwanag ang pag-isplika hindi boring. Masaya sila! Maayos naman po Good job!

Daloy ng talakayan Lahat nagkakaroon ng kooperasyon at partisipasyon Madaling maunawaan, malinaw Masaya Masay at makabuluhan Maliwanag sa lahat

Iba pa -

keep up the good work! Di ako nakapaglaba Hindi ako nakapaglaba, sabagay may lagnat ako, masama pakiramdam pero ok lang Basta, ok na ok!

Malinaw sa post evaluation na nadagdagan ang kaalaman ng mga kalahok. Ang usapin ng gender ang may pinakamalaking impact kung saan lahat ng kalahok ay nag-indicate na nabago ang kanilang pananaw/ kaalaman. Dito mapapansin ang pagdiin ng mga kalahok sa karapatan ng mga kababaihan, na hindi dapat iba sa tinatamasa ng kalalakihan. Sa usapin naman ng pamumuno, napagtanto ng karamihan ng mga kalahok kung paano nakakaapekto ang behavior ng isang tao sa kung paano sya tumayo bilang isang lider. Nabigyan din ng halaga ang recognition na bawat tao ay may kanya-kanyang katangian at dapat itong igalang. Samantala, ang kaalaman sa komunikasyon ay maibubuod ng isang reaksyon ng isang kalahok na mas naintindihan ko ang kahalagahan ng komunikasyon, na ang pakikipagkomunikasyon ay kailangang malinaw, maging sensitibo at isiping mabuti ang mensaheng nais iparating at isaalang-alang kung paano ito maipararating. At bagamat may dalawang kalahok ang nagsabing walang nagbago tungkol sa kaalaman nila sa kolektibong paggawa, mahalagang bigyan pansin ang napagtanto ng mga kalahok tungkol sa kahalagahan ng plano, tasking, leadership, pakikiisa at pag-uunawaan, at pagbabahagi ng kaalaaman.

V. PAGKATUTO
Ipagpatuloy ang laban at magtulungan- sa hirap at
ginhawa at suportahan ang bawat isa Letecia Bayaban

Elemento Training

Strengths - Ang Pagsasanay ay hindi naging hadlang para sa mga productive at reproductive work ng mga kababaihan sa komunidad ( hal. Napakain at bantayan ang mga anak dahil hindi sila lkinailangang lumayo sa komunidad. Dama ng grupo ang pagbibigayan sa komunidad laluna sa kanilang samahan bilang magkakapit-bahay at kabilang sa iisang organisasyon

Weakness - Ang mga kalahok ay may pagaalinlangan sa pagsagot at pagtukoy ng mga sensitibong isyu ( hal. Rhema, Master Villena) at bagay-bagay sa kanilang komunidad - Pero makikita pa rin ang pagdodomina ng ilang tao sa komunidad. - Kailangan pa rin ng mas malalim na usapan at pagsasanay sa usapin ng pamumuno, pagsasakapangyarihan at isyu ng gender. - Ang balangkas ng pagsasanay ay nakabase sa isang classroom type or traditional training venue na kung saan kinakailangan ito ng mas malawak at malugar na espasyo upang makagalaw at makakilos ng maayos ang mga kalahok sa workshop at SLE na gagawin ng bawat facilitator; ang venue na pinagdausan ng pagsasanay sa Sitio Masigasig ay hindi angkop sa mga topics dahil may kaugnayan ang mga tatalakayin sa mabisang komunikasayonpero hindi naman magkarinigan dahil maingay ang generator na ginagamit dahil walang supply ng kuryente ang komunidad. - Dagdag pa dito ang mayat-mayang pagdaan ng mga eroplano sa himpapawid, ang mga batang naglalaro at nagsisigawan sa gilid ng daan, mga usok na nagmumula sa isang gilid ng kalsada dahil sa may nagtitinda ng inihaw na barbecue at hotdog Mga kalalakihan at kababaihang nagsasaya at nag-iinuman dahil sa ang isang kaibigan ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit hindi naging kaaya-aya ang lugar ng pagsasanay. Projection - Hindi natantiya ang posibilidad ng pagulan, na nagdulot ng minsang pag-antala ng pagsasanay.

VENUE - Dahil sa kalagayan ng Lugar (venue) naging malikhain ang grupo upang maituloy at maisagawa ang pagsasanay sa mas simple at nakakaaliw na paraan.

KALAHOK - Ang mga kalahok ay malayang lumahok at nakibahagi sa proseso ng paghahanda at pamamahala ng pagsasanay. Nagbahagi ng mga karanasan, kuro-kuro at mga ideya ukol sa mga usapin na tinalakay sa pagsasanay Hindi naging hadlang ang antas ng edukasyon upang magkaroon ng mabunga at mapanlahok na talakayan Naging daan din ang pagsasanay upang ma-balanse at ang mga isipan at kuro-kuro ukol sa usapin sa RHEMA ( ang pag-iisip na posibleng ito ay bumubuo ng isang grupo ( antiRhema)

May ilang mga kalahok ang hindi masyadong nakapag tuon ng kanilang mga atensyon sa pagsasanay ang hindi masyadong nagbigay ng at dahil sa mga Ang mga kababaihang lider ay may konsepto ng pamumuno, subalit, ang esensya nito ay may kakulangan sa pagigiit ng kanilang mga karapatan bilang babae at kasapi ng samahan. Ang kasabihan nga Mulat ang Mata pero TIKOM ang BIBIG. Ang mga Kalalakihang lider ay may mataas na pagtingin o pagkilala sa kanilang kakayahan ( Power relation ) kung kayat ang mga kababaihang lider ay may limitasyon sa pakikilahok at kakayahan

NILALAMAN: Ang mga paksang tinalakay sa pagsasanay ay ma daling naintindihan ng mga kalahok sa kadahilanang ito ay ibinahgi sa salitang kanilang naiintindihan at nauunawaan. Nagkaroon ng dagdag na kalaman sa usaping pansarili, pang-organisasyon at pangkomunidad na maaaring magamit sa kanilang araw-araw na pakikilahok at pakikipamuhay sa bawat isa. May limistasyon na hindi maibahagi ang mga naka-planong gawain para sa bawat paksa sa kadahilanang may pagbibigay konsiderasyon sa mga gawain at oras ng mga kalahok

PROSESO: Ang proseso ng pagsasanay ay magkahalong lektura at SLE ( structured learning experience) upang mas lalong timimo sa kanilang mga kaisipan ang mga paksang tinalakay. Isa sa naging proseso ngpagsasanay ang paglikha ng mga kalahok ng sariling House rules na siyang tuntungan sa buong araw ng pagsasanay . Naging daan ito upang magkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na sundin ang mga nakasaad sa kasunduan sa kadahilalang sila mismo ang naglatag ng mga ito sa plenary at pinagkasunduan. Isa rin sa naging proseso ang paglalagay ng Smiley face, boared at malungkot sa simulate, kalagitnaan at pagkatapos ngpagsasanay dahil mas nasukat ang kondisyon at nararamdaman ng mga kalahok at nakapagbigay ng pahiwatig sa mga facilitators kung may kinakailangang baguhin sa paksa, kondisyon at iba pa (flexibility of facilitators). May magandang kombinasyon ang grupo sa kadahilalang lahat ng mga kalahok sa grupo ay may ibat-ibang sector na pinanggalingan, mayroon sa media, gobyerno, women, elderly at spiritual na karanasan at kasanayan. May pagkakataon na hindi nagkaintindihan laluna sa usapin ng oras ng pagkikita sa isang lugar na minsan ay naging sanhi ng pagkaantala ng grupo. Walang pag-uusap ang mga miyembro ng grupo at pagsasara sa mga isyu ng bawat isa. Hindi nasunod ang oras na itinakda para sa pagsasanay sa kadahilanang mayroon pang mga gawain na nakapila tulad ng misa at general assembly ng grupo. May pagkakataon na kailangang paikliin ang mga paksa pati na rin ang mga lektura at workshop sa kadahilanang may paglakas ng ulan at ang mga kalahok ay atubili na rin na ito ay matapos.

Grupo

Mayroong iisang hangarin at layunin na makapagmulat at maitaas ang antas ng kaalamaan ng bawat isa laluna nsa usapin at isyu ng komunidad. Mayroong pagtutulungan sa gawain at paghahati-hati ng trabaho, hindi naging hadlang ang kakulangan at limitasyon sa oras ng ibang kasapi ng grupo maisagawa ang pagsasana. May pagkilala sa kakayahan ng bawat isa laluna na sa simula pa lang ang isa sa mga kasapi ng grupo ay may mga kaalaman na sa isyu at suliranin sa komunidad na siyang naging basehan upang magkaroon ng pagpapalagayang loob sa grupo at sa komunidad ( levelling off) Napanatili ang maayos at matatag na ugnayan sa grupo, naging sensitibo din sila sa pagtugon sa mga pangangailangan ng grupo. Mapanlahok din sila sa mga talakayan, usapan at pagpaplano ng gawain . Mayroon din silang kusang palo sa mga gawain tulad ng paghahanda ng lugar na pagdadausan at pagseseguro ng mga kalahok, generator at iba pa. Mayroon intension na matuto at maisagawa ang mga natutunan sa pagsasanay. May boses na mailahad ang kanilang saloobin at naisin sa pagsasanay. May mga reserbasyon ang mga kalahok /lider sa pagsasabi ng kanilang mga kuro-kuro at ideya sa isyu at usapin sa komunidad at organisasyon. May agam-agam na makalikha ang pagsasanay ng dibisyon na maghahati sa organisasyon ng NMSMI

Partners

VI. PAGSUSURI AT PAGNINILAY


Patuloy na lalaban hanggang sa huling laban upang
makamit ang lupang minimithi Chai l. Samillano

Kapitalismo at ang Mga Paghaharing-Uri Ang usapin ng lupain ay usapin ng kapangyarihan- usapin ng mga naghaharing-uri at pinagsasamantalahang uri. Ito ay usapin ng kapitalismo (http://tl.internationalism.org/node/155, accessed 20 October 2011). Kung susuriin, ang mga pangyayari sa Sitio Masigasig ay luma ng isyu. Matagal at marami ng mga ganitong pangyayari sa ibat ibang lugar at sa buong kasaysayan ng Pilipinas. Mapapansin na ang kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng tunggalian sa pagitan ng iilang naghaharing uri at malawak na masa ng sambayanang inapi at pinagsamantalahan. Bago pa man dumating ang mga kolonyalistang Espanyol sa Pilipinas, may umiiral na tatlong sistema ng lipunan sa Pilipinas: mala-alipin at malakomunal, pyudal at primitibong komunal. Ang sistemang mala-alipin at komunal ang pinakalaganap na sistema ng lipunan sa kapuluan bago dumating ang kolonyalistang Espanyol. Umiral ang sistemang ito sa mga baranggay. Bawat baranggay ay may ilandaang katao at tiyak na teritoryo. Sa mga baranggay, may dalawang anyo ng pagaari sa lupa. Una ang pribadong pag-aari ng mga raha at datu (pinuno ng mga baranggay), ng pamilya nila at ng mga maharlika o malayang mamamayan. Ikalawa, ang komunal na pag-aari na pinamahalaan ng raha at datu sa ngalan ng buong baranggay. Nakalalamang sa pakinabang sa mga lupang komunal ang mga raha, datu at kanilang angkan dahil sa sinisingil nilang upa sa lupa sa anyo ng tributong panrelihiyon. May mga timawang nagsasaka sa mga lupa ng mga naghahari at maharlika. Nagbabayad ng upa sa lupa ang mga timawa. Mayroon ding mga alipin na nagtrabaho nang walang tiyak na hati sa ani. Samantala, ang pyudal na sistema ang pinakamaunlad na sistema ng lipunan sa Pilipinas. Umiral ito sa mga sultanatong Moro sa Mindanao at Sulu. Mas maraming tao at mas malaking teritoryo ang sakop ng bawat sultanato kaysa ng baranggay. Ang naghaharing uri ay binubuo ng mga sultan, datu at mga pamilya nila. Ang mga sultan ay nakapangingibabaw sa ilang datu. Sila ang namamahala sa mga lupang komunal bukod sa lupang pag-aari nila. Nangongolekta sila sa mga magsasaka ng upa sa lupa sa anyo ng buwis sa relihiyon. Pinagsisilbihan sila ng mga guro sa relihiyon, eskribyente at pinunong mandirigma. Ang piyudal at primitibong komunal naman ang pinakamababang anyo ng organisasyon ng lipunan.Umiral ito sa tribo ng mga Ita. Ditoy walang pribadong pag-aari sa lupa. Nabubuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangingisda, pangangalap ng pagkain at pangangaso sa gubat. Lahat ng makapagtatrabaho sa tribo ay sumasama sa paghahanap ng makakain at pinaghahatian ang nakakalap. Nang dumating ang mga Espanyol, ipinatupad ang dalawang pangunahing paraan para palaganapin at patatagin ang pyudalismo sa Pilipinas. Una, ang sistemang enkomyenda na sinimulan noong 1570 at, ikalawa, ang sistemang asyenda na ipinatupad noong huling bahagi ng ika-18 siglo.

