P. 1
CENTRALFOCUS I-5

CENTRALFOCUS I-5

|Views: 184|Likes:

More info:

Published by: Peejay Salonga Galang on Jan 31, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

01/31/2012

pdf

text

original

PA-TALK SA’YO

:

Mga pelikulang inaabangan ngayong 2012 PASYALAN DE KABALEN: NOAH’S ARK FUNCTION HALLs TAKAM NA TAKAM: FUNNSIDE

CENTRAL F OCUS
BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

TOMO I BLG. 5 ENERO 11, 2012

 CENTRALFOCUS.IXI.PH +63 45 3046018

P 10.00

D

ahil sa mga kinahinatnan ng trahedya kamakailan lang dulot ng bagyong Sendong sa Mindanao, hinimok si President Aquino ng isang malaking samahan na nagrerepresenta sa mga negosyante, magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor sa Hagonoy, Bulacan at mga karatigbayan sa mga probinsiya ng Bulacan at Pampanga na isagawa na ang matagal nang nakabinbin na pangalawang antas ng Pampanga River Delta Development project upang maiwasan ang muling pagkakaroon ng mga malawakang pagbaha. Ang grupong Sagip Ilog Pampanga na pinangungunahan ng general manager ng Hagonoy

P-NOY HINIKAYAT NA PAGTUUNAN ANG PAMPANGA RIVER PROJECT
Water District (HWD) na si Engineer Celestino Vengco, suportado ng HWD Board of Directors sa pamumuno ni Angel Javier, ay magpapalaganap ng impormasyon na naghihikayat sa pambansang gobyerno na ipasapatupad na ang matagal nang nakabinbin na pangalawang antas ng Pampanga River Development project. Ang proyekto ay importante para maiwasan ang mga mapinsalang baha na naranasan noon sa Hagonoy at Calumpit at iba pang mga karatig-bayan sa Bulacan at Pampanga, lalo na sa Masantol at Macabebe, noong bagyong Pedring at Quiel na tumagal nang ilang linggo.

Marami pa ring residente, tatlong buwan matapos ang pagbaha, lalung-lalo na sa Hagonoy at Calumpit, ang patuloy na lumalaban dahil sa mga pananalasa na idinulot nito hindi lang sa buhay at pangkabuhayan nila, kundi pati na rin sa kanilang seguridad, ayon sa grupo. Hinimok din ng grupo ang pamunuan ni Aquino na kumilos patungkol sa hindi pagtupad sa unang antas ng proyekto para mapalawak ang Pampanga River ng ilang mga namamahala ng mga palaisdaan sa magkabilang bahagi ng ilog na nagdudulot ng makipot na daluyan ng tubig mula sa Angat at Pampanga at sa mga sapa, batis, at iba pa.
-Mariz Hernandez

Still not convinced you should advertise? See the top 7 reasons you should
(Page 12)

NAIS NAMING IPAABOT SA AMING MAMBABASA NA DAHILAN SA MALIIT NA BILANG NG KWALIPIKADONG LAHOK, ANG PATIMPALAK NA “BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA” AY IPAGPAPALIBAN NA LAMANG MUNA NG PAHAYAGAN. NAGPAPASALAMAT KAMI SA MGA NAGPADALA NG KANILANG LAHOK.

2

CENTRALFOCUS
Pampanga, nanguna sa listahan ng mga napinsala ng mga paputok
S
a pagdiriwang ng pagdating ng taong 2012, nanguna ang Pampanga sa listahan ng mga napinsala ng mga paputok. Sa kabila ng pagpapakalat ng Department of Health (DoH) ng kanilang malawakang kampanya patungkol sa ligtas na paraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon, ang Aksyon Paputok Injuries Reduction, sa pamamagitan ng pamimigay ng mga compact disks na naglalaman ng mga tunog ng malalakas na pagsabog, marami pa rin ang mga nasaktan dahil sa pagpapaputok. 291 na katao ang nasaktan dahil sa mga pagsabog dulot ng paputok, kung saan ang Pampanga ay nagtala ng 81 na biktima. Nagtala ang pulisya ng 81 insidente ng mga pinsala dulot ng mga paputok sa Pampanga. Ito ay sinundan ng Bulacan na may 69 na kaso; Tarlac, 49; Nueva Ecija, 44; Bataan, 23; Zambales, 9; Angeles City, 7; Aurora, 3; at Olongapo City, 2. Ayon kay National Police Chief Nicanor Bartolome, isang batas na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok at hindi lamang kumukontrol sa paggawa, pamamahagi, at paggamit nito ang magtatapos sa mga pinsalang ito. Subalit, marami pa ring mga ilegal o ipinagbabawal na mga paputok ang patuloy na ipinagbibili, dahilan para mangyari ang mga ganitong sakuna. Dagdag pa niya, mahirap ipasara nang tuluyan ang mga puwesto na nagbebenta ng mga ilegal na paputok sa kabila ng mga kampanyang pangkalusugan.
-Katrina Anne U. Casuga

Mga alkalde ng Pampanga: Espino para bise gobernador
H
inihimok ng Pampanga Mayors League (PML) si Arayat Mayor Luis Espino na tumakbo bilang bise gobernador ng Pampanga sa darating na halalan sa Mayo 2013. Ayon isang local na pahayagan, ang pagpupulong ng PML ay naganap sa tirahan ni Espino noong Disyembre 28. Karamihan umano sa mga alkaldeng lumahok sa pagpupulong ay naniniwala sa dedikasyon ni Espino sa kaniyang trabaho na nakatutok sa serbisyo publiko. Anila, nagampanan ni Espino ang kaniyang mga trabaho mula sa pagiging kapitan ng barangay hanggang sa ngayon bilang isang alkalde sa loob ng tatlong termino. Para sa mga alkalde na miyembro ng PML, angkop si Espino sa posisyon ng pagkabise gobernador ng Pampanga. Si Espino ay nakapanayam na patungkol sa usaping ito. Ayon sa kaniya, siya ay masaya at puno ng pasasalamat dahil pabor sa kaniya ang kaniyang mga kasamahang alkalde na tumakbo bilang bise gobernador ng Pampanga. Sa ngayon, nais munang ituon ni Espino ang kaniyang pansin sa kaniyang paglilingkod at iba pang programa na kaniyang inihanda para sa kaniyang mga kababayan, at pag-iisipan muna niya ang pagtakbo sa posisyon ng pagka-bise gobernador ng Pampanga. Sa darating na halalan sa Mayo 2013, pinaniniwalaang mayroon pang mga ibang pampublikong opisyal na nagnanais na tumakbo sa posisyon ng pagka-bise gobernador ng Pampanga: Ang Galing Pinoy representative Mikey Arroyo, alkalde ng Mexico sa loob ng tatlong termino na si Mayor Teddy Tumang, at dating senior board member Ferdinand Labung.
-Mary Charlane Payuan

Gov. Lilia Pineda, pinapurihan ang mga namumukod-tanging alumni ng DHVTSU
P
inapurihan ni Pampanga Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda ang mga pinakanamumukod-tanging alumni ng Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU). Ayon kay Nanay Baby, ang mga magagaling na alumni ng DHVTSU ay ipinagmamalaki hindi lamang ng unibersidad, kundi ng buong probinsiya ng Pampanga. Sinabi ni Pineda sa mga pahayag na ipinalabas ng Provincial Information Office (PIO) na pitong kapuri-puring alumni ng DHVTSU, kasama na ang board member ng pangatlong distrito na si Monz Laus, ang nakapagbigay ng tulong upang gawing mas maunlad ang probinsiya. Si Laus ay pinarangalan sa larangan ng Women Empowerment para sa kaniyang mga programa para sa mga kababaihan bilang isang board member at opisyal ng ibatibang cause-oriented groups kagaya ng Quota International Pampanga, Rotary Club of Central Pampanga, at Centro Catolico de Bacolor. Si Monz Laus ang asawa ng yumao nang board member at konsehal na si Pinong Laus. Ang first-term board member ang naging tagapamahala ng provincial board committee sa kalusugan. Ang prioridad na programa ni Pineda ay pagdating sa kalusugan. Tiniyak ni Laus na nakakapaglaan siya ng sapat na oras para sa kaniyang mga anak bukod sa pagtulong niya sa gobernador sa kaniyang pang-araw-araw na tungkulin at sa kaniyang pagsasagawa ng kaniyang pampublikong obligasyon. Aniya, lahat ng mayroon siya ngayon ay nagmula sa kaniyang yumaong asawa na nagturo sa kaniya na maglingkod sa mga tao nang may pagpapakumbaba. Si Myrna Bituin (Betis Craft matriarch) ng Guagua ay kasama rin sa mga pinarangalang alumni ng DHVTSU. Ilan pa sa mga ginawaran ng parangal ay sina Lourdes Javier (Corporate Social Responsibility); Dr. Ernesto T. Nicdao (Leadership Empowerment in Education); Eduardo G. Gatu (Public Service); Alvaro Jimenez (Arts and Culture); Domingo P Nacpil . (Poverty Alleviation and Human Development); Arch. Rene B. Nuqui (Science and Technology); and Engr. Ferdinand P Labung (Science and . Technology). Ang mga pinarangalan ay nangakong tutulong sila sa iba pang mga nagtapos sa unibersidad at sa mga programa sa ilalim ng DHVTSU.
-Mariz Hernandez

Kainan sa Pampanga, kilala sa kanilang mga sinaunang lutuin
Ang mga Kapampangan ay mananatili nang kilala pagdating sa paghahanda ng mga masasarap na pagkain, at ang ilang mga lutuin ay isinasalin mula isang henerasyon papunta sa isa upang mapanatili itong buhay sa paglipas ng taon. Ang pagkakaroon ng magkaparehong pinagmulan sa Pampanga at ng kaalaman sa mga lutuin ng kanilang mga ninuno ang nagbigay-daan para magkapagpatayo sina chefs Sau del Rosario and Jam Melchor ng isang kainan na ginagawang espesyal ang pamilyar. Unang isinaalang-alang ng dalawang pinunong kusinero na ito na nagmula sa Angeles, Pampanga kung ano ang pagkakapareho nila noong nagdesisyon sila na magtayo ng isang kainan. Ayon kay G. Melchor, isa sa mga mayari at ang executive chef ng Villa Café, tradisyon na sa Pampanga na isalin mula sa kanilang mga ninuno papunta sa bawat henerasyon ang kanilang mga lutuin. Ganoon, aniya, ang nakaugalian sa pamilya nila at sa pamilya ni chef Sau. Dito nagmula ang ideya nila sa pagpapatayo ng kainang ito. Dagdag pa niya, ang Villa Café ay tungkol sa mga lutuin na namana nila sa mga pamilya nila ni chef Sau. Sa unang tingin, ang kainan ay mukhang kakaiba. Ito ay may pagkamatandang uso, may tamang sukat upang maging isang karaniwang kainan, ngunit ang bukas na kusina nito ay hindi pangkaraniwang nakikita sa ilang kainan. Maihahalintulad ang disenyo ng kainang ito sa ilang kainang Pranses, ngunit mararamdaman mo pa rin na ikaw ay nasa iyong sariling tahanan – hindi maiilang na pasukin ito ng mga gustong kumain dito. Ang kanilang mga pagkain ay mga lumang lutuin na may pagka-moderno ang dating. Ang presentasyon ng mga pagkain dito ay moderno ang istilo upang masigurado na magugustuhan ito ng mga kabataan. Nais nina G. del Rosario at G. Melchor na maging patok ang kanilang pagkain bagaman may pagka-matandang uso ang pinakadisenyo ng kanilang kainan.
-Katrina Anne U. Casuga

B

Proyekto ng lalawigan, iniulat sa publiko
I
pinahayag ni Gobernador Lilia Pineda ang milyon-milyong halaga ng mga naisagawa at patuloy na isinasagawang proyektong pang-imprastraktura noong ika-3 ng Enero. Base sa mga dokumento na nakuha sa Office of the Provincial Engineer, simula pa noong ika-26 ng Disyembre nitong nakaraang taon, nakapagpatayo at nakapagpaayos na ang administrasyon ni Pineda ng daan-daang silid-aralan at mga istruktura na kumpleto sa mga banyo at water facilities sa 27 paaralan sa buong Pampanga na nagkakahalagang P46, 313, 234.37. Ang perang inilaan para sa pagpapatayo at pagpapaganda ng mga ospital sa distrito ay nagkakahalang P66, 578,675.33. Ang pera ay ginamit din sa pagpapatayo ng Macabebe at Balitucan district hospitals, gayun na rin sa pagpapagawa ng Diosdado Macapagal Hospital Dialysis Center. Namuhunan ang kapitolyo ng halagang P54, 777,770.72 para sa mga kumpletong kontrata para sa iba pang gusali kagaya ng National Bureau of Investigation extension office, Fire Marshall’s Building, pagpapasaayos ng Benigno Aquino Hall, at sa pagpapatayo ng 64 na bunk houses para sa mga biktima ng mudslide noon sa Mt. Arayat, at pagsasaayos ng labing-isa pang panggobyernong mga gusali. Humigit-kumulang P34, 608,065.75 ang napunta din sa pagpapaganda ng apat na pangprobinsiyang kalsada, kasama na dito ang slope protection ng Tulauc–San Simon Road. Ang pagpapasaayos ng San Antonio Bridge at ang pagpapatayo ng Senora Bridge sa Arayat at Porac ay gumastos ng P5, 956,385.89. Dalawang pambarangay na kalsada sa Magalang ang ipinasemento sa halagang P5, 172,331.25. Ayon kay Renato Gutierrez, ang officerin-charge ng Provincial Engineer’s Office, ang ilan pang mga proyekto ay ang RRENIS-PGRIS check gate na kumpleto na ng 70 porsiyento na nagkakahalagang P20,848,391; ang pagpapagawa ng Nabuclod View Deck 1, nagkakahalagang P1,168,005; at ang pagkakaloob ng mga kungkretong upuan at mga dekorasyon sa Arnedo Park na nagkakahalagang P524,509.44. -Mariz Hernandez

ilang pagdiriwang sa pagdating ng taong 2012, isang bayan sa Pampanga ang sumalubong sa taon na puno ng saya at tawanan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang taunang palabas. Ang “poultry capital” ng Gitnang Luzon, ang Minalin, ay ipinagdiwang ang pagdating ng taong 2012 sa pamamagitan ng mga kalalakihan na nagsuot ng mga pambabaeng kasuotan upang magmukhang babae. Tinatawag ng mga mamamayan ng Minalin ang palabas na ito na Aguman Sanduk o Fellowship of the Ladle. Ayon sa isang lokal na mananalaysay, ang tradisyong ito ay nasa ika-80 taon na. Ang bawat barangay na lumahok sa nasabing palabas ay tumanggap ng tig-P10,000 para sa paggawa ng isang

