FILIPINO: ISANG DEPINISYON Ano ka? Ha? Ano ako? Ano siya? Sinong siya?

Sabi nila’y Pilipino Ugat natin ay silangan Anak-dagat ang ninunong hatid ditto ng barangay Galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala May samahan at ibigan, maayos at payapa May sariling wika Tayo raw ito (3x) Walang abog Hinamak, inapi, hinamig Siniil ang laya, kinamkam ang yaman KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS Gapusing mahigpit ang mga Tagalog Makinahi’t ibiting parang isang hayop Hinain sa sikad, kulata at suntok, Ito baga, Ina, ang iyong pag-irog FILIPINO SAAN PATUNGO Pasakit daluyong.. pighati at pagdurusa Ang tumimo sa puso’t kaluluwa Gumagapos sumakwal, himigpitkumitil Sa pintig ko’t hininga Walang nagawa kundi ang magtiis Magtiis-magdusa, magdusa’t magpigil Magdusa’t magkimkim sa mga hilahil

Sa hapding sa puso’y sumikil At naging alipin ang bayan kong irog Ito tayo Pilipino Masawa na ang sampangkat, malipol man ang santribu Huwag lamang tayo Huwag lamang ako Pagkat tayo’y ito Mga Pilipino

Ninuno natin ay silanganin Ninuno natin ay kayumanggi Ninuno natin ay malayo Sa balat at sa anyo Ay di mapagkakamalang Tayo’y mga katutubo Ilokano, Kapampangan, Bikolano, Pangasinan, Cebuano, Waray, Ilonggo, Muslim Ang Tagalog ay Tagalog Kundi rin lang itong akin Mabuti pa ang sa dayo Ito tayo Pilipino Isang lahing maaako, tayu-tayo Sa aking mga kilos, iniisip, ginagawa, Ginagawa, paniniwala, pagnanasa, adhika Ito tayo Pilipino (10x) Isang bansang hindi dayo Isang lahi’t bansang Pilipinung-Pilipino Masasabing taas-noo Ikaw, siya saka ako’y Mga bagong Pilipino