SINAG SA KARIMLAN

ni Dionisio S. Salazar (Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung minsa‘y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula, tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling nakabalik sa matuwid?) MGA TAUHAN : Tony …………………………. Binatang bilanggo Luis ………………………….. Ang kanyang ama Erman ……………………… Bilanggo Doming …………..………... Bilanggo Bok …………..…………..…. Bilanggo Padre Abena ….....……… Isang pari ng bilibid Miss Reyes ……………..…. Isang Nars PANAHON: Kasalukuyan TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. ORAS : Umaga PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso‘t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay … May mga maikling gayung dapat hubdan ng mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu‘t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako‘y may mga walang malay na dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak… May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan… PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19

Ba. a Mang Ernan? Traga malas hang. Doming: Hisi lang. ay nakakulubong – may trangkaso siya.(Titingnan ni Tony. ay gising at waring nag-iisip. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba. O kaya Sigue-Sigue. Bok? Bok: (Sabay iling) De-hin. kalagitnaan. . Tsokaran. Kung ibig yo gigisDoming : Ba. (Ingunguso si Tony. Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.na taon) at si Bok (29). Doming: OXO seguro ‗yan. Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‗yan.) Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan. Bok: Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Este. Doming: (Bibiling sa higaan. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid.) Mukhang bata pa.) O. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming … Paminsan minsa‘y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok . May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod. at tatanungin si Bok) tipaningmayap. ang sabihin mo. Si Mang Erman. ‗bigan. Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo… Ernan: Gayundin sa ‗yo. sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). di ho ba? ulo. Galaking sugat n‘ya. na may apat na araw nang naooperahan ng almoranas. ano nga‘ng . iiangat ang lakas namang mag-ilik ni Bok. Makikitang kikilos si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing si Tony.) Ernan: Ewan. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig .? Tony: (Mauupo. ayan. sino ‗yan? …. ‗wag!. BABAYING .) Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong. gising na. Kawawa naman. Konting lamig.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.) Doming: Kilala mo siya. pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa…. Ernan: At may hitsura. Nagbakbakan naman seguro. Ernan: Si Bok naman. Dugu-dugun siya. May black eye rin siya. (Mamasdang mabuti si Tony. mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho‘ng pangalan ko. Hatinggabi kagabi nang ipasok ‗yan dito. Hubad ang natutulog na si Tony.

Ang iba‘y nahuli. Bok: (May pagmamaki) ako gid. Pero sawa na ‗ko sa mga gang. Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony. malumanay) Kayo? Doming: Doming hang palayaw ko. Sigi lang. kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba. de-hin mo kilala? Di wan en only Bok – alyas Thompson Junior. Tony. Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat. Tila lima ang patawirin. Tony! Bok: (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony. Tony : Huwag kayong mag-alala. Tony? Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Tony. Basta mi lagay.Tony boy! … Ba‘t nagalaslas angimong tiyan. (Sa sarili) A. Tony.Ernan : Ako nga. Pero ang di nailaga‘y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy! Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay.) Beri-gud Ginsama ka a ‗ming Batsi Gang. Yawa. Dahil sa barkada‘y – heto. kalayaan. Hanga ako senyo! Ernan: Salamat. ber? At… teribol yang blakay mo. ba. Marai padrino. Walang h-alyas . Bok.) Mula nang madala ko rito. e nag-iba na‘ng takbo ng … Naisipkong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki‘ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago … Totoo nga naman. Basta mi padrino! . Big bos ng Batsi Gang. kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun. ha? Tony: Salamat.) Tony: Haharapin si Doming. Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibidamo sa ‗min ang iyong buhay? Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi‘t. sa ngalan mo‘y kay dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti‘t tumanggi ka. Tony : Nababasa ko‘ng inyong mga akda. Me parusa sa bawat kasalanan! Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka. Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba. Nang hindi ako sumama‘y sinuntok ako. Mabuti kanyo‘t nailagan ko‘ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib). kundi‘y … ‗tay kung masakit ‗yan ay saka na. magdadalawang taon na ‗ko dito sa Big House. walang utang na hindi pinagbabayaran …. sa mga barkada. ‗adre. sa himignagmamagaling) No dais. kundi‘y … nasirang Tony na ‗ko ngayon.

