PEBRERO 29 , 2012

MIDDLE EAST NGAYON

3

Matagumpay na naidaos ang parangal sa mga natatanging tagapagtanggol o ang Awarding of the Top Defender 2011 ng Reformed and United Guardians Brotherhood International, Inc. (R.U.G.B.I.I.) noong ika- 24 ng Pebrero 2012 sa Royal Taste Restaurant, Salwa Road, Doha, Qatar. Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Manuel “NCF STALLION” Camato bilang “Defender of the year 2011”, Christopher “FRMG TOPHER” Ordinario bilang ‘Defender Founder of the Year 2011”, Dominador”JACCL” Llanita Jr. bilang “Defender Officer of the year 2011”, at si Manny “MANNY” Soriano II bilang “Defender Operative of the year 2011”.

Top defenders pinarangalan
Mga pinarangalang namumuno ng R.U.G.B.I.I.
Ang pagbungad na salita ni Karl Reynald “FRMG KR” Musa ay sinundan ni Neil ‘FRMG NEIL” Sobrevega sa History ng Guardians. Kasunod sina Benito “FRMG BENJIE” Villocero at Walter “YRESH” Biete, Jr. sa pagbalangkas ng ‘Guardians Code of Ethics at ng Code of Conduct.” Nagbigay ng awitin sina Ursus “FRMG CALI” Sales Jr. at si Karl Reynald “FRMG KR” Musa. Mga mensahe ay nagmula kina Rene “NCF RML” Lloren, Founder Committee President sa Qatar at kay Camato, Founder Committee President sa Middle East at bilang R.U.G.B.I.I. Defender Head Founder. Ang okasyon ay pinagtulungang magampanan nina Mildred “AB MILES” Ngoaban ng R.U.G.B.I.I. Stone Advisory Body at Larry “RMG JHUNLER” Madriaga ng Thunder of Defender Chapter. Sa pagtatapos ay mayroong Karaoke Singing Contest at marami pang mga papremyo ang naipamigay sa gabing yaon. Ang Guardians ay isang (non-profit) organisasyon na ang adhikain ay upang makatulong sa kapwa kapatiran ng hindi lamang sa mga kaguluhan kundi lalo na sa oras ng katahimikan ng bansang mahal. May banal na hangarin sa mga tagapagtanggol ng ating republika katulad ng mga sundalo at mga kapulisan. Maaari ring magbigay ng kaukulang serbisyo sa mga pulitiko, ang mga tagapaghatid ng demokrasya sa ating gobyerno o anumang pagtatanggol para sa mas nakakarami at para na rin sa inang bayan. Ang mga Guardians ay Matapang, Makatwiran, Matatag, Makatarungan, Matalino, Magiting, Matulungin, Matapat, Mahinahon, Mapagpakumbaba, Makatotohanan at may takot sa Diyos. Diablo Squad kung sila ay tagurian noong 1976 kung saan itinatag ni Sgt. Leborio Jangao Jr. na kilala bilang Ama ng Guadians “Supreme Master Grandmaster Founder Abraham” ito sa Parang, Maguindanao. Nakilala din ang mga tinaguriang Dirty Dozen at gayun din ang Magic 5 na pawang mga sibilyang abogado. Kilala rin ang Guardians bilang ‘Mga Matatapang at Matapat na Tagapagtanggol ng Watawat, Kalayaan at Pagkakaisa”. Ang unang grupo na naitatag at narehistro sa Securities & Exchange Commission ay ang Guardians Brotherhood, Inc. o G.B.I.. Ito ay nairehistro noong taong 1984. Sa ngayon ay daan-daan nang sangay ang nakatayo sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas at mundo. Tinapos ang palatuntunan nang malapatan na ng mataas na papuri ang sampung katangi-tanging

Ang sampung Guardians na pinarangalan ng katangi-tanging tagapagtanggol sa taong 2011

tagapagtanggol sa taong 2011. Sa huling mensahe ni Danilo “DANNY” Arevalo, nais pasalamatan ng grupo ang mga sumusunod na sumuporta kagaya ng Al delta OCW Cargo Forwarders, RCBC Tele Money, Al Zaman Exchange, August Sports Tailoring at ang Cocina Filipina Restaurant. (Hango sa Balitang Q. Sundan sa www.balitangq.org)

