You are on page 1of 74

PAGSULAT

Inihanda ni: Dr. Leonora Yambao

Pagsulat
paraan ng komunikasyon sosyo-kognitibong proseso PAGSULAT
Sosyo- binibigyangdiin ang emosyonal at kalagayang sosyal ng manunulat (batay sa envayronment)

Kognitibo- bunga ng ideya at istilo ng manunulat

Pagsulat
multi-dimensyunal na kasanayan- ito ay nangangailangan ng masusi at kritikal na pagiisip

saklaw ang ibat ibang diskurso sa ibat ibang disiplina

Mga salik na Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat:

1. Manunulat - layunin - interes - kakayahan

Mga salik na Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat:


2. Paksa - mahalaga - napapanahon - hindi gasgas - di gaanong malawak - di gaanong ispesipiko

Mga salik na Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat:

3. Mambabasa - interes - kakayahan

Proseso ng Pagsulat
1. Brainstorming - paglilista ng paksa na ikinokonsider ang kaalaman at kakayahang linangin ang paksa 2. Klastering - ginagawa upang makita ang mga paksang kaugnay at di-kaugnay ng napiling paksa

Klastering

Main

Proseso ng Pagsulat
3. Pagtukoy ng tiyak na layunin at pamamaraan ng pananaliksik. (Tiyakin kung ano talaga ang
gustong gawin at makita) - Ano ang layunin sa pagsulat Bakit ko isusulat ito? - Ano ang gusto ko talagang makita at paano ko ito makikita? - Paglalahad ng suliraning sasagutin ng isusulat.

Halimbawa: Layunin ng pag-aaral na ito na masuri at mailarawan ang level ng pagtatanong na napapaloob sa mga banghay-aralin ng mga magaaral. Layunin din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod: 1. Anu-anong level ng pagtatanong ang ginamit ng mga mag-aaral sa kanilang banghay-aralin? 2. Ano ang level ng pagtatanong na ginamit ng mga respondyente sa pagbubukas, pagpapalawak at pagwawakas ng aralin? 3. Alin sa level ng pagtatanong ang madalas na ginamit at alin ang hindi nabigyang-pansin sa pagbuo ng mga tanong?

Proseso ng Pagsulat
4. Paggawa ng pansamantalang balangkas.
- Ito ay makatutulong ang pansamantalang balangkas upang matiyak ang direksyon ng pananaliksik at magsilbing gabay sa pagkuha ng tala.

___________________ (Pamagat) I. Unang Pangunahing Paksa ng Pag-aaral (PP 1) A. Unang pangsuportang paksa (PSP 1) sa PP1 1. mga pangsuportang detalye sa II.A. a. Pansuportang Detalye sa II.A.1 b. 2. a. b. B. Pangalawang PSP sa PP 1 1. 2. C. Pangatlong PSP sa PP1 1. mga pansuportang detalye sa II.C II. Ikalawang Pangunahing Paksa ng Pag-aaral (PP 2) A. PSP 1 sa PP 2 1. 2. B. PSP 2 sa PP2

Proseso ng Pagsulat
5. Pagtukoy at paghanap ng mapagkukunang mga impormasyon at datos
- paggawa ng paunang biblyografi o listahan ng mga aklat, peryodikal at iba pang mga sangguniang materyales upang:
a. matiyak kung may sapat na impormasyong makukuha tungkol sa paksa.

b. madaling makuha ang mga kinakailangang impormasyon c. magsilbing patnubay para sa paggawa ng panghuling biblyografi para sa huling burador o final draft

* Makakahanap sa laybrari sa tulong ng kard catalog - maaaring kard ng awtor, paksa o pamagat. * Magagamit din ang indeks ng peryodikal, vertical file, ensayklopidya, alamanak, atlas, diksyunaryo, atb. * Nagagamit na rin ang internet

Format ng paunang Biblyografi:


