You are on page 1of 3

BAKIT DI PABORAN ANG RH BILL

Matagal na panahon na din ang iginugol sa pakikipagdebate para at laban sa kinokonsiderang krusada ng simbahang Romano Katoliko sa bansa, ang RH Bill. Sa mahigit isang dekada nitong paulit-ulit na pagtatangkang maisabatas, ang mga debate ay nananatiling debate at ang mas maimpluwensiyang grupo ang nananaig sa bawat pagtatapos ngkongreso. Sa hindi mabilang na gimik at apila ng magkabilang panig upang hikayatin higit sa lahat ang mga nasa posisyong maisabatas ito, hindi maitatatwa ang ugat ng suliranin maging ang lumolobong istatistika na ginagamit at pinagaargumentuhan pabor sa inaadbokasiyang posisyon. Mali man o pawang palabas ang lahat, ang katotohanan at ang pagtanggap nito sa sariling bersyon at persepsyon ang hahatol sa kalalagakan ng panukalang batas. Sa ganang amin Tatlong argumento ang bubuklod sa kabuuang posisyon kung bakit dapat tutulan ang pagpasa ng panukalang batas na ito. Bagaman parehas nating nakikita na may problema, nagkakaiba tayo sa pagpapangalan kung anu-ano ang mga ito kung kayat ang pamamaraan na nais ninyong mga sumusuporta sa RH bill ay hindi uubra sa ganang amin. Walang koneksiyon ang kahirapan sa populasyon. Sa paraiso kung saan ang lahat ng nasa paligid ay kaaya-aya at sagana, hindi namin nakikita na may direktang koneksyon ang paglobo ng bilang ng mga tao at ang kalidad ng buhay na mayroon siya lalong higit yaong mga nanggaling sa mga malalaking bilang ng pamilya. Walang pagmamalabis sa paligid, walang pandaraya, walang pagnanakaw. Walang mga klaseng tao na nagsisimula sa G ang pangalan/apelyido ang nasa paraiso ni Juan dela Cruz. Palibhasay sagana ang paligid kahit pa ang mga nasa rural na lugar ay hindi problema ang bilang ng mga doktor at mga medikal na propesyonal upang tumugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan. Sa paraiso, ang lahat ay itinatakda kung kayat ang pagbubuntis ay planado at napaghahandaan. Kahit pa mag-anak ng isang dosena ang isang pamilya ay walang problema dahil ang lahat ng bagay sa paligid ay sagana at ang panganib ay mababa dahil pirmi silang alaga ng mga medikal na propesyunal. Kung may hindi man pinapalad sa panganganak ay bihirang-bihira iyon dahil moral na obligasyon ng lahat ng nasa paraiso na pangalagaan ang lahat ng miyembro ng komunidad lalo na ang mga nagbubuntis. Ang access sa mga pangunahing serbisyo tulad ng transportasyon, edukasyon, komunikasyon, serbisyong medikal at pangkalusugan ay hindi isyu dahil mapa-mayaman o mapa-mahirap, maliit o malaking pamilya ay may pantay na pagkakataon upang kagyat na makamit ang anumang pangangailangan. Ang pakikipagtalik ay planado, sagrado, at rehistrado. Walang sinuman ang nakikipagtalik ng walang intensyon at basbas. Malinaw rin sa amin na ito ay sa pagitan ng mag-asawang nais bumuo o magdagdag ng kanilang supling. Ang natural na bunga nito ay hindi dapat inaalis sa kanyang orihinal na layunin kung kayat ang mga nagdadalangtao ay isang daang porsyentong ginusto at pinaghandaan ang mga susunod na prosesong pagdadaanan matapos ang pakikipagtalik. Ang mga kabataan ay may malinaw na direksiyon sapagkat sila ay maingat na ginagabayan ng kanilang mga magulang, guro, kaibigan, midya, simbahan at lahat ng mga nasa paligid. Pangunahing responsibilidad ito ng kanilang inat ama at dahil planado ang pagkakaroon ng supling ay hindi sila maliligaw ng landas. Ang pakikipagtalik ay bagay na hindi nila pangangahasang gawin lalo pa kung silay hindi pa handang maging magulang. Malayo ang gawaing ito sa pagpapalaki sa kanila at itinuturing itong sagrado . Sa mga hindi pa kasal o hindi kinikilala ang kanilang pagsasama, hanggang hawak-kamay lamang ang pinaka-katanggap-tanggap nilang gawin at bunga niyon, walang pagbubuntis ang nagaganap sa pagitan ng magsing-irog na hindi rehistrado.