Ang mga enkomyenda ay malalawak na lupaing kaloob ng haring Espanyol sa mga opisyales at ordeng relihiyoso sa kolonya. Kapalit ang mga ito ng serbisyo nila sa pagsakop sa Pilipinas. Ang enkomyenda ay binubuo ng pinagsama-samang nilupig na mga baranggay, na naging mas malalaking yunit sa ekonomya at administrasyon. Dito, ipinatupad ang pyudalismo. Layunin at tungkulin ng mga enkomyenda ang pagpapadali sa koleksyon ng buwis, pagpapatupad sa polo o sapilitang paggawa at indoktrinasyon ng mamamayan sa Kristyanismo. Kinasangkapan ito para makapang-agaw ang mga kolonyalista ng malalawak na lupain. Inangkin ng mga kolonyalista ang mga sakahang matagal nang binubungkal. Pinagbayad ng upa sa lupa ang mga magsasaka rito. Lahat ng mga lupang di sinasaka ay itinuring na pag-aari ng haring Espanyol. Sapilitang pinagtrabaho ang mga magsasaka sa paghahawan ng mga gubat para palawakin ang lupaing pag-aari ng mga kolonyalista. Pati ang mga dating maharlika ay bumagsak sa katayuang timawa. Binuwag ang mga enkomyenda noong ika-17 siglo. Ipinalit ang mga probinsya bilang sistema ng administrasyon. Ginawa ito para pahigpitin ang pagpapatupad ng mga batas ng Espanya sa pag-aari ng lupa at para bawasan ang banggaan ng mga panginoong maylupang kleriko at sibil. Bunga nito, lalong tumindi ang pagsasamantala at ang pangangamkam ng lupa. Malawakan na noon ang pribadong pagmamay-ari ng mga kolonyalista sa lupa. Samantala, sa kalagayan ng sistemang asyenda, iniutos ang malawakang pagtatanim ng mga halamang ibebenta sa mga kapitalistang bayan. Pinalaganap ang pagtatanim ng tabako, tubo, abaka, indigo at iba pa. Kasabay nito, binuksan ang mga daungan ng Pilipinas sa mga barko ng mga kapitalistang bayan sa Europa at ng United States. Para pabilisin ang daloy ng mga produkto mula sa ibat ibang bahagi ng kapuluan, itinayo ang mga riles ng tren, bagong daungan, bagong kalsada, at ang sistema ng komunikasyon. Dahil dito, lalong pinahigpit ang pagpapatupad ng pwersahang pagtatrabaho. Dumalas ang paghahakot sa malalaking bilang ng mamamayan para magtrabaho sa malalayong lugar. Sa sistemang asyenda, lalong tumindi ang pagsasamantalang kolonyal at pyudal. Nagdikta ang mga Espanyol ng kota sa aanihing mga pananim para sa eksport. Pwersahan ding binili ang mga ito sa napakababang presyo. At mas malaking produktong sarplas ang kinuha sa mga magsasaka sa anyo ng buwis sa lupa at parte sa ani. Ginawang monopolyo ng gubyernong kolonyal ang pagbili sa mga pananim na ito. Lumubha ang pang-aagaw ng lupa dahil nais ng mga panginoong maylupa na makinabang nang husto sa pagbebenta ng mga pananim na komersyal. Sa sistemang asyenda rin nagsimula ang sistemang kasama. Ipinaupa ng mga prayle at upisyal na Espanyol ang mga asyenda sa mga arendero (lokal na panginoong maylupa). Ipinarsela sa mga sakahan ang lupa at ipinatrabaho sa mga magsasaka sa kundisyong hatian ng ani. Isa pang resulta ng sistemang asyenda at ng pagsigla ng kalakalang panloob at panlabas ay ang paglitaw ng usbong ng uring manggagawang Pilipino. Lumitaw din ang usbong ng burgesyang Pilipino na binubuo ng mga komersyante at ng mga anak nilang nakapag-aral sa kolehiyo (Kasaysayan ng Pilipinas, http://nacierbesa.wordpress.com/2011/04/29/kasaysayan-ng-pilipinas/, accessed 20 Oct 2011).

Nagpatuloy ang ganitong sistema hanggang dumating ang mga Amerikano at Hapon. Ibig sabihin, patuloy pa rin ang mga pang-aaping nagaganap dala ng sistemang piyudal. At dahil sa matinding pagsasamantala at pang-aapi sa kanila, nagsimula ng lumaban ang mga maralita ng kanayunan sa mga panginoong maylupa at sa buong naghaharing sistema. Madugong panunupil sa pamamagitan ng mga militar, pulis, paramilitar at pribadong armado at paggamit ng panlinlang sa anyo ng mga huwad na reporma sa lupa ang laging nagiging tugon ng mga naghaharing uri. Sa pagdaan ng panahon, nagiging mas tuso at masahol ang mga pakunwaring reporma sa lupa ng mga naghaharing uri. Sa panahon ni Macapagal, ipinangalandakan na tatapusin na ang buong sistema ng pakikikasama sa palayan at maisan, subalit marami ang butas sa batas para makaiwas dito ang mga panginoong maylupa. Sa panahon ni Marcos, dumami pa ang butas sa batas at nagsabwatan ang mga burukrata at mga asendero para pataasin ang halaga ng lupa at gawing imposible para sa mga magsasaka ang ganap na amortisasyon. Sa panahon ng rehimeng Cory Aquino, lalo pang naging masahol kaysa sa bogus na programa ni Marcos ang umanoy Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Itinaguyod ang mga imbing prinsipyo ng boluntaryong pagbenta ng mga asendero ng lupa, pagtatakda na ibig sabihin ng makatarungang kompensasyon ay kasalukuyang presyo ng lupa sa palengke, stock distribution option o pamamahagi ng sapi sa korporasyong kontrolado ng asendero at kumbersyon o pagbabago ng klasipikasyon ng lupa mula sa agrikultural tungo sa di-agrikultural, tulad ng residensyal, komersyal, industriyal at eko-turista. Ginamit ang tinaguriang kumbersiyon para ipawalang saysay ang mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA), Certificate of Land Transfer (CLT) and Emancipation Patent (EP) na ipinamahagi ng rehimeng Marcos (Prop. Jose Maria Sison, Mensahe ng Pakikiisa sa mga Maralita sa Kanayunan ng Timog Katagalugan, April 26, 2010. http://www.josemariasison.org/?p=42, accessed 20 Oct 2011). Kahit mahigit 100 taon ng pormal na nadurog ang pyudal na kaayusan sa bansa, pumalit naman dito ang mahigit 100 taon ng paghaharin ang uring kapitalista sa bansa. Mahigit 100 taon ng kapitalismo ang sistema ng Pilipinas. Kung ikumpara sa antas ng pandaigdigang kapitalismo ay isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas, hindi pa rin nito maaring itago ang realidad na ito ay isang kapitalistang bansa. Ang pagiging atrasado ng Pilipinas ay hindi pa dahil pyudal pa rin hanggang ngayon kundi dahil wala ng kapasidad ang pandaigdigang kapitalismo na nasa yugto na rin ng kanyang pagbulusok-pababa mula ng pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong 1914 na paunlarin pa ang kapitalismo ng bansa. Ang kaaway ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kasalukuyan ay hindi na ang mga tradisyunal na panginoong maylupa tulad noong unang panahon kundi mga kapitalistang panginoong maylupa na. Ang mga makabagong kapitalista na siya ring pilit na namamantala sa mga taga-Sitio Masigasig. Ang Pamilyang Balwart, na syang umaangking may titulo ng kinalalagakan ng lupain ng sitio sa ngayon. Sianasbing hawak nila ang titulo, na mula pa sa kaninunuan nilang mga Espanyol, na siya rin umanong nagmamay-ari at may hawak ng titulo ng buong Pilipinas. Malakas ang paniniwala ni Master sa balwarte ng mga Balwart dahil nakita nya raw mismo ang mga titulo, na noong panahon ni Marcos ay pinaghatihatian ng kanyang mga cronies. Sinasabi rin ni Master na sa dahil hawak ng mga Balwart ang zoning and land use plan ng area, sila ang may inherent right dito.

Makailang beses na sinabi ni Master na alanganin ang kanilang kaso kaya wala ng kwentang ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Abiso na mismo ito ng mga abogado sa Supreme Court, at mga abogado ng RHEMA. Dahil dito, mariing sinusulong ni Master ang pagkolekta ng perang hinihingi ng RHEMA upang masiguro ang proteksyon nila mula sa demolisyon, at matulungan silang ipaglaban ang kaso sa hukuman. Dito na pinairal ni Master ang kanyang pagiging master, na kung turinging mga alipin ang kanyang mga sinasasakupan ay hinihingan ng P 800 bawat isang miyembro upang malikom ang kabuuang halagang P 50,000. Ang paghingi ng halagang ito ay hindi dumaan sa konsultasyon at proseso, pinatawag na lamang ni Master ang mga miyembro para sa isang General Assembly kung saan pwinersa nya ang koleksyon sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga pangalan ng mga naka-ambag na, at pagbigay ng takda sa iba pa. Maaring tingnan sa dalawang lente ang power dynamics and relation sa komunidad- internal at external. Sa internal na usapin, nandyan ang pagiging dominante ni Master sa mga desisyong pangkomunidad. Si Master, na isang dating master sergeant sa militar ay pinaiiral pa rin ang proseso at konseptong militar- matindi ang tingin sa posisyon. Sa external na usapin, maraming kailangang pakisamahan ang komunidad. Una na nga dito ang nabanggit na pakikialam ng RHEMA. Maliban dito, andiyan din ang interes ng mga Balwart na kamkamin ang piraso ng lupa na sinasabi nilang kanila. At higit sa lahat, ang pamahalan sa pamamagitan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, na may mga sundalo pang tinalaga sa lugar upang magbantay. Ito ay padala ng pamahalaan upang manmanan ang kagalawan sa komunidadang pamahalaan na siyang dapat nag-aalaga at nangangasiwa sa mga pangangailangan ng barangay, ang siyang pamahalaan na pumutol ng mga basic na services katulad ng tubig at kuryente. Bagamat nangako ang lokal na pamahalaan na tugunan ang kanilang mga pangangailangan, hanggan sa ngayon ay wala paring nangyayari. Ang suspetsa ng taumbayan ay ang pagpapanatili ng mabuting relasyon ng kanilang Mayor sa mayayamang naghahari-harian na nag-aangkin ng lugar dahil ang pamilya ng Mayor ay mayroon ding interes sa lupa. Sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, muling uminit ang usaping lupa, sapagkat ang mga Aquino ay nagmamay-ari ng malalawak na lupain sa Tarlac na nasasakupan ng programang pang-agraryo. Noong Mayo, bumalangkas ng plano ang Aquino Administration para solusyunan ang problema sa informal settlers. Ayon sa Pangulon, paglalaanan nila ng lupa ang 560,000 na pamilya; onethird lamang ito sa kabuuang 1.4 million squatters sa buong bansa. Ito ay kasunod na rin ng imbentaryo ng Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may 1.5 million hectares na lupain ang gobyerno na maaari na nitong magamit sa naturang proyekto. Sinabi pa ng pangulo na bibigyan nila ang bawat pamilya ng tig-dalawang ektaryang lupain kung san maari nila itong magamit para pagtirhan at taniman na magsisilbing kanilang hanapbuhay (560,000 informal settlers sa Metro Manila, pagkakalooban ng gobyerno ng libreng lupain, 10 May 2011, http://www.rmnnews.com/beta/news/national/14077-560000-informal-settlers-sa-metro-manilapagkakalooban-ng-gobyerno-ng-libreng-lupain.htmls, accessed 20 Oct 2011).

Sinuportahan din ito ng mga pahayag ng Panglawang Pangulo ng Pilipinas na siya ring namumuno sa National Housing Authority (NHA) na nagsabing maliban sa pina-igting na pakikipagugnayan at pakikipag-tulungan sa mga LGUs para sa pagpapatupad ng mga proyektong pabahay, mayroon din silang sector-specific housing programs gaya ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police Housing Project at housing program para sa mga katutubo. Ang AFP/PNP housing program, na pinaglaanan ni Pangulong Aquino ng apat na bilyong piso ngayong taon, ay naglalayong magpatayo ng 21,800 housing units. Mahigit walong libo rito ay nasa ibat ibang stages of development sa Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal, at ang iba nga ay nai-award na raw noong Hulyo. Subalit, idiniin pa rin ng Panlalawang Pangulo na bagamat ang NHA ang siyang nagsasagawa ng site development kasama na ang pagpapatayo ng mga bahay, at ang counterpart ng LGU ay lupa (Speech of Vice President Jejomar C. Binay during the Region IVA Pabahay Caravan, Filipiniana Hotel, Calapan City, Oriental Mindoro, 7 October 2011, 1 p.m. Posted: Tuesday, October 11, 2011, http://ovp.gov.ph/speeches.php?id=413), accessed 20 Oct 2011). Ang usapin ng lupa ay kontrobersyal. Masalimuot. Angusapin ng lupa ay usapin ng kapangyarihan, ng kapitalismo.

