You are on page 1of 10

BAKIT HINDI NAGPAPAKITA SA AKIN ANG MGA

MULTO???
(HMMMMM.)

Munting handog ni R M A N D D Sa mga mahihilig magbasa ng kung anu-ano.

MORE FROM THE AUTHOR: He Said, She Said (Short Story) He Said, She Said New Years Resolution (Short Story) In Two Places At Once (Short Story)

Copyright: ArmandDCs Bakit Hindi Nagpapakita sa Akin ang mga Multo??? (a novelette) 2012, ArmandDC Self-Published (armanddc@gmail.com) First published March 2012. ALL RIGHTS RESERVED. This book contains material protected under International and Federal Copyright Laws and Treaties. Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without express written permission from the author / publisher.

MGA TITIK MULA SA AWTOR. ArmandDC.

Awtor. Ilang titik pa ba ang titipunin upang mahabi ang isang makabuluhang teksto? Tatlumpu. Napaka-kaunti naman, koya. EhLimampu kaya? Toinks! (buzz!) Isandaan? Mali pa din pare. Sirit na?? Hindi, kaya koto. Shit, kulit mo. Isanlib BOOM! Hold up to. Eh di natigil ka? Tatlo. Maaring apat. Pwede rin namang limakung gusto mo nga two words pa eh. Oo ito lang ang mga titik na kailangan mo dude. Sige nga. Anu-anong mga titik ba yan? Tatlo: A-M-A. Apat: S-I-Y-A. Lima: D-I-Y-O-S. Two words: Jesus Christ. Two words padin: aking Tagapagligtas. Para kay Lord to!!! ******* May mga seleksyon na mahirap isulat. Isa na siguro ito sa mga yon. Well, hindi naman kasing pigaan ng utak, kung ikukumpara sa mga piksyon kong nasa wikang banyaga. Madaling magbagsak ng mga salita lalo na kung kultural na wika mo ang gamit mo. Ang mahirap, eh kung paano mo gagamitin ang mga bagsakan ng mga salitang ito. OOPSIE. Oras na para sa ilang sponsor. Si mama at papa, para sa pagpapalaki sa akin ng normal. Mga kapat Tekatekatekatekatekatekateka!!! Hindi ko intensyon magtunog boring dito.

Ganto na lang: kung sa tingin mo, nakatulong ka sa kung anong paraan sa pagsusulat ko ng e-book na ito, then thank you. Mwa mwa tsuptsup! :> You guys are OSM! As in awesome. Sorry eh, slang lang eh. Peace! >:D ******* Ngayon, sundan mo si Alex: isang asyumerang gandang ganda sa sariling babae na ang tanging tanong na pumasok sa isipan ay: Bakit Hindi Nagpapakita sa Akin ang mga Multo. Hindi ko rin alam kung bakit ayun lang ang gusto niyang malaman. Pwede namang Patay na ba talaga si Michael Jackson?; Bakit kaya hindi maayos-ayos ang issue sa SALN ni Corona? Impeach na yan!; o di kaya Kamusta na kaya ang National Budget?. Wala akong ideya kung bakit ba. Siguro wala talagang laman ang utak ni Alex kundi walang bateryang neuronso pinaikli: wala lang talaga siyang ibang alam. Siyempre, di makatotohanan yun. May mga bumabagabag din naman kay Alex, bleeeh. Tunghayan mo. Ang paglalakbay ng, kagaya ng lagi niyang sinasabi, emedorang si Alex.

OK na. Tapos na tayo dito. Lipat mo kaya sa next page, di ba??

UNA

SA LIMANG KABANATA.

Anong sabi ng topten? Magiliw na tanong ni Jessica. Ano, garalgal ang boses ni Alex. Ay, paos. Nagkatinginan ang dalwang lukaret. Nabalot ng katahimikan ang kwarto-303. Tahimik. Himala. Parang magnet ang tanong ni Jessica na dumikit pa bigla ang mga mata ng lahat sa loob ng kwarto sa kanya. Nag-aabang ng sagot niya. 12345 Nabibilang ni Alex ang mga segundo. Wala pa rin. Talkshit ata si Jessica eh, naisip bigla ni Alex Bumukas sa wakes ang mga labi ni Jessica. Eh di, TOPTEEEEEEN.BARBELL! Katahimikan. Sa pagkakataong ito, pati ang kalikasan tumahimik din. Walang imik ang mga puno. Tila said ang mga laway nitong mokong na mga kaklase nyang to. Isang kaklase. Lalaking mukang syokoy, sa palagay ni Jessica.

Pwengpwengpweng. Sabay lukot ng mukha nito na lalong nagpainis kay Jessica. (Jessica: Pangit na nga, nagpapa-pangit pa lalo! Maldita talaga si Jessica, awts!) Sandaling katahimikan. Sabay tawa silang lahat oh. Hahaha, tawa ng paos na si Alex. Hahaha, tawa rin ni Jessica, kahit bahagyang napahiya. Gaya-gaya rin sya no? Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha ha Oops. OA na yan, Lester! hahahahahaha hahahahaha tawa pa rin sya oh. hahahahahaha Nabulunan. Ng hangin. Loko. Buti nga. OA mo eh. ******* Nakakapagod ang araw nayon, naisip ni Alex. Paos pa rin. Pagod narin siguro ang bag niya kaya niya hinilata ito sa tabi ng sofa. May starbucks na plastik na baso sa mesa. Bumili na naman siguro si Ann, akala mo naman mayaman. Ang nakaka-BV pa, di pa nya ubos. Nakahandusay ang kulay luntian na straw nito at ang cup lid ay naka harap mismo sa salaming mesa. Tinikman niya. Mocha Frap? Coffee Jelly? Di niya rin alam. Pano, di pa siya nakakatikim ng starbucks coffee. Hindi niya raw maintindihan kung bakit ka pa gagastos ng pagkalaki-laki para lang sa ilang (oz) ng kapeng nilagyan lang ng yelo, inisprayan ng whip cream at inulanan lang naman ng chocolate na galiit. Pwede ka namang bumili ng Nescaf. Tunawin mo kasama gatas. Haluan mo ng malamig na tubig. Shake,