Hindi kailangan ang panukalang batas. Ano ang kahalagahan ng artipisyal na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya kung ang mga tao ay walang suliranin at pagpalya sa natural na pamamaraan ng pagpaplano? Ang lahat ay disiplinado at walang sino man ang nagtatangkang bumalikwas sa natural na istraktura sa paraiso. Hindi kailangan ng condoms, pills, IUD dahil epektibo ang natural na metodo. Kayang-kaya ang pagpipigil, lahat ng pagbubuntis ay nais. Hindi na rin kailangang turuan pa sila ng alternatibong artipisyal na pamamaraan sapagkat ang una ay sapat na. Isa pa kapag ginawa natin at sinabing may iba pang paraan ng pagpapaplano ay hindi malayong subukin ito ng mga tao at bunga niyon ay maaring magbunga ito ng pagkasira ng natural na ritmo at daloy na nakasanayan na. Sa kabuuan, hindi kailangan ang RH bill na iyan dahil wala tayong suliranin pagdating sa pangkalusugang reproduktibo. Kung may mga namamatay sa ibang paraiso dahil walang access sa tulong pangmedikal, iyon ay dahil nababalutan ng kasamaan ang kanilang gobyerno. Talamak ang kurapsyon at dahil doon ay napipilitang mangibangparaiso ang mga doktor, nars, midwayp . Iyon ang tunay na problema kung kayat iyon ang dapat solusyonan. Sa pagbaba ng moral ng mga tao, may konkretong kasagutan para dito. Matagal man ang proseso o habambuhay man na panata ang pagtuturo, iyon ang tamang paraan kahit pa ang kapalit nito ay buhay bawat minuto ng mga naunang sumuway sa natural na daloy. Wala tayong problema dahil maayos ang sistema. Ang mundo ay patas,pantay ang lahat ng tao at pantay ang mga oportunidad at pagkakataon. Ang mga balita sa telebisyon ay pawang kaaya-aya sa panaginip na paraiso. Walang pagmamalabis sa aming pinapangarap na paraiso. Ito pa rin ang aming paniniwala, pagsisinungalingan, at panghahawakan dahil kamiy sa(g)rado Pilipino. Hindi dapat suportahan ang RH Bill! Sa(g)rado ang utak natin at ang pagpapalaya nito at pagbukas ng pusot isipan sa malungkot na katotohanan at tunay na mga pangyayari ay pagtalikod sa isang magandang pantasya na baka totoo kapag nasa kabilang buhay na.

Sa mundo ng kaguluhan at kawalang katiyakan, mas mahalaga kaysa rati na gawing sentro ng ating buhay at unahin ang ating pamilya. Ang pamilya ay nasa sentro ng plano ng ating Ama sa Langit. Nakasaad sa pahayag na ito mula sa Ang Maganak: Isang Pagpapahayag sa Mundo ang responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga pamilya: Ang mag-asawa ay may banal na tungkuling mahalin at kalingain ang bawat isa at ang kanilang mga anak. Ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon (Mga Awit 127:3). Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan, maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan, turuan silang magmahal at maglingkod sa isa t isa, sundin ang mga kautusan ng Diyos at maging masunurin sa batas saanman sila naninirahan. Ang mga mag-asawa ang mga ina at ama ay pananagutin sa harap ng Diyos sa kanilang pagtupad sa mga tungkuling ito. 1 Sa mga miting kailan lang kasama ang Unang Panguluhan, nagpahayag sila ng pag-aalala sa pagkasira ng pamilya. Ang utos sa Priesthood Executive Council ay tutukan ang pamilya sa ating mga tungkulin. Bilang tugon sa Unang Panguluhan, marami nang plano at pagsisikap na nagawa. Gagamitin natin ang lahat ng paraan upang makahikayat ng higit na pagkakasundo, pagmamahal, at impluwensiya sa espesyal na yunit na itinakda ng Panginoon ang pamilya. Dapat nating gawing ligtas na kanlungan ang ating tahanan mula sa gulo, na tumitindi sa ating paligid. Kahit sa napakaliliit na butas ng dingding ng ating tahanan na naiwang nakabukas ay makalulusot ang masasamang impluwensiya. Narito ang isang halimbawa.

Ilang taon na ang nagdaan, nang maghapunan kami ng anak kong babae at ng kanyang pamilya. Karaniwang tagpo iyon sa mga tahanang may maliliit na bata. Sinisikap ng anak kong pakainin ng masustansyang pagkain ang tatlong-taong-gulang niyang anak na lalaki. Kinain nito lahat ng pagkaing gusto niya sa kanyang plato. Naiwan ang kaunting bitsuelas, na hindi niya gusto. Desperado, kumuha ng tinidor ang ina at sinubukang ipakain sa anak ang natira. Tiniis ito ng bata hangga t kaya niya. At sinabi nitong, Inay, huwag ninyong sirain ang pagkakaibigan natin! Iyon mismo ang salitang narinig niya sa patalastas sa telebisyon noong isang araw. Ah, ang laki ng impluwensiya ng mga anunsyo, programa sa telebisyon, Internet at iba pang media sa ating mga pamilya! Ipinaaalala namin sa inyo na ang mga magulang ang dapat mamuno sa sarili nilang pamilya.