Pagsasaayos ng Alitan (Conflict Resolution) Ang isyu sa pag-aari at paghaharing-uri ay ugat ng maraming kaguluhan. Ang mga pangyayari sa Sito Masigasig ay magpapatotoo sa teorya ni Karl Marx sa Kapitalismo at pagmamay-ari (property) at conflict: Property is that over which one legitimately exercises exclusive control. It is a right granted by society (i.e., the state) to authoritatively exercise sovereignty over the property: to exclude others from it or to regulate them in its use. That property which is socially significant establishes a relationship of domination and subordination among people (e.g., property in slaves, in land or resources, or in capital). Of course property as sovereign control can be that which we can establish and protect with our own power. But with the growth of society, socially significant property is no longer a matter of personal strength, but of law. It is the power of the state that protects and grants exclusive authority. Thus property has no meaning in society except as defined in the state's law-norms. In essence, then, property ownership is an authoritative role; relations of property, as between worker and factory owner, are relations of authority at the state level. It is partially for these reasons that class conflicts emerging from such authoritative roles are struggles over state power. For ultimately, the class that controls the state controls property rights (Rummel, R.J. Understanding Conflict and War: Conflict in Perspective, Chapter 5, Marxism, Class Conflict and The Conflict Helix). Ugat ng Alitan Unang tiningnan ng grupo ang kaangkupan ng pagsasanay na isasagawa sa komunidad mula sa perspektibo ng mga tao, partikular ng mga kababaihang lider na syang napiling lalahok. Sa ginanap na training needs assessment, lumitaw ang ilang mga isyu na minarapat ng grupo na tugunan. Lutang at ilang beses na nabanggit sa naganap na mga diskusyon ang saloobin ng mga napiling kalahok ukol sa kanilang kawalan ng boses sa loob ng organisasyon. Sa ilang mga pagkakataong may kinakailangang mapagkasunduan ang buong organisasyon ay naiiwan ang mga kababaihang opisyales. Maging ang proseso ng paghingi ng mga mungkahi mula sa bawat kasapi ay malimit na hindi nagagawa sa loob ng organisasyon. Kapansin-pansin rin na hindi ganap na bukas ang linya ng komunikasyon sa panig ng pamunuan sa mga miyembro at maging sa ilang mga kabilang na opisyal na kababaihan. May ilan ring mga hakbangin ang organisasyon na sadyang inilingid ng ilang mga opisyales mula sa mga karamihan ng mga kasapi ng samahan. Nakasentro ang kapangyarihan ng pagpapasya sa iisang sangay lamang ng organisasyon na siya ring may control na salain ang impormasyon na naipapababa sa grupo.

Nakita ng grupo kung paanong ang mga pagkakatong ito ay nagiging sanhi ng mga hindi pagkakaunawaan at alitan sa loob ng samahan. Ang paglilingid sa mga kasapi ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa samahan at agam-agam sa mga isinusulong na kawsa ng kolektibong pagkilos ng samahan. Ito rin ang nagsasanhi ng paglamlam ng pakikilahok ng mga kasapi. Natukoy na maaring pinag-uugatan ng mga isyung ito sa loob ng samahan ang autocratic na istilo ng pamamahala ng pangulo ng samahan. Isang retiradong master sergeant mula sa hukbong katihan si G. Villena na tinutukoy bilang Master bilang paggalang. Naihalal siyang pangulo ng samahan mula nang ito ay na-organisa. Ang kanyang pinanggagalingan marahil ang sanhi ng istilo ng pamamahalang kanyang ibinababa sa samahan. Subalit, ang kanyang pagtingin sa mga kasapi at kasamang opisyales bilang mga tagasunod, tulad ng sa hanay ng mga sundalo, ay nagiging suliranin. Naiisang-tabi ni Master ang kahalagahan ng kolektibong pagpapasya ng samahan sa mga hakbangin nito. Ang impluwensya rin ng institutional patriarchy ng hukbong katihan ay maaring dahilan ng kanyang pagtingin sa kakayanan ng kababaihan. Bagaman nagkaka-isa ang samahan na si Master ang mamamahala sa samahan, ang patuloy na pag-aangkin nya ng kapangyarihan bilang tanging tagapagpasiya para sa samahan ay magiging sanhi rin alitan at hindi pagkakaunawaan. Ang mga puwang sa ugnayan sa pagitan ng mga namumuno at mga miyembro ay dagdag mga hinanharap nang balakid ng NMSMI. Mulat ang mata, tikom ang bibig Ang sunod na tiningnan ng grupo ay kung paano tumutugon ang samahan sa proseso ng pagpapasya, sa pangkabuuang daloy ng komunikasyon at sa istilo ng pamamahalang umiiral. Karamihan sa mga napiling lumahok ay halos magkahalintulad ang tugon: ayaw namin ng gulo. Nakabuod sa kanilang tugon ang kabalintuan ng kanilang kamulatan sa kung ano ang huwarang proseso ng kolektibong pagpapasya at mobilisasyon ngunit hindi nila ito maisabuhay sa kanilang samahan. Ang pagiging non-confrontational ng karamihan sa mga kasapi ng NMSMI ay nagpapalala sa kasalukuyang struktura at kalagayan ng samahan. Sa pagpili ng karamihan na manahimik at hindi ipabatid ang kanilang saloobin ay napapagtibay ng pangulo ang kanyang paniniwala na angkop ang kasalukuyang istilo at proseso sa organisasyon. Marami rin sa mga kasapi ang nagsasabing, paggalang na lang kaya hindi na kami nagsasalita at para na rin kasi siyang ama ng samahan. Ang pagtatalaga ng kapangyahrihan dahil na lamang sa paggalang at hiya ay maaring tingnan mula sa perspektibo ng kung ano ang cultural violence. Ito iyong mga bahagi ng kultura tulad ng saloobin, paniniwala at tradisyon na nagpapahintulot ng mga ganitong paniniwala. Halimbawa na nga ang pagpataw sa mga kababaihan at mga nakababata na sumunod na lamang sa mga mas nakakatatanda lalo nat kung sila ang padre de pamilya dahil mas alam nila ang mga bagay-bagay.

Sa kagustuhang makaiwas sa gulo at hindi magkasiraan ay naisasakripisyo ng samahan ang kanilang paglago. Hindi natitingnan ang mga prosesong maari pang pagbutihin para sa mas epektibong mobilisasyon. Pag-iwas sa gulo o Pagtanggap sa Pagbabago? Ang mga susunod ay isang maiging pagsusuri sa mga alitan sa organisasyon kasabay din ng pagtingin sa power relations na umiiral sa komunidad. Ang asymmetric conflict ay iyong mga alitang umuusbong sa pagitan ng mga panig na mayroong hindi pantay na antas ng kapangyarihan buhat ng kanilang posisyon sa isang struktura; kaiba pa ang symmetric conflict na makikita naman sa mga partido na may pantay na katayuan (Galtung, 1996). Sa kaso ng mga kababaihang lider ng NMSMI at ng pangulo, masasabing hindi patas ang kapangyarihan ng bawat panig. Dahil dito, pinipili ng mga mas mahihina na sumunod sa nasa itaas. Sa mga alitang asymmetric, tinitingnan kung paanong mapapalawig ang kakayanan ng mas mahihina na harapin kung sino ang nasa itaas. Ang pagpapalawig ng kakayanang ito ay papasimulan ng pangatlong partido, ngunit ito ay a-angkla sa paniniwalang kailangan munanng tapusin ang pinaka-ugat ng hindi pagkakapantay-pantay. Sa mga pagkataong parehang nabibigo ang mga layunin ng magkabilang panig, maaring piliin ang tuluyang pag-resolba at pag-iwas ng mga alitan. Kung titingnan mula sa perspektibo ng conflict transformation ang alitan sa NMSMI, mapapansing maaring maging instrumento ang alitan na ito upang palawigin ang proseso ng conscientization ng buong samahan. Kapag tuluyang napag-usapan at napaliwanagan ang buong samahan ukol sa mga isyung kimkim ng mga babaeng lider at mga miyembro, maaring mamulat ang pamunuan upang tingnan kung paanong mababago ang pakikitungo nito sa lanyang nasasakupan. Ngunit hindi madali ang proseso ng conflict transformation. Mangangailangan ang komunidad ng mahaba-habang panahon upang mapag-usapan ng malalim ang kanilang mga hinaing at maunwaan ang posisyon ng bawat panig na kasali sa alitan. Bagaman masasabing latent o hindi hayagan at lantad ang alitan sa loob ng NMSMAI, mahalagang ito ay mapagtuunan ng pansin dahil maapektuhan nito ang kanilang pakikipaglaban upang magkaroon ng sariling lupang tirahan. Mas madaling matatalo ang samahan kapag hindi lahat ng miyembro ay nabibigyan ng pagkakataong makatulong sa pagpapayabong ng kanilang stratehiya sa pagharap sa suliranin. Alitang Periperal: Ang Samahan kontra AFP Tinukoy ni Miall (2004) ang kahalagahan ng pag-lahok ng lahat ng panig sa pagbabago at pagsasa-akma ng mga relasyon, interes, diskurso at pag-unawa, at kung maari, ay maging ang hanay na bumubuo ng lipunang nagpapatuloy ng alitan at karahasan. Mula sa kontekstong ito, mauunwaan kung gaano kahalaga ang pagkakaisa ng samahan upang mabago at mai-akma ang hindi pantay na antas ng pamumuhay at kalagayan nila at ng Sandatahang Lakas na siyang umaangkin rin na may-ari ng lupain.

Magiging unang hakbangin ang pagtigil ng anumang gawain ng karahasan sa pagitan ng dalawang panig. Ang pagdulog sa korte at kinauukulan ay isa sa mga paraan upang masiguro na mapapatigil ang karahasan at panggugulo sa komunidad ng mga miyembro ng Sandtahang Lakas. Subalit dahil patuloy ang panliligalig sa mga residente, bumuo sila ng hanay ng mga marshalls na sila namang naglilibot-libot upang agapan ang anumang pangliligalig na maaring gawin ng mga naka-istasyon na sundalo sa outpost malapit sa Sitio. Mahalagang pansinin na karamihan sa mga marshalls ay kababaihan. Dito muling lumalabas kung gaano kalaki ang papel ng mga kababaihang miyembro sa samahan. Napuna ng grupo na maaring bigyan ng pagsasanay ang mga kababaihang marshall sa conflict management. Maari nila itong magamit sa pagharap sa mga maaring mangligalig at maging sa pagsasaayos ng mga alitan sa pagitan ng mga miyembro ng samahan. Kakikitaan pa rin ng karahasan sa Sitio. Ngunit ito ang tipo ng karahasan na tinukoy ni Galtung bilang structural. Napatanggalan ng akses sa kuryente at tubig ang mga residente ng Sitio. Kinakailangan nilang tumawid sa kabilang bahagi ng C-5 Road upang maka-igib. Limitado rin lamang ang oras na sila ay nagkakailaw. Ito ay karahasan laban sa kanilang mga karapatan. Ngunit ang paglabag na ito ay hindi matatawag na illegal gawa ng structural na mga sistema na nagdudulot ng ekslusyon, kahirapan at pagbabawa. Ang pagpapalawig ng kanilang adbokasiya at kampanya sa pagkamit ng lupa ay magiging mahalagang stratehiya upang mabago ang posisyon ng Sandatahang Lakas. Maaring magsimula ulit ang grupo sa pagbabalangkas ng kanilang mga inaadhika na siyang maaring iparating sa media, lokal na pmahalaan, mga NGO at iba pang mga sangay ng pamahalaan na maaring makatulong, tulad ng Commission on Human Rights. Liban sa isyu ng pangliligalig, maaring iharap ng samahan ang isyu ng pagbabawa sa kanila ng akses sa tubig at kuryente. Ngunit nang iparating ng grupo ag suhestyong ito ay tila hindi sumang-ayon ang pangulo dahil nang sinubukan nila itong gawin noon ay ipinagwalang-bahala lamang sila ng kawanihan. Ang mungkahi pa ng grupo ay na tingnan ng NMSMI kung paano nila mas mapapalawig ang kanilang ugnayan sa ibang mga samahan at kilusan upang kahit ang isyung ito muna ay mahanapan ng linaw at maresolba. Hindi magiging tamang sabihin ng grupo na lubos na nitong nauunawaan ang buong kalagayan ng mga taga-Sitio Masigasig. Malalim at hindi agarang makikita ang mga power relations na umiiral sa samahang NMSMI at maging sa kalaban nilang panig ng Sandatahang Lakas. Ngunit ang pagtataya at pagsusuri ng grupo ang naging panuntunan kung bakit minarapat ng grupo na tahakin ang linya ng pagtalakay ng gender,leadership at komunikasyon sa pagsasanay na imimungkahi sa mga babaeng opisyales at kasapi ng NMSMI. Unang-unang nakita ng grupo kung paanong ang tagibang na linya ng komunikasyon sa hanay ng NMSMI ay nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at unti-unting pagkakawatak-watak ng samahan. Dahil dito, minabuti ng grupong imungkahi ang pagtatasa sa kasanayang pangkomunikasyon upang makapagtaguyod ng pagiging bukas at maiging pakikipag-unawaan ang mga miyembro at pamunuan ng samahan. Nakita rin kung paanong mas nangangailangan ang mga kababaihang makitang muli ang mga pamamaraan sa pakikipag-ugnay at pagpapahayag sa kapwa nang walang alinlangan at pangambang hindi sila diringgin dahil sila ay mga babae. Dito sinubukang tingnan at palawigin ang mga kultura at

kaisipang ipinagpipilitang sundin at pagpanaigin. Ang kung paanong ang pag-rerepaso ng mga ito ay magiging instrumento ng pagpapasinsin pa ng mga stratehiya ng samahan. Sunod na nakita ng grupo ang kahalagahan ng sama-samang pagbalangkas ng mga pamamaraan ng pagtugon sa mga suliranin ng samahan. Sayang kung hindi magagamit ng samahan ang mga mungkahing solusyon ng mga miyembro nito dahil nakatuon ito sa paggawa sa isang bagay na bagkus ay maaring magsadlak sa kanila sa lalo pang kahirapan. Sa training na ginanap ay nagbigay ng panahon upang alalahanin muli ang katapatan ng mga miyembro sa samahan. Dito muling ipinapaala kung paanong ang sama-samang pagkilos, pakikilahok, pag-uunwaan at pagtalakay sa mga ugat ng alitan ay magiging daan rin upang mas mapagtibay pa ang pagkakaisa ng mga kasapi ng NMSMI. Bagkus, sa training na ginanap, nakita ng grupo kung paanong ang pag-unawa sa mga ugat ng alitan, pagkilala sa kung anong tipo ito ng karahasan (structural o cultural), o kung lantad man ito o hindi ay mahalaga upang matukoy ang pinakamaiging pamamagitan na maaring gawin. Ipinapaliwanag nag grupo na hindi ito naniniwalang dapat mawala ang lahat ng mga alitan sa isang samahan, lalot hindi rin ito naniniwalang mapipigilan ang pagkakaroon ng mga alitan; lalo pa at hindi ito maiiwasan sanhi ng ibat-ibang pinanggagalingan ng mga kasapi. Bagkus, ang grupo ay naniniwalang maaring gamiting instrumento ng pagbabago at pagpapaunlad ng samahan. Ang mga alitang mabubuo ay hindi dapat ipagsawalang bahala o piliing kimkimin na lamang, dahil maaring sa pagtalakay nito ay mabubuo ang isang bagong pag-unawa, stratehiya o kaisipan na mas magpapalawig pa sa kakayanan ng samahan.