Mga bida ng bagong taon: “Cross-dressers” ng Pampanga

karosa at paghahanda ng mga kasuotan para sa street dancing. Labing-isa sa mga 15 barangay ng Minalin ang lumahok sa nasabing programa. Ang Aguman Sanduk ay sinimulan noong 1932 ng ilang mamamayan ng Minalin na nagnais na salubungin ang Bagong Taon sa ibang paraan. Upang mapatawa ang mga tao, nagsuot sila ng mga daster o damit pambahay ng mga babae at pumarada sa kanilang bayan hawak-hawak ang mga sandok. Tinapos nila ang palabas sa pamamagitan ng pamamahagi ng arroz caldo o nilugaw na manok sa kanilang mga kamag-anak at kapitbahay. Ang Aguman Sanduk ay naging isa ng kaganapan sa bayan na kinupkop at inorganisa ng lokal na gobyerno.
-Katrina Anne U. Casuga

CENTRALFOCUS

3 Survey ng migratory birds, ipinagutos
N
ag-anunsiyo ang lokal at munisipal na gobyerno ng Candaba, Pampanga ng lokal na pagtatala ng lahat ng migratory birds sa Wildlife Reserve Park sa Sitio Dona Simang, Visal, San Pablo noong ika-5 ng Enero. Si Mayor Jerry Pelayo at iba pang opisyal ang nanguna sa nasabing aktibidad kasunod ng mga ulat na malaking bilang ng migratory birds ang dumating at kasalukuyang nananatili sa wetlands ng bayan. Ang mosyon ay bilang paghahanda sa taunang pagtatala na isinasagawa ng Wild Bird Club of the Philippines ( WBCP) sa pangunguna ng pangulo nito na si Mike Lu. Ang lahat ng nakilahok na mga manonood, tagatala, at mamamahayag ay pinakiusapang magtungo sa bird sanctuary sa ganap na alasais ng umaga sa nasabing petsa. Ang Wild Bird Club ay magsasagawa rin ng Asian Water Bird Census sa ika-15 ng Enero. Noong nakaraang taon, humigit-kumulang 8725 na migratory birds ang nakitang pagala-gala sa Candaba wetlands noong 2011 Asian Water Bird Census. Nais ibahagi ng Asian Water Bird Census ang basehan ng pagkalkula ng populasyon ng mga ibong namumuhay sa tubig at matyagan ang mga pagbabago sa bilang ng mga ibong ito at ang kanilang distribusyon sa pamamagitan ng regular at standardized na pagbibilang sa mga wetlands ng bayan. Ito ay bahagi ng global water bird monitoring program ng International Water Bird Census sa pakikipagtulungan ng Wetlands International at ng Protected Areas and Wildlife Bureau.
-Mariz Hernandez

Pansamantalang tulay sa Colgante, ipinagawa
M
atapos ang aksidenteng nagdulot ng pinsala pagdating sa transportasyon sa mga mamamayan ng Macabebe, isang pansamantalang paraan para mabawasan ang perwisyo ang ipinagkaloob sa kanila. Ang magandang balitang ito ay naging posible sa pamamagitan ng pagkukusa ng mga tagapaglingkod ng munisipalidad para sa ikabubuti ng mga tao sa kanilang lugar. Bagama’t hindi pa tapos ang pansamantamang tulay, nagsilbi itong malaking tulong para sa mga tao. Ang tulay ay itinayo tamang-tama lamang sa panahon ng kapaskuhan para sa mga nagnanais na umuwi sa kanilang mga kabahayan para sa pasko. Ngayon, sa halip na maglaan pa ng karagdagang 20 minuto sa pagbibiyahe sa mga panghaliling daan – dike, Danga, at Saplad – ang pansamantalang tulay sa tabi mismo ng nasirang tulay ng Colgante ay nagsilbing paraan para mas bumilis ang pagbibiyahe.
-Mary Charlane Payuan

Mga opisyal ng Pampanga, Pagbuo ng human chain, nagbigay ng P2-M para sa nakaipon ng donasyon para mga biktima ni Sendong sa mga biktima ni Sendong
2
600 na kalahok ang bumuo ng isang “human chain” upang ipakita ang kanilang pakikiramay sa mga taong naapektuhan ng bagyong Sendong sa Mindanao. Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang simpatiya sa mga biktima ng bagyong Sendong sa pamamagitan ng pagsisindi ng mga kandila na nakahugis pusong “human chain” at pagaalay ng panandaliang katahimikan. Matapos ang pagsisindi ng kandila, nagkaroon ng eksibisyon ng mga parol. Kasama si Remollo, pinangunahan nina Gobernador Lilia “Nanay Baby” Pineda, Mayor Edgardo Pamintuan at ang kaniyang asawa na si Herminia, Bise Gobernador Yeng Guiao, Konsehal Edu Pamintuan, at ng mga miyembro ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ang seremonya sa pagsisindi ng mga kandila. Ayon kay Felipe Antonio B. Remollo, presidente at CEO ng Clark Development Corp.’s (CDC), umani ng humigit sa P600, 000 at mga karagdagang tseke mula sa mga kalahok ang nasabing programa. Ang mga kalahok ay ang mga empleyado ng CDC, ilang grupo mula sa Angeles at Mabalacat, at mga miyembro ng Clark Investors and Locators Association. Sinabi din ni Remollo na nauna nang nagbigay ng mga bigas at iba pa na nagkakahalagang P250, 000 ang CDC sa Negros Oriental at Dumaguete City kung saan dati siyang alkalde.
-Katrina Anne U. Casuga

N

agbigay ang mga opisyal ng Pampanga kasama ng ilang manggagawa at sundalo ng halagang P2-M sa mga naging biktima ni Sendong sa Mindanao. Ang bagyong Sendong ay nagdulot ng maraming biktima sa Cagayan de Oro (CDO). Humigit sa 1000 katao ang namatay dahil sa kagimbal-gimbal na kalamidad na ito. Ilang bahagi ng CDO ang nawala ng parang bula dahil sa mga biglaang pagbaha. Nagpakita ng kanilang pakikiramay ang mga taong nakasaksi ng kinahinatnan ng

bagyong Sendong sa CDO sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain, damit, pera, at iba pa, sa mga taong naapektuhan. Sa Pampanga, nagbigay ang mga pampublikong opisyal at 2000 na mga empleyado, na pinangunahan ni Governor Lilia Pineda, ng tulong pinansiyal para sa mga biktima sa CDO. Ang mga kontribusyong ito ay ginamit para sa pagpapagawa ng mga kabaong na ipinadala na sa Mindanao. Ayon kay Pineda, kusangloob ding ibinigay ng 100 hukbong sundalo na nakabase sa

Pampanga ang kanilang pangaraw-araw na panggastos sa mga biktima. Binanggit din ni Pineda na ang pagtulong na isinagawa nila sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Mindanao ay isang paraan ng pag-unawa sa hirap na dinaranas ng ating mga kababayan dahil sa nangyaring kalamidad. Ang bayan ng Pampanga ay nakaranas na rin ng ganitong kalamidad kung saan maraming mabubuting loob mula sa ibat-ibang lugar sa bansa ang tumulong rin sa mga naapektuhan noong mga panahong iyon.
-Katrina Anne U. Casuga

BASF, nagbigay-saya sa mga batang Fernandino
N
agsagawa ng isang programa ang Bankers Association of San Fernando (BASF) upang magbigay-saya sa mga kabataan ng Northville sa San Fernando, Pampanga. Bago magtapos ang taon, pinasaya ng BASF ang 150 na kabataang kalalakihan at kababaihan mula sa Northville 14 sa pamamagitan ng isang handaang puno ng kasiyahan sa multi-purpose hall ng nasabing lugar noong ika-30 ng Disyembre. Ang mga bata ay binigyan ng mga laruan, pagkain, at premyo para sa mga palaro. Ayon kay City Administrator Ferdinand Caylao, ang hakbang na ito ay bahagi ng programa ng BASF pagdating sa kanilang panlipunang responsibilidad. Napagdesisyunan nila na magbigay ng saya at pag-asa sa halip na gumastos para sa mga engrandeng handaang pampasko. Pinasalamatan ng pamahalaan ng San Fernando sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Mayor Oscar Rodriguez ang samahan sa kanilang pamamahagi ng ganitong programa sa mga kabataan ng San Fernando. Idinagdag pa niya na hindi nakakalimutan ng BASF na tumulong sa mga kabataang nabanggit. Ayon sa pangulo ng BASF na si Cris Cura, ang kanilang samahan na binubuo ng 45 miyembro na nagmula sa mga universal, commercial, at development banks ay nagplano na ng programa para sa mga kabataan ng Northville 14. Nangako siya na isasagawa nila muli ang Takbo Para sa Batang Fernandino na nakatuon sa mga kabataan at magaaral ng Northville 14. Una na niyang binanggit na ito ay naging isa na nilang programa, at ang kanilang pagbibigyan ng pansin ay ang Northville 14 kung saan nais nilang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan dito katulad ng mga gamit sa pag-aaral at pangangailangang medikal. Pinasalamatan din nila ang pamahalaan ng siyudad sa pagkakaloob sa kanila ng pagkakataon na makatulong. Naroon din sa programa ang pinuno ng Community Affairs Division na si Donny Sayre, MultiSectoral Governance Council executive Angelo David, ang punong-guro ng Northville 14 Integrated School na si Ariel Garcia, at ilan pang mga opisyal ng BASF.
-Mariz Hernandez

source: Sunstar Pampanga

4
Pampanga pumupuntirya ng P400-million quarry collection
I
ni-anunsiyo ni Gobernador Lilia Pineda noong ika-4 ng Enero na siya ay naglalayon na puntiryahin ang halagang P400-million na quarry collection bilang bahagi ng kaniyang mga prioridad na trabaho para sa taong 2012. Binanggit ni Pineda na nakikita niya ang paglakas ng aktibidad sa konstruksiyon ngayong taon pagdating sa mga proyekto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino, at idiniin niya na mga proyektong imprastrukturang nagkakahalaga ng bilyong piso ang uumpisahan ngayong taon sa Luzon at Central Luzon. Dahil dito, ang Pampanga ay masasabing isa ngayon sa mga potensiyal na pinagkukunan ng mga buhangin para sa mga konstruksiyon. Ang mga timbangan na itinalaga ng probinsiyal na pamahalaan sa ibat-ibang lugar sa probinsiya ay pinaniniwalaang makakabawas sa mga problema pagdating sa overloading ng mga truckers at operators at makakapagbigay ng dagdag na kita sa probinsiya. Ang mga kita sa mga quarry operations sa probinsiya ng Pampanga ay umaabot na sa halagang P355.5 milyon simula nang maupo sa posisyon si Lilia Pineda 18 buwan na ang nakakaraan. Makikita sa mga dokumento mula sa Provincial Environment and Natural Resources Office (Penro) na ang mga koleksiyon mula Enero hanggang ika-26 ng Disyembre noong 2011 ay nagkakahalaga ng P236, 130,000. Ayon din sa mga ulat, nagkaloob din ang probinsiya ng mga walang kabayarang permiso sa iba’t-ibang munisipalidad, na nagbigay daan sa paghahatid ng 10,701 truckloads ng quarry materials. Ang bayad para sa bawat truckload ay P300. Ang mga walang kabayarang permiso, kapag ito ay isinalin, ay magbibigay ng karagdagang kita na P3,257,400. Binanggit ni Pineda na sila ay naglalayon ng karagdagang kita ngayong taon – mga halagang P50 bawat truck sa quarry administrative fee. Ang karagdagang ito ay pagpapatunay ng mga parami at parami pang proyekto at serbisyo para sa mga Kapampangan.
-Mariz Hernandez

CENTRALFOCUS
Tarik Sulayman Ball 2012

Pampanga Colleges, ipagdiriwang ang ika-75 taon
H
andang-handa na ang pinakamatandang institusyong pangakademiko ng Macabebe, ang Pampanga Colleges, sa gaganapin nitong pagdiriwang ng kanilang ika-75 anibersaryo sa ika-20–25 ng Pebrero at ng kanilang pinakaunang high school grand alumni homecoming, na may temang, “Balikdan ing milabas tagumpe na ning ngeni ampo bukas.” Ang pinakaunang grand alumni homecoming ay iminungkahi ni G. Jose Fajardo ng alumni batch ’84, ng tagapamahala ng institusyon na si G. Charlie Isip, ng punong-guro ng institusyon na si Erick Nicodemus, ng dekano, at ng mga opisyal ng PTA bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-75 anibersaryo na gaganapin sa ika-25 ng Pebrero sa ganap na ala-sais ng gabi sa Pampanga Colleges quadrangle. Ang Pampanga Colleges o mas kilala bilang PC ay kinilala bilang pinakaunang institusyong pang-akademiko na nagkaroon ng sekundarya at tersyaryang departamento hindi lamang sa Macabebe, kundi pati na rin sa bayan ng Masantol. Kagaya ng nabanggit, karamihan sa mga asensadong mamamayan mula sa mga bayang ito ay minsan nang naging mga mag-aaral sa Pampanga Colleges. Kaagapay ng alumni homecoming na ito, ang mga aktibidad na inihanda para sa mga kasalukuyang magaaral ay bibigyan ng prioridad, at ito ay mga sumusunod: street dancing, parade of Muses, Motorcade, Junior and Senior Promenade, Mr. and Ms. Pampanga Colleges, at and Foundation Ball 2012. Para sa mga nagnanais makilahok sa natatanging kaganapang ito at para sa mga dagdag na detalye o impormasyon, maaari lamang na tawagan ang mga sumusunod na numero: Pampanga Colleges: (045) 921-1416 921-1421 921-1423
-Mary Charlane Payuan

A

ng Tarik Sulayman Ball para sa taong ito ay gaganapin sa ika-15 ng Enero, 2012 para sa pagbubunsod ng Tarik Sulayman Social Services Foundation ng alkalde ng Macabebe na si Mayor Annette Flores-Balgan. Ang pinaka-layunin ng selebrasyon ay para ipabatid sa mga mamamayan ang nasabing institusyon na tutulong sa mga mag-aaral at iskolar ng munisipalidad. Sa pamamagitan ng pagkukusa ng alkade ng Macabebe, ang Tarik Sulayman ay handa nang mag-umpisa at paniguradung patuloy na susulong para sa kinabukasan ng mga kabataan ng munisipalidad. Ang Tarik Sulayman Ball ay isang selebrasyon na aasahan na ng mga mamamayan sa lugar taontaon. Para sa mas malawak pang kaalaman kung bakit ang institusyon ay ipinangalan kay Tarik Sulayman, narito ang kasaysayan ng bayani. Ang Tarik Sulayman, na binabaybay din na Tarik Soliman, ay ang pangalang ibinigay ng mga manana-

laysay na Kapampangan sa taong nanguna sa puwersa ng Macabebe laban sa puwersa ng mga Español sa pangunguna ni Miguel López de Legazpi noong Labanan ng Bankusay noong ika-3 ng Hunyo, 1571. Ang Labanan ng Bankusay ay naganap dahil tumanggi siya na umanib sa mga Español katulad ng ginawa ni Rajah Lakan Dula at nagdesisyong magsagawa ng pagsugod laban sa mga Español, kung saan tinipon niya ang kaniyang puwersa sa Bankusay Channel. Nakarating kay López de Legazpi ang paparating na pag-atake at ito ay nanguna na sa pag-atake. Natalo ang puwersa ng Macabebe, at si Tarik Sulayman ay nasawi. Ang tagumpay ng mga Español sa Bankusay at ang pakikipagkaibigan ni López de Legazpi kay Rajah Lakan Dula ay nagsilbing daan para maipakilala ang mga sarili at mapatibay ang kanilang pangalan sa lugar at sa mga karatig-bayan.
-Mary Charlane Payuan

Stem cell bill, inaprubahan ng komite
I
pinahayag ni Pampanga Representative Carmelo Lazatin na binigyan na ng permiso ng komite sa agham at teknolohiya ang panukalang batas na magtayo ng isang stem cell center sa bansa. Sa nakaraang preliminaryong eksaminasyon noong ika-6 ng Disyembre, inaprubahan ng komite ang House Bill 5287, “An Act Establishing Stem Cell Center of the Philippines and Strengthening Research on Stem Cell Technology.” Pinangunahan ni Negros Occidental 1st District Representative Julio Ledesma ang komite. Ipinahayag niya na ikukunsidera ang mga suhestiyon mula sa stakeholders na sumali sa pagdinig bago yariin ang batas at ipadala sa plenaryo. Ayon sa pribadong sektor, mas magiging mainam kung ang gobyerno ay makikipag-ugnayan sa mga ospital at iba pang medikal na institusyon na mayroon nang stem cell programs, sa halip na bumuo ng panibagong stem cell center. Iminungkahi rin ng mga stakeholder na ang pondo na gagamitin sa pagtatayo ng bagong stem cell center ay mas mainam na ilaan na lamang sa mga kasalukuyang proyekto. Matapos ipasa sa plenaryo ang batas, isusunod naman ng komite pagdating sa mga batas ang pangalawang pagdinig para dito. Naglalayon si Lazatin na magtayo ng isang stem cell center para tapikin at maipakita ang potensiyal na maaring ibigay ng teknolohiya upang gamutin ang mga nakamamatay na sakit kagaya ng cancer at sakit sa puso. Pangungunahan ng Stem Cell Center of the Philippines ang pananaliksik at pagpapaunlad sa teknolohiya pagdating sa stem cell. Idinagdag pa ni Lazatin na maraming benepisyo ang makukuha sa stem cell para ipagwalang-bahala na lamang ito ng gobyerno. Maraming Pilipino ang nagdurusa dahil sa mga iba’t-ibang sakit na maaring lunasan ng teknolohiyang ito. Sinabi rin niya na ang Estados Unidos ay nag-umpisa na sa kanilang pananaliksik pagdating sa stem cells, na nagbigay-daan para sa iba pang pagunlad pagdating sa agham at medikal na aplikasyon. Idinagdag pa niya na ang Singapore kamakailan lang ay pinagkalooban ng titulong Asia’s stem cell center, kung saan mayroong 40 stem cell na research groups sa bansa.
-Mariz Hernandez

Unang nanalo sa lotto para sa 2012
A
ng pinakaunang nanalo sa lotto para sa taong ito, 2012, ay nagmula sa Pampanga. Napanalunan niya ang premyo na nagkakahalagang P6, 899, 182. Ang nanalo sa nabanggit na laro ay nagmula sa Florida, Pampanga. Ang kaniyang pagkatao ay hindi ipinabatid sa publiko para sa kaniyang seguridad. Siya ay nanalo sa Mega Lotto 6/45 noong nakaraang Miyerkules ng halagang P6, 899, 182 noong ika-4 ng Enero. Ayon kay Jose Ferdinand M. Rojas II, ang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalong number combination ay 19-12-22-34-30-11. Base sa isang inisyal na ulat ng PCSO, ang kabuuang kita sa lotto games noong nakaraang taon ay umabot sa P26.39 bilyon. Kaugnay sa nasabing ulat, bumisita ang PCSO Chairperson na si Margarita P Juico at iba pang opisyal ng . ahensiya sa mga bayan ng Cagayan de Oro at Iligan noong ika-28 ng Disyembre at nagbigay ng milyong pisong tulong pinansiyal sa mga naging biktima ng bagyong Sendong. Tiniyak ni Juico na ang PCSO ay patuloy na magmamatyag sa situwasyon sa Negros at iba pang lugar na naapektuhan ng bagyo at ang ahensiya ay laging handang magbigay pa ng karagdagang tulong. Bukod sa relief goods, na may kasamang mga gamot, nangako rin ang PCSO na sasagutin nila ang mga bayarin ng mga pasyente na ngangailangang gamutin dahil sa naging epekto ng bagyong Sendong.
-Katrina Anne U. Casuga

Manunulang Kapampangan, pararangalan
P
ararangalan si Delfin Turla Quiboloy, isang bantog na manunulang Kapampangan mula sa Lubao na namatay noong 1991, ng Center of Kapampangan Studies sa ika-14 ng Enero. Ang pamilya at mga kaibigan ng yumaong manunula ay sasamahan ng mga opisyal ng CKS at iba pang lokal na manunula sa seremonya. Si Quiboloy ay ipinanganak noong 1911 sa Sta. Catalina, Lubao. Siya ay isang guro na naging isang malikhaing manunula at manunulat ng dula mula 1960s hanggang 1980s. Siya, kasama ng iba pang manunula, ang nagtayo sa Aguman Ding Talasulat Kapampangan noong 1964. Noong taong 1969, pinarangalan siya ng United Poet Laureates International sa pangunguna ni Amado Yuzon para sa kaniyang kontribusyon sa mundo ng mga tula at sa literaturang Kapampangan. Si Quiboloy ay inihalal na presidente ng Aguman noong 1977. Ipinakilala niya ang taunang Don Gonzalo Puyat Memorial Awards para sa literaturang Pampanga, sa pakikipagtulungan ng Senate President noon na si Gil J. Puyat sa mga sumunod na taon.

Ang kaniyang tula na pinamagatang “Indung Kapampangan” ay nagwagi ng unang parangal sa paligsahan sa pagsulat ng tula noong 1981 na ginanap noong pagdiriwang ng Pampanga Day. Inilathala niya ang aklat na “Kuriro at Kawatasan” kasama ang isa pang tanyag na manunula na si Jose Gallardo. Sumulat si Quiboloy ng higit sa 100 tula, nobela, at zarzuela bago siya namatay noong 1999. Si Quiboloy ay kasabayan ni Diosdado Macapagal at Rogelio de la Rosa na mga manunula at zarzuelista rin bago sila naging mga pulitiko. Ang parangal na ipinagkaloob ay sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Holy Angel University at ng pamilya ni Quiboloy sa pangunguna ng kaniyang anak na si Dante, na naninirahan sa Estados Unidos.
-Mariz Hernandez

Aboitiz, nakapagsara ng isang power supply deal
N
akipagsara ang Aboitiz Power Corporation ng isang pagmatagalang power supply deal sa Melters Steel Corporation. Tiniyak ng Melters Steel Corporation, na may planta sa San Simon, Pampanga, ang 40 megawatts na supply mula sa negosyo ng Aboitiz na Therma Luzon, Inc. Ipinahayag ng Aboitiz Power Corporation na ang kumpanya, sa pamamagitan ng pag-aari nitong Therma Luzon, Inc. at MSC, ay pumirma ng isang kasunduan pagdating sa power supply na magtatagal ng 20 taon. Ang presyo na itatalaga kagaya sa kahit anumang kasunduan ay dadaan sa isang proseso bago ito aprubahan. Sa industriya ng elektrisidad, ang paghahanap at pakikipagnegosasyon sa mga mamimili ng kanilang nililikhang elektrisidad ay itinalaga na bilang isang responsibilidad ng mga power generator na tinatawag na “merchant market scenario.” Ayon kay Luiz Miguez Aboitiz, ang bise presidente ng Aboitiz Power pagdating sa trading at marketing, ang kasunduan na ito sa Melters Steel ay magbibigay sa kanila ng mapagkakatiwalaang enerhiya na magpapagana at magpapalago ng kanilang negosyo. Ipinahayag ng general manager ng Melters Steel na si Ricardo Lim na ang pangmatagalang kasunduan na ito ay magbibigay sa kanila ng bentahe para magkaroon ng mas magandang katayuan para makipagsabayan sa industriya ng paggawa ng bakal. Sa umpisa ng kumpetisyon, hindi lamang ang lumilikha ng elektrisidad ang kailangang magsumikap para makanahap ng market. Mahalaga rin sa parte ng mga consumers na mag-ingat na piliin ang mag-su-supply ng elektrisidad sa kanila upang maging mas matagumpay ang pagpapatakbo nila ng kanilang mga negosyo. Ang pagkakaroon ng mga ganitong uri ng kasunduan ay hindi lamang makakapagbigay sa mga consumers ng kasiguraduhan ng pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang supply ng elektrisidad, kundi pati na rin ng bentahe pagdating sa pakikipagnegosasyon sa presyo na masasabi nilang mas makatwiran kung gagawing basehan ang pinagkukunan mismo ng supply.
-Mariz Hernandez

Bagong taon: Bagong pagkakataon. Bagong panimula para umahon

CENTRALFOCUS

5

Mga Piling Balita
Tamang Perspektibo tungo sa Pag-unlad
H
indi natin maipagkakaila na napakaraming nangyari nitong nakaraang taon ng 2011. Sa nakaraang isyu ng aming pahayagan, binanggit namin ang mga natural na kalamidad na dumaan sa Pilipinas at maging sa buong mundo -- ang mga bagyong nanalanta sa Gitnang Luzon, ang lindol sa bansang Japan, at kamakalian lamang, ang bagyong Sendong sa katimugang Pilipinas, partikular na sa Cagayan de Oro at sa Iligan. Pagpasok ng 2012, ilan sa mga unang balita na natanggap natin ay ang pagguho ng mga minahan sa Compostela Valley. Andiyan din ang napipintong Impeachment proceedings sa Senado hinggil sa mga anomalyang ibinabato kay Chief Justice Renato Corona. At bagama’t maaring matagal-tagal pa ito, maraming nagtatanong kung kaya bang suportahan ng Pilipinas ang populasyon natin kapag umabot na tayo sa 100 milyong Pilipino. Nakalulungkot isipin na nagsisimula pa lamang ang taon ay puro ganito na ang mga balitang dumarating sa atin. Subalit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Marami din namang inaasahan na mga pagbabago ang taong 2012 na sana ay magiging mitsa ng mas pangmatagalan na pag-unlad at kasiyahan sa bawat isa. Sa pang-lalawigang antas pa lamang, kitang-kita ang mga pagbabagong nais na ipaabot ng butihing Gobernador Lilia “Baby” Pineda. Sa pananaliksik ni G. Calvan (na inilathala din sa isyung ito), pinakita niya na naglaan ng 100 milyong piso para sa mga proyektong pang-agrikultura at pampangisdaan – ang nangungunang industriya sa Gitnang Luzon, partikular na rin sa lalawigan ng Pampanga. Nakakatutuwa din namang isipin na bagama’t bigo ang aming pahayagan na ipagpatuloy ang aming patimpalak na Bagong Taon, Bagong Pag-asa (dahilan sa maliit na bilang ng kwalipikadong lahok), nakakita naman kami ng mga lahok na nagpapakita ng magandang perspektibo para sa bagong taon. Malinaw na maging sa indibidwal na antas ay may pag-asa silang natatanaw sa taong 2012. Nawa ang pag-asang ito ay mai-translate nila sa isang positibong pananaw at epektibong aksyon para na din sa ikauunlad ng ating bayan… ng ating buhay. *** Nais ko pong humingi ng paumanhin sa hindi pagtuloy ng aming patimpalak sa pagsulat at pagkuha ng larawan. Naabisuhan na po namin ang mga nagpadala ng lahok (ang ilan sa kanila ay isinama namin sa isyu na ito bilang kontribusyon) tungkol sa bagay na ito. Nagkaroon po ng pagkukulang ang aming tanggapan sa aspetong marketing at promotion dahil na din sa maikling panahon na aming inilaan sa pagsisimula ng patimpalak at sa deadline ng pagpapadala ng mga lahok. Sa mga susunod na pagkakataon na magkakaroon kami ng mga katulad nito na patimpalak, sisiguraduhin naming klaro ang mga tuntunin na aming ibibigay upang hind imaging hadlang ang mga ito para maging mas masaya at makabuluhan ang aming mga inihahatid sa inyo maging ito man ay balita o mga aktibidad o patimpalak. Maraming salamat po sa patuloy na pagsuporta sa aming pahayagan.

National News
Mga kapanig ni GMA ipapahayag ang mga balakin sa susunod na linggo
Habang abala ang Senado sa pagsasagawa ng pulong patungkol sa paglilitis, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay magkakaroon ng kanilang sariling pagpupulong sa pagbubukas ng Kongreso sa Lunes. Ang pagpupulong na ito ay patungkol sa pagpapahayag ng mga balakin ng mga kapanig ni dating Pangulo at ngayon ay Rep. Gloria MacapagalArroyo, para sa pamumuno ng minorya.

naputukan at natamaan ng ligaw na bala kahit na inumpisahan ng DOH noong December 2011 ang kanyang kampanya na “Aksyon: Injury Paputok Reduction.”

Makakakuha na ng permanenteng sahod ang mga bus drivers
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), itatalaga na sa mga kumpanya ng mga bus sa buong bansa, ang pagbibigay ng permanenteng sahod para sa kanilang drivers na mataas sa minimum wage. Nais ng LTFRB na gawin ang ganitong pamamaraan simula sa January 15 at dumedepende ito sa maibibigay ng mga kumpanya ng bus sa kanilang drivers ngunit dapat mataas ito sa minimum wage. Local news News Local

Kakulangan ng mga proyektong pangkabuhayan, resulta ng illegal na pagmimina
Ang mga napapabalitang mga pagguho ng lupa sa mga minahan sa Compostela Valley ay maaaring maiwasan kung makakahanap lamang ang gobyerno ng ibang paraan upang mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga apektadong komunidad.

Terminal sa Clark airport, magkakahalaga ng P12-B
Clark Freeport—Ayon kay Victor Jose Luciano, president ng Clark International Airport Corporation (CIAC), isinusulong ng kanilang pamahalaan ang pagpapatayo ng terminal sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) na kayang pamalagian ng 10 milyong pasahero kada-taon. Magkakahalaga ng P12 bilyon ang pagpapatayo ng terminal at matatapos ito sa loob ng tatlong taon.

Pangisdaan sa Pampanga Pauunlarin at pangangalagaan
Dennis F. Calvan

SALN ni Corona: P15M noong 1992, P14-M naman noong 2002
Si Punong Hukom Renato Corona ay nagkakamit ng P14.9 milyon noong 1992 nang sumanib siya sa administrayong Ramos at noong 2002 naman sa paglinisan niya sa sangay ehekutibo sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nagkakamit naman siya ng mababa sa P1 milyon.

M

aganda ang salubong ng bagong taon ng 2012 lalo na sa mga mangingisda sa lalawigan ng Pampanga. Noong nakaraang taon, malaking atensyon ang ibinigay ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan na si Lilia Pineda sa usaping ikinakaharap ng sektor ng pangisdaan. Dahil sa nakitang mga pagkamatay na mga isda sa ilang palaisdaan sa bayan ng Masantol, pinakiusapan ng gobernador si Bokal Nestor Tolentino ng ikaapat na distrito ng Pampanga na imbestigahan ang mga ito. Si Bokal Tolentino ang kasalukuyang tagapangulo ng Komite ng Kalikasan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga. Natukoy naman na ang mga maling paraan ng pangingisda katulad ng ‘sudsud’ at ‘bukatot’ ang nagdudulot ng pagkamatay ng mga isda. Malaki ang tiwala ng lokal na pamahalaan sa pangisdaan bilang tagataguyod ng ekonomiya kaya nga ngayong 2012, pangunahin sa mga programa ng lalawigan ang agrikultura at pangisdaan. Sa katunayan, 100 milyong piso ang inilaang pondo ng pamahalaang panlalawigan para sa agrikultura at pangisdaan ngayong 2012 para tugunan ang hamon ng iligal na pangingisda. Kasama rin sa programa ang pagtatayo ng mga cold storage at processing facilities na kung saan higit sa 4,000 mangingisda ang direktang makikinabang dito. Balak na itayo ang mga makabagong gusali na ito sa Barangay Sindalan sa Lungsod ng San Fernando. Kung matatandan, ang mga gusaling ito ang itinukoy na pangunahing

pangangailangan ng mga mangingisda noong idinaos ang Unang Kongreso ng Integrated Service for the Development of Aquaculture (ISDA) noong nakaraang taon. Nais din ng gobernador na pagtibayin ang proseso ng pagrerehistro ng mga mangingisda upang malaman ng lokal na pamahalaan kung paano matutulungan ang mga ito. Patunay ang mga ito na seryoso ang kasalukuyang namamahala upang paunlarin ang pangisdaan sa Pampanga. Bibihirang makitaan sa isang lokal na pamahalaan na nagtataguyod ng magandang programa para sa pangisdaan. Kalimitan kasi na malaki ang iginugugol na atensyon sa agrikulutra katulad ng pagsasaka at napapabayaan ang mga mangingisda sa mga programang pangkaunlaran. Ayon sa talaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mayroong 12 Fishpond Lease Agreements o tinatayang 760 ektarya ng palaisdaan ang matatagpuan sa lalawigan ng Pampanga. Marami sa mga pangisdaang ito ang makikita sa bayan ng Sasmuan. Hindi pa kasama dito ang bilang ng mga pribadong palaisdaan na may humigit kumulang na 6,000 ektarya. Batay din sa ilang mga talaan, tinatayang 96,000 tonelada ng tilapia ang nanggagaling sa lalawigan. Kaya nga tinaguriang Tilapia Capital ang Pampanga dahil sa malaking ambag ng produksyon ng tilapia sa bansa. Kaya nga nitong bagong taon, isang angkop na pagbati sa buong lalawigan ng Pampanga, Isang Masaganang Pangisdaan sa inyong Lahat!

Mga ibon galing sa Canada at Australia, namamalagi sa kalupaan ng Candaba
CANDABA—Ang mga bumibisitang ibon na galing sa ibang bansa, gaya ng Canada, Australia, at ilang bansa sa Asia ay nasipatan sa Wildlife Reserve Park sa Candaba nitong nakaraang Miyerkules at patuloy pang dumadayo dito.

Mga testigo sa paglilitis kay Corona, naghahanda na
Ang mga 20 testigo sa paglilitis kay Kataas-taasang Hukuman Punong Hukom Renato Corona ay sinasala at inihahanda na ng prosecution panel. Ang paglilitis ay inaasahang matuloy ngayong buwan.

Paparusahan ng CENRO ang mga lalabag sa solid waste law
Angeles City—Mayroong 17 na naitalang lumabag sa lokal na batas at sa Republic Act 9003 o mas kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000. Ang mga naitalang lumabag ay nabigyan ng karapat na kaparusahan ng mga task force personnel ng City Environmental and Natural Resources Office (CENRO).

Pagtatanggal ng takip sa mga baril ng mga pulis, ipinagutos ng NCRPO
Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Alan Purisima na tanggalin na ang mga nakatakip na teyp sa mga armas ng mga pulis. Isinasagawa ang pagtatakip sa dulo ng baril ng mga kapulisan tuwing sasapit ang Bagong Taon, upang maiwasan ang paggamit ng mga ito sa kanilang pagdiriwang.

* Si Ginoong Dennis F. Calvan ay kasalukuyang Executive Director ng NGOs for Fisheries Reform, Inc. (NFR). Ang NFR ay isang koalisyon ng 12 non-government organizations sa Pilipinas na sumusulong ng magandang polisiya na makikinabang ang mga munisipal na mangingisda.

Punong Patnugot Paul H. Pineda Manunulat Mary Charlane M. Payuan Katrina Anne U. Casuga Mariz D. Hernandez Porshia H. Pineda Taga-disenyo Peejay S. Galang Tagapangasiwa sa Sirkulasyon Zenaida H. Pineda

CENTRAL FOCUS NATIN BAYAN NATIN, PAHAYAGAN,
Ang Central Focus ay inilalathala ng IXI Software Solutions tuwing ikalawa at ikaapat na Miyerkules ng buwan.
Matatagpuan ang tanggapan ng Central Focus at IXI sa Sampaloc, Apalit, Pampanga. Telepono: +63 45 3046018 URL: http://centralfocus.ixi.ph

Vice mayor ng Minalin, pinasaya ang kanyang mga kababayan
Minalin—Isang malaking surpresa para sa mga taong naninirahan sa Minalin sa pagsapit ng Bagong Taon nang mag-ahit ng bigote ang kanilang vice mayor na si Vice Mayor Edgardo Yambao at magsuot ng itim na bistida na parang isang beauty queen. Dahilan na din ito sa taunang pagdiriwang nila ng kanilang Sanduk Festival.

DOH: Anti-firecracker campaign para sa buong taon
Kinakampanyan ng Department of Health (DOH) ang pagbabawal sa pagamit ng paputok buong taon. Ito ay dahil sa naging resulta ng mga naputukan kamakailan. Mayroong total na 1,021 na mga biktima na

6

CENTRALFOCUS

Like how these seedlings had managed to sprout in between the rocks, we can manage to start anew amidst all the obstacles on our way as a new year full of hope awaits us.
Janis Marniex M. Yambao Sta. Cruz Macabebe, Pampanga

Isang pagmumuni-muni: Pagbangon, Pagbabago, Pagtutulungan, Pag-asang naghihintay, at Pagharap sa hamon ng Bagong Taon
Rojett Canaria Saraza

“Anumang lakas ng alon sa buhay, sa huli ito’y mapapawi ng haplos at yakap ng damdaming puno ng pagmamahalan at pagdadamayan.” Walang sinuman mula nang ipanganak at nabuhay sa mundo ang hindi nakaranas ng pagsubok o dagok sa buhay, anuman ang maging estado sa buhay, depende na lamang sa kalagayan o sitwasyon nito. Kung minsan, aakalain natin na ang mundo ay isang mabangis na lungsod na kung saan, makakasalamuha natin ang mga kaguluhan at trahedya na ating nasusubaybayan sa ating mga ginagawa. Kapag hindi ka lumaban at nakipagsapalaran, tiyak mauubusan ka ng lakas at maaagawan ng pagkakataon na kung ano ang meron ka. Ngunit bakit ba natin kinakailangang lumaban? Para lamang ba maibsan ang mga suliranin na ating kinakaharap? Napakahirap sabihin at magkunwari lalo na sa ating sarili kapag nahaharap na tayo sa mga pagkakataong nagigipit at kung minsan ay nalulugmok na sa kahirapan. Dahil ang buhay nga naman ay weather, weather lang, pabagu-bago anumang oras. Mayroon din namang mga pagkakataong gusto na nating sumuko sa pagsubok na tila napakabigat at mahirap lutasin kaya nahahantong sa walang saysay na kasawian, tama nga naman, ang pagsisisi ay laging nasa huli, mapapa-isip na lang tayo, sana ibalik na lang ang kahapon para nagawa at napahalagahan ang mga bagay na nakaligtaan. Hindi na nga talaga maiiwasan ang mapagsamantalang pagkakataon sa ating paligid. Talagang ganito na ang mundo, kailangang balansehin. Sa isyung panlipunan, mapa-kabataan, sa kapaligiran, sa pamahalaan, sa komunidad at maging ang bansa, maraming kailangan asika-

suhin at pagtuunan ng pansin para makumpuni ang mga sirang materyales at maisaayos ang mga ito. Sa panahon ng pagbabago at modernisasyon ng mundo, nasaan na ba ang tunay na diwa ni Gat. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Pag-asa pa nga ba ng bayan sa ngayon? Na tila kung minsan ay naliligaw ng landas. Ako man ay kabilang din sa kabataan. Nararanasan ko ang mga sitwasyong gusto kong magrebelde at tumayo sa aking mga paa sapagkat kung minsan ay gusto kong may mapatunayan sa iba. Sino nga bang kabataan ang hindi nakararanas at napagdaraanan ang ganito. Sa realidad ng buhay, aminin man o hindi, iba na talaga ang kabataan ngayon. Kung minsan, gustong masunod ang layaw. Kung noon, ang mga kabataan ay sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ng magulang at napaka-laki ang paggalang nito, sa ngayon, mangilan-ngilan na lang ang nakagagawa nito. Sa murang edad pa lang, natututo nang manigarilyo dahil maaaring impluwensiya ng barkada o kaya nagagawang mag-cutting sa klase dahil gusto lang namang gumimik. Kung minsan sasabihin pa kay inay at itay na may babayaran sa paaralan, ngunit hindi pala, ipinangbubulakbol lang sa walang kwentang bagay. Siyempre, kasama na rin dito ang pagkakaroon ng kaibigan, kaibigan nga ba o kaIBIGAN (Love). Itong si Angelito, manliligaw kay Nene sa text lang, tapos sasagutin agad ni Nene si Angelito, wala ng paliguy-ligoy pa, basta sila na! kakakilig noh?! Sobrang Cheezzy.. Blowout, blowout… Pa-burger naman… Matapos ang ilang araw na kanilang pagsasama at pagiging mag-on, ayun dahil sa kanilang pag-eek-

