You are on page 1of 25

Makabago

ba ang konsepto ng globalisasyon o pandaigdigang kalakalan? Madalas na itinuturo na ang globalisasyon ay isang modernong penomena sa daigdig. Limitado o hindi tugma ang ganitong pagtingin. May malawakang pakikipagkalakalan naa ang mga mamamayan ng ibat ibang kultura. Lumitaw ang mga lahing Arabo, Indian, Tsino at Malay bilang pangunahing mangangalakal sa Asya bago nagsimula ang panahon ng kolonisasyon noong ika-16 ng siglo.

Nagbago

ang anyo ng malawakang kalakalan sa Asya sa pagpasok ng mga Europeo bilang mga mananakop. Inagaw ng mga Europeo ang kontrol ng mga kalakal mula sa mga mangangalakal na Asyano. Rebolusyong Industriyal sa europa noong ika19 ng siglo, lumakas ang pangangailangan sa mga hilaw na sangkap o materyales para sa pagawaan sa Europa. Hindi naging kolonya ang China, hindi ito nakaligtas sa pinsalang dulot ng kolonisasyon. Sapilitan itong pinalagda sa di-pantay na kasunduan na pabor sa interes ng mga kanluranin.

Noong

1990 lang nabawi ng China ang Hong Kong mula sa England. Noong 1999, nakuha niya muli ang Macao mula sa Portugal. Magandang halimbawa nito ang ugnayang neokolonya ng Pilipinas at United States na magbabakas sa sumusunod na mga pangyayari matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig:

Pagpapatuloy na malayang kalakalan ng dalawang bansa; Pagkatali ng halagamng piso sa dolyar; at Pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Amerikano na makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas at mamuhunan dito. Neokolonyal ang tawag sa estadong ito kasi tunay nga siyang makabagong kolonyalismo. Malaya na ang mga Asyano subalit wala pa rin silang ganap na kalayaang pang-ekonomiya o magdesisyon para sa sarili nila.

Habang

napasailalim ang halos buong Asya sa kolonyalismo, may iba namang daan na tinahak ang Japan. Inaangkop niya ang mga ito sa kanyang kultura at lipunan. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, nagbago ang hangarin ng Japan na binatay sa tinawa na Doktrinang Yoshida. Sa pag-unlad ng kanyang ekonomiya, nangailangan siya ng kolonya na tutustos sa pangangailangan niya sa hilaw na materyales at pamilihan.

Ipinangalan ito kay Yoshida Shigery ang punong ministro ng Japan na nakipag-usap sa United State matapos ang digmaan. Ito ay nakasaad sa konstitusyon ng Japan noong 1946 at Mutual Defence Treaty ng 1951. Ang huli ay ang kasunduang pansiguridad sa pagitan ng Japan at United State. Sa kabilang ng kasunduang pansiguridad sa pagitan ng Japan at United State, pangunahing kapalitan ng kalakalan ng o trading partner ng Japan ang China noong dekada 1960. Dalawa sa mga nagging patakaran ng pamahalaang Hapones ang pagbigay ng suporta sa mga industriyalistang pagbabago istraktural tulad ng repormang agraryo.

-Panguhaning modelo ang China sa sosyalistang pamamahala sa Asya. Kontroladong Chinese Communist Party (CCP) ang pagpapatakbo ng pamahalaan at ekonomiyang China.

Layunin

ng sosyalistang pamahalaan na maisulong ang interes at kapakanan ng nakararaming mamamayan na binubuo ng mga magsasaka at manggagawa. Nagsimula ang mga pagbabago sa mga sosyalistang patakaranng China sa kapanahunan ni Deng Xiaoping noong 1978. Sa kabila ng pagpasok ng China sa pandaigdigang kalakalan, hindi ito naging hadlang sa katatagan ng sosyalistang pamahalaan at kahalagahan ng pag gamit ng wikang Tsino bilang lenggwahe ng kalakalan.

Inilunsad niya ang programang Four Modernization na nakatuon sa mga reporma tungo sa pag-unlad ng ekonomiya at modernisasyonng bansa.

Bahagi na rin ng pang araw-araw na buhay ng mga Tsino ang mga simbolong kapitalismong Amerikano tulad ng Coke, KFC at Mcdonalds.

Huwaran

sa mga Asyano ang karanasan ng mga Hapones sa mga programang pangekonomiya nito. Pangunahin na rito ang South Korea, Hong Kong, Singapore at Taiwan nanagpatupadngmgarepormang pangekonomiya noong unang dalawang dekada matapos ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Sa South Korea at Taiwan, pundamental na pagbabagong istraktural ang ipinatupad na repormang agraryo.

Layunin nito na itaas ang kakayahang gumastos ng mga mamamayan. Samantala, sa pamunuan ni Punong Ministro Mahathir Mohammad ng Malaysia noong dekada 1980 Ipinahayag niya ang kanyang programa na Look Eas t na nagpahalaga sa karanasang pangekonomiya ng Japan at ibang mga bansang Asyano bilang modelong kanyang patakarang pang-ekonomiya. Noong dekada 1990, ang Malaysia ang unang bansa sa Timog Silangan Asya na nakagawa ng sariling tatak ng koste na tinawag na Proton.

Sa

unang tatlong dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakatuon ang maraming bansang Timog Silangan Asya sa pagpasa ng mga makabayang patakaran. Nagbago ito sa huling dalawang dekada. Naiba ang direksyon ng mga programang pang-ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon. Nakasentro ito sa malawakang pagtanggap ng dayuhang kapital.

Pangunahing

panghikayat sa pagdagsa ng mga kompanyang Amerikanot Europeo sa rehiyon ang mababang pasahod at murang gastusing pang-operasyon Sa kasalukuyan, himpilan ng mga kompanyang multinasyonal ang Singapore, Thailand, Malaysia at Pilipinas.

Makikita

ang samut saring larawan ng paandaigdigang kalakalan sa asya. Hawak ng mga bansang Arabo sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait ang malaking reserba ng langis sa daigdig. Kasapi ang tatlong bansang ito sa Organization of Petroleum Exporting Countries o OPEC na siyang nagkokontrol ng presyo ng langis sa pandaidigang kalakalan

Dahil

sa paglakas ng ekonomiya ng mga bansang Arabo, dumagsa sa kanila ang mga dayuhang manggagawa mula Pilipinas, Thailand, India, Pakistan, Sri Lanka at Indonesia. Bukod sa langis, kontrolado ng mga bansang Asyano sa pangunguna ng Thailand, Vietnam, China at India ang pagluwas ng bigas sa pandaigdigang kalakalan. Hawak din ng mga bansang Asyano ang ibang mga pangunahing kalakal sa pandaigdigang ekonomiya tulad ng tsaa sa Sri Lanka at goma sa Malaysia.

Mahalagang papel ng ginampanan ng mga bansang industriyalisado sa Asya sa pandaigdigang kalakalan. Nanguna ang Japan at South Korea sa pagluwas ng mga podukto na mahalaga sa elektroniks. Transportasyon, komunikasyon at ibang larangang industriyal. Sa India, mahalagang pansinin ang pag-unlad ng lungsod ng Bangalore bilang sentro ng information technology. Sa Pilipinas, nagsulputan naman ang mga call center na pinagmumulan ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Lumakas

ang ugnayan ng mga bansa sa pagtatag ng mga organisasyon tulad ng:


Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 1967. South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC) noong 1977 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong 1989.

Sumunod

na tagumpay ng European Union, pangunahing adhikaing pang-ekonomiya ng ASEAN ang pagpapatupad na ASEAN Free Trade Area (AFTA) sa susunod na dalawang dekada.

ASEAN

Free Trade Area o AFTA. - layunin nito na mapag-isa ang mga patakarang pang-ekonomiya ng mga kasaping bansa upang makagawa ng isang pamayanang ekonomiko sa rehiyon. Mahalaga naman ang SAARD bilang forum sa dalawang nagtutunggaling bansa sa Timog Asya---India at Pakistan--- na may hawak sa ekonomiya at usaping seguridad ng rehiyon. Layunin ng APEC na maisakatuparan ang bukas at malayang palitan ng mga produkto at serbisyo alinsunod sa mga patakaran ng WORLD TRADE ORGANIZATION o WTO.

You might also like