P. 1
Ang Apat Na Makrong Kasanayang Pangwika

Ang Apat Na Makrong Kasanayang Pangwika

|Views: 31,091|Likes:
Published by Aldrin Jadaone

More info:

Published by: Aldrin Jadaone on Jan 07, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/29/2015

pdf

text

original

ANG APAT NA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA

Ang apat na makrong kasanayang pangwika na dapatmapaunlad ng bawat Pilipino sa kasanayang pakikipagtalamitan ay ang 1) Pakikinig 2) Pagbasa 3) Pagsulat at 4)Pakikinig.

1. PAKIKINIG Tinatayang mga 45% ng panahon ng isang tao ay inuukol sa pakikinig, ngunit hindi lahat ng naririnig ay dapat tanggapin, kailangang matutong magsuri ng mga bagay na naririnig. Ang isang tgapakinig ay madaling umunawa ng mensahe kung kaya t nagkakaroon siya ng pagkakataon na mag-isip at magdagdag pa ng mga bagong kaisipan mula sa kaniyang mga naririnig. Sa apat na kasanayang pangwika, ang pakikinig ang may pinakamalaking panahon na inuukol ng isang tao. Pagkagising palamang , bukas na aating damdam (sense) ng pakikinig, sa ayaw o sa gusto natin papasok lahat sa ating pandinig ang masasagap sa labas tulad ng ingay, tunog, musika, salita, hudyat, at iba pa. Ang pakikinig ay isang masalimuot at maikling kasanayan. Ito y dumaraan sa ganitong proseso: a.) b.) c.) d.) e.) Tatanggapin ang mensahe Pagtutuunan ng atensyon ang tinanggap na mensahe Bibigyan ng kahulugan ang mensahe Tatandaan ang mensahe Tutugon sa mensahe

Tatanggapin ang Mensahe Upang maging mabisa ang pakikinig, ihanda muna ang sarili sa pakikinig sa pamamagiatan ng inyong mga malinis na tainga. Walang kahulugan ang anumang tunog o mensahe na manggagaling sa labas kung hindi ito handang tanggapin. Pagtutuunan ng atensyon ang tinanggap na mensahe Matapos tanggapin ang mensahe, pagtuunan ito ng buong atensyon, huwag ibaling sa ibang bagay o tunog ang inyong pansin, sapagkat makakasira ito ng pokus ng atensyon sapinapakinggan, kundiman ay mababawasan ang pagkaunawa. Malaking bagay din sa pakikinig ang kapaligiran. Kung maingay at magulo, tiyak na makasisira ito ng atensyon sa pakikinig.

Bibigyan ng kahulugan ang mensahe Makabubuti sa isang tagapakinig na mgakaroon ng mayamang talasalitaan (word capacity) upang madali niyang mabigyan ng tumpak na kahulugan ang anumang tunog o mensaheng naririnig. Marami ang nagkakamali ng akala sa narinig lamang. Madalas na dito nagsisimula ang di- pagkakaunawaan na nagtatapos ng masaklap na pangyayari . Maging positibo sa pagbibigay ng kahulugan sa mensahe upang maiwasan ang masamang pagtugon sa mensahe. Tatandaan ang mensahe Hindi lahat ng maririnig ay matatandaan. Imposible ito sapagakat hindi tayo makina na tulad ng isang tape recorder. Ang mahalaga at may kahulugan lamang sa atin ang dapat tandaan, upang maiwsan ang pagkalito sa mensaheng narinig . makabubuti ang magtala, sapagkat maktutulong ito sa pag-alaala ng naririnig. Tutugon sa mensahe Ang pagtugon sa mensahe ang batayang sukatan n gating kasanayan sa mabisang pakikinig. Kapag ang pagtugon sa mensahe ay nagbubunga ng mabuti, mabisa ang nangyaring pakikinig ngunit kung nagbubunga ng di- mabuti, Tiyak na may mali sa ginawang pakikinig.