sperimento sa kanilang pag-iibigan, nabuntis ni Angelito si Nene. Iyan tuloy, sakit ng ulo ang ibibigay kay inay at itay. Siyempre, teenager pa lang sila Angelito at Nene, aasa sila sa kanilang mga magulang sa pangtustos sa lahat ng pangangailangan ng kanilang anak. Ganito na ba talaga kalupit ang tadhana? Bakit nagkakaganito? Ang dating malagong puno, ba’t tila ngayo’y nalalanta ang sanga at unti-unting nanlalagas ang mga dahon? Ang dahong nagsisilbing diwa ng kabataan sa paglipas ng mga panahon. Gumising ka kabataan! Pagmasdan mo ang iyong hitsura sa agos ng batis, di ba’t unti-unting narurumihan ang iyong paghihitsura. Huwag hayaang lumala at dapuan ng sakit, huwag maging “SAKIT NG LIPUNAN.” Kabataan, kabataan, kumilos na. May pag-asa pang naghihintay sa paghakbang sa daang tatahakin. Bumangon sa pagkadarapa, kunin ang susi upang mabuksan ang daang inaasam. Sa paanong paraan? Simple lang, simulan sa sarili, ayusin at ibalik ang dating diwa, at gawin ang lahat ng responsibilidad na nakatadhana. Umayon sa edad nang tama at walang pagkukunwari. Mahaling lubusan at ibalik ang tunay na paggalang sa magulang sapagkat sila ang ating nagiging gabay sa lahat ng pagkakataon. At higit sa lahat, ang panginoong Diyos na ating pinaniniwalaang tunay. Ito ang magiging sandata sa mga susunod na taon. Bakit ba hindi mawala ang pagdurusa ng ating bansa? Ako man ay walang kaalaman at walang karapatang humusga sa nangyayari sa ating lipunan, ngunit sa araw-araw na nakaririnig at nakakakita ako ng mga katiwalian at kasawian sa ating kapaligiran, hindi ko maiwasang sisihin ang mga taong may kagagawan

nito. Paulit-ulit na ring nasasambit ang “korapsyon at kahirapan” sa ating bansa. Nakakasawa na, bakit ba kailangan nilang gawin ito? Para lamang ba makataas sa iba? Maging ang lupit ng kalikasan, hindi natin matatakasan. Nito lang Disyembre ika-16 hanggang 17 taong 2011 sa pagitan ng mga araw ng Biyernes at Sabado, nanalakay ang matinding hagupit ng bagyong Sendong sa ating bansa, at ang matinding natamaan nito ay ang lugar ng Cagayan De Oro sa Mindanao at ilang bahagi ng Iligan City. Maraming nasawi at nawalan ng kabuhayan. Tila isang malaking trahedya ang naganap sa sobrang pinsala na dinatnan sa kanilang lugar. Nakapanghihina at sobrang awa ang naramdaman ko sa ating mga kababayang naapektuhan nito. Sasalubungin nila ang Paskong may kalungkutan. Tama nga ang sabi, sa oras ng kagipitan, tayo pa rin ang magtutulungan at magdadamayan. May pag-asa pang naghihintay, unti-unti ring maghihilom ang mga sugat. Sa tulong ng ating mga kapamilya, kapuso, at kapatid, andiyan sila para damayan at walang sawang nagbibigay pag-asa. Ang pamahalaan na nag-aabot rin ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Sabayan pa ng lakas ng panalangin sa panginoong Diyos, ang dalangin na maibsan ang kalungkutan at manumbalik ang sigla sa ating mga kababayan. Magkapit bisig, lalong higpitan. Sana’y maibsan na rin ang kahirapan ng ating bansa sa pagkakaroon natin ng dakilang pagkakaisa at higit sa lahat, pangibabawan ng lubos na pag-ibig at pagtutulungan sa kapwa. Ibalik ang pagmamahal sa Inang kalikasan. Pagasang nag-aabang sa bagong simula ng taon.

CENTRALFOCUS BLANKO
I
sa ako sa mga kilalang estudyante ng mga guro ko simula pagkabata. Karaniwan na kasi sa mga tulad kong angat ang pagiging natural na tumatak sa kanilang class records. Hindi ko naman masisisi ang tahimik nilang buhay-pagtuturo kung umiyak mag-isa ang kaeskwela ko dahil sa sinabi kong ang pangit niya. Ayaw daw kasi ng matatanda sa mga batang sinungaling kaya sinampolan ko siya. Pangit kasi ang dila niya, nakapagtataka lang at iniyakan niya ang katotohanang sumalpok sa kanyang mukha. Nagkataon naman, pareho pala kaming nasa hanay ng mga sasabitan ng medalya sa mga mag-aaral ng ikalawang baitang. Panay pa nga ang ismid ng nanay niya samin ng mama ko habang papanhik na kami ng entablado. Hindi niya tuloy napansin ang halamang sumalpok sa mukha niya. Naisip ko tuloy, bakit ba ang hilig nilang mag-nanay na saluhin lahat ng bagay sa pamamagitan ng mukha? Tumuntong na ang pagtatapos ko sa mataas na paaralan sa bayan namin. Katulad ng maraming taong lumipas, kilala din ng mga guro ko ang natural na pag-uugali at pangalan ko. Marami sa kanila ang hindi aliw sa gilas kong taglay. At dahil marami sila, nakahinga ako nang malalim nang tinawag na ang pangalan ko para abutin sa harapan ang simbolo ng pagtatapos namin ni mama. Hindi naman kasi biro ang apat na taong pakikibaka laban sa mga alagad ni Sining PangEdukasyon. Lalo’t paborito akong literal na gisahin kapag katirikan ng araw at laganap ang malamig na pawis sa mga damuhong nakayukyok sa pag-usbong ng panibagong tawanan pagtunog ng bell. Ngayong apat na taon na ang binuno ko sa kolehiyo, kilala pa rin naman ako ng mga guro ko hanggang sa pagtatapos naming magkakaklase. Malungkot lang kasi kahit na may mga kaeskwela ako at kaibigang pinaglalaanan ng natural kong ugali, hindi ko pisikal na kasamang pumanhik sa entablado si mama para sa pagtatapos na pinapangarap niya para sa’kin. Inisip ko tuloy kung paanong hakbang ang sunod ngayong wala naman nang gagabay sa mga paa ko. Kahit naman kasi anong linga ang gawin ko, nanay ng mga kaibigan at kaklase ko ang nandoon at hindi si mama. Blangko ako kung saang parte ng activity centre ako tutungo. Umpisa ng bawat hakbang ng mga paa ang nag-iisip na utak patungo sa direksyong patutunguhan. Natural ang paglakad ng bawat isa. Kaakibat nito ang pagtakbo sa nagmamadaling panahon at nag-iisip na pagkukusa nina Adan at Eba. Palagian kasi ang pagtakbo kaya mabilis tayong mapagod at mahapo. Sa huli, hihinto man tayo pero magpapatuloy sa paglakad at paghakbang. Dahan-dahan at untiunti na tayong mas makakalakad sapagkat mas panghihinayangan na nating mapagod sa isang bagay na pinagbuhusan natin ng pagsasawalang-halaga kaysa sa mga bagay na hindi natin pinagbuhusan ng panahon, pawis, at buong puso nating taglay.

7 Hakbang
“2004–2011: Pitong taon na tanging kakaibang pakiramdam ang namayani sa puso at kamalayan ko. Pitong taon na ang Siyam na Gabi ng pag-ibig ang tinukoy. Pitong taon na kasagutan mula sa isang katha ang siyang bibigyang kaliwanagan. Pitong taon ko na maligaya, na ngayon ay dapat nang bigyang laya.” Sa batang edad pa lamang, minulat na ako ng mga magulang ko sa paniniwalang ang lahat ay nagmula sa Panginoon – paniniwala na sa bawat gawain ko ay isinasaalangalang ko. Isa rin kase ako sa mga bata noon na kadalasan ay makikita mo sa simbahan tuwing araw ng Linggo upang magpasalamat sa biyayang nakamtan. Kaugalian na naging dahilan ng isang pangyayari sa buhay ko. Liban sa kaugaliang iyon, sa batang edad ko rin ay naniniwala na ako sa true love, happy ending (pero hindi sa fairy tale), at sa soulmate. Sino ba naman kase ang hindi maagang mamumulat sa ganoong sitwasyon, e lumaki ako na hindi mga kapitbahay na kasing edad ko ang kalaro ko, kundi ang mga nakatatandang pinsan ko na madalas kong kakwentuhan dahil sa panahong iyon ay nasa estado na ng kani-kanilang buhay pag-ibig. Kaya kahit bata pa lamang, marami na rin akong alam tungkol sa buhay pag-ibig na maaring hindi naman normal sa mga kasabayan ko. Masaya naman ako sa ganoong buhay ko noon. Normal na sa akin ang pakikipagkwentuhan sa mga pinsan, kaklase, at piling kaibigan. Isa rin ako sa mga estudyante na kinagigiliwan ng mga guro dahil isa ako sa mga napakahilig mag-aral at madalas na aktibo sa diskusyon at lectures. Mag-aral, makipagkwnetuhan sandali sa mga pinsan, ganito ang pang araw-araw na gawain ko. Stereotypical kumbaga, pero ayos lamang naman para sa akin ‘yun. December 15, 2004, unang gabi ng simbang gabi na bahagi ng paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Wala namang kakaiba rito para sa akin, dahil simula pagkabata ay nakasanayan ko nang magsimba tuwing simbang gabi. Habang hinihintay ko na magsimula ang Banal na Misa, isang tao ang siyang pumukaw sa aking pansin. “Isang lalaking hindi ganon kakisig ang nakaupo sa may likuran na siyang panay ang titig sa akin, isang lalaking noon ko pa lamang nakita. Dumaan ang ilang gabi na patuloy na ganoon ang aming pagkikita, ngitian, ng hindi namin alam ni pangalan ng isa’t-isa. Aaminin ko, liban sa pag-aabang sa pagdating ni Hesus, isa siya sa dahilan noon kung bakit puno ako ng pananabik tuwing magsisimba. Siya na yata ang soulmate ko. Soulmate dahil sinabi ko noon na kapag may lalaki akong makapalagayan ng loob sa simbahan ng hindi ko kilala, siya ang soulmate ko, ang taong laan para sa akin.” Umikot sa pagitan ng mga taong 2004– 2009 ang ganoong eksena sa aking buhay, limang taon na tila pagtatangi at pagmamahal ang namayani sa aking puso sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Huling gabi na ng simbang gabi, matapos ang limang taon ng ngitian, titigan, at pagmamasid namin sa isa’t-isa. Sa wakas ay nilapitan niya na ako, at doon ay nagpakilala na siya akin, “Hi! Ako si Marwin, pasensya ka na, ngayon lang ako nakalapit para magapakilala, nahihiya kase ako sayo eh, baka bigla ka na lamang lumayo. Ikaw pwede ko ba malaman kahit pangalan mo lang?” Tulala at panlalaki ng mata. Yan lamang ang naibigay kong kasagutan sa kanya, dahil tinawag na ako ng aking kapatid dahil nagmamadali na nga itong makauwi sa bahay. Pagdating ko sa aking kwarto, mga ngiti sa labi ngunit may panghihinayang ang siyang aking naramdaman. Ngiti, dahil sa wakas ay nagpakilala na siya sa akin; panghihinayang dahil hindi ko man lamang nasabi ang pangalan ko. Ngunit ang tagpong iyon na pala ang siyang tila magbibigay ng tamang marka sa kung anuman ang meron kaming dalawa. Taong 2010, ito ang unang taon na hindi ko na siya nakita, hanggang sa pagsapit ng simbang gabi ng taong 2011. Humingi pa nga ako noon ng senyales sa Panginoon kung nararapat bang pakawalan ko na siya, ngunit natapos ang panahon ng Kapaskuhan na tila “blanko” ang sagot sa akin. Hanggang noong ika- 31 ng Disyembre ng taong 2011, habang nasa simbahan ako para sa Banal na Misa sa Bagong Taon. Umupo ako sa lugar na inupuan ko na noong December 15, 2004. Habang naghihintay, isang pamilyar na mukha ang siyang aking nakita. Ilang beses pa akong kumurap upang malaman kung totoo ang nakikita ko. Baka kase panaginip lamang, imahinasyon, o kathang isip. Ngunit, totoo ang nakita ko, pawang katotohanan, si Marwin ang nakita ko. Sa dating lugar na una niya kong tinitigan at una ko siyang napansin. Balisa ang naging pakiramdam ko, umapaw ng tanong; babatiin ko ba siya? Ngingiti ba ako? Sasabihin ko na ba ang pangalan ko? Anong gagawin ko? Ramdam ko na sa tagpong iyon panay ang titig niya sa akin, ngunit inaalis niya ito tuwing titingin ako. Pero lahat ng iyon ay natapos bago pa man magsimula ang Banal na Misa. Isang saglit lamang, isang kurap, siya ay nawala na sa aking paningin. Puno ng pagtataka ang aking nadama. At sa ikalawang pagkakataon, panghihinayang. Matapos ang ilang minuto, may babaeng lumapit sa akin, babaeng hindi ko kilala, at nagwika, “pinapasabi niya umalis na siya.” Natahimik lamang ako. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang Banal na Misa. Sa kasagsagan ng seremonya, isang bagay ang sinabi ng pari na tila naging senyales ng kung anong dapat kong gawin, “pakawalan na ang mga bagay sa inyong puso na nagbibigay pagiisip sa inyo. Gamitin ang bagong taon para makapagsimula muli.” Sa pagkakataong iyon, tila nasagot na ang matagal ko nang katanungan. Ang pagkakataong iyon na rin ang nagtakda na dapat na akong magsimula. Magsimula sa kung ano ang dapat at tama kong gawin, ang pakawalan na siya. Taong 2012, kasabay ng pagpasok ng bagong taon, kasabay na rin nito ang pagpapakawala sa pag-ibig na minsan ay naging malaking bahagi ng aking pagkatao. Ngayong patuloy ako sa paglaban sa mga hamon ng buhay, patuloy na rin ang pagsisimula ko sa bagong yugto ng aking buhay, yugto ng buhay ko na isinasara ko na para sa kanya, yugto ng aking buhay na magsisimula ng wala na siya. Hanggang sa pagkakataong ito, ngiti lamang ang aking nadarama habang sinusulat ang pag-ibig na inalay para kay Marwin. Ngiti na ngayon ko lamang ulit naramdaman mula nung panahong dumating siya sa buhay ko. Isang ngiti na nagsasabi na sa wakas, matapos ang “ika-pitong” taon ng pangyayari niya sa buhay ko, heto ako ngayon at pinapakawalan na siya, malaking bahagi man siya ng puso at kaluluwa ko, alam kong sa buhay ko ay hindi na siya mauulit pang muli. Perlita Sabacan-Calara Conrado Danganan Jr. Conrado M. Guevarra Jr. Virgilio P Magpayo . Eric L. Nicodemus Jaclyn Cruz-Orosco (for the pictures of LGU night) Marion Malig-Yambao Sa mga mag-aaral, kawani ng pamahalaan o pribadong sektor, mga pampubliko o pribadong guro, at sa lahat ng mambabasa namin na nagnanais magbahagi ng kanilang saloobin, pananaw sa isang isyu na nakakaapekto sa atin, at iba pa, bukas ang aming pahayagan para sa inyo.

Bagong Taon, Bagong Pag-asa
Eliza Viray

Nakaugalian na nating mga Pilipino ang paggunita at paghahanda sa tuwing sasapit ang bagong taon. Kaakibat nito ang mga kagustuhan at mithiin na may bagong pag-asa at pagbabago sa ating buhay sa tuwing sasapit ang naituring na din na okasyon. Sa mga nakalipas na unos, hindi natin maikakaila na nahirapan tayo na malampasan ang mga dumaan na pagsubok sa ating buhay. Ngunit sa ating mga pagtitiis,determinasyon,tibay ng loob, at pananalig sa Panginoon ay nakaya nating maharap anumang uri ng suliranin. Lalong kilala tayong mga Pilipino na malalakas ang loob at hindi sumusuko sa laban. Sa tulong na din ng ating mga Pamilya at kapwa ay nabibigyan tayo ng pag-asa para gawin ang mga bagay para sa ikabubuti ng ating sarili gayundin sa iba. Sa nakalipas na mga bagyong dumating nasaksihan, natin ang mga kinaharap na pagsubok at suliranin ng ating mga kababayan. Dahil sa lakas ng bagyo at pag-apaw ng ilog ay naapektuhan ang mga bahay pati na mga kabuhayan. Kalunos-lunos ang mga pangyayari sa pagkawasak ng mga tahanan at pagkasira ng mga ari-arian at mga pananim. Nawalan din ng suplay ng kuryente at tubig, at nagkaroon ng kakulangan ng pagkain dahil sa epekto ng malaking pagbaha. Marami din ang mga nagkasakit lalung-lalo na sa mga bata. Sa pagiwan sa kani-kanilang tahanan, tinitiis nila ang pagtira sa mga evacuation center para sa kaligtasan. Sa pagtira nila ditto, mababakas sa kanilang mukha ang labis na pag-aalala kung mayroon pa ba silang bahay na babalikan at

matatawag pa rin kaya itong tahanan. Sa delikadong pagbaha ay mayroon pa ring mga mamamayan na ayaw iwanan ang kanilang mga bahay at ari-arian dahil na din siguro gusto pa ring isalba ang kanilang mga naipundar at pinaghirapan. Maraming mga tanong na gumugulo sa isip ng ating mga kababayan. Makakayanan pa kaya ang kapagsubukan na ito? May pag-asa pa bang maibalik ang dating tahanan? O may magandang bukas pa kayang darating sa kani-kanilang mga buhay. Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat nasalanta ay unti-unting nilang nalalampasan ang delubyong dumating. Nagpapatibayan sila ng loob, at kinikibit balikat na lang ang nangyari. Nakita din natin ang tulong ng gobyerno at mga pribadong sektor sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan. Ang taos-pusong pakikipagtulungan at pagbibigay ng mga nakakasiyang payo para hindi mawalan ng pag-asa. Gayundin ang pinakamapanaligang tulong mula sa Maykapal at tiwalang malalampasan natin ang problema sa pamamagitan ng Kaniyang tulong at pagkahabag. Lumipas na ang mga araw, linggo, at buwan. Nalampasan na ang mga pagsubok na kinaharap. Unti-unti nang nakabangon ang ating mga kababayan. Para sa kanila, tuloy pa rin ang laban sa kabila ng unos na dumating, at nakapagturo pa ito ng aral sa mga napagdaanan. Ngayon, umaasa ang bawat isa sa atin na sa pagdating ng bagong taon ay may kaakibat na bagong pag-asa na makapagsimula ng bagong buhay na may katatagan, kapanaligan, tiwala sa sarili, at pananampalataya sa Diyos.

Unang Hakbang ng Bagong Kinabukasan
Adelina Magpayo-Payuan

Pasasalamat
Nais naming pasalamatan ang mga sumusunod para sa taos-puso nilang pagsuporta sa aming kasalukuyang isyu sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang artikulo sa aming pahayagan. Para sa pagsulat sa kasalukuyang isyu: Adelina Magpayo-Payuan Si Gng. Magpayo-Payuan ay mula sa Sto. Rosario, Macabebe. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng asignaturang Filipino para sa nasa ika-anim na taon sa Macabebe Central School, Macabebe East District. Rojett Canaria Saraza (mula sa Calamba City, Laguga) Eliza Viray (mula sa Macabebe, Pampanga) Janis Marniex M. Yambao (mula sa Macabebe, Pampanga) Para sa pagbibigay detalye sa ilang balita para sa mga nakaraang isyu:

“Kung mananatiling pinid ang mata at isipan sa dilim na dulot ng kahapon, ano’ng liwanag ang sisinag at masisilayan pa sa kinabukasan?” Taong 2011; iba’t-ibang uri ng delubyo na hatid ng sarili nating pang-aabuso sa kalikasan ang siyang ating naranasan. Ilan sa mga ito ay ang mga epektong hatid ng pagbaha. Mga perwisyo na mga mamamayan ng bansa ang siyang tinamaan. Upang magbalik-tanaw sa mga naganap noong nakaraang taon, narito ang ilan sa mga dinanas na pagsubok ng mga Pilipino na sanhi ng pang-aabuso sa kalikasan. Bagyong Falcon at Bagyong Pedring na halos durugin ang puso ng mga mamamayan na mga nasa Gitnang Luzon, at kamakailan naman ay ang pananalanta ng Bagyong Sendong sa bahaging Mindanao partikular sa Cagayan de Oro at Iligan, isang linggo bago sumapit ang Pasko. Marahil puno ng iba’t-ibang damdamin at emosyon ang mga kaganapan noong nakaraang taon bunsod ng pagkawala ng mga ari-arian, eskuwelahan, at maging mga mahal sa buhay. Mga pagsubok na siyang maaring nagpatibay at nagpalugmok sa bawat taong nakaranas nito. Ako, bilang isang Pilipino na nakita ang hirap ng aking kapwa, pagkadurog ng aking puso ang siyang nanguna, sa kadahilanang, tulad nila,

maraming pagsubok na rin akong dinaanan. Ganoon man ang aking nadama, hindi ko hinayaang malunod ako sa pagkalugmok sa emosyong maaring manatiling kahabag-habag. Datapwa’t ginamit ko iyon upang humugot ng lakas para sa pagbangon, hindi lamang para sa aking sarili, kundi para na rin sa bawat Pilipinong kagaya ko na maari kong bahaginan ng mga magandang pagtuklas sa kinabukasan. Maaring sabihin ng iilan na madali para sa akin na sambitin ang mga ito, ngunit para sa akin lamang ay, kung lahat tayo ay mananatiling nakikisimpatiya lamang at hindi nagbibigay kaliwanagan sa hinaharap, wala na kailanman at sinuman ang siyang makakabangon mula sa putik na kinalulugmukan. Kaya naman itong simula ng taong 2012, atin sanang subukang humakbang na nang pauntiunti patungo sa mas maliwanag na hinaharap. Magbigay inspirasyon sana tayo sa bawat isa. Ating hugutin sa magandang paraan ang mga sakit na dinulot ng nakaraang taon, ng kahapon. Itong taong ito, tayo sana ay magtulongtulong sa pabangon sa paraan ng pagdarasal sa Poong Maykapal, upang muli tayo ay makabangon at masimulan na ang unang hakbang patungo sa bagong kinabukasan.

Mangyari lamang na ipadala ang inyong artikulo sa centralfocus@ixi.ph, o kontakin ang aming tanggapan sa telepono bilang 045-3046018 (landline) o 0922.8618034 (cellphone). Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa Central Focus.

8

CENTRALFOCUS

Pa- TALksa’yo
Mary Charlane M. Payuan

PURIFIED

JMD
DRINKING

WATER

WE DELIVER:09082092921•09159833363 SAN AGUSTIN, TULAOC, SAN SIMON, PAMPANGA

Mga pelikulang inaabangan ngayong 2012
S
a katatapos pa lang na taong 2011, maraming pangyayari ang tiyak na tatatak sa bawat tao na naging bahagi nito, kaya naman ngayong simula ng panibagong taong 2012, tiyak na maraming bagay ang siyang inaabangan at inaasahan ng bawat isa, kung ano ang mga iyon, hindi natin alam. Ngunit bukod sa mga pangyayaring hindi inaasahan, may mga iilang bagay din naman na nararapat lamang na paghandaan. Dito papasok ang pagtukoy ko sa aking ika-apat na bersyon ng Pa-talk Sa’yo. Marahil ay inaasahan niyo na maaring kaugalian na naman ito o okasyon na pinaghahandaan, ngunit inyo sanang mamarapatin, kayo muna ay ililihis ko ng kaunti, ngunit paniguradong baon ko pa rin sa aking artikulo ngayong unang isyu ng Central Focus para sa taong ito ang pinakamahahalagang sangkap ng aking mga pa-talk; impormasyon at kasiyahan. Bago ko simulan ang nakasanayan na, hayaan ninyo muna akong magkuwento tungkol sa naging proseso ng pagpili ko sa aking ihahandog ngayon para sa inyo. Sa aking pagmumuni-muni noong mga huling araw ng taong 2011, matinding pag-iisip ang aking ginawa para sa aking tatalakayin ngayon kung saan umapaw muli ang iba’t-ibang ideya mula sa katas ng aking kaisipan at sa aking mga mabubuting kaibigan, hanggang sa napagdesisyunan ko na kung ano ang aking isusulat para sa lahat. Isa ako sa mga taong masasabi na talaga namang napakahilig sa panonood ng pelikula, mapa-comedy, romance, action, o kahit ano mang tema. Para sa akin kasi, panibagong kaalaman ang naidudulot nito sa akin, liban sa hilig ko rin kasing gumawa ng mga pelikula na siyang pinakamalaking epekto ng pagkakaroon namin ng mga production subject noong college. Kaya heto ako ngayon, tatalakayin ang isang bagay na kailanman ay hindi mawawala sa uso at hindi mawawala sa listahan ng mga bagay na talagang nagbibigay kasiyahan sa bawat tao. Itong simula ng taon, kasabay nito ang pagaabang sa iilang pelikula na may kakaibang karisma sa mga “moviegoers” sa buong mundo. Narito ang listahan ng mga pelikulang tinutukoy ko, ang kanilang buod at ang petsa kung kailan sila mapapanood sa pinilakang tabing, tara na’t basahin:

3. The Amazing Spiderman
(July 3, 2012)
The friendly neighborhood is back! Ito ang nasambit ko nang malamang magkakaroon ng Amazing Spiderman para sa taong ito, ngunit lingid sa aking kaalaman, hindi pala ito ang karugtong ng naunang 3 Spiderman na aking sinubaybayan. Sa taong ito, ang “untold story” ng Spiderman na may temang action at sci-fi ang siyang bibigyang-diin ng produksyung ito. Isang typikal na binata si Peter Parker (Andrew Garfield) na unti-unting tinatanggap ang kakaibang kapalarang mayroon siya, matapos ang pagbubunyag ng mga sikreto ng kanyang ama sa pinakabagong obra ng Columbia Pictures. Mula sa Spiderman franchise, kakaibang atake naman ang gagawin ng panibagong Spiderman kasama ng ilan pang bagong karakter na magbibigay-kulay dito. Director: Mark Webb (500 Days of Summer) Producers: Columbia Pictures, Laura Ziskin Productions, Marvel Enterprises

2. The Dark Knight Rises
(July 20, 2012)
Isa na marahil sa mga pinakaaabangang pelikula ng taon ay ang pagbabalik ni Dark Knight (Batman) sa pelikulang “The Dark Knight Rises” na may temang action, crime, drama, at thriller kung saan matapos ang walong taon ay dumating itong muli upang iligtas ang mga mamamayan sa Gotham City. Tinutugis ng batas si Batman (Christian Bale) na pinamumunuan ng kaibigan niyang si Commissioner Gordon (Gary Oldman) bilang paninisi sa pagkamatay ni Harvey Dent. Dito rin ay dumating ang bagong kalaban sa Gotham City na si Bane (Tom Hardy) na makakalaban ni Selina Kyle (Anne Hathaway). Director: Christopher Nolan Producers: Warner Bros. Pictures, DC Entertainment, Legendary Pictures

5. The Avengers (May 4, 2012)
Awesome! Yan ang aking nasambit nang makita ng dalawang mata ko ang trailer ng pagkumpirma ng pagpapalabas ng isa sa pinaka-sikat na pelikula: ang The Avengers. Ang The Avengers ay may temang action, adventure, at sci-fi na siyang kinakasabikan ng mga moviegoers, na isa sa mga pinakasikat na comic-based productions. Nauna ng nailahad noong nakaraang taon ang paglabas ng nasabing pelikula na nagbigay-gulat at excitement nang makumpleto na ang pagpapalabas sa Thor (Chris Hemsworth), Iron Man (Robert Downey Jr.), at Captain America (Chris Evans). Kaya naman noong kinumpirma na ito, galak ang namayani sa puso ng mga avid fan ng pelikula, dahil liban sa mga sikat na karakter na kasali rito, mga bagong karakter din ang idinagdag sa nasabing pelikula na si Scarlett Johansson na gumanap bilang si Black Widow. Director: Josh Whedon Producers: Marvel Enterprises, Marvel Studios

1. The Twilight Saga: Breaking Dawn Part II (November 16, 2012)
Sa mga kabataan ngayon, tila malabo yata na hindi nila alam o naririnig ang mga pelikulang bumubuo sa Twilight Series na may temang adventure, drama, romance, at fantasy (Twilight, New Moon, Eclipse, at Breaking Dawn). Nang mauna pa lamang lumabas ito noong taong 2008 ay talaga namang inabangan na ito ng buong mundo, dahil sa kakaibang atake nito na ginampanan ng mga bampira at mortal. Kaya para sa ika-lima at huling parte nito, tiyak na magkakahalong emosyon ang maasahan ng mga manunuod lalo na ng mga taga-suporta nito. Matapos isilang ni Bella Swan-Cullen (Kristen Stewart) ang anak nila ni Edward Cullen (Robert Pattinson) na si Renesmee, nangolekta ng iba pang pamilya ng mga bampira ang pamilyang Cullen upang maprotektahan ang bata mula sa mga maling alegasyon na nagdala sa pamilya sa Volturi. Director: Bill Condon Producer: Summit Entertainment

4. Snow White and the Huntsman (June 1, 2012)
Isa na marahil sa mga pinakasikat na prinsesa sa buong mundo ay si Snow White, na tinangkilik ng bawat bata, kaya naman nang mabalitaan ko na magkakaron ng palabas nito muli ngayong taon ay labis akong nanabik, ngunit na-triple pa ito nang malaman ko’ng may kakaibang atake ang siyang masasaksihan sa modernong Snow White. Ang epikong Snow White and the Huntsman na pinagbibidahan ni Kristen Stewart mula sa Twilight Series ay may temang action at adventure na siyang magbibigay pananabik para sa mga manunuod. Ginagampanan ni Stewart ang karakter bilang kaisa-isang nilalang na higit ang kagandahan sa demonyong reyna ng kanilang lugar na nais siyang mawala na ginampanan ni Oscar winner Charlize Theron. Ngunit hindi batid ng reyna na ang babaeng nais niyang mawala ay bihasa sa pakikipaglaban dahil sa pag-aaral nito noon ng “art of war” kasama ang isang huntsman (Chris Hemsworth, Thor) na ipinadala niya upang paslangin ito. Samantala, kasali rin si Sam Claflin (Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides) bilang isang prinsipe na matagal nang nabighani ni Snow White. Director: Rupert Sanders Producers: Joe Roth (Alice in Wonderland), Sam Mercer (The Sixth Sense), Universal Pictures

Ngayong nabasa niyo na ang ilan sa mga inaabangang pelikula ng taon, batid ko ang pananabik ninyo na muli ay mapanood na sa big screen ang mga nasabing pelikula. Mga pelikulang masasabi na bahagi na ng buhay ng bawat manonood nito. Ngunit huwag lamang nating kakalimutan, na huwag puro lamang kasiyahan ang maidulot nito sa bawat kaisipan. Nawa ay magdulot din ang mga ito ng mga karanasan sa buhay na maaring makatulong sa bawat nilikha.

ADVERTISE WITH US
contact nos. 045 3046018 • 0922 8618034

CENTRALFOCUS

9

Minsan lang sa isang taon kung tayo’y magdiwang ng mga espesyal na okasyon, kaya’t nararapat lamang na paghandaan at gawin natin itong pambihira. Sikat ang Noah’s Ark Function Hall sa mga ganitong pagdiriwang. Sabi nga ng ilan, sulit at babalik-balikan mo ang naturang lugar. Nagsimula ang kasaysayan ng Noah’s Ark Function Hall sa magandang mungkahi at mithiin ng mga residente ng Apalit partikular ng Barangay ng San Juan na magtayo ng isang function hall sa lugar. Naisip nila ito dahil bilang tourist spot na rin ang lugar ng Apalit dahil sa ating simbahan – St. Peter Parish Church – bakit hindi rin hikayatin ang publiko na gumawa ng function hall ang Apalit. Sa pangunguna ni Ginoong Raymond Marucut Cuyugan at ng kanyang mga tiyahin na nanggaling sa States, nabigyang tugon ang pagsasagawa ng Noah’s Ark Function Hall. Naipakilala at nabuksan ito sa publiko noong taong 2006. Nagmula ang pangalan ng naturang lugar sa anak na bunso ni Ginoong Cuyugan na nagngangalang “Noah.” Malugod na tinangkilik ang lugar ng publiko, at unti-unti itong nakilala at napalawak ang magandang mithiin nito. Tinangkilik ito hindi lamang ng mga tagaApalit, kundi maging ng mga karatig-lugar nito gaya ng Macabebe at Masantol at ng maraming pang lugar.

Pasyalan de Kabalen
Mariz P. Hernandez Dito sa Noah’s Ark Function Hall, mas pinipili ng karamihan na isagawa ang mga espesyal na pagdiriwang tulad ng birthday parties, kasal, binyag, acquaintance party, reunion, outdoor events, poolside parties, conferences, at iba pang mga okasyon o pagdiriwang. Ayon kay Ginoong Cuyugan, “”more on place sila na inihalintulad sa Benigno Hall sa lugar ng San Fernando. Naging tampok din sa Noah’s Ark Function Hall ang prestihiyosong kaarawan ng ating kabaleng business tycoon na si Sir Manny Pangilinan. Naging espesyal na panauhin din ng lugar sina Governor Lilia “Baby” Pineda, Manny Villar, at marami pang iba. Ang Noah’s Ark Function Hall ang pinakamalaking function hall dito sa ating lugar sa Pampanga. Nakakapag-accommodate ang lugar ng mahigit na 600–700 persons. Mayroon din silang private pool, park, at maluwang na parking lot para sa mga sasakyan ng kanilang mga panauhin. Ang function hall ay mayroong tatlong halls na pwedeng hati-hatiin. Maaaring rentahan ang kabuuang function hall sa halagang P30,000, pero kung nanaisin lamang na isang hall lang ang gagamitin, makukuha ito ng P10,000. Maaaring gamitin at manatili sa lugar ng 4 hanggang 5 oras. Maaari ring gamitin at rentahan ang kanilang private pool at makapag-picture taking sa ganda ng paligid. Binubuksan din sa publiko ang lugar kung may mga grupong nais na mag-swimming. Karamihan din sa mga suking panauhin ng Noah’s Ark Function Hall ang mga balik-bayan. Mas pinipili nilang sariwain ang angking ganda at katahimikan ng lugar. Nagsisilbi na rin itong pahingahan para sa kanila. Ayon pa kay Ginoong Cuyugan, napapanatili ang peace and order sa kanilang lugar sapagkat malapit lamang sila sa munisipyo. Walang anu-

mang ingay o mga sasakyang dumadaan dito sapagkat nasa gawing dulo ito na ikinatutuwa ng karamihan. Maraming nagpapareserve sa lugar tuwing Disyembre dahil mas marami ang kasalan at mga parties na nagaganap tuwing ganitong buwan. Marami ding nagtutungo tuwing buwan ng Hunyo at Hulyo dito. Tuwing sasapit naman ang summer, marami ang nagsasadya para sa mga outdoor events. Nais ring gamitin ni Ginoong Cuyugan ang pagkakataong ito upang maipabatid ang taospusong pasasalamat para sa walang-sawang pagsuporta at pagtangkilik ng ating mga kababayan sa Noah’s Ark Function Hall. Dahil, aniya, sa dinami-dami ng mga function hall o lugar dito sa Pampanga, mas pinipili pa rin ng karamihan na dito magpunta. Nakakataba ng puso na nagugustuhan ng kanilang mga masusugid na panauhin ang kanilang lugar. At sana’y magsilbing tulay ito upang maipabatid ng Noah’s Ark Function Hall ang kanilang lubos sa pasasalamat. Ang Noah’s Ark Function Hall ang pinaka-nangungunang rekomendasyon kung mga parties o mga okasyon na ang usapan. Para sa ilang katanungan o reservations, maaari silang sadyain sa kanilang tanggapan sa San Juan, Apalit Pampanga (behind Municipall Hall) o tumawag sa numerong (045)-302-9293.

Takam na Takam
Katrina Anne U. Casuga

Bagong taon na naman! At alam kong busog na busog pa rin ang mga tao, dahil sa mga putaheng kanilang inihanda noong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Hindi maikukubli sa ating mga Pilipino kung gaano natin labis na ipinagdiriwang ang mga okasyon, at samakatuwid, naging isang tradisyon na ito sa bawat isa sa atin. Kung minsan sa bawat okasyon na ating ipinagdiriwang ay hindi na alam kung ano’ng mga putahe ang ating lulutuin. At kapag ganito na ang suliraning ating nararanasan, iisa lamang ang naiisip natin at ito ay ang mag-order o kaya ay pumunta na lamang sa restaurants o fast food chains para hindi na gaanong mapagod pa sa kakaisip ng mga putaheng lulutuin.

Ang Fun Side ay isa sa mga kainan na maaaring puntahan para doon idaos ang isang okasyon o kaya naman ay magpasadya sa kanila ng mga pagkaing nais orderin. Kilala ang Fun Side sa catering na kanilang inaalok sa kanilang mga suki. Sa mga okasyong aking nadadaluhan at nagkakataon na ang Fun Side ang nagseserb ng mga putahe, masasabi ko na masarap ang bawat putahe na kanilang inihahain. Si Ginang Librada Manlapaz ay ang punong namamahala at may-ari ng nasabing kainan. Nagbukas ang unang branch ng Fun Side noong September 2009. Mayroon na itong tatlong branches, at matatagpuan ang dalawang branches sa Sampaga, San Vicente, Apalit at ang isa naman nilang branch ay matatagpuan

sa San Matias, Pampanga na nagbukas lamang nitong September 2011. Ang mga putaheng kanilang sineserb ay tiyak na magugustuhan ng inyong panlasa, at ito ay ang mga sumusunod: (1) Salpicao; (2) Chicharong bulaklak; (3) Tokwa’t Baboy; (4) Liempo; (5) Kare-kare; (6) Inihaw na Tilapia with Buro; (7) Sisig; (8) Shrimp Tempura; (9) Iba’t ibang klase ng barbecue; (10) Chopsuey; at marami pang iba. Ang barbecue at iba pang ihawihaw ang kanilang labis na ipinagmamalaki. Isa din ang Salpicao sa kanilang best seller. Mayroon din silang family value meals na inaalok sa mga dumadayo sa kanilang kainan. Sa pagtikim sa iilang putaheng kanilang sineserb na nabanggit, ang

kanilang barbecue ang masasabi kong aking babalik-balikan, dahil tamang tama ang pagkakamarinade sa laman ng baboy at tamang tama din ang pagkakaihaw. Sa bawat pagkagat nito, mapapansin na hindi masyadong malambot at hindi rin masyadong matigas ang laman. Kung titingnan naman ang kanilang putaheng Salpicao ay makikita ang pinaghalong seafoods (hipon at pusit) na may gulay na kasama, at mayroon ding squid balls at hotdog strips. Sa aking panlasa, masarap na kainin ang putaheng ito na may kasamang inumin na ice cold beer. Swak na swak bilang isang pulutan. Nasabi na din na masarap ang Salpicao na may kasamang inumin na ice cold beer, isali na din na-

tin ang kanilang Tokwa’t Baboy at Chicharong Bulaklak. Mararamdaman ang lutong at sarap ng bawat piraso ng Chicharong Bulaklak at Tokwa’t Baboy sa bawat pagkagat. Iilan lamang ang mga putaheng ito sa aking natikman at nasabi na din na catering ang isa sa mga inaalok ng Fun Side sa kanilang mga suki kaya mairerekomenda ko na ang Fun Side ay maaring maging iyong takbuhan at ng ibang tao para mag-order ng mga pagkaing kanilang ihahain sa mga okasyong kanilang isinasaayos. Bilang kabuuan ng aking pag-rereview sa Fun Side, ito ang masasabi ko: “masarap at malinamnam ang mga putaheng kanilang inihahain.” Malalasahan talaga ang luto ng isang tunay na Kapampangan.

10
Tapos na naman ang pagdiriwang natin ng Pasko at Bagong Taon. Tiyak na busog na busog na naman ang ating mga mata at tiyan sa mga dekorasyon at pagkain nitong mga nakaraang araw. Tila likas na sa ating mga Pilipino ang hilig sa mga selebrasyon. Kitang-kita na sa bawat pagdiriwang, bigay-todo tayong mga Pinoy sa paghahanda para sa mga ito. Saan mang dako ng Pilipinas, laganap ang iba’t-ibang mga pagdiriwang na hindi lamang puno ng kasiyahan, kundi pati na rin ng kabuluhanan. Lalayo pa ba tayo? Dito sa atin sa Pampanga, hindi mabilang ang mga pagdiriwang na karamihan ay taon-taon nating ginugunita. Tingnan nga natin kung gaano ka kaalam pagdating sa mga ito. Narito ang ilan sa mga sikat na selebrasyon na ginugunita nating mga Kapampangan. Pagtapatin lang ang mga pangalan ng selebrasyon na nasa kaliwa sa mga angkop na deskripsyon nito na nasa kanan. 1.Sinukwan Festival 2.Makatapak Festival 3.Batalla 4.Aguman Sanduk 5.Kuraldal Festival 6.Ligligan Parul 7.Apung Iru Fluvial Procession 8.Caragan Festival 9.Sisig Festival 10.Cutud Lenten Rites a. Paggunita at pagsasadula sa paghihirap ni Hesukristo sa kaniyang mga huling araw sa lupa. b. Tampok ang paligsahan ng mga magaganda, makukulay, at malalaking parol. c. Naglalayong mapanatili ang kultural na tradisyon ng bayan. Ang pangalan ng pagdiriwang ay nagmula sa dating Aetang pinuno ng bayan. d. Ginagawa bilang paggunita sa diyos ng mga Kapampangan noong unang panahon na si Aring Sinukwan. e. Sinimulan noong 1932 ng ilang kalalakihan na sumalubong sa Bagong Taon sa pamamagitan ng pagparada suot-suot ang mga pambabaeng kasuotan at hawak-hawak ang mga sandok. f. Ginaganap tuwing buwan ng Disyembre upang maitaguyod ang galing sa pagluluto ng siyudad. g. Paggunita sa pag-alis ng mga residenteng Bacolor sa kanilang bayan matapos itong masalanta ng lahar dulot ng pagputok ng Mt. Pinatubo noong 1991. h. Katumbas ng Sta. Clara at Sto. Niño Festivals kung saan ang mga deboto ay sumasayaw para sa kanilang mga dasal at petisyon. i. Gumugunita sa nangyaring labanan sa pagitan ng mga Muslim na Kapampangan at Kristiyanong Español. j. Nagbibibigay-pugay sa patron ng bayan kung saan ito ay ipinaparada sa ilog nang nakasakay sa pagoda.

CENTRALFOCUS

KAPALARAN
ni Madam Maring
CAPRICORN 22 Dec-20 Jan: May kakatok pa rin sa iyong tahanan kahit tapos na ang Pasko. Sa hirap ng buhay, pinauso na ngayon ang post-Christmas caroling. Swerte: pink, 04-11-16 AQUARIUS21 Jan-19 Feb: Hindi raw tatanggapin ang pirma mo sa tseke, pangit daw kasi. Parang ‘yung ID mo dati, hindi rin tinanggap dahil sa picture. Swerte: red, 10-12-18 PISCES 20 Feb-20 March: Ilibing na sa hukay ang iyong minamahal. Sige ka, baka bumangon ulit yan, isama ka pa. Swerte: brown, 01-05-19 ARIES 21 March- 19 Apr: Huwag ka nang pumusta, matatalo ka rin. Pustahan tayo. Swerte: orange, 15-19-23 TAURUS 20 Apr- 20 May: Hihinto ang elevator na sasakyan mo, kaya huwag ka nang sumakay. Maghagdan ka na lang, iwas stroke pa. Swerte: green, 04-17-21 GEMINI 21 May- 21 Jun: Type ka lang niya, dahil sa perfume mo. Kaya siguraduhing palaging may stock. Swerte: yellow, 08-16-22 CANCER 22 Jun-23 July: Mukhang gusto mong mapag-isa. Drama mo naman. Gutom lang ‘yan. Swerte: blue, 06-21-33 LEO 24 Jul- 23 Aug: Makakamtan mo na ang iyong inaasam ngayong taon. Kaso, last year mo gustong makamit ‘yun e. Sayang naman. Swerte: black, 09-28-35 VIRGO 24 Aug- 22 Sept: Sige, iiyak mo lang ng iiyak. Kapag nagsawa ka na, titigil ka din naman. Swerte: beige, 12-13-20 LIBRA 23 Sept-22 Oct: Magmumukha kang donya, sa bago mong damit. At least kahit sa damit nakabawi ka. Swerte: purple, 19-25-38 SCORPIO 23 Oct-22 Nov: Mag-iingat sa kakatingin. Sige ka, baka mahipan ka ng hangin, magkaka-stiff neck ka. Swerte: gray, 02-07-23 SAGITTARIUS 23 Nov-21 Dec: Hindi ka na kasya sa uniform mo next week. Solusyon? Dagdag o bawas. Dagdag sa ipon para pambili ng bago o bawas sa pagkain para magkasya ulit. Swerte: yellow green, 18-20-28

ABANGAN ANG KASAGUTAN SA SUSUNOD NA ISYU!
Mga sagot sa nakaraang palaisipan: 1. SA MAY BAHAY ANG AMING BATI 2. MANO PO NINONG MANO PO NINANG 3. SA PASKONG DARATING 4. PASKO NA SINTA KO 5. SINO SI SANTA CLAUS 6. ANG PASKO AY SUMAPIT 7. PASKO NA NAMAN 8. PASKONG ANONG SAYA 9. CHRISTMAS IN OUR HEARTS 10.TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO 11. KAMPANA NG SIMBAHAN 12. STAR NG PASKO 13. BATI NAMI’Y MERRY CHRISTMAS 14. SA ARAW NG PASKO 15. HIMIG NG PASKO

SUDOKU
4 7 1 1 6 6 1 6 6 4 5 3 7 7 3 8

May nais ka bang itanong tungkol sa iyong buhay pag-ibig, o kaya naman ay kailangan mo ng payo para sa iyong problema sa buhay? Kung gayon mag text ka na sa mga numero namin (0906-5425554 para Globe/TM o 09235247149 para sa Sun) para sa mga kasagutang hindi mo inaasahan hatid ng ating friendly fortune teller adviser na si Madam Maring. Ano pa hinihintay mo, text na!

Greetings
Happy Birthday ate Michelle Fernandez Chantengco, magparamdam ka sanang dinner, haha. mwamwah--Lane. *** Belated happy birthday kay Madam Maring! Sana ay mas marami pang buhay ang iyong mabago. Mula sa iyong mga taga-suporta sa IXI Software Solutions. *** Maligayang ika-20 na kaarawan sa iyo, Pendong! Nawa ay umayon sa iyong mga adhikain itong taon ng dragon. -IXI Family *** Congrats ate Lhyn,:*** baby boy ang magiging inaanak naten ate Sha.Magmamana yan sa mga tita-ninang at kay lola-Zen..:) Advance Happy Birthday din po sa inyo Kuya Paul, God Bless po. --marhiz *** Happy Birthday Teacher Jessica “Jay” Bautista on January 15, 2012. Never stop inspiring people specially your students.. Lovelots, -Mary Charlane Payuan ^_^ *** Kudos to all my friends, relatives and special someone, na survive natin ang 2011!!. tayo ay bato \m/.. Mas maraming taon pa for all of us.. woot!.. --Lane.. **** Sa muling pagkakataon, I LOVE YOU KCtot ;-) *** Belated happy birthday to Remigio U. Mallari! God bless! -Kat *** Congrats Jose Sixto Gonzales Dantes III. Good Job! ^_^ *** Bayaran mo na utang mo, alam mo kung sino ka09*****6575

8 9 4 5 5 2 9 9
3

4

4
thedailysudoko.com

7

Abangan ang kasagutan sa susunod na isyu.

CENTRALFOCUS

11

TRABAHO
Central Focus | an IXI.ph Publication
We are looking for aggressive and creative individuals for our sales and marketing force. This would be for a part-time, commission-based status initially. If you are interested, please send your resume to us: centralfocus@ixi.ph. We will contact all short-listed applicants. You may also personally visit us at our office if you are interested to meet the team behind the newspaper as well. We are also looking for local vendors who are interested to partner up with us in the sales of our newspaper/product. If you are interested, please contact us at 045 3046018.

Classified ADS
tel: 0906-5425554 • 0923-5247149

FOR SALE XR400 2006

Tulong sa edukasyon hatid ng OWWA scholarship para sa mga OFWs at mga benefi c iaries
Ang ACLC Apalit, sa pakikipagtulungan ng OWWA, ay magbibigay ng tulong pang-edukasyon sa mga OFWs at kanilang mga beneficiaries sa mga pangunahing lugar: OFWs: 1. Basic Operation (MS-Offices) 2. PC Trouble Shooting 3. Programming 4. Autocad 5. Adobe Photoshop 6. Web Development BENEFICIARIES: (OFW children, spouse, siblings, etc.) P14, 500.00 halaga ng tulong pangedukasyon sa mga sumusunod na kurso: 1. Hotel and Restaurant Services (HRS) 2. Associate in Computer Technology 3. Tourism MGA KAILANGAN (REQUIREMENTS): • Birth Certificate (NSO Authenticated Copy) • Proof of OWWA Membership (O.R. of Membership Payment) Sa mga interesado, hanapin lamang si Ms. Beth Pangan, PESO Officer, Municipality of Macabebe, Pampanga para sa karagdagang impormasyon patungkol sa OWWA scholarship.
http://municipalityofmacabebe.weebly.com/ tesdaals-advisory.html

FOR DETAILS CONTACT: 09388149866 http://municipalityofmacabebe.weebly.com/ peso-advisory.html

ANNOUNCEMENT
ANNOUNCEMENT To Batch 1967 of Saint Nicholas Academy Please be informed that our next get together party will be held this January. Kindly await for further details. Have a Prosperous New Year everyone.

PUBLICE NOTICE
Notice is hereby given that the estate of the late SIMPLICIO S. OCHOA was extrajudicially settled by heirs with Waiver as per: Doc. No. 1184; Page No. XIII; Book No. 028; Series of 2011 before notary public Atty. Prudencio A. Sunga of Macabebe, Pampanga
( Dec 21, Jan 11, Jan 25)

FOR SALE

1998 Honda Civic VTEC Stock. Manual transmission. Silver gold. Cool aircon. CD player. New battery. Text: 0923 515 6321. The price is negotiable.

FOR SALE: SIKLISTANG APALITENO SHIRTS (P300.00) FOR ORDERS CONTACT: PAUL MAMANGUN - 09274652675

College of Divine Wisdom is now accepting freshman application for S.Y. 2012-2013. Entrance exam is now ongoing. COLLEGE OF DIVINE WISDOM, Amvel City,Brgy. San Dionisio Paranaque City. Look for Mrs. Chona Alojado (547-1722).
Special Occasions Venue Weddings, Birthdays, Christenings, Outdoor Events, Poolside Parties, Seminars, Conferences, and other Occasions. Paroba II San Juan, Apalit Pampanga Tel.#(045)-302-9293

In need for possible sponsors for this year’s Sibul (Sine Bulacan State University) Film Festival. For more details you may visit: https://www.facebook.com/KALIPI.MD or call Sibul Chairman Mr. Regemrei P Bernardo -09153045590 .

Noah’s Ark Function Halls

WHY SHOULD YOU ADVERTISE?
You want your company or organization to grow, but the economy sucks and money is tight. What you’ve been doing seems to be working ok, and you’re just not convinced that putting extra money towards advertising is the best way you could spend it. Brian Holmes, an advertising strategies expert from the Examiner (http://www.examiner.com/), made a list on why companies and organizations advertise. Here you go: Reasons You Should Advertise.

who you are, and may intend to use your products/services one day—but that’s not going to keep you in business. Consistent advertisements designed with a call-to-action such as limited-time sales, coupons, and promotional codes that expire give consumers in the “I’ll have to do that one of these days” phase an incentive to act now. 5. Advertising creates traffic, which increases sales. Advertise to drive traffic to your store, website, or any service location. Once your prospective customer is present you can us limited-time promotions and other call-to-action advertising locally to increase impulse and point-of-sale purchases. A National Retail Federation survey found that for every 100 items consumers plan to buy, they make an additional 30 unanticipated purchases! 6. Advertising SAVES you Time and Money. A significant number of sales are lost simply because the consumer didn’t have enough knowledge of the product and all of their available options. You can use your advertising to educate the consumer about your service/product’s features and its benefits. Knowledgeable consumers save you time and money by comparison shopping first and often already know what they want reducing your direct selling costs, the costs associated with hiring additional salespeople, and the time spent selling it to them.

1. Awareness = Existence.
Little to no advertising means you are generating little to no awareness about who your company is and what you offer. FACT: Buyers are always more aware of the companies with the most aggressive marketing. It doesn’t matter how great your product or service is if nobody knows about it! Basically put, if you don’t advertise, and do it frequently and effectively—you don’t exist.

2. Your image defines you.
Your advertising puts you in a unique position to personally design your own corporate identity and create how the outside world views your company. Your company’s brand relies heavily on your corporate identity and advertising. If designed correctly, you can use your advertising to position your company as a leader in your industry, neutralize negative publicity and PR, and expose your competitors weaknesses while highlighting your strengths.

3. If you’re not First—you’re Last.
Simmons Research concluded that consumers believe buying a familiar brand usually guarantees approval while buying unfamiliar brands is risky... Keep in mind also that a large percentage of consumers postpone buying and spend a lot of time comparing prices, quality, and service. For these consumers, you want your advertising to consistently reach them throughout their entire decision-making process. Your goal is to become the First Familiar brand that comes to mind when they are ready to buy.

7. Learn from the pros. Copy Success.
Simply put, effective advertising works. Successful businesses are usually consistent and aggressive advertisers. A common excuse from small business owners is “The BIG businesses can afford to advertise, but we’re just a small company.” Our response is this—“What came first, the chicken or the egg?” Sure, some of these big businesses started out with large investment capital, but consider this perspective—Perhaps they were small, gained momentum, and continued to grow because they understood the importance of and utilized their advertising. They out-advertised their competition in order to gain their position, and then have continued to advertise to maintain that position. So, what are you waiting for? Grab your phone and call us! See our rates below:

4. INTENTION is nothing without ACTION.
An occasional advertisement may help in terms of generating some awareness but it will do little in terms of creating sales. Potential customers may know

SIZE
FULL PAGE ONE-HALF ONE-FOURTH ONE-EIGHT 1 COL. IN

REGULAR
8,000.00 5,000.00 3,000.00 1,750.00 250.00

PREMIUM A (+30%)
12,000.00 7,500.00 4,500.00 2,500.00
--

PREMIUM B (+100%)
16,000.00 10,000.00
----

DESCRIPTION
COLOR/S PLACEMENT/LOCATION SIZES REMARKS Grayscale (B/W) Not for FRONT, BACK, and CENTER PAGES (ONLY for page 2, 3, 4, 5, 8, 9, 10, or 11) Any Minimum posting for 1 col. in. ads is 4 issues or 4 slots
Grayscale (B/W) for center pages and Sepia (Black and red) for last page

Full color Centerfold, last page (page 6, 7, or 12) One-half and whole page ONLY Centerfold will only be offered if last page is already taken

Centerfold, last page (page 6, 7, or 12) Any Premium ads are subject to availability

Central Focus is published biweekly by IXI Software Solutions. Our editorial office is at MacArthur Highway (in front of Shell Gas Station), Sampaloc, Apalit, Pampanga. You may contact us at 045 3046018 or 0922 8618034. You may also visit our web site http://centralfocus.ixi.ph or http://Facebook.com/CentralFocusOnline.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->