You are on page 1of 17

I. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli 1. Pagbagsak ng Espanya bilang mananakop. 1.

1 Bakit mahalagang mabatid na may kaugnayan sa pagbagsak ng Espanya bilang isang kolonisador sa pag-aaral ng kasaysayan ng Noli? p Mahalagang mabatid natin ito, dahil ang Noli ang tungkol sa mga kalupitan ng mga Kastila sa mga Pilipino. Noong nabasa ng mga Plipino ang nobelang Noli, namulat ang kanilang isipan at nagsagawa sila ng paghihimagsik laban sa mga Espanyol.

1.2

Ano ang Gallon Trade? p Ang kalakalang Galyon ay isang pampamahalaang monopoly dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamahalaan noon.

1.3

Ano ang kaugnayan ng Galyon sa pagiging makapangyarihan ng Espanya? p Ang Galyon ang nagging daan upang tumaas ang kita ng pamahalaan, sapagkat nakipag-ugnayan sila sa ibat ibang bansa at dahil na rin sa pagmamalabis ng mga opisyal para yumaman. Galyon sa pagbagsak ng Espanya bilang

1.4

Ano ang kaugnayan ng makapangyarihang bansa? p

Ang Galyon ay itinatag ng Espanya, dahil sa hindi pagbabayad ng utang sa Obras Pias at dahil maraming Galyon ang Lumubog sa karagatan, nalugi ang pamahalaan at bumagsak ang Espanya.

1.5

Ano ang naging epekto ng paghihiwalay ng isang nasasakop ng Espanya sa kamulatan ni Rizal bilang manunulat ng Noli? p Dahil sa mga isinulat ni Rizal na mga nobela, namulat ang mga Pilipino sa mga kalapastanganan at kasinungalingan ng mga Kastila.

1.6

May impluwensya ba ang pagkakaroon ng hindi matatag na pamahalaan sa Espanya sa pagkasulat ng Noli? p Meron, sapagkat dahil sa hindi matatag na pamahalaan, isinulat ni Rizal ang Noli dahil hindi na niya matiis ang mga pagmamaliit, panlalait at hindi pantay na pagtingin sa mga Pilipino ng mga Kastila.

2.

Abuso ng mga Prayle. 2.1 Ano ang pangunahing pinagmulan ng kapangyarihang taglay ng mga prayle noong panahon ng Kastila?

Nagmula ang kanilang kapangyariahan sa kanilang ispiritwal na katungkulan.

2.2

Paanong nagkaroon ng malalawak na lupain ang mga prayle sa Pilipinas? p Bago dumating ang mga kastila, walang nagpapatunay na pagmamay-ari ng mga katutubo ang lupain dito sa Pilipinas. Kayat inilagay sa kamay ng mga prayle ang pamamahala sa napabayaang malawak na lupain.

2.3

Ano ang sinasabing Greek Formation? p Ang Greek formation ay isang estratehiyang ginagamit ng mga Griyego sa pakikipagdigma.

2.4

Ang impluwensya ng mga abuso ng mga prayle sa panulat ng isang manunulat? p Binibuksan nito ang puso at isipan ng manunulat. Dahil dito, inihahayag nila ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsulat ng isang nobela, sanaysay, o pagsulat sa diyaryo.

3.

Pagsibol ng kaisipang Libertaryanismo 3.1 Himagsikan sa Pransya p Ang Pransya ay isang monarkiya. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng mga hari at reyna. Ang naisagawang himagsikan ay maihahalintulad rin sa Pilipinas. Ang gobyerno ay nagpapakasarap sa magagandang natatamo, samantalang ang mga Pilipino ay naghihirap sa mga pasakit na idinulot ng mga Kastila.

