Kapanganakan: Kamatayan

:

Partido Politikal: May-bahay: Trabaho/Propesyon Relihiyon:

Ika-5 Presidente ng Pilipinas ====================== Ikatlong Presidente ng Komonwelt ========================== Unang Presidente ng Ikatlong Republika (Mayo 1946 - Abril 1948) ============================================== ================== Talambuhay: Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Bilang Pulitiko:  Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan.  Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon.  Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker.  Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly  Nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon.  Naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.

January 1, 1892 Capiz (now Roxas City), Capiz April 15, 1948 (aged 56) Clark Air Base, Angeles, Pampanga Nacionalista (1919– 1945) Liberal Party (1945– 1948) Trinidad de Leon Lawyer Roman Catholic

 Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon.  Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon.  Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.  Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang Pangulo:  Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon maliban doon sa may mabigat na kasalanang kriminal.  Noong ang Pilipinas ay nasa kaguluhan, nagtagumpay si Roxas na makakuha/ makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Trade Act.  Napilitan naman siyang lagdaan ang kasunduang militar na nagtakda sa estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base military sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967), naglimita sa pangangalakal sa mga Pilipino, at pribilehiyo sa mga taga-estados unidos na may mga pag-aari at inbestor.  Sa kanyang panahon ay umabuso ang mga “military police” na naging sanhi ng pagkakabuo o pagtatag ng kalahating parte ng Hukbalahap. Ito ay nagresulta sa malawakang pagmamalupit sa mga mababang uri ng tao o hampas lupa.  Sa kanyang pamahalaan ay lumaganap ang “graft and corruption”. Nagpayaman ng kanilang mga sarili ang mga “collaborators”. Nanatiling nakatali o umaasa ang ekonomiya ng pilipinas sa ekonomiya ng estados unidos. Naging suliranin sa ilalim ng kanyang pamamahala: Naharap sa maraming problema si Roxas.  Nagkaroon ng iskandalo sa pamamahagi ng sarplas at bayad-pinsala sa digma.  Nabigo ang kanyang binuksang mekanisadong pagsasaka sa Mindanao.  Biglang lumakas ang Kilusang Hukbalahap. Kamatayan: Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base.

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

November 16, 1890 Vigan, Ilocos Sur February 29, 1955 (aged 64) Quezon City Liberal Party Lawyer Roman Catholic

Ika-6 na Presidente ng Pilipinas Ikalawang Presidente ng Ikatlong republika (April 18, 1948– December 30, 1953) ================================= Ikatlong Bise-Presidente ng Pilipinas Ikalawa at Huling Bise-Presidente ng Komonwelt Unang Bise-Presidente ng Ikatlong Republika (May 28, 1946 – April 17, 1948) ================================= Kalihim ng Ugnayang Panlabas (September 16, 1946 – April 17, 1948) ================================================================== Talambuhay: Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Bilang Pulitiko: Tanyag at iginagalang si Quirino nuon, batikang politiko kahit masasabing may pagka-makaluma (conservative). Kaiba kay Roxas na laging nasa harapan, nagsisigasig si Quirino sa loob, at kasama, ng kanyang pangkat at mga kabig.  Nahalal sa Kongreso noong 1919.  Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention".  Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946.  Nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.

Bilang Pangulo: Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Mga nagawa, patakaran at programa bilang Pangulo:  Nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang tinangkang pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan.  Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya ay ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.  Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y unti-unting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 - ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang Mindanao.  Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal niya upang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan.  Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan.  Umutang siya ng 200 milyon dolyar mula sa America upang pundaran ang ACCFA, pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon.  Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo kay Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran [amnesty] ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy ang sagupaan sa Gitnaang Luzon. Naging suliranin at masamang nangyari noong kanyang panunungkulan: Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka ni Quirino, nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walang pitagang nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan ni Roxas.  Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas - ang bawat pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling

nahahalal dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica. Sa English, graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan hanggang ngayon.  Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang pagbigyan ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga tagabukid nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas.  Ang patayan, mga karahasan at pandarayang naganap nuong 1949 nang mahalal muling pangulo si Quirino ang nag-udyok sa maraming magsasaka na tumulong o sumanib sa mga Huk. Kamatayan: Nang nagpahinga na mula sa politika si Quirino, kinalimutan ang ginawa niyang pagpaunlad ng buhay ng mga tao; inalaala lamang ang paglaganap ng graft and corruption sa kanyang pamahalaan. Ang mapagpayapa, kinalimutan ang kanyang pagbuklod ng mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan; inalaala lamang ang pag-alsa ng mga Huk sa Luzon. Sa maraming kabutihang ipinamana ni Quirino sa bayan, isa lamang ang tanging inamin at inaalaala pa hanggang ngayon, ang paghirang at matapat na pagtangkilik niya, hanggang sa kahuli-hulihan, sa naging pambato laban sa mga Huk, si Ramon Magsaysay, ang tumalo sa kanya sa halalan nuong 1953. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66. Siya ang unang Ilokanong pangulo.

“He who has less in life should have more in law”. [Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas] - Ramon Magsaysay August 31, 1907 Iba, Zambales March 17, 1957 (aged 49) Mt. Manunggal, Balamban, Cebu Nacionalista Party Luz Banzon Engineer Roman Catholic

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: May-bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

Ika-7 Presidente ng Pilipinas Ikatlong Presidente ng Ikatlong Republika (December 30, 1953 – March 17, 1957) ================================================================== Sino ang makalilimot sa popularidad ni Ramon Magsaysay? Siya ang bukodtanging pangulo na nagbukas sa pintuan ng Malakanyang para sa lahat ng mamamayan. Nagawa niyang ilapit ang pamahalaan sa puso ng bayan at pag-alabin ang diwa ng pagkamakabayan sa damdamin ng mga Pilipino. Pinasigla rin niya ang paggamit ng Wikang Pambansa. At hindi katulad ng ibang sikat noong panahon niya na nagsusuot ng Amerikana, mas pinili niyang isuot ang Barong Tagalog. Talambuhay: Ipinanganak si Ramon Magsay-say kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907. Una siyang nag-aral ng elementarya sa paaralan ng Castillejos at tinanghal siyang salutatorian sa Mataas na Paaralan ng Zambales Academy. Mahilig siya sa teknolohiya kaya pumasok siya sa Pamantasan ng Pilipinas at nag-aral ng Mechanical Engineering. Dahil sa isang matinding pagkakasakit at pagiging self-supporting student sa pag-aaral ay lumipat siya sa Jose Rizal College at doon nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce noong 1932. Nang makatapos sa kolehiyo, naging kawani si Ramon sa Try-Tran, isang malaking transportation Company sa Maynila. Dito niya nakilala ang kanyang napangasawa, si Luz Banzon. Tatlo ang naging anak nila, sina Teresita, Milagros at Ramon Jr.

Bilang Pulitiko: Noong pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Disyembre 8, 1941), si Ramon Magsaysay ay naglingkod sa army. Pagkatapos ng giyera, naging Military Governor siya ng Zambales. Samantala, muling naitatag ang pamahalaang-sibil sa bansa, ang Commonwealth, at kumandidato siya sa pagka-Kongresista. Bilang Kongresista, isinulong niya ang pagsasabatas ng pagtulong sa mga veteranong kawal, pensiyon ng kapamilya nito, benepisyong pang-edukasyon at iba pang kapaki-nabangan buhat sa pamahalaan. Pagkamatay ni Pangulong Manuel Roxas, humalili ang Pangalawang Pangulong Elpidio Quirino at si Magsaysay ay hinirang nito na maging Kalihim ng Tanggulang Bansa. Naipakita rito ni Ramon Magsaysay ang kanyang husay sa pamamalakad sa sandatahang militar. At sa eleksyon noong 1951 ay naganap ang itinuturing na pinakamalinis na halalan sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamamahala ng sandatahang-lakas sa pamumuno ni Magsaysay. Dahil dito ay tinagurian siyang "Man of the Year" noong taong yaon. Sa halalan sa Panguluhan noong 1953, kumandidato si Magsaysay sa pagkapangulo dahil na rin sa pagnomina ni dating Pangulong Jose P. Laurel sa kanya. Nagwagi si Magsaysay ng may malaking kalamangan sa kanyang kalaban. At noong Disyembre 30, 1953, sumumpa siya bilang ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Mga nagawa, programa at pamamalakad sa pamahalaan: Naging maganda ang pamamalakad ni Magsaysay bilang pangulo. Siya ang nagpahayag na "walang kahulugan ang demokrasya kung bigo itong tustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao at hindi maipagkaloob sa kanila ang isang pamumuhay na malayo sa takot at kahirapan."  Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".  Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at kausapin ang kanilang pangulo.

 Itinatag niya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino.  Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabili ang mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp.  Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon. Kamatayan: Hindi natapos ni Ramon Magsaysay ang kanyang termino dahil noong Marso 17, 1957, bumagsak ang sinasakyan niyang helicopter sa bundok ng Manunggal sa Cebu. Nagluksa ang buong bayan sa pagkawala ng isang lider na malapit sa puso. Iyan si Ramon Magsaysay, isang Pangulo, isang halimbawa, isang Pilipino. Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Siya ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw, Monching.

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: May-Bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

November 4, 1896 Talibon, Bohol June 14, 1971 (aged 74) Bohol, Philippines Nacionalista Party Leonila Dimataga Lawyer Roman Catholic

Ika-8 Presidente ng Pilipinas Ika-4 na Presidente ng Ikatlong Republika March 23, 1957 (elected December 30, 1957) – December 30, 1961 ================================= Ika-5 Bise-Presidente ng Pilipinas Ikatlong Bise-Presidente ng Ikatlong Republika December 30, 1953 – March 18, 1957 ================================================================== Talambuhay: Isinilang si Carlos Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Siya ay naging abogado at guro. Bilang Pulitiko:  Pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932.  Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942.  Naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953.

 Noong Ika-II Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol.  Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.  Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones.  Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.  Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957. Mga nagawa at pamamalakad sa pamahalaan:  Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika.  Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.  Ipinatupad niya ang Filipino First Policy. Dala rin nito, sinulsulan niya ang paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw Pilipino sa America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.  Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang “austerity” nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapag-imbak para sa kinabukasan, bagama’t binabatikos siya sa mga paglalakbay niya sa ibang bansa, at pagbili ng mamahaling yate at eroplano para sa presidente. Mga suliraning hinarap ng kanyang pamahalaan: Masalimuot at mahirap ang pulitika sa panahon ng panunungkalan ni Garcia.

 Dapat kilalanin sa panahon niya ang makabansang patakaran hinggil sa base military sa Estados Unidos sa Pilipinas at ang matibay niyang paninindigan para sa dagdag na bayad-pinsala sa digma mulang Estados Unidos at Hapon.  Sa panahon din niya nabulgar ang mga nakawan sa People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang iskandalo na sumira sa kanyang pamamahala. Gayung kasing linis ni Magsaysay, kapwa ayaw gumamit ng salapi ng bayan sa halalan o sa sarili, namayani pa mandin sa pamahalaan ni Garcia ang kabulukan [graft and corruption] na nagsimula pa nuong panahon ni Magsaysay sa ilalim ng NARIC, NaMarCo, SWA at iba pang naglakihang pundar ng pamahalaan. Naging eskandalo ang walang puknat at malawak na pagnanakaw ng hindi masupil na mga kawani at pinuno ng pamahalaan. Natalo si Garcia sa halalan nuong Noviembre 14, 1961, nang tumanggi siyang gamitin ang kapangyarihan at salapi ng pamahalaan upang mahalal muli, at sa paratang ng graft and corruption na dumanak sa kanyang pamamahala. Kamatayan: Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na Pilipinong makata sa kanyang diyalektong Bisaya at isang pulitiko. Natalo siya sa eleksiyon ng 1961. Pero sa Kumbensiyong Konsitutional nitong 1971, nahalal siya bilang delegado. Nahalal pa siyang pangulo ng nasabing kumbensiyon. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75 ilang araw pagkabukas ng kapulungan. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.

Kapanganakan: Kamatayan: Partido Pulitikal: May-bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

September 28, 1910 Lubao, Pampanga, Philippines April 21, 1997 (aged 86) Makati City, Metro Manila Liberal Party (1) Purita dela Rosa— died (2) Evangelina Macaraeg

Lawyer Ika-9 na Presidente ng Pilipinas Roman Catholic Ika-5 Presidente ng Ikatlong Republika December 30, 1961 – December 30, 1965 ================================ Ika-6 na Bise-Presidente ng Pilipinas Ika-4 na Bise-Presidente ng Ikatlong Republika December 30, 1957 – December 30, 1961 ================================================================== Talambuhay: "Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ng mahirap na magsasaka. Isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang siya'y magtapos ng "Doctor of Laws" sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Siya ay bayaw ni Rogelio de la Rosa, Ambassador ng Pilipinas sa Cambodia. Una siyang nagtrabaho bilang abogado sa isang tanggapan ng Amerikano. Bilang Pulitiko: Nang maging pangulo si Pres. Quirino ay pinili niya si Diosdado Macapagal na maging Chief Negotiator para sa pag-angkin ng Pilipinas sa Turtle Islands mula sa Britanya. Habang nagtratrabaho siya sa Department of Foreign Affairs, ay naging Second Secretary siya mg Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa Amerika. Noong 1949 ay naging kongresista siya ng 1st district ng Pampanga, at naging re-elected siya noong 1953. Dito tinawag si Diosdado Macapagal na “Kampiyon ng Masa”. AT mula 1949 hanggang 1957 ay hinirang siyang sa “Sampung natatanging Mambabatas”. Tinawag siyang “The Best Lawmaker” mula 1954 hanggang 1957.

1958 nang manalo bilang Vise-Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. At noong halalan ng pagkapangulo ng taong 1961, nagwagi at tinanghal na Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. Nanumpa siya noong 30 Disyembre 1961. Mga Batas at Programa ng kanyang Pamahalaan:  Siya ang may-akda ng "Rural Health Law" at "Minimum Wage Law".  Nanguna rin siya sa delegasyon para sa "US-RP Mutual Defense Treaty".  Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang pamahalaan sa katiwalian. Ito ang simula nang pag-aalis ng sistemang kasama o tenancy at pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napagtibay ito noong Agosto 5, 1963.  Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng pangangalakal sa ibang bansa.  Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill. Kilala din siya sa mga sumunsunod:  The Spread of National Language  Changing Our Independence from July 4 to June 12. May anim na buwan pa lamang siyang nakaupo sa Malacanang, binago na niya ang Araw ng Pagdiriwang ng Kalayaan. Sa Halip na Hulyo 4, inilipat ito sa Hunyo 12. Ito ang petsa nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol at napagpatibay na ito noong Agosto 4, 1964 bilang Batas Republika Blg. 4166. Ang Hulyo 4 ay itinakda namang PhilippineAmerican Friendship Day.  Official Filing on June 22, 1962, the Philippine claim over Sabah.  Formation of Maphilindo. Binubuo ito ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia. Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato ng Partido Liberal naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring liberal katulad Macapagal. Pero nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Himiwalay Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista pagkapangulo sa halalang 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971. Panahon ng panunungkulan:  Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya, “Kung walang reporma sa lupa, mawawala hindi lamang ang lupa kundi ang buhay man ng magmamay-ari nito.” at ni sa sa

 Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan.  Ayon sa kanya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpahayag ng kaniyang kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan.  Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng Wikang Pambansa. Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko, ginamit ang sariling wika natin.  Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo.  Sa pamahalaan ni Pres. Diosdado Macapagal nagsimula ring magtanim ng “Miracle Rice”.  Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road, South Super Highway at mga Tenement Housing Projects.  Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp.  Noong Hunyo 22 1962, nagsimulang ipinaglaban at tinuwid ni Pres. Macapagal ang karapatan ng Pilipinas sa Isla ng Sabah. Suliranin ng kanyang Pamahalaan:  Pangunahin sa mga suliranin ng administarasyon ni Diosdado Pangan Macapagal ang pangkabuhayan.  Nangako si Diosdado Pangan Macapagal na lulutasin niya ang mga problema sa pabahay,hanapbuhay, pagtaas ng sahod at pagtulong sa mga magsasaka. Mga Programa Upang Malutas ang suliranin:  Upang malutas ito, bumalangkas ng 5 taon progama ang administrasyon ni Diosdado Pangan Macapagal. Layunin nito ang sapat pag-unlad ng kabuhayan sa bansa at mabigyan ng sapat na pangangailangan ng mamamayan.  Sa panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal ay tinangal din niya ang kumokontrol sa pagpalitan ng piso at dolyar. Ito’y tinatawag na Decontrol Program kung saan ay naging 3 piso at 90 sentimos na ang palit sa isang dolyar, mula sa 1$/2 piso na palitan mula pa noong 1946. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at muli noong 1953.

Bumaba sa Pagkapangulo si Pres. Diosdado Macapagal noong 1965, ngunit ganumpaman, ipinagpatuloy niya ang paglilingkod sa bayan bilang Halal na Pangalawang Pangulo ng Constitutional Convention noong 1971-1972. Ngunit namatay si Dating Presidenteng Carlos P. Gacia na nahalal na pangulo ng Kumbensiyon, kung kaya’t si Prsidenteng Diosdado Pangan Macapagal ang humalili nito. Kamatayan: Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86.

Kapanganakan: Kamatayan: May-bahay: Trabaho o Propesyon:

Setyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte Setyembre 28, 1989 Makiki, Hawaii Imelda Romualdez Marcos Abogado

Mga kinabilangang Partido Pulitikal Ika-10 Pangulo ng Pilipinas Liberal Party (1946-1964) Ika-6 na Pangulo ng Ikatlong Republika Nacionalista Party (1964-1978) Una at Huling Pangulo ng Ika-Apat na Kilusang Bagong Lipunan (1978-1989) Republika | Disyembre 30, 1965 - Pebrero 25, 1986 ============================== Punong Ministro ng Republika ng Pilipinas Hunyo 12, 1978 - Hunyo 30, 1981 ============================== Kasapi, Senado ng Pilipinas (1959-1965) Pangulo ng Senado (1963-1965) Senate President Pro-tempore(1963) Minority Floor Leader (1959-1963) ============================== Kasapi, Kapulungan ng mga Kinatawan (1949-1959) Kinatawan, Ika-2 Distrito ng Ilocos Norte (1949-1959) ================================================================== Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng

diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986. Talambuhay Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging presidente ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitiliniya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay nagging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng High School noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditto, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.

Bilang Isang Sundalo Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa United States Army Forces in the Far East bilang combat intelligence officer ng 21st Infantry Divison. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Death March. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago Nakatakas si Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang "Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na lider ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan sa Pasong Besang. Bilang Isang Politiko Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin. Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto. At nagging Pangulo ng Senado. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas sa isang "landslide victory". Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilang muli ang bansang ito!” Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino: Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:  Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;  Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;  Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;

 Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);  Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan.  Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice';  Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;  Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at  Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos. Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan:  Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.  Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.;  Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iibaiba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.; Pangalawang termino: Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Mga Suliranin:  Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom.  Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo.  Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge. Tangi sa palaki nang palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa

mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na humantong sa mga sumusunod:  Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatg na krimen; at

 Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at  Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga pulitiko. Mga desisyon at solusyong ginawa ni Marcos:  Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rally ang Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.  Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar o Martial Law. Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973. Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno. Mga pangyayari at programa noong Panahon ng Batas Militar:  Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao.  Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan.  Pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge,Philcite at iba pa.

 Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan. Pagpapatalsik sa Mga Marcoses: Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1896 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa. Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos. Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa US upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino. Kamatayan: Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay at inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.

Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi democracia, - ang karapatan ng bawat Pilipino at sinilangan ng ating lahi - 'Cory' Corazon Aquino Kapanganakan: January 25, 1933 (age 74) Paniqui, Philippines United Nationalists Democratic Organizations (UNIDO)/Liberal Benigno Aquino, Jr.† Housewife, Politician Roman Catholic

Partido Politikal: Asawa: Trabaho o propesyon: Relihiyon:

Ika-11 Presidente ng Pilipinas Ikalawang Presidente ng 4th Republic Unang Presidente ng 5th Republic February 25, 1986 – June 30, 1992 ================================================================== Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (Enero 25, 1933- ) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Talambuhay: Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Bilang Pangulo: Itinalagang Pangulo ng Pilipinas ng nasabing rebolusyon si Corazon C. Aquino, na lalong kilala bilang Cory, ang maybahay ng napaslang na dating Senador Benigno

"Ninoy" Aquino. At hayagang sinasabi ng ilan na ang bahaging yaon ng kasaysayan ang nagpanumbalik sa tinatawag na tunay na demokrasya, o kalayaaan sa bansa. Ito ay ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech) at pagpapahayag (freedom of the press) na hindi tinamasa sa nakaraang administrasyon sapagkat mahigpit na sinisikil, sa layuning iligaw o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayan hingggil sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa. Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng langit sa paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walang nangyari paris din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali at pagkukulang ang maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pa bago kilalanin ng mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang pagkabayaning ginampanan niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya sa sumunod na 6 taon. Si dating Pangulong Corazon Aquino ay nagsilbi sa bansa mula noong Feb.1986- June 1992.

Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan, magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan. - Fidel Ramos March 18, 1928 (age 79) Lingayen, Pangasinan, Philippines Lakas-Christian Muslim Democrats Amelita Martinez Military United Methodist

Kapanganakan: Partido Politikal: May-bahay: Trabaho o Propesyon: Relihiyon:

Ika-12 Presidente ng Pilipinas Ikalawang Presidente ng 5th Republic June 30, 1992 – June 30, 1998 ================================================================== Talambuhay: Si Fidel V. Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng civil engineering sa University of Illinois. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Pinuno ng PC [Philippine Constabulary] hanggang Pebrero 1986. Ministro ng Tanggulang Bayan hanggang 1992. Pangulo ng Pilipinas, 1992 hanggang 1998. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa

pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Bilang Pulitiko: Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Mga Programa at nagawa sa panunungkulan:  Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan.  Sa kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi ang paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais maging diktador gaya ni Ferdinand.  Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos bilang pangulo ay dagdag na lamang.  Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng Pagsasaka [secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulangkulang 2 milyon hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagama't hindi ganap, napakalaki naman ang natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518 hektaryang ipinamahagi sa pamumuno ni Cory Aquino.  Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos ng 24 taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagama't nagpatuloy ng paglaban ang katuwang na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu.  Ang pag-unlad ng paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam nuon pang namumuno si Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995, sa pagharap ni Ramos sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa pagkurakot sa pamahalaan at pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan [foreign investments].

 Sa ilalim ng gobyernong Ramos, pinagbuti niya ang pakikipag-ugnayang panlabas, at walang sawang itinaguyod ang pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng walang humpay na paglalakbay sa halos lahat ng panig ng daigdig upang makuha ang tinatawag ng investor's confidence at ipaalam sa kanila na ang Pilipinas ay handang makipagkalakalan, at sa kanyang sariling pananalita ay sinasabing "back to business in the heart of Asia".  Pinasigla nito ang ekonomoiya ng bansa at nagbalik ng tiwala sa mga dayuhang mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas, na mangangahulugan naman ng opurtunidad sa empleyo, buwis, inprastraktura at iba pang kaugnay nito para sa mga Pilipino.  Sa madaling salita ay itinaguyod at isinulong ng kanyang administrasyon ang tatlong pangunahing layunin patungo sa diumano'y kaunlaran ng bansa: globalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon. Bagaman at ang direktang epekto ng kanyang mga programa ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga ekonomista, business sector, consumers at iba't-ibang awtoridad ukol dito. Suliranin: Ngunit gaya ng kasunduan sa Mindanao, hindi ganap ang bisa, at nadamay ang Pilipinas sa pagbagsak ng paghanapang-buhay sa buong Asia nuong 1997 bagaman at hindi kasing sidhi ng dinanas ng mga katabing bayan. Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Mga kinabilangang Partido Pulitikal Nacionalista Party Kilusang Bagong Lipunan Grand Alliance for Democracy Liberal Party Partido ng Masang Pilipino

Ika-13 Pangulo ng Pilipinas Ika-3 Pangulo ng Ikalimang Republika Hunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001 ============================= Ika- 11 Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1978 - Hunyo 30, 1998 ============================= Kasapi, Senado ng Pilipinas (1987-1992) Punong-Bayan, Bayan ng San Juan (1969-1986) ================================================================== Si Jose Marcelo Ejercito Estrada (ipinanganak Abril 19, 1937), kilala bilang Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito na isang inhinyero at si Maria Marcelo. Talambuhay: Bilang Isang Aktor at Direktor Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at

pagiging Direktor ng Pelikula. Mahusay na artista, naging bantog at mayaman si Estrada kahit na tutol ang mga magulang sa kakulangan ng dangal ng kanyang hanapbuhay. Bilang Politiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng politika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Batas na isinulong bilang Senador: Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997. Bilang Pangulo

Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya. Bilang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyang gampanan sa buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirang nagsimula, mula sa pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit na bagsak ni Estrada. Marahil, dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa sarili, o maaaring nawaglit sa isip ang mga alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang. Nakalimutan niya ang maraming pelikula niyang nilabasan, nalimot niya ang daandaang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang pamumuhay nang marangal. Nagsampa ng impeachment laban kay Estrada sa maraming kasong katiwalian sa kanyang pamumuno na may kinalaman sa suhol sa jueteng at ang mga di maipaliwanag na deposito ng pera sa bangko. Maraming tumestigo sa kaso ngunit hindi ito natapos dahil unti-unting nawala ang suporta sa kanya ng mga kakampi at napaalis siya sa puwesto sa pamamagitan ng Peoples Power 2. Naging pangulo si Gloria Arroyo at nakulong si Estrada habang nililitis ang kanyang kaso.

Kapanganakan: Partido Politikal: Asawa: Relihiyon:

Abril 5, 1947 San Juan, Rizal Lakas-Christian Muslim Democrats Jose Miguel Arroyo Katoliko

Pang-14 Pangulo ng Pilipinas Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika ======================== Pang-11 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika June 30, 1998 – January 20, 2001 ================================================================== Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo, na mas kilala bilang Gloria Macapagal-Arroyo, (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ika-labing apat at ang kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas. Talambuhay: Pamilya Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal. Noong Agosto 2,1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak: Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in Business Administration sa University of California, Berkeley Evangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service sa Georgetown University Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal Management, sa Ateneo de Naga Edukasyon

Elementarya: Assumption Convent High School (1954-1960) Mataas na Paaralan : Assumption Convent High School (1960-1964) — Valedictorian Kolehiyo : Georgetown University, AB Economics (1964-66) — Dean’s Lister Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum Laude Post Graduate : Ateneo de Manila University, MA Economics (1978) UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985) Bilang Politiko: Nagsimula si Macapagal-Arroyo na pumasok sa pulitika noong 1986 bilang Undersecretary of Trade and Industry. Sa kanyang panunungkulan sa senado nakapagpasa siya ng 55 batas tungkol sa “economic and social reform” at pinarangalan bilang “Outstanding Senator” ng maraming beses. Noong siya ay mahalal na BisePresidente, siya ay itinalaga bilang kalihim ng Social Welfare and Development. Ang katungkulang kanyang hinawakan hanggang sa siya ay magbitiw sa gabinete noong Oktubre 12, 2000. Mga Nagawa, programa at batas: Pinarangalan bilang “Outstanding Senator” ng Trade Union Congress of the Philippines at ng SBN 336, Magna Carta for the Urban Poor Pinarangalan din bilang “Outstanding Legislator” at isa sa “Asian’s Most Powerful Women”. Pinagbuti ang pagpapaganda ng Economic Environment sa bansa. FOR WOMEN EMPOWERMENT  Women's desk to provide assistance to battered wives and other victims of domestic violence  RA 7877, Declaring sexual harassment unlawful in the employment, education or training environment and for other purposes  SBN 356, Increasing penalties for wife-beating  SBN 362, Mandatory employment of women  Establishment of the Movement Against Sexual Abuse (MASA) FOR AGRICULTURE & THE ENVIRONMENT  RA 7900, Promoting the production, processing, marketing and distribution of high-value crops  RA 8175. Amending the Charter of the Philippine Crop Insurance Corporation in order to make more stable and beneficial to farmers and the national economy  Co-host, "Dighay Bayan" TV program catering to farmers  Pres. Macapagal Awards for best rice farm cooperative