You are on page 1of 9

GEOGRAFILM | GEOG1_NI_JAYSON

REPLAY
ni Mary Ann Malig-On

Ein Magtaas | V Manalo | Jasthine Mathias | Yna Mendez | Lara Pacumio | Mary Ann Malig-on

Characters: TRIXIE - narrator CARLITOS/ITOS - protagonist SAMANTHA SAM CABRERA wife of Itos MONICA/IKAY first love of Itos RIA sister of Itos CHE CHE bff of Sam DR. SANTOS SCENE 1 BEDROOM WITH A STUDY TABLE (evening) Papasok si Trixie ng kwarto, pupunta sa kanyang study table at titingnan ang isang picture frame. Di pa ipapakita kung ano ang nasa larawan

TRIXIE: Naalala ko pa rin siya. Naalala ko pa rin ang mga yakap niya. Ang Pagmamahal niya. Ang mga matatamis niyang ngiti. Sana naghintay ka pa.. kahit ilang segundo pa.. Sana hindi ka na lang umalis.. Sana nandito ka pa.. kailangan kita.. (maiiyak)

SCENE 2 PUNO (day, preferable sunset) Dalawang matalik na magkaibigan, sina Itos at Ikay, nakaharap sa isang puno nakataas ang parehong kanang kamay na tila nanunumpa. ITOS & IKAY Pinapangako ko.. IKAY (nakatingin kay Itos) Mahahalin kita ITOS at walang iwanan IKAY Saksi ang punong yan sa pangako ko sayo.. ITOS (maglalabas ng singsing) Tanda naman ito ng pangako ko. (Magyayakapan ang dalawa)

SCENE 3 SCHOOL (day) Mabibilis na naglalakad si Ikay, hahabulin siya ni Itos.. ITOS Aalis ka raw? IKAY Oo. Sasama ako kay Tita Jenny sa Canada. ITOS Bakit!? Nangako tayo diba? Walang iwanan?! IKAY Itos, kung tayo talaga ang para sa isat isa.. tayo talaga. Kailangan ko to, sana naman maintindihan mo. ITOS Pero kailangan kita.. IKAY Im sorry. (isasauli ang singsing sabay aalis)

SCENE 4 PUNO (day; preferable sunset) Habang paalis si ikay, si Itos ay bumalik sa puno kung saan madalas sila magkita ng kasintahan. Umiiyak.. labis na nasaktan sa pag-alis ni Ikay.

SCENE 5 SIMBAHAN (day) After 15 years, makikita si Itos sa harap ng altar, hindi mapakali, tingin ng tingin sa kanyang relo tila may hinihintay hanggang sa kukunin sa bulsa ang kanyang phone. ITOS Hello babe? Asan ka na? (hindi mamalayan na nasa harap na ang hinihintay) SAM Babe! Dito na ko.

ITOS (dadalhin si Sam malapit sa altar) Ms. Samantha Cabrera.. (unti-unting lalapit ang mga batang may hawak ng tig-iisang papel na bumubuo sa phrase na WILL YOU MARRY ME?) SAM (bakas ang pagkagulat, hindi mapipigilan ang pag-iyak sabay tutungo na tila pagsang-ayon.) Magyayakapan ang dalawa habang nagpapalakpakan ang mga bata.

SCENE 6 PUNO (day) Si Ria at si Itos masayang nag-uusap sa may puno, nang biglang dumating si Monica galing Canada. RIA Kuya !! Look whos here. ITOS (magugulat) RIA (bubulong kay Monica) Go ate Ikay!! Boto pa rin ako sayo kaysa dun sa Sam. (kay Itos) Maiwan ko muna kayo Kuya. IKAY (lalapit kay Itos) Ria.. Salamat! ( pagmamasdan ang puno) Grabe ang tibay ng punong to! ITOS So bakit ka bumalik? IKAY Kasal kana daw? ITOS Kaya ka bumalik? IKAY Bakit di mo ko hinintay?

ITOS Monica, sabi mo nga di ba kung tayo talaga ang para sa isat isa tayo talaga pero hindi eh. IKAY Pero mahal pa rin kita... ITOS Anung gusto mong gawin ko, mahalin ulit kita!? Darating si Sam kasama ang bff niyang si Che at maaabutang magkasama si Ikay at Itos. CHE (nakatingin sa dalawa habang kinakausap si Sam) Grabe Sam! Nanuod ka ba ng No Other Woman? SAM Hindi, baket? CHE Sabi kasi dun, ang mundo daw ay parang isang malaking Quiapo: maraming snatcher, maaagawan ka.. SAM ( kay Che) Nako, tumigil ka nga dyan! (kay Itos) Babe! Halika na.. nandyan na mommy mo.

SCENE 7 KALYE (night) Habang patawid si Itos sa kalsada hawak ang isang bouqet ng mga bulaklak, mapapatigil siya sa gitna habang paparating ang isang sasakyan na may ilaw. Ipopokus ang camera sa kamay ni Itos na nakahandusay sa kalye, ang mga bulaklak malalaglag mula sa kanyang kamay.

SCENE 8 OSPITAL Sa loob ng kwarto nagbabantay si Ria. Dadating si Sam at Che. SAM Babe! (umiiyak)

ITOS (magigising) Sino ka? SAM (magtataka) Ako to si Sam! ITOS (maguguluhan) Darating si Monica IKAY: Itos! ITOS (ngingiti) Ikay... namiss kita! Magtataka ang lahat. CHE Hay, ang pag-ibig talaga parang Algebra: Parating panggulo ang x at laging may tanong na y. Tsk. SAM (walkout.) Maguguluhan si Ria. Sesenyasan ng doktor si Ria. Pupunta si Ria at si Dr. Santos sa opisina ng doktor. OPISINA NI DOCTOR SANTOS RIA Dok! Anu po ang nangyari kay kuya? DR. SANTOS Nagkaron siya ng isang Selective Amnesia. A type of amnesia when a person forgets some events. Sa case ni Carlitos, maaring yung time na nagkakilala sila ni Sam ang nawala sa memory niya. SAM Ha? Anu po ang pwedeng gawin naming para mabalik yun alaala niya?

DR. SANTOS Sa totoo lang , hindi ko masasabi ngayon kung kailan magbabalik ang alaala niya o kung magbabalik pa, pero makakatulong kung ibalik mo siya sa mga lugar na may ibang kahulugan para sa inyong dalawa.

SCENE 9 PARK (day) SAM Babe, alam mo, dito tayo unang nagkita. Bigla mo na lang akong nilapitan nun tapos hiningi mo yung number ko. Tinarayan pa nga kita eh pero binigay ko din kasi ang kulit mo eh! ITOS (walang imik) CHURCH (day) SAM Babe, dito tayo nagpakasal. Ginamit mo pa nga yung mga batang nagtitinda sa labas ng Sampaguita nung nagpropose ka sakin eh. Ako na yung pinakamasayana babae nung araw na yun. Ito oh! (ipapakita nga wedding ring) Dito tayo nangako sa Panginoon ng panghabangbuhay na pagsasama .. ITOS (maiirita hanggang sa sumabog na ang damdamin) STOP IT!!! Sandie.. ahh I mean Sam? Its not working. (aalis) SAM (hahabulin si Itos, haharangin niya) Nasasabi mo lang yan ngayon, pero alam ko maaalala mo rin ako! Tutulungan kita! ITOS Wala nga kong maalala! Pahihirapan mo lang yang sarili mo masasakatan ka lang. SAM Maghihintay ako! Wag mo kong iwan. Nakikiusap ako.. Mahal kita. ITOS Im sorry pero kung mahal mo talaga ako .. let me go.. SAM (mapapaluhod pero hahayaan si Itos na lumayo)

To the rescue si Che, lalapitan si Sam.. CHE Hay! Ang pagibig talaga.. parang Boxing.. pagdi ka sumuntok at lumaban, masasaktan kana .. TALO KA PA!

SCENE 11 PUNO (day) Magkasama sina Ria at Ikay. Dadating si Itos RIA (kay Itos) Kuya , buti na lang at dumating ka,, kanina ka pa niya hinihintay eh. (kay ikay) Ate nandito na siya! Enjoy! (kikiligin, aalis) Magkukulitan sina Itos at Ikay hanggang sa.. sasakit ang ulo ni Itos. IKAY Carlitos, anong nangyayari sayo?!?

SCENE 12 PARK AT SIMBAHAN (day) Babalikan ni Itos ang mga lugar kung saan siya dinala ni Sam. Pilit inaalala ang nakaraan.

Scene 13 SALA NG BAHAY Limang taon ding nagsama sina Monica at Itos, ngunit ang pagsasamang ito ay tila isang malaking katanungan kay Itos, dahil sa matagal ng gumugulo sa kanyang isipan.. IKAY Itos, mahal mo ba talaga ako? ITOS Naguguluhan na ako. IKAY (hahawakan ang kamay ni Itos at ilalagay sa dibdib ni Itos) Pumikit ka.. wag kang mag-isip ng kahit ano basta pakinggan mo lang yang puso mo.. kung ako yan stay with me pero.. ITOS (mumulat at titingin kay Ikay) Its not you.

IKAY Then go.. bilisan mo.. baka naghihintay siya.. ITOS (yayakapin si Ikay) IKAY (pipigilan ang pag-iyak ngunit bakas sa mukha ang lungkot)

SCENE 14 SIMBAHAN (sunset) 5 years after, bumalik si Itos sa simbahan kung saan niya pinakasalan si Sam. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay naabutan niya itong wala ng buhay. Nagpakamatay siya. Lalapit si Itos, puno ng pighati atpagsisi. Yayakapin niya ng mahigpit ang minamahal sabay maririnig ang isang tinig mula sa di kalayuan. YOUNG TRIXIE (tatakbo papasok ng simbahan, matutulala kina Ikay at Itos) MOMMY!!!

SCENE 15 BEDROOM WITH A STUDY TABLE (evening) Si Trixie ay matatapos na sa kanyang isunusulat. Hahawakan niya ang picture frame. Trixie Yun ang una at huling pagkakataong nakita ko silang magkasama. Yun din ang huling pagkakataong nasabi kong mahal ko sila. (titingin sa bintana) Mommy miss na miss na kita. Natapos na ang oras. Kahit sino walang magagawa upang mabalik pa yun. Oo maraming bagay sa mundo ang pwedeng i-fast foward, pwedeng madaliin... (yayakapin ang frame na nakaharap sa camera ang larawan) pero di lahat pwedeng i-replay.

END

You might also like