You are on page 1of 2

Isang Dipang Langit ni Amado V.

Hernandez
Akoy ipiniit ng linsil na langi hangad palibhasang diwa koy pilitin, katawang marupo, aniyay pagsuko, damdamiy supil na;t maihiin ay supil Ikinulong ako sa kutang malupit; bato bakal punlo, balasik ng bantay: lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha , maramot na birang ng pusong may sugat watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susiy walang makalapit sigaw ng bilanggo sa katabing muog, anakiy atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapoy tila isang tanikala na kalakaladkad ng paanang madugo, ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsay magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong inilwa ng dilim. Kung minsan, ang gabiy biglang magulantang sa hudyat--may takas!--at asod ng punlo; kung minsay tumangis ang limang batingaw, sa bitayang muog, may naghihingalo At ito ang tanging daigdig ko ngayon-bilangguang mandiy libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay koy dito mapipigtal. Ngunit yaring diway walang takot-hirap at batitis pa rin itong aking puso: piitay bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang taot Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilyay may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay . . . layang sasalubong ako sa paglaya! Bartolina ng Muntinlupa Abril 22, 1952