Gender and Development (GAD) Ang usapin ng paghaharing-uri ay hindi natatapos sa lipunan, bagkos nagsisimula ito sa mga sarili. Sa patriyarkal na lipunan, kalimitang hindi pinapahalagahan ang mga kababaihan. Ang diskurso ng gender and development ay mahalaga ring tingnan sa mas lalo pang pagpapalawak ng pag-intindi natin sa mga isyu sa Sitio Masigasig. Kinikilala ng Konstitusyon ang pantay na karapatan at kahalagahan ng lalaki at babae sa lahat ng aspeto ng buhay. (Article II, Section 14 ng 1987 na Konstitusyon). Kaya naman dapat ay pantay din ang paglalaan ng mga programa at rekurso sa kanila. Kung ganun, bakit may mga umiiral na hindi pantay na relasyon sa lipunan? Bakit sinasabing ang kahirapan ang ay may mukha ng babae? Isa sa mga dahilan na naglilimita sa pag-unlad ng kababaihan ay ang gender. Ito ang pananaw na nagtatalaga sa papel at katangian ng babae at lalaki at ang kanilang relasyon sa larangan ng produktibo, reproduktibo at sa pulitikal . Ang mga tinatalagang papel na ito na babae at lalaki ay kadalasan ay naglalagay sa mga babae sa sitwasyon na naglilimita sa kanila upang makapag-ambag at makinabang sa pag-unlad. Isang halimbawa sa pananaw na ito ay ang kababaihan ay pangtahanan lamang, hindi kailangang konsultahin sa mga desisyon mapaloob at labas ng tahanan o maging sa usapin ng organisasyon o samahan. Ang mga ganitong pananaw ay nagiging daan upang ang kababaihan ay idiskrimina at ang kanyang kontribusyon sa lipunan at kakayanan ay maliitin. Kung kaya kahit na kinikilala ng Konstitusyon ang batayang karapatan ng kababaihan, kinakailangan pa rin ang malinaw na mga panuntunan kung paano ito gagawin. Kailangang magtatag.maglagay ng mga mekanismo upang basagin ang mga pananaw na naglilimita sa kanyang kapasidad na umunlad. Ang Gender and Development (GAD) ay isang estratehiyang pangkaunlaran na kumikilala sa hindi pantay na katayuan ng kababaihan sa kalalakihan sa lipunan na naglalayong masiguro ang pantay na oportunidad sa babae at lalaki. Ang GAD Plan ay pagsasabuhay GAD sa pamamagitan ng paglalagay ng mekanismo upang iwasto ang umiiral na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan (PKKK, 2006). Ayon sa Ecofeminism ang kanilang salalayan ng pangunahing batayang prinsipyo kung bakit ang ganito ang estado ng kababaihan sa lipunan ay sa kadahilanang ang patriarchal na sistema sa lipunan ay nakakasama sa kababaihan, kabataan at iba pang maybuhay, na kalimitan ay may pagkakatulad sa pagitan ng male dominated societys na kung saan ito ay hindi makatarungan at mapagsamantala sa kalikasan at mga rekurso lalu at higit sa mga kababaihan (Masilungan, 2003). Ang usaping kaunlaran hanggang sa ngayon ay isang mainit na isyu at debate sa kababaihan, sa kadahilanang marami na ang mga batas na tumutukoy at magbibigay daan para sa kalagayan at kapakanan ng kababaihan tulad ng Conventionn on the Elimination of All forms of Discrimination Against Women (CEDAW), Beijing Platform for Action ( BPA), Women in Nation Building Act at ang Magna of Women ( RA 9710), subalit patuloy pa rin ang nararanasang diskriminasyon at karahasan ng mga kababaihan sa Sitio Masigasig, patuloy silang nakakaranas ng kalupitan sa mga kamay ng Militar na kung saan sila ay itinuturing na kalaban dahil sa kanilang alitan at isyu sa lupa. Kung susuriin ang isyu ng

Sitio Masigasig, sinasabing ito ay isang proyektong pangkaunlaran. Subalit sino nga ba ang higit na makikinabang sa sinasabing proyekto? Ano ang magiging epekto nito sa kalagayan ng mga bata at kababaihan na hanggang sa ngayon ay patuloy na lumalahok at lumalaban para sa kanilang karapatan? Kalagayan ng Kababaihan 1. Kalagayang Sosyo Kultural ng Kababaihan Patriyarka ang ideyolohiya ng likas at epektibong paghahari ng lalaki sa lipunan, kaya nga at tinatawag na rule of the father or the patriarch . Ito ay sistemang panlipunan kung saan malalim ang dominasyon ng mga lalaki o ama: sa bahay o pamilya o angkan, sa komunidad o organisasyon, sa pagawaan o pamahalaan, sa buong lipunan. Ang kanya/ kanilang kontrol ay mula sa maliliit hanggang (o lalot) sa malaking bagay- desisyon sa tahanan o sa bansa, sa mga pagmamay-ari at marami pang iba. Kung kayat ang sistememang ito ay institusyunal na pagpapatupad ng panlipunang kapangyarihan ng kalalakihan. Ibig sabihin nga, nakabaon ito sa umiiral na kalakarang ekonomikal, politikal at sosyokultural, anumang aspeto, uri o bahagi ng mga ito. Makikita at buhay na buhay ang sistemang ganito sa sitwasyon ng mga taga Sitio Masigasig. Isang komunidad na magpapatunay ng ganitong kalakaran ng kultura sa pamumuno ng mga kalalakihan tulad nina Msg. Villena at iba pang lalaking lider sa kanilang samahan, na kung tutuusin ay mas lamang ang bilang ng mga kababaihan na nasa loob ng pamunuan subalit, mas may pagkiling sa mga kalalakihan at hindi sensitibo sa pangangailangan ng kababaihang lider/miyembro ng samahan (Myelene D. Hega, Teresita Borgonos, Reggie Aquino, 1999) 2. Kalagayang Pangkabuhayan ng Kababaihan Pangunahing sanhi ng feminazationof labor ay ang globalisasyon partikular sa aspeto ng mas sistematikong pagsasanib ng mga industriya at kalakalan sa buong mundo. Sa unang tingin, positibo ang nasabing patuloy na paglaki ng bilang ng mga babae sa lakas paggawa ng karamihang bansa sa kasalukuyan, Maaaring pahiwatig ito ng paglalaho ng nakakahong pananaw na sila ay pambahay lamang . Waring ito na rin ang paraan o daan para mapalago nila ang kanilang mga personal na kakayahan at potensyal. Dahil ang kanilang ngayong pagkakaroon ng sariling trabaho (at kita) ay baka umpisa na ng pagkakamit ng kababaihan ng economic freedom isa sa mga batayang kalayaat karapatang matagal nang ipinagkait sa kanila ng mga lipunang patriyarkal. Ang paggawa ay di lang isang kakayahan kundi saligang karapatan din ng tao para mabuhay. Siya ay lumikha ng mga bagay na nagpapaunlad ng lipunan, ng sibilisasyon at ng buong mundo. Ngunit inaasahang kanya namang tatamasahin ang ang bunga ng kanyang hirap at pagod, sa pamamagitan halimbawa na maayos na serbisyong panlipunan ng pamahalaan tulad ng pabahay, edukasyon, malinis na tubig-inumin, elektrisidad at iba pang pangunahing serbisyong panglipunan na ipinagkait sa mga nakatira sa Sitio Masigasig. Halos kalahati ng kababaihan sa komunidad base sa aking obserbasyon ay namamasukan sa mga pabrika at ilang department store sa kalapit na lugar at iba naman ay nakalinya sa impormal na paggawa ( informal workers) sila at ang makikita sa bawat kalye, palengke at kung saansaan mang sulok o gilid ng kalsada tulad ng nagtitinda ng barbeque, hotdogs, naglalako ng gulay, at

LAYA

mayroon ding naghahatid ng serbisyo sa komunidad tulad halimbawa ng pag-iigib ng tubig para sa mga kapitbahay na siyang pinagkakakitaan ng ilan sa kanila. Kailangang magtrabaho ng tao upang siyay mabuhay (ng marangal) o matugunan ang pangangailangan na kanyang pamilya, at maging para sa mismo niyang sariling paglagoat kaganapan ( self-development and fulfillment). Sa mga taga Sitio Masigasig na kung saan may mataas na pagpapahalaga sa ispiritwal na paniniwala ang trabahoy itinuturing na tanging ambag ng sankatauhan bilang kamanlilikha (co-creator) ng Diyos sa daigdig. Gayundin, sa pamamagitan ng paggawa, naipamamalas ng tao ang kanyang galing, talino at pagkamalikhain (creativity). Dalawang Kahulugan ng Paggawa a. Gawaing Produksyon Kilala bilang gawaing pampubliko o nasa labas ng tahanan at sa mga naglilinkod dito tanging ikinakabit ang terminong manggagawa o empleyado. Sila ang nasa iba-ibang industriya, plantasyon o mga sahuran sa agrikultura kumpara naman sa walang sahod na mga magsasaka, bagamat silay sangkot din sa at kasama sa konseptong ito ng produksyon. Sila ang direkta at di-direktang lumilkha ng sari-saring produkto. Ang iba namay nasa pamahalaan, nasa ospital, otel, restoran, tindahan, pampasaherong sasakyan, at iba pa. Kanilang ibinibigay ang sari-saring serbisyo. Itinuturing ang produksyon bilang pangunahing nagsusustento at nagpapaunlad sa isang lipunan. Bukod sa aktwal na pangangailangan ng mga nililikhang produktot serbisyo, ang kakabit nilang halaga ( market value) ay nagpapalago pa ng kabuuang ekonomiya at ang kaugnay na nilang mga buwis ay bumubuhay naman sa gobyerno.Subalit, kadalasan sa mga gawaing ito ay may pagkilala lamang sa kontribusyon ng mga kalalakihan at itinuting na ang kontirbusyon ng kababaihan sa ganitong larangan ay sekondarya at pantulong lamang. Hindi nito kinikilala ang pantay na karapatan sa produktibong paggawa at pagkilala sa kontirbusyon ng babae at lalaki. b. Gawaing Reproduksyon

Tinatawag din na gawaing pribado (pansarili) o sa loob ng tahanan- mga katagang tila itoy napakalimitado kundi man walang saysay. Subalit sa totoo, gaya ng larangan ng produksyon, hindi lang makabuluhan kundi may pagpapasya (decisive) at masaklaw ding ginagampanan ang reproduksyon. Sapagkat sangkot dito ang pagsisimula at pagpapatuloy ng mismong buhay ng tao. Sa gayon ang pangangalaga, pagsubaybay o pagtugon sa iba-ibang pantaong pangangailagan o kagalingan (pisikal, mental, sikolohikal, emosyunal, ispiritwal, at iba pa.) umpisa pagkabata at sa loob mismo ng bahay. May bukod-tanging orihinal o tagapangunang papel ang reproduksyon, sapgkat ang mga gawain nitoy nakasentro sa batayang yunit ( basic unit) o pinakabuod na bahagi ng lipunanang pamilya. Kung tutuusin, ang pagpapamilya ( kahit sa kaso ng mga single parents) ay pag-aaruga ng kasalukuyan at sususod pang mga henerasyon ng sangkatauhan; kayat kabilang ang paghubog ng mga hahalinhing mga manggagawa sa kaugnay na antas ng produksyon.

