I.

Mga Kaugnay na Babasahin at Literatura

Ang Kawalan ng Trabaho ng mga Pilipinong Nars Sa paglipas ng panahon, ang mga tao ay naengganyo sa ideyang maraming trabaho sa loob at labas ng Pilipinas kapag nakapagtapos ang isang indibidwal ng kursong Narsing. Hindi nagtagal, naglabasan ang maraming institusyon na nagaalok ng nasabing kurso kung kaya’t marami sa mga nagtatapos dito ay hindi alinsunod sa pamantayan ng kalidad. Nawalan ng tiwala ang mga bansang malalakas kumuha ng nars sa Pilipinas dahil sa malaking iskandalo ng leakage sa Nursing Board Examnoong 2006. Sa taon din na ito bumaba ang bilang ng mga nars na nangingibang bansa sapagkat ang bansang katulad ng United Kingdom (UK) ay mas tinangkilik ang mga nagtapos ng Narsing sa sarili nilang bansa. Bukod pa dito, marami pang hinaharap na problema ang mga Pilipinong nars sa kasalukuyan ukol sa paghahanap ng trabaho.

Overpopulation

Umabot na sa 150,000 ang mga lisensyadong nars na walang trabahonoong Setyembre ng 2008 (ANC News, 2008). Malaking sweldo ang habol ng karamihan sa mga kumukuha ng kursong ito, at ang kalidad ng mga nagtatapos dito ay bumababa (Melencio, 2008). Isang malaking suliranin ng lipunan sa kasalukuyan ang patuloy na pagdami ng mga nars ngayon. Sa sobrang dami ng mga nars, napipilitan ang iba na magtrabaho ng libre para lamang makapagsanay. Marami na ring mga paaralan at programa ng Narsing sa Pilipinas na mababa ang kalidad dahil ginagawang negosyo at pinakikinabangan ang matinding pangangailangan ng mga nars (Nordqvist, 2006).

Isang malaking salik sa sitwasyong ito ay ang lubhang pagdami ng mga estudyante ng Narsing na pumapasok at nagtatapos sa iba’t ibang mga paaralan sa bansa. Dahil dito, natural na tumataas ang dami ng mga nars na naghahanap ng trabaho. Gayumpaman, hindi kasabay nito ang pagtaas ng dami ng nagbubukas na posisyon ng trabaho kaya’t sa kalaunan ay nasasala rin ang mga nars na talagang nakakukuha ng trabaho.

Epekto ng Iskandalo ng Leakage sa Nursing Board Exam Noong 2006, naganap ang isang nakahihiyang pangyayari ng nakasira sa imahe ng mga Pilipinong nars. Ito ay ang leakage sa Nursing Board Exam. Dahil sa iskandalong ito, nagkaroon ng pangamba ang mga malalaking bansang na nagbibigay ng trabaho sa ating mga nars. Maganda pa nga ba ang kalidad ng mga nagtatapos at nakakakuha ng lisensya sa Pilipinas? Isa sa mga epekto nito ay ang pagbaba ng bilang ng kinukuhang nars sa ibang bansa katulad ng United States (US).

Mababang Kalidad ng mga Programa ng Narsing sa Bansa Oktubre ng taong 2006 nang aprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapalabas ng isang listahan na naglalaman ng mga pangalan ng mga paaralan ng Narsing sa bansa. Ito ay sinasabing magiging gabay sa mga magbabalak kumuha ng nasabing kurso sa paaralang kanilang papasukan. Sinabi rin ni Press Secretary at Presidential Spokesperson Ignacio Bunye na mayroong mga tinatawag na zero-passing rate schools o mga paaralan ng Narsing na walang estudyanteng nagtatapos na nakapapasa sa Nursing Board Exam. Isang malaking salik at panira ito sa kalidad ng mga Pilipinong nars dahil ang kanilang mismong edukasyon ay mababa ang kalidad (SunstarManila, 2006).

Sino/Ano Ang Dapat Sisihin – Locus of Control Hindi dapat na isisi lahat sa overpopulation ng mga Pilipinong nars ang kanilang kawalan ng trabaho dahil hindi lamang lubos na maparaan ang mga Pilipinong nars sa paghahanap ng trabaho, ayon kay dating Department of Health (DOH) Secretary Dr. Jaime Galvez-Tan (Ubalde, 2008). Sinasangayunan rin ni Marco Antonio Sto. Tomas, miyembro ng Philippine Regulation Committee (PRC) Board of Nursing, na hindi lamang sapat ang tiyaga ng mga gradweyt at dapat nilang subukang maghanap ng ibang bansa upang pagtrabahuhan. Sabi pa ni Sto. Tomas, “Ang problema, ang gusto ng mga Pilipino ay sa Amerika at sa UK lang magtrabaho.” Dagdag pa niya, “Marami namang job vacancies sa France, Canada, Australia at New Zealand,” (Uy, 2008). Mula naman kay Department of

