P. 1
Geyluv

Geyluv

|Views: 6,728|Likes:
Published by Natalie Jane Obero

More info:

Published by: Natalie Jane Obero on Feb 10, 2012
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/04/2013

pdf

text

original

Geyluv | Honorio Bartolome de Dios I LOVE YOU, MIKE. µYun lang at hindi na siya nagsalita pang muli.

Pigil-pigil ng umid niyang dila ang reaksyon ko sa kanyang sinabi. I love you, Mike. Nagpaulit-ulit ang mga kataga sa aking diwa. Walang pagkukunwari, ngunit dama ang pait sa bawat salita. Natunaw na ang yelo sa baso ng serbesa, lumamig na ang sisig, namaalam na ang singer, pero wala pa ring umiimik sa aming dalawa. Mag-aalas-tres na, uwi na tayo. Miss, bill namin. Hanggang sa marating namin ang apartment n¶ya. Wala pa ring imikan. Kaya ako na ang nauna. Tuloy ba ang lakad natin bukas sa Baguio, Benjie? Oo, alas-kwatro ng hapon, sa Dagupan Terminal. Good night. Ingat ka. Are you okay, Benjie? Wala ni imik. Are you sure you don¶t want me to stay tonight? Don¶t worry, Mike. Okey lang ako. Okey. Good night. I¶ll call you up later. Usaman nanamin iyon kapag naghihiwalay sa daan. Kung sino man ang huling umuwi, kailangang tumawag pagdating para matiyak na safe itong nakarating sa bahay.. That was two years ago. Pero mga ateeee, bumigay na naman ako sa hiyaw ng aking puso. Di na ako nakapagsalita pagkatapos kong banggitin sa kanyang ³I love you, Mike.´ At ang balak ko talaga, habang panahon ko na siyang di kausapin, after that trying-hard-to-be-romantic evening. Diyos ko, ano ba naman ang aasahan ko kay Mike ano? Noong una kaming magkita sa media party, di ko naman siya pinansin. Oo, guwapo si Mike at macho ang puwit, pero di ko talaga siya type. Kalabit nga ng kalabit sa akin itong si Joana. Kung napansin ko raw ang guwapong nakatayo doon sa isang sulok. Magpakilala raw kami. Magpatulong daw kami sa media projection ng aming mga services. I-invite raw namin sa office. Panay ang projection ng luka-luka. Pagtaasan ko nga ng kilay ang hitad! Sabi ko sa kanya, wala akong panahon at kung gusto niyang maglandi nung gabing iyon, siya na lang. Talaga naman pong makaraan ang tatlong masalimuot na love-hate relationship na tinalo pa yata ang love story nina Janice de Belen at Nora Aunor, sinarhan ko na ang puso ko sa mga lalaki. Sa mga babae? Matagal nang nakasara. May kandado pa! Aba, at mas guwapo pala sa malapitan ang Mike na ito. At ang boses! Natulig talaga nang husto ang nagbibingibingihan kong puso. And after that meeting, one week agad kaming magkasama sa Zambales. Of course, siya ang nagprisinta. di ako. At noon na nagsimula ang problema ko. Imbyerna na ako noon kay Joana, noong magpunta kami sa Zambales para sa interview nitong si Mike. Aba, pumapel nang pumapel ang bruha. Daig pa ang ³Probe Team´ sa pagtatanong ng kung anu-ano rito kay Mike. At ang Mike naman, napaka-accomodating, sagot nang sagot. Pagdating naman sa Pampanga, bigla nga akong nagayang tumigil para mag-soft drink. Kailangan ko na kasing manigarilyo nang mga oras na iyon. Tense na ako. Gasgas na sa akin ang puna ng mga amiga kong baklita na ilusyon ko lang ang paghahanap ng meaningful relationship. Sabi ko naman, tumanda man akong isang ilusyunadang bakla, maghihintay pa rin ako sa pagdating ng isang meaningful relationship sa aking buhay. Naniniwala yata akong pinagpala din ng Diyos ang mga bakla! .

µYun ang usual defense niya µpag may nanlalait sa kanyang macho. Well. inisplitan ako ni Carmi. okay? Si Carmi ang pinakahuling naging syota ko. di rin niya gustong arrangement ang money for love. Ever! Ang taray. I don¶t care. At pangatlo. May negative reactions agad siya µpag nagiging malapit at sweet sa kanya ang mga lalaki. di rin sigurado itong si Carmi sa gusto niyang gawin. di ko alam kung an gpagpapakasal nga ay solusyon para matigil na ang pagdedemand sa akin ni Carmi. Habang lumalalim ang aming pagiging magkakilala. Ayoko nang binabantayan ang lahat ng kilos ko. µyun bang namimik-ap kung saan-saan. ha. µika nga. Kung mag-demand sa akin. Hanggang ngayon. Ano¶ng gagawin mo? Ipakukulam ko. bigla ko siyang . At halata ang galit niya sa mga taong nate-take advantage sa mga taong vulnerable. Pangalawa. ano po? Pero hanggang ganyan lang naman ang taray nitong si Benjie. Gusto raw muna niyang mag-isip-isip tungkol sa aming relasyon. ngunit ang mga unat lamang ang nagkagulo sa kanyang dalang relief goods. Una. Gusto raw niyang magkaanak sa akon. Irereport mo? Hindi. para sa¶kin. Susulatan mo? Hindi. mataray na bakla. Ang putang inang iyon. para bang gugunawin ng Diyos ang mundo kinabukasan. Para sa akin. Pumayag ako. E. Last year. pareho itong bahagi ng future ko. Sexy pa. lalo ko namang naiintindihan kung bakit siya mataray. Almost one year din akong walang syota. Ewan ko nga lang dito kay Carmi kung bakit laging nagseselos sa akin. Iiling-iling na kinuha ni Benjie ang pangalan ng babaeng iyon. nasanay na raw kasi ang mga kulot sa organisadong pagkuha ng mga relief goods. Diyos? Isula mo iyon. pero di niya tiyak kung gusto niya akong pakasalan. Ayon sa namamahala ng center. Now. mag-isa ka. Nasunod ang gusto nung babae. Sabagay. Naikuwento kasi nito ang tungkol sa asawa ng isang government official na ayaw sumunod sa regulasyong ng center sa pamamahagi ng relief good upang maiwasan ang gulo sa pagitan ng mga ³kulot´ at ³unat na pawang mga biktima ng pagsabog ng Pinatubo. I¶ve been betrayed before. tatayo siya sa stage ng eskuwelahan at mula doon ay ipamamahagi niya ang mga relief goods. if you don¶t respect me as a person dahil bakla ako. µYun din naman ang hanap ko. Pero kung tungkol sa pagpapakasal. e dalawang taon na kaming magsyota. every time na nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan. Ang gusto naman daw mangyari ng babaeng iyon. Alam na raw ng mga namamahala ng center ang gustong mangyari ng babae: ang makunan siya ng litrato at video habang kunwa¶y pinagkakaguluhan ng mga biktima²unat man o kulot. I¶m straight. Parang gusto kong ayaw ko. di rin ito ang ibig sabihin ng meaningful relationship. di kayang buhayin ng sweldo ko an gpagbuo ng isang pamilya. again. Well. ang gamiting ng ibang tao ang kanyang kabaklaan para sa sarili nilang kapakanan. Para malaman ng lahat na hindi lahat ng nagbibigay ng tulong ay nais talagang tumulong. Naguluhan din ako. Anong akala niya sa sarili niya. kung kanino man niya maiabot. Pero mabait. Isinubsob ko ang sarili sa trabaho. Para bang babala niya sa sarili. Mahal ko si Carmi. Pero nagreklamo rin sila nung bandang huli kung bakit hindi sila nakatanggap ng tulong. Ayoko ng laging ini-interrogate. and I won¶t let anybody else do the same thing to me. Pero. out of the question ang usaping µyun. from time to time. don¶t get me wrong. Bukod sa takot itong si Benjie na magkaroon ng sakit at mabugbog. Tulad noong nakikinig siya sa interview ko sa namamahala ng evacuation center sa isang eskuwelahan sa Zambales. Gusto niya. nagkikita kami ni Carmi para magkumustahan. di pa rin niya maintindihan ang nature ng trabaho ko. Sabi nila maganda. maganda naman talaga itong si carmi. Lalo na pag nai-involve siya sa isang lalaki. Di na raw niya ma-take. ture love at meaningful relationship. At µdi rin siya nanlalalaki. Natatakot na kasi siyang magamit. Takot din siyang makipagrelasyon.Mataray itong si Benjie. and I¶m sure of that. Ayaw ko ng pinamimili ako between my career at babae. Simple lang naman ang regulasyon: kailangang maayos ang pila ng mga kinatawan ng bawat pamilya upang kumuha ng relief goods.

panay na ang dikit sa kanya µpag dinadaanan ako ni Mike sa office. Okey. Loveable naman si Benjie. basta nase-share mo lang kung bakit ka masaya. Sa kanya ko uanang naranasang magkaroon ng lakas ng loob na ihinga ang lahat ng nararamdaman ko. Kaya hindi ako sanay na nagsasabi kung ano ang nararamdaman ko. Mayroon din akong kayang ibigay sa lalaki na di kayang ibigan ng babae. Di lamang daw ako ang lagin iintindihin. Mas maganda at mas sexy kaysa kay Carmi Martin. pero iba na ang naging pagkakaibigan namin ni Benjie. babae at trabaho ang pulutan namin. this is Benjie. At naikuwento ko na rin noon kay Benjie ang tungkol sa nakaraan namin ni Carmi. Marami naman akong naging kaibigang lalaki. Nakakasawa na rin ang competition. patibayan ng sikmura sa mga problema sa buhay. Daaay. Siguro¶y dala ng lungkot o ng libog. Pinaghalong Nanette Medved at Dawn Zulueta ang beauty ng bruha. At isa pa. Tingin ko naman dito kay Carmi. aaminin ko. Alam ko namang may naibibigay ang babae sa lalaki na di ko kaya. µYun bang pouring out of emotions na walang kakaba-kabang sabihan kang bakla o mahina. At pagkaraan ay ang gaan-gaan ng pakiramdam mo. Pataasan ng ihi. Nanghihinayang talaga ako sa kanilang dalawa. e baka µka ko mapaghinalaan din akong bakla kung isang bakla ang lagi kong kasama. kung bakit ka malungkot. Nakakahiya naman yatang ako pa ang unang umamin na gusto ko ulit siyang balikan. Ang tumbok agad. Na-imagin ko agad ang kanilang mgagiging mga anak. Pero manay. Pinipigilan ko na lang ang sariling ipadama sa kanya ang nararamdaman ko. Unawain ko rin daw si Carmi. Naipapakita niya sa akin ang mga bagay na di binibigyan ng pansin. Maganda ang Carmi. Sabagay.. Sa barkada kasi. o kaya¶y simpleng kain lang sa labas o pagbili ng tape sa record bar. Tulad ng pakikipagrelasyon ko kay Carmi. Pero maganda talaga ang bruha. Benjie. iba pala kapag nasusuri mo rin pati ang mga reactions mo sa isang problema. patigasan ng titi. The heirs to the thrones of Hilda Koronel and Amalia Funetes o kaya¶y ni Christopher de Leon at Richard Gomez. sino ang pinakahuling sumuka nu¶ng nakaraang inuman? Well. ganoon din. kung may labanan mang magaganap. nagkikita pa rin naman sila paminsan-minsan. Para kasing nu¶ng makita ko silang dalawa. Nag-iinuman kami. . Mahusay makinig itong si Benjie. ang pakiramdam ko. Di ba totoo naman? Na baka mahal pa rin niya talaga si Carmi? Kahit ba mag-iisang taon na silang break. di pa rin niya pansin.mamimi-miss. Noong una¶y naalangan nga ako. Noong una. nanonood ng sine. Kanya-kanyang pagsusuri ng problema at paghaharap ng immediate solutions bago pa man pagpakalunod sa emotions. µno? May sariling ganda yata itong ditse mo. May karapatan naman daw mag-demand si Carmi sa akin dahil siya ang kalahating bahagi ng relasyon. kung kailan kaharap ko na. Hi. ang mga libog ko. Not after Carmi. Naipakilala ko si Camrmi kay Benjie sa mga dates na iyon. Nagtataka nga ako kung bakit pa niya pinalampas itong si Mike. ang mga frustrations ko. napag-uusapan ang tungkol sa mga problemang emosyonal. They¶re such a beautiful couple. pero lagi at lagi lang nagpapaka-objective ang barkada. parang di nabibigyan ng pansin µyang mga emotions-emotions. Parang may laging nakaharang na kutsilyo sa kanyang bibig µpag nagtatanong siya sa akin o kay Mike. Di naman feeling of insecurity dahil ang gusto ko lang. medyo naaalangan ako kay Carmi. Bada daw kasi di ko pa nalalampasan ang nangyari sa akin nang iwan na lamang ako basta-basta nu¶ng una kong syota kaya di ko mabigay ang lahat ng pagmamahal ko kay Carmi. okey. madalas pa rin kaming magkita. Ano? At bakit naman ako mai-insecure. Pero µyun nga. Aba. Kaya patas lang. dahil sa tingin ko¶y mas naging masaya siya mula nang isplitan niya ako. Ni hindi pa nga siya nakikipag-relasyon sa ibang babae after Carmi. di naman kaagad mahahalatang bakla nga itong si Benjie. Bagay na bagay sila ni Mike. Sino ang minakamahusay na mambola ng babae. Kung anumang dahilan ng magkamiss ko sa kanya ay di ko tiyak. Hello. this is Carmi. Kahit tapos na ang ginagawa kong article tungkol sa kanilang project. Kahit may katarayan. sino sa mga waitress sa katapat na beerhouse ng opisina ang nadala na sa motel. e siya itong nakipag-break sa akin. Carmi. Kapag nag-iinuman kami (at dito lang kami madalas magkasama-sama ng barkada). di naman talaga niya matitipuhan si Joana. ano ang problema at ano ang solusyon. mabait naman. paminsan-minsan. makausap sila ng tanghaling iyon at baka sakaling maayos na ang kanilang relationship. kalabisan na ako sa lunch date na pinagsaluhan namin. Di kaya siya na-insecure sa beauty ko? Tingin n¶yo? Naging magkaibigan na nga kami ni Benjie. Sabagay. wa ko feel makipag-compete sa babae. Kay Benjie ko nga lang nasasabi nang buong-buo ang mga bagay na gusto kong gawin. Ito ngang si Joana. e ang kulang nal ang sa kanila ay isang fans club at buo na ang kanilang love team.

Ang dami pa raw niyang gustong gawin sa buhay na parang di niya kayang tuparin. lalo na after office hours at during weekends. Pakiramdam ko kasi. e. Wala rin naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kung bakit. Pero wala namang malisya sa akin iyon. Nagkasunod-sunod ang disappointments ko. Pero unti-unti. Ang dami kong nainom noon sa apartment ni Benjie. baka lumayo siya sa akin. gusto raw niyang mag-abroad. µWag na nating pag-usapan. Nagpatukso naman ako. Manonood ng sine. Baka siya masaktan.. Nagpapalitan rin kami ng tapes at siya ang nagtuturo sa akin ng mga bagong labas na computer programs. Kapag umuwi ako sa Los Baños para umuwi sa amin. For what? Kagabi. Nang nakahiga na kami. thesis para makakuha siya ng scholarshi? Kung kuntento na raw ba ako sa buhay ko? Ang lahat ng iyon ay kayang-kaya kong sagutin para kahit papaano ay machallenge siya na gawin niya kung ano µyung gusto niya at kaya niyang gawin. yumakap ako sa kanya. pero ni minsan. Alam kong nabigla si Benjie sa pagyakap ko sa kanya.So. noong una. Bulong ako ng bulong sa kanyang tulungan niya ako. Ako ang hindi makatingin sa kanya nang diretso kinabukasan. sumasama siya minsan. di na lang tapes at salad o computer programs ang pinagsasaluhan namin. Na-virus µyung diskette ko ng sangkaterbang raw data ang naka-store. gusto daw niyang mag-aral muli. di niya ako ³ginalaw´ (to use the term). Pero di ko rin alam kung ituturing kong kahinaan ang naganap sa amin minsan. Na-biktima ng akyat-bahay µyung kapatid kong taga-Ermita. Madalas kaming lumabas.A. Ni ang sarili kong mga relasyon ay di ko maayos. Tinanong ko nga siya minsan: Don¶t you find me attractive. Kung ano ang gagawin ko. Na nang ginawa niya¶y lalong nagpagaan sa pakiramdam ko. nagpaalam dahil pupunta na raw siya ng States. pero di siya bumibigay. Nakatulog ka ba? Hindi. wala na akong silbi. Di rin naman perpekto itong si Benjie. Sorry. dapat ay sisihin din ako. Matagal bago niya ako sinuklian ng yakap. tinukso kita uli. At tinawagan ako ni Carmi. Kung bakit daw kasi di pa niya matapus-tapos ang kanyang M. Aba. Kung kasalanan man iyon. At ang natatandaan ko. Kahit nga ako¶y nabigla sa bigla kong pagyakap sa kanya. kakain. wala namang masama kung magiging magkaibigan kami. Di ko matapus-tapos µyung article na ginagawa ko tungkol sa open-pit mining sa Baguio dahil nagkasakit ako ng tatnlong araw at naiwan ako ng grupong pumunta sa site para magresearch. . Nasigawan ako nu¶ung office secretary na pinagbintangan kong nagdala ng virus sa aming mga computers. So. mahigpit. Gusto raw niyang makapagsulat ng libro. okey lang. maka µdi niya maintindihan. hinalikan niya ako sa labi bago ako tuluyang makatulog. Maliban na lang sa isang tanong na unti-unti ko nang kinatatakutang sagutin nang totoo: kung mahal pa raw kaya niya ni Carmi? Madalas akong malasing na siya ang kasama. sabi ko. Nasa akin na ang problema kapag nahumaling na naman ako sa lalaki. may kadramahan din sa buhay itong si Mike. ng konting kagaanan ng loob. Pero parang sa pagyakap ko kay Benjie ay nakadama ako ng konting pahinga. Benjie? At bakit? Wala. Na-meet na nga niya ang mother ko. May mga pagkakataong tinutukso ko siya. Ayaw kong lumayo sa akin si Benjie. iimbitahan ko siya sa apartment for beer o kapag may niluto akong espesyal na ulam o kaya¶y nag-prepare ako ng salad.

Isang gabi lang iyon. Ayoko. I admit it. Baka mawala ang respeto niya sa akin. Sa halip na isipin ko na lang kung paano mabuhay nang wala ang nanay ko. Inaamin ko ulit. Ikaw ang bahala. ano naman ang gagawin ko. bakla ako. okay. Di porke bakla. Napaka-dependent ko sa kanya. sabi ko pa. Di sila makapaniwalang bakla si Benjie at may kaibigan akong bakla. ayokong ma-in love. Kahit di ko na iniinda ang pagkawala ng nanay. Ni hindi ko alam ngayon kung magsu-survive ako ng wala siya. Pampadagdag talaga sa mga dalahin kong ito si Mike. Ingat lang daw ako. µYun ngang mga kasama ko sa trabaho. At para ano? Para lang manatili akong malinis sa kanyang paningin? Para lang mapatunayan sa kanyang ako ang baklang ipagduldulan man sa lalaking nasa kalagayang katulad niya. Ewan ko lang. Marami akong gagawin sa office. kung gusto mo pang magkita tayo kinabukasan! Naloka talaga ako nang bigla na lang isyang yumakap sa akin. ateeee. Ang drama. Sorry. May damdamin ako. Pwedeng dito na lang muna ako sa bahay mo? Sure. Higit sa lahat. Kaya mo. Sana nga¶y nandiyan ka pa rin even after one year. Gusto ko siyang tilian at sabihing: tigilan mo ako. Noong una¶y idini-deny ko pa sa sarili ko.Bakit? Binantayan kita. super-macho ang mga iyon. Di ko alam kung alam mo nga ang sinasabi mo. Hanggang kaibigan lang. Pero. iisipin ko pa ngayon kung paano mabuhay ng wala siya. Napatingin ako kay Mike. Di ako pwede. alangan namang ipagtabuyan ko pa. Benjie. Bakit? Iyak ka ng iyak. Oo nga. Mike. E. ay di lang yakap at halik ang gusto kong isukli sa kanya nang gabing iyon. Sigurado naman ako sa sexuality ko. Para akong bakla. At di ako bato para di matukso. Sige. marunong din akong umibig at masaktan. Not without Nanay. Mike. At di rin kahalayan. biglang-bigla ang pagkamatay ni Nanay. Pero ang mga ito ang gusto kong sabihin sa kanya nang gabing iyon. Mag-almusal ka na. Nandito naman ako. Pero sa loob-loob ko. Mike. Never. Labas na lang tayo. Na ano? Baka raw mahawa ako. Okay. Sinasabi ko na nga ba. walang patutunguhang maganda ang pagka-kaibigan namin nitong si Mike. Di ko pa kayang masaktan muli. may libog ako. di ako perpektong tao. Di ka ba papasok? Hindi muna. and it doesn¶t matter kung anong klaseng tao siya. Benjie. sa gitna ng madili na kuwartong kaming dalawa lang ang laman. Sana nga¶y nandito ka pa rin five or ten years after. Take it easy. How can I take it easy. E. ayoko. matatag ka naman. Ayokong sisihin niya ako sa bandang huli. Mamayang gabi na lang tayo lumabas. ano? Lungkot na lungkot na nga µyung tao. Baka masira ang magandang pagkakaibigan namin. okey lang sa kanila nang malaman nilang bakla pala si Benjie. Mahal ko nga si . Marami pang gabi ang naghihintay sa amin. my hero! Sana nga¶y totoo ang sinasabi mo. Kakaibang closeness ang nadama ko kay Benjie mula nung gabing iyon. Gusto ko siyang mahalin. Gusto kong ipadama ang nararamdaman ko para sa kanya. bakit ko idi-deny? Anong masama kung maging close ako sa isang bakla? Kaibigan ko si Benjie. iyakin. Alam mo µyan. Oh.

imbyerna na ako. Hinayaan ko siyang pagsusuntukin ang dibdib ko. Nandito lang naman ako. nandito ako as your friend. Ganyan ako sa kaibigan. Pero dalawa lang naman ang maaari niyang isagot: oo. At alam ko na kung ano ang isasagot niya sa akin kapag ipinagtapat ko sa kanyang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal ko sa kanya ngayon: that we are better off as friends. Alam mo naman ang ibig kong sabihin. Imposibleng mahalin din niya ako ng tulad ng pagmamahal ko sa kanya. suntok. Masakit ang ma-reject. Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. Kaibigan ang turing niya sa akin. Hanggang sa makatulog sa dibdib ko. mahal din niya ako bilang lover. Sana. µPag tumanggi siya. Ay naku daaay. Siguro¶y kapwa kami nabigla sa sinabi ko. Tahimik pa rin si Benjie hanggang sa matapos ang seminar na dinaluhan niya sa Baguio. Ano bang ibig sabihin nito? Well. iyak. Di ko kayang sabihin sa kanya nang harap-harapan. Noon ako naiyak. habang nagbibiyahe kami ay marami na uli akong naikuwento sa kanya. Yakap. I¶ll take care of you.Mike. But don¶t you think that we are better off as friends? (Sabi ko na. Sabi ko na¶t µyun pa rin ang iniisip mo. Nandito naman ako. Ikinuwento . umaasa ako sa imposible. Pero mukhang masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya lately. Naalala ko ang nanay. Hanggang doon lang. Benjie. Bakit. Tumingin sa akin si Benjie. Di masamang umasa. Buong magdamag nagiiyak si Benjie sa kuwarto nang gabing iyon bago ilibing ang nanay niya. bago man lang siya mamatay. bahala na. Mayamaya lang ay nasa Maynila na kami. Lalo na¶t nag-umpisa kayo bilang magkaibigan. Ano kaya ang isasagot ni Mike? But. Open pa rin siya sa akin at mukhang wala namang itinatago. Nai-enroll ko na uli µyung MA thesis ko at papasok na uli ako this semester. Di rin naman nagko-confirm na mahal din niya ako. Sorry sa mga sinabi ko kagabi sa bar. At alam ko namang wala. So what do you expect from me? Ano ba talaga ang gustong palabasin nitong si Mike? Ni hindi nagalit. Wala naman siyang resentment nang sabihin niya sa aking umalis na sa Pilipinas si Carmi. baka di ko makaya. di mo ba naiisip ang ibig sabihin nu¶ng mga sinabi ko sa¶yo? Iniisip ko rin. di magkakaroon ako²at kami²ng pagkakataong palalimin ang aming relasyon. He¶s not gay. does it matter? Hindi na siya uli nagsalita. bago kami makarating ng Maynila. Masakit iyon. Sana raw ay matagpuan ko na ³siya´ agad. Ayain ko kaya siyang maki-share sa aking apartment? µPag pumayag siya. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin. Tiningnan ko sandali si Mike at pagkaraan ay muli kong ibinaling sa may bintana ang aking tingin. Di niya inabutan ang lalaking mamahalin ko at makakasama sa buhay. Di kita pababayaan. Sabi ko na!) But I¶ve gone beyond my limits. Pero sa sarili ko lang inaamin ito. Noong una niyang makilala si Mike. Nasawi ka na sa pag-ibig. Pero. noon lamang siya nagsalita. tinanong niya ako kung si Mike na raw ba? Ang sagot ko¶y hindi ko alam. Tinanong ko siya kung pwede niya akong tulungan sa research dahil µyung thesis ko rin ang balak kong pag-umpisahan ng isinusulat kong libro. Habang sakay ng bus pauwi. masabi ko na sa kanya ang balak ko. Kung may aasahan. ha! Ayoko ng mga guessing game na ganito. Pero ako na naman ang naipit sa sitwasyon. Ang problema na lang ay kung matatanggap kong hanggang sa pagiging magkaibigan na lang talaga ang relasyon namin. Mike. Kung pagdedesisyunin ko siya. guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful friendship. Napatingin rin ako sa kanya. daaay. So what¶s wrong with that? What¶s wrong? Mike. Pero sa sarili ko lang nasabi ang mga ito. Sanay na naman akong nag-iisa..

Kinuha ko ang palad niya at pinisil ko ito. Kung may time raw siya. tinanong ko kung susulatan niya. Kapag hindi. Ayokong mag-away kami dahil sa nararamdaman niya sa akit at nararamdaman ko sa kanya. µYung tungkol doon sa sinabi niya sa akin noong isang gabi. Ang balak ko¶y ganito: tatanungin ko siya kung puwede akong maki-share sa kanyang apartment. Nakatingin sa labas ng bintana si Benjie. Natatakot akong magbigay ng anumang reaksyon sa kanya. does it matter? . Ayokong mawala si Benjie sa akin. baka mai-misinterpret niya ako. we¶ll still be friends. Sabi ko¶y sure this coming weekend. though. pinag-iisipan ko naman talaga nang malalim. Alam kong nahihirapan siya. Kung bakla rin ako? Hindi ako sigurado. µPag pumayag siya. Tumawag nga rin daw sa kanya at ibinigay ang address sa States para daw sulatan niya. Kung gusto ko siyang makasama nang matagalan. Napakahalaga niya sa akin para mawala. di mas mapag-aaralan ko talaga ang gusto ko²at namin²na mangyari sa aming relasyon. Mabilis ang takbo ng bus sa North Diversion Road. But. Kung mahal ko rin siya.ko ring umalis na si Carmi at kasama ako sa mga naghatid. One thing is sure. Inaya niya akong umuwi ng Los Baños para dalawin ang puntod ng nanay niya. Di ako na-offend pero di rin naman ako sure kung gusto ko nga ulit marinig sa kanyang mahal niya ako.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->