shake, shake. Wag mong laswaan yung pag-shake baka maexcite ka eh. And BOOM! DIY Cappuccino. All yours for 25 pesos (SRP, meganon? Hehe) good for 1 serving. Pwedeng i-share sa mama mo. Ang totoo, gusto rin niyang matikman ang kape doon sa starbucks. Wala lang siyang pera at oras para rito. At isa pang totoo, hindi niya pe-pwedeng i-share ang home-made Cappuccino niya sa mama niyadahil patay na ito. Sa isang car crash kasama ang papa niya. (Narrator: kailangan ko na bang mag shift to serious mode?) (Reader: Choose the best answer, in your opinion, in the followig: A.) Yes B.) No. C.) Maybe D.) Paki ko?!) Lumungkot si Alex. Malungkot si Alex. Si Alex ay malungkot. Malung Di naman ako paulit-ulit eh no??! Eto, serious na. Rewind !@#$%^&*()_+||+_)(*&^%$#@! Lumungkot si Alex. Naalala niya lahat ng ala-ala nila ng kanyang mga magulang. Tuwing Linggo, hindi man sila sabay-sabay magsimba, sabay-sabay naman silang nanunuod sa StarMovies ng random na pelikulakung ano mang lumabas sa TV. Payak. Ayun lang naman ang lifestyle nila eh. Hindi sila mahirap. Hindi rin naman sila mayaman. Mayroon silang sariling bahay at kotse na kapwang galing sa loan ng papa niya. Real Estate Agent sa umaga, Call Center Agent naman sa gabi ang tatay niya. Pinapatawa na lamang ni Alex ang sarili at iniisip nito na malamang sa madaling araw naman, Classified FBI agent ang tatay niya at inassassin ng isang double-crosser na colleague nito. Ganon naman talaga pag spy eh.

Ordinaryong housewife naman ang nanay niya. May talon ng luha ngayon sa kanyang mga pisngi. Mahal na mahal niya ang mga magulang niya. Silang dalawa na lang ni Anne ngayon. Bruhilda man ang kapatid niyang nagmamaganda, eh mahal pa rin niya ito. Totoo pala ang napapanood niya sa mga pelikula pag merong involved na flashback sa isang scene. Pepwede pala yun. Yung tipong babalik lahat ng nakaraan sayo at manghihina ka. Yun eksakto ang naramdaman ni Alex. Tumingin na lang siya sa salamin. Nagandahan sa sarili. Nakalimutan niya rin ang kalungkutan. Ang ganda ko naman. Di siya nahihiya sa salamin. Ehmaganda naman siya. Bony ang structure ng pagmumuka niya. Ang problema na sa tingin niya ang pinakatindi, ay ang kutis niya. Pano, kulay barnis kaya siya. Hindi mo siya masisisi. Si Jessica, maputi. Maganda. Maldita. In short, bitch. Kaya maraming boylet yun eh. Ayun nung isang taon na-dale, nagpa-abort. Ang nakakahindot sa feelingeh proud pa ang gaga sa pinaggagagawa niya. Hindi niya tutularan si Jessica panigurado. No. Never. Sinabi niya ito sa sarili niya paulit-ulit. Sa ngayon, e-enjoyin niya ang mala-Latina niyang ganda habang nakatitig at sumasayaw sa harap ng salamin. Kinuha niya ang suklay. Kinontra si Newton at ang gravity nito nang itaas niya ang suklay. Ang downward pull ng gravity ay na-interfere ng pag-- *CAUTION: Narrator is bleeding his nose. Alam niyo na yun! Hirap mag explain. Nagsuklay si Alex ng buhok. Ang ganda ko talaga. Confirmed. Na-badtrip ata ang salamin dahil sa di maipaliwanag na dahilannag-lamat ito. Sakto sa peys niya. ******* Tok! Tok! Tok! Odiba? Parang komiks lang?

GIIIIRRRRLLL!!! Si Jessica. 6:47 AM. Potek ang aga netong babaitang to oh! Kinukusot ang muta, lumapit si Alex sa pintuan at pinagbuksan si Jessica. Kawawa naman eh. Siya lang ata ang naging friend ng bitch nato. Friend, sama ka tonight huh. Well go camping so campus. Maraming boys. HAAAAYYY ang landi talaga neto o. S-sige. Umoo na lang si Alex, parang naaalimpungatan pa.

Ito ay isang preview o paunang tingin sa nalalapit na pag-publish ng awtor ng kanyang bagong novelette na Bakit Hindi Nagpapakita Sa Akin Ang Mga Multo. Ang Unang Kabanata ng buong seleksyon. Ang buong e-book ay maaaring basahin sa iamarmanddc.blogspot.com simula March 7, 2012.