You are on page 1of 3

Tagalog Prayers for the Departed Posted on October 12, 2010 Nobena Para sa Mga Minamahal na Yumao

Ialay natin ngayon ang nobenang ito para sa minamahal nating si _________ na yumao na sa mundong ito. At ngayon ay nagbabalik sa Iyo. O Panginoon, sa Iyong awa, tanggapin mo siya sa makalangit na kaharian Mo. Nagtungo na siya sa kanyang pamamahinga. Umaasa siya ngayon na bumangon kasama Ka. O Panginoon, sa Iyong pag-ibig na bumabalot sa amin dalhin Mo siya sa liwanag ng Banal na Presensya Mo.

Buong kababaang-loob na nananalangin kami, O Panginoon, para sa aming mananampalatayang yumao na si _______ Makatagpo nawa siya ng walang hanggang kapayapaan sa piling Mo. Makamit nawa niya ang mapagmahal na pagpapatawad Mo. Makita Ka niya nawa ng harapan. Oo, ikaw ang pag-asa namin sa mundong ito. Ikaw ang aming pagkabuhay na maguli at buhay. Ikaw ang aming hukom at Tagapagligtas.

O Panginoon, buong kababaang loob kaming nagsusumamo sa Iyo: Maging maawain sa paghatol Mo at ipagkaloob kay _______ ang ipinangakong kaligtasan. Kalimutan ang mga pagkakamali niya at linisin ang mga kasalanan niya at ipagkaloob sa kanya ang panghabang-panahong gantimpala. O Panginoon, iparating kay ___________ ang tagumpay Mo laban sa kasalanan at kamatayan. Huwag Mo siyang hayaang mapahiwalay sa Iyo.

ngunit pagkalooban mo siya ng lugar sa Iyong walang hanggang tahanan.

Hesus, Panginoon ng mga nangabubuhay at mga nahihimlay, aliwin ang mga napapagod at nagdadalamhati. Manlulupig ng kamatayan at kasalanan, akayin ang mga kapatid naming yumao. Sa pagdating niya sa katapusan ng kanyang paglalakbay, akayin Mo siya pabalik sa Iyo. Sa pagwawakas ng buhay niya, hayaan mo siyang mabuhay kapiling mo. Sa pagtindig niya sa harap Mo para sa paghuhukom, banggitin Mo ulit ang mga salitang ito:

Halika, ikaw na pinagpala ng Aking Ama. Kamtin ang kahariang inihanda para sa iyo. Pagkalooban nawa siya ng Panginoon ng paghuhukom na puspos ng awa. at pagmasdan siya nang may pagmamahal.

Lahat: Panginoon, tulungan mo kaming makita kung ano talaga ang kamatayan: - ang katapusan ng karalitaan at simula ng kayamanan; - ang katapusan ng kabiguan at simula ng tagumpay; - ang katapusan ng takot at simula ng kapanatagan; - ang katapusan ng lungkot at simula ng ligaya; - ang katapusan ng kahinaan at simula ng lakas;

Huwag nawa kaming lamunin ng dalamhati o patuloy na makadama ng hinanakit dulot ng pagkawala. Ngunit mula sa kalungkutan pumailanglang nawa ang bagong tuwa.

Tanggalin ang takot namin, huwag hayaang mabagabag ang puso namin. Hayaang ang Iyong espiritu ng kapayapaan ay mabuhay sa aming nararanasang kalungkutan, sa aming pighati at pangungulila, sa hapis namin ngayon at sa lumbay namin sa kinabukasan.

Buong kababaang loob na inihahabilin namin si _______ na tinawag mo mula sa mortal na buhay na ito. Minahal mo siya lagi Nang may dakilang pag-ibig.

Ngayon na pinalaya mo na siya sa lahat ng kasamaan sa mundong ito, dalhin mo siya sa iyong paraiso kung saan wala nang pighati

You might also like