P. 1
UTOS NG HARI

UTOS NG HARI

|Views: 532|Likes:
Published by Raz Mahari

More info:

Published by: Raz Mahari on Jan 27, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/18/2015

pdf

text

original

UTOS NG HARI

ni Jun Cruz Reyes ³SEE YOU in my cubicle after lunch.´ Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Moral Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin. Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako µkatanga¶ at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga ³5.´ Isinunod niya ang mga absences ko tapos, ang aking mga lates. Hindi naman maikatwirang ³Paano ako di masisingko, kung kailan ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite, saka namimilit. Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain na µyung pulang ballpen. Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kangina. Katunaya¶y yung paborito niyang paksa ang pinagusapan namin. µYung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nag-tsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw, kaya wala sa eskuwelahan, hindi dahil nag-study leave, kundi nagpa-abort sa Amerika. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksiyon namin, ang normalization process sa gobyerno. Sabi niya kangina, ³Para tayo maging fully democratic kailangan mataas ang literacy rate.´ (Sinabi na yon ni Rizal.) ³May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At hgit sa lahat, kailangan hindi tayo magiging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging uncivilized sa western standards.´ Nang tanungin niya ako, sabi ko¶y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa¶y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell. Ay kunsumisyon sa buhay gusto akong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalakuyan. Pag nasa bahay ako. ako ang bida. µPag ang mga kababayan ko ang magkukuwento, ako ang sikat. Pero dito sa eskuwelahan, walang isko-scholar ng bayan. Talagang gusto ko nang huminto, pero ayaw ni Tatay. Kung sa bagay sino bang ama ang matutuwang magkaanak ng drop-out? Talagang sawa na akong nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama nila sa bawat hakbang. Ipaling kung saang sulok gustong dalhin, ikaliwa kahit kanan ang gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong mamahinga. At isipa kahit ako ang masaktan. Ay buhay estudyante, Maka-uno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra ka sa kanila, singkong maliwanag. Tumangutango ka naman para maka-uno, ibig sabihin noo¶n sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, konting tango at ³yes ma¶am´ lang. Dos na µyon o tres. Kung bakit naman kasi nauso pa sa mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kinabukasan nga ako. Sana¶y hindi nauso ang grade, di sana¶y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako¶t hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo pa rin. At kung tapos nga, nakakahiya namang pati trabahong pangmahirap ay pagtiyagaan ko. Grade lang naman, problema ba yon? Uno kung uno. Singko kung singko, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung Kick-out. Pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.k.

that¶s your assignment for tomorrow. Discipline at alam na alam niya ang sagot. tiis. Para na ring sinabing. biro mong sa probinisiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. kesyo masamang mandaya. Ay. Moral Character. rugged at medyo bastos pa raw pero bakit kailangan isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school. kasalanang mortal ang magturo sa kaeskuwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta. Aral nang aral.´ . di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon. Eraser na lang. bumagsak sa Physics at grammar school pero bigtime scientist. bago magumpisa ng leksiyon. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntuhan ng sama ng loob. Basta kami ang papel lang namin. krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Tulad ni Mrs. Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo. pag teacher ka na ay pwede na.k. Walang alam itanong kung hindi ³what is our lesson today?´ Parang mga diyos na sila lamang ang may monopoliya ng tama. Aral sa umaga. Pero ang kaniyang lihim ay nabuko na namin. Kahit teacher niya noon hindi alam ang theory niya ng relativity. Si Jojo lang ako. bakit ba ginawa pa ng kung sinong hayupak. At ang kanyang paboritong paksa. kahit matalo. Nang mag-watcher daw ito sa presinto. Sa mga kapitbahay namin. tatlong letra lang ang kabisadong basahin. Itanong mo kay Mr. ang mangunsumi ng mapagtiis. walang pakialam sa mundo. µYung ganong sistema ang namana niya sa kanyang lolo. Sa pamilya marunong daw ako lalo¶t si Tatay ang tatanungin.matigas daw ang ulo ko. ang walang sinabi kung teachers ko ang tatanungin. Bakit me magagawa ka ba? ³Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Kunsumihin ka ba naman araw-araw. Moral Character sa amin. mga teacher sa mundo. Ibig lang niyang palabasing may dugo siyang bughaw. magsesermon muna ng virtue of honesty. kung noong araw ay gago rin siya. Kung malalaman lang nila. masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina.´ Saka niya sasabayan ng bura ang maling nakasulat sa blackboard. Hindi ka na nga pwedeng magwala. Antique s¶yempre µyung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo). Yun namang teacher namin sa Math iba ang gimmick. Basta magamit lang niya µyung nalalaman niya sa voice and diction. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila. hindi rin naman seminaryo. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata. µpag nabuko mong hindi naghanda sa lesson namin lagot ka na. Lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Dahil estudyante ka pa lang. Hindi na naubusanng ipari-research. Si Einstein. Pagsasabihan ka nito ng ³What? Iyon lang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O. Para tuloy Kaming pang therapy lang niya. E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? µYung teacher ko sa English. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. bakit panay ³Yung conduct mo´ at ³appearance´ ang panakot nila Ano ba ang masama nang bumagsak? Kung si Recto. tagapakinig sa kanyang asides. aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. pag naging gago ka nagtataka pa.´ ang agad ikakatuwiran ng mga ito. pambihira daw ako. dahil ang isasagot nito¶y ³kaya nga ayaw kong matutuhan n¶yo ang bisyo dahil pinagdaanan ko na yan. Kung bisyo naman ang pag-uusapan. Kung sa bagay. katwiran daw nito¶y ³Anong sama doon. hindi ka pa rin pwedeng maglibang. hindi naman ako si Recto o si Einstein. Noon daw nakaraan referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. yung kanyang nuno na purong kastila raw na nagpapatayo ng simbahan sa kanilang bayan. maligaya na siya sa buhay. panalo pa rin. ayun at ³Sinabi ko ng nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo. Sarap sanang bukuhin na ang mga kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon. Mrs.

³I find him kinda weird lately. say quorum. I feel though he is brilliant. Pinagsalita. Sometimes I don¶t want to give him an excuse slip anymore. Sabi ng pangkat ng hari. Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan. ³My God.´ Saka sila nagkorus ng ³ibagsak. ³Hindi naman korum.´ ³What now?´ ³Ano pa.´ ³God will punish his naughtiness. how true.´ Kung sa bagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskuwelahan.Sa amin sa barkada. Si Minyong kasi ay ³cultural minority. di atras siya. baliw talaga. Ayon.´ ³Ako rin. I swear to God that¶s true.´ Hindi naman nagprisinta sa kanila µyung tao na dito sa Maynila magaaral. ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito.´ ang katwiran nila. Kuwow. tapos pilit pinaniwalang dito nito matututunan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo.´ ³Only he is stubborn. MOral Character (Eraser). dalawa kaming mag-gu-goodbye-my-school goodbye. hindi alam ang sinasabi. humigit-kumulang ay nakapagpasiya na sila sa magiging dulo ng istorya. mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa. only my reservations is that«.´ . Pag medyo kinabubuwisitan nilang coteacher ang tinamaan ³Hi-hi-hi-hi´ lang ang sagot nila. Mauuso ang bobo sa eskuwelahan. Mr. Gles-ing. Ganito raw iyon.´ ³How true. Kickout ako dahil sa kagaguhan daw. Mrs.´ ³Pero cultural minority µyan. para pang nang-iinis na lalapitan ka. Miss Spermatozoa. Tambakan ko nga ng research work. yon ay kung hindi sila ang tinatamaan ng mga pinagsasabi ni Minyong. baka manakit pa yan at maraming madamay. para raw mahasa nang gayo¶y mawala ang inferiority complex nito.´ ³Definitely I cannot pass him.´ ³Hindi lang yan. di bagsak. Discipline at iba pa.´ ³I second the motion. quo-rum.´ Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong.´ ³So what is the verdict of the group?´ ³I cannot pass him.´ ³And so?´ ³kailangan babaan natin ang standard sa kanya. Binigyan ng isang pagkakataon.´ ³And he is always absent. saka ngayon. tapos magpapasa tayo ng estudyanteng bo-bo? Hindi pwede. Papasok µyan sa klase ko nang nakainom. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mr. Si Minyong nama¶y sa kabobohan daw. Remember Philippine School for Science and Techonology ito.´ ³I will report the matter to his parents immediately. Nababaliw daw. Bobo ang sabi nila. Mathematician. nang matutong magsalita ang tao. ³Oo nga naman.´ ³Dapat nga.´ ³Excuse me. basta na lang sisipain. minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo¶y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Ipapaamoy sa iyo ang hininga. na-shock silang marinig ang katotohanan. Kinuha-kuha nila sa bundok. ³Have you considered his case lately?´ ³Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?´ ³Mabuti siguro pauwiin na natin sa kanilang tribo. Pag-bull¶s-eye si Minyong.

mga kaiskwela rin namin. ³Good. Do you get me?´ Tumango naman ako. Huwag kang kikibo.´ ³Sus naman ito. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. At prisintado agad µyan pag nakasulubong ka na maraming dala. pasado na µtong dalawa?´ ³Approve. Hayaan mo lang siyang magsalita nang magsalita.´ ³You bet.´ ³Ipapasa ko µyan. Mahirap makipagtalo sa teacher. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro. mauubusan din iyan ng sasabihin. Now alam mo sigurong wala kang pinanghahawakan data. e talaga namang mahirap yang klase mo. ³Jojo. Bakit hindi ka makigaya?´ Huwag mong pansinin. he is not a thoroughbred minority.´ Heto na naman kami sa loob-loob ko. Paminsan-minsan nama¶y ³humane´ sila µika nga. ngiti ka lang basta.´ ³Ano. Nagkasakit kasi.³Oh.´ ³Baka µka mo manunog pa µyan. Tulad halimbawa sa kaso nina Osias at Armando. Smart aleck!´ Yuko na lang ako. ang tao¶y hindi-pulos tiyan tulad nang gusto mong palabasin. ³I called you for two reasons. Saka ako bumulong ng ³I¶m soory. sabi ni Mrs. Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. iyon ay isang halimbawa ng a priori statement. ³Ipasa na natin si Osias. Sit down. Bakit hindi mo gamitin ang power o elite approach? Behaviorlism ang trend ngayon sa west. kasi matagal umabsent. Konting tiis. ³Do you get me?´ Tango pa rin ako.´ ³Thoughtful µyang batang µyan. ³Walang essence ang pinagsasabi mo kangina. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya¶y siya lang ang puwedeng tama. Regarding our lesson and your attitude.´ ³Pero mababa µyan sa Physics. labas sa kaliwa. To be honest with you. Panay speculations lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Kaya lang naman µyan mababa. Moral Character matapos akong kumatok at papasukin sa kanyang cubicle.´ sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Paala ko ulit sa sarili ko.´ Mahirap talaga sa mundo ang walang amang pogi o duktor. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon.´ ³Talaga. Sana¶y natuloy na ang lagnat ko para pwedeng huwag magpakita sa kanya at tuloy maiwasan ang sermon na nag-aabang. Pasok sa kanang tenga. Pasasaan ba¶t.´ ³Ang sweet-sweet ng batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning. which is altogether wrong. ³COME ON IN. Manang-mana sa Tatay niya. Our lesson is more complicated than you thought. how I abhor violence. ngiti lang. which I happen to have. Titigil din µyan pag nagsawa. I don¶t like your attitude in class.´ ³Pogi talaga. At ngayon.´ .´ ³How about Armando? Another cultural minority?´ ³Excuse me. It is only the mother. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon. ang part-II ng kanyang sermon. Doctor pala ang ama n¶yan.´ ³E kung ipa-confine natin sa mental?´ ³At sinong magsu-shoulder ng bill?´ Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon. The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.´ ³Talaga. paalala ko sa aking sarili. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy. ma¶am.

walang himalang mangyayari roon.´ .´ sabi ko. ³Jo. Napaamo niya ang suwail ng eskuwelahan. Isa ka pa. ma¶am. Masama ba yon? Para nagsumpaan lang kami sa harap ng altar ng hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. nabuntis na.Kahit hindi ko siya tingnan. paano naging tao?´ ³Nagtinginan lang . Saka pinabuntunan ng one-for-theroad. ma¶am?´ ³I¶m not yet through. ³Malay mo baka may lahing Mrs. Kung gaano kabilis ang bote ay ganoon din kabilis ang oras. I said. Masama ba yon? Siguro ang masama¶y kung bakit biglang napasyal si Mrs. siguro¶y hindi nila ikatutuwa.´ ³Hayaan mo ang mga hayupak na ya¶t magsasawa din yan. Ano bang masama sa ginawa ko sa chapel.´ Gusto ko na talagang magwala. ³I¶ll let your mother know about this. Nasa lobby ang mga barkada kong alaskador. Sana¶y kasing µhonest¶ din niya ako. Robinson µyon.´ ³Tigil. Ano pa ang magagawa ko. ³Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?´ ³Ano pa. I also dont like you. Glesing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Akala mo¶y hindi nakipag-holding hands noong mga bata. dinugtungan pa niya ang kanyang sermon. ³Ligawan mo kaya si Mrs. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess.´ Ibig sabihi¶y may part-III pa ang usapang ito.´ sagot ko naman. di sana¶y nasabi ko ring. Nakitawa na rin ako kahit nabuburat na ako sa buhay.´ ³Seventeen. ³Speak up. di suntok na lang ulit sa hangin at magbulong ng balang-araw. sa loob-loob ko.´ Sa halip.´ ³Sila kaya. tiyak na halos pumasok ang dila sa ilong sa pagmamando ng kanyang scoop. anong magagawa ko sa chapel? Kahit ka may madyik. tama na ang narinig ko. di wala sana silang alam. Hindi ako sasagot. ³Kung magmu-motel kayo. Sana¶y kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Gusto ko siyang balikan.´ Saka sila nagtawanan. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha. ³Tara na lang sa Cubao.´ Diyos me . ³The feeling is mutual.´ Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Si Mrs. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ni Mrs. Kawawang Tess. µYUNG ISANG ROUND ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit.´ yaya ko sa kanila. Glesing?´ Tarantado. Glesing sa klase namin kangina?´ ³Isa pa µto. Kung mababaliw ako tulad ni Minyong. alaskado na naman ako. Lihim na namang pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa.´ Buwisit na buhay ito. Bago ako nakahakbang. balita nami¶y bida ka na naman. pero natitiyak kong ipagtataka rin nila kung bakit. Moral Character sa kung ano ang hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. ³They saw you in the chapel last night. ³Ano ba talaga ang ginawa ninyo¶t nagpuputok ang butsi ni Mrs. pati pala personal life ko¶y pinakikialam na rin nila ngayon. Glesing. ³Seventeen and already you are« ³Sa ayaw at sa gusto niya. Tumayo ako para umalis.´ sabi ko. ang nasabi lang ay ³Can I go now. ³How young are you Jojo? Speak up. di holding hands. alam kong tatango-tango siya sa tuwa.

Mrs. ang ganda. Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede. Bakit ba ayaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa sa kinagisnan nila. tapos nakasandalyas pa. White polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si kristo). . Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein). braso at mga daliri. Kung sa bagay. ang ibig lang sabihin. isang taon karanasang pinatagal ng dalawampung taon? Ngayon ko lang naisip. Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero. Ang hindi nila maging kamukha ay agad nilang pinapansin. Bukod sa wala silang unit sa English ay wala rin silang diploma sa Education. kahit sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. D. pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko¶y hindi rin. kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. ang greater Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy. behavioralism na ang trend ngayon sa West. Gawing korteng kutsarita ang tuktok. Si Kristo kaya kung mabubuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M. pero sa bikas niya ngayon ay mistulang peacock at X¶mas tree na rin siya. Sa kanilang ³ganda´ at ³ningning´ para kang nakakita ng X¶mas tree sa isang mahal na araw. Ako yata. Glesing. Palagay ko. ang magturo? Para silang hindi naging bata. Moral Character o ni Mrs.´ Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birth place niya. kaya wala nang natira sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise. at Ph. ³Imagine kay lakas ng loob ang bastos naman ng appearance. kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa eskuwelahan. Ay. Maano kung anak siya ng Diyos. original yan. Philiphine School for Science and Technology ito. bakit hindi ka makigaya. Bawal sa school ang mahabang buhok. Maximum tolerable haircut please. mabisyong tao µyan. ganito ang sasabihin nila. English. kaya lang hindi nagsusuklay. Discipline at kanilang mga katribo. Christian Dior. hindi gawang Rustan¶s. Mr. English.A. leeg. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na ³isang kung sino lang. Naiisip ko tuloy kung propriety din µyung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules. baka ma-shock pa ang mga ito.´ Saka kung magsermon dito si Christ. mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo. noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Buti pa sila. saan mo mabili? Siguro ang mahal ano?´ Na sasagutin naman ng kausap ng ³Mura µlang yan. tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis.´ Noon kayang mga estudyante pa sila. Moral Character. Kick-out din siya. hindi na nila maaanino µyon. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako ng hubo sa krus.´ At para talaga mapansin. kailangan humahalimuyak din sila sa bango. kung makasalubong siya roon ni Mrs. Long hair. baka mabuko lang siya ng ³Who is your authority. At saka tatambakan ng brilyante ang tenga. nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay. hindi nag-aahit. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama. yung dalawampung taon sa serbisyo.Saka sila nagtawanan. Para bang nang ipanganak sila¶y alam na nila ang lahat ng bagay. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Baka akala nila¶y biru-biro ang maging estudyante. ang eskuwelahan ng mga magiging scientist balang araw. where is your data. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sobra na µto. Discipline ng ³Comply with school requirements. µYun ang proper sa kanila. Tiyak na pagsasabihan siya Mr. wala naman siyang sense of de-quo-rum. dahil kung sa science siya ipapanganak. Pati nga ang kanyang luha ay ginawang perlas. µYun bang ang tipo ng tela ay mapapansin agad at mapapagsabihang ³Ay. siento isang yarda (walong dolyar na ang katumbas ng piso). Bawal ang lasenggo sa klase. E Si Maximum Gorky. µYun parang painting (pa-surreal). madalang pang maligo? Si Einstein? Henyo µyon. dibdib. kahit paano¶y masaya. talagang nakatataranta. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede. Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. sense of propriety at de-quo-rum. µYun bang parang a-attend sila ng party.´ Ibig sabihin noo¶y ahitan ang batok. Noong gabing nahuli kami ni Tess ni Mrs. Mathematician at Mr.

paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter. idi-jingle ko na lang muna ang sama ko ng loob. pero kung sino ang mas seksi. kaya tiyak na alam na niya ang problema ko. Ayaw kong maging Minyong.µYun kayang conduct nila sa klase noong araw ay panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali.´ ³LABAN.´ Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay. Nakadi-jingle mag-isip. si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi namin pwedeng pagpasiyahan. ³For adults´ lang kasi yon. kasali kami. Nasa Pilipinas lamang pala ang mga living saints. I mean outch!´ ³HI hi hi hi. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito. sasabihing. dapat itong ireport agad sa Santo Papa sa Roma. ³What you¶re holding now is the future of the Fatherland.´ ³Alpha Phi Omega. Bakit nga pala sa sermon on the mount. Ako kaya. Hindi baleng drop-out. issue rin ito ng human rights. you shall be great. Ops. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang aking mga sumbong. ayaw kong maging bato. pero mahirap namang umingles. wala µyung Blessed are the poor students for they shall inherit«. Marami na noong nauna.´ ³if you can reach this high. tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan balang araw. biro mong problemahin nito pati kapalaran ng pilipinas. oh.´ Wanted pen pal. Alin kaya ang mahalaga.´ Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong. kangino puwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng ³Uminom ka na lang ng kape. Ayaw kong maging robot. iba na ang usapan ³Lagyan kaya natin ng thumbtacks µyung upuan ni Mrs.´ Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan. ang kapalaran ng Pilipinas pwedeng isugal. ang kapalarang ng mga sinadistang estudyante. pero pag naalala µyung poise n¶ya. µYung barkada.´ Putang µna n¶yo. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila. English?´ ³Di aaray µyun. Pero sa ngayon. basta tao lang ako. .´Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba. Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya puwedeng maging bida sa mundo? Buti pa sa referendum.´ Ibagsak ang pasismo.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->