P. 1
From Komisyon Sa Wikang Filipino

From Komisyon Sa Wikang Filipino

5.0

|Views: 5,853|Likes:
Published by api-3844168

More info:

Published by: api-3844168 on Oct 18, 2008
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/18/2014

pdf

text

original

Keynote na Talumpati sa 2007 Nakem Conference Mariano Marcos State University, Mayo 23, 2007

MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA

Ricardo Ma. Nolasco Ph.D. Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino

Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin at sa Komisyon sa Wikang Filipino na maimbitahan at makapagsalita sa inyong kumperensya. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa bisyon, direksyon at mga programa ng KWF para sa susunod na tatlong taon, o hanggang 2010. Ibinabahagi ko ang mga ito sa inyo sa pagasang yayakapin ninyo ang nasabing mga bisyon, direksyon at programa bilang sarili ninyong bisyon at programa.

Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang aming bisyon. Ang pangarap namin ay: “maging sentro ng kapantasan sa mga wika at literatura ng mga Pilipino.” Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang opisyal na ahensyang pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng kapantasan at kaalaman sa mga wika at panitikan ng mga

Pilipino. Ang itinatayo namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at pananaliksik; na may kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika at applied na linggwistika (hal. pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika; isang sentro na katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa mga wika ng Pilipinas; isang sentro na may kamalig ng mga datos sa ibat ibang wika, at sa ibat ibang genre, kasama na ang audio at video recording ng mga pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo; isang sentro na lumilikha ng mga orihinal at huwarang mga diksyunaryo, gramatika, ortograpiya, iskolarli na mga babasahin, materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa magkakaibang disiplina; at isang sentro na dalubhasa rin sa teknolohiyang pangimpormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain ng pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa Pilipinas.

Ang katwiran para sa pangarap naming ito ay nagmumula sa aming pagkilala sa kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino—ang wikang pambansa, ang mga wikang panglokal at mga wika na pang-ibayong dagat--- para sa magkakaibang mga layunin: para sa literasiya at edukasyon ng ating mamamayan; para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa pagkakakilanlan at etnisidad; para sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; para sa pag-unlad na pangekonomiya; at para sa kaisahan at katatagang pampulitika.

Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon—sa katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam-- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa, sa kapabayaan ng mahigit na 170ng wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-

alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Ingles, o sa mas eksaktong pormulasyon, ang Philippine English.

Ito ang landas o linya ng “isang bansa, maraming wika”, na siyang simulain ng kasalukuyang tema ng buwan ng wika 2007, na “maraming wika, matatag na bansa.”

Ano ang batayan at katwiran ng “maraming wika, matatag na bansa”?

Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng komisyon na napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig, sa kabila ng palasak at mapangmenos na palagay na ang mga wikang ito’y pawang mga dialekto lamang. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan ng daigdig ay hindi lang iisa ang alam nitong wika. Sa karaniwan, ang Pilipino at ang karaniwang tao sa daigdig ay may alam na dalawa o mahigit pang wika. Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa ng pagiging multilinggwal, sapagkat marunong siya ng Aramaic, ng Hebrew, Griyego at Latin. Si pangulong GMA ay mainam na halimbawa ng isang Pilipino. Maalam siya sa Kapampangan, Sinebwano, Ilokano, Tagalog, Ingles at Espanyol. Dahil sa katotohanang ito, ang ideya at pangakong pag-unlad sa ilalim ng isang sentralisadong nasyon-estado na may iisang sentralisadong wikang pambansa ay naglalaho.

Gayunpaman, mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang linggwa prangka.

Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika. Ang unang batayan sa pagsabi nito ay ang tinatawag na mutual intelligibility. Ang isang nagsasalita ng “Filipino” at ang isang nagsasalita ng Tagalog ay magkakaunawaan. Kung gayon, nagsasalita sila ng isang wika.

Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang gramatika ng umiiral na “Filipino” ay walang pinag-iiba sa gramatika ng Tagalog. Totoong sa ilalim ng konstitusyon, ang wikang Filipino ay kailangang nakasalig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Pero, sa ngayon, ang gramatika ng wikang pambansa ay yaong sa Tagalog. Tingnan lamang ang mga panlapi ( -um-, -in, -an, at i-) at ang mga gramatikal na pananda (i.e. ang, ng, sa) at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw, kasi). Hindi ba magkapareho lang sa mga panlapi at gramatikal na pananda at partikulo ng tinatawag na “Filipino”? Walang panlapi o gramatikal na elementong galing sa Ilokano, Sebwano, Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag na katayuan sa wikang pambansa.

May ilang teorista sa akademya na nagpapalaganap ng ideya na ang kaibahan ng “Filipino” sa Tagalog ay ang pagiging “malaya” ng una, at ang pagkapurista ng huli. Ang ibinibigay nilang halimbawa ay ang pagkakaiba ng leksikon

ng “Filipino” at ng “Tagalog”, gaya raw ng “fakulti”, sa halip na “guro”, “kolehiyo” sa halip na “dalubhasaan”, “miting” sa halip na “pulong” atbp. Kinikilala ng KWF na ang “purismo” at “Tagalismo” ay mga hadlang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Subalit, kailangan ding alalahanin na hindi panghihiram ng dayuhang leksikon o leksikon buhat sa iba pang wika ng Pilipinas ang batayan sa pagklasipika ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang wika. (Maging ang mga Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at nagko- code-switch.) Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay higit na mapagpasyang batayan. Idagdag pa rito ang katotohanan na karamihan ng mga Pilipino ay tumatawag pa rin sa wikang pambansa na “Tagalog”. at madaling maintindihan kung bakit kakaunti lamang, maliban sa kakarampot sa akademya, ang naniniwala na ang “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang wika.”

Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog noon at ang wikang pambansa ngayon. Ang kasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino. Mas marami nang Pilipino ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang kinagisnan o unang wika. Ito ang pangalawang wika nila. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw ng mga pasalitang barayti ng “Filipino”; mga barayti na hindi lamang limitado sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu, Baguio, Angeles, Cagayan de Oro, Zamboanga City at sa ibang punong sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko. Sa ngayon, ang barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga lugar, na siyang itinuturo ngayon sa mga paaralan at pinalagaganap ng masmidya. Pero hindi maipupuwing na ang wikang Tagalog ay naging pambansa na.

Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay, ay hindi nalingid sa mga gumawa ng mga probisyong pangwika sa ating konstitusyon. Nanalig sila na habang nalilinang, ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Idineklara din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nila kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino. Ang ganitong mga probisyong pangkonstitusyon ay nagkaroon ng katuparan sa pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang lohika ng patakarang multilinggwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa Pilipinas ay unti-unting tinatanggap ngayon ng mas maraming mananaliksik sa wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating pamahalaan. Nitong kamakailan, may isang grupo ng mga mananaliksik ang naglabas ng KRT 3 Formulation of the National Learning Strategies for the Filipino and English Languages na nagmumungkahi sa pamahalaan na:

<!--[if !supportLists]-->•

sa ECCD (3-5ng taon), ang paggamit ng wika ng bata sa day care center. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at panitikan; sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pagkakatuto para sa lahat ng subject. Gagamitin ang
<!--[endif]-->para

<!--[endif]-->para

<!--[if !supportLists]-->•

Filipino at English (at Arabic) bilang magkahiwalay na subject para sa oral language development;
<!--[if

sa Grade 4 pataas, Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa Makabayan at subject na Filipino at/o panitikan at English bilang midyum sa Math at Science. Gagamitin ang wika ng bata bilang pantulong na wika; sa sekundarya, magtuturo ng mga language elective sa wika ng bata, wikang pangrehiyon, Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;
!supportLists]-->• <!--[endif]-->samantala,

!supportLists]-->•

<!--[endif]-->para

<!--[if

Ayon sa nasabing dokumento: “(c)ontrary to being a hindrance, the languages of children must be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based. The use of the mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject areas including the development of future languages. This is a generalization based on numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the Philippines.”

Ang isang halimbawa ng empirikal na pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa bisa ng multilinggwal na patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may first language component, ibig sabihin, ang unang wika ay siyang ginamit na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan, kahit sa science at math. Ang natitirang siyam na dibisyon ay sumailalim sa regular na edukasyong bilinggwal. Ipinakikita ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan

na nakaiskor ng 64.5% sa English at 61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.

Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang lokal na wika upang matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo’y maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang paggamit ng wikang hindi-sa- bata ay hindi makatutulong manapa’y makasasama pa nga sa pang-akademikong performance ng bata. Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa pananaliksik ni Taufeulangaki (2004):

<!--[if

mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12ng taon upang matutuhan ang kanilang unang wika; mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis kaysa mga matanda; may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika; importante ang pagunlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa ikalawang wika;
!supportLists]-->• <!--[endif]-->mas <!--[endif]-->ang !supportLists]-->• <!--[endif]-->ang

!supportLists]-->•

<!--[endif]-->ang

<!--[if

<!--[if !supportLists]-->•

<!--[if

Sa isang hiwalay na artikulo, nabanggit ko na ang eksklusibong paggamit ng Ingles at Filipino ay nagresulta sa tinatawag ni Smolicz, Nical and Secombe (2000) na inferiorization ng iba pang wika sa Pilipinas. Ninanakaw ng kasalukuyang patakarang bilinggwal ang wika ng bata at

hinahalinhan ito ng isang wikang di-pamilyar at tiwalag sa kanilang kultura at karanasan. Ang mensahe ng bilinggwal na edukasyon sa marami nating mag-aaral ay walang kuwenta ang kanilang kinagisnang wika. Sa halip na tingnan bilang resource at pundasyon ng panimulang kaalaman, itinuturing ang pagkakatuto ng wikang sarili na isang malaking kakulangan o deficiency, o dikaya’y kapansanan. Sa halip na pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling kultura’t wika, pagkutya at pagmamaliit sa sarili ang itinuturo ng kasalukuyang patakaran.

Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan sa Ingles ng ating mga estudyante. Pero kailangang linawin na ang pinakamabisang paraan ay ang pagturo dito bilang pangalawang wika. Ibig sabihin nito, magsimula sa kinagisnang wika sa unang mga grado. Kapag mabulas na at matatag na ang kasanayang pangliterasi at pangkognitibo ng estudyante sa kinagisnang wika at kultura, ipakilala ang Ingles at ang Filipino bilang mga subject. Sa paglaon ay maaari na ring ituro ang iba pang subject sa Filipino at Ingles. Gayunpaman, ang katatasan sa Ingles ay hindi makakamtan lamang sa eskuwelahan. Sa labas ng eskuwelahan, kailangang magkaroon ang mga estudyante ng mga modelo o huwaran sa pagsusulat at pagsasalita ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng mga pagkakataon para magamit ang kanilang kasanayan sa Ingles. Sa kasalukuyan ay walang sapat na motibasyon at oportunidad maliban sa eskuwelahan upang mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kasanayan sa Ingles, laluna sa pagsasalita nito.

Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika” ay makikita sa tema at saklaw ng nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika 2006. Sa simula’t sapul ay nakasanayan na namin na magdaos nang taunan ng isang patimpalak lamang, ang tradisyunal na

Gantimpalang Collantes sa sanaysay sa wikang Filipino. Noong 2006, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos ang KWF ng magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula at maikling kuwento), Iloko (tula at maikling kuwento), Hiligaynon (maikling kuwento) at Pangasinan (tula). Ang nagwaging mga akda ay nakatipon ngayon sa isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006. Ang tema ng buwan ng wika 2006 ay: “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng Pilipinas.”

Ngayong taong 2007, pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para makasama ang Bikol (maikling kuwento at sanaysay), Samar-Leyte (tula at maikling kuwento), Kapampangan (tula), Meranaw (sanaysay), Maguindanao (sanaysay) at Tausug (sanaysay). Ang tema ng buwan ng wika 2007 ay: “Maraming wika, matatag na bansa.”

Ang multilinggwal na adhikain ng KWF ay hindi lamang naipapahayag sa taunang pagdiriwang ng buwan ng wika at pagkilala sa mahusay na mga akdang pampanitikan, kundi sa mga pangmatagalang programa at proyektong inako nitong isakatuparan.

Ang mga programa’t proyektong ito ay naglalayon na makamit ang sumusunod na pagbabago sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa multilinggwalismo. Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika sapagkat “alam na natin ito.” Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa.

Upang pumabor ang opinyong publiko sa multilinggwalismo, plano naming magbigay ng napapanahong mga impormasyon sa OP, DEPED, CHED, ang Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa wika. Makatwiran lamang na ang unang benepisyaryo ng aming mga pananaliksik ay ang pamahalaan na rin.

Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at pampanitikan. Nais naming palakasin ang: Philippine Lexicography program, Philippine Grammars Program, ang National Translation Program, ang Phonology, Phonetics and Ortography Program, mga proyekto sa literasiya at pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project; Bibliography of Philippine Languages project; Endangered Languages Program; Philippine corpus;

Gusto rin naming palaganapin sa publiko at stakeholder ang impormasyon at kaalamang pangwika at pampanitikan. Kayá namin itinatayo ang: Library and Archives of Philippine Languages; pinapataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pangedukasyon; pinapaganda ang aming website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at sinisikap na magkaroon ng sarili naming tahanan at gusali.

Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong Amerikano, isang American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang

panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, mabuhay nang habampanahon.

para

Source: http://wika.pbwiki.com/Maraming+Wika,+Matatag+na+Bansa++Chairman+Nolasco

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->