Ang produksyon at reproduksyon ay dapat sanang tingnan bilang dalawang mukha ng paggawa na magka-ugnay at magkasinghalaga. Nagkakaroon ng di simpleng problema at kawalan ng katarungan kapag ang mga itoy mahigpit na hahatiin ayon sa kasarian ng babae at lalaki. Katulad na lamang sa kasalukuyang kalakaran. Itinuturing dito ang produksyon bilang pangunahin (primary) o mas mahalagang uri ng paggawa lalot dahil may tukoy daw ito na market value. At sanhi ng patriyarkang pananaw na ang gawaing mas importante o mas mabigat ay pananagutan ng kalalakihan, sa kanila itinadhanat ipinagkatiwala ang gawaing produktibo. Kayat sekondaryo at pantulong lang daw sa produksyon ang reproduksyondahil wala itong nililikhang produkto , bukod sa tao. Sa gayon, mas mababa raw ang importansiya ng mga gawaing reproduktino, kayat ang mga itoy ipinapasa sa mga kababaihan. Paghahati ng Gawain Produksyon at Reproduksyon Produksyon Pabuyang Natanggap: Nalilikha : Relasyon: Tingin ng Lipunan: Inaasahang Gumanap: May bayad/benepsiyo May seguridad Produkto/serbisyo kapitalista-manggagawa pangunahin LALAKI Reproduksyon Walang bayad/benepisyo Walang seguridad Buhay lalaki-babae sekondarya/pantulong BABAE

Nararapat maging buo (holistic) ang pagtanaw o pagtrato sa gawaing reproduksyon at produksyon, sapagkat ang mga itoy dalawang mukha ng kabuuang paggawa o ng iisa rin naming tungkulin. Kaya ngat sa bawat produkto o serbisyong nililikha, bahagi at kaakibat ang nito ang gawaingbahay na tumutulong upang epektibong magampanan ang gawaing produksyon. Ang kahalagahan at kahulugan ng trabaho ay hindi lang dapat ilimita sa mga gawaing kumikita ng salapim kundi dapat saklaw din ang ibang gawain ng tumutugon sa iba pang kapakanan ng pamilya at ng mga manggagawang miyembro nito. Kinikilala natin ang gawaing produksyon sa pagbuo ng kaalamat kasanayan sa pagiging ganap ng bawat indibidwal. Ngunit nararapat din nating kilalanin ang gawaing reproduksyon na umagapay upang epektibong magampanan ang tungkulin sa larangang produksyon. Itoy hindi lamang pananagutan ng kababaihan, dapat din itong pahalagahan at kilusan ng mga kalalakihan maging ng buong lipunan (Myelene D. Hega, Teresita Borgonos, Reggie Aquino, 1999). Ang mga kababaihan sa Sitio Masigasig ay hindi nalalayo sa ganitong sitawasyon, halos kalahati sa kanila ay gumagampan sa dalawang bahagi ng paggawa. Ang karamihan sa kanila ay namamasukan sa

pabrika at iba naman ay nakapaloob sa serbisyo tulad ng pagtitinda at paglalako; maliban dito sila ay gumagampan pa rin sa gawaing reproduksyon. Mahirap ang kanilang kalalagayan, kung kayat nagnanais din sila ng pagkilala at pagbibgay importansya sa kanilang kontribusyon hindi lamang sa usapin ng produksyon kung hindi maging sa usapin ng reproduksyon. 3. Kalagayang Pampulitika ng Kababaihan Isa sa mahalagang bahagi ng kalagayang ng kababaihan ay ang usaping pampulitika, dito nakasalalay ang kanyang pagkontrol, pagpapasya at dito rin nag-uugat ang kanyang pagsasakapangyarihan. Ang usapin ng kapangyarihan, sa ating sistemang panlipunan ay binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng pagsukat kung gaano kalalim o kalawak ang political participation ng isang sector ng lipunan. Ang political participation ay nangangahulugan ng isang dinamikong ugnayan sa pagitan ng ibat-ibang uri ng tao sa lipunan na naghahangad na maimpluwensyahan ang proseso at produkto ng pagpapasya sa pagsasasgawa ng mga polisiya/patakaran. (Political participation defined as the dynamics of relationships among various players or stake holders seeking to influence the process and product of policy-making). Subalit para sa mga kababaihan, ang pakikilahok sa pulitika ay ang pag-uugnay-ugnay ng lahat ng kanilang mga isyu, mula sa kahirapan, kawalan ng matitirahan, at hanggang sa lahat ng isyung karahasan na nararanasan ng mga kababaihan sa Sitio Masigasig. Ang Kanilang pagbubuklod-buklod at patuloy na pagsasama-sama ay maituturing na kanilang sandigan upang magapi at mapagtagumpayan ang kanilang mga laban; hindi lamang sa kanilang sarili , sa kanilang komunidad at organisasyon, at higit sa lahat sa kanilang patuloy na laban sa paghahangad ng makamit ang iisang inaasam ang mapa-sakanila ang lupa na matagal ng inilalaban ng bawat kababaihang naroon at patuloy sa paglaban hanggang makamit ang karapatan at kapantayan na minsang nawaglit at ipinagkait sa kanila ng lipunan. Isang magandang halimbawa ang pagnanais na ituloy ang laban ng bawat babaeng lider na aming nakausap at upang lalu pang patatagin ang kanilang samahan/organisasyon tungo sa pag-unlad ng bawat isa. Hindi man tuwirang sambitin ramdam sa kanila ang paghahangad ng pantay na pagkilala sa karapatan at pagtrato bilang kapwa lider ng samahan at ang paglalayon din na magkaroon ng pagkilala sa kanilang kontribusyon pakikibak lalut higit sa oras ng demolisyon sa kanilang lugar. At higit sa lahat makalahok at makapag desisyon para sa kanilang sariling kagustuhan, kapakanan hindi laman bilang isang lider, bagkus isang babaeng may pagpapasya at pagkilala sa kanilang kakayahan.

Ang Proseso ng Pag-oorganisa ng Komunidad Naging mas madali ang pagpasok ng aming grupo sa komunidad sa kadahilanang dati nang lumubog dito ang isa sa aming kasamahang si ginoong Celso T. Palubon, Jr. noong October 2005 hanggang Mayo 2006. Napadpad ang aming kagrupo sa komunidad na ito dala ng pagkatuklas nito ni Prof Leocito S. Gabo, PhD, D.D., isa sa mga Faculty Members ng College of Social Work and Community Development ng Unibersidad ng Pilipinas at isa ring lider ng simbahang ang layunin ay makapaglingkod sa masang Pilipino at makapag-buo ng simbahang mula sa tao-para sa tao, ang Eastern Catholic Church at Obispo ng nasabi naming kagrupo. Payak man ang kalagayan ng kanilang pamumuhay, mayaman naman ang kamulatang pampulitika ng mga tao rito na syang naging isa sa mga balakid sa pag-oorganisa ng nasabing lugar. Ang pagdating ni Obispo Gabo sa lugar na mas higit na kilala ng mga tao bilang Father Tex ay syang nagsilbing tagapamagitan ng magkabilang grupo at sya ring hinihingan ng payo ng mga tao na sya naming binibigayang pagpapahalaga at maging batayan ng kanila desisyon upang resolbahin ang mga isyung pang-komunidad. Walang shortcut sa pag-oorganisa ng isang komunidad. Ang isang magaling na CO ay kelangang magtrabaho mahigit pa sa walong oras- hindi natatapos ang kanilang trabaho sa paagampan ng kanilang gawain. Kailangang tuluy-tuloy ang kanilang pakikihuntahan sa tao, pakikisalamuha, at pakikibahagi. Dahil dito, ang isang CO ay maituturing ng isang servant ng mga tao, at dahil dito, mabilis ng makuha ang simpatiya at pakikiisa ng mga tao sa komunidad (Chavez, La Causa and La Huelga in Ecklein, 1984). Ang isang CO ay dapat may mataas na consciousness sa mga isyu ng kanyang komunidad. Alam niya rin dapat ang kanilang mga pangarap at adhikain, kabilang na ang kanilang mga hinaing at ipinaglalaban. Ayun kay Saul Alinksky, bagamat ang isang CO ay madalas na taga-labas, nakaatang sa kanya ang responsibilidad na durugin ang sistemang mapang-api. Kaya para sa mga taga-sunod ni Alinksky, ang pag-organisa ng pamayanan ay isang masalimuot na Gawain na nangangailangan ng malakas na propesyonal na background at malalim at malawak na karanasan. Sa madaming pagkakatao, kailangang basagin ng isang CO ang mga nakakahong paniniwala upang mabuong muli ang balangkas na tinatahak ng komunidad. Papel ng isang CO na bumuo ng isang komunidad/samahan na patuloy na makikipaglaban para mabigyan ng bose ang mga mamamayan. Ayon kay Ecklein (1984), ng pagsulong ng karapatan ng maliliit at marginalized ang syang dapat na pangunahing tunguhin ng isang CO, na may layuning maangat ang kanilang kalagayan, mapunuan ang mga pangangailangan, maibahagi ang kapangyariahn, at mapaunlad pa lalo ang partisipasyon ng komunidad sa mga gawaing panlipunan. Kahit masasabing dapat gagalaw ang CO ayon sa konteksto ng pamayanan, hindi maiiwasan na magkaroon ng impluwensya sa kanyang mga desisyon ang organisasyon na kanyang kinabibilangan, ang pinagkukunan ng pondo ng kanyang mga gawain, ang interes ng kanyang orgagnisasayon sa komunidad, ang target ng kanilang intervention, internal structure, at ang locus kung saan ang kanilang intervention ay naka-angkla.

Dito natin masasabi na ang pag-oorganisa ng isang komunidad ay ang kolektibong paggawa kasama ang mga tao upang bigyan lunas ang mga isyung kanilang kinakaharap sa kapitbahayan, sa trabaho, or sa isang community of interest. Dahil dito, ang CO ay masasabi nating tumutukoy sa kabuuang proseso ng pagbuo ng ugnayan ng mga bagay-bagay, pag-alam sa mga isyu, ang pag-mobilize bilang tugon sa mga isyu, at ang pagpapalakas ng mga organisasyon. Sa kabuuan, ito ay mga gawaing local para mapalakas ang mga tao na siyang bumubuo ng komunidad, para kumilos tungo sa mga pagbabago. Ayon kay Scott Peck, ang isang komunidad ay integrative. Dahil sa ito ay binubuo ng ibat ibang kasarian, relihiyon, edad, tradisyon, pananaw, gawi, kailangang maipaloob ang mga bagay na ito sa kabuuan- It is holistic because it integrates human beings into a functioning mystical body. Ang komunidad ang syang nagbibigay-buhay at kahulugan ng social life ayon naman kay G. Simpson. Ang komunidad ay hindi lamang umiikot sa pagpapalago ng kanyang ekonomiya o usaping political, territorial, at visceral. Ang komunidad ay isang complex of conditioned emotions which the individual feel towards the surrounding world and his fellowsit is to human beings and their feelings, sentiments, reactions, that all look for the fundamental roots of community.

Community Development at ang Spirituwalidad ng Komunidad

Sa lahat ng mga pangyayari sa sito, malaki ang ginagampanang bahagi ng spirituwalidad sa buhay ng Sitio Masigasig. Ang spirituwalidad, para sa pag-aaral na ito, ay maaaring maintindihan sa dalawang pamamaraan bilang (a) ang relihiyon na kinanaaniban ng mga miyembro ng Sitio Masigasig at (b) ang kolektibong paggalaw o pagkilos ng mga tao upang magkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap para sa kanilang mga sarili, pamilya, at ng kasama sa komunidad. Sa Ingles, ipinakikilala ang ideyang ito bilang social energy-- yong enerhiya na nagmumula sa kusang paggawa ng mga tao na nagdudulot ng pag-asa sa bawat isa na ituloy ang kanilang pag-abot sa kanilang mga kolektibong ninanais o mithiin. Ang Relihiyon bilang isang mahalagang bahagi ng (kusang) pag-oorganisa o self-organization Sa mga mapag-masid, hindi maitatanggi na ang buhay ng Sitio Masigasig ay umiikot sa kanilang simbahanitong maliit na Chapel sa bungad ng komunidad na tila isang gumuhong bahay na sinaplutan lona upang maging umpukan, kahit papaano. Ang simbahan na ito ay tila isang monumento na naging saksi sa lahat ng mga pagdurusa at pangamba ng komunidad na dulot ng kanilang patuloy na pakikipaglaban para makamit ang kanilang inaasam-asam na lupain. Tuwing Linggo, ang pari mula sa Eastern Catholic Church ay nagdaraos ng misa na madalas ay dinadaluhan ng mga kananayan, mga kabataang babae at ang mga bulilit na kabit-kabit ng kanilang mga nanay. Bago magsimula ang kanilang misa ay paulit-ulit na pinatutunog ng pari ang kanilang metal gong na nakasabit sa isang poste ng simbahan. Sinasabi nito na malapit na ang banal na misa, kayatiniimbitahan ang bawat isang lumahok sa seremonya. Sa isang banda, ang kalembang ding ito ay nagpapahatid na, kailangan na nilang pumunta sa Chapel upang magdiskusyon tungkol sa estado ng kanilang lupain. Ang lagay ay, ang simabahan din ang nagsisilbing meeting place ng samahan. Dito inilalatag ang kanilang mga saloobin at pangamba. Tuwing magkakaroon ng meeting ay lagi itong nagsisimula sa isang maikling dasalisang paghingi ng pagpapala na bigyan sila ng pabor ng Maykapal. Mula sa mga obserbasyon, makikita na ang simbahan ang ay ang point of convergence o punto ng pagsasama-sama ng komunidad. Ito rin ang puso ng kanilang self-organization o kusang pagoorganisa. Ang simbahan ay isang monumento na nagpapaalala sa kanila na gaano man kapait ang mga nakaraan ay mayron silang mapupuntahan na kanlungan na kakampi sa kanilang laban. Ang laban ng pagkakaroon ng sariling lupain, ay laban din ng pagpapanatili ng simbahan. Makikita ito sa sagot ni Neri, lider na babae ng Sitio Masigasig, nang tanungin kung ano ang kanilang mga nais na sabihin sa kanilang mga sarili. Ayon sa kanya, "...mananatili akong magiging gabay at huhubog sa mga kabataan sa Sitio Masigasig. Hangga't kaya ko, hindi ko ititigil ang nasimulang layunin ng samahan, simbahan at daycare. Walang iwanan."

Community Development at ang kapangyarihan ng kolektibo

Ang totoo niyan, ang huling naganap na demosliyon ay laban ng mga babae. Perlita Saksi ang Sitio Masigasig sa kapangayarihan ng kolektibo. Ang katotohanan ay matalino nila itong ginagamit sa kanilang laban para sa kanilang lupain. Patunay ang kanilang pag-gawang pormal nito tungo sa isang samahan na binuo mahigit isang dekada na ang nakakaraan. Isang patunay ng matalinong paggamit ng kapangayarihan ng kolektibo ng samahan ay ang nangyari nitong nakaraang demolisyon sa Sitio Masigasig. Sa pagkakataong ito, babae ang kanilang ginawang frontliners. Sila ang humarap sa mga sundalo sa kanilang pagpipilit na pasukin ang komunidad at sirain ang mga kabahayan. Noong araw na iyon, nasa kababaihan ang pananggalang proteksyon ng buong komunidad. Mayroong mga ilang obserbasyon kung ano ang mga kondisyon sa pagiging epektibo at malakas ng kapangyarihan ng kolektibo sa Sitio Masigasig. Ito ang mga natagpuan: Common Felt Need o magkakaparehong kadyat na pangangailangan o Pa-lupa, kuryente at tubig sa pang-araw-araw. Trabaho. At isang Magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak. o At mula sa mga pangangailangan na ito ay magkapareho din ang kanilang mga hinaharap na pangamba at takot, ngayong habang ipinaglalaban nila ang lupa, at para sa kinabukasan. Shared History o pinagsaluhang kasaysayan o Saksi ang bawat pamilya sa pait at saya ng mga nakaraan ng Sitio Masigasig. Ang kanilang mga ala-ala ang naghubog din sa kanilang mga kasalukuyan. Sa nakaraang ito, napatunayan nila kung gaano kahalaga ang kolektibong pag-kilos. Ito rin ang naghubog sa kanilang tiwala sa isat isa. Shared Future o pagsasaluhang kinabukasan o Malinaw para sa mga taga-Sitio Masigasig ang kinabukasanisang komunidad na nagsasalu-salo sa lupaing atin. Ngunit alam din nila na makakamtan lamang ito kung sama-sama silang kikilos, ngayon. Ang komunidad bilang isang malaking pamilya o Para sa karamihan ng taga-Sitio, ang kanilang komunidad ay isang extension ng kanilang pamilya. Ang perspektibong ito ay malaking bahagi kung bakit hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang pakikisama sa laban ng komunidad mula pa nang maitayo ito. Katulad ng isang pamilya, malaki ang paggalang ng mga anak sa kanilang amainsi Master. Ang pag-atang kay Masterng ganitong respeto ay ang siyang nagpapanatili ng status quo sa komunidad.

Sa dulo ng pagsasanay ay hiniling mula sa bawat miyembro ng grupo na sumulat para sa kanilang sarili. Para rin itong isang repleksyon mula sa lahat ng kanilang narinig at ginawa sa buong araw na training. Ang kanilang mga sagot ay nagsisilbing patunay ng kanilang pananampalataya sa kapangyarihan ng kolektibo. Narito ang kanilang mga isinulat: "Patuloy na makibahagi tungo sa ikagaganda ng komunidad at simbahan" - Zeny "Handa akong sumoporta para sa ikauunlad ng asosasyon... o sa samahan." - Charlita "Patuloy kong ibabahagi ang aking serbisyo para sa mission, vision at goals ng aming samahan hanggang sa abot ng aking makakaya" - Vilma Ipagpatuloy ang laban at magtulongan sa hirap at ginhawa at suportahan sa bawat isa." Leticia "Nakahandang tumulong para sa ikauunlad ng samahan [at] sumuporta sa pisikal (paggawa) at pinansyal hanggang sa matapos ang problema namin sa tinitirahan" - Yolanda "Patuloy na lalaban hanggang sa huling laban upang makamit nag lupang minimithi" - Chai "Kahit mahirap patuloy pa rin!" - Zosima "Patuloy na pakikibaka" - Perlita Patuloy na susugan ang lahat ng pangangailangan ng asosasyon sa ikabubuti ng lahat ipagpatuloy ang nasimulan" - Carmelita

Empowering the People, Building Capacity for Self-Agency

Ang layunin ng isang people-centered development ay dapat naka-sentro sa pagbibigay ng kapangyarihan sa maliliit. Ibig sabihin nito, na dapat naririning ang boses ng mamamayan sa mga desisyon na may kinalman sa kanilang pamumuhay- na ang kanilang partisipasyon sa pagpapaunlad ay kapwa means at end. Pero sa katotohanan hindi ito ang nangyayari dahil na rin sa impluwensya ng kalagayang pampolitika, ekonomiya, kultura, at estado sa buhay. Ang mayayaman pa rin ang nasusunod sa kinalaunan. Ang empowerment ay isang proseso na resulta ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga tao, subalit dapat tandaan na ang empowerment ay dapat makita bilang redistribution of power between individuals, genders, groups, classes, castes, races, ethnic groups or nations. And empowerment ay dapat magbago ng istrukturang mapang-api sa pamamagitan ng radikal na pagbabago sa batas, karapatan sa pagmamay-ari, pamamahala ng kababaihan sa kanilang gawaing produktibo at sa kanilang katawan, at ng mga patrikyakal na mga institution ( Batliwala, 1993:5). Ayon kay Vanessa Griffin (1987:117-18), ang mga sumusunod ay dapat pumapaloob sa usaping empowerment: a. b. c. d. e. Having control or gaining further control; Having a say and being listened to; Being able to define and create from womens perspective; Being able to influence social choices and decision affecting the whole society; Being recognized and respected as equal citizens in human beings with a contribution to make.

Ibig sabihin lang na ang empowerment ay isang proseso ng pagkakaroon ng kontrol sa mga resources at pamamaraan din upang mapabilang sa proseso ng paggawa ng desisyon hanggang sa implementasyon. Binanggit ni Shannon Mason MPH, Judiann McNulty, DrPH, and Judi Aubel, PhD, MPH sa kanilang Manual on Participation for Empowerment (2001,p12), ang isang halimabaw ng isang empowered na komunidad ay: All sectors or groups must have a voice in decision-making Concern for the common good prevails over personal ambition The community recognizes and prioritizes needs of all members. Community can take action locally to solve problems, change behaviours, or access services. Community is able to plan, implement, and evaluate activities or projects on their own.

Ang usapin din ng empowerment ay dapat din talakayin sa konteksto ng dalawang domainscommunity empowerment can take place or in which there may be shifts in power(2001,pp 15 16): 1. With outside institutions and the wider environment: Empowerment implies increased power or control of communities in relation to their broader environment. An empowered community has a sense of its own right, responsibility and ability to interact with, negotiate with and make demands upon the outside world.

2. Within the community: Empowerment implies an increased sense of power or control in relation to problems and issues internal to the community. An empowered community is capable of articulating its needs and generating solutions using locally available resources. Internal empowerment also implies equitable power sharing within the community, particularly inclusion of women and minority groups. Sa ginawang pagsasanay ng grupo sa komunidad, maaga pa lang sa training need assessment na isinagawa, mapapansin na na karamihan sa kababaihan ay mahina ang kapangyarihan na harapin ang mga isyu ng komunidad. Maririnig ito mula mismo sa kanilang mga hinaing na ang kanilang mga opinyon at mungkahi ay hindi naisasaalang-alang. Hindi nila nararamdaman na binibigyan ng halaga ang kanilang partisipasyon, na kung tutuusin ang mga kababaihan ang humaharap sa mga pulis at militar sa mga panahon ng demolisyon. Kung pag-uusapan kung paano pahalagahan ang impluwensya ng mga babae sa mga desisyon sa mga isyung pangkomunidad, kahit di man nila sabihing diretso, ang lalaki pa rin ang pinapakinggan. Base sa kanilang pagpapahayag, ang kanilang opinyon ay madalas na isinasawalang-bahala. Ang personal interes ng nangingibaw na kapangyarihan ang sya pa ring madalas na nasusunod, na sa kinalaunan ay hindi naman nagbibigay ng solusyon sa mga isyu. Mulat ang komunidad sa mga isyung kanilang kinakaharap sa ngayon, subalit, walang konsensus kung paano ito tutugunan. Ang ganitong pangyayari ang syang humahadlang upang sumulong ang komunidad tungo sa isang kolektibong pagkilos. Malinaw na makikita ito sa kanilang kawalan ng tubig at elektrisidad- mga basic na pangangailangan. Kahit ang mga lider ay wala pang mabigay na solusyon, mas lalo na siguro sa isyu ng pagmamay-ari ng lupa. Ang impormasyon ng kanilang totoong kalagayan ay nasa iilan lamang, kung saan ang karamihan ay nanatiling walang alam. Dahil dito, ang hibla ng tiwala sa isat isa ay lalong nagiging marupok. Bagamat may mga legal ng aksyon na isinagawa bilang maliliit na hakbang tungo sa layunin nilang maari ang lupa, malaki pa rin ang pangangailangan na angkinin ng taumbayan ang isyu, lalo na ang paglahok sa mga kababaihan sa lahat ng proseso ng paggawa ng desisyon.

VII. PADAYON (Mga Rekomendasyon)


Patuloy na susugan ang lahat ng
pangangailangn ng asosasyon tungo sa ikabubuti ng lahat. Ipagpatuloy ang nasimulan - Carmelita Camero

Sa pagsusuri ng mga naging resulta ng training ay napagkaisahan ng grupo ang mga sumusunod na rekomendasyon. Napapaloob dito ang kahalagahan ng mainam na pagtatasa ng mga opisyales at maging ng mga kasapi. Nakikita rin ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga katangian at mga tungkuling itinatalaga ayon sa kasarian maging ang kahalagahan ng pagkilala na hindi ito dapat magtakda ng limitasyon sa isang indibidwal. Mababakas rin sa mga susunod na rekomendasyon ang halaga ng pagpapanatili ng bukas na ugnayan at antas ng komunikasyon sa pagitan ng mga kasapi at pamunuan. Mahalagang magkaroon ng pasunod (follow-up) na mga gawain upang mataya ang naging resulta at pangkabuuang epekto ng training kanila. Nakita ng grupo na maaring gawing mga pasunod na gawain ang pagbisitang muli sa pamayanan at makipag-huntahan ukol sa mga pagbabago matapos ang pagsasanay, muling basahin ang mga liham para sa kanilang mga sarili (letters to selves), at pagtutuloy ng mga pagpapaalala sa kanilang katapatan at dedikasyon sa samahan. Maari na rin magsagawa ng pagsasanay ukol sa gender sensitivity na ang mga kalahok ay ang mga lalakeng kasapi at pamunuan ng NMSMI. Mahalaga ito bilang pang-suportang kasanayan sa naunang pagsasanay ng gender sensitivity para sa mga kababaihang kasapi at opisyales. Kinukumpleto nito ang buong proseso ng pagpapalawig ng pag-unawa sa usapin ng gender at mga kaugnay na isyu nito sa konteksto ng pamayanan. Iminumungkahi rin na magkaroon ng gender sensitivity at leadership training sa mga kabataan ng komunidad. Ang pagtatasang ito ay magdadagdag ng mga susunod na kasaping mas may malalim na pag-unawa sa konteksto ng kanilang komunidad at may pagkilala sa kung anong maari nilang maibahagi sa pagpapaunlad ng kanilang samahan. Upang masolusyunan ang kanilang kawalan ng akses sa tubig at kuryente, iminumungkahi rin na makapag-takda ng pulong sa pamunuan ng Commission on Human Rights. Maaring idulog na samahan na masuplyan ulit ng tubig at magkaroon ng kuryente sa lugar lalo pat ito ay pangunahin nilang karapatan. Kasama na rin dito ang pagsasanay ng mga kasapi sa kanilang pagharap sa mga opisyales ng komisyon upang sapat nilang mai-lobby ang kanilang posisyon at hinaing. Mabuti rin kung magkakaroon ng refresher training ang mga datikng nakalahok na sa pagsasanay. Masisiguro nito ang hindi nila pagkalimot sa pagsasanay at muling pagaakma ng kanilang natutunan sa magiging pang-kasalukuyang sitwasyon at kalagayan ng samahan. Maigi rin na magkaroon ng teambuilding ang mga opisyales ng samahan. Ang okasyong ito ay maaring maging daan upang mas mapagtibay ang pagsasamahan at pagkakaisa ng pamunuan. Mas mapagbubuti rin ang pag-unawa ng isat-isa sa kanyang kasamahan.

Kaugnay ng teambuildingiminumungkahing magkaroon rin ng pagpupulong ang pamunuan at mga kasapi nang may open forum. Hihikyatin ang mga kasaping ilabas ang kanilang mga agam-agam at tanong ukol sa mga sitwasyon ng kanilang kaso sa pagmamay-ari ng lupa. Dito rin maaring ipaalala muli ng pamunuan sa mga kasapi ang kanilang mga tungkulin at dapat na ibahagi sa kawsang ipinaglalaban ng samahan. Maigi rin ang pagpapalakas at pagpapalawak ng network ng samahan. Maaring palawigin pa ang mga ka-alyansa nilang organisasyon sa pamamagitan ng paglapit sa mga samahan at kilusang may katulad na adbokasiya. Maari na rin silang makipag-ugnayan sa mga organisasyon, tulad ng mga simbahan na makakatulong sa pagpapa-husay ng kanilang stratehiyang pang-adbokasiya. Ang isyu ukol sa pagsapi ng samahan sa RHEMA Foundation ay mangangailangan pa ng mas malalim na pagsusuri. Hindi ito dapat madaliin ni ipilit sa kahit na sinumang kasapi ng NMSMI. Bagkus ay dapat magkaroon ng masinsin na pagpupulong ang pamunuan at mga kasapi ukol dito.marapat rin na magsagawa ng imbestigasyon ang samahan sa pagkakakilanlan ng RHEMA at mga proyekto nito upang masiguro na hindi masasakripisyo ang resources at pagtitwala ng mga miyembro sa samahan. Ang mga alitang maaring umusbong sa proseso ng pagtatasa ay mamarapating instrumento ng pagpapaunlad. Ang mahalaga ay hindi kalimutan ng samahan kung anuman ang parw-pareho nilang ipinaglalaban at pinaninindigang adbokasiya dapat ay malalagpasan ng pagtitiwala sa samahan ang anumang samaan ng loob na mamamagitan sa mga miyembro at pamunuan ng NMSMI.

VIII. APENDIKS
Nakahandang tumulong para sa ikauunlad ng
aming samahan. Susuporta sa physical at financial. Hanggang sa matapos ang problema naming sa tinitirahan Yolanda

Apendiks 1: Resulta ng Assesment/ TNA


Assessment: RHEMA Foundation Livelihood International Land issue Communication gaps O help in land issue dahil mahina na ang laban; the cost is 150k; maylou balwart claims to have the title of the land Rhema and PVAW claim to own the land Master has already given 16K to rhema foundation Hindi makapaglabas ng saloobin ang mga babae (ang nakita ay i-capacitate ang mga women leaders; ginawaga nila ito para hindi magkagulo pero, hindi sila naglalabas ng pera) 1. Hindi sigurado sino ang may-ari ng lupa 2. Naniwala si Master; pursigido na rhema ang may-ari, pero hindi ok sa lahat ng tao; now he is dominating, convincing people to follow him i. Goal now: Discuss to people if who owns the land (PVAW or RHEMA) ii. Topic: Leadership usapin ng participatory leadership

Root problems

Apendiks 2: Training Design


Title: Bahay at Buhay Rationale: Sitio Masigasig is located along C-5, East Service Road, Western Bicutan, Taguig City, Metro Manila whose residents are currently under the threat of being vanished from the area that for the past three decades has been considered their home. In the early 80s about ten (10) families coming from the from the different provinces in the country was by that time described by them (original settlers) as a vast and grassy wasteland. Most of the pioneer settlers in the area started to till the land, plant crops and other fruit-bearing trees that have become a source of income by selling it to the market or have it for family consumption. Moreover, most of the community members have a blue-collared job in housekeeping, dressmaking, carpentry, construction and factory. From ten (10) families in the 80s it grew fast, so fast enough that the place became congested and difficult to identify the real inhabitants of the area as some of them allowed their relatives and friends to live in their houses. The environment changed from friendly and simple to hostile and complex and a number of issues emerged in the processed. Since the community has become complex, the need to organize has been felt resulting to the birth of an organization called the Nagkakaisang Maralita ng Sitio Masigasig, Incorporated (NMSMI) that served as a neighborhood association so to speak and decides for pertinent community issues from security concerns to its members personal disputes where leaders served as the arbiter within the community. Since the community comes from diverse background and political orientation, it resulted into a schism within the organization creating tension and loyalty issues within the organization until a churchbased organization brought by the Eastern Missionaries of St. Francis of the Eastern Catholic Church pacify them and acted as neutral party in the community. General Objective Increase leadership capacities of women leaders of Nagkakaisang ng Sitio Masigasis in order to realize their roles in confronting community issues Increase awareness of personal characteristics and leadership styles Provide venue for women leaders to have an exchange of their ideas and opinions on pressing community issues and concerns in mobilization of community members Identify gaps in their association leaders coordination and communication A concrete resolution to improve their level of coordination and communication

Specific Objectives

Expected Output

Framework/ Approaches Personal Awareness Team Community

Program Schedule Oras 9:00-9:30 AM Sphere Gawain Training introduction Introduction of self Leveling of Expectations House rules Gender Differentiation Video (The Impossible Dream) Personality Test: Leadership and Personality Assessment Behavioral Patterns Inventory Lunch Team Building: Building the House (Bahay at Buhay Trial 1: no communication o 5 minutes planning o 10 minutes execution Trial 2: with communication o 5 minutes planning o 10 minutes execution Communication Mayroon Akong Nais Iharap at Ipaabot Sa Inyo Komunidad Sarili Statement of Commitment Reflection and Synthesis

9:30-10:30 AM

Sarili

10:30-12:00 NN

12:00-1:00 PM 1:00-2:30 PM

Samahan

2:30-3:00 PM

3:00-3:30 PM 3:30-4:00 PM

Participants At least 10 women leaders of Samahang Nagkakaisa ng Sitio Masigasig Date and Venue Tentative: Oct 2 (Sunday) or Oct 4 (Tuesday) Time: 9:00 to 3:30 PM COSE training room, Cubao

Budget Item Meals for 17 pax (at P150/person) Gas Supplies GRAND TOTAL Budget P 2,550.00 P 500.00 P 550.00 P 3600.00 P 600.00/ person

Tasking 1. Session guides matrix (Omar to e-mail) 2. Session guide (from facilitators send to Bibs) 3. Documentation (Photos, Write-up) 4. Supplies and materials Assignment
Ensure availability of car and contact caterer Finalize all forms 1. Attendance sheet 2. Info sheet 3. Pre and post eval 4. Certificate of Participation Confirm schedule of training and participants and Dietary restrictions Prepare equipment 1. LCD projector, Speakers, Laptops, Camera Supplies 1. Metacards (3 colors) 2. Pentel pens 3. 5 Manila papers 4. Masking tape 5. 2 scissors 6. 2 rulers 7. Newspapers 8. Drinking straw (2 bags) 9. ID activity thick papers and nylon cord 10. Freedom wall (print icons smile, sad face, no emotion post over pre, lunch, post) 11. BPI form/ BPI characteristics 12. Pencils Medicines (Diatabs, paracetamol, mefenamic, Buscopan)

Person Responsible
Francis and Bibs Juls (Omar to send proforma, attendance sheet etc to group) Glorie Francis and Bibs

Time/ Date
Friday Thursday

Thursday eve

Omar COSE Juls

Glorie

Omar Omar Juls and Glorie Bibs/ Francis

Apendiks 3: Session Guides


Topic: Training Introduction Time: 0900- 1000 (60 minutes) Chair: Celso/ Omar
Overview: An activity to introduce self and break the ice

Description/ Objectives: Level-off expectations Set houserules PROCESS/ ACTIVITY Breaking the ice 1. Ask the participants to write their name and draw a symbol Me Drawing that would represent her self 2. Ask everyone to share to the group what they have draws 0915-0935 Levelling off expecationas 1. Provide each participant with two sets/ color metacards 2. On one colour, ask the participants their HOPES 3. On the other color, ask the participants to write their FEARS Remember: 4. Write only expectations for the day Write BIG One idea per card; 3-5 words per card Let the participants post the cards on the board, then process. Facilitator can cluster further the ideas. Hopes and Fears Marker pens, metacards Marker pens, metacards OUTPUT RESOURCES

TIME/ DURATION 0900-0915

TIME/ DURATION 0935- 1000

PROCESS/ ACTIVITY House Rules

OUTPUT

RESOURCES

1. Divide the participants into two House Rules 2. For five minutes each member contribute their house rule they want everyone to observe the entire day 3. For the next five minutes, let each group decide top three choices 4. Report to plenary 5. Facilitator can consolidate if there are similar ideas

Marker pens, manila paper

Topic: Gender Sensitivity Training Tagapagpadaloy : Juliet Oras: 10:00 11:11 hour (60 minutes Pagbibigay : Pagbibigay ng maikling pagsasalarawan ng sine na ipapalabas at kung paano nila ito i-uugnay sa kanilang mga sariling karanasan. Layunin ng Pagsasanay: Maunawaan at mapaunlad ang kamalayan sa sarili Maunawaan ang kasalukuyang sitwasyon ng kababaihan sa pormal at impormal na paggawa sa aspetong panlipunan o sosyokultural; at maiangkla ito sa ideyolohikal na basehan ng kanilang pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay. Matukoy ang dahilan at epekto ng kasalukuyang kalagayan at gampanin ng kababaihan sa pamilya, komunidad, at sa organisasyon

Batayang Prinsipyo ng Pagsasanay: Hindi ito giyera ng kasarian Hindi ito kontra lalaki Kapwa biktima ang babae at lalaki Ngunit Higit na dehado ang babae Proseso/Gawain Film Analysis: Impossible Dream 1. Ipalabas ang sine 2. Likumin ang komentaryo ng mga kalahok 3. Gabay na tanong ang mga sumususnod: Ano ang nakita ninyo sa sine? Ano ang mga partikular na gawain para sa babae at para sa lalaki? Ano ang inyon reaksyon o naramdaman sa ipinakita sa sine? Ano ang mga gawain na dapat at hindi dapat ginagagawa ng babae at lalaki? Pagsalamin sa kalagayan ng kababaihan sa kanyang produksyon at reproduksyong gawain. OUTPUT RESOURCES Kopya ng Impossible Dream, Laptop, LCD projector

Oras na Inilaan 30 minutes

Oras na Inilaan 10 minutes

Proseso/Gawain
Structured Learning Exercise: Paghahti ng mga kalahok sa 2 grupo Pagsukat sa kanilang kaalaman sa gawaing pang produksyon at reproduksyon. ( Sa kanilang palagay sa unang grupo: Ano ang mga gawaing hindi dapat ginagawa ng isang babae; at sa ikalawang grupo naman ang Ano sa kanilang palagay ang dapat na ginagawa ng isang babae?

OUTPUT Pagkilala sa gawaing produksyon o produktibo ng mga kababaihan na kahit sila mismo ay hindi nila ito kinikilala sa kasalukuyang kalagayan Pag-unawa sa Pagkakaiba ng SEX at Gender at sa usaping produktibo at reproduktibong gawain.

RESOURCES Metacards, pentelpen, masking tape, scissors.

20 minutes

Paglalahad ng mga Batayang konsepto ng Gender Ano ang Gender? (Katangian/PAgkakaiba ng babae at lalake) Pagkakaiba ng SEX at Gender Paghahati ng Gawain Batay sa Gender (Gender Division of Labor) Produktibo/Produksyon at Reproduktibo/Reproduksyon Mga Institusyon na nakakapekto sa pagpapalaganap ng hindi pagkakapantay-pantay sa konsepto ng gender. - Pamilya o Tahanan - Paaralan - Relihiyon/Simbahan - Mass Media

Ppt presentation, laptop and LCD Projector

Topic: Behavioural Patterns Inventory Time: 1030 -1200 (1 hour and 30 minutes) Chair: Omar Erestain
Overview: An activity to conduct a personal assessment of behavioural style

Description/ Objectives: To raise awareness of self and others PROCESS/ ACTIVITY Distribute the BPI Form. Make sure everyone has the form and a pen/pencil. When everyone has the form, guide the participants on the step by step instruction: 1. For each group of four words, select the word which best describes you and score 1 in the box to the left under Step #1. Select the word which next best describes you, score it 2 and enter in the box to the left under Step #1, and so on scoring 4 for the word which least describes you. 2. Transfer the scores in the boxes on the left to the white squares on the right. 3. Add up the scores in each column and enter the totals on the bottom of the. page. They should cross total to 80 4. Transfer the totals to boxes A-O-C-S on the next page. 5. Circle the number in each column which corresponds to the total you have entered above. 6. Join the circles A-O-C-S. Tiebreaker:If you have two circles at exactly the same level above the 20's on the chart, please complete the tiebreaker (#7) at the bottom of the page to determine your highest height dimension OUTPUT RESOURCES BPI Form, Pen

TIME/ DURATION

TIME/ DURATION

PROCESS/ ACTIVITY When participants are done with the exercise, ask them who got AO-C-S as her higest dimension. From here, you can now easily tell the profile of the participants. Afterwhich, explain the different characteristics of an A-O-C-S. You can liken these characteristics to more popular leaders/animals, so itll be easier for participant to comprehend: e.g. A- Ferdinand Marcos/ Eagle; O- Erap Estrada- Ostrich; C- FVROwl ; S- Cory Aquino- Duck Elaborate that theres no dominant/ right leadership profile. Every profile is important, and sometimes we shift our style depending on the situation. Explain further that knowing our personality and that of others can help us in: Handling emotion Using resources Communicating ideas Making decisions Seeing the future and past

OUTPUT

RESOURCES

AOCS Characteristics Form

And as such, we can prevent: Miscommunication of ideas Conflict over outcomes Discomfort with each other Unproductive meetings

Topic: Bahay at Buhay Time: 1300 1430 hours (1 hour and 30 minutes) Chair: Omar Erestain Overview: An activity to understand teams and how they work. Description/ Objectives: To understand and manage team communications. To practice team leadership skills through a real life simulation. PROCESS/ ACTIVITY Divide the group into two. You can use the A-O-C-S profile to distribute the people, so that each group will have each profile. Provide each team with the same amount of materials. Afterwhich, tell the teams of their task: Build the highest and strongest house they can create given the materials. Remind them, that they cant use any equipment/ material unless provided.
Newspapers, 1 meter masking tape, 1 pair of scissors, 1 ruler, 20 sticks/ activity (Two sets per team for all trials)

TIME/ DURATION

OUTPUT

RESOURCES

Tell teams that they will have two times to do the exercise so they should be frugal of the materials, because it will not be replenished. For each trial, give participants 5 minutes to plan, then 7 minutes to execute their plan. For, the first trial, tell participants that they cant speak during the entire process. For the second trial, they can now speak to each other.

TIME/ DURATION

PROCESS/ ACTIVITY Now, subject their outputs on stress test. Whichever output to remain standing shall be declared as the winner. Based on the two exercises, ask the participants: Communication
Is it necessary to talk in order for it to be productive? Was there a need for compromise?