Labor and Employment (DOLE) Secretary Marianito Roque, “Nakikipag-ugnayan na ang Canada at Southern Australia para sa pagtanggap ng mga nars sa kanilang bansa, ang Libya at Saudi Arabia ay nagsimula naring maging aktibo sa pagtanggap ng mga Pilipinong Nars.”(Ortiz, 2008) Ayon kay DOLE Secretary Marianito Roque, marami siyang natatanggap na reports tungkol sa kakulangan sa trabaho para sa mga nars. Taliwas ang daing ng mga may-ari ng mga ospital dahil kulang ang mga aplikante nila. Sa kanyang palagay, kaya lamang nasasabing may kakulangan sa trabaho ay dahil sa kagustuhan ng mga gradweyt na ang makuhang trabaho ay sa ibang bansa (Ortiz, 2008). Wika nga ng dating president ng Philippine Nursing Association (PNA) na si Dr. Leah Primitiva Samaco-Paquiz, wala mang makuhang trabaho sa mga ospital ay maaari namang maghanap ng pansamantalang solusyon ang mga nars. Kung kinakailangan ay maglagay ng mga karatula sa labas ng mga bintana ng kanikanilang mga tahanan at mag-alok ng basic health education o pagtuturo ng mga esensyal sa kalusugan (Ubalde, 2008).

Pagbabago ng Patakaran sa US at UK Dahil sa oversupply ng nars at kakulangan ng trabaho sa Pilipinas, nangingibang-bansa ang mga Pilipino nars upang makapagkamit ng mas maayos na pamumuhay. Ngunit sa kasalukuyan, nagiging mahirap para sa mga Pilipinong nars na na makakuha ng trabaho sa US at UK. Napagdesisyunan ng mga ospital sa UK na mas bigyang-halaga ang mga nars na nagtapos sa UK kaysa sa mga nars galing sa ibang bansa. Ito ay para tangkilikin ang kanilang sariling mga gradweyt at hikayatin ang pagkuha ng Narsing ng mga Europeo. Ito’y magiging suliranin sa bahagi ng mga taga-UK dahil kakaunti lamang ang nagtatapos ng Narsing sa kanila (Nordqvist, 2006). Nagkaroon naman ng bagong patakaran sa US ukol sa pagbibigay ng visa, kung kaya’t nahihirapan ang mga nars mula sa ibang bansang, lalo na ang mga Pilipinong nars, na makakuha ng trabaho dito. Mas matagal na ngayon ang paghihintay para sa pagsasaayos ng mga papeles upang makapunta sa US. Problema ito sa bahagi ng US sapagkat hindi naman bumaba ang kanilang pangangailangan sa mga nars, tumataas pa nga ito (Simmons, 2005).

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. Metodolohiya Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga panayam. Nakakuha ang grupo ng mga datos mula sa mga apektadong nars ukol sa kasalukuyan nilang kalagayan at mga naisagawang paraan upang makakuha ng trabaho. Nakuha rin sa mga panayam ang mga importanteng impormasyon ukol sa emosyonal na aspeto at epekto ng isyu sa mga nasabing nars. Ang mga nakapanayam ng grupo ay nagtapos sa University of Santo Tomas at Far Eastern University, mga paaralang may Center of Excellence in Nursing. Sila ang mga sumusunod:

1. 2. 3. 4.

Ace Carlo Lara, RN – 21 taong gulang, FEU-NRMF Batch 2008, kasalukuyang nagbabayad upang magsanay sa Far Eastern University Veronica David, RN – 21 taong gulang, FEU-NRMF Batch 2008, kasalukuyang nagbabayad upang magsanay sa Philippine Heart Center Carla Mendoza*, RN – 22 taong gulang, FEU-NRMF Batch 2007, kasalukuyang nagsasanay Kathryn Kaye Carpio, RN – 21 taong gulang, UST College of Nusing Batch 2008, board exam top-notcher, kasalukuyang may maliit na negosyo * alyas lamang, hiniling ng kinapanayam na itago ang kanyang tunay na pangalan Gumamit ang grupo ng tatlong uri ng tanong sa panayam. Ang una ay patungkol sa demograpiya, ang pangalawa sa mga karanasan, at ang ikatlo sa mga plano sa buhay ng mga respondente.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng Datos Sa kasalukuyan, ang Narsing ang “usong” kurso sa Pilipinas. Umabot na sa 67,728 ang bilang ng mga nagtapos sa kursong ito noong 2008 (Melencio, 2008). Humigit kumulang naman sa 88,750 ang kumuha nglicensure exam noong Nobyembre 2008. Ito na ang pinakamataas na bilang ng kumuha ng exam kumpara sa mga nakaraang taon (Torres, 2008).