ILANG KASANAYAN SA PAKIKINIG

1. IMPORMAL NA PAKIKINIG A. Paglalagom Malilinang ang kasanayan sa pakikinig sa isang mag-aaral kung mula sa isang napakinggang kweno, panayam, talumpati at iba pang katulad nito ay makapagbibigay siya ng kasiya-siayang lagom nito. B. Paggawa ng Balangakas

Makatutulong sa masisitemang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral kung sila ay pagagawain ng isang balangkas mula sa narinig na talumpati o panayam. Ang balangkas ng isang teksto ay maaring gawing papaksa o pangungusap. Magagawa ang balangkas sa pamaamgitan ng mga titik at tambilang. Tandan na ang mga mahahalagang kaisipan lamang ang dapat isama sa balangkas. Halimbawa: I A. 1. 2. 3. 4. 5. B. 1. 2. 3. II A B 1. a) b) 2. 3. C. Pagtatala Ang kasanayan sa pakikinig ay mapapaunlad kung gagamit ng pagatatala habang nakikinig sa isang panayam o talumpati. Malilinang ang kakayahan ng isang mag-aaral o tagapakinig sa pagpili ng mahahalagang puntos sa sinsabi ng nagsasalita, maihihiwalay niya ang may halaga at walang kawalang kaisipan sa pamamagitan ng pagtatala mula sa kaniyang naririnig. Tandaan, di dapat itala ang lahat ng naririnig sa isang panayam. Sapagkat lalong hindi niya mauunawaan ang mensahe ng nagsasalita. Maari naming gumamit ng pagdadaglat o pagpapaikli ng salita upang mapadali ang pagtatala.

D. Pag-alaala o Pagsusunod- sunod ng mga Pangyayari Masususkat din ang kasanayan sa pakikinig kung ipasasalaysay sa tagapakinig nang may tumpak na pagkakasunod ng mga pangyayari ang binidang kwento. Malilinang din dito ang alaala ng nakikinig. ito y hindi lamang pag-uulit ng narinig kundi 2. MAPANURING PAKIKINIG paghahanap ng mahalagang mensahe mula sa pinakinggang awit o anumang akdang pamapanitikan; gayundin ay pagbibigay ng puna sa pagkakatulad at pagkakaiba. 3. PAGHUSGANG PAKIKINIG marahil, ito na ang mapanuring antas ng pakikinig, sapagkat hindi lamang pag-uulit ng narinig; pagkuha ng mensahe sa akdang napakinggan; kundi magbibigay pa ng reaksyon sa narinig na komentaryo o panayam. Ang kasanayang ito ng pakikinig ay maarig mkapagbigay din ng pagtataya sa mga pangyayari mula sa narinig na pagsasalaysay. 4. PAKIKINIG PARA MAGPAHALAGA ito ay isang mapanurio kritikal na pakikinig, sapagkat kailangang mag-isip at damhin ang mensaheng narinig mula sa isang akdang pampanitikan tuladng isang tula, upang mabigyan niya ito ng pagpapahalaga. Gawain Bilang 1 A. Magbigay ng mga kaaya-ayang pook, kung saan makapag-uukol tayo ng mabisang paikinig. B. Anong mga oras ka maaring mag-uukol ng mabisang pakikinig? Bakit? C. Gumawa ng isang panayam na narinig sa loob ng klase. D. Making ng isang komentaryo o isyu sa radio o TV at bigyan ng reaksyon.

MGA SALIK NA NAKAKABISA SA MABUTING PAKIKINIG 1. Oras may mga taong nagtatakda ng oaras sa pakikinig. May mga oras na ayaw nating making o kung tayo ay nagugutom. 2. Daluyan maipapahatid natin ang mensahe sa iba t ibang paraan, maaring hatinig, internet, fax, atb, ngunit hanggat maari mabisa parin ang personal na paghahatid ng mensahe.

