You are on page 1of 2

INTRODUCTION Ang SONA o State of the Nation Address, dito natin malaman kung anu ang nagawa ng ating

pangulo sa kanyang pag-upo bilang ama o ina ng ating bansa. Dito rin natin nalalaman kung anu ano ang mga plano nya para sa bansang kanyang nasasakupan at at kung ano iyong mga bagay bagay na kanya ng nagawa sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng sonang ito ay malalaman natin kung lumago na ba ang ating lipunan. Kung anu-ano pa ang kinakailangang gawin sa paglago nito. Ang sonang ito'y napakahalaga kaya di dapat natin itong baliwalain. Sapagkat kung walang mangyayaring sona ay hindi rin natin malalaman kung anu-ano ng mga katiwalian ang nangyayari sa ating lipunan at sa pamamagitan rin nito'y matutuklasan natin kung sinu-sino 'yong mga opisyales sa ating gobyerno na naglilingkod ng tapat at walang halong katiwalian.

BODY Ang SONA pangulong Noynoy Aquino ay nagsimula sa pagbibigay daan sa mga dumalo, kabilang dito sina Senate President Juan Ponce Enrile, House Speaker Sonny Belmonte, dating Pangulong Fidel Ramos, dating Pangulong Joseph Estrade at dating House Speaker Joe De Venecia. Ang SONA ng ating pangulong Noynoy Aquino ay tungkol sa mga pagbabagong naganap at mga dapat pang isakatuparan sa kanyang panunungkulan. At ang pagtukoy sa mga anomalyang naganap sa panunungkulan ni dating pangulong Gloria Aroyo. Isa sa mga nabanggit ay ang isyu tungkol sa bigas na nasira lang sa imbakan, at ang sobra sobrang benepisyo na natanggap ng mga opisyales ng GSIS, ang 130 milyon pesos na para classroom funds at ang iba pang nawawalang pondo na hindi naman nagamit sa dapat kagamitan. Tinalakay din ni pangulong Aquino ang tungkol sa 90% 2010 budget nagamit at ang 10% na hindi pa nagamit. At ang mga pagbabago na mangyayari sa kanyang administrasyon, ang rehabilitasyon ng watersheds at dams at ang wastong pag-aalaga ang ating kalikasan.kasama na ditto ang tahimik na pagsuporta sa mabilisang pagproseso sa extra-judicial killings. Nabanggit din ang tungkol sa pagpapatupad ng transparency at magandang pamamahala sa gobyerno, para maiwasan ang katiwaliang nakagisnan sa mga nagdaang pamamahala. Nabanggit din ang tungkol sa malawakang komunikasyon at modernisasyong pagpoproseso ng mga proyekto na kung saan hindi kailangan gumasto ang gobyerno ni sentimo. Isa sa mga proyektong ito ay ang pagsasaayos o pag-iimplement ng mga nakalinyang proyekto ng bawat ahensiya ng gobyerno sa tulong ng mga leader o ng mga nasa nakakataas na posisyon. At nagbigay pugay sa mga opisyal ng gobyerno na nakagawa ng mabuti. At pinatalsik ang mga opisyal na hindi karapat sa kanilang posisyon. At sa bandang huli, ipinahiwatig ng ating pangulo ang tulong ng mga kabataan at ng mga mamamayang Pilipino para sa pagbabagong gusto nating makamit para sa ating bansa.