P. 1
Thesis 2

Thesis 2

|Views: 1,694|Likes:
Published by Jude Fabellare
13
13

More info:

Categories:Types, Speeches
Published by: Jude Fabellare on Dec 08, 2011
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/03/2013

pdf

text

original

ANG MASAMA AT MABUTING EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA ESTUDYANTE SA MGA ESTUDYANTENG NASA UNANG TAON NG KOLEHIYO

NG RADIOLOGIC TECHNOLOGY NG UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA TAON 2009-2010

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Syensya, University of Perpetual Help System DALTA

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

ng I-A

Marso, 2011 DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Ang Masama at Mabuting Epekto ng Social Networking Sites sa mga Estudyanteng Nasa Unang Taon ng Kolehiyo ng Radiologic Technology ng University of Perpetual Help System DALTA Taon 2009-2010 ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula I-A na binubuo nina:

Ereno, Crisellamarie Gaac, Mariacita Remulla, Mark

Fabellare, Jude Anthony Ocampo, Marienella

Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Syensya, University of Perpetual Help System DALTA, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Flores Propesor sa Filipino 2

Kabanata 1 Suliranin at Sandigan ng Pag-aaral

A. Panimula

Sa kasalukuyang panahon ngayon ay wala nang imposible. Halos lahat ng tao ay gumagamit ng teknolohiya at isa na doon ay ang paggamit ng kompyuter. Sa isang pindot lang ay mapapabilis na ang komunikasyon sa ibang tao, mapalapit o mapalayo man ay maaari nang makipagkomunikasyon dahil sa social networking sites. Nagiging parte ng isang tao ang paggamit ng social networking sites, may maidudulot itong maganda para sa atin pero kung gagamitin natin ito sa maling paraan ay magkakaroon ito ng masamang dulot para sa atin. Ang social networking sites ay dapat gamitin nang mabuti at sa maayos na pamamaraan, huwag natin ito abusuhin. Ito rin ay isang daan tungo sa mabuti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong mga social networking sites din ay ginagamit sa iba’t ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon gamit ito. Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mga networking website. Gayun din ang hindi pag-alam ng kung anong masamang maidudulot nito sa mga gumagamit depende sa sites na sinalihan. Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga malalayong kamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa mabilis na transaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante, magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking websites ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance relationship. Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat tao.

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa Social Networking Sites at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang magiging epekto ng mga Social Networking Sites sa mga estudyanteng

na nasa unang taon ng Kolehiyo ng Radiologic Technology sa University of Perpetual Help System DALTA?
2. Ano pa ang kanilang nalalaman sa mga Social Networking Sites?

3. Ito ba ay nakakatulong sakanila upang sila ay makapag-aral ng maayos?
4. Sapat na ba ang kanilang kaalaman ukol sa nasabing epekto ng mga Social

Networking Sites sakanila?

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahalagahan sa Mag-aaral: Mahalaga sa mga mag-aaral sa dahilang para malaman nila kung nakakabuti o nakakasama ang paggamit ng social networking sites sa kanilang pag-aaral. Kahalagahan sa Guro: Mahalaga sa mga guro sa dahilang para malaman nila kung ano ang dahilan sa pagbaba o pagtaas ng mga grado ng kanilang mag-aaral.

Kahalagahan sa Paaralan: Mahalaga sa paraan sa dahilang para malaman nila ang epekto ng social networking sites sa pag-aaral ng mga mga mag-aaral.

D. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy lamang sa mga epekto ng social networking sites sa pag-aaral ng mga estudyante, ang mga respondante nito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral ng Kolehiyo ng Radiologic Technology na nasa Unang Taon ng University of Perpetual Help System DALTA. Gayunpaman, ang layunin ng pagsusuring ito ay alamin ang impluwensya at epekto nito sa mambabasa.

E. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang mas maintindhan ng mga mambabasa ang pamahanong-papel na ito, kami ay nagsagawa ng mga depinisyon para sa mga salitang kakaiba, basahin ang mga sumusunod: Ang kompyuter ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o operasyon na maaring gawin pamamagamitan ng mga terminong numerikal o lohikal. Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Social Networking Sites ay isang website kung saan pwedeng makahanap ng bagong kaibigan, at maari tayong makagawa ng mga proyekto.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->