3.2

Pagsibol ng kaisipang Libertar, Equalidad, Praternidad p Iisa ang naging sigaw ng mga mamamayan sa Pransya noong panahong iyon. Ito ay ang Lahat ng tao sa Pransya ay pantay-pantay, dito sumilang ang prinsipyo ng EQUALIDAD. Ang simulang ito ang higit na nagtulak sa mga maralita na mag-aklas. Sanhi ng kanilang mithiin ay umiral ang FRATERNIDAD. Ang simulain na LIBERTAD ang nagtulak sa kanila upang makabangon.

3.3

Pagbukas ng Suez Canal p Sanhi ng pagbukas ng Suez Canal, posible ng makarating nang mabilis sa bansa ang pagbabagong naganap sa Europa.

4.

Impluwensya ng pangkabataang karanasan

4.1

Sa Aking Mga Kababata p Sa tulang Sa Aking Mga Kababata ay malinaw na masasalamin ang ibayong pagmamahal ng batang si Rizal. Hinangad niya na magkaroon ng pagkakaisa. Pagkakaisang matatamo lamang kung ang bawat isang Pilipino ay matututong magmahal sa kanyang sariling wika.

4.2

Ang Alamat Tungkol Sa Tsinelas p Masasalamin natinsa sanaysay na ito ang pagmamahal ng batang si Rizal sa kanyang mga kababayan. Habang siya ay namamangka, nahulog ang kanyang isang tsinelas. Sa halip na umiyak, itinapon niya ang isa pa niyang tsinelas. Sapagkat naisip niya na kung may makakapulot man sa isang piraso ng kanyang tsinelas ay hindi niya ito magagamit, kaya minabuti na lamang niya na itapon na rin ang isa pang piraso ng kanyang tsinelas para ito ay magamit ng nakapulot.

4.3

Ang Sanaysay Tungkol Sa Batang Gamu-gamo p Ang batang gamu-gamo ay isang larawan ng kabataang Pilipino na nagtataglay ng laman ng pansariling kaisipan. Magpasya ng ayon sa kanyang sariling kagustuhan. Huwag matakot suungin ang ano mang kapahamakan.

II. Istruktura ng Nobela 1. Paraang ng Paglalahad 1.1 Unang Anda- Umalis ang bayani at muling nagbalik sa kanyang bayan. p Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra  Ang bayani ay si Crisostoma Ibarra. Pinag-aral siya ng kanyang ama sa Europa at muling nagbalik sa Pilipinas matapos ng pitong taon.

1.2

Ikalawang Anda- Nagkaroong ng kasintahang diwata ang bayani. p Kabanata 5: Mga Pangitain Sa Karimlan  Ang diwata ay si Maria Clara. Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra.

1.3

Ikatlong Anda- Nagtungo ang bayani sa bayan ng diwata. p Kabanata 7: Pag-uulayaw Sa Isang Asotea  Si Ibarra ay dumalaw sa bahay nina Maria Clara upang siya ay Makita at makausap.

1.4

Ikaapat na Anda- Natuklasan ng kamag-anak ng Diwata ang pag-iibigan ng diwata at ng bayani. p Kabanata 7: Pag-uulayaw Sa Isang Asotea  Ang pagmamahalan ng magkasintahan ay natuklasan ng kanilang mga kamag-anak, kayat napagkasunduan ng dalawang pamilya na ipakasal sa tamang edad ang dalawang magkasintahan.

1.5

Ikalimang Anda- Gumawa ng paraan ang kamag-anak ng diwata para sirain ang pag-iibigan ng diwata at bayani. p Kabanata 43: Mga Balak  Dahil sa pagiging excomulgado ni Ibarra, nasira ang kasaunduang ipakasal siya kay Maria Clara sapagkat nais ni Padre Damaso na kay Alfonso Linares ipakasal si Maria.

1.6

Ikaanim na Anda- Nagsimula ang pakikipagsapalaran ng bayani. p Kabanata 54: Quidquid Latet, Adparebit

 1.7

Hinarap ni Ibarra lahat ng pagsubok upang mapatunayan na wala siyang sala.

Ikapitong Anda- Nagapi ang bayani. p Kabanata 55: Ang Kaguluhan  Nawala man ang pagka-excomulgado ni Ibarra, nabilanggo pa rin siya dahil napagbintangan siyang namuno sa pagsalakay sa kwartel at kumbento.

2.

Pakikipagkapwa Teksto ng Noli Ang Noli Me Tangere ay hango sa librong Uncle Toms Cabin. Ang dalawang librong ito ay nagpapahiwatig ng diskriminasyon. Ang Uncle Toms Cabin ay diskriminasyon sa pagitan ng mga puti at mga itim. Ang Noli Me Tangere ay diskriminasyon sa mga Pilipino ng mga Kastila. Ang Uncle Toms Cabin ang nagging inspirasyon ni Rizal upang isulat ang Noli Me Tangere.

3.

Dalawang Oposisyon ng Noli May dalawang oposisyon ang Noli, ito ay ang masama at mabuti. Ang mabuti ay sina Elias at Ibarra na naghahangad ng katarungan, kalayaan, at pagbabago. Ang masama ay sina Padre Salvi at Damaso at iba pang mga kontra-bida, na ginamit ang kanilang kapangyarihan sa masama para makuha ang kanilang gusto. Wala silang mga ginawa kundi laitin, alilain, at pahirapan ang mga Pilipino.

4.

Pagpapaliguy-ligoy Ang Noli ay isang mahabang nobela na naglalahad ukol sa pang-aabuso o kalupitan ng mga prayle. Kaya ito ay marami ding paligoy-ligoy tulad ng mga kabanata sa Noli na nagpapakilala ng mga tauhan. Ang ilan sa mga ito ay ang kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra, kabanata 6: Si Kapitan Tiyago, kabanata 14: Si Tasyo: Ang Baliw o Ang Pilosopo, kabanata 16 Si Sisa, kabanata 17: Si Basilio, kabanata 39: Si Donya Consolacion. Ang mga kabanatang nabanggit ay ilan sa mga pagpapaliguy-ligoy ng Noli. Isa pa sa pagpapaliguy-ligoy ng Noli ay ang ilang pagpapakilala ng mga tagpuan ng nasabing nobela.

III. Pagkapanitikan ng Noli 1. Masining na paglalahad Ang Noli Me Tangere ay ang pinakamaimplluwensyang akda sa panahon ng mga kastila sa kasaysayan ng PIlipinas. Nagtataglay ito ng mga makatotohanang pangyayari na gumising sa mga mamamayang Pilipino gaya ng kawalan ng katarungan at pangaalipin ng mga mananakop. Ang ganitong kaisipan ni Rizal ang siyang nagbigay buhay sa nobelang Noli Me Tangere na siyang gumigising sa natutulog na maalab na damdamin ng mga Pilipinong alipin ng mga Kastila. Ang pagkapanitikan ng Noli ang siyang nag-alis sa makara ng pagbabanal-banalan sa pamamgitan ng relihiyong ginagawang kublihan ng mga pari. Ang pamagat na Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay Huwag Mo Akong Salingin na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Ang nobelang Noli bilang akda ng panitikan ay punung-puno ng asal na talaga naming tumatak sa isipan.

IV. Ironiya ng Noli 1. Crisostomo Ibarra Matalino, maginoo, mabait, mapagmahal sa kapwa, at mayaman. 2. Maria Clara Mahinhin, maganda, habuling ng mga lalaki ngunit ang tanging gusto ay si Crisostomo Ibarra ngunit nagpakasal siya kay Alfonso Linares. 3. Padre Damaso Paring sanay nagtataglay ng mga ugaling mabubuti at hindi gumagawa ng kasalanan. 4. Sisa Nabaliw dahil sa paghahanap ng kanyang mga anak, masipag, at isang ulirang ina ngunit ang kanyang asawa ay walang ginawa kundi asikasuhin ang kanyang mga bisyo. 5. Kapitan Tiyago Pinaka-magilas na ginoo, matulungin, mabait, at mayaman ngunit sunud-sunuran kay Padre Damaso.

V. Banghay ng Noli 1. Simula Sa simula ay nagkaroon ng isang pagtitipon sa tahanan ni Kapitan Tiyago na siya namang dinaluhan ng mga matatas na uri ng mga tao. Sa pagtitipong iyon, ipinikilala ni Kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra sa mga panauhin. Habang nagbabalik tanaw si Ibarra sa San Diego, muli niya nasilayan ang kagandahan ni Maria Clara. Sa isang asotea, muli silang nagkausap at sinariwa nila ang kanilang pagmamahalan. 2. Tumitinding Galaw Sa pananghaliang handog ni Ibarra, hindi niya napigilan ang kanyang sarili at sinunggaban niya si Padre Damaso. Sapagkat pati ang alaala ng kanyang Ama ay nilapastangan na ng pari. Sasaksakin n sana ni Ibarra ang prayle ngunit, napigilan siya ni Maria. Pati sa sermon ni Padre Damaso ay pinaringgan niya si Ibarra. 3. Kasukdulan Dahil sa ginawa ni Ibarra kay Padre Damaso, naging excomulgado si Ibarra at nasira ang kasunduang ipakasal siya kay Maria. Sa pagtakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias, nagkipagkita siya kay Maria at sila ay nag-usap. Sinabi niya kay Maria na ipinahamak niya ito dahil sa pagbigay ng kanyang natatanging sulat kay Maria bago umalis patungong Europa. Ipinaliwanag ng dalaga ang totoong nangyari, sinabi niya na ibinigay niya ang sulat dahil sa pagbabanta kapalit ng sulat ng kanyang Ina na nahanap ni Padre Salvi sa kumbento. Pagkatapos mag-usap nina Ibarra at Maria, sumakay na si Ibarra sa bangka dahil balak niyang lumayo sa bayan. Naabutan sila ni Elias ng mga gwardiya sibil at pinagbabaril. Lumusong sa tubig si Elias upang siya na lamang ang habuling ng mga gwardiya sibil. Natamaan siya sa kanyang balikat at samantalang si Ibarra ay nakaligtas. 4. Wakas Nabasa ni Maria sa diyaryo ang napapabalitang patay ni si Ibarra. Kaya naman, hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa kumbento upang magmongha. Napilitan ang pari sapagkat ang sabi ng dalaga ay magpapakamatay siya pagka hindi pumayag ang pari. Ang mga nabasa ni Maria ay walang katotohanan. Si Ibarra ay buhay pa. samantalang si Elias ay napadpad sa kagubatan ng mga Ibarra. Bago siya nalagutan ng hininga, nagwika muna siya na sanay huwag makalimot sa mahal nilang bayan.

VI. Mga Tauhan 1. Crisostoma Ibarra Binatang Pilipino na may dugong kastila na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Anak ni Don Rafael Ibarra at kasintahan ni Maria Clara. 2. Padre Damaso Dating kura ng San Diego Inaama ni Maria Clara Tagapayo ni Kapitan Tiyago 3. Donya Victorina Asawa ni Don Tiburcio Mapagpangarap na Indiyo Nagpakasal sa isang kastila upang matakpan ang pagiging Indiyo. 4. Kapitan Tiyago Kaibigan ni Don Rafael At nakalakihang ama ni Maria Clara. Bukas-palad sa mga tao Binibili niya ang kanyang kabanalan 5. Elias Isang bangkero o piloto Baguntaong my matipunong pangangatawan Kaibigan ni Ibarra

VII. Simbolismo sa Noli 1. Bahay ni Kapitan Tiyago (Simbolo ng Maling Pamamahala) Bahay na pinagdarausan ng handa at may kababaan at di-gaanong wasto ang kayarian sanhi marahil sa di-mabuting pagkakasipat ng arkitektong nagtayo o di kaya'y sa mga nagdaang lindol o bagyo. Ang kababaan ng bahay ni Kapitan Tiyago ay sumisimbolo sa babang moralidad ng mga Espanyol sapagkat nagawa nilang tapakan ang mga Pilipino na siyang may-ari ng bansa. 2. Bayan ng San Diego (Simbolo ng Walang Kaunlaran) Ang inaani ng mga magsasaka tulad ng asukal at bungangkahoy ay ibinibili ng mga intsik sa murang halaga. Madilim ang gubat dahil sa kakapalan ng mumunti. Ang bayan ng San Dieo, bagaman may pinagkukunang yaman, sapat pa rin ito para sa pangaraw-araw na kinakailangan ng mga magsasaka. At sa muling pagbalik ni Ibarra pagkatapos ng pitong taon, wala pa rin itong pagbabago. 3. Sisa (Simbolo ng Pamilyang Pilipino) Unti-unting binibili o ipinagbili ng asawa ni Sisa ang mga alahas niya at tinitiis niya ang pananakal nito. Malaki ang ginagampanan ng isang asawa at ina. Tinitiis nito lahat sa pag-aakalang dapat tiisin ang sinimulan at ito ay lalabanan. 4. Padre Damaso Sa kasalukuyang panahon, iba-iba ang naging simbolismo ni Padre Damaso ayon sa iba't ibang pananaw ng mga historyador. Karaniwang isinasalarawan si Padre Damaso bilang ang kontrabida ng nobela dahil sa kanyang madalas pagsalungat sa bidang si Ibarra, kasama na rito ang mga negatibong katangiang iniuugnay sa kanya. 5. Donya Victorina Si Doa Victorina ay sumisimbolo sa isang Pilipinong itinakwil ang kanyang sariling pagkakakilanlan ng dahil sa puring matatanggap kung ang isang indibidwal ay isang europeo.

10

VIII. 1.

Marxismo Si Sisa at ang mga gwardiya sibil Si Sisa at ang mga Gwardiya sibil ay tungkol sa pagkakahati ng lipunan mula mahirap at mga mahina laban sa mga mayayaman at mga may kapangyarihan.

2.

Si Basilio at ang sakristan mayor Si Basilio ay walang kapangyarihan, samantalang ang sakristan mayor ay makapangyarihan kayat ganoon na lamang kung makapagbintang siya sa mga mahihirap.

11

IX. Tunggalian sa Noli 1. Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Inuusig Inilahad ni Elias ang kanyang naisip na plano na kalabanin ang pamahalaan at simbahan kay Ibarra para sa hinahangad na pagbabago. 2. Kabanata 40: Ang Karapatan at Ang Kapangyarihan Pumasok si Prinsepe Villarado at may nangyaring gulo dahil naghamon ito sa mga morong nagbilanggo sa kanyang ama. 3. Kabanata 34: Ang Pananghalian Sinunggaban at pinagsususuntok ni Ibarra si Padre Damaso dahil sa paglapastangan ng pari sa alaala ng kanyang ama.

12

X. Feminismo sa Noli 1. Donya Victorina Isang palaban na babae, mayabang, at makasarili 2. Donya Consolacion Isang palaban na babae, nag-asawa ng kastila upang iahon ang sarili sa kahirapan 3. Maria Clara Isang dalaga, mahinhin at may respeto 4. Sisa Isang sawing maybahay.

13

XI. Mga Karunungan sa Noli 1. Kabanata 8: Mga Alaala Ang Karunungan Ay Para Sa Tao, Ngunit Matatamo Lamang Iyan Ng Mga May Puso. p Dapat ang pag-aaral ay hindi lamang isinasapuso kundi isinasaisio dn, upang ito ay mas maunawaan at maintindihan.

2.

Kabanata 8: Mga Alaala Ginto Ang Sinadya Ng Mga Banyaga Sa Iyong Bayan, Kayat Ikaw Ay Pumunta Sa Kanilang Bayan Upang Tumuklas Din Ng Ginto. p Sinadya an gating bansa ng mga dayuhan dahil sa ating mayamang likas na yaman. Ngunit para sa atin, ang tunay nag into ay ang karunungan, kultura, likas na yaman, at pagmamahal sa kapwa at bayan.

3.

Kabanata 14: Si Tasyo: Ang Baliw o Ang Pilosopo Dapat Bigyang Dangal Ang Isang Mabuting Tao Habang Nabubuhay Pa Siya Kaysa Patay Na. p Bigyang parangal at papuri ang mga taong mabubuti habang sila ay buhay pa.

4.

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo ang Pagsangguni Ay Hindi Nangangahulugan Ng Pagtalima. p Pag may bagay na hindi natin alam ay nararapat lamang na ating isangguni.

5.

Kabanata 25: Sa Bahay ng Pilosopo Ang Umiwas Sa Dumarating Na Bala Ay Di Karuwagan. Ang Masamay Sagupain Ang Balang Ito At Di Na Muling Makabangon. p Ang pag-iwas sa kaaway ay hindi pagiging duwag. Iwasan ang init ng ulo upang hindi magsisi sa huli.

14

XII. Kahihinatnan ng mga Tauhan 1. Padre Damaso Sa labis na kalungkutan at depresyon, natagpuan ang prayle na wala ng buhay sa kanyang kama. 2. Padre Salvi Naghihintay na lamang upang tanghaling Obispo. 3. Kapitan Tiyago Mula nang magmongha si Maria, nakadama siya ng panlulumo. Namayat at naging malungkutin. 4. Donya Victorina Dinagdagan ang mga pustisong kulot sa kanyang pusod at lalo pang pinagbuti ang kanyang pagsasaandalus. 5. Don Tiburcio Di na muling nanggamot at madalas nawawalan ng pustisong ngipin. 6. Alfonso Linares Namatay dahil sa sakit. 7. Alperes Bumalik sa Espanya at tinalikuran ang kalaguyong babae. 8. Donya Consolacion Walang pinagkakaabalahan kundi ang paglasing at paghithit sa tabako. 9. Maria Clara Walang balita sa kanya maliban sa inaakala ng marami na siyay patay na.

15

XIII.

Sariling Buod ng Noli

Si Juan Crisostomo Ibarra, anak ng yumaong Don Rafael Ibarra, ay nag-aral sa Europa at muling nagbalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taon. Sa kanyang pagbabalik, isang pagtitipon na dinaluhan ng mga makapangyarihang tao ang inihanda ni Kapitan Tiyago. Kabilang sa mga panauhin sina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, at Donya Victorina. Sa hapunang iyon, ilang ulit ipinahiya ni Padre Damaso si Ibarra.sa kabila ng pagpapahiyang natamo, nakapagpigil pa rin ang binata at magalang na nagpaalam sa mga panauhin at sa maybahay si Ibarra. Si Maria Clara, kaisa-isang anak ni Kapitan Tiyago, ay kasintahan ni Ibarra. Dumalaw si Ibarra sa bahay nina Maria kinabukasan ng pagtitipong naganap. Sa isang asotea, sinariwa ng magkasintahan ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang kamusmusan. Sa kanilang pag-uusap, hindi nakaligtaan ni Maria na basahin ang tanging sulat ni Ibarra sa kanya bago siya magtungo sa Europa. Sa paglalakad ni Ibarra sa liwasan ng Binundok, nakausap niya si Tinyente Guevarra tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra, isang mayamang asendero. Ayon sa tinyente, pinaratangan ni Padre Damaso ang kanyang ama na Erehe at filibustero. Ang paratang na iyon ay nadagdagan pa nang dahil sa isang pangyayari. Minsan may maniningil na tinukso ng batang mag-aaral. Nagalit ang maniningil at sinaktan niya ang bata. Nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata. Naglaban ang maniningil at si Don Rafael. Natumba ang maniningil at tumama ang ulo nito sa semento. Isinisi kay Don Rafael ang pagkamatay ng maniningil. Dito na naglabasan ang mga lihim na kaaway ni Don Rafael. Nabilanggo si Don Rafael at nang matapos na ang usapin ay nagkasakit siya at namatay. Iniutos ni Padre Damaso na hukayin ang bangkay ni Don Rafael at ilipat ito sa libingan ng mga intsik. Ngunit dahil sa masma ang panahon, tinapon na lang ng taga-libing ang bangkay sa lawa. Nagpasya si Ibarra na kalimutan na lamang ang paghihiganti sa kalapastanganang ginawa sa kanyang ama. Sa halip ay ipinasya niyang ipagpatuloy na lamang ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng isang paaralan sa bayan. Sa paglalagay ng batong magiging batayan ng paaralang ipapatayo, kamuntikan nang mamatay si Ibarra. Mabuti na lang at nailigtas siya ni Elias. Sa pananghaliang handog ni Ibarra, pinasaringan ulit siya ni Padre Damaso. Hindi na nakapagpigil si Ibarra, sapagkat pati ang alaala ng kanyang ama ay nilapastangan rin ng pari. Sasaksakin na sana niya si Padre Damaso, ngunit napigilan siya ni Maria. Dahil sa pangyayaring iyon, naging excomulgado si Ibarra at inutusan ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduang ipakasal si Maria kay Ibarra. Nais ng pari na kay Alfonso Linares ipakasal si Maria Clara. Sa dami ng mga nangyari, nagkasakit si Maria ngunit gumaling ito agad dahil sa mga gamut na lihim na ipinapadala bi Ibarra kay Sinang. Napawalan bisa ang pagka-excomulgado

16

ni Ibarra ngunit siya ay nakulong pa rin dahil napagbintangang namuno siya sa pagsalakay sa kwartel at kumbento. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa kasunduang pagpapakasal ni Maria at Linares. Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Nakipagkita siya kay Maria. Nagusap ang magkasintahan at dito isinumbat ni Ibarra kay Maria na siyay ipinahamak nito dahil sa pagbigay ng kanyang tanging liham sa dalaga sa hukuman. Ipinagtapat ni Maria na ang liham ay kinuha sa kanya dahil sa pagbabanta. Ipinagpalit niya ito sa dalawang liham na isinulat ng kanyang ina na natagpuan ni Padre Salvi. Nagsasaad ito na ang kanyang tunay na ama ay si Padre Damaso. Sinabi rin ng dalaga na ang pagpapakasal kay linares ay para sa karangalan ng kanyang ina ngunit ang kanyang puso ay mananatili sa binata. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, sumakay na sa bangka si Ibarra upang tuluyan nang lumayo. Pinahiga ni Elias si Ibarra sa bangka at tinabunan niya ito ng damo upang hindi siya mahalata. Inabutan sila ng mga gwardiya sibil kayat naisipan ni Elias na iligaw ang mga ito. Pinagbabaril sila, lumundag si Elias sa tubig upang akalain ng mga gwardiya sibil siya si Ibarra at siya na lang ang paputukan ng mga ito. Nabasa ni Maria sa pahayagan ang bali-balitang patay na si Ibarra. Hiniling niya kay Padre Damaso na ipasok siya sa kumbento upang magmongha. Napilitan si Padre Damaso na ipasok ang dalaga sapagkat kung hindi ay magpapakamatay naman ito. Ang mga nabasa ni Maria ay walang katotohanan, sapagkat si Ibarra ay nakaligtas. Samantalang si Elias ay napadpad sa kagubatan ng mga Ibarra. Bago malagutan ng hininga si Elias. Humarap siya sa silangan at pabulong na nagwikang: Akoy mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking bayan, kayong makakikita, batiin nino siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!

17

You might also like