Para sa aklat: Isang awtor: (1) Pineda, Ponciano B. Bato sa Katedral. San Juan Rizal: Limbagang Filipino, 1970. (2) Gonzalez, Andrew at Sadelaida N. Hukom. Sangwikaan 2. Lungsod Quezon: Phoenex Publishing House, Inc., 1993. (3) Arceo, Sonia. Pitak-Paaralan, Liwayway (Nobyembre 12, 1998), p. 34-35. (4) National Geographic Society. Unang Yearbook 1996. Pag-init ng Mundo. Maynila: Limbagang Rizal

Dalawa o higit pang awtor

Para sa artikulo:

Walang awtor:

Note: Gawin na ring idea sheet ang bawat biblyografi na nasa kard. Gumamit ng 4 x 6 na index card. (isama ang awtor, pamagat, pook, pabliser, at taon ng paglimbag. Isama din ang call number kung aklat

Halimbawa ng idea sheet:


Para sa aklat:
F112 R23

Ramos, Rodora Responsableng Pagkamagulang. Lungsod ng Quezon: Reyes & Reyes Press, 1999.

(naglalaman ng ilang gabay tungkol sa pagiging mabutingmagulang) Idea sheet

Proseso ng Pagsulat
6. Pagkalap ng mga katotohanan, datos at ebidensyang susuporta sa ideya kaugnay ng layunin
Mga Pangunahing Pinagkukunan ng Impormasyon: a. Sariling personal na karanasan at mga dating observasyon b. mga karagdagang observasyon pagkatapos magpasyang sumulat c. Impormasyong mula sa intervyu, sarvey, kwestyuneyr, atb. d. mga referensya sa laybrari e. internet

Gabay sa Pagkuha ng Tala

- Kapag kumpleto na ang lahat ng bibliografi kard, pagsunodsunurin nang paalfabeto ang mga ito at lagyan ng numero sa itaas, Sa kanang bahagi ng bawat isa. -Gumamit ng 3x5 o 6x8 kard sa pagkuha ng mga tala. Lagyan ng bilang ang bawat kard (1-1, 1-2, 1-3, atbp.). Kakatawan sa source o pinagkunan ng tala ang unang bilang; ang ikalawa sa pahina ng note card. Maaari ring isulat ang pangalan ng awtor at pinaikling pamagat.

Gabay sa Pagkuha ng Tala

-Isulat ang pangunahing ideya sa itaas ng kard (tinatawag na slug line) na siya ring paksa ng kard. Isang ideya lamang ang paksain sa bawat kart at sumulat lamang sa iisang panig dito (hindi back-to-back). Makatutulong ito para madaling mapagsunog-sunod ang mga kard kapag ginagawa na ang papel. -Pagkatapos makapagtala, isulat ang pahina ng pinagkunan ng tala sa ibabang bahagi ng kard.

Gabay sa Pagkuha ng Tala

Mga halimbawa: Bibliography kard


(numero ng pinagkunang tala) Zafra, Mario C. Panitikang Pilipino. Quezon City: Bookman, 1990, pp. 1-128 (ibat ibang yugto ng panitikang Pilipino at mga halimbawa ng Akdang naisulat sa bawat yugto) (deskripsyon ng nilalaman o idea sheet) 2

Gabay sa Pagkuha ng Tala

Mga halimbawa: Note card


(numero ng pinagkunan At ng note card, o kayay awtor at pamagat Ang panitikang Pilipino Sa panahon ng propaganda Kabilang sina Rizal, del Pilar, Lopez Jaena, atbp, sa mga Manunulat na Pilipino noong Panahon ng Propaganda. Kabilang Sa kanilang isinulat ang. (pahina ng pinagkunan) 21 Zafra, M. Pan Pil. (pangunahing ideya o slug line)

(mga tala)

135 - 136

Tatlong Paraan ng pagkuha ng mga Tala

Pagbubuod (summarizing) Paghahawig (paraphrasing) Tuwirang sipi ( quoting)

Patnubay sa pagkuha ng Tala


-Gumamit ng mga parirala (phrase), sa halip ng mga kumpletong pangungusap, upang makapagtipid at maiwasan ang pagkopya ng mga eksaktong salita ng awtor. -Iwasan ang paggamit ng mga di-karaniwang daglat (abbreviations) na hindi na maintindihan kapag muling binasa ang isinulat.

Patnubay sa pagkuha ng Tala


-Tukuyin at pag-ibahin ang mga impormasyong faktuwal sa mga opinyon. Gamitin ang Batay/Ayon kay/sa -Sa pagsipi ng mga pangungusap, gumamit ng pagkakaltas. Upang maalalang may pinaikli sa kinopyang tala.

Patnubay sa pagkuha ng Tala


-Itago ang mga note card hanggang hindi pa nabibigyan ng grado ang panahunang papel dahil maaaring hingin iyon ng guro o kayay may karagdagan siyang katanungan tungkol sa ilang impormasyon. -Iwasan ang pagkopya ng eksaktong pananalita ng awtor at paggamit nito nang walang kaukulang kredit o banggit.

Proseso ng Pagsulat
7. Paggawa ng Balangkas - detalyado 8. Planuhin ang papel at pumili ng mga materyales mula sa mga nakalap na impormasyon.

Proseso ng Pagsulat
9. Paggawa ng Burador o Draf (free writing)

* Tesis isteytment
- naglalayong ipahayag ang pinakakonsepto ng manunulat tungkol sa susulating paksa. - Dapat na ipahayag ng manunulat ang kanyang kurukuro o pananaw na nais patunayan sa kalamnan ng papel na pananaliksik

Ang tesis isteytment ay:


a. kumpletong pangungusap, hindi tanong at hindi parirala. b. dapat na malinaw na ipinahahayag ang opinion o pananaw ng manunulat tungkol sa katotohanan at hindi pagpapahayag lamang ng isang katotohanan. (Ito ay opinion ng may-akada batay sa katotohanan o ebidensyang ipahahayag sa katawan ng papel.) c. dapat na may isang ideya lamang , hindi maaaring ipahayag ng manunulat ang dalawa o higit pa tungkol sa paksa. d. dapat na limitado batay sa itinakdang sulating Gawain.

Tesis Isteytment
Konsepto- essay map (2 o higit pa)
- Patutunayan sa sulatin - Ayon sa pagkakasunud-sunud

Halimbawa


Ang AUF ay Mabuting paaralan sapagkat ito ay PAASCU accredited, napapaso sa board exam ang mga magaaral at kilala maging sa ibang bansa.

  

Konsepto EM 1 EM 2 EM 3

Magagamit ang ganitong batayang istruktura bilang pinakakatawan ng papel pananaliksik na may tatlong bahagi
Itoy naglalaman ng mga malawak at pangkalahatang isteytment na naglalahad ng paksa at iba pang mga basehang impormasyon. Nagsisimula ang kabuuan sa malawak na isteytment patungosa pangunahing Puntong papel hanggang sa tesis isteytment.

Introduksyon: Mga Panimulang talata

Magagamit ang ganitong batayang istruktura bilang pinakakatawan ng papel pananaliksik na may tatlong bahagi

Katawan: Mga gitnang talata na maipapakilala ng mga sub-titulo

Unang talata-pangunahing punto/ideya puntong sumusuporta puntong sumusuporta Ikalawang talata at mga puntong sumusuporta Iba pang mga talata at mga puntong sumusuporta

Magagamit ang ganitong batayang istruktura bilang pinakakatawan ng papel pananaliksik na may tatlong bahagi

Konklusyon:
Ang mga pangunahing isteytment ay nagsisimula sa muling paglalahad ng tesis, nagsasamasama ng mga pangunahing punto, at nagtatapos sa ilang malawak at pangkalahatang isteytment ng paksa.

Proseso ng Pagsulat
10. Editing
-Sa pag-eedit, kailangang bigyan ng konsiderasyon ang tatlong aspekto ng bawat nasusulat na talata. a. Panlabas na kaanyuan b. Gramatiko c. Semantiko

Proseso ng Pagsulat
11. Pagsulat ng final na papel mula sa burador at paggawa ng pangwakas na bibliografi - Sa
huling hakbang ng pagsasaayos ng term paper, isaalangalang ang mga sumusunod: a. Unahing ifokus ang nilalaman b. Pansinin ang paraan ng pagsulat, pati na ang mga sangkap ng pagsulat at ang gramatika. c. Bigyang-halaga ang dokumentasyon o pagbanggit sa referensyang pinagkunan ng bawat ideyang ginamit sa papel.

Proseso ng Pagsulat
12. Paggawa ng pangwakas na bibliografi
-Binubuo ang bibliografi ng listahan ng lahat ng aklat, peryodikal, at iba pang referensyang ginamit sa pagbuo ng papel. Isaalang-alang ang mga sumusunod sa paggawa nito: -Uriin muna ang mga referensya ayon sa a. Mga aklat b. mga peryodikal c. Iba pang referensya

-Ayusin nang paalfabeto ang mga inuri o klinasifay na referensya. -Ganito ang pagsulat ng bibliografi: Mga aklat: Resuma, Vilma M. et.al. 1994, Gabay sa Pag-aaral ng Florante at Laura. Quezon City: JMC Press

Semorlan, Teresita P. et.al. 1999. Pagbasa at Pagsulat sa Iba;t ibang Disiplina. Quezon City: Miriam College Foundation. Peryodikal: Saksi sa Bentain Case, Lulutang na Kabayan (Agosto 4, 2001), p. 4.

Brainstorming

Klastering

Pagtukoy ng layunin

Pagbuo ng Pansamantalan g Balangkas Pagkalap ng mga kagamitan

Pagbalak at Pagpili ng mga datos

Pagbuo ng Detalyadong balangkas

Pagkalap ng mga datos

Pagsulat ng Draf

Editing

Pagsulat ng Final na kpya at Final na Biblyografi

BAHAGI NG TEKSTO
Introduksyon - pinakamukha ng sulatin

MGA PARAAN NG PAGSISIMULA


1. pasaklaw na pahayag
-

Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Karaniwang nakikita sa araw-araw na pahayagan.

Halimbawa
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng sampung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo.


-Pilipino Star Ngayon


 Nobyembre 21, 2004

2. Pagbubuod

3. Tuwirang Sinabi
- Karaniwang nakapanipi dahil kuha sa bantog na awtor o tao. Halimbawa: Akoy isang mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa ko ito.
  -The Philippine Star Setyembre 15, 2001

4. Pagtatanong
Halimbawa Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng El Nino sa gitna ng malamig na simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulupulutong na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan.

5. Panlahat na Pahayag
- Itoy nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.

Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan ngunit ang nagawang kasalanan ay baun-baon hanggang sa libingan. Tunghayn ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Taganon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita.

6. Paglalarawan
- Ito ay ginagamit sa pagtatampok ng tao.

- nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita

Halimbawa:
Baliw daw si Mercy, ang babaeng may bigotet balbas marusing pero hindi marumi. Nakatali ang manipis na buhok na lampas-balikat ang haba. Hanggang tuhod ang pantalon kaya kapansin-pansin ang malago at kulot na balahibo sa mga binti.

7. Pangkapaligiran
Ito ay ginagamit na panimula kung ang binibigyang-larawan ay pook.

Halimbawa:
Namamayani pa ang dilim, halos wala nang patlang ang tilaukan ng mga tandang sa silong ng mga dampang nangakatirik sa tabing dagat.

8. Pagsusumbi
Bihira ang panimulang ito. Maikli lamang na karaniwan nang binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.

Halimbawa:
Maynila.

Maynilang kay ganda Dito nagsimulang sumibol ang buhay na ngayon ay kinasusuklaman sa kanilang bayan.

9. Pagsasalungat
Ang binibigyang-diin ay ang pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang bisa.

Halimbawa:
Nang nakaraang pitong buwan, humahalakhak nang abot-langit sa kaginhawahan ang buong Lungsod ng Angeles. Ngayon, nananaghoy ito nang ubod-lalim sa pagkakalibing nang buhay sa lahar.

10. Pagsasalaysay
Ito ay anyong malumanay na pagkukwento.

Halimbawa:
Bago pa man dumating ang jeans at Levis, uso na ang maong.

Ika-9 pa lamang nng umaga ay nakaupo na ako sa kama upang sagutin ang telepono.

11. Makatawag-pansing pangungusap


Ito ay isang nakagigitlang panimula dahil hindi karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang pamamariralang ginagamit. Ito ay isang patayutay na pahayag.

12. Analohiya
Ito ay nagtutulad o nagwawangis. Halimbawa: Ang buhay ay gulong, umiikot, mabilis, mabagal, pumapailalim, pumapaibabaw.

13. Anekdota o Humor


- Isang panimulang nagkukwento ng maikling istorya para pasiglahin ang babasa, o di kaya ay gamiting tularang lundayan ng kaugnayan sa paksang tatalakayin. - maaaring nakatatawang insidente

14. Pagsasalitaan
- dinaraan sa dayalog

- Mabuti daw gamitin sa paglalahad ng pagkatao.

Halimbawa:
Napakawalanghiya mo talagang bata ka! Tumayo ka na nga diyan at maghugas ng pinggan! Wlang pakinabang!!!!, ang gisinng ni Aling Idang sa anak na kasalukuyang nag-aapoy sa lagnat.

15. Gumamit ng personal, historikal at awdyens references


- Ito ay makakapag-establis ng common ground. - Tumutulong sa kredibilidad ng manunulat nagpapakilala sa awtor at ng koneksyon niya sa sitwasyon o pangyayari. upang maging malinaw sa mambabasa ang mga pangyayaring ipinahahayag sa sinulat Kapag gustong palitawin ang involvement ng mambabasa sa Sa kanilang binabasa.

Halimbawa:
Si Raffy ay isang paslit na natutulog at kakalat-kalat sa langasangan. Isang batang paslit na nalululong sa pagsinghot ng rugby at nasasangkot sa mga kalokohan. Nakahahalubilo natin siya sa lansangan at higit sa lahat isa siya sa mga kabatang Pilipinong nangangailangan ng pagkalinga ng pamahalaan.

GITNA
- Pinakakatawan - binubuo ng mga talatang maingat na isinaayos - mabisa kung siniyasat munang mabuti ang kaisipan bago isulat at maigi ang pagkakabalanngkas

Tatlong Hakbang upang Magawa ang Gitna 1. Pagpilin ng organisasyon ng padron. 2. Pagbabalangkas ng nilalaman. 3. Paghahanda ng transisyon ng talataan.

Organisasyon ng Padron:
1. Topikal/ Lohikal na paraan - inaayos sa paraan ng pagtataya ng manunulat kung anong impormasyon ang dapat na mauna. 2. Kronolohikal - sequence ng pangyayari (kasaysayan, proseso, panuto)

3. Paespasyal o paagwat - ayon sa pisikal na espasyo


- sinisimulan sa malapit papalayo o vice versa 4. Klasipikasyon - kategorya o klas ( seks, level, expiryens, abilidad, atb.) 5. Problema-solusyon 6. Sanhi at Bunga

7. Paghahambing pagkakaiba pagkakatulad pagkakatulad pagkakaiba 8. Palamang/Pasahol Mahalaga Di-gaanong mahalaga Di gaanong mahalaga Mahalaga

9. Patiyak/ pasaklaw depinidong detalye pangkalahatan pangkalahatan depinidong detalye 10. Papayak/ pasalimuot komplikado pasimple pasimple komplikado

Tansisyunal na salita o talata


- ginagamit pangkonek o pag-shift ng isang ideya sa kasunod na ideya

Wakas
- Nagsusuma sa nilalaman at nag-iiwan ng impresyon sa mambabasa - Konklusyon

You might also like