You are on page 1of 1

Guro

Una ka naming nakilala noong kami ay nasa paaralan, nagtuturo ka sa amin mabait at masiyahin at maganda higit sa lahat matiyaga. Sa amin ay nagtitiis kahit kami ay maiingay kahit kami y inaantok siya ay salita pa rin ng salita. Ngunit kahit ganun, kami y nakikinig. Salamat sa lahat ng tiyaga at pagsasakripisyo Kahit kami ay napakagulo at minsan ikaw ay nababastos namin. At kahit ganun mahal ka namin. Dahil parang ikaw na aming pangalawang ina at ang paaralan ay pangalawang tirahan salamat sa pagdidisiplina sa amin. At di ka namin makakalimutan dahil alam namin balang araw kami ay lilisan sa paaralan kung saan kami lumaki at natuto gumalang, sumulat at magbasa.