Marami ang kumukuha ng Narsing sapagkat mas madali raw makakapangingibang-bansa, kung saan mas maraming trabaho. “It’s a better program, a better life, than staying in the Philippines,” sabi ng nars na si Merlita Velasquez, RN BSN sa isang panayam (Williams, 2005). Karamihan ay pinapasok ang kursong ito alinsunod sa payo ng magulang. “Nung una talaga ay hindi ko feel mag-Nursing at napilitan lang ako, pero nang tumagal ay unti-unti kong natutunan at gustuhin,” ayon kay Ace Lara, RN. Maraming napilitan lamang tulad niya, o di kaya’y nangarap ng mas matiwasay na pamumuhay sa ibang bansa. “Yes (gusto kong makapunta ng ibang bansa), pangarap ko talaga ‘yun,” pahayag ni Veronica David, RN sa aming panayam. Patungkol sa pagkuha ng trabaho sa ibang bansa, kasalukuyang nahihirapan ang mga Pilipinong nars sa pagsasagawa nito. Nagbago ang patakaran ukol sa pagbibigay ng visa at pagkuha ng mga banyagang nars sa US at UK bagamat ang pangangailangan ng nars sa mga bansang ito ay tuluyang tumataas, ayon kay Nordqvist at Simmons. “Pero the world actually needs all nurses that we have here in the Philippines. Ang mahirap, mahirap lumabas ng bansa, mahirap kumuha ng Visa, mahirap kumuha ng experience dito; kasi in the Philippines itself overloaded na. Hindi maa-accomodate ng hospitals na mabigyan man lang ng kahit konting experience man lang yung nurses, yun ang basic problem. Pero it is not true na bumaba na ang demand ng mundo for nurses. The US still has a high demand for nurses. Sa Europe, baliktad ang age pyramid nila eh. Kung sa atin perfect pyramid, sa kanila inverted kaya kailangan talaga nila ng magaalaga sa kanila,” ang sabi ni Kathryn Carpio, RN nang siya tanungin tungkol sa isyung ito.

Dahil sa malaking pangangailangan sa mga nars, biglang dumami ang mga pumasok sa Narsing. “I was antagonistic with the course na Nursing kasi parang everybody’s taking it. What’s with the course na bakit kinukuha niyo, hindi niyo naman gusto, di niyo naman talaga hilig, ba’t niyo kinukuha? Just because it’s popular?” ang sabi ni Kathryn na board top-notcher na ngayon, ngunit nagdalawang-isip pa sa kanyang kurso noon. Dulot ng pagdami ng mga estudyanteng nagnanais kumuha ng Narsing, nagsitayuan na ang mga paaralang pang-Narsing sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay zero-passing rate schools o mahina ang kakayahang makapasa ng estudyante sa Nursing Board Exam (SunStarManila, 2006). “Ang nakakalungot lang is andami-dami na ng nagbo-board exams, ang dami-dami din ng bumabagsak. Yung quality ng education na binibigay ng ibang Nursing schools, hindi na maganda,” pagdadalamhati ni Kathryn. Kasama rin ng pagdami ng mga estudyante at pagdami ng mga paaralan ng Narsing ang pagkaunti ng bakante sa mga ospital dulot ng pagdami ng nagtatapos at nangangailangan ng kasanayan at trabaho. “Wala lang talagang opening kasi dapat training muna before ma-absorb sa hospital,” ayon kay Veronica, na kasulukuyang nagvo-voluntary training ng walang sweldo para lamang makapagsanay.“Mahirap maghanap ng trabaho lalo na’t maraming kakumpetensya,” ang sabi naman ni Ace. Nang tanungin naman kung ano sa kanyang palagay ang dahilan ng kanyang kawalan ng trabaho, “overpulation ng nurses,” naman ang paninindigan ni Carla Mendoza, RN. Kahit ang top-notcher na si Kathyn ay nahihirapang kumuha ng trabaho. “…Nag-inquire ako ng status. Matatagalan daw kasi talaga yung progress noon kasi totoong freeze hiring sila at hindi pa nare-release yung status na unfreeze hiring. … Hindi nila maprogress na ma-interview nila ako,” ang sabi niya. Hindi inaasahan ang ganitong sitwasyon ng karamihan sa mga kumukuha ng Narsing, ngunit hindi naman sila nag-iisa dahil laganap ang ganitong pangyayari. “Kakapasa ko lang last year and inuna ko yung NCLEX, pero hindi pa

naman ako nahuhuli sa mga ka-batch ko kasi sabay-sabay kami nagttraining ngayon,” ang kwento ni Veronica. Tatlo sa apat na aming nakapanayam ang kasalukuyang nagbabayad sa iba’t ibang institusyon para lamang makapagtamo ng kasanayan.

Maraming magulang ang marahil nadismaya sa naging kapalaran ng kanilang mga anak na matapos pag-aralin ng Narsing ng apat na taon sa magandang paaralan, ay nahihirapan pang makakuha ng trabaho. “Everybody’s hoping na I get a job very soon,” bahagi ni Kathryn. Gayumpaman, patuloy pa rin ang kanilang pagsuporta sa mga anak.“Naiintindihan naman nila ako, kaya oks lang (sa kanila na wala pa akong trabaho),”sabi ni Carla. “Okay naman (ang pakikitungo nila sa akin). Aware naman sila na mahirap pa talaga maghanap ng trabaho as a nurse. Supportive naman sila,” sabi naman ni Veronica. Sa kabila ng lahat ng pagsubok na dinaraanan ng mga unemployed na nars sa Pilipinas ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pagpupursigeng makapagsanay at makahanap ng trabaho, dito man o sa ibang bansa.“Basta apply lang ng apply hangang sa matanggap,” ang paniniwala ni Carla. “Hindi ko iniisip na umalis sa Nursing field. Ayaw ko sayangin yung four years ko sa Nursing. Magsisikap ako hanggang maging nurse ako sa magandang hospital,” sabi ni Veronica. Ayon naman kay Kathyrn, kung nagawa mo na ang lahat, ipagpaubaya na lamang lahat sa Panginoon.“Di mo sila kontrolado yung mga bagay na yun. So you’ll just leave everything to God na.”

III. A. Konklusyon Mula sa mga panayam at pananaliksik, nadiskubre ng grupo ang iba’t ibang suliranin ng mga Pilipinong Nars ukol sa paghahanap ng trabaho.

Isa sa pinaka-usong kurso ang Narsing sa Pilipinas ngayon, at ang propesyong ito ay nasa kanyang peak patungkol sa bilang ng mga pumapasok dito. Ang matinding pangaingailangan sa buong mundo para sa mga nars ang dahilan nito. Bukod pa roon, maraming bansa ang pumipili ng mga Pilipinong nars dahil sa iba’t ibang katangian nila. Nakita naman ito ng mga Pilipino bilang isang pagkakataong mas mapabuti ang kanilang pamumuhay. Marami ang kumukuha ng Narsing dahil sa pagnanais na makapag-abroad. Ngunit sa kasalukuyan, nahihirapan ang mga Pilipinong nars dahil sa pagpapalit ng patakaran sa iba’t ibang bansa ukol sa pagbibigay ng visa at pagkuha ng banyagang nurse. Isa pang dahilan ay ang kakulangan ng bakante sa mga ospital. Hindi sila nakakakuha ng sapat na pagsasanay upang makakuha ng trabaho dito man o sa ibang bansa dahil dami ng kakumpetensya. Dahil sa pagdami ng mga gustong kumuha ng nasabing kurso, nagsulputan naman ang iba’t ibang paaralan at institusyon ng Narsing. Idinulot naman nito ang pagbaba ng kaledad ng mga Pilipinong nars. Ang mga pangyayaring ito ay ikinadidismaya ng maraming nars at kani-kanilang pamilya na nangarap ng mas maayos na buhay. Gayumpaman, nananatiling sumusuporta ang mga magulang at puno ng pag-asa ang mga nars.

B. Rekomendasyon Batay sa mga pag-aaral na naisagawa, nais magbigay ng grupo ng ilang mga payo o rekomendasyon sa mga maaaring makaranas sa isyung ito. Nabigyangdiin sa pamanahong papel ang isang talamak na problemang dinaranas ng napakaraming nars sa bansa. Dahil dito, maraming nananatiling walang trabaho bagamat lisensyado at nakapagtapos ng kursong BS Nursing. Hindi sila makausad sa kadahilanang walang sapat na trabahong magbibigay-daan sa kanilang pag-unlad. Nais ibahagi ng grupo ang ilang mga ideyang maaaring makatulong sa mga nars at sa mga nagbabalak maging nars sa hinaharap: Una, para sa mga nag-iisip ng pasukin ang propesyon ay dapat na mabuting pag-isipan ang pagpili ng propesyong papasukin. Hinihikayat na pasukin lamang ang propesyon kung bukal sa loob at hindi dahil uso, makapag-iibang bansa, o nakapagpapayaman. Piliin ang propesyon na talagang nais pasukin at handang pagsikapan kahit ano pa mang pagsubok ang kinakailangang harapin upang makamit ang inaasam na patutunguhan. Ikalawa, hinihikayat ang lipunan, ang bayang Pilipinas na binubuo ng tao at gobyerno na bigyang-halaga ang mga nars sa ating bansa na kasalukuyang nagsisilbi upang mapanatili ang kalusugan ng marami. Hinihikayat na bigyan ng sapat na kredibilidad ang nasabing propesyon dahil na rin sa dami ng mga pumapasok rito. Isang paraan nito ay ang mabuting pagsasala ng mga mag-

aaral na papasok sa propesyon sa pamamagitan ng mabuting pagsusuri sa kanilang mga nalalaman at kakayahan na may kaugnayan sa mga kakailanganin sa kinabukasan. Ikatlo, nais iparating sa mga nakatataas sa gobyerno, lalung-lalo na sa mga nasa Nursing Board na panatilihing mataas ang kalidad ng mga nars na nabibigyan ng lisensyang magtrabaho. Sa ganoong paraan, mapaniniguradong ang mga nars na nakakukuha ng trabaho ay may esensyal na kwalipikasyon at sapat na kaalaman sa propesyon.

C. Bibliyograpiya Mateo, I. R.N. (2008). With dreams dying, Filipino Nurses ponder options, set new directions. Nakuha noong Disyembre 14, 2008 mula sa http://www.philstar.com/article.aspx?articleId=414991

Evangelista, K. (2008). nakuha noong Disyembre 14, 2008 mula sahttp://inquirer.net
• • •

Ubalde, M. (2008). RP Nurses have no reason to be jobless. Nakuha noong Disyembre 14 2008 mula sa http://GMANews.TV McCauley, R. (2008). Five High-Demand Jobs in 2008. Nakuha noong Disyembre 12, 2008 mula sa http://hotjobs.yahoo.com/career-articlesfive_high_demand_jobs_in_2008-279

Conde, C.H. (2006). Scandal Over Nurses’ Exam Stirs unease in Philippines. Nakuha noong Disyembre 12, 2008 mula sahttp://www.nytimes.com/2006/08/21/world/asia/21nurses.htm

Philippines Producing Oversupply of Nurses; 150,000 Unemployed, Could Result in Crisis. (2008). ANC News. Nakuha noong Disyembre 14, 2008, mula sa http://www.pacificnewscenter.com/index.php? option=com_content&view=article&id=2881:philipineNursing&catid=66:philippines&itemid=18

Melencio,G.E. (2008). Oversupply of Nurses Plagues Philippines. Arab News. Nakuha noong Disyembre 14, 2008, mula sahttp://www.arabnews.com/? page=4&section=0&article=108527&d=3&m=4&y=2008

Nordqvist, C. (2006). UK Hospitals Barred From Taking On Foreign Nurses. Medical News Today. Nakuha noong Disyembre 14, 2008, mula sa http://www.medicalnewstoday.com/articles/46467.php

Simmons, A.M. (2005). New Visa Process for Foreign Nurses May Affect Hospitals. LA Times. Nakuha noong Disyembre 14, 2008, mula sa http://articles.latimes.com/2005/mar/09/local/me-nurse9

Uy, V. (2008). 100,000 RP Nurses Unemployed. Nakuha noong Disyembre 13 mula sahttp://www.inquirer.net/specialfeatures/Nursingmatters/view.php? db=1&article=20081110-171314

Ortiz, M. (2008) Oversupply or Shortage of Nurses? DOLE wants to know. Nakuha noong Disyembre 13 2008 mula sahttp://www.inquirer.net/specialfeatures/Nursingmatters/view.php? db=1&article=20080729-151442

Nursing Gone Mad – Surplus of Philippine Nurses. (2009). Career Articles. Nakuha noong Disyembre 14, 2008, mula sa http://bloggista.com/2008/07/11/nursing-gone-mad-surplus-of-philippinenurses/

Torres, T. (2008). Nursing board exam ‘leakage-free’—execs. Nakuha noong Marso 11, 2009 mula sahttp://globalnation.inquirer.net/news/breakingnews/view/20081111171521/Nursing-board-exam-leakage-free–execs

Williams, S. (2005). A Proud Nursing Heritage: Focus on the Philippines. Nakuha noong Pebrero 20, 2009 mula sahttp://www.nurseweek.com/news/Features/05-04/NursingHeritage_SC.asp

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful