You are on page 1of 2

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat  Pagbuo ng Konseptong Papel Sa mga sanaysay, literari rebyu, report, samari, artikulo, pamanahunang

papel (tesis at disertasyon sa gradwadong pag-aaral), abstrak, kritisismo, at iba pang uri ay masasalamin ang pananaw, paniniwala, argumento (dalawang contrasting na palagay), saloobin at paninindigan ng manunulat. Maaring nagkaiba-iba ang format o oragnisasyon subali t di dapat lumihis sa mga istandard na kinakailangan-kaisahan: koherens, kasapatan,emphasis o diin (ano and tesis isteytment na pinaninindigan/tinatayuan tungkol sa pakasa, kailangang ito ay matalakay ng ganap). Sa mga uri ng panulat na binanggit kailangang Makita ang mga sumusunod: 1. Introduksyon- bahaging nagpapaliwanag sa paksa- kung paano mo ito tatalakayin; kung ano ang aasahan at maaaring makuha ng mambabasa mula sa sinulat. 2. Katawan- kailangang maglaman ng mga bagay o points na gusto mong sabihin, mga sumusuportang argument o ebidensya. 3. Kongklusyon- kailangang tapusin ang sulatin ng may pagbubuod at paglalahad 4. Sorses/ Sanggunian Mga Simulain: y Kailangan may paksang dinedevelop y Kailangang may tesis isteytment y Kailangan sumusuno sa konbensyon ng pagsulat- bantas, ispeling, grammar, organisasyon( koherens, kaisahan, kasapatan (completeness). y Kailangang may introduksyon katawan at wakas. y Kailangan maglahad ng ebidensya, patunay, katibayan. y Kailangang may component ng riserts ang akda/ papel.  Pagbabalangkas Ito ay gabay sa pagsulat. Ito ang nagbibigay ng direksyon sa gagawing pagsulat.  Pag-aayos ng Datos a. Pagpapakahulugan Ang pag-unawa sa teksto ang ginagawa sa pagpapakahulugan. Bagama t walang husto o ganap na pagpapakahulugan ang maaring magawa o kaya y magin eksakto sa gagawing pagpapakahulugan, gumagawa ang tao ng interpretasyon, kahulugan sa mga bagay na nabasa ayon sa tayog ng pag-iisip. b. Direkta / Tuwirang Sipi Tuwirang pagkuha ito ng sinasabi o ipinapahayag ng isang tao. Kinu-quote ang sinasabi ng tao (kilala man o hindi) lalo t may malaking ambag / kaugnayan ang kanyang mga tinuran sa ginagawang sulatin o pahayag.

Dalawang Paraan kung Paano Ito Sinusulat: 1. Sinisipi ang buong pangungusap o talataan at inilalagay sa ilalim ng pangalan ng nagsabi. 2. Ipinapasok ang pangalan ng nagsabi sa loob ng talataan. c. Sipnosis Isinusulat ito sa sariling pangungusap. Maikli lamang ito ngunit kailangang mabawasan ang tunay na kahulugan ng orihinal. Pinaikli lamang ito upang ang diwang tinataglay ay mapanatili pa ring naroroon. d. Presi Maingat na pag-unawa ng tekstong binasa ang ginagawa dito. Pinananatili ang pangunahing kaisipan at pananaw ng sumulat ng orihinal. Hindi ito pinapasukan ng sariling opinyon o palagay ng naglalagom. e. Hawig (Parapreys) Nagpapaliwanag ito ng mahirap na bahagi ng teksto. May pagdaragdag na ginagawa rito upang maintindihang mabuti ng babasa ang nilalaman ng orihinal. f. Abstrak Isang maikling lagom ng pinal na papel. Kailangang maglaman ito ng introduksyon, isteytment ng suliranin, iskop at limitasyon ng pag-aaral, riserts metodo, samari, kongklusyon at rekomendasyon. Kailangang mabuo ito sa pamamagitan ng 500-700 na salita o kaya ay mula sa dalawa hanggang tatlong pahina. Ito y isang pahapyaw na pagtukoy sa laman ng bawat kabanata na kapag tinitingnan ay mailalantad ang kabuuan ng sinulat agamat di kongkreto. g. Sintesis Pag-aayos o paghuhugpong ng magkakahiwalay na mga bahagi tungo sa kabuuan. h. Pagsasalin sa Filipino ng mga Sipi Ang mga artikulo, akda, literature at iba pang kauri na nasusulat sa ibang wika ay maaring maisalin ng manunulat sa Filipino lalo t kung bihasa siya sa lengguwahe ng papel na isasalin. Ang mga taong May espesyalisasyon sa multilingual at bilingual ang maaring makagawa nito.

Reported by: Becky May Sajo

You might also like