nag-aaway sila … Umalis si Tatay . Pero … pinahahanga mo ako. Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit. ginismagel. Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. magsugal. Tiyak. Dami gadasal. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. yawa. pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‗yan. Ernan : Tama ‗yan. Mang Erman. Ernan : May katwiran si Doming. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Kung walang pagkakaunawaan. Bok: No ken du! Kun naytklab pa. Doming : Mabuti pay ‗way na tayo maghusap tungkol sa relihiyun. ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama‘t idinistino ako ni Direktor sa ‗ting library. Hm. hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Guwapo siya. Yeba! Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko. ber. At pakikinabangan. may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. isang araw. mang – agaw. Marami kang mapupulot doon. dami nagasimba. sa klase naming nila Padre Abena. Pero malakas uminom ng tuba. Bok: Ber. Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten‘ya ko… A. Bok? Bok: (Tatawa habang sumasagot. paris ng iba. At mahilig sa karera. Pero. kaya … di dapat pagtalunan. kulang din. Iniwan kami. walang pagkakaunawaan. pero gin-nakaw. kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada‘y natuto akong akong mandurukot . Bok. Empleyado si Tatay. Malubha si Nanay. Balediktoryan ako… Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka.Tony : Me relihiyon ka ba. Paris ng iba‘t ibang ismo. walang pagkakaisa. pero ginluluko sa kapwa. Mahilig akong magbasa ng – . ba‘t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo. Ang mga taong di nagkakaisa‘y pirming nag-aaway. Ngunit ang pagtatalo‘y dapat lamang sa taong malaki ang puso. olditaym! Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako‘y buhay sa ‗sang karaniwang pamilya sa Tundo. Tony: Pero. meron siyang kerida . dami. mga pare! ‗Yung istorya ni Tony! Tony: Iimbithin kita . Nagpagbabasa ako roon. Natural. Napakabait ng Nanay ko.

Kinamuhian ko siya nang labis. Mang Herman? Ernan: K‘warenta‘y singko na. Ng pagkamatay ng akingkapatid… Ng aking pagkakaganito! Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing ―lumimot at magpatawad. Mabait siya. Gayunmay‘y walang hindi napag-aaralan. Ernan : Huwag naman. Ang pagbabasa‘y nakapagpapayaman ng isip. Siya‘ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. O nabalitaan kaya. Hindi tama ‗yan. Tony: Malaki ang inyong puso. Doming : Teka muna. Ang ama ay ama kailanman. Mapagpahal. Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo? Tony: Mula ng umalis siya‘y di na namin nakita. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang dipagkakaroon ng anak? Tony : Biyudo kayo? Ernan: Hindi. Ernan : Huwag naman. . O nabalitaan kaya. Pambihira kayo.Kinamuhian ko siya nang labis. buhay ang aking asawa. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan. Ang ama ay ama kailanman. hanong gagawin mo? Tony: Ayoko na siyang makita pa! Bok: Gaisip ko reliyuso ka. hanong gagawin mo? Tony : Mula nang umalis siya‘y di na namin nakita. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak. kung talagang ibig. Doming : Kung magkita kayo. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Ernan: Salamat. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Maunawain. Mapagkatiwalaan. Doming: Hilang taon na kayo. Doming : Kung magkita kayo. Ba‘t ngani…? Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan.‖ Subalit may kahirapan itong isagawa. Sabi nga ni Bacon ay ―Nakalilikha ng tunay na lalaki Ang pagbabasa…‖ Tony: Mahilig din ho akong magsulat. Hindi tama ‗yan.Ernan : Magaling. iho.

mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat. Me pangako rin si Padre Abena. At namultahan ng hukuman. Walang sariling paninindigan. Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral. Ernan: Ang karunungan. Paris ni Rizal. . Tony : E bat naman kayo namultahan? Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Alam n‘yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Yaong taong matalino na‘y makabayan pa. ay walang kinikilalang edad. May isa pa. Tony. Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. e.) Tony : Ga‘no na kayo katagal ditto.) . Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong marunong. Dahil nga sa prinsipyo‘y inibig ko pang pabilanggo. Ernan: Ang dunong ay yaman.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama. komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas. iho. Walang marunong nagnagkakaanak ng alipin. hagdan. Wal. gaaanak pa (Maikling tawanan. Malayo naman akong nakapagsusulat dito. Pamamanginoon sa mga dayuhan. kung sabagay.(Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos. ikaw. iho. Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‗yun? Ernan : Diwang alipin. mga nobela. kapangyarihan. Hindi gahaman sa salapi‘t karangalan. binaril – Ernan: Iba ang kanyang panahon. Ang totoo‘y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao. Tony: Ke buti n‘yo! . – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‗ko sa pagkakabilanggo.Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo. . Binayaran ko lang yung multa. Pasalamat tayo‘t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider. tabi ? … Ernan : Nakakaisang taon na ako. agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin. sisenta na. Baka tawanan. Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena. Mang Ernan. Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi. Bok. Pag – aaralin din daw ako. Hindi mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.

gandang pamagat! Bagay ba bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. kung… Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber. Doming: Sang tanong. Malakas ang aking komisyon. Doming …. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming. Yawa. bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK) Doming Ako‘y ahente ng seguro. Ernan Ang binigkas mong tula‘y – Tony Pilipinas. Tawanan na naman. Nagagawa bang makata? Ernan: Isinisilang sila. At marami pang iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim! Tony Sana‘y mabasa ko ‗yon! … Ernan Bibigyan kita ng sipi. Sa kusina hako nagdaan.) Tony: Maiba ‗ko. ber. Doming! Gin istorya mo naman pare…. . Maalala ko nga pala! Di ba‘t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente? Tony: Ako nga ho. Sang haraw. Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee. Magugulat pero matutuwa ning asawa o. Ernan Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo‘y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito. dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Nagdilim hang aking tingin … . (Tawanan) Pano ngani? … Mi trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . Tony Sinag sa Karimlan? Wow. At marami pang iba. Ang liwanag! Ernan Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Pero hanong nakita ko? Sus. buat sa hisang prubins‘ya hay muwi ako dail sa bagyo. sabi ko. Mag Ernan. ke gandang tula. hang asawa ko‘tmatalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Alam kong kayo‘ng gumawa niyon. Doming Hanong pamagat? Ernan Sinag Sa Karimlan. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim! Tony Sana‘y mabasa ko ‗yon!… Ernan Bibigyan kita ng sipi. Ba‘t kayo naospital? Ernan: Hindi naman. . Mang Ernan.

Kinuha s‘yang mag-hartista. Bok (May pananabik) Ber. Ba. Ernan Tungkol sa kaibigan. hano? … Ikaw. ang nagsabi niyon? Ernan Si Balagtas. Bok A. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Pumapatay! Bok Asan ngayon ang imong misis Dom? Tony Magsasama kayo uli? Paglabas mo? Doming Indi na. Doming …. Daming kataksilang nangyayari! …. ang imong waswas ? Seksi? Doming Para sa haki‘y siyang pinakamaganda sa ‗ming bayan. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko. iho.‖ Dahil sa kagandaha‘y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. totoo ring lumalason ito. binata rin? ‗Wag kayong pakakasal sa masyadongnapakaganda.) Binata ka pa. ang ―Sisme ng Panginay‖ Doming Hang sama.Binaril ko‘ng traydor nang tumalon sa (Mapapasandal sa dingding pagkatapos). ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig. Ng pagpapalaluan. mahihiga na siya‘t magbabalot ng kumot. (Magbububuntunghininga) bintana… Napatay ko siya. Sadyang mahirap silang harapin. Daming pagkakaibigang napuputol. Hisinusumpa ko! Bok Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga? Doming Wala. sabi nga ni Bok.) Tony Pa‘nu hu makikilala ang tapat na kebigan? . Tony. pagkukunwari. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa… padrino. Ito‘y para rin sa mga sinamaang palad.‖ Sino nga. ―Yung panganay namin ay namatay sa eltor. Mang Erman. Ernan Nakikiramay kami sa ‗yo. ng loob ko‘y ‗yung pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang… (Haharapin si Tony. hm… Ernan Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na ―A thing of beauty is a joy forever. Kung totoong nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan. Bok. p‘wee sa akon gano. Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon? Doming Hewan ko nga ba. Marami kong naging karibal sa kanya! Tony ―Tapat ang puso mo‘t di nagunamgunam na ang paglililo‘y nasa kagandahan . Alam mo Tony.

Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. padre. Tony Sadyang walang unang sisi. anak.… pa‘no po ngayon . Padre.. Padre maaabsen ako sa ‗ting klase? P. sa braso! May blak-ay ka! Bok (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‗yan. Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony. a… Natutuwa ako‘t hindi ka naganyak sumama kagabi. hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‗kin! Gayundin ang ke Direktor. P. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony.‖ Tony Me kunwari‘y nagkakawanggawa. P. Nang pangungulila. subalit …. nagnobena. May – Ernan ‗ – nagmamalukong ay kubaw. Tony . totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! . Abena Magandang umaga sa inyong lahat. E-e-e. Padre tay-pa na . may nagmamatulis ay pulpol. Magpakasakit. ke bui-buti n‘yo ! … Siyanga pala. Tony P‘wera bola. Tony Paris ni Damon at Pityas. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre. Abena Ow. ke Mang Ernan. kami ng maybahay ko‘y labing limang taong umasa.Ernan Maraming paraan diyan.buhay. Tony Padre. ang sinabi ni Tony. Tony Padre. Abena Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok. huwag mong intindihin yun. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat. Ganon nga ‗ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin. Ang napakupkop ay tinatangkilik. Mag-aapatnapu na siya. Padre. Ernan Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration o pagbabagong . . Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Lagi siyang handang magbigay. Tony Totoo po‘ng sabi ni Bok. P. Doming Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. si Mang Ernan‘y ibig ding … Wala raw silang anak. ano ho ? … Ba‘t nga kaya napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . Ernan (Maagap) Totoo. Nakasutana siya. pero saan ba‘y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan. anak. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Gayunma‘y kung may usapan na kayo‘y … Padre. namintakasi upang mag-kaanak. At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gatimpala. Isa siya sa pari ng Bilibid. Nang pangangailangan. Abena Salamat.

Tony ( Sa sarili) Ke bait niya. Natutuwa ako‘t kayo‘y – Tony Padre. Pagdating naamn ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. Sana‘y paris niya ang lahat ng alagad ng panananampalataya … Pero. pangbayan. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Pananalumpati.P. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. pangkultura … May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika. ano ho ba‘n – Ernan A. ako‘y peryodista. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali… Ernan Sadyang mabait si Padre Abena. Tony Paumanhin ho. Abena : Mabuti kung gayon. Ng pagsulat. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. May lambong ka pa ng karimlang … A. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana. ayan na‘ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. anak. At matalino. huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito‘y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital . Matulungin. Maiba ako. Buweno. di na nga bale. Padre. (Susundan ito ng alis . Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) ―Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‗ko sa uhaw! Tubiggg! P.) Lahat Adyos.Tony? Tony Sabi ng doctor e di naman daw napinsala ang aking bituka. Hindi iintindihin ang may paghanga‘t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Abena Ikaw ang masusunod. possible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? P. Ilalapag ng simpatika‘t batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut. samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. malalim bang naging sugat mo. Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya makakapiling sa lahat ng oros. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki. Tony (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob. Mapagkakatiwalaan. Abena Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‗yon. Masunurin siya. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may karamdaman) . P. Abena Talagang isa sa marami ang batang iyan . Abena Bakit hindi ? Mabuti nga‘ng gayon at maraming titingin sa ‗yo. tingnan mo. Padre Sinabi ko na seyong wala ‗na akong Tatay! P. Magkakasundo kayo. Magbibigay galang ang lahat. Teka. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Mang Ernan… Bukod sa makata.

si San Agustin . ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming. (Aalis. sir? Tanod Wen adding.. Inggit ako sa imo. Tony Papuna na ba rito.) Tony (Kunut-noo) Sino kaya ‗yon? … Ba. Tony) Doming Baka naman hisang kamaghanak. adding. titingala ngbahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! . Tony Bok.) Bok Jackpot ka.Bok (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kungmagaibig lang siya ngani sa akon. baka maging santo ka rin. Bok. napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. tsk. Tony Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay n‘yo sir? Tanod Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing. Bok (Tawanan) Bok (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama. (Tawanan na naman) Ernan P‘wera biro. idad sa kanya. talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Tony boy! Tsk. Nakakahiya. bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo‘to.) Tanod (Sa may pintuan) Antonio Cruzada! Tony (Itataas ang kanang kamay) Sir! Tanod Miron kang bisita. Yawa. Doming Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ng dati ring tanod.) Magtapat ka Tony. Bok (Mapapabangon na naman) G‘wapo bang imong derpa? Paris mo Tony? . siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon. Doming Kuwarentay singko. yawa. Bok Galalim man ang imonmg Tagalog! Ernan Malay natin. pero … ginsama ang akon record. may pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes. Lalabas sa pintuang pinapasukan. Ernan Baka … Tatay mo na ‗yun.

) Luis : Anak ko. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. patawarin mo ‗ko… Tony: Inuulit ko: wala na akong.Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok.. Pagkunwa‘y ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan.) Luis: (Madamdamin) Tony. bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam) Luis Tony.) Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag! Luis: (Matigigil!) Anak. Sunog ang kanyang balat. Mababasa sa kanyan g anyo na siya‘y dumanas o dumarana ng maraming suliranin. Kung di‘y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‗yung dumarating! (Papasok si Mang Luis. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap. gayunmay halata rinang kanyang kagandahang lalaki. ang ama ni Tony. Hindi ka ba natutuwang ako‘y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya‘t uurong ng ilang hakbang. ang nakilala kong ama‘y anim na taon nang p-p patay ! Tony: Sayang lang ang inyong pagod! Luis : Lalapit pa ng isang hakbang. di mo ba … Ako ang Tatay mo… Tony: (Palibak) Tatay? … Hm. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot. Magaapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin. sa sarili) Pa‘no niya malalamang narito ako? …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n‘yo kami dahil sa ‗sang – . Tiin ang kanyang mga bagang. anak ko! … (Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at ―black-eye‖ niya. ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala‘y walang kibuan ang lahat. Unti-unti siyang lalapitan ng ama. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki nakatanaw ng multo si Tony. anak ko. napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Diyos ko! Ernan Sino man‘yon ay may kapit siya. Kasama niya ang dating tanod. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawang mutya ng anak. may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. ama! …. Tutop niya ang sugat sa tiyan. nakasalamin siya ng may kulay. May kataasan si Mang Luis. magsalita ka. titigil) anak.

Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida‘y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na‘ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko‘y natigil … Ano‘ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasanglasangla kami … At nang lumao‘y wala nang ibig magpapautang sa ‗min … ‗Sang araw e napilitan akong … Nang –agaw ako ng bag. husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na‘ng lahat! … Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‗kin … Baka raw me T. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy! Luis: Buhay ang nanay mo. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Nahuli ako. daling sirain… Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay … Tony: (Patuya) Ba‘t di kayo bumalik senyong magandang kerida? Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n‘ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan kong isip. . Magaling na siya. Makapangyarihan. anak…alam mo bang limang buwan kitangpinaghahanap? … At nang malaman kong narito ka‘y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ngparole. nabarkada. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha‘t mistulang korderong ama.amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong – Luis: Nahihilam na sa luha) Tony. Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. hanggang … Natuto ako ng iba‘t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa ilalim ng tulay … Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‗yan. Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Tony! Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. rin ako … Ako‘y naging kanto boy.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‗ming magiina kung kayo‘y tumupad senyong tungkulin?… Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman ! Tony: Pangako. Naglabas-masok ako ro‘n … Nang magdisiotso ako‘y heto … Magdadalawang taon na ‗ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . B. nang dumating ako at . hm … Daling sabihin. anak. Nagyo‘y – Tony: Huli na ang lahat! Luis: Ang sakit mong magsalita. Nagkita na kami. Subalit ….

Titigil sa may pintuan upang linguni‘t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Siguro‘y maaampat ‗yan.Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos! Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n‘ya ako. Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‗yan. kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Naroong pisilin ang mga kamao. naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak. Naroong pisilin ang mga kamao. Doming: Sabagay. iho. Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan. Wala namang imikan ang nangamamasid. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa‘y walang kibong lalabas. Magkakatitigan sina Mang Ernan. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan. ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa sumama sa senyo! Luis: Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Bok at Doming. Tony: Mang Ernan. Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Sa bahaging ito‘y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga‘t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. ay batbat ng batbat ng iba‘t ibang uri ng pag-subok.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti‘y mahiga ka. Pagkuwa‘y walang kibong lalabas.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.) Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay. Sa sandaling ito‘y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. hakuman ‗yang nasa lugar ni Toni‘y – hewan ko nga ba … . Tony. magsamasama tayong muli! Tony: Mahal ko si Nanay. mabilis na lalapitan ang anak. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.) Patawarin mo ‗ko. Anak. walang malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Durugo ang bibig ng huli. naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak. (Titindig at aakbayan si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan. Iigtad naman si Tony. kayo man ang nasa lugar ko‘y – Ernan Nauunawan kita. anak! Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod. Ang tagumpay.

Mabait at masipag ang batang ‗yan. Pag sinuway mo ‗koy … Sige ka.) Nars: Sariwa pa‘ng sugat mo. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Walang imik silang magmamasid. Magpapalitan sila ng ngiti.) Nars: O. sa sarli) A.) Doming! Bok! Pakitawang n‘yung dokdok! O nars! Madali kayo! … Bok: Hindi pa rin mababakla. Abena. ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan. Abena at Mang Luis. hahanda siya sa pag-alis. kaya huwag ka munang magsalita nang malakas.) Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin. ― ano ho? Pero.) Tony: Maraming salamat. tapos na. Be good. hayan . kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi. Lyd? A. (Pipikit dapwat muling didilat. Paris mo… . gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit – Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig.Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! …. L-Ly – Miss Reyes. hm… Tony: Okey. hindi titinag) Bals –wals ‗yan! Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa‘y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Ang isang maganda pang bahagi‘y ‗yung … ―Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … ― Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing ―Lumimot at magpatawad. ha. Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang teheras. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. Tony? Promise? Tatango ang binata. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. At huwag kang magpapagalaw ha. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari. Tony? Tony: Paglabas ko rito‘y pupunta ‗ko senyong bahay. sana‘Y – Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan) Pagkaganda –ganda nga ng ―Panalangin ni San Francisco‖ … Bathala. Masusulyapan si P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Miss Reyes pala! Nars: Sabi na‘t puwera muna ang salita.) P. ha.

Mapapatango siya. Masuyo. Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Abena. at halos hindi humihingasina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. nakapagpapatawad…. mapapaluha rin ang lahat . nakiusap siyang Tony: Malilimutan ang lahat. Saglit na titigil. Miss Reyes. sa ibang tinig) Anak. Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi‘t mapapatungo ng marahn.Tony: Siya nga po ang babaing handa kong … Bok: (Makahulugan ang ngiti) tingin ko‘y ayos na Silang dal‘wa. kay Tony. Nars: (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli‘y. titingala ng bahagya at pangiting bubulong. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Abena : Hindi masama Pabor ako. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan. Padre.) . Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. madamdamin. Ly – est.0 P. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga. subalit maagap namang maaalayan si Tony. Ngayo‘y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. Magaling sa sikolohiya. Mauuntol ang balak niyang paglapit. mapapabagong bigla‘t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Si Mang Luis naman. naroon pa rin sa may pintuan. Dahan-dahan siyang lalapit a bunsong ngayo‘y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Katulad ng dalawa. ang tatay mo‘y … nagkita kami. marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya‘y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang magama. At sa isang kisap-mata‘y mayayapos siya ng kanyang ama. mahaba ang kanilang pagyayakap. Walang kaurap-kurap. ay mapapabuntunghininga‘t mapapakagat labi Sa namamalas na katigasan ng anak. tamo si Miss Reyes. Ganap na katahimikan . Matagal silang magkakatinginan.) Nars: Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. Marahan na lang siyang mapapailing. Abena: (Makahulugan) Anak. P. Sige. di ba‘t sabi ko sa‘yo‘y huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo‘yo? Tony : Patawarin mo ‗ko.. (Hindi tutugon si Tony.

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful