You are on page 1of 5

Republic of the Philippines Department of Education DR. CARIDAD C. LABE EDUCATION CENTREX (CCL CentrEx) Inc. Osmea St.

, Gun-ob, Lapu-Lapu City Lagumang Pagsusulit para sa Ikaapat na Filipino Pangngalan: _________________________________ Petsa: ________ Iskor:_______ Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat lamang ang titik ng sagot.

Ang Aming Barangay Ako ay nakatira sa Barangay Dapdap. Ang aming barangay ay isang malinis at maayos na komunidad na malapit sa dagat. Maraming mga turista ang dumadayo sa aming lugar upang lumangoy at kumain sa mga restawran na nagluluto ng sariwang lamang dagat. Masarap na, mura pa. Kaya naman, pinapanatili namin ang kalinisan ng aming barangay. Kahit ang mga bata ay natutong maglinis ng bakuran. Nag-aalaga rin kami ng magagandang bulaklak sa gilid ng kalsada upang lalong gumanda ang aming lugar.

1. Anong klaseng komunidad ang Barangay Dapdap? A. Ang Barangay Dapdap ay komunidad na malapit sa dagat. B. Ang Barangay Dapdap ay komunidad sa isang kapatagan. C. Malapit ang barangay na ito sa isang bulkan. 2. Bakit maraming turistang dumadayo sa barangay na ito? A. Maraming turista ang lumalangoy sa dagat. B. Masarap at mura ang mga lamang-dagat sa kanilang mga restawran. C. Parehong a at b. 3. Paano ipinapakita ng mga bata ang kanilang pagtulong sa kanilang komunidad? A. Ang mga bata ay nagtanim ng mga bulaklak sa gilid ng kalsada. B. Ang mga bata ay tumutulong na maglinis ng tabing dagat. C. Nagtinda ng mga isda ang mga bata sa restawran. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang tamang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 4. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit ang mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal. Diniligan niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala. Kailangang mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya nang maaga dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera. Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________. A. B. C. D. Hiramin ang kotse ng kanyang ama. Humingi ng pera sa kanyang ina. Ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada. Isama ang kanyang ina.

5. Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa bandang ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang address na kanyang nabasa. Naisip ni Ace na __________________________________________. A. B. C. D. Bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi. Ibigay sa driver ang pakete. Ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete Ipahinto ang taksi sa malapit na police station.

6. Marami akong lupa sa Bulacan. Sampung hektarya na ang naipagbili ko. Iyong limang hektarya ng lupa ko sa Cavite ay sa susunod na linggo ko ibebenta. Nais ng nagsasalaysay na siya ay ______________. A. B. C. D. makapagyabang. makilala sa lipunan. makipagkaibigan. makitang naghihirap ang kanyang kausap.

7. Lahat ng mga clippings ukol sa kalusugan at negosyo ay tinitipon ko at maayos kong itinatago sa isang malaking envelope. Minamarkahan ko ang mga iyon para madaling mahanap kung kakailanganin ko. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay para malaman ng kanyang kausap na siyay ___________________. A. B. C. D. maasikaso. malinis. maraming trabaho. organisado.

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay o damdamin. 8. Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa isang tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni Francel ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain. A. B. C. D. Hindi na ako mauulit pang kumain dito. Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito. Parang kulang sa asim ang sinigang. Parang minadali ang pagkakasaing.

9. Walang pasok si Algerou, araw kasi ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama, nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD ngunit kabilinbilinan ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag-text si Michael kay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni Algerou? A. B. C. D. Baka talagang sira ang component ninyo. Isoli mo. Gusto mo, samahan kita? Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh. Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili.

10. Ngayong Lunes, Nobyembre 29 ay idineklarang non-working holiday ng Malacanang. Ang paliwanag ng palasyo, ang Nobyembre 30 na Araw ni Bonifacio at Pambansang Araw ng mga Bayani na siyang tunay na pista opisyal ay natapat ng Martes. Ipit ang Lunes sa Linggo na walang pasok. A. B. C. D. Sayang, wala akong sahod sa araw na walang pasok. Wala na tayong magagawa kung may pagbabagong ginawa ang Malacanang. Mabuti at kinikilala ng Pilipinas ang kabayanihan ni Bonifacio at ng mga bayani ng ating bansa. Magulo ang magkasabay na selebrasyon ng Araw ni Bonifacio at Pambansang Araw ng mga Bayani.

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap upang matukoy ang angkop na panghalip panao sa may patlang na dapat ihalili sa mga pangngalang may salungguhit. Piliin lamang ang tamang titik. 11. Napanood nina Kim, Joan, at Ana ang piloto sa telebisyon at ________ ay humanga. A. kami B. namin C. sila D. tayo 12. Tinanong nga nila ako at si Allan kung humahanga rin ________ sa babaeng piloto na ito. A. kami B. natin C. namin D. sila 13. Tumango ako pero umiling si Allan. Hindi raw ________ masyadong bilib. A. ako B. ikaw C. sila D. siya 14. Bilang sumimangot si Kim. Hindi ________ nagustuhan ang sinabi ni Allan. A. ko B. namin C. niya D. siya Panuto: Kumpletuhin ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng panghalip pananong sa mga patlang. A. Ano C. Anu-ano B. Ilan D. Saan 15. Tanong: ________ kayong magkakaklase? Sagot: Tatlumpu kaming lahat sa aming klase. 16. Tanong: ________ ang mga inaaral niyo sa inyong klase? Sagot: Marami kaming pinag-aaralan. Ilan lang dito ang pagsulat, pagbasa, at pagbilang. 17. Tanong: ________ kaya ako makakabisita sa paaralan niyo? Sagot: Maaari ka namang bumisita kapag Biyernes. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang mga sumusunod kung ito ay ________. A. Magkasingkahulugan B. Magkasalungat C. Hindi magkatugma 18. Makitid ang eskinita papasok ng bahay nila Nilo. Masyadong masikip ito para sa kotse namin. 19. Namamalimos ang bata sa lansangan. Nagbibigay ka ba sa kanila ng barya?

Panuto: (SANHI AT BUNGA) Piliin ang tamang sanhi para sa mga inilahad na bunga. 20. Walang kaagaw si Aries sa atensyong ng kanyang mga magulang A. dahil nag-iisa pa siyang anak. B. pagkat binabantayan nila ang anak na masasakitin. C. dahil hinihiling niya sa Diyos na pagalingin na ang kanyang kapatid. D. pagkat sinisira nito ang proyekto niya at dahil na rin sa itinatagong galit niya rito. 21. Lumuhod si Aries at taimtim na nagdasal A. dahil nag-iisa pa siyang anak. B. pagkat binabantayan nila ang anak na masasakitin. C. dahil hinihiling niya sa Diyos na pagalingin na ang kanyang kapatid. D. pagkat sinisira nito ang proyekto niya at dahil na rin sa itinatagong galit niya rito. 22. Laging nasa ospital ang mga magulang ni Aries A. dahil nag-iisa pa siyang anak. B. pagkat binabantayan nila ang anak na masasakitin. C. dahil hinihiling niya sa Diyos na pagalingin na ang kanyang kapatid. D. pagkat sinisira nito ang proyekto niya at dahil na rin sa itinatagong galit niya rito. Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Pagkatapos, isagawa ang mga panuto na nasa ibaba ng talata. Ang bundok ng Arayat at ang Dam ng Pantabangan ay kapawa matatagpuan sa makasaysayang Rehiyon III o Gitnang Luzon. Ang Rehiyon III ay nagtataglay ng malawak na kapatagang napaliligiran ng mga bulubundukin ng Caraballo sa hilaga at Sierra Madre sa silangan, Dagat Timog Tsina sa kanluran, at Look ng Maynila sa timog. Ito ay binubuo ng anim na lalawigan. Isa rito ang Nueva Ecija na katatagpuan ng Dam ng Pantabangan na nagsisislbing patubig sa malalawak na bukirin at pinanggalingan din ng kuryente sa Gitnang Luzon na sinasabi sa ating alamat na binuo at inihandog ni Minggan kay Mariang Sinukuan. Kabilang din ditto ang Pampanga kung saan matatagpuan ang Bundok ng Arayat na sinsabing tahanan ni Mariang Sinukuan. Kabilang din ditto ang Pampanga kung saan matatagpuan ang Bundok ng Arayat na sinasabing tahanan ni Mariang Sinukuan. Bahagi rin ng Rehiyon III ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Tarlac, at Bulacan. Marami ring magaganda at makasaysayang lugar sa rehiyong ito na kinabibilangan ng Kweba ng Biakna-Bato at Simbahan ng Barasoain sa Bulacan at ang Dambana ng Kagitingan sa Bataan. Dahil sa malalawak na taniman sa Gitnang Luzon kaya ito tinawag na Kamalig ng Palay o Rice Granary of the Philippines. Dito rin nanggagaling ang iba pang produktong agrikultural. Mayaman din ito sa mga pagkaingdagat dahil sa mga karagatang nakapaligid sa ilang lalawigan dito. Halinat pasyalan natin ang maunlad na rehiyon ni Mariang Sinukuan, ang Gitnang Luzon! Panuto: Ipagpalagay nating isa kang turistang nagbabalak dumalaw sa Gitnang Luzon. Pagkatapos mong mabasa ang tala sa itaas, bumuo ka ng mga katanungang gamit ang mga panghalip pananong upang maging mas matagumpay ang iyong paglalakbay. Isulat ito sa nakahiwalay na papel. 23. Ano ______________________________________________________________? 24. Sino ______________________________________________________________? 25. Kailan _____________________________________________________________? 26. Saan ______________________________________________________________? 27. Ilan _______________________________________________________________?

Panuto: (KAILANAN AT PANAUHAN NG PANGHALIP) Isulat sa loob ng tamang kahon ang bawat panghalip panao. Pagkatapos ay gamitin ang limang panghalip upang gumwa ng sariling pangungusap. Isulat ito sa nakahiwalay na papel. Ako ka sila PANAUHAN Taong nagsasalita Taong kausap Taong pinag-uusapan 28. 29. 30. Isahan 31. 32. 33. amin kata kanya Dalawahan 34. 35. 36. inyo kita

Maramihan

37. ____________________________________________________________________ 38._____________________________________________________________________ 39._____________________________________________________________________


40. _____________________________________________________________________

You might also like