You are on page 1of 4

EKSPOSITORI (EKSPLIKESYON) Ang tekstong expositori (ekplikasyon) ay naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang abstrak na konsep

p na nasa isip ng tao na inuugnay sa isang tiyak na termino HALIBAWA: Dumarami na ang mga batang kulang sa nutrisyon dahil ito sa kahirapan na marami sa atin ngayon ang dumaranas ngunit ano nga ba ang dapat nating gawin sa ganitong konsepto ?Ang paghirap ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang pagdidisisyon at ginagawa kaya naman may mga taong mabilis na tumatas at bumabababa dahil sa kanila ring mga ginagawa ito ang mga resulta ng kanilang pagpapabaya o pagpupunyagi. BY:CLAUDINE SELGA II CHERRY OF INHS B. Ang tekstong ekspositori ay tekstong may layon na magbigay ng impormasyon ukol sa sanhi at bunga.Ito ay napapaliwanag ng mahahalagang impormasyon sa teksto.Ito ay kadalasang walang pinapanigan. Ang tae ay mabaho hindi mabango. Ang tekstong ekspositori(o paglalahad) ay isang uri ng panulat na ang layon ay magbigay ng paliwanag at impormasyon sa mga mambabasa. Maaring ang ipinaliliwanag nito ay konsepto,pangyayari,proseso o kahulugan. Maari ring paghabingin. Maari ring ipaliwanag nito ang mga sanhi at bunga ng isang problema,pangyayari o kundisyon. Makikita ang ganitong uri ng panulat sa mga aklat at sa mga magasin.

Another Answer: === ANG TEKSTONG EKSPOSITORI o paglalahad ay isang uri ng panulat na nagbibigay ng paliwanag at impormasyon sa mga mambabasa. Maaaring ang ipinaliliwanag nito ay mga sanhi at bunga ng isang problema, pangyayari, o kondisyon. Kapag ang tekstong ekspositori ay nagpapaliwanag ng mga sanhi at bunga, maaari rin itong tawaging TEKSTONG SANHI AT BUNGA. ===

Another Answer: Kadalasan, obdyektib ang tekstong expositori dahil wala itong pinapanigan at sadyang hindi ito lumilikha ng negatibo o positibong damdamin sa mambabasa. Ang tono nito ay maaaring niyutral, pormal, seryoso, di seryoso, o impormal. Karamihan ng nakikita sa mga pahayagan, ensayklopedya, at iba pang mga aklat ay impormatib. Minsan, kahit sa tekstong ekspositori, lumilitaw din ang damdamin ng may-akda. Sa ikalawang tekstong lunsaran, halimbawa, litaw na litaw ang bayas ng may-akda laban sa pag-inom ng alak.

HULWARAN AT ORGANINSASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI Iba-iba ang hulwaran ng organisasyon kung pag-uusapan ang tekstong ekspositori Ang tekstong ekspositori ay naglalahad o nagpapaliwanag ng mga kaalaman tungkol sa anumang paksa. Ang manunulat ng tekstong ekspositori ay dapat na marunong magsuri at kritikal sa kanyang lipunang ginagalawan.

Katangian ng Tekstong Ekspositori A. Objective na pagtalakay sa paksa B. May sapat na mga kaalaman na inilahad C. Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya o kaisipan D. Analytical ang pagsusuri ng mga kaisipan Ang mga sumusunod ay hulwaran at organisasyon ng tekstong ekspositori Depinisyon Pag-iisa-isa o enumerasyon Pagsusunud-sunod Paghahambing at pagkokontrast

Problema at solusyon Sanhi at bunga

Ang Depenisyon Pagbibigay ng kahulugan sa di pamilyar na salita. Karaniwan ay may 3 bahagi ang pagbibigay ng kahulugan: ang termino, ang uri na kinabibilangan at natatanging katangian nito o kung papaano ito naiiba sa iba. Pwedeng gamitin ang synonym, intensive at extensive na pagpapakahulugan. Intensive pagsunod sa 3 bahagi Extensive patalatang pagpapaliwanag (Pagsasanay, tingnan sa pahina 10-12 ng sanayang aklat)

Ang pag-iisa-isa o enumerasyon May 2 uri: simple at komplikado Ang simple ay karaniwang pag-iisa-isa sa mga kaisipan o mga bagay kaugnay sa paksa Ang komplikado ay patalatang paraan at tinatalakay na magkakahiwalay ang mga bagay na iniisa-isa (tingnan sa pahina 13-14) (pagsasanay, tingnan sa pahina 14)

Ang pagsusunud-sunod o order Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari at kaisipan. May 2 batayang uri: Sikwensyal at kronologikal, procedural (pagsasanay sa pahina 16-18)

Ang paghahambing at pagkokontrast May 2 hulwaran: halinhinan(alternating), at ang isahan(block) Tingnan sa pahina 20-21 ang larawan at halimbawa

Problema at solusyon Pagtalakay sa suliranin at pagbibigay ng solusyon ang pokus ng hulwarang ito. Sulating teknikal at scientific madalas itong gamitin. Ang problema ay maaaring panlipuna o pang-agham Halimbawa sa pahina 22-23

Ang sanhi at bunga Tinatalakay ang mga kadahilanan at epekto ng mga bagay at pangyayari. Tingnan ang mga halimbawa sa pahina 23-24

Ang textong Informativ ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na may pinagbabatayan. Ang pagkilala sa tiyak na kakayahan ng isang texto ay nakabatay sa nilalaman nito sa layonng sumulat, at paraan ng pagkasulat. Ang textong Informativ ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na kaalaman, bagay at pangyayari, karamihan itong tumutugon sa Ano, Sino, Paano. Ang textong informativ ay paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong naghahatid kabatiran sa mga mambabasa upang makapagbigay leksyon at pangkalahatang impormasyon sa paksang bahagi at magiging bahagi ng kanilang karanasan. Malaman sa diwa at napapanahong kaisipan ang ganitong uri ng texto.

Halimbawa: Ang tubig ay napaka importante sa tao, hayop, at halaman. Ang katawan ng tao ay gawa sa mas madaming tubig kaysa ibang material tulad ng orgaon. Kaya kung walang tubig ay matutuyo tayo, ito ay itinatawag naDehidration. Ang Dehidration ay isang maikling sakit kung saan tayo nawawalan ng tubig sa katawan. Tinawag itong maikling sakit dahil sa ito'y madaling malunasan (sa laging paginom ng tubig) ngunit kalimitan rin ito na sakit ng mga tao at masama pa nito, ito'y nakamamatay. Ito ay halimbawa ng tekstong Informative, kailangan nito ang detalye at masusing pananaliksik, upang tama ang ipinapaalam sa mga mangbabasa.

Ekspositori - Ito ay naglalahad ng malinaw na impormasyon na nais ipabatid sa mga tao.:)


Ang isang tekstong Informative ay naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon Ang tekstong ekspositori(o paglalahad) ay isang uri ng panulat na ang layon ay magbigay ng paliwanag at impormasyon sa mga mambabasa. Maaring ang ipinaliliwanag nito ay konsepto,pangyayari,proseso o kahulugan. Maari ring paghabingin. Maari ring ipaliwanag nito ang mga sanhi at bunga ng isang problema,pangyayari o kundisyon. Makikita ang ganitong uri ng panulat sa mga aklat at sa mga magasin. Tekstong Ekspositori o Impormatib: Kahalagan ng Agham Ang Science ay may kahalagahan sa kabataan at ito ay napupulot sa mga at Museum katulad ng Science Entertainment. Ito ay nag-bibigay saya sa maraming tao. Ito ay nagbibigay ng kaalaman sa maraming tao tungkol sa Agham. Ito ay diwa ng kaalaman. Nagbiibigay saya Marami ring itong kahalagahan sa kabataan. Sa pamamagitan nito maraming kabataan ang magigiliw sa agham. Sa mga aklat mabibigay natin ang lhat ng impormasyon. Nasaksihan natin ang parte ng ating katawan. Ito nakakatulong sa pang araw-araw nating pamumuhay. Maraming mga programang pang edukasyon tulad ng Sineskwela. Maraming matututuhan tungkol sa picture motion at cartooning. Sa picture motion marami kang magagawa tulad pagpapalipad ng iyong sarili at pagpapasayaw ng mga pictures. Sa cartooning ay marami kag magagawa tulad ng pag-iiba ng boses ng isang character at pagpapagalay ng isang character. Merong iba't-ibang gadyet tulad ng gravity mirror , ito ay ginagamit noong unang panahon sa pagawa ng pelikula. Meron ding plasma ball, ito ay isang representasyon sa pag flow ng elekticity sa isang insulator. Merong Sound drum, ito ay mga drums na may iba't-ibang tunog dahil magkakaiba sila ng volume. Sa kabuuan mahalaga at nakakatuwa ang agham dahil ito ay nakakapag papagihawa at hinuhubog ang kaisipan ng isang tao.

Informative- uri ng teksto na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ito ay nagpapabatid nagbibigay ng kaalaman.uri ng teksto na naglalahad ng mahahalagang impormasyong,kaalaman at kabatran. Eksposisyon- ay tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto,mga iniisip at mga palagay sa sariling pananaw sa tekstong eksposisyon na kung saan ay naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto.mga iniisp at mga palagay sa pansariling pananaw ay mahalag ding mapahalagahan ang paggamit ng mga pares minimal .ito ang tunog na nakapagbabago ng kahulugan.

http://www.bse.ph/download/EASE%20MODULES/FILIPINO/FIL%201/modyul%202.pdf

You might also like