Isa pang aral sa OFW
Kahit hindi ako isang seaman o Overseas Filipino Worker, nararamdaman ko ang nagsamang hinagpis at galit sa dibdib ng isang 30 anyos na marino na nakapatay sa kanyang nobya at ina nito sa lalawigan sa Isabela sa Pilipinas noong Sabado. Batay sa ulat, halos lahat ng kinita niya sa pagpapatulo ng pawis sa ibayong-dagat ay napunta sa mga pangangailangan ng kanyang nobya. Niregaluhan pa niya ang babae ng bahay at lote para sa plano nilang pagpapakasal at pagsasama habambuhay. Pero bigla siyang napauwi sa Pilipinas nang mabalitaan niyang tatlong buwan nang buntis ang kanyang nobya at takda itong magpakasal sa ibang lalaki na siyang ama ng batang sinapupunan nito. Mali at malaking kasalanan ang karahasang ginawa ng nasabing marino kahit pa sa tingin niya ay naagrabyado siya. Hindi karahasan ang sagot dito kahit pa meron ding kasalanan ang kabilang panig. Kahit pa sabihing tila naisahan siya o niloko siya o nakagawa ng malaking kasalanan ang babae. Siya pa ngayon ang nagdurusa at makukulong dahil sa kanyang ginawa. Hindi na niya mababago ang nangyari. Hindi na niya maibabalik ang buhay ng kanyang nobya at ng sana ay magiging biyenan niya. Hindi naman kasi madadaan sa bugso ng emosyon ang anumang problemang. Lahat ay pinag-iisipan. Tinitimbang. Sabi nga, huli na ang pagsisisi. Kung tutuusin, hindi pa pala sila kasal. Hindi pa niya asawa ang babae. Sana ay hindi siya nagpadalos-dalos sa kanyang mga desisyon. Kung sa praktikalidad ang pag-uusapan, hindi na sana muna niya binigyan ng bahay ang kanyang nobya hangga’t hindi pa sila nakakasal. Sabagay, hindi natin alam ang partikular o detalyeng sitwasyon ng magkabilang panig. Maaaring nasa isang kalagayan sila na kinakailangang isagawa ang isang hakbang o desisyon. Pero ang pangyayaring ito ay isa ring aral para sa iba pang mga OFW na nagsasakripisyong magtrabaho sa ibang bansa at nagtitiis ng matinding pangungulila, kalungkutan at hirap para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay na naiwan nila sa Pilipinas. Dapat nga kasi ay nagiging handa bago magdesisyong makipagsapalaran sa ibang bansa. Handa ang kalooban, isip at puso. Kailangan handa rin ang maiiwan nilang mahal sa buhay. Maraming puwedeng mangyari na hindi inaasahan habang malayo sila sa isa’t-sa sa bawat araw, buwan at taon. Isaalang-alang ang mga kumplikasyong maaaring maganap habang wala ka. Ang nangyari sa nasabing marino ay isa lang sa sari-saring kuwento ng buhay na dinaranas ng mga OFW at ng naiiwan nilang mga pamilya at iba pang mahal sa buhay sa Pilipinas. Napakahaba na ng listahan nito. Karaniwan na dahil sa dami ang mga kaso ng OFW na nawawasak ang pamilya dahil nagkaroon siya ng kalaguyo o kaya naman ang asawa niya ay merong kinahuhumalingang iba sa Pilipinas. May mga anak na naliligaw ng landas o nalululong sa masamang bisyo dahil nasa ibang bansa ang magulang at walang gumagabay. Ito ang isang nakakalungkot sa ating bansa na, dahil sa kawalan o kakapusan ng tamang oportunidad, marami nating kababayan ang napipilitang mangibang-bansa para sa ikakabuhay nila at ng kanilang pamilya. At sapilitan ito. Hindi kusa. Ibig sabihin, hindi pinangarap ng nakakaraming OFW ang lumayo sa kanilang mga mahal sa buhay at makipagsaparalaran sa ibang bansa at magpaalipin sa mga dayuhan. Napilitan lang ang karamihan. Pero, madalas, merong nagiging kapalit ang pakikipagsaparalan nila sa dayuhang lupain. Nariyan nga na may mga relasyong nawawasak. May asawang nagtataksil. Nagrerebelde ang anak. Gayunman, kahit maraming ganito, meron din namang ibang OFW na napanatiling matatag ang pamilya kahit ilang taong nagkawalay sa isa’t-isa. Meron din namang nagtagumpay kung meron ding mga nabibigo. (Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na rbernardo2001@hotmail.com)

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful