You are on page 1of 2

Anti Planking Act of 2011

DAFUQ? Kala ko joke lang yung anti planking shit na nakikita ko sa internet, tapos kani-kanina lang nakita ko sa balita. Ang nakaisip pala nito ay si Winnie Castelo, naisip niya kasi na hindi daw ligtas yung pagpaplanking ng mga rallyista.

The bill would not criminalized planking. There is no penalty clause. Only administrative sanction from their school. I was a UP student joining rallies then. I respect the rights of students to express grievances. I learn from them. I recognize the constitutional guarantee to freedom of expression. However, as a parent I can not compromise the safety of rallyist and general public. As a lawmaker we are mandated by our sworn duty to protect everyones welfare. Ako, naisip ko napakalaking pagsasayang lang ito ng oras, andami daming malalaking bagay na dapat pagtuunang pansin sa Pilipinas, uunahin pa tong mga nagpaplanking na ito? Balang araw malalaos din yung Planking na yan eh. Para saan ba ito? Masabi lang na may nacontribute siya sa Pilipinas? Srsly? Andami daming gawing panukala na mas makakatulong sa madlang pipol eh. :) Napaka-immature ng bill na ito. Kung ipapawifi niya buong Pilipinas matutuwa pa ko eh. Matatawa ko kung mapapatupad pa itong bill na ito, kuna mapapatupad man mag-Owling nalang kayo haha :)

De-kahong seguridad
K KA LANG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) Updated September 17, 2011 12:00 AM Comments (2)

NAGHIHIGPIT na raw ang seguridad sa isang mall sa Quezon City, matapos ang insidente ng pamamaril sa isang lalaki at isang guwardiya ng asawa ng lalaki. Nakapasok yung asawa sa mall na may dalang baril. Hinanap ang kanyang asawa na umanoy iniwan na siya para sa ibang babae, at binaril. Nang magtangkang magpakamatay na yung babae, pinigilan ng guwardiya, pero nabaril din siya sa proseso. Namatay yung mga binaril. Nahaharap ngayon sa murder at homicide yung babae. Ang tanong ngayon, paano nakapasok ng baril ang babae nang hindi nakita ng mga guwardiya? Pero alam na ng lahat ang sagot diyan. Hindi naman talaga masinsinan ang mga security check na iyan, kundi mga de-kahong kilos lang. Tuwing may gun show sa isang malaking mall, may check-in counter pa nga sa tabi ng pasukan ng show. Ibig sabihin, pinayagan ng mga guwardiya ipasok ang may mga dalang baril sa mall! Ayon sa babae, tinago niya yung baril, na nabili niya ng P4,000, sa ilalim ng kanyang bag para hindi makita ng guwardiya. Hindi rin daw ginamitan ng metal detector, kaya nakalusot. Siguro nagiging praktikal ang mga guwardiya na kung magiging mahigpit nang husto sa lahat ng papasok, hindi sila matatapos at magkakaroon ng mahabang pila papasok sa mall. Sigurado ayaw rin ito dahil baka mapundi lang ang mga tao at umalis na lang. Ganundin sa mga parking lot. Ang pag-inspeksyon ay de-kahong kilos din. Bubuksan ang likod, isasara. Kahit napakaraming gamit at kahon na dala, hindi naman hahalungkatin, dahil masyadong magtatagal. Magagalit yung mga nasa sasakyan at mga nakapila rito. Kaya hindi na siguro nagiging masinsinan dahil magtatagal. Ito ang mga kailangang pag-aralan. Kung paano mapapahigpit ang seguridad nang hindi naaabala rin ang mga tao. Kung may mga daanan na metal detector naman katulad sa airport, tutunog naman ito kahit barya at susi ang dala, kaya halos lahat ng tao ay kakapkapan din! Malamang hihigpit ang seguridad, ng ilang buwan, tapos luluwag na naman. Ganito naman lagi ang kaso sa ating bansa. Magandang umpisa, masamang pagtapos. Ningas kogon. Ang kailangang malaman ng mga otoridad, ay kung saan nabili ng babae yung baril. Kung ganun kadali bumili ng baril, malaki ang problema ng lipunan na ito!