You are on page 1of 3

GAPO Buod Si Michael Taylor Jr.

ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar na nagngangalang freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores, ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali. Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang

masalapi. At nagkarelasyon sila ni Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard Halloway. Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pangaapi sa kanya ng mga sundalong amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si Modesto.

Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio ay binugbog rin. Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve hanggang sa nabuntis siya nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos. Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto sa mga amerikano. Naulit na naman ang paglilinlang ng

mga sundalong amerikano kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na ikinamatay ni Steve. Nakulong si Michael.

Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Michael sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang pagpapangalan ng anak niya kay Michael. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng rehas.

You might also like