3. Gulang piliin ang mga salita o paksang ipararating sa kausap ayon sa kaniyang gulang. Baka hindi makuha ang mensahe ng matanda sa bata o mensahe ng bata sa matanda. 4. Kasarian may mga mensaheng nababagay lamang sa mga babae at mayroon naming naangkop lamang sa mga lalake. 5. Kailangan mahalagang isalang-alang ang kalinangan ng kausap upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan. 6. Konseptong pansarili magiging mabisa ang pakikinig kung ang naghahatid ng mensahe ay katulad ng mag-iisip o paniniwala ng tumatanggap

2. PAGBABASA - Malaking kapakinabamgan ang makukuha sa pagbasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, kalibangan, pagkatuto at mga karanasang maaring mangyari sa tunay na buhay. Sa pagbabasa hindi sapat na may kakayahan sa mabilis na pagbasa, ang mahalaga ay pagtugon ng isipan sa binabasa maging ang paksang binabasa ay pangkalibangan o pangkaalaman. Ang isang taong mapagbasa ay higit ang nalalaman kaysa sa madalang magbasa o hindi nagbabasa. Dapat tandaan na

Gawain Bilang 2 A. Magsaliksik ng mga sulatin sa aklatan at isulat ang buod nito B. Sumulat ng balangkas ng isang sulatin. 3. PAGSASALITA Ang Mabisang Pagsasalita Isa sa mahalagang prinsipyong natutunan natin sa pagtuturo ng wika ay ang wika ay pagsasalita at hindi pagsususlat. Ang wikang isinusulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Napakahalaga sa isang tao ang maging mahusay sa pagsasalita. Siya y kinalulugdan ata kinawiwilihang pakinggan. Sa pamamagitan ng pagsasalita ng kuro-

kuro, maisasalaysay ang kaniyang karansasn at mkapagpamana ng karungan sa mga susunod na salinlahi. Gumugol tayo ng mga 30% n gating panahon sa pagsasalita. Ang pagtatagumpay ng tao sa kaniyang hangarin sa buhay ay nakasalalay sa kaniyang kakayahang magsalita sa paraaang mabisa, maypang-akit at kapanipaniwala. Magaagmit niya ito sa pkikipag-usap, pag-uulat, pagababalita, pagtatalumpati, pakikipagtalo, pakikipanayam at pakikipagtalakayan. Higit siyang nakadarama ng katuparan ng kaniyang pagkatao sapagkat naipahayag niya ng lubos ang kaniayang damdamin, naisalin ang kaniyang kaalaman sa pinakamadali at tiyak na paraan. Upang matamo ang kabisaan sa pagsasalita kailangang magtagalay ng: lumalawak ang kaalaman sa pamaamagitan ng 1. Malawak na kaalaman pagmamasid. Ang taong mapagmasid ay maraming nakikita na hindi napapansin ng iba. Ang tunay na mapagamasid ay may kasamang pagpapakahulugan sa mga napapansin at nakikita. Maging palabasa. Ang tumpak na pagbabasa ay may kasamang pag-uuri at pagtitimbang-timbang. Napakahalaga nito para sa ikauunlad ng ating kaalaman. Isama narin natin ang pag-aaral. Sa pag-aaral lagi at lagging maya mga bagong kaalman maging matiyaga lamang. 2. Tiwala sa Sarili mahihiwatigan sa maluwag na kilos ay galaw ng mga bisig, matuwid na tingin sa nakikinig. 3. Kasanayan Sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita, ang isang angkop na istratehiya ay pagtatalumpati. Sadyang ginawa ng talumpati para bigkasin , at bago bumigkas ng talumpati, inaasahang taglay ng mahusay na mananalumpati ang malawak na kaalaman, tiwala sa sarili, mayamang talasalitaan at kasanayan. Ang pagtatalumpati ay isang mabisa at kalugod-lugod na paraan ng pagbigkas. Ang kaalaman sa wastong pagtatalumpati ay mahalaga sa wastong pagtatamo ng higit na pagkilala sa sariling kakayahan at pagpapaunlad ng pakikitungo sa iba.

Ayon kay Alejandro (1970), kung walang kaalaman ang talumpati ay hungkag, kung walang tiwalasa sarili hindi maipaparating ng malinaw sa publiko ang mensahe ng kaniyang talumpati dahil pautal utal sa pagsasalita. Kasama parin sa pagtatalumapati ang kahasaan sa talasalitaan, kapanipaniwala ang isang mananalumpati na may mayamang talasalitaan sa kaniyang pagpapahayag sapagkat naibabagay ang kaniyang mga ginagamit na salita sa publiko. Tungol naman sa kasanayan sa pagsasalita, malilinang ang maga ito sa paglalapat sa mga bahagi ng talumpati . 1. Pambungad ito ang bahagi na kung saan ay tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig. Sa bahagi ring ito inihahanda ang madla upang ibigay ng buo nilang kosentrasyon sa pakikinig. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng isang anekdota,o ng isang maikling pangyayari na sukat tumawag ng pansin sa publiko. Ang ibang mananalumpati ay nagpapatwa sa bahaging ito upang maging masigla at buhay ang mga tagapakinig.

2. Paglalahad ang bahaging ito ang pinakakakatawan ng talumpati. Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. May layunin itong magpaliwanag. 3. Paninindigan dito ipinapakita ng nagtatalumpati ang kaniyang pangangatwiran hinggil sa isyu. May layuning itong humikayat o magpaniwala sa mga nakikinig. 4. Pamimitawan ito ang wakas ng talumpati. ang pagwawaks ay kailangang maging masining uapang mag-iwan ng kakintalan sa isipan ng mga tagapkinig.

Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin A. Talumpating Lumilibang Binibigkas ang talumpating ito sa mga salu-salo, o mga pagdiriwang. Karaniwang binibigs ito pagkatapos ng kainan upang mabigyang kasiyahan ang mga tagapakinig.

B. Talumpating Nagpapabatid karaniwang binibigkas ang talumpating ito sa mga panayam. May layuning magbigay ng mga bagong kaalaman sa mga tagapakinig ang talumpating ito. C. Talumpating Pampasigla Ito ang talumpating pumupukaw at humahamon sa isipan ng tagapakinig. Pinasisigla ang isip at damdamin ng tagapakinig sa uring ito. Binibigkas ang talumpating ito sa mga pagtatapos, mga anibersaryo o pagtatalaga sa pamunuan ng isang samahan o kaisipan. D. Talumpating Humihikayat Ang talumpating ito ay maririnig sa mga sermon sa simbahan, kampanya ngmga kandidato, sa pakikipagtalo at sa mga manananggol sa harap ng hukuman. E. Talumpating Manunuri Kabilang sa ganitong uri ng talumpati, ang talumpati ng parangal, talumpati ng paghahandog at talumpati ng pasasalamat.

Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan

A. Daglian - ito ay hindi pinaghahandaan. Biglaan ang pasabi sa nahirang na magbigay ng talumpati. B. Maluwag Sa uring ito ng talumpati ay may maikling panahon na ibinigay sa mananalumpati. May panahon siyang mag-isip ng sasabihin at panahong mapag-aralan ang publiko. Hindi isinusulat at hindi rin isinasaulo ang mga sasabihin sa ganitong uri ng talumpati.

C. Pinaghandaan ito ang uri ng talumpati na isinulat at binabasa sa harap ng publiko. Karaniwang ganito ang mga talumpati ng mataas na tao upang makatiyak sila ng kanilang sinasabi sa publiko. May mga kasangkapan naman ang nagsasalita para higit na mabisa ang pagsasalita.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita A. Tindig 1. Tumayo ng matuwid ngunit di naman katigasan ang pagtayo. Ang dalawang paa ay bahagyang paghiwalayin na nauuna nang bahagya ang isa sa ikalwa nang sa gayon ang bigat ng katawan ay nakapatong sa isang paa. 2. Pagpalitpalitin ang bigat ng katwan sa bawat pagpapalit ng paksa, maaring saglit na pagpalit, paurong n 3. ang padakong kanan at kaliwa. Kumilos ng papalapit sa madla kapag mahalaga ang buod na tinatalakay at paurong ang kilos kung ang ipinapahayag ay di-lubos na mahalaga. 4. Iwasan maging estatwa sa pagtindig. 5. Iwasan ang matagl na pghinto sa pagbigkas ng talumpati. 6. Ang pagkatao ng isang mananalumpati ay masusuri sa kaniyang pagtayo sa tanghalan. B. Tinig 1.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->