OUTPUT

RESOURCES

What were the styles of negotiation used- win/win or win/lose?

Team Reflect on the activity (were you able to build the house? Difficulties) If it worked/ did not work why? What roles did you take in the team (contributions)? Group dynamics; what should be changed?

Leadership Reflect on individual approaches How did you identify the leader? What were the different leadership qualities identified by each team? Were there any cultural differences in leadership qualities identified or style of negotiation or consensus building?

Do not forget to relate the team to real life situation by asking participants if same happens on their actual organization.

TIME/ DURATION

PROCESS/ ACTIVITY Provide inputs on team: A GROUP VS A TEAM


While many characteristics are shared by a group of people who come together to work on a defined task, the difference between a group and a team is the strength of their dedication to work together and to be inclusive. Characteristics of teams include: Shared values Interdependence Feelings expressed Commitment Interpersonal skills Consistency Intensity Trust Conflict resolution Listening Consensus Cooperation Focus on group success

OUTPUT

RESOURCES

HELPING TEAMS REACH FOR SUCCESS

Keep the focus on team performance doing even better Encourage intensity of communication Promote interdependence between members Create pairs or small groups to solve problems Ask for formal presentations on how to tackle issues Provide resources and encouragement for team growth Act as a team player Approach every task as an opportunity for teamwork Rely on commitment, rather than control Put more emphasis on team than individual rewards Tap each persons potential.

TIME/ DURATION

PROCESS/ ACTIVITY

OUTPUT

RESOURCES

GETTING PEOPLE TO CONTRIBUTE

Check for any feelings preventing people from participating Put members in pairs or threes to discuss an issue Ask people to prepare something in advance Encourage people to: Listen with full attention Express objections and criticism positively Act as if the groups is powerful not powerless Summarize the previous persons point before making their own Rephrase and issue in their own words

Fix another meeting for items that are cut short Choose someone to summarize progress regularly Ask for each persons views, letting no one off the hook the

Check everyone leaving knows what to do ask in spirit of enquiry, not as a progress chaser

Topic: Communication Skills Facilitator: Glorie Time: 0200- 0230 hours (30 minutes)
Overview: Activities to Introduce Effective Communication Skills with emphasis on Listening and Feedback

Description/ Objectives:
For participants to appreciate the importance of effective communication skills in leadership Allow participants to reflect on their own communication styles Encourage participants to adopt feedback strategies and improve listening skills Let participants explore means of getting heard

TIME/ DURATION 5 minutes

PROCESS/ ACTIVITY Ask the group how they felt after the activity, what they thought of the activity (first run and second run) and how they felt with their groupmates.
Introduce the concept of Effective Communication, pakikipag-usap Meron Akong Nais Iharap at Ipaabot sa Inyo. (process+actors) Bakit tayo nakikipag-usap? The Importance of Listening (Pakikinig) and Feedback Paano tayo nakikinig? -Active and Reflective Listening -Glass-eyed Listening, Defensive/Critical Listening Ang Pakikinig ay Paggalang -Allow participants to cite communication situations when feedback was encouraged/discouraged. What happened then and how did those involved in the situation feel? -Karapatan kong dinggin ako at Tungkulin kong makinig Paano kung hindi ako pinakikinggan? -Polite means of asserting the right to be heard, Tinapay

OUTPUT

RESOURCES

15 minutes

TIME/ DURATION 15 minutes

PROCESS/ ACTIVITY
Pagbibigay-Tugon, - Paano/Ano ang Sasabihin at Paano/Ano ang tatanggapin - Mga Balakid - Mga Uri ng Feedback - Mga Paalala - Mga Alalahanin

OUTPUT

RESOURCES

Apendiks 4: BPI Form THE BEHAVIORAL PATTERNS INVENTORY

Instructions:

1. Sa bawat grupo ng apat na katangian, i-score ito ng 1-4. 1 bilang ang katangiang pinakamalapit sa iyo, 2 yung sumunod, 3 hanggang 4 yung huli.

2. Ilipat ang iyong scores sa kaliwang box sa putting square sa kanan.

3. I-add ang scores sa bawat column at isulat ito sa ilalim. Ang total ng lahat ng columns ay dapat 80.

4. Ilipat ang total sa bawat column sa A-O-C-S sa kabilang pahina.

Madaldal Matulungin Walang Kinikilingan Malumanay Determinado Pala-kaibigan May Tiwala Sa Sarili Pasensyoso Maasahan May Kontrol sa Sarili Maalaga Malakas ang Dating Palakaibigan Madetalye Maingat Kayang Gumawang Mag-isa Positibo May sinseridad Disiplinado Mahilig Lumabas Nakikiisa Matapat sa Kasama/Kaibigan Palaisip Walang Takot Matapang Mabusisi Hindi Makatanggi Madaling Lapitan Tumutugon Malakas ang Loob Competitive Maalalahanin STEP# 3 TOTALS 80 = A O C S

Courtesy of Dr. B. Heemsbergen

TOTALS 5. Bilugan ang numero sa bawat kolum na lumabas mula sa total sa naunang pahina. 6. Ikabit ang mga bilog ng A-O-C-S. 7. Tiebreaker: HIGH DIMENSION

A 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32

O 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32

C 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32

S 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32

Kung mayroon kang dalawang bilog na mas mababa sa 20 na magkapantay, ituloy ang pagsagot sa tiebreaker sa baba. LOW DIMENSION HIGHEST DIMENSION (Lowest Score) TOTALS STEP #7 TIE BREAKER

Simpatiko Mapiliti Maingat Enthusiastic

Apendiks 5: Info Sheet


PERSONAL NA IMPORMASYON

1)

Pangalan: ________________________________________________ Palayaw na Pangalan: ________________________________________ Tirahan: ____________________________________________________ Telepono: ______________ Mobile # _________________________ Email Address: ___________________________________________ 2.1 May-ari ng bahay na tinitirhan: [ ] [ ] [ ] 2.2 sariling pag-aari nakikitira (kanino) _________________________________ inuupahan (magkano kada buwan) ____________________

2)

Ang tirahan ba ay gawa sa: [ [ [ [ ] ] ] ] konkreto at yero kahoy at yero tagpi-tagping materyales iba pa, (tukuyin) ________________________________ [ ] babae [ ] lalake Edad: __________

3) 4) 5)

Kasarian: Kapanganakan: Kalagayang Sibil: [ ] [ ]

_________________________

may asawa, kasal nagsasama, di kasal [ ] ______

[ ] walang asawa [ ] hiwalay [ ] [ ] babae [ ] walang anak

balo

6)

Bilang ng anak:

lalake

7) Antas ng Pinag-aralan: [ [ [ [ [ [ [ [ [ ] ] ] ] ] ] ] ] ] di-nakatapos ng primarya: _______ nakatapos ng primarya di-nakatapos ng elementarya: _______ tapos ng elementarya di-nakatapos ng sekondarya: ________ nakatapos ng sekondarya kursong teknikal/bokasyunal, tukuyin ________________________ di-nakatapos ng kolehiyo (tukuyin) __________________________ kursong natapos, (kolehiyo) tukuyin _________________________

8)

Salitang ginagamit:

[ ] [ ] [ ]

Tagalong [ ] English Bisaya iba pa, tukuyin ____________________

9) Lugar na pinanggalingan: _________________________________________ 10) Kalagayan sa Sambahayan: [ ] [ ] pangunahing kumikita [ ] iba pa katulong na kumikita

14)

Mga Samahan/Organisasyong kinasasapian sa Komunidad: [ ] kasapi ng Samahan [ ] Hindi kasapi Kung kasapi, sa anong samahan? _______________________________ Kailan naging kasapi? _________________________________________ May Katungkulan sa Samahan: Oo [ ] Wala [ ] Kung Oo, Pakipunan ng tamang sagot: ___________________________

15)

Nakadalo sa mga Pagsasanay: [ ] Oo [ ] Hindi Kung Oo, anu-ano ang mga ito? Pakipunan ng tamang sagot:

Pamagat/ Paksa ng Pagsasanay/

Kailan Idinaos

Sino/Ahensiya Nagbigay/Sponsor

Saan Idinaos

Apendiks 6: Pre-Training Evaluation Sheet


Pakiusap lagyan ng tsek ( X ) ang tamang sagot nasa tingin ninyo ang antas ng inyong pagkakaunawa sa bawat paksa. Makatutulong ito sa amin sa pagbibigay ng edukasyon sa gender, epektibong pamumuno at komunikasyon sa mga komunidad. 1. Kung susukatin, gaano na kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa usaping Gender? [ [ ] Wala pang kaalaman/kasanayan ] May sapat na kaalaman/kasanayan [ [ ] May kaunting kaalaman/kasanayan ] Bihasa na sa kaalaman/kasanayan

2. Kung susukatin, gaano na kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa usaping ng Epektibong Pamumuno? [ [ ] Wala pang kaalaman/kasanayan ] May sapat na kaalaman/kasanayan [ [ ] May kaunting kaalaman/kasanayan ] Bihasa na sa kaalaman/kasanayan

3. Kung susukatin, gaano na kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan sa usaping ng Mabisang Pakikipag-ugnayan / Komunikasyon? [ [ ] Wala pang kaalaman/kasanayan ] May sapat na kaalaman/kasanayan [ [ ] May kaunting kaalaman/kasanayan ] Bihasa na sa kaalaman/kasanayan

4. Kung susukatin, gaano na kalawak ang iyong kaalaman/kasanayan na Gumawa / Magtrabaho bilang isang Grupo ( Working as a Team). [ [ ] Wala pang kaalaman/kasanayan ] May sapat na kaalaman/kasanayan [ [ ] May kaunting kaalaman/kasanayan ] Bihasa na sa kaalaman/kasanayan

Apendiks 7: Post-Training Evaluation Sheet


EBALWASYON (POST - EVALUATION) Pakiusap bigyan ng panahon na lagyan ng tsek ( X ) ang mga katanungan. Makakatulong ito sa amin sa mga gagawin pang pagsasanay:

1. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng gender ay: [ ] naragdagan [ ] hindi nagbago

Dahil : ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng epektibong pamumuno ay : [ ] naragdagan [ ] hindi nagbago

Dahil : ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

3. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng mabisang komunikasyon/pakikipag-ugnayan ay : [ ] naragdagan [ ] hindi nagbago

Dahil : ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

4. Bunga ng miting/pagsasanay na ito, ang aking pagkaunawa sa usapin ng kolektibong paggawa/patatrabaho bilang isang grupo ay : [ ] naragdagan [ ] hindi nagbago

Dahil : ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

Ano pa ang iyong masasabi sa: Facilitators:

Daloy/ Programa:

Venue:

Iba pa:

IX. SANGGUNIAN

MGA LIBRO Rummel, R.J. Understanding Conflict and War: Conflict in Perspective, Chapter 5, Marxism, Class Conflict and The Conflict Helix Galtung, Johan. 1969. Violence, Peace and Peace Research. Journal of Peace Research, vol 6, No, 3, 1969, pp 167-191. Galtung, Johan, 1976. Three Approaches to Peace:Peacekeeping, Peacemaking, and Peacebuilding. In Peace, War, and Defense: Essays in Peace Research, Volume II. Galtung, Johan.1996. Peace by Peaceful Means: Peace and Conflict, Development and Civilization. Oslo : International Peace Research Institute and London, thousand Oaks, New Delhi : Sage Publications Lederach, John Paul. 1997. Building Peace: Sustainable Reconciliation in Divided Societies. Washington CD: United States Institute of Peace Press. Miall, Hugh. 2004. Conflict Transformation : A Multi-Dimensional Task (edited version). Berghof Research Center for Constructive Conflict Management. August. http://www.berghof-handbook.net. Mitchell, Christopher. 2002. Beyond Resolution: What Does Conflict Transformation Actually Transform? Peace and Conflict Studies, Volume 9 , Number 1 May 2002 http://www.gmu.edu/academic/pcs/CM83PCS.htm Alinsky, Saul. Rules for Radicals, Vintage Publication, October 1989. Ecklein, Joan. Communtiy Organizers, University of Massachussets, John Wiley and Sons, New York, 1984, second edition. Korten, David. For the Love of Life- A Millennium Reflection, 2000. Peck, Scott , A Different Drum, Arrow Books Limited, 1987. Clark, David B., The Concept of Community: A Reexamination, Sociological Review, 1973. Escobido, Kristian, Ang, Sara Grachelle. Case Study: Sitio Masigasig, Spiritual Resource for Community Organizing

INTERNET http://server.pvao.mil.ph/shrines.html http://tl.internationalism.org/node/155, accessed 20 October 2011 Kasaysayan ng Pilipinas, accessed 20 Oct 2011 http://nacierbesa.wordpress.com/2011/04/29/kasaysayan-ng-pilipinas/,

Prop. Jose Maria Sison, Mensahe ng Pakikiisa sa mga Maralita sa Kanayunan ng Timog Katagalugan, April 26, 2010. http://www.josemariasison.org/?p=42, accessed 20 Oct 2011 560,000 informal settlers sa Metro Manila, pagkakalooban ng gobyerno ng libreng lupain, 10 May 2011, http://www.rmnnews.com/beta/news/national/14077-560000-informal-settlers-sa-metro-manilapagkakalooban-ng-gobyerno-ng-libreng-lupain.htmls, accessed 20 Oct 2011 Speech of Vice President Jejomar C. Binay during the Region IVA Pabahay Caravan, Filipiniana Hotel, Calapan City, Oriental Mindoro, 7 October 2011, 1 p.m. Posted: Tuesday, October 11, 2011, http://ovp.gov.ph/speeches.php?id=413), accessed 20 Oct 2011